Scarlet’s Letters

Prologue

Christmas ball of the prominent families in CDO 

That’s when she saw him first in uncompromising situation. She’s a five-year-old kid then and a silent yet intelligent for her age. Kadalasan sa mga dumalo sa ball ay mga matatanda. Christmas was for kids so they were included. Nakapagpalagayan na ng loob ang mga batang nandoon sa ball at ang batang may singkit na mga mata, magiliw na mga ngiti na kakikitaan ng kakulitan ay tila leader-leaderan sa mga ito. The kids there have their own universe on the two round tables beside each other. Nandoon sila sa Kid’s Corner ng naturang venue.

Except her, a girl in her pigtails and pink small dress was sitting on a chair, her both feet dangling. Two tables away siya sa mga ito at katwiran ng batang isip niya, masyadong maingay at magulo ang mga ito. Mas mabuti pang magbasa na lang siya ng children’s book na dinala niya doon upang basahin. Berry at a young age likes to read books and likes her own company instead of fitting in with other kids and played with them. Nagtataka ang pamilya niya kung bakit ganoon siya, iba sa normal na mga batang naglalaro sa labas ng bahay. It was her choice to stay at home at kung lalabas man siya ay maghahanap lang siya ng reading spot niya o kaya’y mag-isang mag-oobserba sa paligid niya.

Nakita niyang tuwang-tuwa ang mga bata kasama na ang makulit na batang lalaki nang ilapag ng waiter ang slices ng cake. Namimili siya ng sweets na kakainin niya at kasama na roon ang cake na sinimulan na ng mga itong lantakin. A waiter put down a plate with a slice of cake on her table and Berry thanked the young guy who only smiled. Bata pa lamang siya, in-training na siya pagdating sa good manners and right conduct kaya nga behave lang siya sa isang tabi, kaibahan sa ibang bata roon. Nature na sa mga bata na makulit at pasaway minsan, yet not her. She’s too reserved for a child.

Umalis ang batang lalaki sa upuan nito at lumapit sa isang waiter. Kinausap nito ang waiter at nagulat na lang siya nang ito na mismo ang naglagay ng mga basong may lamang juice sa table ng mga ito. Then the boy noticed her because she was all alone in a table. Bumalik ito sa waiter at kinuha mula roon ang isang basong may lamang orange juice.

Berry was holding her book when the boy approached her with his glass of juice.

“Hi, I’m Lirio. Gusto mo ng juice? Heto.” Maingat na inilapag ng batang Lirio ang baso sa table niya.

“Thank you,” halos pabulong na sambit ng batang Berry. Ngumiti ito sa kanya, sumingkit lalo ang mga mata sa dulo at naging halata na ang dimple. Hindi na siya umimik pa kaya nagbalik ito sa lamesa nito kung saan napapaligiran ito ng mga bata. May biglang umiyak sa umpukan na iyon, a kid probably younger than them. Ang batang Lirio ang nagpatahan rito, doing some silly faces and even danced in front of the kid.

Berry ate the cake, tamang-tama lang ang tamis at malambot iyon sa bibig niya. Nalasahan niya ang peanut sa cake. Uminom na rin siya ng juice pagkatapos tinuloy ang pagbabasa. May graphics ang drawing book na dinala niya kaya mas lalo niyang naunawaan takbo ng kuwento. Simple sentences lang ang nandoon bagay na madali lang intindihin.

Minutes passed, someone dropped a spoon. Natuon ang atensiyon ni Berry doon at sa panggigilalas ng lahat. Natumba ang batang Lirio sa upuan nito, coughing. His breathings were getting heavier each passing seconds. Nakaluhod na rin ito sa sahig. Nag-panic ang mga batang nakasaksi. May ibang umiiyak sa tabi ni Lirio, may ibang tinawag ang parents nila. It stirred the adults’ attention. Berry set aside her children’s book and jumped from her seat.

Nagkukumahog na lumapit ang isang babae kay Lirio, kaedad lang yata ng kanyang ina. “Anak! May peanut ang cake. Bakit mo naman kinain? Allergic ka sa peanut. Jusko. Okay, breathe in, breathe out.”

“Mom, masarap po e. Di ko naman po alam na…“Umubo ito. “may peanut.” 

“Ikaw talagang bata ka, pagdating talaga sa pagkain. Wala kang sinasanto. Kaya ka napapahamak.”

Lumapit na rin ang isang matandang lalaki at base sa physical features nito, dito nagmana si Lirio. “Niza, ‘wag mo nang pagalitan ang bata. Dalhin na natin siya sa hospital.” Ito na mismo ang nagbuhat sa anak nito.

“Ang kati, Dad.” Iyon na ang huling narinig niyang usal ng bata bago naglaho ang mga ito doon. The noise from the kids subsided. And the event goes back to its normal atmosphere.

Berry got uncomfortable with the incident so she went to the venue’s garden and resumed her reading. One detail; an allergy, which she remembered from the viewpoint of her kid self.

She glared at the book which contained that detail. Hindi naman siguro siya madaling ma-trace. The memory was a long time ago, almost blurry, maybe for him because she couldn’t forget memories easily. The earliest memory she had was when she was a three-year-old kid. 

Chapter 1

Berry has only days to pack up her things in her workplace. She had this untouchable aura that her colleagues somehow didn’t pry why she resigned. Apart from Harmony, na katabi lang ng cubicle niya at ang kabaliktaran ng personalidad niya. Harmony was too carefree, extroverted and an open book to anyone. Gayonpaman, binibigyan siya nito ng space at hindi siya nito kinukuyog kung saan kasama ang colleagues nila. Buo na ang desisyon niyang lisanin ang corporate world. She wanted to take a break from an eight-hour job. People would think she’s crazy for planning this one without plans of applying for a new job. How on earth does a lady gamble on a decision that isn’t that secure and safe? But would she rather stick to it when she felt like a floating cloud everyday, staring at her paperwork? Doing the mundane routine all over again?

Her salary isn’t enough to make her stick through this corporate life. The rat race. The unfairness and social classes inside the company. It’s inevitable and norms that made her sick from time to time.

May ipon na rin naman siya mula sa mga kompanyang pinagtatrabahuan niya bilang financial employee. Sapat na iyon para makapagsimulang muli. Her mother thought that it’s just a phase in her life, that it would come to a point that she changed her mind. But it’s not. She’s firm with her decision to get out of corporate life. And will never go back again. When her values and principles in life don’t match, then she has to leave. She couldn’t take witnessing actions her mind abhors as well as her heart. She didn’t want her conscience to be compromised.

Marami siyang kailangang tapusin sa trabaho bago siya makaalis nang tuluyan. Even though some higher-ups wanted her to stay, it didn’t change her mind knowing that she couldn’t put her heart into the work she was doing. She didn’t even bite the promotion offers. She wasn’t easily swayed when her decision was firm.

Contentment. Mahirap siyang ma-achieve dahil katambal na rin ng contentment ang happiness. Masaya ba siya sa ginagawa niya ngayon? Hindi. She was tired lying to herself that she’s fine with her work. It was like working only to sustain her basic needs and still felt empty in the end.

Pinagmasdan niya ang mga gusaling nakapaligid sa gusali kung saan siya nagtatrabaho. Her cubicle was empty and she collected her things in a box that’s not quite a handful. Noong ma-approve na ang resignation niya ay araw-araw ay may inuuwi siyang gamit upang hindi na siya mahirapan sa pag-alsa balutan niya. It’s the last day of her corporate life.

Akap-akap ang kahon na naglalaman ng mga gamit niya ay tinungo na ni Raspberry ang elevator. Walang nangyaring despedida party kahit na nag-insist ang colleagues niya dahil mahigit apat na taon na rin siya doon bilang parte ng financial department. Mukha man siyang snob sa mga katrabaho niya na madalang lang sumabay sa galaan ng mga ito afterwork ay wala naman siyang naging problema sa mga ito.

Raspberry sighed and entered the elevator, silently saying goodbye to the building in which she spent eight hours a day.

Nang tuluyan ang makalabas ng gusali ay muli niya iyong sinulyapan. Ang naging buhay niya sa nakalipas na taon simula nang makapagtapos siya ng kolehiyo. Ngayon, hindi na niya iyon babalikan pa. Doubts and possible scenarios rushed in her mind while staring at the building but she ward it off, because this life-changing decision was her way to redeem herself.

Hugging her box of things while waiting for the stoplight to turn red, she watched people coming to and fro from the pedestrian lane. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatayo roon.

Kanina pa niya pinagmamasdan ang mga sasakyang dumaraan doon hanggang sa tila lumabo na iyon sa mga mata niya. Walang bitter goodbyes na nangyari sa workplace dahil wala naman siyang malapit na kaibigan roon. maliban kay Harmony.

Nang makasakay na siya sa taxi at palabo na ng palabo ang gusaling na ngayo’y official nang hindi na siya employee ay tahimik niyang naipanalangin na kung saan man siya dalhin ng hanging ng tadhana, ay sana maging tunay na siyang masaya.

Goodbye, corporate life. 

* * *

It was quarter to six in the morning when he entered the tall building, much to the employees’ surprise, especially those who didn’t get use to his random actions. Eight o’clock ang madalas niyang oras kung dumating doon pero kapag gusto niyang mag-inspeksiyon ay pumapasok siya nang mas maaga pa sa alas otso ng umaga.

Hindi na rin bago sa mga itong nakasuot siya ng casual clothes: cargo shorts and white t-shirt paired with sunglasses and a cup of hot coffee he ordered from a Cafè few blocks away from the building which opens early in the morning. Sinong mag-aakala na siya ang namamahala sa construction company, ang Silver Spade, na subsidiary ng San Miguel Empire, the group of companies? Sa klase ng suot niya ngunit hindi maikakaila ang tindig at aura niya. He has this serious expression on his face, almost cold to some and only raised his hand when some of the employees greeted him.

When he saw his reflection in the elevator, he realized that he looked like a terror dictator and his employees inside the elevator looked like they were dying to get out. Kahit na sa kaalamang nakasuot lang ng casual clothes ang boss ng mga ito. He almost smirked at that but he kept it to himself and maintained his cold aura.

Siya na lang ang natira sa elevator nang makarating sa top floor kung nasaan ang opisina niya, ang ‘home office’ niya kung saan siya nanatili kapag inaabutan na siya ng gabi sa trabaho.

Napansin niyang wala pa si Ciara roon, ang maingay at may pagka-tsismosa niyang sekretarya doon dahil napaaga siya. Bagama’t maingay ang babae ay efficient naman ito at kayang sakyan ang klase ng pagtatrabaho niya. Unang makikita ang opisina nito bago ang opisina niya, masakit sa mata ang mga nakadikit na mga neon notes sa pader kung saan ang cubicle nito. Out of place sa gray, white and black na interior ng opisina niya, very manly.

Dumiretso na siya sa pinto ng opisina niya at binuksan niya. There’s the mahogany table, his nameplate as the CEO and his swivel chair. Pinagmasdan niya ang sikat ng araw mula sa tinted glass wall ng opisina niya, namulsa at sumimsim ng kape niyang bahagya na palang malamig.

Ilang beses na siyang napuna ng ibang kamag-anak niya sa paraan ng pananamit niya sa tuwing pumapasok siya ng trabaho. Kaibahan sa kanyang amang sanay na ganoon siya. Siya lang naman ang bukod-tanging lumiko ng landas sa mga pinsan niya na mukha na siyang ordinaryong tao sa kabila ng pamilyang kinabibilangan niya.

Itinabi na niya ang kape niya’t naupo na sa swivel chair niya, kaharap ang computer niya’t mga papeles. Kabi-kabilang projects, transactions at meetings. Tinatapos niya iyon kaagad at kung may bakante man siyang oras ay binibisita niya ang ibang subsidiaries. He’s not an organized person. Of course, one of the reasons was the artistic streak in him yet he learned the hard to way to compromise that habit of him. Long abandon in his teenage years.

He was busy reading the documents when the door of his office opened. The side of his eyes crinkled as he saw his secretary, holding her clipboard. She’s wearing her usual pencil skirt, blazer, and white inner.

“You’re late,” pasuplado niyang bungad rito at himbis na masindak ito ay ngumiti lamang si Ciara. Nasanay na sa kanya.

“Good morning, boss. Aga natin ngayon ah, gusto n’yong ipagtimpla ko kayo ng kape? Mukhang malamig na iyan,” puna nito sa kape niyang malamig na nga.

“Give me the shortlist,” sa halip ay sagot niya. His eyes were on the papers again, scanning and highlighting the important details in his mind.

“Fine. Here.” Marahan nitong inilapag ang clipboard nito sa lamesa niya na kinuha’t binasa niya. Lirio knew his schedule now but he had to make sure of the important appointments that day. Tumikhim ito’t tumayo nang tuwid. “I already notified the representatives of the departments and probably, they are in the conference room now. And maybe you have to change your clothes now, Sir Lirio.”

Naging malambing ang boses nito sa dulo ngunit may halong sarkasmo. He smiled lopsidedly as he put down the clipboard.

“Wait for me outside. I’ll be there in a sec,” he said. Tumango lang ito na may ngiti sa mga labi at lumabas na ng opisina.

May walk-in closet siya sa loob ng opisina niya kung saan nandoon ang mga damit niya: casual, semi-formal, formal, suits. Three-piece business suit ang sinuot niya. Stripes black and white ang necktie na ilang beses niyang inayos. Ang sneakers na suot niya ay pinalitan niya ng itim na sapatos na ngayo’y nakikipagkompetensiya sa pagiging makintab ng sahig.

Gone are his somewhat jester-self clothes, replaced by his business attire. Sinipat niyang muli ang sarili sa full-length mirror at nang makontento ay lumabas na siya ng opisina niya. Glancing at his wristwatch, he called Ciara. Ciara prompted and followed him, right through the elevator.

Bumukas ang pinto ng elevator pagkarating nila sa palapag kung saan nandoon ang conference room. Dire-direcho lang siyang naglalakad, bahagyang tinatanguan ang mga empleyadong bumati sa kanya. Sa tabi niya ay si Ciara na abala sa pagre-recite ng mga appointments niya ngayong araw.

Nang makarating na sila sa conference room at masilayan ang mga pamilyar na mga mukha ng kompanya, Lirio nodded at them, wearing his blank expression, used to it inside the walls of the company. And he has to do it, looking formidable, formal and strict. Also to exercise power and sharp management and smart decisions among the wolves, sly monkeys and lions of the business world.

This is his life now.

The corporate.

Chapter 2

Raspberry’s first surname was Sanchez yet when her mother and biological father got married, her surname changed when she’s ten years old, a grade five pupil. Kahit ganoon, tingin niya’y di pa rin siya makikilala ng taong may-ari ng pangalang nakapaskil sa isang bondpaper na nakapaskil sa bulletin.

So their paths crossed again and Berry was relieved knowing that he’s in section 3 not in section 2 where she belonged. Blamed her memory for remembering things vividly. Sinong hindi makakalimot sa taong malakas ang loob na lapitan siya nito na may nakapaskil na ngiti sa mga labi sa kabila ng snob at untouchable niyang aura?

“Ayos! Nakapasok ako!” Bahagya siyang nagulantang nang may biglang nagsalita sa gilid niya. Of course, she knew him because her father’s sister house was in the village where Lirio’s family lives. Nakikita na niya ito sa basketball court, naglalaro ng basketball kasama ang ibang bata o kaya naglalaro ng kung ano-ano. He’s an outdoor boy while she’s an indoor girl. “Ate, tingnan mo! Pasok ako!”

“Mas gusto ko pa rin na sa Montessori ka mag-aral,” giit ng tinawag nitong Ate na nakalapit na rin at nakiususyo na rin sa listahan. Napatabi tuloy si Raspberry dahil tapos na rin naman niyang nakompirmang pasado siya sa entrance exam.

“Aish! Ang boring ng private, kaysa dito. Maraming akong makilala tsaka malapit lang sa downtown, Ate. Easy peasy na sa ‘kin pag may gusto akong bilhin,” katwiran nito, unusual sa ibang mag-aaral. Halatang puro laro at pasarap lang ang priority nito pero ito naman talaga si Lirio. Happy-go-lucky. Baluktot naman kasi ang katwiran.

Buti pa nga ito nakapasok kaysa sa ibang examiners na hindi nakapasa sa Day program at inilagak na lamang sa Evening Shift. Iyon kasi ang kalakaran ng entrance exam ng ANS, kapag di pasado ay sa Evening Shift ito malalagay kaya ‘yung iba ay mag-eenroll na lang sa ibang school.

“Heh! Nandito ka para mag-aral hindi para maglakuwatsa, ikaw talagang bata ka. Sabihin mo ‘yan kay Daddy, siguradong ililipat ka niya sa Montessorri,” saway ng Ate nito, na hindi na matandaan ni Raspberry kung ano ang pangalan.

“Mag-eenroll ako rito. Nasa akin na ang mga papeles na kailangan. Hindi n’yo ako maiisahan no? Tuso ata ang matsing!” Nag-flex pa ito ng payat nitong braso.

“Puro ka kalokohan!” Hinampas lang ito ng Ate nito sa may bandang puwit kaya ang ibang nakakita niyon ay natawa. Mukhang napahiya naman si Lirio at gumanti sa Ate niya. Kahit kailan talaga, ang kulit pa rin nito sa kabila ng pagbibinata.

Magdadalaga na rin naman si Berry. They were freshman high school, after all, the start of their teenage years.

“Sayang talaga. Sabay sana tayong papasok sa Science High,” sabi ni Ian nang makalapit ito sa kanya. Pinsan niya at matanda sa kanya ng isang taon. Nasa sophomore na ito ng highschool, sa Science High at eto ang kasama niya roon sa ANS upang alamin ang results. Kay Ian siya nagpasama, ito lang ang nakakasundo niya sa mga pinsan niya at naiintindihan ang preferences at hobbies niya. “Hay, pero kahit ganoon. Congratulations pa rin. Hindi na ako nagulat na nakapasa ka. Aba dapat lang. Science High pa nga, kaya mo, ANS pa kaya.”

Napangiti tuloy siya rito. Not because she was flattered by his words but because she passed the exam. “Thank you, Ian. Mapapagod lang ako sa kaka-commute pag sa Sci High ako kaysa sayo na nasa South District lang naman.”

“Tamad ka lang talaga o ayaw mo lang ako makasama doon,” espekulasyon nito. Tama ito sa ‘tamad’. Ayaw niyang mapagod pa lang sa umaga nang dahil lang sa pag-commute. Baka wala na siyang energy pagdating na ng class hours.

“Di ah, maganda naman dito ayon kay Mama. Dito kaya siya nag-aral noong highschool,” katwiran niya. Napasulyap siya sa bulletin board kung saan nagtipon-tipon pa rin ang mga tao. Mix ng future students at ng mga guardians/parents.

“Treat na kita. Kanina pa ako nagugutom. Tara.” Bago pa man siya makapagsalita ay hinawakan na nito ang braso niya. Sabay na silang lumabas ng gate at nakita ni Berry ang kung anong komosyon sa gilid ng kalsada.

“Ate! ‘Wag na muna tayong umuwi. Ilibre mo naman ako ng pizza oh! O kaya sa Orange Brutus na lang!” reklamo ni Lirio sa Ate nitong naglalakad na patungo sa skywalk. 

“Nahihilo na ako sa dami ng tao. Sa bahay na tayo kumain. Magluluto ako,” tutol ng Ate ni Lirio. Padabog na sumunod si Lirio sa Ate nito dahil wala itong choice.

“Kilala mo ‘yon?”tanong ni Ian nang mapansin siyang nakamasid sa magkapatid.

“Ha? Hindi,” kaila niya nang makabawi. Nagkibit-balikat lang si Ian at napakapit na lamang siya sa braso nito. Puberty kaya tumangkad ito.

Mukhang masasanay siyang makikita sa paligid-ligid si Lirio. Wala namang kaso kay Berry na masaksihan na naman ang kakulitan ng binatilyo. Saksi na siya niyon noong mga bata pa sila at siyempre, hindi siya nito kilala na bagay na mas maiging ganoon na lamang para walang komplikasyon. Maingay ito at magulo, ayaw niya ng istorbo at nakakasira ng concentration kung may magiging kaibigan man siya.

* * *

Berry weighed her options and ideas after she resigned from her corporate job. She was detoxing from the experience she had in the companies and one solution for it is to work in a humanitarian office or center. So she researched possible employers after two months of taking her own time to decide her next step. Her family respected her decision, even though they didn’t believe that she could prosper financially and she doesn’t care about that especially when it’s not her priority. May ipon na siya for emergency purposes, even open bank accounts for her family in case. Berry belonged to a middle-class family and money is not a major problem for them so she’s able to save for herself and her family. Wala siyang pakialam kung ano man ang expectations ng family circle niya, particularly her father’s family who seems to care about their reputation, power, and social ladder when it comes to money. Her mother still braved enough to marry her father despite the family circumstances revolving around her father.

Ang mga ito’y nanatili na sa Cagayan De Oro, malayo sa kanya at tanging ang Kuya Ariel niya, kapatid niya sa ama ang kasama ng mga ito roon. Her younger sister, Freya, was at the Oslob, part of the tourism team. Binibisita niya ito roon paminsan-minsan upang kumustahin ito. Silang dalawa ang natirang single samantalang married na ang Kuya Ariel nila. There’s no rush in her part when it comes to marrying. At the age of twenty-eight, it was still not her priority. Maigi pa rin na handa ka sa ganoong level ng buhay. Yes, marriage and to become a parent is a whole lot level in life, at di iyon mababawi kaagad na parang napaso ka lang.

Berry explored some humanitarian offices, even volunteer offices for the common good, and inquired about vacant jobs.

“You are overqualified, hija,” puna ng ginang sa kanya nang basahin ang credentials niya sa resume. “Are you sure you will work for us?”

Kimi siyang napangiti. Inamin na niya sa may-ari ng Child Hope Foundation, ang may-ari ng NGO na iyon ang dahilan kung bakit ayaw na niyang bumalik sa corporate life na angkop naman talaga sa kurso niya at takbo ng career niya. But that was all in the past chapters of her life.

“Yes.” As much as possible, she wanted to be transparent when it came to this next step of her life. She always used her mind, logic, and rationality over the desires of her heart. He had been taking her heart for granted for a long time.

“This path is not practical, my child but I can guarantee that this is rewarding.” There was a light in the owner’s eyes; that she had found her purpose in life and Berry was positive that this was her way to fill the emptiness in her.

Berry smiled. “I want to work here, bargaining security and financial success from the simplicity and heart of humanity, Ma’am.” She’s willing to risk this time and she knows that it will be worth it.

On that day, she became a part of Child Hope. And will bring hope to women and children.

* * *

“Ang ganda mo, anak. Wala ka ba talagang boyfriend?” tanong ni Teresa, isa sa mga ginang na naroon sa Child Hope shelter.

Sinalinan niya ng sinigang na manok ang mangkok nito: ang ulam ng mga babae at mga batang nasa loob ng shelter. The shelter was built to adopt abused women and exploited children.

Kimi siyang napangiti. “Wala po, Ate Teresa.” Mas matanda ito sa kanya at napabalitang drug addict ang asawa nito kaya ito nandoon kasama ang dalawa pa nitong mga anak. Secured sila sa shelter na iyon dahil hindi basta-bastang nakakapasok ang kung sino-sino na walang permission.

“Ay nako, kung may binata ako na kasing-edad mo ay tiyak na ipapakilala ko siya sa ‘yo lalo na kung pasaway at sakali baka tumino na,” biro pa nito na ikinangiti na lamang niya.

“Ikaw talaga, Teresa. Maaabuso ng mga pasaway iyang kabaitan ni Berry. Bad influence pa,” ani Mira, ang babaeng kasunod sa pila.

“Hindi naman po ako madaling maimpluwensiya,” tugon ni Berry kay Mira, ang babaeng mas bata sa kanya ng ilang taon at nandoon sa shelter upang makalayo sa kaguluhan ng pamilya nito pagdating sa kustodiya ng anak nito. Nandoon rin ang anak nito sa shelter, kapiling ang mga batang tuwang-tuwa sa ulam ngayong tanghalian.

“Ay mabuti iyan, masakit talaga sa ulo ang mga lalaki. Isa silang naglalakad na ego,” hirit pa ng isa sa mga ito at nagtawanan ang mga ito. Lihim siyang napangiwi, hindi talaga maiiwasan na magiging man-hater ang mga ito. Sa mga naranasan ba ng mga ito sa kamay ng mga abusadong lalaki. Still, Berry was neutral about it and she can pacify and shares her insights and views to them. That’s why; Leona, the owner of Child Hope assigned her to be with these children and women every lunch because she can put some sense in them, and influence them.

Ironically, she knew the stories of every woman in the shelter than the identity of her colleagues back in her previous companies. Parang blangko naman kasi sila para kay Berry dahil nandoon sila sa kompanya upang magtrabaho at kumita kaysa sa shelter na samu’t saring kuwento at opinyon ang napapakinggan niya. Magaan din kasama ang mga kagaya niyang employees ng Child Hope kaya naging maayos ang working nature niya doon.

As for now, she can sense that everything will just fall into places. She smiled when she remembered her stay in Daisy’s province. Kung saan nagtatrabaho ito bilang isang guro ng pampublikong paaralan. With the help of her cousin, Ian, she renewed her friendship with her bestfriend in highschool. Si Daisy lang ang maituturing niyang kaibigan na malapit sa puso niya.

* * *

Coat & Summers. Sa restaurant na iyon sila sa magkikita ni Harmony. Nakatanggap siya ng texts nito na gusto nitong mag hang-out naman silang dalawa dahil na-miss na siya nito. Kaya pinaunlakan niya sa day-off niya na nagkataong day-off rin nito. Homey ang ambience sa loob ng Coat & Summers, may hanging flowers doon at dominante ang native materials such as the chairs and the tables, made of varnished wood. May vase rin sa gitna na may lamang fresh sampaguita; emitting a pleasant scent.

Harmony waved at her when she spotted her at a table, near the man-made pond. Kakaupo pa lang ni Raspberry sa upuan ay kakatwa ang ngiting ibinigay ni Harmony sa kanya. Tila nagniningning ang mga mata nito na parang isa siyang gintong nahukay nito sa lupa.

“What is it, Harmony?” direkta niyang tanong rito. Of course, she sensed that Harmony has something to say and it might be important. Ilang beses ba naman siyang ni-text at nag-email pa ito sa kanya. She’s wary of Harmony’s expression in her face.

“Order muna tayo,” paglihis nito at tinawag ang waiter upang mag-order ng pagkain.

“Ito ba ang resulta ng pag-resign mo sa kompanya? You look healthy . . . and blooming.” Sinuyod pa ni Harmony ang kabuuan niya kahit na kalahati ng katawan niya ay natatabunan lamang ng lamesa.

“Oh, ano iyong sasabihin mo sa ‘kin? May naghahanap bas a ‘kin sa opisina? I am not going back. I am contented with my work now,” she emphasized but Harmony just smiled and leaned on the table. Nakatukod ang mga siko nito roon.

“Hindi naman ‘yon ang sasabihin ko.” Sandali pa itong napakurap nang may maalala yata at napangiwi. Tumaas tuloy ang kilay ni Raspberry sa ikinilos nito.

“Ano ba talaga, Harm?” seryuso niyang tanong rito.

“Nagsusulat ka pa rin ba?” maingat nitong tanong.

“Oo naman, nagsusulat pa ako pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang trabaho sa Child Hope,” sagot niya, a bit confuse of where this conversation going.

Malungkot silang mga staffs doon dahil pipiliin lang nila ang mga batang beneficiary nila para sa scholarship ng mga ito. Kailangan pa nilang makalakip ng fund mula sa mga sponsors. Hands-on siya sa trabaho niya kaya doon lang ang pansin niya sa mga nakaraang araw.

“Anong mararamdaman mo pag nakita ang libro mo sa mga bookstores?” tanong nito na mukhang pinag-iisipan nito. Why does her colleague friend suddenly open up about her writing? Nagdududa na si Berry sa takbo ng usapan nila pero hinayaan na lang niya ito. Natuklasan kasi nito ang passion niyang magsulat nang mapansin nito ang poetry na sinulat niya randomly sa tissue paper sa opisina nila.

“Ewan. Happy? I don’t know. Pero mangyayari lang naman iyon pag may ipinasa akong manuscript and I am not planning about it.”

Uminom lang ito ng tubig mula sa bago at ilang sandaling napatulala na lamang. Nagtaka tuloy siya sa inakto nito.

“Anong nangyari sa ‘yo?” tanong niya.

“Wala. Naisip ko lang ang ex ko.” Ano naming kinalaman ng ex nito sa conversation na meron sila? Nagpapalusot lang ata ang babaeng ito.

“Here’s your order.” Napalingon silang dalawa dahil sa lalim ng boses na iyon at isa pa, hindi ito nakasuot ng waiter’s uniform.

Raspberry widened her eyes in surprise when she recognized the face. Kulot ang buhok nito at alon-alon na ang ibang hibla. He’s wearing a plaid shirt and black slacks partnered with a gray wristwatch. Hinding-hindi magkakamali si Berry sa pilyong ngiti nito.

Marahan nitong inilapag ang tray na may order nilang sinigang na ube at dalawang plato ng kanin. Sa isang tray naman ay ang pancit palabok, dalawang lemonade at dalawang slice ng leche flan.

“Klint?” maang ni Berry. Ang makulit na seatmate niya sa English subject na napaka-pakialamero, maingay at tsismoso. Bakit ito ang nag-serve sa kanila? “Waiter ka dito?”

Of course, Berry had an idea that it was beyond being a waiter the way he placed the tray on the table.

“Nope. I am the owner of this restaurant,” he said casually and shrugged his shoulders. Nakahanda na naman ang pilyo nitong ngiti. “Mukha na ba akong waiter para sa ‘yo?” Ininguso pa nito ang uniporme ng waiter na may variation ng batik cloth malayo sa casual clothes nito.

“So Berry, di ko alam na may pogi ka palang kakilala. Sino siya?” Napabaling siya kay Harmony na kinurap-kurap pa ang mga mata. Halatang nagpapa-cute.

Ang nangyari, nakisali sa table nila si Klint, kinukuwento ang recipes ng kanilang kinakain na masarap talaga. At ang hinihintay niyang sabihin o aminin sa kanya ni Harmony ay hindi niya nalaman pa dahil tutok ang atensiyon nito kay Klint.

Ang nakakapagtaka ay nagbubulungan pa ang mga ito at nag-usap pa malapit sa man-made pond. Naechapuwera na siya, nakakita lang ng poging nilalang. Nakalimutan na siya ng kaibigan niya at nang bumalik na ang mga ito ay nakahanda ang masungit niyang mukha na sanay nang makita ng dalawa sa kanya. Sa magkaibang panahon.

* * *

Chapter 3

Kapwa sila may bibilhin sa mall ni Daisy, pandagdag ng school supplies na kulang nila sa school.

“Nakaka-tempt bumili ng libro oh.” Itinuro pa ni Daisy ang patong-patong na paperbacks sa isang shelf na malapit lang sa mga shelf ng school supplies.

“‘Yung budget natin, Daisy. Pang school supplies lang. Pigilan mo sarili mo,” sambit niya rito habang namimili ng brand ng color pencils.

Wala namang talent sa arts si Raspberry pero bumili pa rin siya ng coloring materials at inisip din kasi niya si Daisy. Papahiramin niya ito dahil mahilig itong mag-sketch at mag-color ng kung ano-ano.

“Di pa naman malaki ang ipon ko. Bili tayo sa Alemar’s ah?” paalala nito sa kanya ng plano nilang dalawa. Ang Alemar’s Bookshop ay ilang metro lang ang layo sa isang university at minsan doon siya naghahanap ng mga librong bibilhin. Marami kasing stocks ng mga libro doon. 

“Oo naman. ‘Wag muna ngayon,” sagot niya rito at pinili na ang color pencils na tama lang ang presyo at dalawampu’t-apat ang kulay. Napansin niyang tumungo ito sa mga notebook na nakasalansan sa shelf. Marami ng notebook si Raspberry sa bahay at ‘yung iba pa ay hindi pa niya nasusulatan.

Nagsusulat lang naman kasi siya pag naisipan niya at kung walang nakatingin sa kanya.

“Lirio?” Napaangat ang ulo ni Raspberry mula sa pagkalkal niya ng mga sharpener at eraser sa lagayan ng mga ito nang marinig ang pangalan na iyon.

“Daisy?” Nagkagulatan pa ang dalawa at napansin ni Raspberry na may kasama itong babae na nakahawak sa braso nito. Maputi ito, natural na pula ang mga labi at mukhang pinaglihi yata kay Snow White.

Naalala tuloy niya noon kung paano siya tuksuhin ng Belle ng mga pinsan niya sa hilig niya sa mga libro at para daw siyang si Belle kumilos hanggang sa Belle na ang nickname niya sa mga ito. Teka, bakit Disney princesses ang nasa isip niya?

“Oh, may kasama ka pala. Napadpad kayo rito?” tanong ni Daisy na dinaanan siya ng tingin at bahagya siyang pinandilatan. Nagkibit-balikat na lamang siya’t dumampot ng sharpener at eraser doon.

“May bibilhin lang. Oo nga pala, Daze. Siya si Eden Sofia,” pakilala ni Lirio sa babae kay Daisy.

“Hi! Kaibigan ako ni Lirio. Daisy Mako,” ani Daisy na masiglang ngumiti pa habang tipid lang ang ngiti ni Eden Sofia. Di alam ni Raspberry kung nahihiya ito o uncomfortable ito sa presensiya ng dalawa. Nakita kasi nilang kasa-kasama ito ni Lirio na nasa labas ng school pero mukha namang harmless lang iyon at siyempre, may na-sense na siya sa dalawang ito. Di nga ba’y nakikita niya ang mga itong magkasama sa loob ng school? Blame herself for being observant when it comes to this playful boy.

“Uhm, girlfried ko pala,” tukoy ni Lirio kay Eden Sofia at hindi alam ni Raspberry kung paano niya i-deal ang awkwardness lalo na nang dumako sa kanya ang mga mata nina Eden at Lirio.

“Raspberry Luzano. Classmate namin,” sansala ni Daisy at kumapit pa sa malayang braso niya.

“Mag iikot-ikot pa kami rito. May bibilhin lang. Maiwan ko na kayo,” paalam ni Lirio na hinawakan lang ang braso ni Eden Sofia at kumapit naman si Eden Sofia rito, kiyeme ang ngiti sa gawi nila. Halos hindi siya nito napansin at napatabi na lamang siya para makadaan ang mga ito. Sinundan lang nila ito ng tingin ni Daisy hanggang sa natabunan na ang mga ito ng mga malalaking stuff toy sa isang estante. Nang lumingon naman siya kay Daisy. Naiatras niya ang ulo nang mapagtantong nakatingin ito sa kanya, tila inoobserbahan siya.

“Ano?” tanong niya rito at ibinaling na ang atensiyon sa mga pinili niyang mga gamit. Tinalikuran lang niya ito at tumungo sa bahaging may mga nakapatong na intermediate pad.

“So sila na talaga? Akala ko mahihirapan ang unggoy na ‘yon sa panliligaw kay Eden Sofia,” pagsasalita ni Daisy sa likod niya.

Nag-alala ba siya sa impormasyon na iyon? Kumbaga, inaasahan na nilang magiging magkasintahan ang dalawa lalo na’t nakikita ito ng mga batchmates nila na magkasama at mukhang tuwang-tuwa sa company ng isa’t isa.

Sa gabing iyon, napasulat si Raspberry sa Scarlet’s Letters niya. Ang titulo ng notebook niyang may print na raspberries sa harap. Nakatitig siya sa mga bituin sa labas ng bintana habang iniisip kung ano ba ang gusto niyang sabihin kung sakaling may pagkakataon siya.

Bumuga siya ng hangin at nagsimula nang magsulat. 

Lirio,

I was a bit in haywire when I saw you in the mall, with Eden Sofia. I don’t know what to feel but I know I’m a bit off. Yes, I saw it coming but to hear it from your mouth, it seems you are sure of your decision. I was just admiring then. I have no rights and I don’t feel more than this.

If I have to give you an advice, I hope that you have a growth in your relationship as an individual and may it brought lessons to you. Just be yourself. The sunshine Lirio everybody knows.

Raspberry.

This was not her first entry in Scarlet’s Letters. Berry flipped the pages and read her first entry. Napangiti na lang siya kung gaano siya kababaw noong freshman pa sila. The letters were her way to let out the thoughts inside her when it came to that guy. 

Lirio,

Bukod sa hindi ka aware na nasa iisang barangay lang tayo ay gusto kong suntukin ang tadhana kung bakit nakita ko ang pangalan mo sa nakapasa sa Abellana National School.

Of all schools, why did you choose to enroll in ANS? Ang akala ko, hindi na kita makikita after that raining incident three years ago. Na tanggap ko na ang katotohanan na hindi na kita masisilayan dahil magkaiba na tayo ng school. It turns out, I will see your face this highschool.

Katulad ka pa rin ng dati; palangiti, masayahin, joker, loko-loko at medyo mahangin. Nag-uumapaw ang confidence mo kaya ang lakas ng loob mong bolahin ang crew sa canteen.

So see you around. Of course, you won’t notice me ‘cause I don’t want to be noticed.

Raspberry

At nasundan pa iyon ng isa pa. Na parang naglabas lang siya ng frustration niya. Naalala niyang iritado siya sa set-up ng klase noon dahil gahol na siya sa oras ng lunch tapos pipila pa silang mga estudyante sa RSD kaya nagsulat na lang siya ng entry sa notebook na iyon na nasulatan na niya. 

Lirio,

Ang ingay-ingay mo. Nadidistract ako sa pagbabasa dahil nanghakot ka na naman ng mga tao at mukhang tuwang-tuwa naman sila sa pagkukuwento mo. Para akong biglang nagbalik sa panahon noong bata pa tayo. Iyon nga lang, hindi ka inatake ng allergy mo at karaniwang pagkain lang ang nasa table ninyo. Hanggang ngayon, social butterfly ka pa rin. Makulit din. Parang di kumupas.

Nagkataon rin na nagbabasa ako ng librong regalo ng isa sa mga pinsan ko gaya noong unang nagkita tayo. Ang kaibahan lang, nasa kasalukuyang panahon tayo at kahapon na ang memorya. 

I hate my memory. I really hate remembering scenes vividly and I don’t know why I easily spot my memory with you. It’s not that even vital. I don’t know why I am writing this crap letter. Baka gusto lang kitang sabihan na hinaan naman ninyo ang volume ng boses ninyo kaso nasa canteen pala tayo at lunch na. Natural na maingay rito. Dito na lang ako kumain dahil ilang minuto na lang papasok na tayo sa RSD.

Finish your food first before talking. Kung ayaw mo mabilaukan.

Raspberry 

The innocent letter  is not an authentic letter but more like a rant letter for Lirio San Miguel. Hanggang sa nasundan na lang iyon ng mga letters para rito na hindi naman niya maibibigay kalaunan. Kapag frustrated siya, pagod sa klase, o kaya gusto lang niyang may kausap kahit di naman iyon sumasagot ay ang pagsusulat ng letters ang to-go niya lagi. Directly o indirectly kay Lirio. Not all of her letters pertains directly to Lirio. Some of those were just mere diary entries.

Berry closed her notebook and put it in her bag. May lastikong naka-attach sa notebook kaya secured ang pages niya roon. Bagama’t walang lock, safe naman ang notebook niya at hindi mababasa ng kung sino lang.

Kung may makakabasa man niyon accidentally at magtatanong kung sino Lirio, ano ang maisasagot niya? Simple, the person who didn’t know she existed in his life before and it’s not a big deal anyway. The mere fact that he was the first boy who caught her attention and the first one who didn’t hesitantly approach her.

* * *

Paubos na ang stocks ng groceries niya kaya napagdesisyunan niyang magpunta ng mall pero hindi na muna siya dumiretso sa supermarket. Instead, she went to the mall’s bookstore to check out some new titles. It was her habit everytime she went to some malls. To check out the latest titles of the book. She was rummaging pre-loved books when she noticed a familiar title. Binili iyon ng isang babae at binalot na ng cashier.

Baka namalik-mata lang siya pero nang lumabas na ang dalaga na bumili ng libro ay tinungo niya ang estante kung saan nandoon ang mga Filipino books. She gasped and her eyes widened when she saw books bearing her manuscript title that she was suppose to send it to a publishing company. But she withdraw that idea because it would mean revealing herself to the world. Napagdesisyunan niyang memento na lang niya iyon.

Nagdadalawang-isip siyang ipasa iyon via email at sa pagkakaalala niya ay hindi naman niya naipasa kaya bakit nandito ito sa harap niya?

Scarlet’s Letters by Quince.

The book cover is made up of graphic designs of letters, ink and a silhouette of a woman’s face with a tiara in her head. Nang buklatin niya iyon para tingnan kung kailan ito na-publish ay nagulat siya nang makitang December pa ito nalathala, months ago. January nang magkita sila ulit ni Harmony. At April na ngayon. Why didn’t she notice sooner?

Ilang segundo niyang iniisip na posible bang nakalimutan lang niyang napindot niya ang send button pero sa naalala niya, hindi niya iyon ginawa. Tumabi siya nang may babaeng kumuha ng librong siya ang nagsulat. Hindi siya makapaniwalang may bumibili sa libro at published na ito. Oo, dapat masaya siya dahil natupad ang munting pangarap niya ngunit hindi ito na wala siyang kaalam-alam kung paano. At sa naalala niya ay lumang email niya ang ginamit niya roon. Nagbago siya ng email nang mag-resign na siya sa kompanya.

Litong-lito siya nang bilhin ang libro. Iniisip kung paano iyon nangyari habang pina-punch in ng cashier ang pinamili niyang libro. Habang tinutulak niya ang grocery cart ay may ideya na pumasok sa isip niya.

Di kaya’y?

Napailing-iling na lamang siya at kunot-noong hinugot ang phone niya sa tote bag niya. Tinawag niya ang kilala niyang may access sa email niya noon dahil nandoon ang files na kailangan nito at naalala niya ang huling pagkikita nilang dalawa.

Nanginginig na hinanap niya ang pangalan ni Harmony sa contacts niya.

Sinagot naman nito ang tawag. “Harmony? We will talk. Explain yourself at Bo’s Coffee. The usual branch we had our coffee after work tomorrow.” mariin niyang sambit sa kabilang linya.

* * *

“Why did you do that without my permission, Harmony? And you didn’t clarify that in our last meeting,” bungad niya rito nang makaupo na sa katapat na upuan. She was a bit upset with Harmony did with her manuscript. Halatang pinakialaman nito ang mga drafts niya sa email.

Ngumiti lang ito na tila hindi apektado sa ginawa nito sa kanya. Naka-order na rin ito ng cold coffee nilang dalawa.

“Sorry, hindi ko na nasabi sa ‘yo. Nakaka-distract naman kasi iyong batchmate mo. Poging kulot. Sayang lang, may fianceé na.” Pinaningkitan lang niya ito ng mga mata kaya tatawa-tawang itinaas nito ang mga kamay na tila ba sumusuko ito sa pulis. “Guilty. I did that. Napansin ko na kasing nakahanda na lahat. The resume and your CV is there. The sypnosis then the manus. Sayang naman kung hindi mo sinubukang ipasa,” katwiran pa nito.

Kulang na lang hilutin niya ang ulo niya sa ginawa nito. Gusto man niyang kastiguhin lalo si Harmony sa ginawa nitong pagpasa ng manuscript niya ay wala rin namang silbi.

“It was already printed,” she said, stating that complaining wouldn’t do anything to take back the deed. Nailathala na ang libro na hindi naman dapat ma-publish. “That was in the draft because I changed my mind.”

“But you consider sending the manuscript to the publishing company. Kung hindi, wala iyon sa drafts ng email mo.” Apologetic na ang mukha nito. “I’m sorry, Berry. Hindi ko na sana pinakialaman ang email mo. Obviously, hindi mo na iyon ginagamit dahil unread ang ibang emails lalo na ang email mula sa publishing company na nag-pub ng novel mo. Kaya kita niyaya noong nakaraang buwan. Hindi ko na nasabi sa takot na baka magalit ka.”

Angry is a strong emotion and she rarely felt that. Nagagalit lang siya kapag may naaagrabyado sa mga mahal niya sa buhay at sa unfairness na nakikita niya gaya ng kung paano ang takbo sa corporate world.

“You could have told me sooner. Nasa hilera ng isang pre-loved bookstore ang manus ko na ngayo’y libro na. Instead of in the PH bookstore. So I presumed that it’s a bestseller.” Doon na siya napahilot sa sentido niya nang makaramdam ng sakit ng ulo. Napangiwi tuloy si Harmony at napasimsim ng kape nito. Napasimsim na rin siya roon upang lumamig ang ulo niya.

“Ikaw lang ang writer na hindi masaya na nalathala ang libro niya. Dahil ba sa hero ng Scarlet’s Letters?” Muntik na siyang masamid. Iyon na nga ang pinoproblema niya. Naging curious ang mga mata nito sa reaksiyong nakita nito sa kanya. “So, who’s Lirio Marco San Miguel? Is he a real person? Kung hindi, di ka sana ganito ka-apektado.”

Even though she and Harmony was different, pareho silang madaling maka-obserba kaya sila nagkasundo sa trabaho nila. At natumbok nga nito ang rason kung bakit ganito na lang siya maghuramentado sa loob-loob niya. Mukha man siyang kalmado outwardly. Sa inner naman, parang gusto na niyang maglupasay sa frustration.

“There’s nothing special about it,” kaila niya at muntik nang mapangiwi. Harmony could easily spot her lies. Kilala na siya nito, tatlong taon ba naman silang magkatrabaho. Nauna lang siya rito ng isang taon sa kompanya noon.

“Nothing special? Not me, Berry. There’s really something. Special edition ang libro mo dahil mahaba siya. Tapos nothing special? So, who’s Lirio Marco, huh?” Sabi na nga ba, hindi siya makakatakas sa tanong nito. “C’mon, spill. Hindi kita titigilan kapag di na-satisfy ang curiousity ko.”

“Calm down, Harm. He’s my batchmate, okay? Nothing more,” she said nonchalantly and Harmony arched her brows. Napasimsim na lang tuloy siya ng kape.

Then Harmony exagerratedly gasped, na may kasama pa talagang tili kaya may tao tuloy na napalingon sa gawi nila.

“OMG! It’s his real name! Totoong tao si Lirio Marco!” excited na bulalas nito.

“Shut up, Harm.” Baka may reader pa ang Scarlet’s Letters pa siya roon na makakarinig rito.

Natawa ito na parang kinikilig pa sa kanya. Hindi siya ngumiti bagkus mataman lang niya itong pagmasdan. “Teka lang, so it’s his real name.” She gravely nodded and sipped her coffee. Mukhang nadagdagan ang energy nito sa caffeine na na-intake nilang dalawa. “So that’s why, kaya ka nagpapanic ngayon.”

“Please, keep this a secret,” she said instead, almost sighing.

“So may past? Problemado ang lola mo,” she said knowingly. Kung ano man ang nasa isip nito ay tiyak na exagerrated na naman.

“Past, but it is what you think it is. The hero which inspired by a real person, guy bestfriend ng bestfriend ko. He was just a common acquaintance,” she explained nonchalantly.

“Common acquiantance? I am not believing it.” She sipped her coffee and smiled. “Don’t ‘ya worry, your secret is safe with me. Maghihintay lang ako na lalabas sa madla ang Lirio Marco na iyan. Search ko na rin kaya?”

“Don’t you ever do that,” madiin niyang pagsasalita ngunit hindi naman ito natinag. Mukhang natuwa pa nga sa kanya. Pumintig ang ulo niya.

“Alam na ba niya?” She didn’t answered which confirmed Harmony’s question. Nanlaki ang mga mata nito at natutop ang bibig. “OMG, so hindi niya alam. Ang exciting nito! Kaya hindi mo masagot-sagot si Cairo.”

Si Cairo ang mahanging apo ng pinaka-boss nila sa kompanya na ilang beses na niyang nabasted, much to other’s dismay. Masyadong bilib sa sarili at nakuha pa siya nitong ligawan. He sent bouquet of flowers to her cubicle one week straight. She invited him to lunch and drop him a bomb. Walang-gatol na binasted niya ito ulit at inaming naiirita na siya sa ginagawa nito. It was not even a courtship for her which shocked Cairo because she didn’t approve of the ‘courting’. Tumigil naman ito sa pangungulit sa kanya. Ang mga bulaklak? She gave it to the receptionist to display it in the lobby much to their amused boss. Iilang beses na siyang nambasted ng mga suitors niya, even before highschool which she ignored. Dahil doon, naging suspicious at ilag ang mga colleagues niya sa kanya maliban kay Harmony na natuwa pa sa pambabasted niya. Kagaya niya, iritado rin ito sa mayabang na Cairo na ‘yon.

“Whatever, Harm. May atraso ka pa rin sa akin sa ginawa mo nang walang paalam. Invading my old email and publishing my manuscript without my permission.” She put a card on the table. “The least you could do is to visit me in the foundation or the shelter.”

Bumadha na naman ang pagiging guilty nito sa ginawa nito ngunit di mababakas ang pagsisisi. She knew that this friend of her was happy of her doing. Saksi ito sa pagiging snobber niya sa mga lalaki.

“Kung sino man si Lirio Marco. Once upon a time, nakalusot siya sa butas ng karayom ng isang Raspberry Luzano.”

* * *

Chapter 4

She never thought that those old letters and notebooks could bring back her old feelings she buried underneath the sands. Napadpad siya roon sa attic ng lumang bahay ng kanyang Tita Esmeralda na ngayo’y pagmamay-ari na niya dahil lumipat na ito ng Cagayan De Oro. Kasama ng pamilya niya.

Natagpuan niya na lang ang sarili niyang naghahalukay ng mga lumang gamit niya roon. Doon niya inilagay ang mga gamit niya noong nag-aaral pa siya. Sa naalala niya ay doon siya nagdesisyon na tuldukan ang koneksiyon niya sa isang taong madalas ay sinusulatan niya ng letters, sa pamamagitan ng pagtambak niyon sa attic ng bahay.

Sa attic siya dumiretso matapos ang pagkikita nilang dalawa ni Harmony at pagkompirma sa hinala niya at tama siya ngunit huli na ang lahat. The book was published now, without her knowing when it was first released months ago. She was too pre-occupied few months ago that she didn’t visit a bookstore and buried herself in contemplation and finding her next step in life.

Natigilan siya at napaubo nang matagpuan niya ang isang notebook na may raspberry design. Nandoon ang lumang diary entries niya at mga sulat niya para kay Lirio na wala siyang balak ibigay rito.

Tumungo siya sa isang sulok na may lumang upuan at binasa ang iilan sa mga entries niya. At parang gusto niyang ikahiya ang sarili niya noon nang mabasa niya ang iilang entries ng Scarlet’s Letters. Mga unsent letters niya para kay Lirio. Na sa totoo ay ginawa na rin niyang diary.

It was during second grade elementary when he became her classmate after that incident when they’re five-year-old kids. He wasn’t even aware that she’s the girl in pigtails and small pink dress before and her name was Raspberry Sanchez. Not Raspberry Luzano. She was using her mother’s maiden name that time before. She’s a silent child while he’s too loud and outgoing. They’re like polar opposites, the day and night.

She’s well aware of Lirio’s serious nature now because she saw how he’d changed years ago. They were batchmates in college too but their worlds widen. 

During here entire college, she saw him in some classes and crossed his path and of course, without him noticing her further. Yes, she had this mild crush on him before but she was just contented admiring from afar than desiring to be close to him. When she’s done writing Scarlet’s Letters, she realized that he was just her childhood dream, a fascination during her highschool and a memory now.

Patuloy siya sa pagbabasa ng mga diary entries niya, napapatawa sa batang sarili nang may makita siyang bagay na pakalat-kalat sa madumi at maalikabok na sahig. Nang damputin niya iyon, isa pala iyong analog clock na hindi na umaandar ang mga kamay.

Nangunot ang noo niya at napaupo, pilit inaalala kung saan nanggaling ang analog clock. She sat on her wooden chair, staring at the vines growing on the window of the attic. Then, she flipped some pages of her notebook.

Hi,

Ito na ang huling pagkikita natin dahil lilipat na pala ako ng school. Lirio pangalan mo, di ba?

Salamat sa ibinigay mong orasan. Di ko alam kung anong gagawin ko rito pero salamat.

Sabi ni Mama, parang heirloom na ito kasi sa kapatid ng Lolo mo galing.

Ba’t mo naman ibibigay ang heirloom mo?

Berry.

* * *

“Lumang orasan ito na bigay pa ng kapatid ng Lolo ko. Sa ‘yo na ito.”

Inilahad nito ang relo sa kanya at hindi na siya nakatanggi nang ilagay nito iyon sa kamay niya. Bahagya pa siyang nagulat sa paghawak nito sa braso niya.

“Bakit mo ‘yan binibigay sa ‘kin?” takang tanong ng batang Berry.

Nagkibit-balikat lang ang batang Lirio.

“Siguro, para hindi ka mabagot. Titingnan mo lang ang pag-andar ng kamay ng relo.”

Alanganing tinanggap ng batang babae ang relo.

“Salamat,” nakangiting sambit nito. “Teka.”

Hinugot ni Berry mula sa bulsa ng palda ang iilang kending nakasilid doon. “Gusto mo?”

Kumuha ito ng kendi sa palad niya. “Salamat. Paborito ko ‘to.”

“Kendiment?”

“May tsokolate sa loob e.”

Lumipas ang ilang sandali ay natunaw na sa bibig niya ang kendi at nilapitan na sila ng security guard. Kasama nito ang isang tanod. Ihahatid sila ng mga ito sa bahay nilang bilang safety protocol ng mga ito tuwing may bagyo.

* * *

Bigay ng batang Lirio sa batang siya. Mukhang marami-rami siyang memento kay Lirio sa attic na naging parte na ng kabataan niya. 

* * *

“Lirio, may tawag ka,” tawag ng isa sa mga kasambahay nila. Ibinigay nito ang nag-iingay niyang cellphone.

Umuulan sa labas at panaka-nakang may kulog tanda na hindi maganda ang panahon ng gabing iyon. Napabuntong-hininga siya at binaba ang binabasa niyang komiks. Sino ba ang tumawag sa dis-oras ng gabi? Isa lang ang taong sumagi sa isip niya pagkakaalala sa masamang panahon.

“Sofia?” sagot niya sa tawag bago pa man ito magsalita. Ito lang naman ang katawagan niya sa landline nang magdamagan. Ang tanging naririnig lamang niya sa kabilang linya ay ang mabigat na paghinga nito.

“Kuwentuhan mo naman ako, Lirio,” pakiusap nito. Alam ni Lirio na isa iyon sa paraan para kumalma ito. Kapag kasi umuulan, bumabalik ang trauma nito noong childhood pa ito at naapektuhan ang puso nito. Eden Sofia has a weak heart.

Minsan ang relasyon nila, parang enemies, parang mag-bestfriend at parang magkapatid. Hindi niya mabitaw-bitawan si Eden Sofia. Ewan niya kung bakit. Kahit tinotoyo ito ay sinisikap pa rin niyang intindihin ito. Isa pa, natitiis nito ang mga kalokohan niya at pagiging pasaway niya at kung minsan ito ang nagdidisiplina sa kanya.

“Naikuwento ko na ba sa ‘yo ang pagbigay ng isang bata ng relo sa isang batang babae?”

Iyon ang memorya na naalala niya dahil umuulan ngayon. Musmos pa lamang siya noon. Alaala niya kung saan nagbigay siya ng isang bagay sa hindi naman niya talaga kilala.

“Hindi pa,” sagot nito. Sinusubukan na nitong matulog. Pasado alas diez na kasi ng gabi.

“Isang umaga, umuulan ng malakas ngunit nagpumilit pa ring pumasok ang batang lalaki sa eskuwelahan. Pagkarating niya sa school, nakita niyang nakasarado ang gate at nandoon ang security guards. Malakas ang ulan at kahit may payong na siya ay nababasa na ang kanyang uniporme. Nakatayo lang siya sa harap ng berdeng gate nang ilang minuto, pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan. Makaraan ang ilang sandali, dumating ang isang bata. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa suot nitong raincoat.”

* * *

“May bagyo daw sabi ng guard. Hindi mo alam?” tanong ng batang lalaki sa bata.

“Hindi,” sagot nito. Babae ito base sa boses nito. Nakatingin lang din ito sa berdeng gate kung saan lumalandas ang mga patak ng ulan.

“Meron daw kaya walang tao rito. Buti pa’y umuwi na lang tayo,” aniya rito.

Lumakas lalo ang hangin, may nagliliparan pang mga sanga kaya sumilong silang dalawa sa waiting shed. Baka matamaan pa sila ng mga lumilipad na sanga’t bagay.

“Saan ka nakatira?” tanong niya sa batang babae.

Hindi ito sumagot bagkus tiningnan lang nito ang pagragasa ng tubig sa paanan nila kung saan patungo iyon sa maliit na kanal. Nababasa na sila at napapasukan na ng tubig ang sapatos nila.

“May susundo sa ‘yo rito?” tanong niya rito. Umiling lang ito. Halatang hindi palaimik ang batang babae.

Ilang minuto rin silang nanatili doon nang mapansin ni Lirio na nakatitig lang sa kawalan ang batang babae. May kung ano itong iniisip. Malungkot ba ito dahil hindi ito makakauwi kaagad?

Mukhang kaedad lang niya ito at magkasingtangkad lang sila.

Hinugot niya ang luma niyang relo sa bulsa. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya upang ilahad ito sa batang babae.

“Lumang analog clock ito na bigay pa ng kapatid ng Lolo ko. Sa ‘yo na ito.”

Inilahad niya ang relo rito. Sandaling naaninag niya ang maamo nitong mukha sa kabila ng suot nitong raincoat nito.

“Bakit mo ‘yan binibigay sa ‘kin?” takang tanong nito.

Nagkibit-balikat lang ang batang Lirio.

“Siguro, para hindi ka mabagot. Titingnan mo lang ang pag-andar ng kamay ng relo.”

Alanganing tinanggap ng batang babae ang relo.

“Salamat,” nakangiting sambit nito.

* * *

“Nagkita ba sila ulit, Lirio?”

Bumalik sa kasalukuyan si Lirio. Napalingon si Lirio sa basang bintana ng kuwarto niya at mahinang napabuntong-hininga.

“Hindi alam ng batang lalaki. Hindi kasi niya nakita nang maayos ang mukha nito.”

“Saan mo nabasa?” tanong pa nito. Lihim siyang napangiti

“Imbento ko lang ‘yun, Sofia. Kung magiging kuwento iyon, ang pamagat ay ‘The Clock’. Ang common lang di ba? Antok ka na?”

Humikab lang ito sa kabilang linya na ikinangiti niya.

“Good night, Sofia.”

“Good night, Lirio.”

“Sweet dreams.” Binaba na nito ang cellphone.

Siyempre, hindi niya iyon imbento. Totoong nangyari iyon. Nang mahiga na siya sa kama ay naisip niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Eden Sofia. Ipinikit na lamang niya ang mga mata niya at hinayaan siyang gupuin ng kadiliman.

* * *

Lirio’s forehead knotted and checked his wristwatch. Lunch hour na pala at ngyaon lang niya namalayan sa dami ng mga inaasikaso niya. Nakalatag sa mesa niya ang iilang folders, papeles at ang computer monitor niya.

As if on cue, Ciara entered his office carrying two paper bags that were probably his lunch.

“It’s lunchtime, Sir Lirio! Nag-order na rin ako ng akin.” Iwinawagayway pa nito ang paperbag nito na may kaparehong tatak sa kanya. Tatak ng Coat & Summers, ang restaurant ni Klint, ang kaibigan niya pagdating sa mga kalokohan noong highschool. Masasarap ang mga pagkain nito kaya doon siya nagpapabili ng lunch kay Ciara. Kung minsan, si Klint pa mismo ang magdedeliver sa kanya ng lunch niya para mambulabog sa trabaho niya. Inaasar pa rin siya nito na hindi makapaniwala na matino na daw siya ngayon. Sira-ulo, ganoon pa rin naman siya ngunit naging responsable na at sinadyang maging workaholic.

Inayos nito ang mga papeles niya sa mesa at itinabi na muna. Hinila ni Ciara ang drawer na parte na ng design ng mahogany table na pina-customize ni Lirio mismo sa furniture company nila na pinamamahalaan ng isa niyang pinsan. Sa katunayan, silang mga pinsan ang namamahala sa subsidiary companies ng San Miguel Empire.

Napatikhim si Lirio nang buksan ni Ciara ang walk-in closet niya at ang mismong nagtulak ng mesa na may gulong roon. Doon sila kakain ng heavy lunch. Busy man siya, sinisigurado niyang may laman ang tiyan niya kahit saan man siya magpunta. “Di ko talaga ma-gets ‘tong mga gimik n’yo minsan, Sir. Pang out-of-this world! Kakalurkey!”

Natawa naman si Lirio, sa kung paano magsalita si Ciara at sa pinapagawa niya rito tuwing ganitong lunch hour. Ipinuwesto nito ang mesang de-gulong ilang metro ang layo sa office table niya at iniharap ang mga folding chair roon. Si Lirio na mismo ang nagdala ng dalawang paperbag at inilapag iyon sa mesa. Hinubad niya ang coat niya at ganoon din si Ciara sa blazer nito.

“Buti nag-blazer ka, ang baduy naman pala ng inner mo,” pang-asar niya sa plain white blouse nito.

Napasimangot tuloy si Ciara na ikinangisi niya lang.

“Dagdagan mo ang suweldo ko para may pambili ako ng bago,” ganti naman nito at kinuha na ang boxes sa loob ng paperbag. Kumalat ang amoy niyon sa loob ng opisina at mas lalo tuloy siyang nagutom.

“Hanggang ngayon, di mo pa rin nababayaran utang mo? Akala ko ba break na kayo ng freeloader mong boyfriend?” he smirked.

Napanganga tuloy ito. Dahil nga kinukuyog niya ito kung saan-saan ay dinadaldalan siya nito ng buhay nito. Ultimo frustration nito sa lovelife, naikuwento na nito sa kanya.

Akala ata nito, papatalo siya sa mga hirit nito. Tapos na ang President mood niya at ngayo’y puwede na niya itong biru-biruin. Mayroong two shifts si Lirio. Kapag nasa kompanya siya, mukhang cold aura niya sa seryuso ng expressions niya. Kapag nasa labas, saka lang siya babalik sa laidback niyang aura. Gaya ngayon, tuwing lunch lang siya at siyempre, kung kasama ang lukaret niyang sekretarya na nagiging ganito ka-pleasant. Nagkakasundo silang dalawa pagdating sa kalokohan minsan at bonus na nakakasundo niya ito sa trabaho. Alam niyang loyal ito sa kanya kaysa sa higher-ups ng San Miguel Empire.

“Ex na nga e! Ungkatin ba naman. Naka-move on na po ako, Sir Lirio. Sa ganda kong ito? Magmumukmok ako sa kutong-lupa na ‘yon? Di ‘no! Tama nang na-scam ako sa lintek na pag-ibig na ‘yan,” himutok nito habang inaayos ang pagkain nila kasama na mga kubyertos.

“Oh, bawal magmura sa harap ng pagkain. Baka kako lapitan ka ulit ng kamalasan,” sabi niya sa seryusong boses, nasa pagkain ang mga mata.

“Minsan talaga iniisip ko na sana Cold City Boss ka na lang lagi, di ganitong inaasar mo ako. Alam n’yo bang nakakasakit na kayo ha? Pinaalala mo pa kagagahan ko sa kutong-lupa na—” At nagdrama pa talaga.

“Kumain na nga tayo bago pa ako mawalan ng gana. Kapag mag-rant ka na naman sa walang kuwentang ex mo. Ihuhulog na kita rito sa building,” pasuplado niyang panakot-biro rito. Nang magsalita na sana ito ay itinaas lang niya ang kamay. “Kung ide-defend mo siya sa ‘kin, mas mabuti pang sa company canteen ka na kumain.”

Napangiwi ito ngunit natawa naman kalaunan. “Ay wag na pala si Cold City Boss. Sige na, Sir Lirio. Kain na po tayo. Napadami order ko, gutom na gutom ako e. Di na ako nakapag-breakfast kanina. The best ka talaga, libre na lunch ko pag ikaw. Sana pala ikaw jinowa ko no. Tiba-tiba pa ako.”

Imbes na mairita ay natawa pa si Lirio sa hirit nito. Ciara and him always had a platonic relationship. Para itong nakababatang kapatid niyang babae, hindi man sa dugo. Sa labas ng corporate world, para silang magkapatid na magkasundo man ay pawang asaran at kalokohan naman. Ito ang nagsusumbong sa kanya ng mga tsismis na nakukuha nito sa mga katrabaho, sa mga departments at advantage sa kanya iyon. Sa katunayan, kahit walang tsismis ni Ciara ay madali lang naman kay Lirio makasagap. Isa na roon ang pag-disguise niya minsan. Rigid at structured man ang mundong ginagalawan niya ay hindi pa rin nawawala ang pagiging creative niya. Given na rin na tuso siya.

“Ayokong magka-jowa ng tanga,” pabirong pasakalye niya rito.

“Kuya!” At doon na siya tumawa ng malakas. Na-offend man ito o hindi ay alam naman nito na may katotohanan ang sinabi niya. Matanda siya rito ng apat na taon, policy niya rito na tawagin siyang ‘Kuya’ kapag nasa labas na sila ng trabaho at ganitong lunch hour. Bakanteng oras nila kung kailan at ease sila at puwedeng magbalahuraan. At silang dalawa lang ni Ciara ang nakakaalam.

Magana silang kumain at tawa sila ng tawa sa pagkukuwento nito tungkol sa trip ng mga girlfriends nito nang mag-ring ang kanyang phone. Nangunot ang kanyang noo nang makita kung sino ang tumatawag. Sinagot niya iyon at tumayo mula sa table.

Hinarap niya ang floor-to-ceiling na tinted glasswall. “Fourth? Napatawag ka?”

Isa ito sa mga pinsan nilang kasama sa mga ‘Dark Lords’ ng pamilya nila dahil istrikto, masungit at seryuso itong tao. Lirio admitted that those qualities were his front to other people but not the real him in a great sense.

“I’ll be there in your company in ten minutes.” Then the guy hanged up. Mahina siyang napamura at napabaling kay Ciara na ngayo’y nakuha pang dumighay.

Mahilig talaga sa surprise visit ng ‘Presidente’ nila. Ito ang may-hawak sa Empire at mas bata sa kanya ng apat na taon. Mas matinik ito sa kanya pagdating sa negosyo. Ito ang may dahilan kung bakit mas lumago pa ang San Miguel Empire. He’s a genius at twenty-five, still young. Sebastian Aurelius San Miguel IV o mas kilala sa kanila na Fourth.

“Fourth is coming. Iligpit mo na ‘yan bago pa tayo mahuling dalawa,” sabi niya rito na ikinatayo nito, nanlalaki ang mga mata.

“Si Fourth?! Omg! Kalurkey ito! Bakit naisipan na naman niyang bumisita? Na-miss ba niya kagandahan ko?” Nakuha pa talaga nitong isingit ang sarili.

“Asa ka pa,” pakli niya.

Tinulungan niya itong ligpitin ang pinagkainan nila. Hindi ito magkandaugaga sa paglipit at lihim na lang na natawa si Lirio sa nagpapanic na hitsura ni Ciara. Tiyak na na-trauma na ito kay Fourth. Naranasan na ni Ciara na maging executive assistant ni Fourth ng tatlong araw at hindi magandang experience daw iyon para kay Ciara. Mas halimaw pa raw ito sa kanya pagdating sa trabaho, metikuluso masyado at walang kapaguran sa puntong nahimatay pa raw si Ciara sa kalagitnaan ng trabaho. Ipinahiram niya kasi si Ciara rito dahil nag-retire na ang secretary nito na secretary pa ng dating Presidente. Nang makahanap ng bagong secretary ay ibinalik ni Fourth sa poder niya si Ciara. 

Naipasok na nila ang folding chairs maging ang mesang de-gulong sa isang parte ng walk-in closet kasama na roon ang pagkain nila sa pagmamadali. Naisarado na nila ang pinto ng walk-in closet nang may kumatok sa pinto ng opisina niya.

Nagkatinginan silang dalawa ni Ciara. Isinuot nito ang blazer nito at inayos ang sarili bago pagbuksan ng pinto si Fourth, na diretso ang mga matiim na mga mata sa kanya at kay Ciara naman na napayuko lang. Baka iniisip nito na may kababalaghan silang ginawa ng sekretarya niya. Meron nga, pero hindi gaya ng kung anumang itinatakbo ng isip nito. Nag-foodtrip lang sila ni Ciara na kagaya niya, matakaw pagdating sa pagkain.

Tumikhim siya. “Good afternoon, Fourth. What’s got you here?”

Kaagad namang tumalima si Ciara nang senyasan niya itong bumalik na sa cubicle nito.

“I have to make sure that the resort in Camotes is going smoothly now that it was delayed for a month.” Fourth even emphasized the last word and Lirio almost released a sigh. Buti na lamang nagawan nila ng paraan ni Ciara ang tungkol sa itinatayong resort doon na bibisitahin nila a day after tomorrow.

“I already managed it Fourth. We will visit there the day after tomorrow. I have to make sure it’s going well now that the locals agreed.” Mas maigi pa ring hingin ang opinyon ng mga locals doon at ma-preserve ang kalikasan.

Nag-usap sila tungkol doon hanggang sa umabot ang paksa sa reunion nilang pamilya sa Christmas sa Cagayan De Oro.

“You’ll come?” Fourth asked.

Umiling si Lirio. “You know my answer. Marami pa tayong gagawin rito.”

Hindi umimik si Fourth, bagkus alam na nitong kagaya niya ay umiiwas rin ito sa reunion nila sa CDO. Baka itulak na naman sila ng mga kamag-anak nila sa mga anak ng amiga’t amigo ng mga ito. Well, some of their cousins were bachelors too. Bihira lang ang mga babae sa kanilang angkan, isa ang Ate niya sa mga iyon na ngayo’y happily married at nakatira na sa Lapu-Lapu City.

“You can call me and eat with me on Christmas, Fourth,” yaya niya rito at ngumisi.

Fourth just smirked and went outside of his office. Naisandal ni Lirio ang likod niya sa swivel chair at biglang nakaramdam ng lungkot, ngayong mag-isa na siya at sampung taon na pala ang nakalipas magmula noon. Bahagya siyang nasilaw sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya nang iikot niya ang swivel chair niya.

Mukhang mag-isa na naman siya sa Pasko. He used to like celebrating Christmas, receiving gifts, eating delicious food, laughing and playing with his cousins. Siya pa ang pasimuno ng pagpapaputok hanggang sa pagalitan na siya ng kanyang ama.

Until he’s alone, just watching the fireworks and drinking soft drinks on the balcony of his house, instead of spending it with his family back in CDO.

* * *

Chapter 5

Crowded ang canteen nang maabutan iyon ni Raspberry. Natagalan tuloy siya sa pagpila upang bumili ng paborito niyang cassava cake.

“Ha? Sinong nabarangay?” bulalas ng isang lalaki na umagaw sa atensiyon ng mga tao sa loob sa lakas ng boses nito.

Binatukan lang ito ng isa sa mga kaklase yata nito. Kung hindi niya kilala ang naturang lalaki ay nuncang pansinin niya ang mga ito o sadyang talagang nakaw-atensiyon lang ang mga ito sa ingay nito.

“Sira-ulo. Sabi na nga ba, hindi ka nakikinig. Ang sabi ko, magsisimula na ang liga sa barangay sa susunod na buwan. Ano, sali ka?” kausap ng kaklase rito.

Lirio San Miguel. Kilala niya ito samantalang hindi naman siya nito kilala at maiging hanggang doon na lang iyon. Maiging hindi nito alam ang existence niya.

“Oo naman! Ipaalala mo sa ‘kin pag malapit na. Nakakalimot ako e,” sang-ayon ni Lirio. “Naks! Amoy na amoy ko na ang bango ng bagong baked na tinapay!”

Napa-‘yes’ sa loob si Raspberry nang mapagtantong mukhang bibili ito ng tinapay base sa sinabi nito. Nakita kasi niyang isa na lang ang slice ng cassava cake sa estante sa may counter.

“Ate, dalawang pandesal at isang cassava cake,” kausap ng lalaki sa tindera. Wala sa oras na napasimangot siya. Mukhang nakalimutan niyang malakas itong kumain sa kabila ng payatot nitong katawan.

Kung nahalata man ng tindera ang bugnot niyang mukha ay pinili na lang nitong ibalot ang banana cue na binili niya. Mag-isa siyang kumain niyon sa cement bench sa ilalim ng punong mangga habang abala ang mga estudyante sa paligid niyang maghuntahan at magkuwentuhan.

Para sa iba, mukha siyang snobber at nakaka-intimidate ang aura dahil nga seryuso ang ekspresyon na nakapaskil sa mukha niya. Katwiran ni Berry, kalmado lang naman siya at pormal tingnan. Hanggang academics lang naman ang interaction niya sa mga naging kaklase niya. May ibang estudyante na nakakaramdam na medyo off siya pagdating sa mga social interactions kaya hindi na ito nagpumilit na makipag-interact sa kanya. Kinantiyawan na siya ni Ian na baka mas fit siya sa Sci High atmosphere kung saan pawang matatalino ang mga estudyante roon. Maaari nga pero kahit pa man noong nasa magandang elementary school siya ay mas gugustuhin niyang mag-isa at magbasa lamang ng libro.

Nang mag-ring ang bell, hudyat na papasok na siya sa susunod na subject. Naglipit na ng mga gamit si Berry. Palipat-lipat sila ng section niya tuwing hapon kapag Makabayan subjects kaya malaya silang tumambay kung saan kapag vacant time at doon sa cement bench niya naisipang tumambay.

Discussion at panibagong seatwork ang ginawa ng klase sa Aral-Pan. Bitbit niya ang mga gamit niya patungo sa library nang may mapansin siya. Mga phamplets iyon at inayos niya muna saglit.

“Miss!” May kung sinong tumawag. Hindi na sana iyon papansinin ni Berry habang binibilang kulang ilang phamphlets ang dala niya. May tumawag ulit at mukhang siya ang pakay dahil kinalabit pa siya. Nang lumingon naman siya at natigilan siya nang makilala niya ito. Bahagya siyang napaatras nang mapansing masyado itong malapit.

Lirio? Ito ang may hawak ng kanyang panyong kanina pa niya hinanap.

“Sa iyo ba ito?” Inilahad nito ang panyo niyang may burda pa ng pangalan niya. Tumango siya’t kiming sumagot.

“Salamat.” Bago pa man ito makapagsalita ay tumalikod na siya. Well, so much for their first interaction. From her pheripheral vision, nakita niyang may nilapitan itong babae sa plant circle at kakamot-kamot pa sa ulo. Mukhang nagpapacute ang loko at lihim na lang na napangiti si Berry sa inakto nito.

Hindi niya ma-explain kung bakit madali na lang sa kanya ang mapansin ito. Ilang metro ang layo ay pansin na niya ito at kahit na nasa grandstand siya ay namamataan niya ito sa baba, malapit lang sa oval at magkaagapay na naglalakad kasama ‘yong babaeng crush ata nito. Last class kasi niya ay MAPEH kaya doon siya sa grandstand tumatambay.

Mga huling buwan ng sophomore school year nila ay nakilala niya si Daisy, sa isang essay content sa English month at mula noon ay binabati at kinakausap siya sandali ni Daisy. Sa tuwing namamataan niya si Lirio na kasama nito ay unti-unting naglalaho ang ngiti niya. Somehow, deep inside she didn’t want to indulge in his smiles and laughters directed to her, even if it’s just a civil matter. Dahil hindi naman niya ma-reciprocate iyon ng energy na meron ito bagkus nagagawa lamang niyang pantayan ang magiliw na pagbati at pagkausap sa kanya ni Daisy.

Lumiit ang mundo ni Lirio at Berry nang maging magkaklase sila sa junior high. Isama na naging girlfriend na ni Lirio si Eden Sofia, ang babaeng kasa-kasama nito noong sophomore pa sila. Nagkagulatan pa nga sila sa mall nang mahuli nila ito ni Daisy roon na nagd-date.

Kahit magkaklase na silang dalawa at common friend nila si Daisy ay malabo silang mag-usap. She sometimes find a way to go on her own when Lirio dragged Daisy. Sa loob-loob ni Berry, nagco-complain siya dahil bukod-tanging si Daisy lang ang kaibigan niya at kausap tapos kukuyugin pa nito kung saan-saan.

* * *

Second periodical test. Abala sa pagre-review ang ibang kaklase niya sa section one samantalang natigil na kanina si Lirio kanina pa. Nabuburyo na siya sa kakaaral. Second periodical pa naman at mababawi naman niya ang grades niya sa third at fourth.

Wala siyang naisagot masyado sa test dahil di naman siya nag-aral nang mabuti. Madali lang natapos ang kaibigan niyang si Shinoah, palibhasa nag-aral nang mabuti. Sinadya pa nitong malayo ang upuan nito sa kanya para di siya makakopya. Paraan nito iyon ng pandidisiplina sa kanya dahil sa pagiging batugan niya sa pag-aaral. Tuso talaga, danguyngoy niya sa sarili.

“Wooh! Parang nagkapira-piraso ‘tong utak ko ah.” Hinihilot-hilot pa ni Lirio ang sentido niya. Katatapos lang ng first day ng periodical test nila at hinayaan na sila ng mga guro nila sa labas ng RSD Building.

“Hindi mo naman ginamit ang utak mo,” basag ni Shawn kaya natawa na lamang si Shinoah. Umaktong nasaktan si Lirio at sinapo pa ang dibdib niya. Ang totoo, nag eenie meenie mo lang siya at pag may all of the above siyang nakita, iyon na ang answer. Masuwerte na kung matching type. Lugi siya sa enumeration, essay at problem-solving sa Math. “Baka below fifty pa ‘yang IQ mo.”

“O baka nasa talampakan na,” pang-aasar ni Shinoah na seryuso ang mukha. Nag-twitch tuloy ang gilid ng mata ni Lirio sa asar.

“Palibhasa ang tatalino ninyong dalawa,” nanghahaba ang ngusong angal ni Lirio.

Mahinang kinaltukan siya sa ulo ni Shawn kaya napahawak tuloy siya doon. “Matalino ka pero tamad ka lang talaga mag-aral.” Uminom lang ito ng binili nitong orange juice.

“Aaah! Wala akong narinig. Pareho lang naman tayong ga-graduate ng highschool,” dugtong pa niya sabay takip sa kanyang mga tainga. 

Tiningnan lang siya ng dalawa na parang tinubuan siya ng antenna.

“Ano? Saan tayo ngayon? Ayoko pang umuwi sa amin.” Nagkatinginan lang ang dalawa.

Bakit ba napapagitnaan si Lirio ng dalawang ‘to na ang bata-bata pa pero kung umasta na e mga matatanda na? O mas tamang sabihing, bakit naging kaibigan niya ang mga ito? Malakas ang paniniwala niya na enjoy-in ang buhay habang mga bata pa sila. He acts like his age whereas these two guys seems to not on the turf of being a teenager. “Ang boring n’yo namang dalawa. Wala bang thrill ang buhay n’yo?”

“May aasikasuhin pa ako sa office. Malapit na ang UN. Baka isali namin sa contestants si Eden Sofia,” bigay-paalam nito. Isa ito sa mga responsableng officers sa SSG. Minsan sinasalo pa nito ang responsibility ng ibang officers kahit wala naman itong suweldo roon. Natawa na lang si Lirio sa isip niya.

“May trabaho pa ako,” dahilan ni Noah. Sa pagkakaalam ni Lirio ay tinanggap na nito ang alok ng Daddy niyang bantayan siya. Bakit rumaraket na naman ‘tong si Noah?

Umangal siya. “Ano ba! Samahan n’yo na ako! Minsan lang tayong gumimik.” Napasimangot na lamang siya nang sabay siyang iwan ng dalawa.

“Hay. Ang bata-bata pa namin para magseryuso sa buhay lagi.”

Ipinatong ni Lirio ang paa niya sa mesa doon, nag-iisip kung paano niya gugugulin ang mga bakanteng oras. Ang mga punyemas, iniwan siya roon sa canteen. Ayaw pa talaga niyang umuwi dahil boring sa bahay nila. Wala roon ang pamilya niya dahil my business trip ang mga magulang niya. Ang Ate Luanne naman niya ay binisita ang plantation farm nila. Their family business is an empire. Strings of different companies. From agriculture farms to construction firms.

They’re filthy rich yet Lirio choose to be low-profile. Mabibilang lang sa daliri ang nakakaalam ng estado ng pamilya niya ang mga estudyante roon maliban lamang mga guro pero kahit ganoon, ang turing pa rin ng mga ito sa kanya ay isang pasaway at pasakit sa ulo na estudyante. Maya’t maya kasi siyang natatawag dahil may kulang siyang outputs at projects.

“San Miguel! Huwag mo ngang ipatong ang paa mo sa mesa.” Nagulat siya sa pagalit na sigaw ni Nang Lory na siyang isa sa mga staff roon sa canteen. Hindi pa man niya naibaba ang paa niya ay nakaramdam siya ng sakit sa likod ng ulo niya.

“Oo na po.” Binigyan lang niya ito ng ngiting-aso at sinamaan lang siya ng tingin ng ale.

Lumiwanag ang mukha ni Lirio nang makita sa isang bench si Eden Sofia na kakuwentuhan ang kaibigan nito. Ngunit hindi niya alam kung bakit lumagpas ang mga mata niya rito at dumako sa kasama ni Daisy na ngayo’y mukhang natawa sa ikinuwento ni Daisy. Tinakpan lang nito nang bahagya ang bibig nang tumawa sabay hawi ng naligaw na hibla ng buhok nito sa mukha saka iyon nilagay sa tainga nito.

Teka? Nagmukha itong anghel sa paningin niya. Malayo sa madalas niyang tingin rito na isang kontrabidang mangkukulam. Nasaan na ang mataray na Raspberry? May putok ba siya kung makaiwas ito sa kanya?

“Parang may humahawing madilim na ulap ano? Sana ganyan na lang kung makangiti ‘yang muse natin,” rinig niyang sambit ni Klint. Hindi niya namalayang dinaluhan na pala siya ng dalawa niyang kaklase. Ang duo na Klint at Marc na matinik sa mga balita sa campus, in short, mga tsismoso.

“Brad, no offense pero mas maganda si Berry sa Eden Sofia mong maputla.” Sinamaan niya ng tingin si Marc na nilapat pa ang kamay sa balikat niya saka ngumuso kay Berry.

“Either way, medyo rude pa rin siya sa akin,” biglang sambit niya at huli na upang bawiin niya iyon nang mapatingin ang mga ito sa kanya. “You can’t blame me, maayos naman ang pakikitungo ko sa kanya. Bigla-bigla na lang nawawala yung ngiti niya kapag nakikita ako. Di rin niya ako pinapansin at tipid pa sumagot. Minsan, nakita kong inirapan ako at cold pa. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.”

Tumawa lang ang dalawa at pabiro siyang tinapik ni Marc. “Condolence, bro. Ang sagot diyan, ayaw niya sa karakas mo.”

“FYI, hindi ako rude sa kanya. Ni wala akong naalala na na-offend ko siya,” nakakunot-noong pahayag ni Lirio. Ang totoo, natanong na niya ito kay Daisy at pareho lang ito ng sagot ni Marc ngunit naiirita pa rin siya sa realisasyon na iyon. Wala naman kasing justification.

“Hindi ka lang komportable sa ideyang may babaeng naiirita sa ‘yo. Madalas, natutuwa sila sa ‘yo kahit na mukha ka ng baliw,” katwiran naman ni Klint. May punto ito ngunit binalewala na lamang iyon ni Lirio.

At ngayon, mukha itong anghel na tumatawa sa kinukuwento ni Daisy na may kasama pang takip sa bibig. Naipilig niya ang ulo niya’t kinurap ang mga mata. Anong pakialam niya sa opinyon nito sa kanya? 

Ibinaling na lang niya ang pansin niya kay Eden Sofia. Awtomatiko siyang napangiti nang lapitan ito. Nakakagaan talaga ng pakiramdam kapag kasama niya ito, ang aburido niyang estado kanina ay napalitan.

“Tara?” yaya niya rito. Nagpaalam na ito sa mga kaibigan nito at umabrisete sa kanya.

“Saan tayo?”

“Gusto mo ihatid na kita sa bahay ninyo? Doon na lang tayo sa inyo.” Ngumiti ito at pumayag sa sinabi niya. Ayaw niyang pumunta pa sila kung saan. Kilala na rin siya ng parents ng mga ito at wala namang problema sa mga ito na boyfriend siya ni Eden Sofia.

* * *

Chapter 6

Nakahinga nang maluwag si Raspberry nang maupo na siya sa jeep. Tumunog ang pager niya at natigil ang jeep sa isang jeepney stop. Binasa niya ang nakapaloob na mensahe roon.

Mauubusan ka na ng paborito mong lasagna. Niluto pa naman to ni Tita Isabel.  

– Ian  

Nang maalis ang mga mata niya sa pager ay napatda ni Raspberry na sumakay sa jeep na iyon si Lirio. Dahil hindi siya umusog ay naupo sa bakante si Lirio, katabi. Akala niya may kaunti pa ring espasyo sa pagitan nila ngunit may mga bagong pasahero na nagsipasok sa jeep. Mariing ipinikit niya ang mga mata niya nang magdikit silang dalawa ni Lirio. Base sa pagkakahikab nito, wala itong kaalam-alam na kaklase nito ang katabi nito. Oo, natutulog ito ngayon sa jeep at malamang pagod sa buong araw na klase nila. Napapagod rin pala ito na makulit at tila nakalaklak ng energy vitamins sa klase.

Bangag si Lirio kanina at kung saan-saan lumipad ang utak kaya sinaway ng adviser nila. Ang walanghiya, natulog lang sa klase at tinakip lang ng nakatayong libro ang nakayupyop nitong mukha. Wais rin. Lihim na lang na natawa si Berry nang mapansin ito.

Kung susumahin, hindi naman siya natataranta o hindi mapakali kagaya ni Daisy kay Noah kung nasa malapit lang si Lirio. Mild lang kasi ang paghanga niya kay Lirio at parang wala lang iyon sa kanya. Di nga siya apektado na nakikita niya sa campus ito na kasa-kasama ang girlfriend nito.

Umikot ang jeep sa Fuente Circle nang mapansin ni Raspberry na nakalaylay na ang ulo nito at nakapikit na ang mga mata, tanda na natutulog na ito. Nagpreno ang jeep kaya muntik na siyang tumilapon sa unahan ngunit napakapit siya sa sabitan. Ngunit nasubsob naman ito sa kanya kaya naitulak niya ito. Mukhang hindi naman nito iyon napansin dahil sumandal lang ito sa jeep dahilan na lumabas ang ulo nito sa bintana.

Napapatingin na ang mga pasahero rito at hindi alam ni Raspberry kung ano ang gagawin kay Lirio.

Ano ba ang pinaggagawa nito sa gabi at puyat na puyat ito? Bumaling ulit ang ulo nito sa harap at nagulat na lamang si Raspberry nang sumandal ang ulo nito sa kanyang balikat.

Ginawa na siya nitong unan. Aalisin na sana niya ang ulo nito sa balikat niya pero gumalaw lang ito at nagsumiksik pa na ikinagulat niya. Wala sa oras na sinamaan niya ng tingin ang dalawang schoolmates nila sa kabila na tuwang-tuwa pa yata sa sinapit niya. Tumikhim lang ang mga ito at iniwas ang tingin niya. Minsan talaga, mas tsismoso pa ang mga lalaki kaysa sa mga babae.

Kinalma lang ni Raspberry niya at napasimangot na lang nang maamoy niya ang mabangong shampoo sa buhok ni Lirio. Ipinaligo ba nito ang bote ng lemon? Uncomfortable na siya sa kinauupuan niya ngayong nakasandal ang ulo ni Lirio sa balikat niya. Oo, wala itong malay na ginawa na siyang unan sa puyat pero kahit na. Ni hindi nga sila nag-uusap sa klase at kung lumalapit ito, naka-on ang kanyang taray mode bagay na ikinataka nito. Lumalayo tuloy ito sa kanya. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya pero iyon ang paraan niya para di mapalapit ang loob niya rito. Ayaw kasi niyang magulo ang tahimik niyang mundo.

Nang mapansin niyang malapit na siya bababaan niya ay nagpara siya. Tumayo na siya at yumuko bagay na parang nalaglag ang ulo ni Lirio sa pagkakasandal sa kanya. Wala nang pakialam si Raspberry kung magising ito basta makababa siya ng jeep na iyon.

* * *

“Sarap ng tulog mo kahapon ah. Dahil ba maganda yung sinandalan mo?” Iyon ang bungad sa kanya ng basketball player na si Edwin na kabilang sa Special Sports Curriculum.

Nangunot tuloy ang noo ni Lirio at naibaba ang pamphlets na tinititigan lang niya. Dahil simula ng Nutrition Month ay pakalat-kalat lamang ang mga estudyante upang maghanda sa program bukas na tutulugan lang niya. Alas siete kasi ng umaga at inaantok pa siya ng mga oras na ‘yon.

“Sinandalan?” takang tanong niya rito na ikinatawa nito. Makahulugang tinapik nito ang balikat niya. “Classmate mo yata. Chick siya dude. Maganda. Mukha lang mataray. Kaibigan ata ni Mako.”

Sinamaan lang niya ito ng tingin. May ideya na siya kung sino ang tinutukoy nito. Dahil sa makulit na Daisy na ‘yon na kulang na lang ay itulak siya sa kaibigan nitong walang kamalay-malay na ibinubugaw ng huli. Ang naalala lamang niya ay papalayong likod ng babae kaya di niya nakita ang mukha nito.

“Gutom na ako.” Napalingon silang dalawa kay Shinoah na isinarado ang libro nila sa Chemistry. Sinabihan na sila ng guro nila na i-memorize ang periodic table of elements pero hindi pa rin kinabisado ni Lirio. Tinatamad pa siya. Marami namang bakanteng upuan pero umuupo ito sa silya kung saan nakaupo lagi si Daisy.

Di alam ni Lirio kung bakit at mukhang aalamin pa niya.

“Sige, gutom na rin ako kahit wala naman akong ginawa. Sa canteen na tayo,” yaya niya kay Edwin na pumayag naman.

* * *

“Sayang, guwapo sana pero konduktor lang.”

“Pero ang ganda ng kutis niya. Hindi halata.”

Lihim na napairap si Berry sa ere nang marinig ang bulong ng dalawang babae sa tabi niya na naghagikhikan pa. Bakit ba hindi niya namalayang ang konduktor pala ng jeep na sinakyan niya ay walang iba kundi si Lirio? At bakit ito nagko-konduktor? Hindi sa pera malamang, dahil mayaman na ito at magugulat pa ba siya? Kung ano-anong gimik ang pinaggagawa nito. Di na nakakataka na tuwing weekend yata nito ginagawa ang pagkokonduktor.

Sumiksik siya lalo sa upuan niya’t niyakap ang dalawang grocery bags. May binili lang siya sa mall at sumakay doon hanggang sa may bumabang lalaki mula sa front seat at nangolekta ng pamasahe nila.

“Abellana! Jones po! Lahug! Plaza! Kasya pa po ang pito!” sigaw nito nang tumigil ang jeep dahil red na ang stoplight. Mukhang hindi pa siya nito napansin dahil tinakpan lang naman niya ang sarili niya ng plastic bags. Nakasuot rin siya ng beret at hindi nakalugay ang mahaba niyang buhok bagkus ay nakapusod lamang. 

Napabuntong-hininga siya’t nagdasal na makarating na sa lugar nila bago pa nito mapansin na pasahero siya doon pero hindi iyon nagtagal. Nang makarating sa may Hi-Precision ang jeep ay napatingin ito sa gawi niya’t napakunot-noo.

“Raspberry? Ikaw ba ‘yan?” tanong nito. Mas lalo pa siyang na-expose nang bumaba ang katabi niya kasama ang ibang pasahero doon. Umusog tuloy siya hanggang sa dulo ng jeep. “Ikaw nga! Teka? Malapit lang barangay n’yo samin?” Tumango na lamang siya bilang sagot. “Woah! Ba’t di ko ‘yon napansin?”

Gusto niyang mairap sa bumakas na sorpresa sa mukha nito. Nakasabit lang ito sa jeep habang ang isang kamay ay may hawak na barya’t papel.

“Hindi mo na dapat ‘to ginagawa. Alam mong kaakibat na panganib sa pagko-konduktor,” hindi niya maiwasang sambit at napairap na talaga nang tuluyan. Sumandal ito sa pinto ng sasakyan at kumapit sa bakal na katabi lang niya. Sandali siyang nailang sa paraan ng pagtingin nito sa kanya na parang binabasa ang kanyang isip.

“I’m still safe. At isa pa, naaaliw ako sa pagko-konduktor, may suweldo man o wala at saka marangal naman ito ah,” katwiran pa nito na tunog-defensive pa. Sumulyap ito sa mga babaeng nakasulyap rito. “Paano kaya kung malaman nilang hindi naman talaga ako mahirap?” pabulong na ang mga salita nito na siya lang dapat ang makarinig.

“Sa status lang naman talaga tumitingin ang tao. ‘Yun ang basehan nila,” sabi na lamang niya’t iniwasan ang mga mata nito. May nag-abot ng bayad rito na tinanggap nito’t inabot sa pasahero ang sukli.

Si Lirio ang isa sa hindi tipikal na mayaman na nakikilala niya sapagkat hindi ito umaakto ng ganoon. Kaya nitong makipagsabayan sa ibang kumain sa kung saan-saan, sa tabi-tabi man o sa loob ng karinderya. Hindi rin ito nandidiri sa mga lugar na kadalasang pinupuntahan ng mga mahihirap. Mapagilid ng imburnal, maruming ilog at kanal at maraming nakakalat na basura. Hindi rin ito nagrereklamo na ito ang naka-assign na magtapon ng basura. Ang gumamit ng palikuran ng lalaki na mapanghi ang amoy at hindi malinis. Kung titingnan ito sa malayo, isa lamang itong simple at ordinaryong lalaki pero may sikretong katauhan. Napakayaman ng pamilya nito at puwede itong ipangalandakan iyon sa lahat ngunit hindi nito iyon ginawa. Kontento na ito sa imahe nito sa school nila. At ngayon, nakasuot lang ito ng jersey sando na may print ng apelyido nito at cargo shorts.

Di na siya nakatiis at nagsalita. “Puwede ka munang umupo rito habang wala pang pasahero,” tukoy niya sa tabi niya na bakante na ngayon. Ngumiti lang ito at hindi na umangal sa kanya.

“Nagtataka ako kung nasisiraan ka ba ng tiyan tuwing nasa malapit lang ako.” Hindi siya umimik, hinintay ito na magsalita pa. Napakamot ito sa ulo nito, tila hindi sigurado sa susunod na sasabihin. “Parang wala ka sa mood e.”

Akala niya, hindi na nito iyon mapapansin. “It was my normal expression.”

“Ang nakasimangot?” sambit nito sabay lingon sa kanya, hindi kombinsido sa sagot niya.

“Formal, rather.” Hindi niya aaminin ang totoong dahilan kung bakit ganoon na lamang siya sa tuwing nasa paligid ito.

“Pero hindi ka madamot sa mga ngiti mo sa iba. Napapatawa ka ni Klint,” he trailed off and Berry didn’t know how to respond. Natatawa lang naman siya sa mga pasaring minsan ni Klint, minsan, sa kakornihan nito.

Makapal nga ang mukha nitong umaming crush siya nito para bawiin lang na hindi na raw dahil ang sungit-sungit raw niya. Parang may dalaw araw-araw at natawa na lang siya dahil roon. Since then, naging at ease na siya sa presence ni Klint. Mas tamang sabihin, itinuring na niya itong kaibigan.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Sumabit ulit ito sa jeep nang may pasaherong sumakay at tumabi sa kanya. Humugot siya ng iilang barya mula sa bulsa ng pantalon niya at iniumang iyon rito. Tinanggap nito iyon at pasimpleng ngumiti. 

Uminit sa bahagi nila dahil nakaharap na ang tirik na tirik na araw palatandaan na tanghali na ng mga oras na ‘yon.

Mabuti na lamang ay malapit na siyang bumaba. Napadako ang mga mata niya sa grocery items kung saan may pack ng biscuits at cookies. Kumain na ba si Lirio? Sinabay ba ito ng driver? Kahit ganoon ay kumuha siya ng biscuit. Tamang-tama na babaan na rin niya sa may ilalim ng isang skywalk.

“Heto, sa ‘yo na.” Wala itong nagawa kundi tanggapin ang ibinigay niya rito. Bumaba na siya nang tuluyan, bitbit ang mga plastic bags at walang lingon-likod na tinahak na ang direksiyon papunta sa bahay nila.

* * *

Bitbit ang pakete ng biscuit ay marahang natawa si Lirio. Ibinigay iyon ni Berry sa kanya na ikinagulat niya. Ni hindi na ito lumingon sa kanya at lumakad na sa isang kanto.

Ginarahe muna sandali ni Mang Teofilo ang jeep nito at niyaya siyang sumabay rito na kumain ng tanghalian sa isang karinderya.

“Malilintikan ako ng tatay mo kapag nalaman niyang sumasabit ka sa jeep ko at nangongolekta ng bayad.” Hindi lingid sa kaalaman nito ang background ng kanyang pamilya dahil kilala sila doon sa barangay nila.

“Sanay na ho si Daddy sa ‘kin, Manong. At saka, wala naman po akong masyadong ginagawa sa bahay. Nakakabato.” Sinalinan na siya ng tindera ng in-order niyang giniling kagaya ng ulam ni Mang Teofilo. Nasa mesa ang pakete ng biscuits niya.

“May nagmalasakit sa ‘yo at binigyan ka ng biscuits,” tukoy nito sa pakete ng biscuits na nasa mesa nila.

“Kaklase ko siya, Manong.”

“May gusto sa ‘yo?” Doon na siya natawa dahil napaka-imposible niyon. Guminhawa ang pakiramdam niya nang maraanan sila ng hangin. Mahangin talaga sa parteng iyon ng Busay.

“Naku, malabo po. Ang sungit-sungit nga nun sa ‘kin e.” Napailing-iling na lamang si Lirio habang ngumunguya ng mainit na kanin.

Kinahapunan, kinain niya lahat ng biscuits pagkarating ng bahay. Nagutom siya sa pagiging konduktor niya.

* * *

Kinabukasan, habang gumagawa ng writing activity sa formal theme si Raspberry sa canteen ay hindi niya maiwasang marinig ang usapan ng magkasintahan. Hindi kasi maiiwasan dahil magkatabi lang ang table nila.

“Nagawa mo na ba assignments mo? Hindi. Lirio naman, fourth year na tayo, makakaapekto ‘yong grades natin sa college admissions natin,” narinig niyang himutok ni Eden Sofia kay Lirio.

Tinuloy na lamang niya ang pagsusulat ng draft. Normal na sa magkasintahan ang mag-away pero sa napapansin ni Raspberry, patagal nang patagal ang relasyon nito kay Eden Sofia ay nahahalata na ang pagkakaiba ng mga ito.

“First grading period pa naman. July pa oh,” katwiran naman ni Lirio. Hindi talaga ito nauubusan ng katwiran.

Kaklase niya hanggang ngayong fourth year at wala pa rin itong ipinagbago pagdating sa academics.

“Tapos sasabihin mo na magseseryuso ka na sa second grading, pag hindi, sa third naman at hanggang fourth. Mauubusan ka na ng panahon para seryusohin ang studies mo.”

“Sofia, para kang si Mommy. Mino-monitor ang grades ko. Alam mo gutom lang ‘yan, anong gusto mong kainin? Cassava cake? Banana cue?”

“Kung wala kang iba pang sasabihin. Kausapin mo na ako bukas tutal di mo naman ako sineseryuso.” Nang sumilip si Raspberry ay nakita niyang tumayo si Eden Sofia, bitbit ang bag na iniwan nito doon si Lirio.

“Susuyuin ko na naman siya bukas? Haish!” Sinabunot lang ni Lirio ang buhok nito’t napabuntong-hininga.

“Seryuso ‘yung tao tapos babanatin mo ng ‘gutom lang ‘yan’. Kulang ka ba sa sapak, San Miguel?” Muntik nang matawa si Raspberry nang marinig ang mga salitang iyon mula sa newly-elected SSG President nila. Bukod kay Noah, kaibigan rin nito si Shawn Guillermo. Hindi nito sinu-sugarcoat ang sinasabi nito.

“Iniiwas ko lang naman ang usapan. Kakasimula pa lang ng klase tapos grades na naman.” Nakikinita na ni Raspberry na humahaba na naman ang nguso ng unggoy na si Lirio. Nagbibinata na ito’t lahat, mukha pa rin itong bata. Katwiran ng katwiran pero mga bulok naman. “Aayusin ko naman studies ko kalaunan.”

Natapos na ni Raspberry ang pagsusulat ng formal theme kaya niligpit na niya ang mga gamit niya bago pa siya maengganyong makinig sa mga ito. Kanina pa ang uwian ngunit mas pinili niyang manatili muna sa eskuwelahan upang gumawa ng mga assignments niya para wala na siyang gagawin sa bahay.

Dear Lirio,

Someday, you will realize the things you didn’t value that hold a greater value than you think. And that, it’s too late for you to mend it because time flies so fast.

Raspberry.

* * *

Chapter 7 

Lumakad na sa stage si Berry, kalkulado ang kilos nito at nakangiti. Nakasuot ito ng baby pink gown na may sash na ‘Miss Japan’ na siyang bansang nire-represent nito. Katabi nito ang kanyang girlfriend na si Eden Sofia na ang sash ay ‘Miss Vietnam’. Di-hamak na mas matangkad si Berry kaysa sa girlfriend niya. Kumakaway si Eden Sofia samantalang nanatiling nakatayo si Berry sa tabi nito, may kiming ngiti sa mga labi.

Naalala tuloy niya kung paano siya ang dahilan kung bakit nasa stage ngayon si Raspberry.

“Bakit hindi ikaw na lang ang mag-represent ng klase natin, Raspberry? Tutal bagay naman sa ‘yong sumali. Ayaw na ni Sabrina dahil siya na ang representative natin noong third year,” katwiran ni Lirio nang unti-unti nang nagturuan ang mga kaklase niya kung sino ang ilalahok nila sa Miss UN.

Halata sa mukha ni Raspberry na labag sa kalooban nito ang suhestiyon niya na ito ang lalaban sa Miss UN ng section nila. Pinagkrus niya ang mga kamay niya at mataman itong tiningnan.

“Hindi tayo lugi sa question and answer portion pa lang, di ba class?” Sumang-ayon naman ang mga kaklase nila. Nagsasalubong na ang mga kilay ni Raspberry. “Dahil kaya mo naman sagutin. Matalino ka. Pagdating naman sa kagandahan…”

Napapitlag si Raspberry nang sikuhin ito ni Klint na seatmate nito. 

“Buweno, sino ditong gusto na si Raspberry ang sasali sa UN? Itaas ang kamay.” Nagsitaasan naman ng kamay ang mga kaklase nila bagay na ikinangisi niya’t bumaling kay Raspberry na hindi na maipinta ang mukha. Namulsa si Lirio at lumapit kay Raspberry.

Hindi rin niya maipaliwanag ang sarili niya kung bakit si Raspberry ang gusto niyang lumaban sa Miss UN. Kailangan lang nitong ilabas ang nakatagong qualities nito. Tahimik lang kasi ito sa klase. “Di mo naman kailangang ipanalo ang Miss UN. Gusto lang namin may mag-represent sa ‘tin. Paano, ikaw ang gusto ng lahat. Ano? Payag ka na?”

Mukhang ito lang ang napilitang sumali sa mga contestant pero maayos naman nitong naitawid ang pageant hanggang sa nasali na ito sa Top 10 ay masaya na silang lahat kasama na doon ang kanyang girlfriend.

Napatunganga silang lahat nang masaksihan nila ang talent portion ng Miss UN dahil akala nila ay kakanta lang ito o sasayaw gaya ng ginawa ng iba. Sa gulat nila, umakyat ito sa stage na may bitbit na violin at tinugtog iyon. Para siyang nabato-balani nang pumainlanlang ang klasikong musika at ramdam niyang ganoon din ang mga kaklase niya.

Sabi na nga ba, may itinatago itong katangian na hahangaan nilang lahat.

Totoo nga ang kantiyaw ng mga kaklase niya sa kanya na malilito talaga siya kung saan siya kakampi. Sa girlfriend niya o sa representative ng section nila kaya nanatili na lang siyang tahimik. Sumapit ang question ang answer portion na siyang hinihintay ng iba.

“Miss Japan,” tawag ng emcee na si Shawn. Sinenyasan nito si Raspberry na pumunta sa harap para sa question nito.

“In the Disney movies, which character that best describe you?” tanong ni Shawn sa mikropono hawak ang flash card niya. Ito ang nagsilbing host sa UN. Nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga estudyante roon sa magiging sagot nito na inaasahan na ay sasagutin nito ang mga Disney Princesses. Ano pa ba? ‘Yun din ang inaasahang sagot ni Lirio.

Hinarap ni Raspberry ang audience at tinanggap ang mikropono na inilahad ni Shawn. Inilibot muna nito ang tingin sa kanilang audience, tumikhim at nagsalita na sa mikropono.

“The villains in the Disney movies,” walang-gatol na sagot nito sa mikropono na umani ng atensiyon sa kanila maging ang mga judges na mga guro. “Because they’re flawed, had their shortcomings and insecurities, you are one too. Princesses are almost perfect and I am not, not a damsel in distress, waiting to be rescued by a prince but an independent lady who wants to achieve things in my own way. Thank you.”

Ilang segundo silang natigilan sa sagot nito na bagama’t sandali lamang ay nagpatulala sa kanila.

“Wow! What an unconventional answer coming from Miss Japan!” Maging si Shawn ay napatulala sa sagot ni Raspberry na polite na ngumiti lang sa audience na pinalakpakan ito.

“Kaibigan ko ‘yan! Kaibigan ko ‘yan! Woo!” Natawa na lamang si Lirio nang makita niyang nagtatalon si Daisy ilang metro ang layo sa kanila habang niyuyugyog nito si John Dale.

Dahil doon, si Raspberry ang nanalo bilang Miss UN ng batch nila na ikinasaya ng buong section kasama siya at muntik na niyang makalimutan ang kanyang girlfriend na si Eden Sofia na nanalo bilang first runner-up.

Galit na galit ito nang salubungin niya ito sa harap ng pinto ng canteen.

“I’m sorry, Eden Sofia. Masaya lang ako na nanalo ang representative namin. I was just—” Bago pa man niya maipaliwanag ang sarili ay pinutol na nito ang pagsasalita niya.

“Sige! Mag-enjoy kayong lahat!” Umani ng atensiyon ang paghila nito sa sash nito bilang 1st runner up at ihagis kung saan. “Tutal masaya ka namang nanalo kayo ng section mo. Wala ka nang pakialam sa ‘kin dahil first runner-up lang naman ako. Akala mo, hindi ko napapansin na chine-cheer mo ‘yang candidate ninyo? Na halos nakapagkit na ang mga mata mo sa kanya? Hindi ako bulag, San Miguel.”

“Teka, Sofia! Sandali, Sofia! Hindi—”

Napangiwi siya nang magmartsa na ito palayo sa kanya saka hinubad ang heels nito. Tila may kumurot sa puso niya nang makitang papaiyak na ito. Kung bakit ba kasi hindi niya naikonsidera ang damdamin nito bago pa niya i-treat ang buong section nila.

“Alam mo, San Miguel. Bitter lang ‘yang gf mo dahil hindi siya ang nanalo.” Napalingon siya kay Jenny na nakasaksi sa komprontasyong iyon. Ito ang representative ng Section A at nanalong second runner-up at Best in Costume. Nakasuot pa ito ng traditional costume ng China. “All is fair and square. Mas lamang lang talaga si Raspberry sa pagkakataong ito. There’s no denying her elegance and her presence on stage. ” Tinapik nito nang mahina ang balikat niya. “Ico-congratulate ko pa siya. In fairness, that was an impressive answer.”

Napabuntong-hininga na lamang si Lirio. Namalayan na lamang niyang inakbayan siya ni Henry. Ang study buddy niya na kaklase ni Eden Sofia. “Ikaw naman kasi, p’re. ‘Yung mga mata mo nakamasid lang kay Berry. Nasasaktan ang girlfriend mo dahil humahanga ka sa kagandahan ng iba kaysa sa kanya.” Napapailing pa ito, tinapik ang likod niya’t nakisali na pakulo niyang libre.

Ngayon, naubusan na siya ng tricks kung paano paamuhin na naman si Eden Sofia. Ngunguto-ngutong ngumuya siya ng cheese bread na walang imik na ibinigay sa kanya ni Shinoah. Sa lahat ng babae sa eskuwelahan nila, kay Raspberry pa talaga ito nagselos.

* * *

“Congratulations, Berry! Masaya ako para sa ‘yo! At sa section na rin natin. Wohoo! Bakit hindi mo naikuwento na nagvi-violin ka pala?” Kulang na lang yugyugin siya ni Daisy nang salubungin siya ng mga kaklase niya matapos ang UN Pageant. Ito yata ang pinaka-hyper na tao sa audience sa gym kanina, all-out ang suporta at natawa pa siya ng lihim dahil kung makayugyog ito kay John Dale ay wagas.

“I’m taking violin lessons since elementary. Nag-practice ulit ako dahil matagal na rin noong nakahawak ako ng violin,” paliwanag niya. Nakapagpalit na si Berry ng damit at nakatiklop na ang baby pink gown sa desk na suot niya sa pageant.

“Napaka-talented naman ng friend ko. Naks!” proud na sambit nito na ikinangiti niya. Kanina, noong inanunsiyo ni Shawn na siya ang Miss UN, wala sa isip niyang manalo dahil gusto na niyang bumaba ng stage, malayo sa mga matang nakamasid sa kanya.

“Berry, Congrats! Ang ganda-ganda mo ngayon! Puwede ba kita maging crush ulit?” Sumulpot bigla si Klint sa tabi niya at akmang yayakapin siya ng hilahin ito ni Marc sa kuwelyo. Natawa na lang tuloy siya.

“Excuse me? Off-limits amiga ko. Halika, Berry. Treat kita sa canteen. Baka may cassava cake doon, paborito mo ‘yon, di ba?”

“Congrats, Berry! Sorry, on the loose na naman ‘tong kaibigan kong tukmol. Kitakits mamaya!” Inakbayan nito ang nakangising si Klint papalayo sa kanya.

Hinayaan na niya si Daisy na tangayin siya sa canteen kahit na hindi pa niya naaalis ang make-up niya sa mukha. Mamaya na lang niya iyon asikasuhin dahil nagutom na siya sa kakarampa sa stage kanina at magkakaroon pa yata siya ng blisters dahil sa heels na suot niya.

Nakaabrisete sa braso niya si Daisy nang makababa na sila sa RSD Building nang masaksihan nila ang komosyon sa may canteen. Nanigas sa kinatatayuan si Berry nang makita si Eden Sofia at Lirio.

“Sige! Mag-enjoy kayong lahat!” Bahagyang umawang ang mga mata niya ng itapon ni Eden Sofia ang sash nito sa harap ni Lirio. “Tutal masaya ka namang nanalo kayo ng section mo. Wala ka nang pakialam sa ‘kin dahil first runner-up lang naman ako. Akala mo, hindi ko napapansin na chine-cheer mo ‘yang candidate ninyo? Na halos nakapagkit na ang mga mata mo sa kanya? Hindi ako bulag, San Miguel.”

“Teka, Sofia! Sandali, Sofia! Hindi—” Nilayasan nito si Lirio, nagpupuyos sa inis at hindi alam ni Berry kung tutuloy pa siya sa canteen ngayong nakita niya na siya ang dahilan sa di-pagkakaunawaan ng dalawang magkasintahan. Eden Sofia was one of the reasons why she keeps her guard up when it comes to Lirio. Selosa ang girlfriend nito at ayaw niyang magkaroon ng komplikasyon sa relasyon ng mga ito. Ilang beses na nitong pinagselosan ang mga babaeng napapalapit kay Lirio at ayaw niyang masama sa mga ito bagay na nangyari na ngayon. Naging alerto si Daisy at himbis na tumuloy sila sa canteen ay sa exit sila tumungo.

“Di-hamak naman na mas masarap ang camote chips at banana cue sa labas. Baka ubos na rin ang cassava cake sa canteen,” pagsasalita ni Daisy, nakangiti ngunit bakas ang pag-alala sa mga mata.

Parang may batong nakaharang sa lalamunan ni Berry. Bigla siyang nanlamig, hindi alintana na pinaupo na siya ni Daisy sa isang bangko sa harap ng tindahan at nakabili na ito ng banana cue at kutsinta nilang dalawa.

“Berry? Wala kang kasalanan,” untag ni Daisy at tinapik ang balikat niya. Napakurap siya’t dumampot ng kutsinta. Hindi siya nagsalita. “Napapansin kong gusto ni Eden Sofia na nasa kanya ang buong atensiyon ni Lirio. Kasalanan ba ng kaibigan ko na nagandahan siya sa ‘yo?”

Nangunot ang kanyang noo, hindi pa rin alam ang sasabihin kaya kinagatan na lang niya ang banana cue niya.

“Saka bihira ka lang mag-ayos kaya maraming di inaasahan na may igaganda ka pa pala. Tapos nagvi-violin ka pa sa talent portion. Sinong di matr-treaten?”

Hindi niya nagustuhan ang ideyang baka na-trigger niya ang insecurities ni Eden Sofia nang dahil lang nakamasid sa kanya si Lirio. “She’s the girlfriend. San Miguel and I are not sort of in friendly terms kaya bakit siya ma-thre-threaten sa ‘kin? That’s just so shallow.”

“Kaya nga e. Nagtampo lang siya dahil kahit papaano ay sinuportahan ka ni Lirio at siya pa mismo ang nag-suggest sa iyon.” Sa realisasyong iyon ay napangiwi si Daisy. “Kapag nalaman iyon ni Eden Sofia na si Lirio ang mastermind kung bakit ikaw ang representative namin, tiyak na lalo silang di magkakabati.”

Natahimik na sila ni Daisy pagkatapos niyon. Maagang umuwi si Berry at hindi na pinaunlakan ang imbitasyon ng mga kaklase niya na magkaroon ng kaunting kasiyahan sa videoke sa isang mall. Sumama si Daisy sa mga ito samantalang inihatid na siya ni Daisy sa sakayan. Napagod siya sa UN Pageant at mas lalong napagod siya nang magsink-in lahat ng mga obserbasyon niya sa nangyaring pageant; the entire ordeal.

Dear Lirio,

I am not being assuming here but I’m having this feeling during the UN rehearsal that you kept on looking at me, while your girlfriend was beside me or sort of. Bigla-bigla akong nac-conscious at pilit ko mang iiwas ang tingin ko, NAKATINGIN KA PA RIN. Seriously? Hindi mo man lang napansin na ang sama na ng tingin sa ‘kin ni Eden Sofia dahil ang atensiyon mo ay nasa akin imbes na nasa kanya?

Stop staring at me if you don’t want me to end up at the edge of the stage because of your gf’s stare. Wala naman talaga akong pakialam pero nakaka-conscious at nakaka-bother kumilos.

Pakiramdam ko tuloy, may kasalanan ako na hindi ko naman alam kung ano. Katabi ko si Eden Sofia na ang cold na lalo ng mga mata at alam kong isa ako sa dahilan kung bakit ganoon ang ekpresyon niya.

Raspberry

– *-

Dear Lirio,

I did see this coming. From the observations, I have ever since the rehearsal and the official pageant. But I felt sick seeing it in front of my eyes. I am not happy that I won and I have to be on the sidelines. Naisip ko na sana hindi na lang ako nag-violin para wala na akong chance kahit sa top five man lang.

But I did win and I felt bad seeing your girlfriend beside me, as a first-runner up and I felt like throwing up when you congratulated me first before your girlfriend. Even though she was meters away from me.

Sinong di magtatampong girlfriend sa ginawa mo? How do you fix that mess, San Miguel?

Raspberry

* * *

Ilang beses nang humugot ng hininga si Lirio habang naglalakad siya patungo sa bahay nina Eden Sofia upang bisitahin ito. Sabado ngayon at walang klase kaya Lunes pa niya makakausap ito matapos ang UN Pageant. At ayaw niyang umabot ng ilang araw ang di-pagkakaunawaan nilang dalawa. Nagpadala na siya ng mensahe sa pager ni Eden Sofia na pupunta siya roon sa bahay ng mga ito.

Kilala na siya ng buong pamilya nito at wala namang kaso sa mga ito na binibisita niya si Eden Sofia doon. May tiwala naman ang mga ito sa kanya at isa rin siya sa mga nag-aalaga rito kapag may topak ang sakit nito. Napangiwi siya nang maalala ang maselan nitong komplikasyon sa puso, hindi na dapat niya binibigyan ng pr-problemahin si Eden Sofia.

Si Eden Sofia mismo ang nagbukas ng gate, wala itong kangiti-ngiti kahit pa may dala siyang plastic na naglalaman ng spaghetti na ipinaluto pa niya sa Ate Luanne niya dahil paborito iyon ni Eden Sofia.

“I’m sorry,” untag niya nang makaupo na silang dalawa sa sofa. Inilapag niya ang plastic sa center table.

“I heard from your classmate that you voted for her to be your representative.” Muntik na niya iyong makalimutan at na-guilty na naman si Lirio. Eden Sofia crossed her arms, still not looking at him.

“We are not close,” panimula ni Lirio, kesa ipaliwanag rito kung bakit si Berry ang nai-suggest niya dahil baka mas lalo itong magtampo sa kanya. Adding fuel to the fire. “In fact, she seems to hate me. Ayaw niyang sumali sa UN ngunit napilitan siya mismo ng mga kaklase namin.”

“Hate you? Why?” Tuluyan na itong lumingon sa kanya, may pagtataka sa mga mata.

“I don’t know. Tinanong ko na rin si Daisy kung bakit. I have a hunch that she didn’t like me na hindi ko alam kung bakit. You see, siya ang klase ng babaeng ayaw yata sa mga tao. At kung ano man ang nakita niya sa akin ay iyon ang dahilan kung bakit masama ang timpla niya sa ‘kin,” dugtong niya.

“Unlucky for her for not finding out what’s good in you.” Doon na siya marahang natawa, napangiting ginulo ang buhok nito at inakbayan na ikinatawa nito.

“So, are we good now?” he murmured.

Ngumiti lang ito at inabot ang plastic na may lamang baunan kung saan doon nilagay ang spaghetti. Napangiwi siya nang magsink-in sa kanya na pinagselosan ng girlfriend niya si Berry na halata namang walang pakialam sa kanya.

* * *

Chapter 8

Raspberry knew how to dance so she didn’t mind that they were going to have a dance presentation for the class. Nagkatinginan sila ni Daisy nang pumila na sila para ipares sa mga boys sa klase nila. Apart from her who keeps her calm expression, Daisy looked agitated.

Nasa harap ang mga mata ni Berry, nakakunot ang noo dahil may naamoy siyang pamilyar na cologne at kilala niya ang may-ari niyon. Naipikit ni Berry ang mga mata niya, lihim na dinadasal na wag naman sana.

“Now, face your partner.” Nagulat si Lirio nang maharap siya nito at siya naman ay hindi alam ang gagawin ngunit nanatili siyang kalmado sa kabila ng delubyo sa loob niya. Iniisip pa lang niya na pares sila sa pagsasayaw ay nanlalamig na siya. Bago pa man siya nito makausap ay may biglang sumingit sa kanilang dalawa.

“Uy San Miguel. Mas matangkad pa ako sa ‘yo. May nangyayaring growth spurt sa ‘kin kaya tabi. Ako na ang partner ni Berry.” Napamaang siya nang basta na lang itabi  ni Klint si Lirio. Pilyo ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Klint.

“Magkasingtangkad lang tayo. Pinantayan mo lang ako,” reklamo ni Lirio, naniningkit ang mga mata kay Klint. Bumaling ito sa kanya at napapailing na lang, may trace na ngiti sa mga labi. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Berry.

“Kahit na, ako pa rin ang partner ni Berry. Mas bagay kami.” Di niya alam kung ano ang gagawin sa kakulitan ni Klint. Di nga ba’y nagtapat na ito sa kanya? Ngunit ngayo’y parang di naman ito seryuso, gusto lang nitong mang-asar kay Lirio.

Sa huli, walang nagawa si Lirio sa pakikipag-argue kay Klint dahil nagpupumilit pa rin si Klint na sila ang pares sa pagsasayaw. Pinagtinginan na sila ng iba nilang mga kaklase at ang iba naman ay makahulugang tumingin sa kanya ngunit binalewala na lamang iyon ni Berry.  

Sa buong durasyon ng pagsasayaw nila, ay kulang na lang batukan niya si Klint dahil natatapakan nito ang paa niya.

“Sabihin mo lang sa ‘kin kung patay na yang paa mo, ililibing ko,” pagbibiro pa ng tukmol na si Klint sabay ngisi. Binigyan niya ito ng trademark niyang irap.

“Dismayado ka ba?” untag nito sa kanya na ikinapitlag niya.

“Anong klaseng tanong ‘yan?” nakataas ang kilay na pakli niya.

Tumambay muna sila sa may grandstand. Pakalat-kalat lang sila doon nang mag-break muna sa dance practice.

“Alam mo na, partner mo sana si Lirio.” Napalingon tuloy siya dito. Patuloy lang ito sa pagngisi. “Mas matangkad naman talaga ako sa kanya. Mga millimeters yata.”

Kung alam lang nito na abot-abot ang relief niya na hindi niya partner si Lirio sa dance presentation nila. Tumingin sa harap si Klint, nagawi naman ang mga mata niya sa tinitingnan nito. Kausap ni Lirio si Shinoah at nakasandal pareho sa railings. Sa baba lang ng grandstand, ilang metro ang layo sa oval.

“Ang totoo, gusto lang kitang ilayo bago pa magkaroon ulit ng komplikasyon.”

“Thank you?” sarkastiko niyang pahayag sa sinabi nito dahilan kung bakit ito natawa. May hunch si Berry na may alam itong si Klint at hindi niya alam kung ano iyon. Ang lakas nitong makiramdam kahit na minsan ay puro lang ito kalokohan at daldal. Napahawak ito sa panga nito.

“Saka ano, mas bagay talaga tayo,” giit nito. Hindi niya alam kung babatukan ito o matatawa sa pagpipilit nito sa bagay na iyon.

“Okay na sana e, dinugtungan mo pa. Nauuhaw ako. Samahan mo muna ako sa labas. Bibili lang ng pagkain,” yaya na lang niya rito. Uwian na rin ng oras na iyon kaya may mga estudyanteng dumadaan roon patungo sa exit gate ng grandstand.

“Libre mo?” Inirapan na naman niya ito. Mula sa pheripheral vision niya ay nakita niyang papalapit si Eden Sofia kay Lirio.

“Ikaw ang manlilibre.” Itinuro niya ang paa niyang tinapakan ito ng ilang ulit. “Compensation sa danyos mo sa paa ko.”

Natawa lang ito at sumunod sa kanya pababa ng hagdan. Lumakad sila patungo sa may parking lot. Iniwan muna nila ang bag nila doon at tanging dala lang ay wallet.

“Ano?” untag nito nang humawak siya bigla sa dulo ng polo nito nang dumaan sila sa area na may naglalaro ng volleyball.

“Ayokong matamaan ng bola.”

“Sa likod lang kita, ako ang magiging knight in shining armour mo.” Tumaas-baba pa ang kilay nito at di niya napigilang hampasin ito nang mahina sa braso nito’t natawa lamang. Puro talaga ito hirit at banat sa kanya. Nawala lamang ang kanyang ngiti nang mapansin niyang nilingon siya ni Lirio. Katabi nitong naglalakad si Eden Sofia na napatingin na rin sa kanilang dalawa ni Klint.

Napaiwas tuloy siya ng tingin. “‘Wag kang mag-alala, Berry. Loyal naman ako sa ‘yo.”

“Puro ka ano, ewan. ‘Lika na nga, gutom na talaga ako.” Siya na mismo ang humila dito, makalayo lang sa dalawang magkasintahan na mukhang nawerduhan yata sa kanilang dalawa ni Klint.

* * *

“Iha, may problema ba?” Napakurap-kurap si Berry nang nilapitan siya ni Manang Gloria na kasalukuyang nandoon sa shelter.

“Ho? Ah wala ho.” Awtomatiko siyang ngumiti upang matakpan ang pag-aalala niya at pagkabahala.

“Gusto mong sumabay na sa aming mag-merienda?”

“Okay lang po talaga ako, Manang Gloria. Sige ho, mag-merienda na po kayo. May tatapusin lang po ako rito,” agap niya rito. Nakangiting tumango lang ito at tumungo na sa umpukan ng mga kababaihan at bata sa labas ng shelter. May mini-garden kasi roon at isang gazebo, kung saan nanatili ang iba upang mag-huntahan.

Nakahinga siya nang maluwag nang mag-isa na lamang siya doon, kaharap ang computer. Napako ng ilang segundo ang mga mata niya sa screen doon, kinokompirma sa sarili na totoo ba itong nakikita niya. Binasa ulit niya ang nakapaloob sa email.

Kagat-labing napahigpit ang hawak niya sa mouse. Naipikit niya ang mga mata sandali. Inevitable naman talaga ang gaganaping reunion at isa pa, long overdue na rin iyon dahil may kanya-kanya na silang buhay. Their former president and vice-president in SSG made a way to plan an Alumni Homecoming after all these years.

Nataon pang nai-release na ang Scarlet’s Letters book at hula niya ay may ilan na sa batchmates nila ang nakabasa niyon. Baka nag-circulate na sa kanilang batch ang tungkol doon. It was supposed to be a memento, not sharing it to everyone especially when it involves Lirio’s name.

“I saw the book, Berry. Ilang araw akong nag-isip kung sino ang nagsulat niyon. I even thought that you really hate Lirio. Turns out, defense mechanism mo lang pala iyon.” Tinawagan ulit siya ni Daisy kinagabihan. Mukhang pareho silang hindi makatulog sa gaganaping reunion. It’s already twelve in the midnight.

“You’re attending?”

“I received death threats from those two. Naalala mo ‘yung duo? Si Kei at Jin? Kapag hindi ako dumalo, hindi na nila ako kilalanin. Di naman talaga ako takot sa kanila. The fact that I have to face this all over again. Ang sakit na sa ulo,” himutok nito sa kabilang linya.

Tumungo si Berry sa bintana ng kuwarto niya’t binuksan iyon. Pumasok ang mabining hangin ng gabi.

“Did he contact you? I mean, the hero.” Ni mabanggit ang pangalan ni Lirio ay hindi niya magawa.

“No. At sana hindi. May pa naman pero kinakabahan na ako rito. Ikaw pa lang ang na-contact ko. And also . . . ” she trailed off.

“Why?”

“The problem was, nakita ako ni Klint sa Ayala. Just months ago. Para pa namang waterfalls ang bibig nun. Baka pinagkalat na niya sa batch na nabuhay ulit ako,” pabiro nitong sabi. Ilang taon itong biglang naglaho na lamang sa buhay nila at recently lang sila nagkita, noong binisita niya ito sa probinsiya ng mga magulang nito kung saan ito nagtuturo.

Napahigpit ang kapit niya sa phone niya nang marinig ang pangalan ni Klint. Napangiwi na lamang siya.

“What do I do? Klint knows.”

“What? Anong alam niya?”

She paced back and forth. Kahit ang liwanag ng buwan ay hindi nakatulong na gumaan ang pakiramdam niya. She sighed.

“Nakita na niya ang notebook ko way back highschool. Naalala mo ‘yung sa booth? I ran faster than you that time at ang dahilan niyon ay nasa kanila ang bag ko. Klint saw me writing on my notebook and I know, it’s his chance to look at it.” Napasinghap ito sa kabilang linya. Napaupo naman siya sa upuan niya, facing the open window and the dark skies. “He knows na ako ang nagsulat ng Scarlet’s Letters.”

“Why does he have to know almost everything?” frustrated na sambit nito sa kabilang linya. “Sana itikom niya ang bibig niya sa reunion. Aawayin ko talaga siya pag binuking ka niya kay Lir.”

Berry has this hunch that Klint kept his knowledge about it. Pero duda siya na tatagal iyon hanggang reunion. “That’s one of my problem. Mas mabuting di pa niya alam ang tungkol sa libro.”

“I doubt it, Berry. Alam natin ang karakas ng lalaking iyon. Matalas ‘yon pagdating sa mga balita at tsismis, daig pa ‘yung mga tsismosang kapit-bahay. He has his ways of gaining information. Aba, disipulo ‘yan ni Lirio noon. Sila ni Marc.”

“Alam ko.” Magkadikit ang tatlong ‘yon sa kalokohan noon, maiingay na mga lalaki. Nakukulili nga minsan tainga niya sa mga ito. Dahil hindi palaging sinasabayan ng seryusong Noah at supladong Shawn si Lirio ay sina Marc at Klint ang kasangga nito.

Dumako ang mga mata niya sa libro na nasa night table niya. “Tutuloy ka pa ba sa reunion?”

“I don’t know. If tutuloy ako. Tutuloy ka rin ba?” Berry was torn in between of attending the reunion or not. Kung hindi siya dadalo, mas lalo siyang mag-aalala kay Daisy.

“Ang importante, magkasama tayong dalawa. It’s either of the two but what’s your decision?”

“I’m still thinking about it.”

“Okay ganito, pag nakapag-desisyon ka na. Call me. Ang importante ay magkasama tayong dalawa rito,” sabi niya rito bago sila nagpaalam sa isa’t isa. 

* * *

Hingal na hingal si Berry nang makarating sa room kung saan naroon ang booth nila.

“Klint! Nasaan ang bag ko!” singhal niya kay Klint na nagulat pagsulpot niya doon na kalauna’y tatawa-tawa lang na ikinangitngit niya.

Nagkaroon ng tensiyon nang makarating silang dalawa doon at nagulantang na lamang sila nang makitang nakagapos si Noah sa isang silya. Bumangon ang inis ni Berry sa mga kaklase nila nang habulin ng mga ito sa Daisy na dali-daling nakatakbo papalayo doon.

Nag-alala man si Berry na nalaman na ni Klint ang itinatagong sikreto niya ay mas nag-alala siya sa sitwasyon ni Daisy na tumakbo na paalis ng silid.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng bag niya na malamang kinalkal kanina ni Klint. Nagpupuyos siya sa inis pero kinontrol niya iyon. Nadaanan niya si Lirio at sinamaan niya ito ng tingin. Bakas sa mukha nito ang guilt sa ginawa nito sa dalawa.

Napailing na lamang siya’t dinampot ang bag niya at hinanap si Daisy. Kung sana’y nakaisip nang mas makabuluhang bagay ang mga kaklase niya himbis na ang walang kuwentang concept ng booth, di sana mangyayari ito na may taong nasaktan. Nakahinga nang maluwag si Berry nang matagpuan niya si Daisy na ang bagal na ng mga hakbang sa parking lot.

Saka na muna niya iisipin ang nadiskubreng sikreto ni Klint.

* * *

“Ang sama na naman ng tingin ni baby Raspberry sa ‘yo, tol. Baka pinaglamayan ka na namin sa tingin niya,” pang-aasar ni Klint kay Lirio na siyang ikinainis niya.

“Baka nakalimutan mong cold war rin kayong dalawa?” ganting asar niya rito na ikinatahimik lang nito.

Magmula kahapon, hindi rin ito inimik ni Raspberry.

Kailan pa ito naging baby sa paningin ni Klint? May gusto ba ito kay Raspberry? Napasinghal tuloy siya at napaub-ob sa desk ng kanyang armchair. Masakit pa ang ulo niya sa nangyaring kaguluhan kahapon.

“Kung bakit mo naman kasi sinet-up ang dalawa,” gatong naman ni Marc.

Parang gusto niyang sakmalin ang dalawang ito.

“Mabagal pa silang dalawa sa pagong.” Tukoy niya kay Daisy at Noah. Bakit ba hindi na lang aminin ng dalawa? Halos lahat na ata ng mga kaklase nila ay aware sa nararamdaman ng dalawa kahit na may Kara Jecille sa eksena.

Nabubuwisit na si Lirio sa kaibigan niyang si Noah. Ano pa ba ang pumipigil rito bukod sa pag-poprotekta nito kay Kara Jecille? Naalala pa niya ang sinabi ni Shawn na di naman talaga nangyayari ayon sa gusto niyang mangyari at di iyon ganoon kadali. Naasar lang siya nang marinig mula rito na di niya kontrolado ang lahat.

Napakutkot siya sa kanyang buhok at napagdesisyunang pumunta na lang ng canteen kesa makinig sa dalawang asungot na panira ng araw niya. Nang makarating siya ng canteen ay napansin niyang kukunti lang ang mga tao. Gawa na rin na kanina pa ang uwian. Napaaga kasi sa kanilang mga seniors. Graduating na rin naman sila at may inaasikaso ang mga guro nila para sa gaganaping graduation ceremony.

Dumako ang mga mata niya sa natirang cassava cake. Pamilyar sa kanya ang babaeng nauna sa kanya sa pila.

“Baka naman, akin na ang natirang cassava cake.” Pagpaparinig niya rito, sakali matipuhan nito sa cassava cake. Ilang araw na siyang hindi nakatikim niyon.

Ngunit nawala ang kanyang ngiti nang ituro iyon ng babae at pagkalingon pa nito sa kanya ay nagusot ang mukha niya nang makilalang si Raspberry iyon. Ang babaeng may laser ang mga mata nitong mga nakaraang araw at partikular sa kanya.

Ang talim na naman ng tingin nito sa kanya na parang may ginawa siyang malaking kasalanan rito. Dinaig pa nito si Daisy na wala na sa huli ang nangyaring kaguluhan kahapon.

“Gusto mo pala ng cassava cake.” Namulsa siya at hinarangan ito nang bahagya.

Bahagya lang siya nitong tinapunan ng tingin na may kasama pang irap. Napahawak tuloy siya lalo sa bulsa niya. The side of his lips twitched while still smiling.

“Oo, may problema ka ba doon?” mataray nitong sambit. Nagpigil siya ng hininga at napasinghal nang kaunti. Bago pa man ito makalayo ay tinawag niya ito.

“Nag-sorry na ako kay Daisy. Paulit-ulit kanina. Ano pa ba ang kulang doon? I’m sorry that I did that,” he said, almost stubbornly.

She turned to him, with her eyes resembling the cat in the night, about to scratch his face. “I don’t need your sorry, San Miguel. Change your tactics, and be sure you’re not hurting anyone’s feelings to live up to your expectations.”

Then, he left dumbfounded for minutes. Mas masakit pa ang sinabi nito sa sampal ng kanyang Ate Luanne nang madiskubre nitong binabasa niya ang mga letters nito na para sa mga suitors nito. Letters kung paano ito mambasted ng lalaki. Napangiwi tuloy siya sa alaala.

* * *

Chapter 9 

Daisy’s POV 

It took three days to contact Lirio and one day to wait and see him again. Kating-kati na siyang makita ito sa personal.

She’s waiting at a Café inside the Ayala Mall. Nakatitig lang siya sa tanawin sa Terraces mula sa glasswall. Thirty minutes later, the personified sunshine, now the gloomy serious guy, walked into the Cafe. Daisy could tell that he really changed. From the easy walk he had before, now he walked like an arrogant royalty. He’s wearing a white long-sleeve tucked in his black pants.

Napatayo siya nang wala sa oras at kinawayan ito. When he spotted her, it took seconds when he smiled at her. Nagtagal ang mga mata nito sa buhok niyang hindi na gaanong buhaghag ngayon. Kulot pa rin naman pero ‘di na masyadong makapal.

“Daisy!” he called and walked near her. He hugged her tight and kissed her temple. Ang bango rin nito. “I missed you.”

“Na-miss rin kita, Lirio.” Tinapik niya ang likod nito. Ang lapad na ng katawan nito kompara noon na medyo patpatin. May papatubong stubbles sa gilid ng mga panga nito.

“When did you arrive here?” he asked and sat on the chair. Katapat ng upuan niya.

“Noong Linggo lang. Tingin ko’y alam mo na kung ang tungkol sa batch reunion. Ngayon lang ako nakabalik rito at bakasyon ko na rin ito. Wala na kasing klase dahil summer na,” nakangiting wika niya rito. Teacher siya sa isang public school sa probinsiya.

“You really want to join the homecoming despite the attorney’s presence?” Nabura tuloy ang ngisi niya na ikina-amuse nito.

“I’m tired of running away,” sagot na lamang niya at kinalma ang sarili bago na naman siya atakihin ng nerbiyos. “Ikaw? Ayaw mo bang dumalo? Napaka-workaholic mo na. Matagal bago kita na-contact dahil nasa Palawan ka, inaasikaso ang negosyo mo. O kaya naman nasa business meeting. Magtatampo ako kung hindi ka dadalo. Kailangan ko ng moral support. Aside from JD’s presence.”

Saglit itong natigilan at napakunot-noo. “Well, kamag-anak ko siya.”

Sigurado siyang walang ideya si Lirio na hero ito sa isang tagalog romance novel.

“Alam mo ba?”

“Ang alin?” takang tanong nito.

“The book Scarlet’s Letters. Nabasa mo na? Your name was used in the novel. Lirio Marco San Miguel ang pangalan ng hero.”

Lumarawan ang pagtataka sa mukha nito. Ilang segundo lang iyon nagtagal saka ito nagkibit-balikat, tila wala iyong epekto rito. She reached for her tote bag and searched for the novel.

“Maybe one of my admirers,” he said, shrugging his shoulders. Wala na talaga itong pakialam sa nangyayari sa mundo.

Puro trabaho na lang ang nasa isip nito. Dinampot niya ang baso ng tubig roon at uminom.”Or just my mere employees. There’s nothing wrong with it.”

Inilabas na niya ang pocketbook and put it on the table. “Well, isinulat lang naman ng author na allergic si Lirio Marco San Miguel sa peanut butter. Kilalang-kilala ka ng writer, Lir.”

His eyes became sharp and looked at the book cover, eyebrows knotted in wonder. Daisy doesn’t want to reveal Quince’s identity, instead, she wants to see Lirio’s reaction. Binasa nito ang blurb sa likod ng libro, pakunot ng pakunot ang noo nito.

Kinagat niya ang labi niya upang magpigil ng ngisi.

Dumating na ang waiter at maingat na inilapag ang pagkain na in-order nila.

“Read it Lirio. Sabihin mo sa ‘kin kung sasama ka.” Her eyes were dancing and Lirio looked at her, analyzing her face.

Pinasalamatan niya ang waiter at marahang kinuha ang tinidor at kutsara. Natatakam na siya sa oyster dish.

“Kilala mo si Quince?” tanong nito, nakatutok pa rin ang mga mata sa libro.

“Siguro kilala ka niya noon pa?” Kunyari wala siyang alam at nangangapa kung sino ang author ng libro.

“Si Kristal?” Muntik na siyang mabulunan saka siya natawa. Si Kristal ang kaklase ni Jenny na malapit dito at natitiisan ang mga trip ni Jenny noong highschool pa sila. Kristal was a part of the school paper as a news writer.

“Alam nating baliw na baliw si Kristal noon kay Henry. Hindi ka niya crush noon.” Wala na siyang balita kung nasaan na si Kristal pero sigurado siya na may contact pa rin ito kay Jenny.

“Sino nga? Kilala mo siya, Daisy,” tila tamad na tugon nito at dinampot ang kutsara’t tinidor nito. 

Tumusok na lang ito ng isang piraso ng oyster. Pareho nilang paborito ang seafood.

“Baka isa sa mga schoolmate mo noong college na malapit sa ‘yo,” sa halip na sabi niya. She munched on her food before continuing. “Wala ka bang naalalang mga taong alam na may allergy ka sa peanut butter?”

“Secretary ko. Si Ciara, but she’s not a writer.” Naging malamlam ang mga mata nito, hindi na nagsalita at alam niya kung bakit. Ang dahilan kung bakit nagbago si Lirio. Gone were the days she watched how his eyes light up and laugh at silly nonsensical things. “Ipapa-check ko na lang sa secretary ko ang identity niya sa pinagt-trabahuan niya.”

Bumara yata ang talaba sa lalamunan niya. Why didn’t she think of this? Baka makalbo siya nang wala sa oras ni Quince. “Curious ka ano? Basahin mo.” 

“I don’t have time to read this.”

“Paano pag nalaman mo kung sino ang nagsulat kung babasahin mo?”

Malabo dahil umiikot ang mundo nito kay Eden Sofia noon.

Tinaasan siya nito ng kilay. Tiningnan siya nito na parang gusto nitong alamin kung ano ang tumatakbo sa utak niya.

“Basahin mo at malalaman mo kung gaano ka niya kakilala. The child Lirio peed on his pants when he fought with a big guy in third grade.” She grinned.

Umawang ang mga mata nito. Hindi makapaniwala sa narinig. Namumula ang gilid ng tainga nito. Kagaya pa rin ito ng dati na namumula ang tainga pag nahihiya.”Damn. Ano bang gusto mong iparating?”

She smiled as if she knew an inside joke and Lirio didn’t even have an inch of an idea. His eyes became dangerous as if he wanted to pin her to tell him who Quince was. “Tell me, Daze.”

Tutal naman ay patapos na siya sa pagkain at kontento na siya sa talabang nakain niya ay unti-unti niyang hinablot ang tote bag niya. Kailanma’y hindi siya nananalo kapag na-corner siya ng isang Lirio San Miguel. Minsan na siyang maging biktima nito noon at natatakasan lang niya ito pag tumakbo siya.

“See you sa batch reunion!” She sprinted right through the glass door of the Cafe and pushed it hard to escape.

“Daze!” he shouted. Great. Nahalata na nitong may alam siya kung sino si Quince. Ganoon lang ba kadali ang pagbigyan itong malaman kung sino ang nasa likod ng Quince? No way, highway. Bahala itong sumakit ang ulo nito sa kakaisip.

Dali-dali siyang bumaba ng escalator nang makitang hinabol talaga siya ng kulugo. She playfully stuck her tongue out and went to the terraces.

Mas may alam siya sa pasikot-sikot sa Ayala Malls dahil tumatambay siya roon. Noon. Lumingon siya sa likod niya at nakitang nakalayo na siya kay Lirio ngunit hinahabol pa rin siya nito. She laughed when she remembered those highschool moments when they ran on the oval to escape an old man. Tumapak kasi sila sa oval track na nakasuot ng school uniform, hindi PE.

Lumiko siya at dumiretso sa isang minor road saka tumawid nang kalsada nang maging kulay pula na ang stoplight. Natigil ito nang maging kulay berde na ang stoplight. She waved at him and ran through the Gorordo street. Halos bibigay na ang mga binti niya nang tumigil siya sa isang poste.

She leaned her hand there and breathe for some air. Napasalampak siya sa damuhan nang wala sa oras. Hindi na kagaya ng dati ang stamina niya pagdating sa takbuhan. Buti na lamang nakasuot siya ng sneakers. Simpleng denim jacket, white shirt at denim jeans. She’s a sucker for denims.

Nang mahimasmasan ay pumara siya ng jeep at sumakay roon. Malapit na siya sa JY nang tumunog ang phone niya. She fished out her phone from her clutch and stared at the unknown number. Sinagot niya iyon.

* * *

“Shit.” Tumirik ang kotse ni Lirio sa daan. Umusok ang bandang harap niyon, ang kinalalagyan ng makina. Nang buksan niya ay napaubo siya sa usok na lumabas. Mukhang malala ang sira niyon at hindi na niya na-check sa pagmamadali kanina. Napabuntong-hininga na lamang si Lirio at hinugot ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya. Kinontact niya ang Towing Service para ilagak sa talyer itong sasakyan niya.

Ayon sa kanyang intel na papangalanan nating ‘Klint’, nagcheck-in na raw si Daisy sa room nito. He smiled lopsidedly when he knew that Daisy would come. Napilitan siyang kunin ang traveling bag niya at nagdesisyong sasakay na lang siya ng bus para makarating na siya sa resort ni Jenny. Lihim siyang nanalangin na sana’y maayos ang trato ni Shawn rito at baka palayasin pa silang tatlong magkakaibigan sa resort.

He left his car to the towing service who came to fetch his car and waited for a bus to come. After minutes of waiting, he spotted an incoming bus. Kaagad niya naman iyong pinara at sumakay roon. Pinili niya ang upuang madali niyang nakita at bakante. 

* * *

‘So this is happening,’ Berry breathed out as she stared at the open window of the bus she was riding.

May choice naman siyang hindi tumuloy roon ngunit ayaw niyang iwan sa ere si Daisy. Isa pa, nangingibabaw ang kuryusidad niya at sa reunion mismo niya matatantiya kung gaano na kakalat ang tungkol sa Scarlet’s Letters. She just didn’t trust her former classmates when it comes to gimmicks. Di nga ba’y ang mga ito ang may pakana ng booth na iyon na nakapagpa-init ng ulo niya, sa pangunguna ni Lirio. Isama na ang pangingialam ni Klint sa bag niya.

Damn curiosity. Ibabaon talaga siya ng buhay ng curiosity niya. Siguradong magkakaroon siya ng argument kay Klint tungkol doon. ‘Wag naman sana siya nitong ibuking. That guy, hanggang present, sakit sa ulo niya. Ang daming alam.

Nakatanggap siya ng text kay Daisy na ligtas itong nakarating sa resort at sa suite room nilang dalawa, na wala pang bumabagabag rito. Siya nama’y nakahinga nang maluwag habang kumakain ng boiled egg nang magstop-over muna ang bus.

Malapit na siya sa destinasyon niya nang may mapansin siya nang tumigil ang bus pansamantala. Naalarma si Berry nang makita niyang ang pumasok sa bus ay walang iba kundi si Lirio San Miguel na mukhang aburido ang mukha. Napayuko tuloy siya at tarantang hinanap ang sunglasses niya sa bag niya. Agad naman niyang sinuot iyon at yumuko lalo. Nagmukha tuloy siyang tanga sa ginagawa niya.

Mukhang papunta pa lang ito sa resort ni Jenny kagaya niya. Paano kapag sabay silang bumaba? Tiyak na makilala siya nito kahit na ilang taon na rin ang lumipas. After all, bestfriend siya ni Daisy.

Bakit sa bus ito sumakay? Sa pagkakaalam niya ay may kotse ito. Kung ano-ano tuloy ang naisip niyang scenarios at sumakit lang ang ulo niya. Nang malapit na siya sa municipality ay bumaba na siya ng bus. Ayaw niyang kasabay itong bumaba ito at baka makahalata pa ito. Todo yuko pa siya nang mapansing kunot-noong bumaling ito sa gawi niya.

* * *

Chapter 10

Mula nang dumating siya sa resort ay hindi siya masyadong lumalabas pagkat malaki ang tsansa na makasalubong niya ang mga batchmates niya. At numero uno doon si Klint at noong makita niya ang naghuhumiyaw nitong kulot na buhok ay hindi na siya pumasok sa pasalubong center sa labas ng resort na iyon.

Nang tumambay muna siya sandali sa may beach front ay hindi siya mapalagay nang makita niyang may isa sa batchmate nila ang nagbabasa ng kanyang libro habang nags-sunbathing.

Bumalik siya sa suite upang maghanda sa gaganaping event para sa reunion nila ngayong gabi. After fixing herself up, she went to the beach staring at the afternoon sea. Doon muna siya nagpalipas ng oras bago pumasok sa function room. Halos walang nakapansin sa kanyang pagpasok bagay na ikinahinga niya nang maluwag.

Nag-isang linya ang kanyang mga labi nang inanunsiyo na may magaganap na Love Hotseat kung saan pupunta sa stage ang naging magkasintahan at nagkatuluyan. Uncomfortable na siya nang maabutan niyang kumakanta si Daisy sa stage at nakitang may kasamang bata si Noah sa baba at ngayo’y nadagdagan pa. Lalo na noong patakbong lumabas si Daisy. Hindi siya makalapit dahil isa sa mga humarang kay Daisy ay si Klint. Hindi pa siya nakikita nito sa suot niyang beret.

Bukod-tanging si Berry ang nanlalamig sa nangyayari sa harap niya habang siyang-siya ang mga tao sa dalawa. The scenes were unfolding now that Daisy and Noah was reunited. They’re expecting this but she couldn’t just make herself comfortable of the idea that it was happening again. Hanggang ngayon, hindi pa rin nauubusan ang mga pakulo ng mga ito. Why did they have to push this again? Humigpit ang hawak niya sa champagne flute.

Ito na ang pagkakataon niya. Tumayo siya’t nagtaas ng kamay. Naglingunan ang mga tao sa kanya na nagulat yata sa pagsulpot niya. Bago pa man pumayag si Noah inagaw na ni Raspberry ang mic kay Klint na mukhang susunod na magtanong kay Noah. Wala tuloy itong nagawa at naupo na lang.

Naniningkit ang mga matang nagsalita siya sa mikropono, “Speaking of sinaktan, umiyak si Daisy pagkatapos ng ‘gapos booth’ ng mga lintik na tinamaan na section 1. Bakit ka mukhang galit sa nangyari, Sagara? I know, it’s a very long time ago but she’s really hurt that time and if I remembered it right, it happened in February 28, the year 1997. Matagal bago siya tumigil sa pag-iyak. The class were taking advantage of her transparent feelings and trying to compensate it with that so-called booth that is beyond values? Pakiusap, softie ‘yang kaibigan ko. Nagpakatatag lang ‘yan sa harap ninyo pero nasasaktan na ‘yan deep inside. Kung gusto mo na talaga siya noon pa, pinursue mo na siya. Lalaki ka, kaya alam mong may gusto ang babae sa ‘yo, Noah. Sorry to burst your bubble, but please kilalanin mo siya nang mabuti. For years, she’s fixing herself. Alam kong alam mo kung bakit. Huwag mong ipamukha sa ‘king matagal kang naghintay dahil kilala ko ‘yan, hinayaan ka niya. Hindi ka niya kinulong para sa sarili niya. She’s so selfless sometimes that it irks me. Sorry Daisy pero gusto ko lang sabihin ang totoo. I am not that cynical but it’s the truth.”

Pumainlanlang ang isang patlang sa pagitan nila. Natigilan si Noah at hindi na nakaimik sa kinauupuan nito. Ibinigay ni Raspberry ang mikropono kay Klint at nagmartsa palabas ng function room.

Wala siyang pakialam kung tingin ng mga batchmates nila ay kontrabida siya sa dalawa. Gusto lang niyang ipahayag ang ipinupunto niya.

“Rasps?” Raspberry heard Daisy the moment she went out of the huge door of the function room.

* * *

Nalukot ang mukha ni Lirio sa nangyari. There goes that cold queen of the batch again, ruining the moment. Nagulat na lamang silang lahat nang habulin ni Daisy si Berry na lumabas matapos ang sinabi nito sa microphone. The tension died down when the next pair was on the hot seat yet Lirio’s attention was on his bestfriend who’s now sitting on a table, lost in his thoughts.

“Noah?” pukaw niya rito at bahagya lang siya nito tinapunan ng tingin. “You and Daisy are still okay, right? I know her, she just wants to assure Berry. Mahal ka niya. Mahal mo rin siya. The issue was buried in the past now. Jecille made it clear.”

“I understand her,” seryusong pahayag ni Noah. Dinampot nito ang isang basong may lamang tubig. He’s just staring at the half-full, half-empty glass of water. “She knows what her friend was going through when we were in highschool.”

Oo, naalala ni Lirio kung paano ay tila may distansya na sa pagitan nina Daisy at Noah nang dumating na sa buhay ng huli si Kara Jecille.

“Protective siya sa kaibigan niya. Ayaw niyang masaktan na naman si Daisy and I admire her bestfriend for that. I won’t do it again. To hurt her,” patuloy nito.

“Bothered ka dahil hindi buo ang tiwala ni Berry sa iyo,” sambit ni Lirio. Tiyak na nakahilata na si Lirio sa sahig nang tinaliman siya nito ng tingin. Lirio just smirked and leaned on the chair, crossing his arms.

“That woman has guts,” Lirio pointed out, the side of his eyes crinkled.

“That woman didn’t like your guts before. Maybe until now because of this freaking loveseat,” Noah rebutted and it left him speechless for seconds.

Kung noon ay magtatahi siya ng mga dahilan kahit walang kuwenta, ngayon natahimik siya dahil totoo naman ito. The least he could do now was to argue with the attorney.

Lumipas ang oras, bored na bored na si Lirio at kahit masaya siya na nakikitang magkasama na sina Noah at Daisy ay may kahungkagan siyang nadarama. Pansin niyang nakikiramdam lang ang mga batchmates niya at kahit hindi pa magtanong ang mga ito, may ideya ang mga ito kung bakit mag-isa lang siya ngayon.

Nagpahangin lang muna siya sa labas ng resort, saktong gabi na at kumukuti-kutitap ang mga bituin sa kalangitan. His eyes squinted when he saw Klint. Papunta ito sa kanya at nakangisi pa.

“I have to call my fianceé. Baka na-miss niya kaguwapuhan ko kaya ako na ang nagkusa,” pagkukuwento pa nito.

“Wala akong pakialam,” walang-gatol niyang sambit.

Natawa lamang ito at namulsa, nakatingin sa harap. “Aminin mo nang naiinggit ka sa dalawa,” tukoy nito kay Noah at Daisy na ikinarolyo lang ng mga mata niya.

“Masaya ako para sa kanila. May kanya-kanya kaming panahon. Matagal nang lipas sa ‘kin.” Ang mga mata naman niya ang dumako sa karagatan. May kapayapaan siyang nadarama sa humahampas na alon doon. “You and others who are close to them knew what they’re going through these years.”

“Wala kang plano?”

“Plano saan?”

“Mag-girlfriend. It’s been what? Eleven years?” Naipilig niya ang ulo sa sinabi nito. Eleven years. Ang tagal na pala, hindi na niya namalayan sapagkat subsob siya sa trabaho.

Kahit hindi constant ang komunikasyon niya kay Klint, ay kilala niya itong nangsasagap ng balita kung kani-kanino. Kaya nga, nagkasundo sila noon pang highschool. Na-bribe niya sa nintendo niya pero alam niyang higit pa sa game kung bakit nag-stick ang dalawang surot.

“My friends and family sets me up to some dates.” Tinapunan niya ito ng tingin nang maalala ang palpak na blind date na ito ang may kasalanan. “Wala namang nagw-work out.”

“Who knows? Dito sa reunion mo matatagpuan.” makahulugang sabi nito. Kulang na lang magningning ang mga mata nito. Kilala niya ito pag naglilikot ang mga mata nito. Ibig sabihin, may tinatago ito.

“Okay, spill.”

“Pag nag-sponsor ka sa second branch ng restaurant ko,” straight-forward nitong sambit. Bahagya siyang natawa. Sinasabi na nga ba, lahat talaga may kapalit.

“What’s the catch?” Sa pagtataka niya ay bigla na lamang itong humalakhak. Ano bang tinatago nito? Para silang nagbalik noong highschool na mga immature pa. 

“Kailangan mo munang hugutin ang sarili mo sa pagtatrabaho.” Klint raised his forefinger. “Clue. Like a Rose ng A1. Naalala mo ‘yung kanta na nakatulala ka lang? Somewhere nasa gym lang tayo nun, graduation practice. I am wondering kung ano ang iniisip mo nun.”

He stared at him in disbelief. “What the hell? Naalala mo pa?”

“Oo naman.” Tinapik lang nito ang balikat niya. “Balik na ako sa loob.”

May tinitingnan ito sa harap kung kaya’t napunta ang mga mata niya doon. From far away, there’s a lady in jeans and black blouse walking on sands, while hugging herself. Kanina pa ba ito roon sa dalampasigan?

“Baka kailangan mo ng fresh air.” Kinindatan pa siya nito bago bumalik sa loob ng hotel na nakapamulsa.

Chapter 11

Paano niya ipaalam kay Eden Sofia na huwag muna itong mag-aral sa susunod na sem dahil sa kalusugan ito? Kapag sasabihin niya iyon ay tiyak na papunta na naman sa argument. Kung bakit naman kasi ang stubborn ng babaeng iyon.

Library was the least place he would visit in the campus, except for researching things. Madalas siyang mag-unwind sa gym gaya ng ginagawa niya noong nasa highschool pa lamang siya. Pinili niyang tumambay muna sa library, pinaplano kung paano ibukas ang topic na iyon kay Eden Sofia.

Her girlfriend’s heart was battered and special from other’s hearts, literally but she still lives her life like anyone else. A normal life, forgetting that her loved ones were wary about her health.

He sighed and stood up from his seat. Napadpad ang mga paa niya sa literary section ng library. He’s not fond of reading books but he would try it now to ward off some unnecessary thoughts.

Pinili niya ang libro tungkol sa philosophy at bumalik sa puwesto niya. He’s in the middle of reading about Phenomenology and Consciousness, when he notices a scented paper. Kulay light pink iyon na may colored print ng strawberries.

At may nakasulat.

‘I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply. Without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other ways of loving but this, in which there is no I or you, so intimate that your hand upon my chest is my hand. So intimate that when I fall asleep your eyes close.”

– Pablo Neruda

The words were written in semi-cursive, probably from a woman’s penmanship. Bakit napadpad ang note na iyon sa isang philosophy book?

Ngayon may ideya na siya kung paano sabihin kay Eden Sofia ang sinabi ng pamilya nito sa kanya. Inamoy niya ang scented paper at napangiti nang mapagtanto na amoy strawberries rin.

Three days ago, nang matapos na ni Berry ang term paper niya sa isang subject ay naghanap siya ng librong babasahin. Some readers would choose a light read, to balance their reading experience but Berry prefers to read stimulating books. Pinili niya ang isang philosophy book.

Sumisilip sa seminar bag niya ang scented papers na nabili niya sa isang Educational Supply. Random lang iyon dahil naaliw siyang amuyin iyon. She likes the scent of strawberries.

Pumasok sa isip niya ang quote na nabasa niya mula sa isang poetry book na binasa niya kanina.

As she scribbled the words, may pumasok sa isipan niya at napailing na lang siya itinakbo ng utak niya. Why would she think about him while writing down a quote far from her liking? She’s not even fond of the theme.

After staying for hours in the library, binalik na niya ang philosophy book sa estante, along with the quote.

Not having an idea that a boy in her letters picked it up.

* * *

Nakamasid lang si Berry sa karagatan, sa mabining hampas ng mga alon. The salty breeze swayed her wavy hair.

She could hear some footsteps on the sand and from her peripheral vision, it was a silhouette of a man.

“Malamig rito sa labas.” Nakita na niya ito kanina kausap si Klint. Kinabahan siya dahil baka sinabihan na ito ni Klint tungkol sa libro. Sa hilatsa ng hitsura nito ay mukhang wala pa naman itong alam.

Naniniwala si Berry na may mga bagay o sikreto talaga na mananatili lamang na nakabaon ngunit may mga sikreto na nasisiwalat.

“Naiingayan ka ba sa loob?” Hindi siya umimik bagkus mas lalo niyang niyakap ang sarili niya. “Iniisip mo pa rin ba na isa ako sa may pakana ng kaguluhan kanina?”

“I am not surprise, considering that you’ve done it before.” Hindi pa rin niya ito nililingon. Bakit ba ito nasa labas? Madalas ito ang mood maker ng grupo, hindi nawawala sa umpukan. Siguro, habang tumatanda ang tao, mas naa-appreciate ng mga ito ang katahimikan.

“I know what you did there.”

“It doesn’t mean, I am opposing to it. I guess alam mo na kung bakit at alam na rin ni Noah.”

“Kaya nga bumabawi ang kaibigan ko ngayon.” Lumingon na rin ito sa dagat. Sabay na hinahawi ng hanging-dagat ang buhok nila. “Totoong hindi na mababalik ang nangyari noon. You can’ turn back the time.”

“Time is precious and priceless.”

“If you can turn back the time. What would you do?” he asked hypothetically. Berry didn’t know why they were talking now after all these years. Nagtataka man kung bakit ganito na lang kasimple ang tagpo. Bagama’t medyo awkward sa parte niya ay natural lang dito.

If she could turn back the time, then probably she won’t type the Scarlet’s Letters. Iyon ang unang pumasok sa isip niya.

“If I could turn back the time, I would still insist to stay by Daisy’s side. Kahit na itaboy pa niya ako.” Sa panahon ding iyon ay gulong-gulo rin ang utak niya. They would be a mess together yet it’s better to be messy with her bestfriend, than to be alone. Separately.

“If I could turn back the time, I won’t take things for granted.” Sinipa nito ang buhangin. Berry knew what he meant. Kanina pa niya napapansin sa venue na calculated ang kilos ng iba rito, thinking that maybe he’s still sensitive to what happened in the past.

“But it doesn’t mean you take things for granted. You give meaning to someone’s life, for a while. Hindi naman tayo perpekto at natututo rin naman tayo sa mga mali natin.” Hindi niya magawang salubungin ang matiim nitong mga mata kaya kinasya na lang niya ang sariling pagmasdan ang dagat.

“You glow.”

“Ha?”

He chuckled. “Your skin glows this night. Lagi naman. Pag gabi.”

Nangunot tuloy ang noo niya. Ano bang pinagsasabi nito? 

“I saw you at the carnival, noong kinidnap mo si Daisy.”

Naalala niya ang tagpong iyon. Nandoon lang naman siya sa carnival dahil kay Ian na iniwan siya at sumama sa crush nito na nandoon rin.

“Di ko siya kinidnap. Kusa siyang sumama sa ‘kin.” Ramdam rin niya na gusto lang nitong lumayo sa dalawa.

“Ikaw ang unang nakita ko. Your skin glowed that night, kaya natagpuan rin namin si Daisy. Hindi lahat ng white skin, nagglo-glow.” Mukhang nagtaka na rin ito sa itinakbo ng bibig nito. “Sorry, weird ba?”

“Okay, I’ll take it as a complement.” At hindi na rin maganda ang pakiramdam niya na manatili pa kasama ito kaya naglakad na siya pabalik ng hotel. Sinundan naman siya nito.

Tahimik lamang sila hanggang sa makapasok na sa function room. Kung may iba mang naglingunan at nakitang magkasama silang pumasok ay hindi na nagtanong.

Nasalubong niya ng mga mata niya si Klint na ngumisi lang. She only scowled at him. Hindi niya alam kung hanggang kailan nito itago ang sikreto tungkol sa Scarlet’s Letters.

She was minding her own business, sipping her ice cold coffee. Gusto lang niyang mag-palpitate ngayong oras na ito at tiyak na di pa siya dadalawin ng antok. Marami siyang iniisip at isa na doon ang nasagap ng mga tainga niya.

“This book is nice.” Napasimsim siya nang makita ang librong dala ng isang batchmate nila. Ito ang nakita niya sa may pool kanina. May pagtataka sa mga mata nito nang inspekyunin ang libro. “Kapangalan niya yung nasa Sec 1. At OMG! Kaugali pa niya!”

“Really? I don’t really read pocketbooks. Not my cup of tea. But who’s the boy?”

“It’s Lirio Marco here.”

Gusto na niyang maglaho roon. Kung aalis siya bigla sa table niya ay tiyak na magtataka ang mga ito. Nagiging paranoid tuloy siya kahit sa maliit lamang na bagay.

“San Miguel, right?” Inagaw ng kasama nito ang libro at nag-flip ng ilang pages doon.

“Iba siya sa mga nakasanayan kong books na basahin or more like, the hero. Hindi hero material ang hero rito eh. But he’s adorable and lovable enough. I wonder kung sino si Quince. Maybe he knows Lirio. The real Lirio.”

“Baka nagkataon lang?” Hindi kombinsido ang kasama nito. Hindi na niya kaya pang marinig ang conversation ng dalawa kaya akto siyang humawak sa tiyan niya at marahang tumayo. Iniwan na rin niya doon ang nangangalahati pa niyang kape.

She was a few steps away from the door when she noticed someone was following her.

“They’re really curious.” Humawak pa ito sa panga nito. She couldn’t forever avoid this curly-haired man.

“I am not planning to reveal myself, Klint. Sorry to burst your bubble,” sarkastiko niyang sambit nito sabay irap.

“Oh, I miss that rolling eyes trademark of the great Raspberry,” he said in a mocking voice.

“The book is circulating now. Hindi ko na sila mapipigilan at sa palagay ko, alam na rin ni Lirio. Akala ko nga, hindi ka na dadalo rito tungkol doon,” patuloy nito. Luminga-linga siya sa paligid, baka may makarinig sa pinag-uusapan nilang dalawa.

“Don’t you dare spill it.” Naningkit tuloy ang mga mata niya rito.

“Hold your rein. I am still not spilling it to anyone. Or to him.”

“So you’re planning?” Parang ang sarap nitong sakalin ngayon.

Ngumisi lang ito at pinatunog ang mga daliri nito sa kamay sabay hawak ulit sa panga. Tuwang-tuwa talaga ito sa nangyayari, hanggang ngayon notorious pa rin.

“I am still thinking about it. Lahat may kapalit, Berry. Kagaya nang may consequences lahat ng mga actions natin.” He had a point and she was annoyed by it.

Sa asar ay nilayasan lamang niya ito doon at naghanap ng ibang pagkakainan kaysa makikain sa reunion nila. Baka tuluyan na talaga siyang mawalan ng gana.

* * *

Interlude 1

Interlude 1

They were riding on the ferris wheel and it somehow stuck for minutes. Nagkaroon ng aberya sa makina sandali at inaayos iyon ng empleyado doon sa carnival. Lahat yata ng mga nakasakay na tao roon ay nagpapanic maliban lamang kay Lirio at Eden Sofia.

“Ilang anak ang gusto mo, Lirio?” Marahas na napalingon siya kay Eden Sofia, napanganga sa sinabi nito. Bakit naman nito binukas ang topic tungkol sa anak? Oo, bata pa sila at magtatapos pa ng highschool ngunit may pagkakataong inisip niyang hahantong sila sa ganito. After all, kilala na nila ang pamilya ng isa’t isa at kahit papaano’y magkasundo naman both sides.

“Eden Sofia, baka nakalimutan mong mahina ang puso mo. Baka makapasama pa iyon sa kalusugan mo,” maagap niyang sagot rito ngunit mukhang mali yata siya ng pili ng mga salita sapagkat tumalim ang mga mata nito.

“Iniisip mo bang hindi ako gagaling?” sumbat nito sa kanya. Naitaas niya tuloy ang mga kamay at umiling, nanlalaki ang mga mata. Bakit naman siya mag-iisip ng ganoon? Nag-alala lang naman siya sa estado ni Eden Sofia. Matigas ang ulo ng dalaga kung kaya’t pinaalahanan niya ito lagi na huwag magpakapagod.

“Hindi sa ganun. Ayoko lang na malagay sa alanganin ang buhay mo sa pagbubuntis. Saka lang pag magaling ka na.” Lumambot naman ang ekspresyon nito at napahawak siya kamay nito. Her hand looked fragile and pale.

“Talaga ba?” paniniguro nito, skeptical ang boses. Napangiti na lamang siya’t marahang ginulo ang buhok nito.

“Oo naman.” Naibaling niya ang mga mata sa harap, sa mga nagkikislapang mga gusali. “Isa. Payag ako sa isa.”

“Nakakalungkot mag-isa? Dalawa. Para bestfriend for life ang magiging mga anak natin.” Hindi man nila tukoy ang magiging hinaharap nilang dalawa ay alam niyang susulitin niya ang panahon na kasama niya si Eden Sofia.

“Boy at girl ba?”

“Oo.” Sinandal nito ang ulo nito sa balikat niya at sabay nilang pinagmasdan ang kailaliman ng gabi. Ilang minuto ang lumipas ay may sumabog na mga fireworks sa kalangitan hudyat na tapos na ang Sinulog festival.

Chapter 12

May choice naman talaga siyang magmukmok sa suite nilang dalawa ni Daisy o di kaya’y maglibot-libot sa resort, malayo sa mga batchmates niya ngunit hindi niya matanggihan ang pagkuyog sa kanya ni Daisy. Idagdag pa na ayaw niyang magmukhang rude sa may-ari mismo ng resort na si Jenny at ang pinsan nitong si Daphne.

Kaya nagkasya na lang siya sa pagbabantay muna ng ihawan habang nagkakasiyahan na ang mga ito sa may cottage. Ang iba namang batchmates nila ay parang mga bata na naglulunoy sa dagat, ang iba nama’y nasa mga bangka. Tila ba’y kasama niyon ay nagbalik silang lahat sa nakaraan, sa kung paano sila noong mga araw na iyon.

“Have you heard?” Binitin pa sa ere ni Klint ang sasabihin sana nito. Pinaypayan niya ang iniihaw na pusit, di alintana ang usok nito. That’s her eay of avoiding their catching up. Para saan pa? Wala naman siyang maikukuwento dahil si Daisy lang naman ang malapit sa kanya at umiikot lamang siya sa academics noon.

“What? Are you talking ‘bout the book? Magmula nang dumating ka rito. Bukam-bibig mo na ‘yon. Naririndi na ako.” Humigpit ang hawak niya sa skewer nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

“I bet you’re dying to know who the writer is,” Klint said. Kahit kailan talaga, panira ito sa kanya.

“I have the book. Daisy gave me.” Doon na siya tuluyang napalingon. Sa gawi ni Daisy na katabi si Noah. Napangiwi si Daisy at pinandilatan naman niya ito. Mukhang napansin iyon ni Noah kaya napaiwas ito ng tingin at dahil sa gesture na iyon ay mukhang napick-up na nito ang tinginan nila ni Daisy. Si Noah naman ang sinamaan niya ng tingin na patay-malisya na nakatitig na lang sa hilera ng mga pagkain sa harap nito, ngunit may hint ng pagngiti nito. Naasar tuloy siya. Kahit nag-usap na sila tungkol kay Daisy at nagkasundo na ay hindi pa rin ito makakaligtas sa kanya kapag nagloko ito.

Sinasabi na nga ba. May mali talaga at si Daisy na ang pakana niyon. Kahit naman pigilan niya ang pagkalat ng libro ay may mga circumstances pa rin na makakarating iyon kay Lirio.

“Di ko alam na may stalker pala ako. All the way from childhood.” Tumawa pa talaga ito na siyang ikinangitngit niya. Ibinalik niya ang mga mata sa iniihaw. Siya? Stalker? Ang lakas naman ng loob nito.

“Don’t flatter yourself, mister,” Jenny said. Hanggang ngayon, naninira pa rin ito ng ilusyon ng mga lalaki. Before, she looked like a man-hater but the truth was, she’s just through with boys. Nakompirma na niya ito noon nang mag-rant na lang ito bigla sa cr at siya ang nakarinig niyon. That’s her first interaction with Jenny Evangelista. “You don’t know. Baka kapamilya mo lang pala.”

Nagtawanan ang iba sa kanila. Binaliktad niya ang ilan sa mga pusit. Itinuon na lang niya ang atensiyon niya sa pag-ihaw ng mga pusit.

“Malabo. Kaunti lang ang mga babae sa pamilya namin but a handful. Not even writers,” Lirio spoke. Mukhang naaliw ito sa kakakain ng salad na tila ba balewala lang dito ang takbo ng usapan. He looked like it’s not a big deal to have his name in a fiction book.

“Childhood friend? Hey, Kristal. You’re a writer, right? Kasali ka sa school paper natin,” ani Marc kay Kristal na kaibigan ni Jenny. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Kristal sabay ngiwi nang kunti.

“I’m a journalist. Nagsusulat ako ng articles. Hindi ako fiction writer at di ako baliw na baliw kay Lirio noon. Kay Henry lang. Ewww, I was still questioning my teenager self kung bakit nahibang ako sa lalaking ‘yan.” Napaubo naman ang kanina pang nananahimik na si Henry sa isang tabi. Nakasandal lang ito haligi ng cottage. Kaugali ito ni Jenny na prangka talaga.

“Mabuti na lang kay Henry ka baliw na baliw. Hindi sa ‘kin. May luluha ng bubog.” Lirio lightly laughed. Natahimik tuloy ‘yung iba dahil may ideya kung ano o sino ang tinutukoy nito. Si Eden Sofia na wala na roon. Everyone in the batch knew about it. Ilan sa mga ito ang dumalaw sa libing. Iyon ang nalaman ni Berry. Lirio cleared his throat and smiled again. “So what are your theories?”

Di ba puwedeng mag-change topic na ang mga ito? Kung magwa-walk out naman siya ay tiyak na mahahalata siya ng mga ito. Naraanan ng mga mata niya si Klint na prenteng nakaupo katabi ni Marc, tuwang-tuwa sa takbo ng usapan.

“Childhood friend mo. Wala kang maalalang may tama sa ‘yo. Naks, kung sino man iyon. May sira yata sa ulo.” Parang gusto niyang tusukin ng skewer ang nagsalitang si Clyde. Drummer ito ng banda na tumugtog kahapon, ng bandang Infinity Drive. Lagi niya itong nakikitang may sukbit na guitar case sa likod.

Nakita niyang may kinuha si Klint sa likod nito. It was a copy of the book. Scarlet’s Letters. Siya yata ang writer na hindi masaya na nabalitaang bestseller ang libro, mula kay Harmony.

“I don’t remember na may writer sa batch natin. Specifically, fiction book writer,” Jenny said, scanning the book. “Hey, Guillermo. May ideya ka?”

Ang nanahimik naman na mayor na kanina pa nakabusangot dahil ayaw payagan ni Jenny na bumisita sa bayang pinamahalaan nito.

“I don’t read romance,” he just said. Nilagyan ni Berry ng sauce ang pusit, as if she was painting it with a brush. Humigpit lalo ang hawak niya sa brush.

“I was asking if may kilala kang writer. Paki ko kung hindi ka nagbabasa ng romance books?” pagtataray ni Jenny rito.

“Hey, magsisimula na naman kayo. Akala n’yo hindi ko nakita yung nasa hallway kanina?” Agad namang naglingunan lahat kay Daphne na ngumisi lang. Namula ang mukha ni Jenny at namula naman ang tainga ni Shawn ngunit kunot naman ang nito.

Thanks to Daphne, nag-iba ang pinag-uusapan ng mga ito at kapwa inaalaska ang estado ng relasyon ng former president at vice-president nila noon sa SSG.

“But guys, do you think that the writer herself is here? In the reunion? It’s a possibility,” buwelo ni Klint, hindi pa tapos sa topic tungkol sa Scarlet’s Letters.

“Then who is it? May ideya ka?” Mas lalong niyuko ni Berry ang kanyang ulo nang magsalita si Marc.

“Wala ka talagang maalalang nagka-crush sa ‘yo noon, San Miguel?” tanong naman ni Kristal.

Tumikhim lang si Lirio. “Maraming nagka-crush sa ‘kin noon.”

Kinantiyawan tuloy ito at kulang na lang mapailing siya sa mga hirit nito. Inilagay na lamang niya ang naluto nang pusit sa plato at nilapag iyon sa mesa katabi ng ihawan.

“Come to think of it, napaka-accurate ng mga details ng hero. Ikaw na ikaw talaga Lirio. Dinagdagan lang talaga ng Marco ang pangalan ng hero dito,” ani Daisy. Sana hindi na lang ito nagsalita pa dahil tiyak na mas lalo itong malalagot sa kanya. Ngumiti lamang ito at humilig sa balikat ni Noah.

“Luto na ba ‘yan?” Napalingon siya nang magsalita si Lirio, at nakatingin sa direksiyon niya. “Kanina pa ako naglalaway sa amoy na inihaw na pusit.”

“Tulungan mo na lang doon si Berry, Lirio.” Itinulak pa ni Klint si Lirio upang tumayo na ito na siya namang ikinangitngit ulit niya. She’s not Daisy when it comes to reciprocating pranks and schemes Lirio did to her bestfriend. But she knew better that Klint would surely have his shares of bad days. From the consequences of his actions.

Lumapit na nang tuluyan si Lirio sa kanya at binaliktad ang inihaw na pusit. Isang kalahati’t hakbang na lang ay magdidikit na silang dalawa. She was wearing a beige cardigan to cover her white sando. Proteksiyon na rin sa araw kahit na naglagay na siya ng sunblock kanina.

“Luto na ito.”

“Teka, hindi pa.” Kapwa sila nakahawak sa skewer ng pusit kaya parang hinawakan na rin niya ang kamay nito na agad naman niyang binitawan.

“Ako na ang bahala. Kanina ka pa rito. Hindi ka pa ba nangangalay?”

“No. It’s okay.” Isa pa, mananahimik lang naman siya sa isang tabi habang nag-uusap ang mga ito na siya ang topic. 

“I have an idea!” Napalingon ang lahat kay Jenny na itinaas pa talaga ang hawak nitong baso na may lamang lemon juice. “Why don’t we search for the writer? I have a hunch that she’s just somewhere. Here in our reunion. Kung sino ang makakadiskubre, you can book a three-day vacation in my resort. For free.”

At nahulog na nang tuluyan ang hawak niyang skewer na may pusit sa anunsiyo ni Jenny. Nakulapol na iyon ng puting buhangin. Sayang. Kaya pinulot niya iyon ngunit akmang pupulutin rin iyon ni Lirio kaya nagkabungguan tuloy ang ulo nila. Medyo masakit iyon kaya napahawak siya sa ulo niya.

“Sorry, sorry. Masakit ba?” usisa ni Lirio na hinawakan pa ang ulo niya kung saan doon nakahawak ang kamay niya. Their proximity is too much for her so she distanced herself from him.

“Wala bang mas enticing? Like announcing it to the batch?” What? Kulang na lang mabali ang leeg niya sa pagkakalingon kay Klint na pinaraanan lang siya ng sulyap. She was annoyed and she didn’t dare look at Lirio.

“Hindi naman kailangang ianunsiyo.” si Daisy ang nagsalita ngunit tila hindi naman iyon pinansin ng iba dahil mas gusto ang ideya ni Klint. Pinulot na lamang niya ang pangalawang pusit na nahulog.

“You’re trembling. Are you really okay, Berry?” Sinilip ni Lirio ang mukha niyang natabunan ng iilang hibla ng buhok niya. Dumako ang mga mata nito sa nanginginig na mga kamay nito. “You can rest for a bit. Ako na ang bahala rito. Baka buhangin na ang makain nila.”

Muntik na siyang mapangiwi nang maalalang kakainin ng mga ito ang inihaw na mga pusit at dalawa na nga ang nadisgrasya.

“And what? Let the writer confess herself her feelings to San Miguel?” Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi ni Kristal. What feelings? Checking her heart, wala na siyang feelings rito at lahat ng iyon ay nakaraan na lamang. The fiction book was solely for memento, for her eyes only but it’s accidentally shared for others to read, much to her horror.

“Paano pag wala na talagang feelings?” tutol naman ni Daisy doon. Napansin yata ni Lirio ang pagkabalisa niya kaya sinilip ulit siya nito, nakayuko at bahagya siyang nagulat nang hawakan nito ang pisngi niya. Marahil, nagulat rin ito sa ginawa nito kaya napapasong inalis nito ang kamay sa mukha niya.

“Hey, namumutla ka. Sabihin mo lang kung masama ang pakiramdam mo,” anito. Hindi niya ito inimik. Inihiwalay na lang niya ang nadisgrasyang mga pusit. Si Klint ang papakainin niya sa mga pusit na iyon na may buhangin, makaganti lang.

“Is it really necessary? You, Daisy. Pakiramdam ko alam mo kung sino ang writer niyon. You gave me the book. Also you, Klint. Why are you keep pushing this anyway?” Nagkunwari siyang abala sa paghahalo ng calamansi at sili sa patis biglang sawsawan ng mga ito.

Hindi makapagsalita si Daisy. Si Klint naman ay nanatiling nakangisi. “Paano pag alam na namin, Jenny?”

“It’s not valid unless kung iaanunsiyo n’yo sa ball mamaya. After that, ako na ang bahala.”

There was a horrified look on Daisy’s face. Napatayo na rin ito nang tuluyan. “No way, wag mong sabihing Love Seat version na naman ito?”

Mas lalo siyang namutla. No way in hell she would bare her past feelings in front of their batchmates! With Lirio beside her! That would be too much for her to handle.

“Kayo ha!” Napameywang si Daphne sa harap ng mga ito at nagtuturo na lang. “Tantanan n’yo na yung mystery writer ng Scarlet’s Letters. Hindi n’yo ba naisip kung bakit hindi niya nire-reveal ang sarili niya? That’s because she doesn’t want to. Bakit n’yo naman pipilitin ang tao na ayaw magpakita? Tapos papaamin n’yo pa sa Love Seat na ‘yan? Hindi pa ba kayo kontento sa mga love stories namin na napublicize sa buong batch?” nakataas na ang mga kilay nito.

Nasabihan ba ito ni Daisy tungkol kay Quince? Sa kanya? Ito lang at si John Dale ang bukod-tanging kapiling nito noong bigla na lamang itong nawala sa buhay nila.

“Highblood na naman ‘yang asawa mo, JD,” sumbong ni Klint kay John Dale na nakangiti lang sa tabi ng asawa nito.

“Manahimik ka, Klint.” Inirapan lang ni Daphne si Klint na nakangiting nakangiwi na lang.

“But it’s all in the past now. The least the writer could do is to clear the issues. Paano natin malalaman if she’s still carrying the torch for Lirio or not?” argument naman ni Jenny. Hati ang opinyon ng mga ito tungkol sa bagay na iyon. Bakit ba siya napunta sa ganitong kalagayan?

“Hey, as much as I’m curious about it. I respect her decision not to reveal herself,” pagsasalita ni Lirio sa tabi niya.

“Sigurado ka kayong babae ‘yan? Paano kung lalaki naman pala ang writer?”

Kinantiyawan ng lahat si Clyde na nagreklamo lang na nagugutom na ito. Natupad ang plano niyang pakainin ng pusit si Klint na may buhangin dahil nagreklamo nito kalaunan. Kung paano niya natiis na manatili doon sa cottage kasama ng mga ito ay hindi niya alam, basta nananahimik lang siya. Mas mabuting alam niya ang plano ng mga ito kay Quince. Sa kanya. Kaysa sa wala siyang ideya.

* * *

Chapter 13

Kakatwa ang pastry shop di kalayuan sa resort kaya pumasok roon si Berry. She’s not really fond of sweets. Mabilis siyang magsawa sa matatamis ngunit trip niyang kumain ng kahit anong matamis ngayon. Now that the searching for Quince is now rolling. Almost everyone in the batch was intrigued about the whole Scarlet’s Letters fiasco thing that they cooperated. But Berry was wise enough to avoid interactions from them and Daisy talked to them instead of her.

“Sorry, I was like, curious lang talaga ako sa magiging reaksiyon niya,” katwiran ni Daisy sa kanya nang mapag-isa na silang dalawa. Nagkakasiyahan na ang mga kasamahan nila at mukhang bibirada pa ng kanta sa videoke machine roon.

“Kahit ano namang pigil ko. The book will keep spreading. Hindi lang ako makapaniwala na ganito na siya kakalat.” Hindi rin niya magawang magalit kay Daisy. Nang-uunawang ginagap nito ang kanyang kamay.

“Maybe, I am still skeptical about it before. Sinong mag-aakala? Eh almost everyone knows na hindi maganda ang timpla mo kay Lirio. Bigla ka na lang sisimangot pag nasa malapit lang siya.”

Inaamin niyang defense mechanism na lamang niya iyon upang protektahan ang sarili niya. She still doubts herself when it comes to her emotions even though she could hide it well from others.

“I was annoyed at that time. He’s into schemes and such. Napuno na ako noong ma-involve ka at naiyak ka pa. I just can’t stand there, seeing you crying. Kahit hindi naman ako iyon, I cursed him at that time. In my head.” Humilig ito sa balikat niya. Kapwa sila nakaupo sa washed away log, sa tabi lamang ng isang nakayukong palm tree. Kaharap ng dagat. Unti-unti na ring nagiging kulay kahel at pula ang kalangitan hudyat na papalubog na ang araw.

“Kilala ko si Lirio. Mahilig talaga ‘yung gumawa ng kung anong schemes. Nagtataka nga ako ngayon dahil wala naman siyang ginagawa.” Iyon na nga ang inalala ni Berry.

“That’s because may gumagawa na niyon. Our batchmates.”

“Paano pag nalaman ng lahat na ikaw pala si Quince?” tanong nito at napabuntong-hininga na lamang siya.

“I won’t deny it but I won’t indulge their likings. Ayokong sumalang sa Love Seat. It doesn’t even matter because there’s not even love in there.” Masyado lang talagang creative si Jenny. She sees things straight ahead. And she would remain her pride.

“Kahit naman ‘yung mag-exes. Sumalang din sa hotseat. Remember Garnet and Clyde? Rare lang sa mag-ex ay naging magkaibigan.”

“They’re friends in the first place. Some people were better off friends than lovers.”

Tinitigan siya nito na parang may inaalam ito. “What if kung bigyan mo ng chance si Lirio?”

Her forehead creased. “Chance for what? Matagal nang lipas lahat Daisy. And I don’t think it’s intense just like how you had it with Noah.”

Sumalubong sa kanya ang amoy ng pastries. Amoy-matamis, halo-halo ang flavour pero ang mas gusto niyang amuyin ay mga plain bread. Lalo na pag iyon agad ang naaamoy niya tuwing umaga. She was busy checking out the french bread in front of her when someone stood beside her. Hindi na sana niya papansinin ito kung estranghero lang ito.

“Hi, Berry. Fancy meeting you here,” kaswal na bati nito sa kanya na may ngiti sa mga labi. Nakasuot ito ng long sleeves na light blue na nakalislis ang manggas at denim jeans. Magkakulay pa sila ng denim jeans, asul. Light blue rin ang suot niyang sweater, hindi nalalayo sa tingkad ng long sleeves nito. At puti rin ang suot nilang sapatos. Mukhang napansin rin iyon ni Lirio dahil dumaan ang amusement sa mga tao. “Did we have a plan last night to wear the same clothes, today?” he mused.

Nairolyo tuloy niya ang mga mata niya. Hindi talaga niya mapigilan ang sariling magtaray o magsuplada dito, kahit na wala naman itong ginagawang masama sa kanya. “Apparently, not.”

“Hey, hindi ka ba busy? I have a favor to ask.” Hinintay niya itong magsalita pa. He pointed at the cakes, meters away from them. “May ikakasal daw sa chapel mamaya. Gusto ko lang magbigay ng regalo sa kanila. More like, gatecrashing.”

“Bakit ka naman dadalo kung hindi ka naman imbitado? Do you even know them?” she asked. Napahawak ito sa panga nito at niyaya siyang lumapit sa hilera ng mga cakes. Di naman siya makatanggi since nandoon na rin naman siya at sigurado siyang bibili siya ng kahit sponge cake man lang na tamang-tama lang ang level ng tamis.

“Nope. Jenny told me but I can charm them anyway.”

“So? Anong maitutulong ko?”

“Tulungan mo akong mamili ng cake.”

Napatingin tuloy siya sa mga cakes sa harap nila na hinarangan ng glass panel. Nakakapanlaway ang amoy niyon pero deep inside, napapangiwi siya sa katamisan niyon.

“Rocky road is a classic and cookies and cream is an all-time favorite,” he said, while staring at the cakes. Dumako ang mga mata niya sa cake na may mga mixed berries. Mukhang napansin iyon ni Lirio dahil bigla na lang nitong tinawag ang isa sa mga staff doon para bilhin ang cake na iyon.

“You can choose other cakes other than the mixed berries one. It looks plain.” Ang tanging nakadagdag lang ng dating sa cake ay ang sliced berries sa tutok niyon na may nakapalibot na maliliit na strawberries.

“It doesn’t look plain to me. The staff said this is a red velvet cake just caked with white coating. Isa pa, malamang may chocolate cake or vanilla cake na sa kasal.” Bahagya nitong inaangat ang box ng cake. “So, shall we? Anong bibilhin mo?”

“You’re really gatecrashing?” she asked. Even though, she’s out of work for a while. From time to time, nagche-check siya ng mga whereabouts sa Child Hope. Nagmumukha man siyang workaholic ay para naman iyon sa kapakanan ng mga taong umaasa sa kanilang Foundation.

“What? Gusto mong sumama?”

* * *

Larawan ng kaligayahan ang mag-asawa matapos magsumpaan sa harap ng altar. It wasn’t her first time seeing a wedding but it was one of the most sincere weddings she attended. Way back in childhood, her parents’ marriage looked formal for her. She’s barely eight years old at that time and had no idea what true love is, or what people look like when they’re marrying each other.

Some might say, they are happy for the two newlyweds but at the corner, there’s a story they didn’t know. It might be an arranged marriage or a whirlwind marriage.

It’s almost ten in the morning when the wedding ended. Natuloy na sila sa reception at mukhang umepekto naman ang sinasabing ‘charm’ ni Lirio dahil kakuwentuhan na nito ang bride at groom.

Hindi mapigil ang pagngiti niya nang pagmasdan niya ang pagsasayaw nina Nina at Elliot, ang bagong mag-asawa. Kompara sa kadalasang reception na napapansin niya, the food are Filipino dishes. May lechon, grilled shrimp, pork cutlets, kinilaw, pancit bihon, adobong manok, monggo, may tuyo pa at mangga na may hipon. Kakanin ang ibang desserts.

“Lirio! Subukan mo ‘to! Masarap ang cake!’ alok ng isang babae kay Lirio. Isa sa mga bridesmaid. Iniumang nito kay Lirio ang plato na may slice ng coffee cake. Kanina pa niya napapansin itong umaaligid kay Lirio. She didn’t know her name though.

“Thanks,” usal ni Lirio at ngumiti lang ang babae sa kanya saka umalis matapos tanggapin ni Lirio ang plato na may coffee cake.

“You’re gonna eat that?” tanong niya kay Lirio. Nakaupo lang siya sa isang monobloc, medyo malayo sa mga tao na ngayo’y nagsasayaw, hawak-hawak ang plato niyang may lamang pagkain. “May peanut ‘yan. Allergic ka sa peanut.”

Sumilay ang isang misteryusong ngiti sa mga labi nito. At doon lang niya napagtanto ang sinabi niya.

“How do you know that I have an allergy?” he asked cautiously. Umupo ito sa katapat na monobloc.

“It’s in the book, right? The writer wrote about that.” She almost winched at what she said but she kept her cool.

“You read the book.” A statement. “It’s okay, nakainom naman ako ng allergy meds. I have to, or else, hanggang tingin na lang ako sa seafood. We’re on the beach, near the sea rather. I don’t want to miss the chance to eat seafood. Anyway, what do you think of it?”

Bago pa niya sagutin ito ay kinuha niya ang plato rito na may coffee cake. Isa pa, kanina pa niya pinanggigilan ang cake. Tamang-tama lang ang tamis at di nakakasawang kainin. Nahiya lang siya kanina na kumuha pa ng isang slice dahil ang totoo, wala naman silang relation sa kasal na iyon. Nang-gatecrash lang silang dalawa ni Lirio dahil kapwa lang naman silang bored. Kapag narinig siya ng kasamahan niyang si Dominique sa Foundation ay tiyak na papalakpak ito sa kanya. Ang babaeng iyon ang nambubugaw sa kanya kung kani-kanino kaya kung sino-sino na lang tuloy ang tinanggihan niya ng date at ligaw.

“Ako na ang kakain.”

“Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. How was the book for you?” Obviously, nabasa na nito ang libro, courtesy of her bestfriend, Daisy.

“I know what the author did. She created an anti-hero, away from the conventional of a romance book. I didn’t think she followed the formula of the romance genre,” she said, as if they were not talking about the same book that opened up his past. With this person, unknowingly.

“Dahil ba clumsy, manipulator, schemer at medyo iyakin ang hero which precisely, I don’t think I easily cried. Aminado akong king of schemes ako, nasa dugo ko na iyon. Hindi ko lang matanggap na pati ‘yung mga nakakahiyang moments ko noon. Nakalagay doon. Damn! Yung pagkahulog talaga sa kanal ‘yung accurate!” Bigla itong humalakhak nang maalala ang tagpong iyon. He saw him shoot himself in the canal because he was just so busy tingkering his nintendo. 

Pauwi na sila galing eskuwela noon at kakatila lang ng ulan kaya may aftermath pa ng baha at pagragasan ng tubig sa may sidewalks. Malas lang nitong nataon ito sa kanal malapit sa Colon street. She was in sight but he didn’t see her, blame her black umbrella. Sinadya niyang magpayong para hindi nito mapansin na natawa siya sa kapalpakan nito.

“Iniisip ko nga na baka nga stalker ko nga ang writer. Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi ko lang maramdaman na may nagkagusto sa ‘kin bukod kay Eden Sofia.” He was uttering her former girlfriend’s name like he was mentioning a cherished person, in the past. 

“Maybe, you were just an inspiration for her to write the book. Nothing less. Nothing more,” she said, trying to drop the subject. Mukhang di pa talaga nag-subside ang Scarlet’s Letters issue.

Sandali itong napatingin sa harap, na parang na-detach ito roon. As if, he was remembering something so distant.

“The incident of the peanut butter was so accurate too. May photographic memory ba ang writer? Who is she?” he said, almost to himself.

“What are your expectations?” she asked. Of course, there are expectations and Berry knew that he somehow expecting something from the writer. Kumain na lang siya ng coffee cake.

“For what? The writer? I will not ask if she harbor feelings for me. It’s obvious in the novel.” Masyado naman itong bilib sa sarili nito. Di ba puwedeng he’s the person who could acquire things that she barely couldn’t do, before. “Ang sama naman ng tingin mo sa ‘kin. Ganoon na ba ako kahangin?” he chuckled.

She just rolled her eyes at him. Tinusok niya ng tinidor ang cake. “You still want the coffee cake?” 

“Mas natatakam ako sa cassava cake,” he said, comfortably crossing his arms.

“Nauubusan ng cassava cake sa mini-canteen natin noon dahil lagi ‘yan ang kinakain mo na nagkataong paborito ko rin. Hindi mo lang alam na minsan gusto kitang sakalin dahil pagkabili ko, wala na. Ikaw na ang umubos.” pag-amin niya.

“It’s in the book too.” Mas mabuti na sigurong itikom na niya ang bibig niya bago pa niya mabuking ang sarili niya.

“Kapag makikilala ko siya. Probably, I will ask for a date.” Inihit siya ng ubo sa sinabi nito at agad naman siya nitong inabutan ng tubig mula sa baso niyang naitabi niya sa mesa.

“A date?” maang niya. The side of his eyes twitched and he chuckled.

“Yes, a date.” Dumaan ang amusement sa mga mata nito.

* * *

Chapter 14

It’s the batch ball where everyone now gathered at the biggest function room in their best suits, dresses, and evening gowns and she could hear the merriment from her batchmates’ voices. Pula ang kulay ng mga tablecloth sa round tables, a deep shade of red at maging ang mga bulaklak ay dark ang colors. It was like they’re having a dark fairytale while summer was going on.

Pinili niyang manatili sa isang sulok, malayo sa mga batchmates niyang nagkakasiyahan na. Kumain na lang ako ng caesar salad at rocky road cake sa roundtable habang pinagmamasdan ang mga sumasayaw sa dance floor. Napangiti siya nang niyaya ni Noah si Daisy nang pumainlanlang ang isang kanta.

I know I’m not there enough 

But that’s gonna change 

Cause I’m coming back 

To show you that 

I’m keeping the promise that I made

She’s happy that her bestfriend is happy with her man now who fulfilled his promise to her, despite the long years. Napangiti na lang siya nang maalalang tila takot pa si Noah na kausapin siya pagkatapos ng eksenang ginawa niya pero napatunayan niya naman na sincere ito kay Daisy. If it’s for her bestfriend’s happiness, she supports her no matter what. From the bliss on her face, she looked like she’s home now.

When I’m with you 

I’ll make every second count 

Cause I miss you, whenever you’re not around

Bumagabag sa isip niya nang magkahiwalay na sila ng landas ni Lirio ang sinabi nitong date. Kung aalukin siya nito ng date? Papayag ba siya? Ano ang gusto nitong mangyari pag nalaman na nitong siya si Quince? Kapag ba oo, may magbabago kaya? O hanggang familiarity lang ang meron sila sapagkat matalik na kaibigan nila sina Daisy at Shinoah.

Kahit na gusto siyang hilahin ni Klint sa umpukan ng mga ito ay hindi siya nagpatinag sa kanyang puwesto na nasa dulo mismo ng bulwagan na iyon. She endured their topic yesterday, but not now. Mabuti na lamang, wala pang progress ang paghahanap nito kung sino si Quince. Ibig sabihin, hindi pa nag-waterfalls ang bibig ni Klint.

When I kiss you 

I still get butterflies 

years from now, 

I’ll make every second count 

When I’m with you

She’s drinking her punch when she noticed that someone is staring at her. Nang luminga-linga naman siya ay wala naman. Patuloy lang ito sa pagsayaw sa malawak na dance floor sa gitna nila. The batch ball is the highlight of the Alumni Homecoming. Sanay na siya sa ganitong tagpo pero ito ang unang pagkakataon na kahit papaano ay komportable naman siya. Maybe, seeing her bestfriend’s happiness in her eyes was enough for her to feel comfortable in her own skin.

She’s wearing a midi black dress, revealing her shoulders. It’s a tube dress and below-the-knee and a black shoes. Tama nang expose ang mga balikat niya. Shepinned her hair up into a french bun. Light make up lang ang ginawa niya dahil mabilis siyang mangati sa cosmetics. Masyadong sensitibo ang balat sa mukha niya.

Nang di makatiis ay naglikot ang mga mata niya upang hanapin kung sino ang may dahilan kung bakit nagtataasan ang balahibo niya sa batok. Then she met Lirio’s intense gaze and a playful smirk spread on his lips. Bigla siyang kinabahan sa paraan ng pagtingin nito at bago pa siya makaiwas ng tingin ay tumayo na ito mula sa table nito, ni hindi nagpaalam sa mga kasama nito roon. His eyes were telling him not to break this ‘staring contest’ so she did because she was too stubborn and she’s curious why he acted like they’re completely alone together.

She rolled her eyes when he reached her, two steps away from her. Bahagya naman itong nangiti sa inakto na, nasanay na sa ganoong pagtrato niya rito. Kung ngingiti na lang siya rito at biglang magiging bubbly ay tiyak na magtataka ito. Mas mabuti na kung anuman ang trato niya rito noon, ganoon pa rin ngayon.

“Excuse me, Sir?” She politely said to him, addressing him formally. After all, he’s a sought-after bachelor, while she, is a simple worker at an NGO. Not that, she’s making a self-deprecating remark of herself but it’s the reality between them.

“Sir? Employee ba kita? Even my secretary called me Kuya when we were out of the office.” She heard about that, and blamed her ears for hearing it from the great waterfall tongue ‘Klint’. Before, she was skeptical if he could manage the corporate world, knowing how carefree and stubborn he was. Ito ang klase ng tao na hindi nagpapatali sa nine to five hour job. Not until Eden Sofia left him. Tumikhim ito at bahagyang yumuko, animo’y isa siyang prinsesa sa harap nito. She disregarded the eyes that looked at them. Who wouldn’t? He really pulled off his black-and-white tuxedo that accentuated her black midi dress.

“May I have this dance? I don’t wanna waste this song. I like it.” Then he smiled that bright smile of his. Hindi siya nagkakamali noon sa pagiging eksaherada niya na para talaga itong araw. Nakakasilaw.

And as I look into your eyes 

I see an angel in disguise 

Sent from God above 

For me to love

“Are you going to dance with me because of the song? Or you were just messing around?”

Napamaang tuloy ito sa kanya, hindi inaasahan ang sasabihin niya. “Ganito ka ba lagi? Doubting people’s intentions? You’ll dance or not?”

She’s having second thoughts of accepting his hand. Her mind telling her that there was more than meaning in accepting her hand or her mind was just really a mess now.

“Raspberry?”

Tinanggap na lang ang kamay nitong nakalahad bago pa ito mangalay. She would let this one slip. After that, she would leave in that event, as if her clock is ticking and the fairytale has to end. Kinalma niya ang sarili niya nang madama niya ang init mula sa kamay nito. The warmth enclosed her hand and he lead her to the dance floor.

She knew that she looked like a stiff teenager who seems looked uncomfortable on the floor. Hindi niya alam kung kakapit siya kay Lirio o ano kaya natawa ito sa kinilos niya kaya hindi tuloy niya magawang salubungin ito ng tingin.

“You seem to have no problem dancing with Klint before,” pagtataka nito. Napalingon tuloy siya rito dahil naalala pa pala nito ang dance presentation nila noon. “Ako sana ‘yung partner mo, di ba?”

“He’s taller than you,” sabi na lamang niya. Nagulat man sa biglang paglagay ng kamay niya sa balikat nito ay hindi niya pinahalata. Kulang na lang magpigil siya ng hininga nang akapin nito ang beywang niya.

“Does he liked you before? Lagi ko kayong nakikitang magkasama o magkausap.”

“Yes, he did.” Ito naman ang nagulat at napahigpit pa ang paghawak sa beywang niya. Natapik tuloy niya ang balikat nito dahil parang hinapit siya pa siya nito lalo. “Not for a long time though. He said that when I opened my mouth, that’s when he’s uncrushing me. That guy, kahit na alam ko na ang bagay na iyon, minsan binabanggit niya.”

“Too bad, he’s in love with his fianceé. But if he really pursued you before, may chance ba si Klint?”

“Why are you asking this?” Namalayan na lamang niya na pumagitna na sila ng dance floor.

“I just want to know if he really stands a chance before. Or even now.”

Umiling lamang si Berry at bahagyang tinapunan si Klint na ngayo’y kausap naman si Clyde. “No. He’s a good friend. Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Klint. Out all of our classmates, siya lang ang naglakas-loob na kausapin ako nang matagal kahit na nagtataray lang naman ako. He didn’t mind, until now and I appreciated that.”

“Hey, I tried to talk to you before. Pero laging masama ang timpla mo sa ‘kin. Iniisip ko nga kung may putok ba ako. Naliligo naman ako araw-araw at lagi akong may spare shirt,” nakangiting sambit nito, to lighten up their mood. “So why are you being so grumpy before?”

“You won’t mind hearing the truth?” Nanlaki na naman ang mga mata niya nang hapitin siya nito papalapit. She could hear a faint cheer from somewhere but her eyes descended on his face. Nakakasilaw na naman ito.

“You’re too close,” reklamo niya rito sapagkat nakaramdam na talaga siya ng pagkailang rito. Kapag nakatingin ito sa isang tao, nakafocus talaga ang atensiyon nito sa kausap. She noticed that before when people were talking to him. Tanging malalapit na tao ang nakakatagal sa kung paano ito tumingin ng direkta. Ang iba ay umiiwas ng tingin.

“Ano bang gusto mo? Magsasayaw tayo na ilang metro ang layo? Magmumukha tayong tanga,” pamimilosopo pa nito kaya inirapan niya ito at bahagyang iniyuko ang ulo dahil nakatingin na talaga ang mga batchmates nila sa kanilang dalawa.

“You treat me like a rose. You give me room to grow. You show the light of love on me and gave me air so I can breathe. You open doors that closed. In a world where everything goes. You give me strength so I stand tall. Within this bed of earth. Just like a rose,” pagkanta nito. Lirio has a nice voice, suwabe at medyo light para sa isang lalaki ngunit hindi masakit sa tainga.

She was used hearing his singing before in their classroom. Nag-mature na ang rin ang boses nito. Nang iangat niya ang mukha niya ay bahagya pa siyang natigilan sa paraan ng pagtingin nito kaya napakunot-noo siya.

Komportableng-komportable ito sa paghawak sa kanya samantalang hindi naman siya mapakali na kasayaw niya ito. 

“I really like this song,” he said.

“So ayaw mo lang masayang ang kanta.” She needs to get away and she needs a reason.

He was taken aback at first. “No. I just, I just want to have a dance with you. Since I saw that there’s no one ask for it from you.”

“So you actually pity me dahil walang nag-alok na isayaw ako?” Nagkataon namang natapakan niya ang paa nito na ikinasinghap nito. Nawala na sa rhythm ng sayaw ang katawan niya at akmang kakalas na rito nang bigla siya nitong hinila palapit pa rito.

“Na-misinterpret mo ang sinabi ko. It’s not just that…” He was picking up the right words. Hindi ba ito makaramdam na gusto na niyang kumalas? They were almost hugging! And warning bells are ringing inside her head. “I don’t know how to explain this but the song reminds me of…”

“What?” Bahagya pa itong napapitlag sa tono ng boses niya. It’s like she’s already pissed off. But he knew better, she always had this sharp tone even before him.

“Of the girl who rarely smiles. She looked so grumpy with that signature rolling eyes. But when she did smile, she looked like another person I didn’t know. It’s always a first time feeling every time I see that smile. Then after that, I would regret it for feeling that way.”

“Pinagsasabi mo?” pagmaang-maangan ni Berry. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya sa kaba. Confusion. Disbelief. Panic.

A knowing smile spread on his lips, even his eyes sparkled in mischief. Kinabahan si Berry, hindi sa takot kundi sa tinutumbok ng kanyang kutob.

“Where are you all of these years, Quince?” Nanlaki ang mga mata niya at doon niya napagtanto na kanina pa siya nagpipigil ng hininga. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya kaya nagawa niyang kumalas rito. Naitago niya ang nanginginig niyang mga kamay na ngayo’y nanlalamig na. Anumang sandali, papangapusan siya ng hininga.

Doon niya napansin na mag-isa na lang sila sa dance floor at ang pinakamalapit sa kanila ay si Jenny na natutop ang bibig nito. Marahil narinig nito ang sinabi ni Lirio.

“You are Quince?” maang ni Jenny at dahil malakas ang boses nito ay narinig ito ng ibang batchmates nila na nagulat rin sa rebelasyon.

Paano nito nalaman? Lirio stared at her, like he couldn’t believe she’s the author of the Scarlet’s Letters book. Marahan siyang napaatras.

“Berry,” nanlulumong lumapit sa kanya si Daisy ngunit sinenyasan niya itong huwag lumapit sa kanya. Si Noah ang pumigil rito.

Says it’s true 

There’s nothing like me and you 

Not alone, tell me you feel it too

And I would runaway

I would runaway, yeah

I would runaway

I would runaway with you

“No. Don’t come near me, San Miguel,” pakiusap niya rito, nanlulumo pa rin nang akmang hahawakan siya nito sa braso. Lumipas ang ilang segundo na wala silang imikan ni Lirio at tanging sila lamang ang nasa gitna ng malawak na espasyong iyon. Their batchmates were also anticipating the scene, and Berry’s feet was glued to the floor.

“Why?” he almost said in a whisper. Naipikit niya ang mga mata niya. There’s no use of blaming someone. He already knows it. “Why didn’t you make a move?”

‘Cause I have fallen in love

With you, no never have

I’m never gonna stop falling in love, with you

“And what?” she spat. She’s trying to be fierce in front of him, of everyone. “I will make it clear to you. Your understanding and all of the people who read the book are different from mine. I don’t have the desire to get near you, or earn anything from you.”

Sandaling lumamlam ang mga mata nito. “Now I know why you keep your distance. Are you afraid?”

Oo pero hindi niya iyon aaminin rito. Hinamig niya ang kanyang sarili at matapang na sinalubong ang nalilito nitong mga mata. “If you’re sorry for me, don’t.”

‘Cause I have runaway

I have runaway, yeah

I have runaway, runaway

I have runaway with you

Iyon ang huli niyang mga salita rito bago siya umalis ng ball room, malayo sa mga batchmates niyang nasorpresa talaga sa nangyari, maliban lamang sa umpukan ng mga kaibigan nito.

“Pay up, man. Panalo ako.”

“Darn it, Klint. I thought you were just joking before.”

“Now, who’s next on the list?”

“It’s only thousand pesos. Hindi matatapyasan ang kayamanan ko.”

“Excuse me? You’re no longer a star, Henry.”

“You want me to throw you out in the sea, Clyde?”

That night, her dark fairytale was over.

* * *

Interlude 2 

Excerpt from Scarlet’s Letters novel

Napangiwi si Scarlet nang bumungad sa kanya ang magulong sala ni Lirio Marco. Ang mga basyo ng alak ay nakakalat lamang sa sahig maging ang mga supot ng kung ano-anong chicherya. Nangangamoy rin ang binata na nakahiga lang sa sofa na nakalaylay pa ang mga paa.

“God, Marco! You’re reeking of alcohol! Wag mong sabihing kahapon ka pa ganito?” bulalas niya. He stirred from his sleep. Ngunguto-ngutong bumangon ito, pilit na ibuka ang inaantok na mga mata at awtomatikong napangiti nang makita siya.

“Scarlet, you’re here. Damn. My head hurts,” reklamo nito sabay hawak sa kumikirot nitong ulo. “Can I use the last favor? Masahiin mo ako.”

Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ito sabay palo nito nang napulot niyang throw pilloy na mukhang nagmula pa sa kuwarto nito. “You can’t use the last favor, Mister Marco. God, kumilos ka na nga. Hinahanap ka na sa opisina at hinahanap ka nila sa akin. I am not even your mother for Peter’s sake!”

Patamad na sinandal nito ang likod nito sa sofa at inilaylay ang ulo doon. “Tinatamad pa ako.”

“Yes, you’re brokenhearted, Marco. But you have to live and work to keep your ass going. Hindi habang-buhay umiikot ang mundo mo sa isang tao na iniwan ka rin lang naman,” sermon niya rito habang pinupulot ang mga nakakalat na basura sa sahig. Inilagay niya iyon sa malaking plastik.

Sinapo nito ang dibdib nito, tila nagdadrama at inirolyo na lamang niya ang mga mata niya. “Ouch, di naman masakit. Ipagdiinan ba daw ba? Tell me, kapalit-palit ba ako? Guwapo naman ako. Pag genes na ang pinag-uusapan, wala nang problema. May stable naman akong trabaho. At hindi mabaho ang hininga ko. Mas lalong hindi ako maarte sa pagkain. Anong mali sa akin?”

“Alam mo, ikaw lang ang brokenhearted na mayabang pa rin,” irap niya. “Kumilos ka na nga. Linisin mo na ‘tong bahay mo. Overgrown na rin ‘yung mga vines sa labas. Balak mo talagang magpaka-ermitanyo.”

“Tinapatan lang naman kita. Magpapaka-ermitanya ka rin di ba?” Tinapunan niya ito nang napulot niyang aluminum can ng beer. Natawa naman ito ngunit hindi abot sa mata, maaninag pa rin ang lungkot sa mga mata nito.

“Is it really my fault that she fell out of love?” Lagi na lang nitong bukam-bibig ang ex-girlfriend nito. Naiinis nga si Scarlet dahil nakakaya pang bumati ng ingrata sa kanya noong tumambay siya sa paborito niyang cafe. Nasira na naman ang araw niya. She never liked his ex-girlfriend, si Chloe. She’s boyish while she’s too feminine.

“Maybe, she’s looking for some greener pastures.” Dumilim nang bahagya ang mukha nito, hindi nagustuhan ang narinig sa kanya. But he knew better that she’s not the type of person who sugarcoat her words. “And she grabs that opportunity. You should stop mentioning her, even thinking about her. It will just take you to several loopholes. Mahihilo ka lang kakaisip sa taong hindi na nag-iisip sa ‘yo, Marco. Why don’t you try to do something you aren’t comfortable with? Like taking amusement rides you hate because you keep on puking. Forgetting her may be temporary but at least you’re trying to ward her off your mind. Don’t you think so?”

Napakurap-kurap ito sa sinabi niya at bigla na lang itong napangiti. “Paano na lang kung walang Scarlet sa buhay ko? Halika ka nga rito, pa-kiss!” Ngumuso pa talaga ang walanghiya.

Tinapunan niya ito ng unan at sapol ito sa mukha nito. Kumalat lang ang tawa nito sa sala habang naglilinis siya sa pinaggagawa nito.

Chapter 15 

Raspberry yawned and do some stretching exercises. Ikinurap-kurap niya ang mga mata at pinagsawa ang mga mata niya sa tanawin sa baba. Nakatambay lang siya sa terasa ng bahay. Minutes ago, she was checking her old email and encountered an email from the publisher. Congratulating for her bestseller book and even offer a writing contract to be officially their author. The problem is, she’s not really into writing romance.

Iniisip niya kung itutuloy niya o hindi ang offer nito. Paano kung hindi niya ma-meet ang expectations ng publisher, ng mga editors? Isama na ang mga readers na ng Scarlet’s Letters. Katatanggap lang niya ng Royalty sa libro niya. Harmony even knows her bank account. Ano pa ang hindi alam ng babaeng iyon?

Nag-reply na lamang siya na pag-iisipan pa niya ang alok nito at nilagay na rin ang impormasyon niya, her writing style and her genres preferences. It’s her day off now and she decided to just stay at home.

“If you’ll get close to me. Would it stay the same? Magkausap pa rin ba tayo hanggang ngayon?” she asked and bat her eyes. Mixed emotions. If she’s having mixed emotions, her eyes have this tendency to create tears and she didn’t want it to show to Lirio. Her crying face and that would mean, she’s really affected.

“I don’t know. I don’t understand why keep yourself away from me. Ilang beses kong inisip noon kung may ginawa ba akong masama sa ‘yo. But it turns out…” he trailed off and looked at her straight in her eyes. His face was reflected by the moonlight. Kahit ang paghampas ng alon ay hindi sapat para pahupain ang delubyong gumugulo sa sistema ni Berry.

“I don’t like you scheming and setting up plans to make it more chaotic,” she said, trying to maintain her composure. “If you’re planning to sue me, then do it.”

“I am not that shallow. Even though I became a silly laughingstock at my company because of the book, I will not sue you. Gusto ko lang malaman kung bakit sinulat mo iyon.”

“And what? To flatter yourself?” Naging matiim ang mga mata nito. She avoided his eyes because she couldn’t stare at them any longer. Instead, she turned her head to the silent sea. “Are you sorry for my teenage self?”

Hindi ito nakaimik at doon niya nalaman ang sagot niya. “You don’t have to be. It takes a mutual agreement, even a silent one, to get closer to a person but I decided to be just on the side.”

“Makikita pa ba kita?” he asked randomly and she was a bit taken aback. They’re from different worlds now. She left the corporate and he’s in corporate now. After this Alumni Homecoming, they would go on their own ways.

“I hope not,” she muttered but enough for him to hear.

“That kinda hurts, you know?”

Naipilig na lamang niya ang ulo at tuluyan nang tumayo sa upuan. Mas lalo siyang kukulitin ng isip niya kung nakatambay siya sa bahay.

Nagpalit siya ng damit, oversize shirt at baggy pants. Itinali lamang niya ang buhok into a bun at tanging islander lang ang pansapin niya sa paa. She prefers wearing comfortable clothes. Minsan lang siya kontodo bihis. And she’s not fond of putting some make-up. Nangangati siya.

Nssa CDO na nakatira ang kanyang buong pamilya maliban lamang sa nakababata niyang kapatid na si Freya na nasa Oslob.

Minsan, pinagtutulungan silang tuksuhin ng mga dahil maski boyfriend ay wala siya pero wala naman siyang pakialam. Choosy? Not really. Wala talaga siyang amor sa mga lalaki. Well, except for one but that was years ago. Naitirik tuloy niya ang mga mata niya nang maalala na naman ang lalaking iyon. It’s been months since she left the resort in rush.

Hindi niya tinapos ang event na iyon. Wearing her midi dress, nag-out na siya sa hotel at nag-iwan lang ng note kay Daisy. Mukhang naintindihan naman nito iyon dahil nag-text lamang ito na sana’y okay lang siya at nakauwi siya nang maayos.

It took her minutes to walk outside the neighborhood to reach the coffee shop.

Pagkapasok niya sa coffee shop ay sinamyo niya ang aroma ng kape na kumalat sa loob dahil na rin sa mga kapeng in-order ng mga customers. It was cozy and homey inside. Autumn colors ang interior ng coffee na may ornamental plants pa na mas lalong nagpa-relax sa mga mata niya.

She ordered a frappe and settled on a vacant table near a bookshelf which is on the east side of the coffee shop. She could see the view outside which is a green forest and mountains. Ang village ay malapit lang sa Busay, the mountainside of the city.

Pinagmasdan niya ang pagsabog ng iba’t ibang kulay sa kalangitan hudyat na anumang sandali ay lulubog na ang araw.

“Is that you, Berry?”

Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ng kung sino sa harap niya. A smile spread from his lips. The guy with Eastern features was wearing a white shirt, similar to her and denim jeans. Kaswal ang ayos nito ngayon. Ni walang salitang namutawi sa bibig niya sa pagkasorpresa. “So it’s you, Raspberry. Long time no see.”

Ni hindi man lang ito nag-atubiling umupo sa table niya.

“What are you doing here?” I asked.

He smirked then back to his usual serious face. “I’m living here. Nakalimutan mo yatang magkapit-bahay tayo, Berry.”

“Paano mo nalamang magkapit-bahay lang tayo? Hindi ka na nakatira rito.” Mukhang nakita na siya nitong pagala-gala roon. Bakit naman ito lumipat? Sa pagkakaalam niya mula kay Daisy ay nasa Golden Valley lang ito. Family house nito ang bahay sa village at akala nga niya ay wala nang nakatira doon ngunit noong isang gabi ay nakita niyang nakabukas ang ilaw. Akala niya ay pamilya lang ni Lirio, hindi si Lirio mismo.

“Really? Bakit mo naman nasabi iyon?”

“Hindi na kita nakikita rito.” Umiwas siya ng tingin at uminom na lang ng frappe sa pamamagitan ng straw.

Umiling lang ito. Sinenyasan lang nito ang waiter na ilipat ang order nito sa mesa niya. Carbonara at iced tea ang in-order nito. Noon pa niya napapansin na may special orders sa coffee shop na iyon kahit na majority na pagkain roon ay pastries, desserts, tea at coffee.

“Nakatira na ako sa bahay namin.”

“Bakit?”

“Anong bakit? Bahay namin ‘yon. Kailangan pa ba ng dahilan?” inosente nitong sambit at lumingon din sa floor to ceiling windows.

She mentally rolled her eyes. He had his own condo ever since he was in college. She knew it because sometimes Noah and Shawn fetched him outside their classroom just to hang out at his condo.

‘Di na lang siya nagsalita pa at tahimik na uminom ng ice cold frappe na tila ba wala sa harap niya sa Lirio na alam kong nakatingin din sa papalubog na araw.

“Death anniversary niya ngayon. Eleventh death anniversary,” he spoke out of the blue. Natigilan siya at marahang napaangat ng ulo rito. She could see how distant his eyes were the way he stared at the sunset. She was looking for sadness in it, but she couldn’t find it. Maybe, he was good at hiding it just like her. “Galing ako sa cemetery kanina upang bisitahin siya. It’s been years.”

“Nami-miss mo pa rin siya?” tanong niya rito. It was a safe answer. Eden Sofia had been a huge part of his life. His youth life.

“Sometimes.” he shrugged his shoulders. “Hindi madali sa ‘king tanggapin ang nangyari noon. Ilang taon din akong nagdurusa sa mga alaala ko sa kanya, ang kalungkutang nadarama ko tuwing may mga bagay na nagpapaalala niya sa ‘kin. Ngayon? Tanggap ko na. Mahigit isang dekada na pala ang nakalipas. Parang kailan lang, namroroblema ako kung paano siya suyuin. She’s moody and stubborn sometimes.”

“You owe your growth to her. After all, she’s the person who changed you into a responsible man. You’re too carefree before.” He looked at her, probably analyzing her answer. Malamang may ideya na ito na nakamasid lang siya sa malayo. Ipinahamak siya ng sarili niyang nobela.

“Yes,” walang-gatol nitong sagot. “I treasured her memories. Ayoko rin naman siyang malulungkot kapag nakita niya akong miserable. Baka multuhin pa ako ng babaeng ‘yon. Isa pa, those were one of the days I felt the happiest, no matter how senseless it could be. We grew up, but she stayed at her age. Kukulubot na ang balat natin, kukuba at magkakaroon ng forehead lines, siya hindi. How unfair. Unfair that she left early? But in the end, I didn’t want her to suffer more just because I want her to be my side. That’s selfish and all I have to do, is to let go.”

“It’s hard to let go of a person that you are planning to commit, to share your future memories and dreams together,” she supplied making his eyes squint at the food in front of him. Tila tumagos roon ang tingin nito.

“Why didn’t you include an Eden Sofia in the book?” he asked and ate his carbonara.

Eden Sofia was different from the ‘other’ girls she created in the books that are involved with the hero.

“I don’t want to taint her image and make her an antagonist in the novel because she’s not on your page. She’s your…” she trailed off and cleared her throat. Siguro naman, alam na nito ang ibig niyang sabihin. “Your memories and your feelings for her, I respected it enough not to write it in my book.”

Sumandal ito sa upuan nito’t pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Bahagya nitong iniyuko ang ulo saka napatingin ng diretso sa mga mata niya. Why did he have to look at people’s eyes when they’re speaking? It’s making her uncomfortable in her seat, but the kind of discomfort that didn’t irritates her.

“Thank you.” Sandaling pumagitna ang katahimikan sa kanilang dalawa at kapwa lang sila nakatitig sa glasswall. Ang tanawin sa baba ang isa sa mga dahilan kung bakit naglalagi siya sa coffee shop pag nababagot na siya sa bahay.

“Honestly, I am not the one who publishes it. I am not going to.” Nabitin sa ere ang pag-inom ng iced tea sa sinabi niya. “My friend from my former workplace sent it to a publisher. Months later ko nang nalaman na na-publish na pala ang libro. I was too distraught about it that it affected my productivity at my present workplace.”

Bahagyang nanlaki ang singkit nitong mga mata. “So it’s an accident. Kung hindi nalathala ang libro. Balak mo talagang itago na lamang ang isinulat mo?”

She nodded. “That was the plan. Memento na lang lahat ng iyon. At kung hindi iyon na-pub. Wala ka dito ngayon at hindi ka lalapit sa akin nang ganito. The book changed everything.”

He leaned on the table, much to her surprise.

“Mali. Kahit walang libro. I will still approach you.” Kung nagmukha siyang nabasag ang mukha niya sa harap nito ay wala na siyang pakialam. Natawa lamang ito at itinuro ang mukha niya.

“You might think that you can hide everything but you can’t from me. I’ve been observing you for too long. Dahilan kung bakit may kutob na akong ikaw si Quince kahit hindi pa sabihin ni Klint kung sino ang writer ng libro.”

Napamaang siya. “What?”

He lopsidedly smirked at her, amusement dancing in his eyes. “I noticed your discomfort. Mas mabilis kumurap ang mga mata mo nang pag-usapan nila ang misteryusong writer ng Scarlet’s Letters. And you have this staring match with Daisy and even Klint. So I connected the dots. Hindi mo lang namalayan na nakamasid ako sa’yo.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Akala niya walang makakapansin niyon dahil nag-iihaw lang naman siya ng mga pusit noon.

“Inamin ni Klint sa ‘yo?” That guy, humanda talaga ito pag nagkita ulit sila. Madami na itong atraso sa kanya. Kung puwede nga lang, pupulbusin niya ito.

Napangiwi ito nang may maalala. “Ang mahal ng kapalit ng impormasyon na iyon. Tuso talaga ang walangyang iyon. Gusto ko lang makasigurado na tama ang kutob ko. And I am right.”

“And then, the batch knew my identity as Quince.”

Napahawak tuloy sa ulo niya si Raspberry, nakatukod ang mga siko sa mesa. Saka niya namalayan na nakatukod din ang mga braso ni Lirio ss mesa at ilang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila. Agad naman siyang dumistansiya rito. He just grinned. Gusto niyang mainis dahil kanina pa magaan ang mood nito nang buksan ang topic tungkol sa libro niya.

“Remember what I tell you? Even before I knew you’re Quince?”

Parang gusto na ni Raspberry na lumayas roon, ngayon din. Malayo sa lalaking ito na di niya sukat-akalain na nasa harap niya at ngayo’y kausap pa niya. She should just avoided him a while ago.

“That I’m going to date whoever Quince is?” walang-gatol nitong wika.

Dahil doon, aksidente niyang natabig ang frappe at natapon siya niyon. Namantsahan ang kanyang puting shirt maging ang baggy pants niya ay nabasa na rin.

Great.

* * *

Chapter 16 

Noah’s POV

“How is she?” tanong ni Noah kay Lirio nang maupo ito sa katapat niyang upuan doon sa cafeteria. Nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin kaya naging matamlay ito.

“She’s not getting better,” malungkot nitong imporma sa kanya. Tila ba pasan-pasan nito ang buong mundo. “I was hoping.”

“The least you could do is stay by her side.” Naaninag niya ang resentment sa mga mata nito. Lirio leaned his arms on the table. Hindi kagaya sa ibang tables na pagkain ang nasa mesa ay mga libro, papel at isang tasa ng kape ang nandoon sa mesang inokupa ni Noah.

Doon siya madalas sa isang sulok at ang mga estudyanteng nakakilala sa kanya dahil expose siya sa extra-curricular activities. Isa siyang working scholar doon at may mine-maintain siyang grades.

Napahilamos si Lirio sa mukha nito. “Pinalabas ako ng prof sa Management dahil lutang ako sa klase kanina. Gusto kong magalit kay Eden dahil hindi man lang niya sinabi sa ‘king lumala na pala ang lagay niya. Kaya pala, napapansin kong absent siya sa mga klase niya. Matigas kasi ang ulo ng babaeng ‘yon. Sabi ng hindi siya puwedeng mapagod ng husto,” himutok nito at hinayaan lang ito ni Noah. Itinabi na muna niya ang binabasa niyang by-laws at nakinig kay Lirio.

“Ayaw lang niyang mag-alala ka pa,” pagsasalita niya. “Huwag mong dagdagan ang sama ng loob niya. Masama ‘yon sa puso niya. Sa puntong ito, ikaw ang higit na uunawa.” Bahagya pang napangiwi si Noah sa sinabi niya dahil sa napapansin niya. Higit na umuunawa si Lirio sa girlfriend nitong si Eden Sofia. He was the giver. Bagama’t nag-mature ito sa paglipas ng mga taon dahil sa karelasyon nito si Eden Sofia pero may bahaging naaawa si Noah rito.

Napabuntong-hininga ito at bumagsak ang mga balikat. “Pagod na rin akong magkunwaring hindi ako naaapektuhan sa lagay niya. Baka mas lalo siyang lulungkot.”

Lagi na lang nitong iniisip ang mararamdaman ni Eden Sofia. “‘Wag mo ring pabayaan ang sarili mo,” payo niya rito.

Umangat ang ulo nito mula sa pagkakahagod nito ng buhok. “Oo nga pala. Narinig ko lang kay Marc na hindi na niya nakikita sa univ nila si Daisy. Ikaw ba, alam mo ang dahilan?”

Saglit siyang natigilan. Ang naalala lamang niyang huling pagkikita nila ni Daisy ay ang highschool graduation nila kung saan may lungkot ang mga mata nito. Lalapitan sana niya ito upang kausapin pero hinila na siya ni Kara Jecille. Napakurap-kurap na lamang siya sa nalaman. 

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. “Di ba kayo ang mas malapit?” Napakamot na lang ito sa likod ng tainga nito.

“Wala na akong balita sa kanya. Hindi siya nagbakasyon sa Golden Valley,” sagot nito.

Napaisip tuloy si Noah kung hindi na ito nag-aaral. Isa iyon sa mga posibilidad kung bakit wala na ito sa university.

* * *

Katabi lang ni Raspberry si Lirio na katulad niya ay nag-aabang ng jeep. Kanina pa siya nito hindi napapansin at diretso lang ang tingin nito sa harap. Maaaring may bumabagabag rito.

Napabuntong-hininga si Raspberry at napahawak sa sentido niya nang pumitik iyon. Halos wala siyang pahinga sa pag-intindi ng mga financial statements at parang mabibiyak na ang utak niya anumang oras.

Tumigil ang isang jeep na halos walang pasahero at kapwa sumakay roon sina Lirio at Raspberry. Nasa tabi lang ng pinto ng jeep si Lirio samantalang nakaupo sa gitna si Raspberry.

Napapaisip si Berry kung kakayanin pa ba niya ang pressure na nakaatang sa mga balikat niya. Pabigat iyon ng pabigat sa mga nagdaang araw. Nakatulala pa rin sa kawalan si Lirio, iniisip nito ang mga worst case scenarios at napapailing na lang ito nang lihim. Napansin ni Berry na bumaba na ito kahit hindi iyon ang babaan nito. Nauuna kasi siyang bumaba rito.

Sinundan na lang niya ng tingin ang likod nito na unti-unting naglaho sa mga mata niya. Tila ba nagmamadali ito at may bahagi kay Raspberry na nag-alala para rito. Afterall, ito lang ang lalaking naging espesyal sa kanya habang lumalaki sila.

Nakarating siya sa bahay nila na walang tao. Nagtataka tuloy kung nasaan ang mga ito.

Nang umuwi ang ina niya kasama ang nakakatandang kapatid niya ay tahimik nitong inabot sa kanya ang papel. Halos hindi ito makatingin sa kanya at kapwa malungkot ang aura ng mga ito. Inatake siya ng kaba at binasa ang nakasulat roon.

Hospital results.

Doon nagsimula ang isa sa malaking dagok ng buhay niya at natagpuan na lamang niya ang sariling hindi alam kung may patutunguhan pa ba siya.

* * *

Noong una niyang mabalitaan ang pag-iwan ni Eden Sofia. Nang malagutan ito ng hininga sanhi ng sakit nito sa puso ay nakatulala lamang si Lirio, nakasalampak sa malamig na sahig ng ospital samantalang nagwawala na at naghihinagpis ang pamilya nito sa labas ng operating room matapos inanunsiyo ng doktor na hindi nito nalabanan ang kamatayan.

Lirio’s senses seems to black-out. It was as if he was left alone in there, in pitch black. Ilang segundo ang lumipas, ang mga ala-alaang nagdaan sa mga mata niya ay parang film ng pelikula. 

His first date with her. His courtship. Her random calls at him at night. Their getaway and their scene on a Ferris wheel. Their future plans. The names of their future kids. All of it, it vanished. It’s supposed to be shared between them but how could he make it? When he’s all left alone.

Animo’y may sumaboy sa kanyang asido. Naninikip ang dibdib niya sa magkahalong emosyon na nararamdaman niya.

Bakit? Bakit siya? Bakit kinuha Mo siya?

Doon na bumuhos ang luha sa mga mata niya na parang dam. Tahimik lang siyang humihikbi, hindi na alintana ang mga nangyayari sa paligid niya. Higit pa sa libo-libong karayom ang nakatusok sa puso niya.

He managed to sit on the steel chair, covering his face with his hands while still crying for the loss of her woman precious to his heart. Walang patid ang pag-agos ng luha niya, wala na siyang pakialam kung magmukha man siyang bakla o bata sa mga tao roon.

She didn’t make it. Iniwan na niya ako. – Lirio

Hingal na hingal si Noah nang dumating at nakita siyang umiiyak. Mas lalong yumugyog ang mga balikat niya nang mamukhaan si Noah.

“Wala na siya, Noah. Wala na si Eden.” Humikbi siya, halos hindi na makahinga. Parang pinunit siya nang paulit-ulit. Tumabi ito sa kanya at niyakap siya at hinayaan siyang umiyak nang umiyak.

Kinausap na siya ni Shawn na may posibilidad na mangyari ito; ang lumisan sa mundo si Eden Sofia dahil sa komplikasyon nito sa puso ngunit positibo si Lirio na gagaling ito. Kulang na lang magmakaawa siya sa kanyang grandma na maghanap ng pusong compatible rito ngunit huli na ang lahat.

Buong durasyon ng lamay, hindi makausap ng maayos si Lirio at hinayaan lamang siya nina Noah at Shawn na magluksa. Ubos na ang mga luha niya sa gabi-gabing pag-iyak at halata sa namamaga niyang mga mata ngunit sa mismong harap ng kabaong nito, nanatili siyang tulala. Minsan, namamalik-mata siyang nakikita niya ito at nasa tabi lang niya ito. Blangko man ang mga mata niya sa iba.

He’s grieving, his emotions were changing. From despair, shock to anger, to regret, pain and sadness. Wala siyang ganang kumain at kailangan pa siyang pilitin ng kanyang Ate Luanne na bagama’t nalungkot sa pagkasawi ni Eden Sofia ay hindi maiwasang mainis sa kanya dahil pinapabayaan na niya ang sarili. Hanggang sa pakiramdam niya, wala na siyang ganang mabuhay pa.

Buong gabi siyang nakatitig sa kawalan, iniisip kung anong mangyayari sa inipon nilang dalawa. Ang bibilhin sanang lupa at magiging disenyo ng bahay nila. Bigla na lang naglaho lahat kasabay ng paglaho ni Eden Sofia.

“Hijo.” It was Eden Sofia’s mom who approached him. Nagsialisan na sa cemetery ang mga nakilibing kay Eden Sofia. Pinigilan niya ang sariling humikbi nang ibaba na ang kabaong nito. He couldn’t take it. To see her buried six feet under the ground, faraway and not breathing anymore.

Nakasuot siya ng shades upang takpan ang namamaga at namumula niyang mga mata. Sumungaw ang luha sa mga mata ng ginang.

“Ayoko Siyang sisihin sa lahat. Eden Sofia, my daughter, has been my sweetest and happiest nineteen years. She’s such an angel. Hindi man siya perpekto sa paningin ng mga tao, para sa amin, wala na kaming mahihiling pa bukod sa gusto namin siyang mahalin.”

“Tita.” His voice almost broke. He held his breath.

“And thank you for keeping our angel happy. I was doubtful at first dahil baka makaapekto sa kanyang puso ang magmahal ngunit siya na mismo nagsabi na ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niyang lumaban.”

“Mahal na mahal ko ho ang anak ninyo.” Napayuko siya’t ginagap na rin ang kamay nito. Niyakap siya nito at marahang tinapik ang likod niya.

“Magpaalam ka na kay Eden.”

Umuwi na’t lahat, nanatili muna siya roon upang kausapin si Eden. Sa huling pagkakataon.

Napatingala siya sa kalangitan.

Eden, paano ba magpaalam? Paano ako magpapaalam sa ‘yo?

* * *

Chapter 17 

“Hey, hindi ka pa ba uuwi?”

“Mamaya, tatapusin ko lang itong ginagawa ko.” Nakatutok ang mga mata ni Lirio at sa gilid ng mga mata niya ay napailing na lang ito.

“Baka nakalimutan mong mga intern lang tayo rito, hindi regular employee,” paalala nito sa kanya na tinanguan lang niya. Maya-maya pa’y siya na lang mag-isa sa opisinang iyon at malapit nang gumabi. Rush hour na ngayon at nagco-commute lang siya pauwi. Tiyak na mahihirapan siya sumakay ng jeep ngunit balak niyang maglakad pauwi ngayon.

Inilista niya ang mga ideyang pumasok sa isip niya sa notebook niya at nakakunot pa rin ang noo na nakatutok sa computer. Kailangan niyang mag-isip ng marketing strategy na puwede niyang ipagbukas sa susunod na meeting.

Boring man ang business sa kanya ay nakahinga naman siya nang maluwag nang italaga siya bilang intern sa marketing department ng kompanyang iyon. It’s not part of the San Miguel Empire business, but Lirio choose it because of his father’s decision. His father didn’t want him to work in their company as intern. Iniisip ata nitong ita-take advantage niya ang pagiging tagapagmana ng kompanya ng kanyang ama. Mas mabuting sa marketing siya dahil nagagamit pa ang creativity niya sa bagay-bagay. Nakakabagot ang rigid systems, mas lalong mabubugnot siya.

His higher-ups took advantage of his workaholic tendencies. Kahit nga hindi niya trabaho ay inaako niya at kung minsan pa ay pinagtr-tripan siya ng mga itong timplahan ng kape, bilhan ng kung ano-ano sa labas at maglinis ng opisina nila. Noong una, wala siyang reklamo hanggang sa naging madalas ay pinigilan niya ang sarili. Hanggang sa sumabog na siya noong nakaraang buwan at tinigilan na siya ng mga ito.

Sinong hindi titigil? Lagi daw galit ang mukha niya at parang ayaw magpalapit. Komento pa ni Noah, aftermath ng pagkawala ni Eden Sofia. Mahigit isang taon pa nang mawala ito sa mundo kaya medyo presko pa ang sugat niya sa pagkawalay niya rito.

Maging mga kaibigan niya ay nagugulat sa pagbabago niya. Hindi na siya ang unang nagyayayang lumabas at mag-jamming. Kung noon, natatawa siya sa mga patawang-kalbo at kababawan, ngayon, daig pa niya ang poker face na binabalandra ni Shawn sa mukha nito. Naging matamlay na siya at minsanan na lang ngumiti, hindi pa umabot sa mata. Sinong may sabing mawawala na ang sakit paglipas ng taon? Pakiramdam niya, kahapon lang nangyari lahat.

Nang gumabi na, siya na mismo naglipit ng mga gamit doon at nagpaalam sa security guard ng building. Mahigit isang oras din siyang naglalakad pauwi ng kanilang bahay. Epektibo ang pagpapagod sa sarili upang wala na siyang isipin pa.

“Magpapa-absorb ka ba rito, Lirio? Aba, candidate ka na tanggapin ng kompanya,” tanong ng co-intern niya nang mag-lunch na.

Hindi man lang natinag ang kilay ni Lirio doon. “No. I don’t have plans to apply here.”

Kahit na marami siyang ginagawa doon, ayaw niya naman paligiran ng mga power-tripper.

“Wala?” dismayadong anito sabay tusok ng karne nito ng tinidor. “Sayang naman.”

Hindi na siya umimik pa at nakinig na lamang sa diskusyon ng ibang interns roon. Free naman ang lunch food sa kompanya bukod sa may allowance sila at kahit na minsan, nagrereklamo si Lirio sa lasa ng pagkain internally ay edible pa naman.

Kung may get-together ang mga ito ay awtomatikong tumatanggi siya. Dahilan ay may pinapagawa daw yung mga higher-ups sa kanya o kaya may ibang appointment sa araw na iyon. Pero ang totoo, ayaw lang niya dahil kapalit niyon ay magkukuwento siya sa buhay niya. And he didn’t want it to start it with his tragic lovelife.

* * *

“Ridiculous,” komento ni Lirio at natawa na lang sa naganap sa pagitan niya at sa kanyang ama sa bahay nila.

Niyaya niyang tumambay sa grandstand sina Noah at Shawn for old time’s sake. Matagal-tagal na rin noong naligaw sila sa alma mater nila. Punong-puno iyon ng mga alaala, masaya man o malungkot. Tapos nang lumubog ang araw kanina at kulay asul ang kalangitan, sumisilip na rin ang mga bituin roon.

Maraming tao sa baba, nagwo-work out sa may oval at may mga estudyante pa ng Abellana na pakalat-kalat lang doon.

“He wants me to work as a janitor in our company. Not introducing myself as his son.”

Shawn crossed his arms, staring at the people below them. Sinadya nilang magpahangin sa pinakamataas na bahagi ng grandstand. Sa likod nila ay mga dikit-dikit na mga bahay, mga gusali at sa malayo ay mga bulubundukin. Maririnig ang paghampas ng hangin sa kanila. Nakasandig si Noah sa harang na grills at katabi naman niya si Shawn.

“It’s a test. You have to start at the lowest position before acquiring the highest post,” Noah said, putting his hands on his pants.

“Janitor is a noble job. Wala akong reklamo doon at hindi ko minamaliit ang trabahong iyon. Pero I’m a business graduate, hindi ko magagamit iyon habang naglilinis ng inidoro sa CR.” Mahina namang natawa si Noah sa tinuran niya.

“You are moving everywhere when you’re one. We know that you didn’t want to be stuck in a particular area. You just made it in the internship because you focused too much. Just to forget her. Think of it as a new venture that you can work out with. We never know what will you explore while cleaning people’s mess in your Dad’s company,” mahabang pagsasalita ni Shawn.

May dumaan na ideya sa utak niya at napangisi na lamang siya doon. He clicked his fingers and jumped down. Humarap siya sa mga ito sabay hawak sa kanyang panga, naniningkit ang mga mata.

“What if maging all-around janitor ako?” Umarko tuloy ang kilay ni Shawn.

“Is it really all right with you cleaning a stench bathroom from time to time?” paniniguro ni Shawn.

“Isipin niyo, kung maging all-around ako. Mas may magiging access ako sa mga departments ng kompanya namin. Then…” he trailed off. Noah just smirked and sat down beside Shawn. Ipinatong nito ang paa nito.

“And then what? Ano na naman yang pumasok sa kukote mo?” ani Noah.

“I will bring justice.” Eksaherado pa niyang ikinuyom ang kamay niya sabay taas niyon.

“Justice? Anong justice? Loko.” Naglaho ang mockery smirk nito, napalitan ng disbelief. “You mean investigating ill deeds inside the company?”

“Tumpak!”

Napangiwi si Shawn at napatalon na rin pababa sa inupuan nito. “You’re reek of trouble, San Miguel?”

“My name spells trouble, Guillermo.” A playful smirk spread across his lips. “I am not the king of schemes for nothing.”

Shawn rolled his eyes and grabbed his arm. “C’mon, we have to eat. I’m famished. We will discuss this at the dinner table.”

“Where to?” Noah asked. Kasunod nila itong bumaba na ng grandstand. Nagkatinginan silang tatlo at mukhang iisa lang ang nasa isip nila. Ang karinderya kung saan sila kumakain after class. It was just somewhere outside the sports complex and their alma mater.

* * *

Bumuga ng hangin si Lirio at kumuha ng tissue saka iyon inilahad sa babaeng ngumangawa sa harap niya. Tahimik sa opisina sapagkat sila lamang dalawa doon. Lahat ay nasa baba, ginaganap ang monthly kasiyahan. Puwera sa babaeng ito na napansin niyang nanatili sa opisina.

Katatapos lang niyang mag-mop nang madatnan niya itong nagdadrama.

“Galit na naman siya. What the hell? That’s my proposal na inangkin niya. Pang-ilang proposal na ba ang nawala sa akin? Akala ko nga, rejected lahat. Iyon pala sinusulot ng bruhang iyon,” pagmamaralkulyo nito.

Hinatak ni Lirio ang bakanteng upuan sa katabi nito at nakinig rito. Hindi niya papalampasin ang pagkakataong ito. Inayos niya ang pagkakasuot niya ng bullcap. He always wear it to prevent others not to recognize him. Good thing, madalang siyang bumibisita sa kompanya ng kanyang ama noon kaya hindi siya namumukhaan ng mga ito.

“Kailan mo lang nadiskubre?” usisa niya rito. Mukhang wala itong pakialam kung sino ang masusumbungan nito. Gusto lang nitong maglabas ng sama ng loob.

“Last week. Nagtitimpi lang talaga ako sa bruhang yun. At usap-usapan na isesesanti ako dahil wala naman daw akong ambag. Pangit daw ng working performance ko. Mga inggeterang buwisit!” Napangiwi siya nang sunod-sunod na magmura ito sa mga katrabaho nito. Halos lahat naman ata ng kompanya, may mga ganitong complications. Di nila kontrolado iyon, lalo na’t ang mga nakakaalam lang ay nasa baba. Kaya nga, sinimulan niya ang ganitong misyon upang ilabas ang mga baho ng mga empleyado roon.

Nag-meeting na silang mga pinsan na ang kompanya ng kanyang ama ay may tambak na problema. Matino naman ang kanyang ama, at maayos ang pagtatakbo, ngunit di talaga mapipigilan ang mga depektong tao nito.

“Maaari ko bang makita ang mga proposal?” Natigil ito sa pagngawa at dudang napatingin sa kanya. May pagkakataong nagbibigay siya ng ideya sa mga ito, lalo na sa marketing department hanggang sa magduda ang mga ito kung bakit ang hamak na janitor ay may alam sa takbo ng negosyo. Katwiran niya, nanggaling yun sa observations niya sa mga ito, na half-truth naman. Isa pa, kahit walang degree ang tao ay nagagawa namang makibagay sa ganoong bagay.

“Here.” May kinuha itong folders sa file organizer nito. Tinanggap niya iyon pagkabigay nito at sinilip iyon. Napataas ang kilay niya nang makita ang content niyon. Maganda nga at timely. Bakit naman nito iyon ire-reject?

Nang may pumasok na tao ay bumalik siya sa paglilinis ng pader. Tiyak na may diskusyon na naman sila ng kanyang ama. Every week siyang nag-uupdate rito.

* * *

“That’s the files I’ve got from them.” Nilapag na lang basta ni Lirio ang mga papeles at folders sa mesa. Nasa malawak na terasa sila ng bahay nila at kasalukuyang nagkakape ang kanyang ama. Napataas ang kilay nito nang makita ang files.

“From what department?” His father asked. Noong una, hindi ito pumayag sa set-up niya dahil baka mapahamak siya ngunit kinombinsi niya ito na iyon lang ang paraan para malaman niya at first hand ang mga anomalya.

“Marketing, Finance and Operations. You will be surprise what I discover in Finance,” he smirked. Napailing-iling na lang ang kanyang ama’t nilapag ang tasa nito sa mesa. “It’s in that black folder. Medyo nahirapan pa ako sa pag access ng password. Kinailangan ko pang bolahin yung matandang dalaga na—” Tumalim ang mga mata nito sa salita niya. Nakangiting tumikhim lang siya. “So yeah. In short, they’re using substandards materials.”

Tila umusok ang tainga ng kanyang ama nang marinig iyon. “What?”

“Yes, father.” Nagpalakad-lakad siya at itinutok ang mga mata niya sa mga halaman sa paso. “Naghahanap pa ako ng sapat na ebidensiya para patunayan iyon since quality materials ang nakalagay sa mga dokumento.”

Naging malalim ang iniisip ng kanyang ama.

“Better to fire them, Dad,” walang gatol niyang sambit. “Isipin n’yo na lang na kailangang alisin yung mga bulok dahil nga madadamay yung mga sariwa.”

* * *

“God! Nakakatakot magloko rito. Who’s that rat ba?”

“We don’t know, sis. Pero grabe ah, obviously nakaka-access na lang siya basta-basta. From all departments pa!”

“Kaya guys, wag n’yo nang balakin gumawa ng kalokohan ha? Kahit magnakaw yata ng ideas. Nakakalurkey!”

Iyon ang nabungaran ni Lirio nang mag-duty na siya at napadpad na maglinis sa Finance Department. Aga-aga, pinag-uusapan nito ang mga nasesanteng empleyado roon. At suspetsa nito ay may dagang nakakaalam ng mga anomalya.

Lirio has his ways of acquiring information by eavesdropping, sympathizing and gossiping for a while. Ginagamitan rin niya ng reverse psychology. Ruthless sounding man, gusto lang niyang ayusin at patinuin ang kompanyang pamamahalaan niya.

Nng matapos ang paglilinis niya, ang pag-eavesdrop doon ay nagpahinga muna siya sa emergency exit. Inalis niya ang pagkakasuot ng black bullcap niya.

Hinugot niya ang wallet niya at binuksan iyon. There’s an old polaroid of them, wearing their school uniform.

“Hey, angel.”

* * *

Chapter 18

* * *

Inaasikaso ni Berry ang kanyang agahan nang biglang may kung sinong kumatok sa pinto ng bahay.

“Sino naman kaya ‘yan?” bulong niya sa sarili sabay tali ng kanyang buhok na di pa nasayaran ng suklay. Kagigising lang niya at una niyang inasikaso ay ang kanyang breakfast. Sino naman kaya ang gagambala sa kanya ngayong umaga? It’s still six in the morning. Iniwan na muna niya ang ni-reheat niyang adobo at hininaan ang apoy roon. Hindi siya kagalingan magluto ngunit marunong naman siya. Natuto na siya nang maging independent na siya at nagsimula nang magtrabaho.

Tinungo niya ang pinto at buksan iyon. Nabitin sa ere ang ngiti sana niya at bati nang makilala ang Poncio Pilato sa harap niya. Basa pa ang buhok na mukhang kakagaling lang sa shower at nakasabit sa balikat nito ang handtowel. Nakangiti kung kaya’t lalong sumingkit ang mga mata nito. Nakasuot ito ng printed white shirt at black jogging pants na may white stripe sa gilid. Kakulay rin ng damit niya, white oversized shirt at black shorts.

“Anong ginagawa mo rito?” maang niya. Oo, magkapit-bahay sila pero hindi niya naisip na maaari siya nitong puntahan dito sa bahay niya.

Dumako ang mga mata nito sa kanya. Did he just check her out? Pinandilatan niya ito. And he just chuckled. “Visiting my neighbor. Nakaamoy ako ng pagkain eh.”

Bago pa man siya makahirit ay inimbita nito ang sarili nito sa pamamahay niya.

“Ganito ka ba sa umaga?” He stopped midway and turned around to her, with that infuriatingly bright eyes. Na parang tuwang-tuwa pa ito sa nakita nito. Saka lang niya napansin na hindi pa niya naayos ang sarili niya, maliban sa nakapaghilamos siya.

“You just can’t barge in, in your neighbor’s house without asking for permission.” She crossed her arms. Sa kusina ito dumiretso na madali lang naman makita sa bungad pa lang ng pinto ng bahay. Umarko lang ang kilay ni Berry nang mismong si Lirio na ang nagpatay ng apoy sa stove.

“Nakakapangit magsungit sa umaga. Alam mo ba ‘yon?” Inirapan lang niya ito at hinayaan na lang itong isalin ang adobo sa bakanteng plato na nakalatag lang sa kitchen table.

“Let me guess, hindi ka naghanda ng breakfast mo?” Ito pa talaga ang kumuha ng mga kubyertos. Binuksan pa nito ang rice cooker at kumalat ang mabangong amoy niyon. Hinayaan na lang niya ito. Kailan ba naging manipis ang mukha nito? Feel na feel at home ito sa bahay niya.

“Medyo?” he grinned. Inamoy nito ang bagong lutong kanin. “This is good.”

“Galing pa ‘yan sa CDO.” Sukat sa sinabi niya ay napalingon ito sa kanya.

“Kung saan mo ako unang nakita? Nasa libro iyon di ba?” Napairap na naman siya at naghila ng upuan.

“Yeah, dahil sa katakawan mo. Inatake ka ng allergy mo,” sabi na lamang niya at tinanggap ang kutsara’t tinidor rito.

“Naalala mo pa pala. Ang engot ko noon.”

“Hanggang ngayon,” sabi niya sa seryusong tono. Umakto lang itong nasaktan ngunit nakangiti pa rin. Tinikman lang nito ang adobo at napapikit pa.

“Masarap ah. Ikaw nagluto?” Berry was confused. Bakit ganito ang nangyayari? Na para bang normal na senaryo lang ito para kay Lirio? Eating breakfast together early in the morning, as if they’ve done it many times. Tumango lang siya.

“Thanks,” simple niyang sagot saka sumubo ng kanin.

“May trabaho ka ngayon?” kaswal nitong tanong sa kanya.

“Oo.” Gaganapin ang isang outreach program sa North Area ng Cebu, at isa siya sa mga nag-aasikaso niyon. Mamayang hapon ay ime-meet niya ‘yung isa sa mga sponsors nila. Siya ang inatasan ng boss nila. “I’m working in an NGO.”

“I thought you were working in a company?”

“I got tired of the corporate life.”

Mataman siya nitong tiningnan. “Nakakapagod naman talaga. The ins and outs. Biglang magkakaproblema, kung di ba naman sa transactions ay employee problems. Bakit ka nag-resign?”

“Embezzlement. Nadiskubre ko lang. Ayoko lang madamay kung nagkagulo.”

Natigilan ito saglit, na para bang may naalala at napangiti na lang. “Hindi na bago sa akin ‘yan. OJT pa lang ako. Hilig ko nang mag-expose ng mga katiwalian at discrepancies.”

“How did you know?” Hindi na nagulat si Berry dahil nga mahilig na itong magtahi ng schemes.

“Eavesdropping and hearing other employee’s concerns. Kukuhanin ko lang ‘yung tiwala nila. It was one of my ways to ward off some thoughts. Mahirap na ang paglilinis ko ng kalat ng kompanya kapag ako na ang namahala. Alam mo ba kung anong trabaho ko pagka-graduate ko?”

“What? Staff?” Galing man sa mayamang pamilya, may pagka-unpredictable si Lirio. Mas pinili nito ang mga bagay na madalas piliin ng masa.

“Janitor.” Natawa pa ito pero hindi naman ‘yung dating na minaliit na nito ang trabaho ng janitor. “Pinalawak ko pa ang pagiging janitor ko para makasagap pa ng impormasyon. All-around janitor. Of course, I didn’t use my name as San Miguel. Not until a year later, I faced them saying that I’m the new marketing director. Much to their surprise. Nahiya iyong dating nang-uutos sa akin at minamaliit ako. But I am not unreasonable to fire them.”

“How does it feel?” Uminom siya ng tubig. Nilunok muna nito ang nginuya nito.

“Ang may ma-expose?” Tumango siya. He shrugged his shoulders. “I don’t feel like a superhero just like the old times. I was numb at that time. And I realized I could be ruthless and indifferent so I went with it. That’s my style in my company.”

May pagbabago talaga kay Lirio, napansin na iyon ni Berry pero pilyo pa rin ito at times. Noong mga unang mga taon na wala na si Eden Sofia ay halos hindi mapuknat ang mga labi nito. Naka-isang linya lang.

“Hindi ako sociable sa work. Except at my current work kasi at ease na ako sa kanila. Hirap naman kasi ng atmosphere. They’re climbing up the social ladder while I stayed still. And I’m okay with that,” sabi na lamang niya.

Noon, mahirap sa kanya ang mag-confide ngunit nang muntik nang mabingit sa kamatayan ang kanyang ina ay natuto siyang buksan ang sarili, sa mga taong malapit sa kanya. Natutuhan din niya iyon sa kaibigan niyang si Daisy. It’s hard to bottle up bad feelings and negative emotions for so long. She felt empty and drowning into an abyss.

Even Harmony said that from the looks on her face, her facial expressions rather. It tells that she has nothing to do with anybody else. The kind of person who remains in their closet.

“So that’s explain why you left.”

“Kontento na ako sa work ko ngayon. I am not that stress. May bad stress at good stress naman. For me, it’s a good stress. Rewarding naman kalaunan. Ang makatulong. Lalo na pag nilalambing ako ng mga bata. Ang kulit lang nila.” Napangiti sa sarili si Berry nang maalala ang mga bata sa shelter. They look so carefree and playful. Hindi mahahalatang galing sa broken homes at abuso ng ibang tao.

“You should smile often.” Napabaling siya rito. “You look like another person when you smile. Hindi mataray tingnan.”

Tinaasan tuloy niya ito ng kilay. Ito lang ang nagsabi niyon sa kanya. Bago pa man siya makapagsalita ay may nag-doorbell naman. Napatingin silang dalawa roon. Siya ang unang tumayo at bago pa niya buksan iyon ay sumilip muna siya sa bintana sa tabi lang ng pinto.

Natutop niya ang bibig niya nang makilala ito. Si Ian? Bakit ba bigla-bigla na lamang may bumibisita sa kanya? At ang aga-aga pa? Bakit napabisita na naman ang pinsan niyang ito?

Sinenyasan niya si Lirio na manatili muna sa kinauupuan nito. Tapos na itong kumain. Dali-dali niya nilapitan at hinila ang braso nito.

“Hindi ka dapat makita ng pinsan ko!” pabulong niyang sambit.

“Bakit?” Nagtataka ang mga mata nito. “Puwede ko naman akong ipakilala sa kanya. Wala namang masama roon.”

Parang gusto niyang tuktukan ito sa ulo. “Anong iisipin ng pinsan ko kung makita ka niya rito? At this hour?”

“Lalaki ba pinsan mo?” bulong rin nito. Nag-doorbell ulit ang pinsan niya kaya tinulak na lang niya si Lirio papunta sa banyo.

“Oo. Basta, magtago ka.”

“Teka, may pasok pa ako sa kompanya.”

“Ikaw naman ang boss kaya d’yan ka muna. Wag kang lumabas hangga’t di ko sinasabi.” Basta na lamang niya itong itinulak sa loob ng banyo sa gulat nito.

“Wala ka namang galit sa ‘kin?” Again, inirapan niya lang ito at isinarado na ang banyo bago pa man ito makapagreklamo.

“Wait lang!” sigaw niya at niligpit na ang pinagkainan nila ni Lirio. Makahalata pa ang pinsan niya.

“Bakit ang tagal mo?” tanong nito nang pagbuksan niya. She just smiled at him.

“Wala. Napabisita ka?”

Ito na ang nagpasok sa sarili nito sa bahay. Ba’t ba napunta siya sa ganitong sitwasyon?

“Saglit lang ako.” Nakahinga siya nang maluwag at napansin iyon ni Ian. Nilapag lang nito ang plastic na may bote sa mesa. “Napaluwas lang ako rito dahil sinamahan ko ang mga estudyante ko sa science research d’yan sa may Eco-tech.”

“Ano ito?” Nang hugutin niya ang bote sa plastic ay nakita niyang tuba iyon. “Hindi ako mahilig uminom, Ian.”

“Puwede mong yayain kapit-bahay mo. Inuman lang. Nangsn-snob ka na naman ba, Berry?”

“Judgmental ka. Hindi.” Hindi siya nangsn-snob ng mga kapit-bahay at isa pa, busy siya sa Foundation para ukulan ang socializing sa village na iyon.

“Magiging suka na ‘yan paglipas ng araw. Ah, oo nga pala. Si Daisy. I think she’s planning something with her boyfriend. What’s his name? Noah?” She nodded. Tiningnan niya ito, mukha namang naka-move on na ito kay Daisy. Mukhang napansin iyon ni Ian kaya napangisi na lamang ito. “Naka-move on na ako Berry. Masaya na ako para kay Daisy at nasagot na ang tanong ko kung bakit hindi ako sinagot ng kaibigan mo.”

After all, nagkagusto ito kay Daisy at mukha namang nagsasabi ito ng totoo. “Maiwan na kita rito. May trabaho ka later?”

“Yes, aalis na ako maya-maya.” Tumango lang ito at nagbilin ng ilang paalala tungkol sa pagbisita nila sa Cagayan De Oro sa Pasko. Nang makaalis na ito ay nakahinga na siya nang maluwag at dumiretso na sa banyo.

Pagkahawi niya sa shower curtain ng bathroom ay nanuot sa ilong niya ang amoy ng kanyang shampoo. Nagkutingting ang tukmol sa banyo niya. 

“Strawberry shampoo?” maang ni Lirio, nakahawak pa ito sa bote ng shampoo.

“Ibaba mo nga ‘yan.” Binawi niya ang bote rito at inilagay sa lagayan nito. Mabuti na lamang nakapaglinis siya ng bathroom kahapon.

“Jasmine scent.” At ang body wash na naman niya ang napagdiskitahan nito. Hinarangan niya ito sa munting estante ng mga gamit niya sa banyo. Doon lang niya napansin na magkalapit lang silang dalawa at nakatunghay lang ito sa kanya.

“Puwede ba, baka ma-late ka na sa trabaho mo.” Tinulak niya ito palabas ng banyo. Naitaas nito ang kamay nito at ang mga kamay naman niya sa nasa balikat nito. Mukha silang ewan sa banyong iyon.

“Fine, fine. Lalabas na.” At tuluyan na talaga itong lumabas. Bumuga siya ng hangin. Daig pa niya ang may nerbiyos sa close proximity nila ni Lirio. For old time’s sake, hindi na sila mga bata.

“Tuba ba ito?” narinig niyang sabi nito at ininspeksiyon ang bote ng tuba. Kumislap pa ang mga mata nito. Napairap na lang siya sa kawalan.

“Sa iyo na iyan.”

“Talaga?” Naningkit ang mga mata nito, naninigurado.

“Oo, sa iyo na. Bago pa magbago ang isip ko.”

“Ayos, salamat. Bawi na lang ako sa gabi.”

“Gabi? Pupunta ka rito sa gabi? Baka wala ako rito sa bahay at no way, hindi kita sasabayan kung tatagay ka niyan.”

“Sungit. Oo na. Hindi na kita pipilitin. Salamat rito.” Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa pader saka ito tinapunan ng tingin. “Fine, magtatrabaho na.”

Pinanood lang niya itong umalis sa bahay niya, tangan-tangan ang bote ng tuba. Kinawayan pa siya nito habang pasipol-sipol na bumalik sa bahay nito. Mukhang sasanayin na niya ang sarili sa pasulpot-sulpot ng kulukoy na iyon. Kahit pa bawalan niya ito ay magrereklamo ito sa kanya. Baka kung anong scheme na naman ang gawin nito. 

Wala naman talaga siya sa gabi dahil sasabay siya sa mga kasamahan niya sa Foundation sa Bogo upang makipag-coordinate sa barangay captain roon. Aabutan sila ng isang gabi at baka manatili sila sa isang guest house o maliit na hotel para sa paghahanda nila sa outreach program.

* * *

Chapter 19

* * *

“Hi, good morning. I’m Raspberry Luzano. Dominique is supposed to meet you but she has a car problem back in Bogo that’s why I’m meeting you, instead of her.” Magalang na yumuko si Raspberry sa lalaking nakasuot ng business suit. He looked formidable and serious. And suddenly, his almond eyes remind her of someone. Naipilig tuloy niya ang ulo niya.

“Hello, good morning. I’m Fourth San Miguel. My grandmother is resting so I’ll be the one to discuss the matters.” Natigilan siya. San Miguel ba kamo? Raspberry checked the papers she was holding. Muntik na siyang mapasinghap nang makita niyang San Miguel Empire naman pala under ang charity nito.

Nasa isang fine dining restaurant sila. Elegante at classic ang atmosphere doon. Tila kumikinang ang chandelier sa high ceiling. The customers were wearing their semi-formal and formal clothes so she wore her business clothes, a beige pencil skirt, and white long sleeves.

“I guess you were familiar with our business empire. Have a seat, Miss,” pormal nitong saad at in-offer ang upuan sa katapat nito. Marahan siyang naupo at maingat na nilapag ang transparent plastic folder na naglalaman ng transactions nila.

“I happen to know someone from your family.” Hindi niya alam kung tumabingi ba ang ngiti niya ngunit di naman iyon napansin ni Fourth bagkus tumingin lang ito sa menu nang iabot iyon ng waiter.

“Who is it?” kaswal nitong tanong, ang mga mata’y nasa menu pa rin.

“Lirio San Miguel. He’s my batchmate, from elem to college.” Bakit ba niya iyon sinasabi? Napukaw yata nito ang interes niya dahil doon.

“All the way from elementary to college?” She just nodded. Ayaw na niyang i-explain rito na ilang years lang ang itinagal niya sa elem alma mater nila.

“He’s my older cousin. The one who’s managing the construction firm.”

“You’re younger than us?” Bahagyang umawang ang mga mata niya.

“I’m still twenty-five years old.” At ito na ang namamahala sa buong San Miguel Empire. Natutop niya ang bibig niya.

Bahagyang nawala ang kaseryusuhan sa mga mata nito. “I can manage the business empire. I started when I was twenty-one years old. I graduated from college when I was eighteen. Accelerated two times.”

So hindi basta-basta ang utak nito. Accelerated? Namangha siya sa kung paano nito na-handle ang negosyo ng mga San Miguel. And of course, with the help of his cousins. Majority of the San Miguel clan were guys. Each of them held an affiliated company or had a big position in the empire. They’re one of the old money family in their region.

“And I commend you for that. Hindi birong mag-manage ng group of companies.”

“I’m the younger and the boss of my older cousins. They’re a handful. Kasali na roon si Kuya Lirio,” he said. “Ang totoo, grandma suppose to assign this to Lirio but he had an emergency meeting in his company. At gusto kong malaman kong maayos ba ang takbo ng sponsorship namin.”

Iyon ang magiging diskusyon nila roon. Ang impormahin ang mga ito sa magiging takbo ng outreach program. Buti na lang si Fourth ang ka-meeting niya ngayon, hindi si Lirio dahil baka matagalan pa sila roon sa mga patutsada nito.

“Nakipag-coordinate na kami sa barangay kung saan kami nagco-conduct ng livelihood teaching. I am going to teach them to do handicrafts. I learned it from highschool. And will also teach proper hygiene and how to save money. Since they’re using tap water there.” 

“What about the children?” Naibaba nito ang menu nito nang matapos na itong mag-order. Ibinigay na rin niya ang menu sa waiter at ginaya na lang ang order ni Fourth na isang seafood main dish.

Pinakli niya ang folder at ipinakita rito ang plano nila para sa mga bata. “Aside sa feeding, we will conduct activities for them.”

“I don’t have any problems with the adults. But I’m concern with the children.” He skimmed the pages. Kinabahan si Berry, baka di nito nagustuhan ang daily activities nila sa mga bata. This is one of their big projects and the San Miguel Charity are one of their major sponsors. Kailan lang niya nalaman na kasali ito sa mga major sponsors nila.

“We have a couple of suggestions. And one of them is to help them with their education.” Ang problema nga lang, limited ang resources nila sa scholarship. Even though, may mga sponsorships sila, kailangan pa rin nila i-limit iyon. “For example, possible scholarships to those gifted children.”

“That’s one. But consider this as a short-term goal. Long-term ang scholarship. Other suggestion?” Wala namang kaso kay Berry na ma-challenge siya. At mukhang tine-test siya ni Fourth. One thing they should ensure is to make their sponsors happy and amazed by their projects.

“Probably, to extend our help in terms of their education. We will conduct a special subject for them which is not common in the classroom setting.” Ang totoo, sin-uggest na niya iyon sa boss nila at pumayag naman ito. Madagdagan man ang responsibilities niya ay ayos lang basta ma-satisfy nila ang sponsor nila. Sisiguraduhing hindi mapupunta sa wala ang fund ng mga ito sa kanila.

Nakinig lang si Fourth sa mga suhestiyon niya. The short-term goals. Paunti-unti lang at baby steps. Mukha namang nagustuhan na nito iyon dahil hindi na umungot ng iba pang suggestion. She was relieved because of that.

They discussed it further over dinner. Ang talas ng utak ni Fourth, maya’t-maya, may iba itong suggestion na makakatulong sa activities nila. No doubt, he’s a monster in business world. Isa ang San Miguel Empire sa top companies ng bansa at mukhang mas lalong lumago iyon sa pangangalaga ni Fourth. 

“By tomorrow, ipapadeliver na naman ang school materials. I just have to contact my people,” dire-diretso nitong pahayag. Hindi niya akalaing may kompanya rin ang mga ito na nagbebenta ng educational supplies and not to mention, affordable for the common people.

“Thank you very much.” Abot-abot ang pasasalamat niya rito. Ang kulang na lang ay impormahin niya ang mga kasama niya sa kaunting pagbabago. At tiyak na tatawagan niya si Daisy tungkol rito. She’s a teacher and she can help about teaching.

“It’s nice discussing with you, Miss Luzano.”

“Berry would be fine,” she said, smiling.

Nagpaalam na ito sa kanya at muli siyang nagpasalamat. Ihahatid sana siya ng driver nito ngunit ayaw niyang makaistorbo dahil mukhang may iba pa itong lakad.

“Goodbye, Berry.”

“You too, Mister Fourth San Miguel.” Kinawayan lang niya ito nang makasakay na sa kotse nito. Fourth seems to treat a girl like they’re not a fragile thing and respect them, just like how he respected her opinions and suggestions. Coming from a family of businessmen and political figures, he has good breeding and manners.

* * *

“Sir, are you familiar with Scarlet’s Letters?” Katatanggap lang ni Lirio ng hot coffee nang tanungin siya ng barista. He’s still wearing his business suit after that meeting which causes him a headache.

“Ah yes?” Bigla na lamang itong nagtitili sabay hugot ng libro sa kung saan. It’s the book written by Quince. Written by Raspberry. And he’s the hero. Nabasa na niya iyon na kagagawan ni Daisy, intentionally na nilaglag ang bestfriend nito.

“Ikaw po ang hero sa libro?” And he’s not going to lie.

“Yes,” walang-gatol niyang sagot. Mas lalong sumaya ito na napansin ng mga kasamahan nito. Sinabihan nito ang tungkol sa libro at sa kanya kaya tatlo na silang maingay sa loob ng Cafe na iyon.

“OMG! Mas better pa pala ang real life kaysa sa imagination ko. Ang pogi-pogi n’yo po, Sir,” hirit ng isang kasamahan nito.

“Di naman kasi dinescribe masyado ng author eh.” Napanguso lang iyong unang nagtanong sa kanya. Lirio chuckled and raised his iced coffee. Daig pa niya ang artista. At expected na niya iyon kay Berry, hindi ito si Berry kung pinuri nito ang physical features niya sa libro. Come to think of it, they could be childhood bestfriends if given the chance.

“Puwedeng pa-picture po?”

“Kaano-ano n’yo po ang author?”

“Girlfriend n’yo po?”

Sunod-sunod ang tanong ng mga ito. Buti na lang wala ng ibang taong pumasok roon.

“Girls, girls calm down. First, she’s a friend.” Friend nga ba talaga? Hanggang ngayon, tinatarayan pa rin siya nito. “Second, she’s not my girlfriend.”

“You like her po?” Kung umiinom siya ng kape baka nasamid na siya. Naipilig niya ang ulo niya, eyes twitching not in annoyance but in wonder. Hindi niya naisip iyon.

“Secret.” Nagreklamo lang ang mga ito at nag-proceed na lang sa pagpicture sa kanya gamit ang camera ng isang kasamahan nito.

Iniwan niya ang mga itong masayang kumakaway sa kanya. Nasa loob ng Ayala Malls ang Cafe na iyon, walking distance lang sa building ng kompanya niya na malapit lang sa IT Park.

* * *

His meeting with his friends was labeled as urgent. Kagagaling lang sa Oslob ni Marc at bagong dating naman si Klint. Si Klint na mismo ang humila kay Henry sa tambayan nila.

Their hanging place was somewhere in Sambag, near the SWU. Doon na sila tumatagay noon pa man. It’s not a totally safe place given that there are some drug issues but because of one incident, when Shawn erupted like a volcano and hospitalized three addicts, no one touched them.

“Put your cap down, Henry. Hindi ka na nila makikilala. With your long hair.” Pinahaba talaga ni Henry ang buhok nito na bahagyang kulot pa. Henry just snorted and removed his cap. Dim ang bahaging iyon ng Bestfriend’s Place. Tagayan at chilling place. “Dalawang taon ka nang nawala sa showbusiness.”

“Nasanay na sila sa iyo. Tingnan mo oh.” Kinayawan lang sila ng ilang kababaihan na nakilala si Henry. Kilala na ng mga Cebuano si Henry bilang kababayan ng mga ito.

“Yeah right, ano na naman itong urgent matter mo?” Sanay na ang mga ito sa ‘urgent matter’ niya kahit hindi naman. Wala roon si Shawn at Shinoah dahil busy sa trabaho ng mga ito. Baka pumuti na naman buhok ni Shawn. Kailan lang, nakita niya sina Jenny at Shawn na nagsasagutan sa gitna ng traffic. Hindi na talaga nagbago ang dalawa, parang aso’t pusa pa rin.

“Here.” Inilapag niya ang bote ng tuba na hiningi niya kay Berry. Trip nilang magbarkadang uminom ng tuba pag nasa probinsiya sila ni Shawn.

“Tuba?” maang ni Marc. “So, ito ang urgent matter mo?”

“Not.” Siningkit niya ang mga mata niya. “A barista wrote my name on the cup of iced coffee. My name is not common so she asked me if I’m somehow related to the book ‘Scarlet’s Letters.’”

Hinintay siya ng mga itong magsalita pa. Napukaw niya ang interes sa mga mata ng dalawang tsismoso: si Marc at Klint. Si Henry naman ay binuksan lang ang bote ng tuba.

“Hindi ako tumanggi. Nagtanong lang kung girlfriend ko ba si Berry.”

Nagtawanan lang ang dalawa at napairap na lang siya. Nahawa yata siya kay Berry. Trademark ng babaeng ‘yon ang pag-irap kahit anumang sitwasyon.

“Sinagot mo na sana ng Oo. Para advance,” biro pa ni Marc na nagsalin ng tuba sa shot glass. Sinamaan lang niya ito ng tingin.

“Why would I lie. And by the way,” Sinadya niyang bitinin ang mga salita niya. “She’s my neighbor.”

Inihit ng ubo si Klint at naging eksaherado pa iyon. Lumingon lang iyong dalawa sa kanya, nakaawang nang kaunti ang mga mata.

“Kapit-bahay mo lang? Aba! Hindi na mahirap ‘yan, Lirio. Puwede ka nang dumamoves. Hina mo naman kasi noon eh. Ramdam kong gusto mo talaga noon si Berry kaso yung utak mo, fix na kay Eden Sofia. Sumalangit nawa,” Klint exclaimed. Mas lalong naningkit ang mga mata ni Lirio.

“Gusto mo? Dude, I liked Eden Sofia first.”

“Pero attracted ka kay Berry.” Dinampot lang ni Henry ang pulutan nilang chicken skin.

“Napansin mo rin ‘yon, tol?” Nag-apir sina Marc at Henry.

“Attracted?” Saglit siyang napaisip. Hindi rin pumasok sa isip niya iyon noon. Na baka nga attracted siya rito. Sinong di kukurap sa ganda ni Berry? Hindi na bago sa pandinig niya ang pagbasted nito sa ilan niyang batchmates. Sabi pa ni Daisy, inaabangan daw ng babaeng iyon ang Valentine’s day dahil ito ang kakain sa chocolates ng admirers ni Berry. Loka-lokang babae.

“Too loud for you to handle? Kung hindi mo iyon napansin noon, Lirio. Kami, oo. Naging seryuso ka lang naman noong college, dahil hindi mo na nakikita si Berry,” ani Marc.

“Isa pa, hindi ka lang makalapit kay Berry dahil parang bubugahan ka ng apoy,” segunda naman ni Klint.

“Hanggang ngayon ba?” Mas maninibago siya kung di siya tatarayan ni Berry. Kasali na iyon sa personality nito, lalo na pagdating sa kanya. “Since magkapit-bahay na kayo ay madali mo na lamang siyang maistorbo.”

Nuncang ikukuwento niya rito na ininpeksyon niya ang mga gamit ni Berry sa banyo. At hindi masakit sa ilong ang pabango nito. It reminds him of summer wildflowers.

“Hindi iyon ganoon kadali,” sabi na lamang niya. Bakit ba ang daming napapansin ng mga ito sa kanya noon. “Maybe, I was just attracted physically. Hanggang doon lang iyon. Nagagandahan lang ako.”

“And she’s still beautiful now, San Miguel. Beautiful than the female artists I’ve dated. Elegant without much effort.” Parang hindi niya iyon nagustuhan mula kay Henry. May balak ba ito kay Berry? Then Henry laughed. “News flash, ang sama naman ng tingin. Kahit di magsalita, parang mambabakod na.”

Nag-cheers lang ang mga loko-loko at inagawan lang niya ng shotglass si Marc at inisang-lagok ang tuba. Nalukot ang mukha niya sa kaasimang taglay niyon.

“You liked her, Klint,” paalala niya kay Klint na natawa lang.

“Dude! That was what? Thousands years ago. Fascinated lang ako sa pagiging mataray niya. Masakit siya magsalita. Parang sinampal lang ako pero nagagawan naman niya ng paraan para makatulong.”

“Okay, hanggang diyan lang muna. Masama na ang timpla ng hero natin,” awat ni Marc. Nagtawanan lang ang mga ito. Pinagkaisahan pa yata siya.

“I’m going to be married, San Miguel. At kung hindi man, I won’t make a move since I’ve discovered something from Berry,” Klint smirked but seconds later, parang nagsisi ito sa sinabi. Pumeke pa ng ubo.

“Hoy anong something?” usisa ni Marc.

Pumeke na naman ng ubo si Klint. “Sikreto para bibo. Oh, mukhang kulang pa ‘tong pulutan natin. Bili muna ako ng pandagdag dito.”

Kinantiyawan lang nila ito. Kahit kailan talaga, waterfalls ang bibig nito. Hindi mapigilan.

“So, what’s your plan, Lirio?” ani Marc. Uminom siya ng tuba, nasanay na asim niyon.

“Plan? Bakit naman ako magpla-plano?”

“Kung hindi. Baka ako na ang dumamoves. Kapit-bahay mo siya di ba? Edi madali na para sa aking i-date siya.” Nagulat silang dalawa ni Marc sa tinuran nito. Ngumisi lang si Henry at napangiwi sila doon dahil ngisi iyon na lagi nitong ginagamit kapag playful ang character nito sa leading lady nito. At nakakapangilabot sa kanila.

“What the hell, Henry?” bulaslas niya. “Are you effin joking?”

Nagkatinginan ang dalawa at nagtawanan. Great. Pinagkaisahan lang talaga siya. Nasaan na ba kasi si Shawn at Noah? Puro kalokohan lang lumalabas sa bibig ng mga ito.

Siya? Dadamoves kay Berry? Baka pandirihan pa siya ng babae.

* * *

Interlude 3

Interlude 3

Excerpt from Scarlet’s Letter’s novel

Kaunti na lang tutulo na ang mga luha ni Scarlet. Nasaan na ba si Marco? Bakit basta na lamang siya nitong iniwan sa lugar na iyon na hindi naman niya kabisado? Kanina pa siya pasikot-sikot at muntik pa siyang makagat ng asong-kalye roon.

She stayed at the waiting shed. Mahigit isang oras na siya doon. Wala pa ring Marco. Wala na ba itong planong balikan siya doon?

Biglang kumulog at ilang minuto ang lumipas ay bumagsak ang ulan. Nababasa niyon si Scarlet kahit na nakasilong na siya sa waiting shed. Abot-abot na ang sama ng loob ni Scarlet kay Marco. Nakalimutan na naman siya nito dahil kasa-kasama nito ang girlfriend nito. Minsan, iniisip niyang sana’y maghiwalay na lang ang mga ito. Wala rin naman itong mapapala sa mga relasyon nito kundi tumulala lang pagkatapos mag-break. Ang aga-aga nitong naglandi, mga grade six sila at ngayon, nasa second year highschool na.

Nagbibiruan man sila na nagsasawa na sila sa mukha ng isa’t isa. At the end of the day, they found themselves together.

“Marco, nasaan ka na ba?” mangiyak-ngiyak niyang pahayag sa sarili. Mas lalong lumakas ang ulan. Wala pa naman siyang dalang payong. Ayaw niyang ma-stuck ng matagal sa lugar na iyon na mukhang maraming mga adik at sumisingot ng rugby.

Mga ilang minuto siyang nangangatal na sa lamig nang may isang taong dumating. Nakasuot ito ng uniform ng panlalaki sa eskuwelahan nila at kahit malabo man ay kilalang-kilala niya ito.

Scarlet felt relieved. Doon na naglalagan ang mga luha niya sa mga mata.

“Scarlet! Akala ko nakauwi ka na! Saan ka ba nagsusuot? Bigla ka na lang nawala. Teka, umiiyak ka ba?”

“Bulag ka ba?” Kahit malabo na ang mga mata sa mga luha ay inismiran lang niya ito. “Buwisit ka! Bakit ang tagal mo? Muntik na akong lapain ng mga aso rito.”

Kulang na lang ngumawa siya sa harap nito. Sila lang ang mga tao doon at pareho na silang basang-basa. Tanging jacket lang ang pang-protekta nito sa ulan.

“Umiiyak ka pa pala? Akala ko, matapang ka.” Bahagya nitong ginulo ang buhok niya. Tinampal lang niya ang kamay nito.

“Buwisit ka, nang-iiwan ka sa ere porket nagka-gf ka lang. Kinalimutan mo na ako,” sermon niya rito na ikinangiwi nito.

“Kinailangan ko pang lumusong sa baha sa kabilang kalsada, makapunta lang dito.”

“Akin na nga ‘yan,” agaw niya sa jacket nito.

“Uy, teka. Pa-share. Wala tayong payong!”

“Basang-basa na rin naman tayo eh at useless ito. Kaya mo pa namang tumakbo, di ba?” yaya niya rito. Kulang na lang lumuwa mga mata nito. Natawa na lamang siya’t pinalis ang natuyo ng luha.

At bumalik sila sa pagiging bata. Sinuong nila ang malakas na ulan, di alintana na basang-basa na sila at nilalamig.

Chapter 20

Ikatlong araw na nila sa outreach program at so far, maayos naman ang takbo niyon. Napaka-cooperative ng mga nanay at tatay na tinuturuan nila ng livelihood skills. Separate ang mga ito depende sa skills, at napunta kay Berry ang pagtuturo ng handicraft kaya mga babae ang natututo sa kanya. Ang mga bata naman ay paminsan-minsan, binibisita niya sa pangangalaga ni Dominique. Makukulit ang mga ito at maiingay ngunit hindi naman matitigas ang mga ulo.

Payak ang pamumuhay sa Siocon sa Bogo. Na malapit lang sa dagat kung saan doon kumukuha ang mga ito ng pangkabuhayan. Malago ang mga puno’t halaman roon at malayo ang mga bahay sa isa’t isa. Malayo sa hitsura sa siyudad. Napakapayapa at iilan lang ang mga tao. Ang maganda sa provincial people, may pagkakaisa sa kanila. Bayanihan. Kaya nga, madali na sa kanilang makibagay sa mga ito. Ang gigiliw pa at kung minsan niyayaya silang kumain sa bahay ng mga ito.

“Kape?” Dominique offered to her and she obligedly accepted it. Umuusok pa iyon. Nakatanaw silang dalawa sa may balcony ng bahay ng kapatid ng barangay captain. Makikita nila roon ang payapang asul na karagatan. “Work and pleasure. Pinagsama. Hindi ko to nararamdaman noong may office job pa ako. May mga team building naman pero hassle para sa akin.”

Naiintindihan niya ito dahil siya man, minsan ipinapalanangin na magkasakit siya sa araw ng team building. Kung saan, luluwas sila ng siyudad at gawin iyon sa kung anumang resort. Ayaw lang talaga niya sa socializing part, na mukhang ayaw rin ni Dominique at nagkasundo sila roon.

“Yeah, ang ganda rito. Kailanma’y hindi ako nagsisi na nag-quit ako sa corporate life. Ang hectic.”

“At ang daming power tripper. Naku lang, masakit na nga ulo makatikim ng sermon sa mga magulang ko tungkol sa pagbo-boyfriend. Pati ba naman sa opisina? Wag na lang. Unlike dito, naging instrument pa tayo upang tulungan ang mga musmos. Di man kalakihan ang suweldo, priceless naman ang emotions na involve. Di ba?” And Berry silently agreed to it. They were both sitting now on the chair, admiring the scenery below.

“Yeah, ang cooperative ng mga tao rito. Hindi ako nahirapan masyado sa pagtuturo since tinuturuan ng iba yung mga kasamahan nila.” Sumimsim siya ng mainit na kape.

“Ang kyu-cute ng mga bata. Hindi ako magsasawa sa kanila.”

“Mismo.” Nag-usap pa sila tungkol sa trabaho nila at bumalik na sa may sala upang maghanda sa pagtuturo nila ngayong araw.

Pagdating nila sa venue, malapit lamang sa barangay hall ay nandoon na ang mga ito. Tinuruan niya ang mga ito tungkol sa crocheting at mabuti na lang may sponsor silang nag-provide ng materials.

“You can make a living for this. Bibigyan ko kayo ng mga patterns. Para makagawa kayo ng bags, clothes, and even bikinis at ibenta ninyo. For now, we are coordinating with the city’s move on the livelihood kung saan doon niyo ibebenta ang mga gawa ninyo. Pandagdag sa pangkabuhayan ninyo. Maganda ‘to for moms out there, na habang abala kayo sa pagbabantay ng mga bata. Pag may free time, puwede n’yong gawing libangan ito. Madali lang naman. May mga tanong kayo?”

Isa-isang nagtaas ang mga ito ng kamay. May nagtanong kung saan sila makakabili ng materials at kung sino ang makakabili ng mga gawa nila. May kaalaman naman siya tungkol doon, as a Business graduate kaya nakakasagot siya sa mga tanong nito. Buti na lamang, cooperative ang mayor ng mga ito sa kanila. Na gustong makatulong sa mga ito.

Papalubog na ang araw nang makatanggap siya ng tawag mula kay Daisy, nakatitig lamang siya sa kahel at pulang kalangitan, sa harap ng karagatan.

“Berry, free ka ba sa Sunday? May mini getaway tayo with the gang. Sumama ka na. Since tayo-tayo lang naman,” yaya nito sa kanya. Naglakad-lakad muna siya sa buhanginan.

“Patapos na rin naman kami rito sa outreach program namin. Sa Sat matatapos. So free ako sa Sunday. Sino ba mga kasama natin?”

“Sina Noah, Shawn at Lirio. Pati din si Clyde, Henry, Marc at Klint. Isama mo na rin si Jin at Kei saka si Garnet. Sa may bayan tayo ni Shawn.” Expected na niya na nandoon si Lirio at tanong ay sasama ba ito? Ayon kay Fourth, mukhang busy ito sa opisina nito. “Sa border lang, malapit sa dagat. Small gathering lang.”

“Hindi pa talaga kayo nakontento sa reunion natin sa resort ni Jenny,” iiling-iling na sagot niya. Sinamyo niya ang hanging-dagat roon, na hindi naman masakit sa ilong ang kaalatan niyon.

“Eh puro Scarlet’s Letters lang naman kasi ang topic natin doon. At November na, months ago na ang reunion natin. Follow up lang natin ito. So ano, payag ka?”

“Hindi pa ba ako magsasawa sa dagat? I’ll call you kung tutuloy ako.” Nagpaalam na siya dito kalaunan. Nakita niyang kinawayan siya ni Dominique, pinapabalik na ata siya dahil tapos na ang break nila.

* * *

Lirio was skimming the pages when his phone rang. Si Noah ang tumawag. Himala. Madalas kasi, siya ang tumatawag rito at yayain ito kung saan-saan. Minsan, tinatanggihan siya nito at madalas, siya ang nagpupunta rito sa bahay nito para lang may makausap. Kung kay Klint at Marc naman, wala siyang mapapala sa mga tukmol na iyon.

“Hey, may get-together tayo sa Sogod.” Hindi talaga uso rito ang ‘hello’ o ‘kumusta ka na’ sa malalapit nitong kaibigan at sanay na si Lirio roon. Iyon ang bayan na pinamumunuan ni Shawn. “Sama ka.”

It’s a statement, not a question. “Paano kung busy ako rito?” tantiya niya.

“Oh eh ‘wag ka nang sumama.” Hindi man lang nagpilit ito.

“Fine, sino ba kasama natin?” Siyempre, kasama na doon si Daisy.

“The usual. Marc, Klint, Clyde, Henry and even the girls. Baka sumama na rin si Berry, si Daisy ang nagpilit.”

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya’t napatayo sa swivel chair na inupuan niya. “Talaga? Okay, sasama ako.”

Tinawag niya si Ciara at sinabihan ito tungkol sa get-together nilang magbabarkada. Clearing his schedule for it. And yes, even Sundays, he worked in his company and checking his employee’s works. Iilan lang naman kasi ang nagtatrabaho sa Linggo at Sabado. Ang mga engineers niya roon ay hindi kasali, they had a hectic schedule like him.

“Boss.” Mukhang problemado ang mukha ni Ciara nang magligpit na silang dalawa. He already changed his clothes, from his business suit to casual clothes.

“Oh bakit?” Sabay silang pumasok sa elevator.

“May nasesante na naman ‘yung pinaka-boss. Bakit ba walang nagtatagal na secretary ng isang ‘yon? Naman! Ako daw kukuhanin sa mga secretaries ng pinsan niya.”

“May gusto ka ba sa kanya?” panunukso niya rito. Natawa siya dahil ang mukha nito ay parang nakakita lang ng multo.

“Hell, no! Hindi mangyayari iyon, mas guwapo pa rin si Skip sa kanya,” nakaingos na sambit nito. Si Skip o Skipper ang pinsan niyang may lahing Thai na sikat bilang isang actor sa Thailand. Ang nanay nito ang Thai na nakabase sa Thailand.

Iba-iba ang taglay na kaguwapuhan nilang pinsan. More on the Asian side. Pag magkasama silang lahat, mas lalong maingay at puro kantiyawan, bangayan at kantiyawan. Sabi pa daw ng elders nila, ang generation nila ang pinakamagulo sa San Miguel. Iba-iba ba naman ng personalidad.

“Please, boss. ‘Wag mo ‘kong ipahiram sa slave driver na iyon. Lagi na lang niya akong pinapagalitan. Please, please boss.” Pinagsiklop pa nito ang mga palad nito. May naging usapan silang mga magpipinsan kung bakit sinusulot nito si Ciara.

Not romantically. Si Ciara lang kasi ang di apektado sa ‘kaguwapuhan’ ni Fourth. Ito lang ang alam nilang kayang magbuga ng apoy pabalik sa masungit nilang pinsan. At efficient naman sa trabaho. Isa pa, may mga suggestions ito na bagay na gusto ni Fourth. That guy likes independent and smart women, can work on their own. He acts like women is equal to him, but depends upon the situation and the women’s qualities. Madali kasi itong mairita.

“He can take you if he wants.” Parang pinasa lang niya ito na animo’y bola lang ng basketball.

“Hay naku, sakit talaga kayo sa ulo ko. Ba’t ba ang gugulo niyong magpinsan?” himutok nito.

* * *

Nakahanda na si Berry. She checked her bag. May mga gamit na roon para sa beach getaway kasama ang mga kaibigan niya. Well, she considered them as friends especially Marc and Klint. That duo could be a pain in the neck yet it’s not dull to be with them.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. White sweater. Black denim jeans. White sneakers. She inspected her house for the last time. Nang makontento ay tinungo na niya ang pinto ng bahay. Kakabukas pa lang niya nang mapansin niyang may nakaparadang kotse sa labas ng gate, itim iyon at may bilog na sign sa may hood. Pamilyar.

Bumusina iyon at lumabas mula roon si Lirio.

“I’m thinking, pareho ba tayo ng destinasyon na pupuntahan?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. She locked the door of her house and faces him.

“Maybe. Sa Sogod ba. Sa town ni Shawn?”

“Yes.”

“Puwede kang sumabay sa akin. Hassle mag-commute,” yaya nito.

“Okay,” pagpayag na ikinagulat ata nito. Berry walked to the gate and locked it. Ano ba ang inaasahan nito? Magpapaka-stubborn ba siya eh beneficial na iyon sa parte niya kesa ang mag-commute? “What? Tama ka na hassle mag-commute at pareho lang naman tayo ng destination.” 

Napangiti na lamang ito at binuksan na ang pinto ng sasakyan, sa may passenger seat. She deposited her bag at the backseat. Isang araw lang naman sila doon at uuwi agad. Pumasok na ito sa kotse nito at binuksan na ang makina ng sasakyan. Kinabit na rin niya ang seatbelt sa sarili.

Nakalabas na sila ng village nang may mapansin.

“What the? May iba ka pa bang damit? Did you bring extra? Of course, you bring extra. We are going to the beach!” She even rolled her eyes.

“What? Pahuhubarin mo ako rito?” Pababa na sa burol ang sasakyan. Pinandilatan niya ito. Her eyes landed on his clothes and on her clothes. Doon na ito na-gets ang ibig niyang iparating.

“So we are wearing the same clothes?” Naitirik niya ang mga mata niya. He’s wearing a white jacket while hers, a white sweater. At nang-aasar ang tadhana, dahil black  jeans at white shoes ang suot nito kagaya niya.

“Ano na lang ang sasabihin nila?” Ayos sana kung sa bahay lang nila, o sa neighborhood dahil wala namang nakakilala sa kanya. Kahit na magkasama man sila ni Lirio na pareho ang damit ay wala namang kaso iyon sa iba. Magkapit-bahay lang silang dalawa.

“Them? Inalala mo sila? Hindi ka pa ba nasasanay?” He looked at him as if he had a pair of antenna on his head. Natawa na lamang ito, ang mga mata’y nasa daan.

“Okay? Ano namang kinalaman ng libro mo doon? Hindi naman big deal sa iyon di ba? You said that past is past,” balewalang sabi nito. Of course, it’s a big deal. The secret is out in their batch. Anong mukhang maihaharap niya tapos pag nakita ng mga itong sabay silang dumating at magkapareho sila ng damit? Bakit ba hindi niya naisip ito?

“That’s because hindi ikaw ang pag-iinitan dahil hindi naman ikaw ang nagsulat ng libro. Now, maybe they’re thinking that I’m head over heels with you. I couldn’t blame my memory about it,” she said, crossing her arms. Ang mga mata’y nakatuon sa daan ngunit ang isip naman ay kung saan-saan na napunta. Mas lalo siyang putaktihin ng mga ito tungkol roon. Ma-hotseat pa silang dalawa. Lirio was not the type to lie their situation as neighbors now. Mas lalong maghihinala ang mga ito. All because a book was published.

“Puwede ka namang umiwas gaya ng ginawa mo noong una.”

“Dahil hindi naman nila alam ‘yon. Lalo na si Klint, alam kong hindi ako titigilan ng lalaking iyon. Ang kulit na lalaki.”

“I thought you’re really snob to all guys out there. Pero nang makita kong nakakaya kang kulitin ni Klint. I doubt.”

“I tend to dodge guys, but Klint is an exception. He can be annoying but you can trust him, except for secrets,” she snorted and she laughingly agreed. Maging ito biktima sa pagiging waterfalls na bibig ng isang iyon.

“Just be cool with it. Pasasaan ba’t titigil sila lalo na kapag wala kang pakialam.”

“I can look like it.”

“Exactly. Kaya ‘wag mo nang problemahin ‘yon.” And it’s petty. Berry sighed and leaned on the car windows. “Hindi naman tayo nagplano na pareho tayo ng damit na susuotin.”

Inabot nito ang car stereo ay binuksan iyon. “You won’t mind the music?”

Umiling lang siya at hinayaan itong magpatugtog ng kanta sa car stereo nito. Nakatingin lang siya sa madadaanan nilang lugar habang pumapainlanlang ang kanta sa stereo. She didn’t mind though.

It’s her hair and her eyes today

That just simply takes me away

And the feeling that I’m falling further in love

Makes me shiver but in a good way

He was humming the song. Maya-maya pa’y wala na sila sa city proper at patungo na sa North area. Pakonti nang pakonti ang mga gusaling nararaanan nila.

“Ikaw ang una kong naiisip pag sumasalang ang kantang ito.”

Nagulat siya. Bakit ba walang preno ang bibig nito minsan? He could lie his way out but he could be honest in his words sometimes.

“Hindi noon. Ngayon lang. But even before, you were out of league. Bago pa man may lalaking makadiga, ay basted na agad. Ang taray-taray mo nga sa akin.”

Umirap na naman siya. “I don’t want to be treated like an investment. So I tend to ignore the flowers, sweet nothings and such. Dahil wala naman silang maasahan sa akin.”

“Bakit nga ba ang taray mo sa akin?” Akala niya makakalusot siya tungkol roon. That was just her defense mechanism to him and she won’t answer him about that. Tama nang alam nito ang tungkol sa libro.

“You’re a schemer. You liked it when the things is in favor of you. Like you are playing god sometimes that it irritates me,” pag-amin na lang niya roon dahil may bahid naman iyon ng katotohanan. Binuksan ni Berry ang bintana at hinayaan ang hangin na tamaan ang nakalugay niyang buhok.

‘Cause I love her with all that I am

And my voice shakes along with my hands

‘Cause it’s frightening to be swimming in this strange sea

But I’d rather be here than on land

Yes, she’s all that I see and she’s all that I need

And I’m out of my league once again

“You’re intelligent, insightful, level-headed and beautiful. Really out of my league,” he said. Napabaling tuloy siya rito. Nanatili ang mga mata nito sa kotse, natutuwa sa musikang tumutugtog sa stereo.

“I am not really out of your league or anyone’s league.”

Her standards were flown out by the window the moment she admitted that she admired the man beside her.

Chapter 21

“Shit! Kayo na?!” Nagulat sila sa biglaang pagsigaw ni Klint. Sinabayan pa iyon ng mala-baklang tilian nina Clyde at Marc. Magkahawak pa ang mga kamay nang makita silang sabay na dumating. Parang mga kiting-kiti na kinikilig sa mababaw na dahilan. Wearing  similar clothes. Sinasabi na nga ba. Mag-iingay talaga ang mga tukmol.

Tanging ngiting may kasamang panunukso ang bungad ng iba sa kanila. Berry inwardly groaned and glanced at Lirio who seems to be amused of the guys’s reaction. Pinaningkitan lang niya ito ng mga mata at sinagot lang nito iyon ng smirk nito. Napairap tuloy siya nang wala sa oras.

“I see that they have their own communication. Level up na pars!” Nag-apiran pa sina Clyde at Klint na nagtawanan lang na parang mga loko-loko.

“Tigilan n’yo kami,” saway niya sa mga ito. Nasaan na ba kasi ang iba? Bakit ang mga ito lang ang nasa cottage? Ang kukulit, parang mga bata. 

“May aabangan na ba kaming kasal?” panunukso ni Klint. 

“Ang kupad-kupad mo naman, San Miguel. Hindi ka pa ba kikilos?” buska naman ni Marc kay Lirio na sinimangutan lang ng huli. 

“Sabay pa talaga kayong dumating. So, totoong magkapit-bahay kayo?” usisa pa ni Clyde. 

Parang iikot ang paningin ni Berry sa mga sinasabi ng mga ito. Idagdag pa na mainit ngayon at nakikita sa bubong ng cottage ang intensity niyon. Mabuti na lang may spare shirt siya. Kaya lang naman siya nag-sweater dahil bahagyang malamig sa parteng iyon ng village na elevated o uphill. 

“Shut up, you two,” saway ni Lirio sa mga ito ngunit nagpatuloy lamang ito sa panunukso. Maya-maya pa, dumating na sina Noah at Daisy. Sarong ang pantakip ni Daisy sa bikini nito at kagaya niya ay short shorts lang. Nakayakap pareho ang dalawa sa gilid ng isa’t isa at may hawak na lemonade juice si Daisy. 

“Oh? Couple clothes?” bungad ni Daisy sa kanya na sinimangutan lang niya. Noah tapped Lirio’s shoulder that looked like he’s confused with something. “Samahan na kitang magbihis. Ang init-init na pala rito. At November?” 

“Malamig sa Busay,” sabi na lamang niya. Hindi na ito nagtanong kung bakit sabay silang nakarating roon dahil alam na nitong magkapit-bahay silang dalawa ni Lirio. Dumating na rin sina Jin at Keisha at kasama nito si Jenny na nakasuot ng wide-brimmed hat. Sa likod nito ang bugnot na mukha ni Shawn na naka-topless lang. 

“You shouldn’t be here,” Shawn said, irritatedly. 

“What? Because you can’t resist my charms? Just tell me, if you’re threatened because I will do it the other way around. I accept any kind of challenge, Guillermo.”

Shawn smirked, in a mocking way. “Confident, aren’t we, Evangelista?”

Ano ba ang bago sa dalawang ito? Lagi na lang may giyera sa pagitan nila. Tumanda na’t lahat, mistula pa ring aso’t pusa ang dalawa. Tinangay na siya ni Daisy palayo doon bago pa lalong uminit ang panahon dahil sa dalawang former officers nila sa SSG. 

Nagpalit na siya ng beach wear at pinatungan iyon ng sarong. White ang upper maging ang lower niya, na short shorts. At tila inasar na naman sila ng tadhana dahil ang ipinalit na damit naman ni Lirio ay white shorts at white sando. Tinawanan tuloy sila ng mga kasamahan nila doon. Not to mention, they kept on pressing that they’re neighbors. 

“So? I think the book is the magnet for why you two are together,” Jenny pinpoints while leaning on a wicker chair. Berry didn’t know where that wicker chair came from. 

“We are not together,” giit niya at balewala lang iyon kay Lirio. Sinamaan tuloy niya ito ng tingin. 

“Hey, black and white are clean colors. I don’t know that your clothes were mostly black and white. Lagi rin kitang nakikitang nagsusuot, either of the two sa village.” 

Sumipol ang walanghiya pagkarinig sa sinabi ni Lirio. Mas lalo siyang nangitngit. Napatuwid tuloy ito ng upo sa papag ng cottage. Great. Mas lalong iisipin ng mga ito na inoobserbahan siya ni Lirio sa loob ng cottage. More like, parang madalas silang magkita sa pandinig ng mga ito. “What? Tingin n’yo ba sinadya ko iyon? Hindi. Tigilan n’yo na nga kami.” 

“Dude, kayo lang ang mga single rito. At ikaw, Berry. Basta mo na lang kaming tinakasan sa reunion so we are questioning kung bakit ginawa mong hero si Lirio at kung may hidden feelings ka ba sa kanya.” pag-uungkat ni Jin at doon nabaling ang atensiyon ng lahat. Napakamot tuloy siya sa braso niya nang humangin roon. Malamig ang hangin tanda na Ber month pa rin. 

“Alam n’yo bang, mahalalatang kong gusto nang sundan ni Lirio si Berry? Instead of celebrating the major event with us? Siya lang ang nakasimangot pagputok ng fireworks,” dagdag pa ni Kei na ikinaintriga ng lahat. Nang bumaling si Berry kay Lirio ay nakatayo na ito, parang nakakita ng tigre sa gitna ng kawalan. 

“Hey, sinong di sisimangot eh para akong tinakbuhan na para akong isang loan shark.” Apologetic na bumaling ito sa kanya at napalunok pa. Wala siyang plano magpaliwanag sa mga ito dahil tiyak na mas lalong mag-iingay ang mga ito. 

“Bukod kay Jin at Kei, kayo lang ang single na dalawa. I already have someone in my heart.” Kinantiyawan lang ng lahat si Cylde, sinabihan ito ng corny. “So subject talaga kayo rito.”

“Excuse me? I’m single,” hirit ni Jenny na nilapag na ang hawak nitong basong may lemonade. 

“I wont include you. Naka-reserve ka na kay mayor,” sambit naman ni Clyde na ikinatawa ng iba. Si Shawn naman ay nangunot ang noo sa narinig. 

“Akala ko nga, magiging kayo na eh ang hina naman pala nitong manok ninyo,” ani Jin. 

Jin and Kei were extroverts who really observed a lot. The reason why Daisy escaped from them when they’re curious and nosy. 

“We are talking about Berry here. It will take you long to earn her trust or even lower her defenses. Ilang buwan din akong nangulit sa kanya bago niya ako tanggapin bilang kaibigan. So, let’s ask Berry, may chance ba si Lirio?” She was caught off guard and she figured out that he intentionally asked that question to spark the issue. 

“And follow up question for Lirio, may ginawa ka ba to took that chance?” Jin pried and that made Lirio silenced for a while. 

Si Daisy ang bumasag sa saglit na katahimikan. “Hindi pa ba kayo nagugutom? Gutom na ako. Oops, baka may laman na itong tiyan ko.”

Biglang nalaglag si Noah sa kinauupuan nito sa sinabi ni Daisy at dahil doon, sa mga ito nabaling ang atensiyon ng lahat.

“Mako,” saway ni Noah rito.

Nag-peace sign lang si Daisy. “It’s a joke.”

“‘Wag kang magbiro ng ganyan.” Nang mapatingin sa kanya si Daisy ay lihim siyang nagpasalamat dahil sinadya talaga nito iyon. Sila naman ang nagkatinginan ni Lirio. May sinenyas ito sa kanya habang nag-uusap ang lahat sa sinabi ni Daisy. 

Ito ang naunang umalis sa cottage at itinaon niyang sayang-saya ang lahat sa kuwentuhan ng mga ito bago umalis at lumapit kay Lirio, na hindi makikita ng mga ito. 

“Wala tayong laban sa kanila. Dalawa lang tayo,” panimula nito na bahagya pang natawa. Sumeryuso ang anyo nito. “Are you okay?”

Bahagya siyang natigilan sa tanong nito. Naibaling niya ang mga mata sa asul na karagatan sa harap nila at pinakinggan ang hampas ng mga alon. 

“It would be weird for us if they won’t pry about it. The book causes so much noise from the batch. Paano pag lahat ay nandito gaya noong reunion? I don’t think I can handle it a lot.” She shrugged her shoulders. 

“Can you answer Klint’s question?” The question is if she could give a chance to Lirio. 

“But first, you should answer Clyde’s question.” 

He just chuckled at stared at the ocean too. “Masyadong tsismoso ang mga iyon. At kapag nakita nila tayo rito, siguradong iba na naman ang nasa isip nila.” 

“It’s a part of the past. Hanggang doon na lang iyon. Sa past.”

From peripheral vision, he looked at her. ” But who we are in the past. The memories. It made us who we are now.” 

* * *

“Sorry, Berry. Dahil nga kasama kami ni Shawn sa pick-up niya ay naisama kami sa Sogod. May biglaang emergency roon at kailangan ng presence ni Shawn. Bad news ata dahil hindi maipinta ang mukha ni Shawn. To calm him down, hindi namin siya maiwan-iwan at kailangan rin ata ng tulong sa bayan.” 

Mukhang hindi matutuloy and dinner nilang apat kasama si Lirio bago sila umuwi ng siyudad. At kung sinusuwerte nga naman ay biglang kumulog at kitang-kita pa ang kidlat sa karagatan. Nanatili siya sa eatery dahil bukod sa gutom na siya ay mag-isa lamang siyang natira doon. Nag-uwian na ang ibang kasama nila. Hindi naman niya matanggihan si Daisy na manatili muna sila doon hanggang gumabi na. Ilang minuto ang lumipas ay mahinang pumapatak ang ulan hanggang sa papalakas na iyon. 

Then, she saw a familiar silhouette. Tumatakbo papalapit sa eatery. Napasinghap si Berry nang makita si Lirio ang tumatakbo at tanging jacket lang ang protekta nito sa ulan. 

Berry knew that one of the scenes in the book was inspired by their childhood memory. And she was not crying now like Scarlet in the book, but it made her heart skip a beat. And she swore she could hear the ringing of warning bells. 

“I thought you’re not here.” Hiningal ito sa pagtakbo nito at sumilong sa eatery. Kaunti lang ang mga customers na kumakain roon. Basa man ay hindi iyon alintana kay Lirio. Naupo ito sa upuan, katapat niya na napatayo nang makita ito. Sinuklay nito ang basang buhok. “Noong una, akala sinet-up lang tayong dalawa. But I could sense danger from Noah’s voice. A drunk man shoot an innocent old woman.” 

“What?” gulat niyang bulalas. Hindi iyon sinabi ni Daisy sa kanya at baka inisip nito na mas lalo siyang mag-alala sa mga ito. Magkasama naman ang dalawa at alam niyang hindi ito pababayaan ni Noah. “Bakit?”

“Quarrel about a lot. Sinabi na rin niya na sabay na tayong umuwing dalawa.” Berry expected that knowing that they’re neighbors. And Daisy would push through it. May tiwala ito kay Lirio. At ayaw niyang mag-alala ang kaibigan niya. 

“Don’t worry, they are safe. Kontrolado na ang sitwasyon roon.” Nagkatinginan silang dalawa. “So, it’s us now. Nag-order ka na?”

Umiling siya. Ito na ang bahalang nag-order ng pagkain nilang dalawa. Napapitlag siya nang dumagundong na naman ang kulog. “Hey, are you okay?” untag nito sa kanya nang mapansin na hindi niya ginalaw ang tinolang isda na in-order niya. 

“I’m fine. Nagugulat lang ako sa kulog.”

“May phobia ka sa kulog?” 

Umiling siya. “No. Nagugulat lang ako.” At madaya ang memorya niya ngayon dahil nagbalik na naman siya sa particular na childhood memory na iyon. 

“Maaari bang ibahagi mo ‘yang nasa isip mo?” untag nito sa kanya sabay subo ng kanin. Berry slightly sighed.

“A recurrent memory. Nothing important.”

“Important?” Mukhang hindi niya ito nakombinsi. “You look troubled.”

At hindi niya aaminin rito na may kinalaman ito sa memorya niya. “Mga anong oras tayo makakauwi?”

Umarko lang ang kilay nito. “Fine, you are changing the subject. Baka pagkatapos nating kumain. Unless, kung magpapatuloy ang sama ng panahon.” Kumulog na naman ng malakas. Humahampas ang hangin sa mga niyog roon at maging ang bubong ng karinderya ay parang mababaklas pa yata sa lakas ng hangin.

“It would be dangerous to drive at this hour.”

“Hintayin nating tumila.”

Tahimik lang silang kumain at napagdesisyunang tumuloy muna sa isang bahay roon. Pinayagan sila ng may-ari sa pakiusap ni Lirio, hihintayin nilang tumila ang ulan kaya nanatili sila sa isang kubo na katabi ng bahay at pinanood ang hampas ng hangin at pagpatak ng ulan.

“You didn’t swim,” basag nito sa katahimikan.

“I didn’t. Mabato sa dagat. Nandito ako dahil sa kaibigan ko. And it would be intriguing for others if I didn’t come. Baka iisipin nilang affected ako sa pag-reveal ng author sa Scarlet’s Letters. “

“Do you care what others think of you?” he asked randomly.

“Sometimes. But later on, it’s my views I followed. Kalaunan, wala na akong pakialam kung ano ang isipin ng iba.”

“You didn’t go back in college. Hindi na kita nakita sa campus.” Nagulat siya sa biglaang pagbago nito ng topic.

“You noticed me?” she asked.

“Mukha mang baliw na baliw ako kay Eden Sofia noon. I was aware that we were in classmates in some classes. Or that we were in the same jeep. Masyado lang talaga akong occupied noon.” Occupied kay Eden Sofia, and her illness. “My life was smooth before. I got my first girlfriend, happy, and got love in return. Maayos ang pamilya. Then, everything changed. I couldn’t cope so I ran away from people, closing myself.”

“That was when my mother was diagnose with cancer.” Gulat na napabaling ito sa kanya. Nagtataka siguro kung bakit inungkat niya ang isa sa nakaraan niya na ayaw niyang balikang alalahanin. It was too painful before but now, it didn’t knowing that her mother survived. “My mind is older than my age. I thought, makakaya ko. Pero natagpuan ko na lang ang sarili kong parang gusto ko nang sumuko. Pinilit ko lang ang sarili kong magpatuloy sa kurso ko, not to disappoint my family and not to waste my resources, my time, and my effort.”

“Life is fine until it strikes you, like a meteorite just hit you,” makahulugang sabi nito. “It was fun. And then it’s painful. That it took so long to ward it off and be fine.”

“But to seek tomorrow with no mistakes, no regrets, no anxieties is a hope to move on in life,” she said.

“De javu,” he uttered. Nakataas ang palad nito at sinalo ng palad nito ang naligaw na patak na ulan. “Parang nagawa ko na ito.”

“Ang alin?”

“Watching the rain fall while having someone beside me. I guess, it’s in my childhood,” he answered.

Lihim siyang napangiti dahil kanina lang siya niyon binabagabag. That she’s that girl he was with him that stormy day. And now, they’re having the same moment.

It was one of her comfort moments, to stare at the pouring rain, the sound of the raindrops hitting the earth and their breaths. Beside each other.

* * *

Chapter 22 (Part 1)

Nagtataka si Lirio kung bakit bukas ang pinto ng bahay niya. Umuwi lang siya saglit sa bahay dahil may kukunin lang siya doon. Ipinarada niya ang kotse sa parking space ng bakuran at umibis na ng kotse.

Papunta na siya may bungad ng pinto nang makarinig siya ng mga boses. Boses ng mga bata. Nangunot ang noo niya.

Napakurap na lang siya nang makapasok na siya’t makita ang kalat sa loob. Na kasalanan ng batang babaeng naka-pigtails na ngayo’y patalon-talon sa sofa habang hawak-hawak ang unan roon. Nakaupo ang isang batang lalaki na hindi pamilyar sa kanya, passive ang expression sa mukha. Ilang metro ang layo sa sofa ay ang pinsan niyang si Skipper o Skip na may katawagan sa phone nito. Naka-all black ito’t naka-cap pa. Palibhasa, actor ito sa bansang Thailand.

“Oh? Insan. Andito ka na pala.” May kutob si Lirio na hindi niya magugustuhan ang lalabas sa bibig nito. “Dinala ko rito ang mga bata dahil may lakad ako. Ang iba naman nating mga pinsan, di ko mahagilap sa sobrang busy. Nagbabasakali nga akong nandito ka.”

Naipikit niya ang mga mata’t nahilot ang sentido.

“Kuya Ler! Kuya Ler! Look! I can fly!” Kulang na lang mapapa-face palm siya nang tinalunan ng six-year-old na pinsan niya ang sofa at lumanding pa sa carpet.

“Sino naman ‘yan?” tanong ni Lirio at ininguso ang batang lalaki. Di gaya sa batang babae, tahimik lang ito at nakayuko lamang. Suot nito’y manipis na sando at shorts na may butas pa. Ngayon lang niya ito nakita.

Tiningnan lang siya ni Skip na parang tinubuan siya ng isa pang ulo. “Don’t you know the family’s conflict? Nagkakagulo ang mga San Miguel dahil doon. Fourth didn’t inform you?”

Ikinuwento nito sa kanya ang history ni Juan Ibarra. Ang batang tahimik lang na nakaupo sa isang sofa.

“Babalik pa ako sa Thailand, Lirio kaya ikaw na muna bahala sa kanila. Mga dalawang araw lang naman saka mo sila ibabalik sa kanilang bahay. As for Thal, gusto ka lang niyang makita. Si Ibarra talaga ang babantayan mo.” bilin pa ni Skip at dinampot ang isang knapsack. “Nandito ang mga damit nila.”

Lirio’s eyes widened in disbelief. “Skip, may kompanya akong pinamamahalaan. Wala akong time magbantay ng bata. Specifically, dalawang bata.” Kulang na pameywangan niya ito.

“But I have to go back in Thailand. May mga commitments pa ako doon. Alangan namang tangayin ko ‘yang dalawa sa Thailand.”

Kulang na mapahilamos siya. Kinakausap na ng batang pinsan niya ang batang lalaki na ayaw pa ring magsalita. Sa pinagdaanan ba naman ng bata, understandable na kung bakit ganoon ang kilos nito.

“Kuya Ler! I’m hangry na!” Lumapit si Thal sa kanya, hinahawak ang kamay niya at ginalaw iyon. Ang cute-cute nitong nagmamakaawa ang tingin sa kanya.

“Fine! Fine! Ako na ang mag-aalaga sa kanila,” he resigned and his cute little cousin went to the kid Ibarra. Napabaling siya kay Skip na napangiti lang. He rolled his eyes. Wag kamo siyang gamitan nito ng ngiting iyon na para sa mga fans nito.

Nang makaalis na ang pinsan niya ay hinarap niya ang dalawa. Likot ng likot si Thalassa kaya binuhat niya ito. Bahagya siyang napangiwi. Ano bang kinain ng batang ito at parang bumigat yata? Ni-spoil na naman ata ng Kuya Joax nito na ka-edad lang ni Fourth.

“Hi, ikaw si Juan Ibarra, di ba. Anong gusto mong itawag ko sa’yo?” Hindi pa rin umimik si Ibarra bagkus pinanood lang nito ang mga paa nitong di sumayad sa sahig. Maliit itong bata kompara sa ibang kaedaran nito. He’s seven years old.

“I want pancakes, Kuya!” Halos matanggal na tainga ni Lirio sa lakas ng sigaw ni Thalassa. Ilang vitamins naman kaya ang nalaklak nito? May isang beses na nag-panic si Joax dahil ginawang candy ni Thalassa ang vitamin c tablets. Inihatid pa ni Joax sa hospital dahil baka na-overdose ngunit nagawa pang makipagkulitan ni Thalassa sa mga nurse.

“Sa breakfast lang ‘yang pancakes baby Thal. Luto ako ng lunch. Laro lang kayo ni Ibarra rito,” bilin niya sa mga ito at bahagyang lumayo upang tawagan si Ciara.

Sa bahay na lang siya magtatrabaho dahil hindi puwedeng pabayaan niya ang dalawang bata. Hindi naman ito ang first time niyang mag-babysit. Lagi siyang bumabantay noon kay Thalassa noong baby pa ito dahil bigla na lamang itong umiiyak pag naramdaman nitong wala siya. He could handle Thalassa but he was unsure with Ibarra. Mukhang hindi madaling magtiwala ng batang iyon.

“Ciara, clear my meeting schedules for two days. Ang mga paperworks naman, ihatid mo na lang dito,” bungad niya kay Ciara pagkatanggap ng tawag.

“Di talaga uso sayo ang hello. Kaya ka natatawag na bossy ng mga employee rito. Bakit daw, boss?” tanong nito. He heard some shuffles of the papers from the other line.

“I will babysit my cousins. Ayokong iwan sila rito. Not even hiring strangers. Dahil hindi ako nagtitiwala sa mga iyon,” sabi na lamang niya. “Thalassa!”

Umalingawngaw ang sigaw niya sa loob ng bahay nang makitang gustong abutin ni Thalassa iyong nakasabit na gitara niya sa pader. Lumang-luma na iyon at noong highschool pa niya ginagamit. Sa kabilang banda, binuksan ni Ibarra iyong bag at kumuha ng damit roon upang palitan ang suot nito. 

“Pasensiya ka na. See you tomorrow, Ciara,” paalam niya rito at pinutol na ang tawag. Hinubad ni Lirio ang blazer niya at niluwagan ang tie niya. Magbibihis na muna siya.

“Thalassa, behave.” Ginamitan niya ito ng tonong nagbabanta kaya natigil ito sa pagtalon upang abutin ang gitara. “We will have a delicious lunch after this.”

* * *

Kasalukuyang nag-aayos ng mga dokumento si Berry nang may nag-doorbell. Itinigil muna niya ang ginagawa niya’t tumungo sa may pinto ng bahay. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Lirio. Nakapambahay lamang ito, wala ba itong trabaho? Nandoon naman siya sa bahay dahil pinayagan naman siya ng boss niya as long matatapos ang pinapagawa nito.

“Why are you here?” takang tanong niya rito.

“May patis ka ba riyan? Naubusan na ako ng patis sa bahay. Di pa ako nakapag-grocery dahil busy sa opisina.” Tila nagmamadali ito sa tono ng boses nito.

“Oo? Meron? Teka lang, tingnan ko.” Typical na talaga sa magkapit-bahay ang ganito pero sa lahat ba naman ng bahay, bakit kay Berry pa? Mas matagal ang pamilya ni Lirio roon.

Bitbit ang bote ng patis na kinuha niya sa kusina ay binalikan niya ito. Narinig niya itong sumigaw.

“Thalassa! Bakit ka naman sumunod sa ‘kin? Iniwan mo si Ibarra?” Isang batang nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ang nakita niya. Nagulat siya nang tinalunan pa nito si Lirio.

“He’s fine, Kuya. Ikaw kaya nang-iwan.” Napanguso pa ito. Ang cute-cute nito. Parang siopao ang pisngi at ang haba ng pilik-mata. Napatingala ito sa kanya. “She’s pretty, Kuya. She’s your girl?”

Tinakpan ni Lirio ang bibig nito na inalis naman ng bata. Ibinigay niya muna ang patis kay Lirio saka hinarap ang batang babae. Bilog na bilog ang mga matang nakatitig ito sa kanya. Yumukod siya upang magka-lebel sila.

“Hi! I’m Raspberry. Tawagin mo na lang akong Ate Berry.”

“A fruit?” manghang bulalas nito. “Fruit po name niyo?”

“Yeah, prutas din ang penname niya.” Narinig niyang bulong ni Lirio na sinamaan niya ng tingin. Natawa lamang ang bata nang makita iyon.

“Thanks rito, isauli ko lang pag tapos kong gamitin.” Umiling si Berry.

“Sa iyo na, mag-grogrocery din naman ako kinabukasan.”

“Gusto mong samahan kita? Sabay na tayo?”

“Ha?” gulat niyang sambit. Biglang hinila ni Thalassa ang laylayan ng damit ni Lirio.

“I’m hungry na po.” Ang cute talaga nito, ngumunguso pa.

“Oh shoot! Ang niluluto ko!” Bago pa man sila makapagsalita ay kumaripas na ng takbo pabalik ng bahay nito, at nakalimutan nito si Thalassa na nakatitig na lamang sa papalayong lalaki. Muntik na siyang matawa dahil para itong susugod sa sunog.

“Do you have food?” Nag-puppy eyes ang bata sa kanya, di alintana ang pag-iwan ni Lirio dito. Baka isa ito sa tatlong babae sa mga San Miguel. Kaunti lang kasi ang mga babae sa angkan. Puro makukulit na lalaki lang. “May cookies ako rito pero much better pa rin na kainin mo niluto ng Kuya mo, okay?”

Tumango lang ito at humawak sa kamay niya nang abutin niya. Sinundan siya nito sa kusina at kumuha ng cookies na ni-bake pa ni Dominique. Extra cookies iyon na nai-bake nito. Tinikman ito ni Thalassa at mukhang nagustuhan naman ng bata.

“Punta na tayo sa Kuya mo?” Estranghera pa rin siya sa paningin nito kaya ibabalik niya ito sa bahay nina Lirio. She knew where the house was. Ngunit hindi pa siya nakapunta roon. Ngayon lang.

Magkahawak-kamay nilang nilisan ang bahay niya na ni-lock niya. Maayos naman ang community roon at walang nababalitaang crimes kaya safe sa mga nakatira roon sa village. Nakabukas ang gate ng bahay kaya nagtuloy-tuloy sila.

Malaki ang bahay. Mediterranean style. Nakaparada ang kotse nito at bukas ang pinto. Pagkarating nila sa paanan pa lang ng dalawang baitang na hagdan ay narinig nila ang usapan sa loob.

“Paano na lang kung hindi ka marunong mag-off nito? Sunog na itong lunch natin at matatagalan pa kung magpapa-deliver tayo,” rinig niyang sambit ni Lirio.

“Marunong po ako,” maikling sagot ng batang lalaki. May similarities ito sa features ng mga San Miguel. Almond eyes.

Nakita nilang hinahanda ni Lirio ang niluto nitong adobong manok pala sa center table. Kumuha ito ng mababang stool at pinalibot iyon doon para doon kumain ang mga bata.

“Sabay ka na sa amin, Berry.”

“Busog pa ako, kakakain ko lang,” magalang niyang pagtanggi kay Lirio.

“Hindi puwede.” Nakatingin ang dalawang bata sa kanya. Hopeful ang mga mata ni Thalassa at nag-aabang naman ng sagot ang batang lalaki. She resigned.

“Okay, fine.” Pagbibigyan niya ang mga ito. She really has a weakness for kids.

* * *

Chapter 22 (Part 2)

Nagulat na lamang si Berry nang may isang itim na SUV na pumarada sa labas ng shelter. Doon napunta ang atensiyon ng ilang kababaihan at mga bata. Ang security guard ang unang lumapit sa kotse at pagbukas ng pinto niyon ay nagtaka siya dahil si Lirio iyon. Naniningkit ang mga mata sa sinag ng araw. He’s in his business suit and he looks like he’s in big trouble.

Lakad-takbo niyang nilapitan ang mga ito. Her eyebrows arched when he sighed, relieved when seeing her. From his formidable and serious face a while ago, he flashed his chinky-eyed smile.

“Berry! Thank God, I found you,” he said when he saw her approaching. Napunta ang mga mata nito sa hawak niyang crochet ball at hook na siyang libangan ng mga babae na nasa shelter. Siya ang nagtuturo sa mga ito ng crochet.

“Why are you here, Lirio?” she asked. Paano nito natunton ang shelter? Nagtanong ba ito sa pinsan nitong si Fourth. But that uptight man is a busy man.

Naglikot ang mga mata nito. Parang nahihiya pang nagkamot sa leeg. Napansin iyon ng guard na napangiti na lang. Open ang shelter kahit kanino at istrikto lang sa mga suspicious na mga tao ang guard nila. “I have a favor to ask.”

Biglang may kung anong ingay silang narinig sa loob ng kotse. It was a shout of glee and a grumbled voice. From two kids, boy and girl. Mukhang may ideya na siya kung anong pabor nito. 

“I cannot leave them to people I don’t trust. And there’s an emergency in the office. I have to sort it out or else, Fourth will cut my neck.” Napangiwi na lamang ito sa nasabi.

“You mean, I will babysit them?” Thalassa was a handful and Juan Ibarra was a quiet kid. And she could handle them. “You can trust me with kids, San Miguel. They won’t be a problem. Payag ba silang iwan dito?”

He nodded vigorously. “Payag sila as long as it’s with you. Even the Ibarra kid agreed. I guess, you earned his trust yesterday.”

Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga bata. They’re innocent and playful. Patience at compassion lang talaga ang kailangan. Children could also sense the genuine nature of a person. “I’m glad.”

Unang bumaba ang batang babae na si Thalassa na ngayo’y nakalugay na ang wavy na buhok. Maging ang bangs nito’y medyo kulot. Sumunod si Juan Ibarra na may bitbit na bag. Curious ang mga matang tumingin ito sa loob ng shelter, nakita ang mga matang naglalaro. When Thalassa saw it, there’s an excitement in her eyes.

“Dami nila, Kuya! I wanna join them! Wanna play!” Thalassa beamed. Hinigit pa nito ang braso ng pinsan nito nang tumalon-talon ito.

“Hi, Ate Berry,” bati ni Ibarra sa kanya. May tipid na ngiti sa mga labi. She pat his head lightly.

“Hello, Ibarra,” nakangiting bati niya rito. Nakita niyang may inilabas na dalawang bag si Lirio. Ang guard na mismo ang nagbitbit niyon.

“Mga gamit nila. Bimpo, mosquito repellent lotion, mga damit at iba pa,” sabi nito at napatango na lamang siya. Bumaling ito sa mga bata at umuklo sa harap ng mga ito. “Pakabait kayo kay Ate Berry ninyo ha? You can play with the kids here. Even talk with the women politely. Susunduin ko kayo mamaya. Are we okay with that?”

Nag-thumbs lang si Thalassa sabay ‘okay!’ at tumango lamang si Ibarra. Marahang tinapik ni Lirio ang ulo ng dalawang bata at lumulan na ng SUV. Saka naman ito bumaling sa kanya.

“I won’t be long. Kapag inabutan ako ng gabi. Treat them to dinner. Babawi na lang ako sa bahay.” Dahil sa huling sinabi nito ay nagsinghapan ang mga babaeng kakapasok lamang sa shelter na pagsamantalang nakatira roon. Pinandilatan tuloy niya si Lirio na ngumisi lang sa reaksiyon ng mga ito.

* * *

“Coming from a wealthy family, they have good manners and are not picky,” Elsie said, one of the women who stayed there away from their abusive husbands. She belonged to a middle-class family.

Nasa playground si Thalassa kalaro ang ibang bata at habol-habulan pa yata ang laro ng mga ito. She has a playful and cheery nature that’s why the kids there flock to her. Nilagyan niya ito ng bagong bimpo sa likod nito. Magalaw masyado si Thalassa at mabilis mamawis. Amoy-polbo na naman ito ngayon. Sa loob ng shelter, makikitang kausap ni Ibarra ang mga babae roon na namamangha rito. Himbis na makipaglaro, iba ang inatupag ng batang lalaki, ang makipag-usap sa mga matatanda. Doon nila nadiskubre ang kakaibang talino nito at pang-unawa.

“Kilala ko ho yung Tito nila. Makulit, pasaway at di maarte. Ever since elementary. He easily blends in with his happy-go-lucky attitude. Simple lang po. I guess, kadalasan sa mga San Miguel ay down to earth,” sabi niya matapos niyang inpeksiyunin ang pattern ng crochet na ginagawa nila.

“You’re quite fond of him, hija. Kayguwapong binata. Nililigawan ka?” Nanlaki ang mga mata ni Berry sabay iling. Winawagayway pa niya ang kamay.

“Ho? Hindi ho. Kilala ko lang talaga siya. We are simply neighbors. Bestfriend siya ng bestfriend kong babae kaya may something common kami,” sagot na lamang niya.

Bahagya itong natawa. “Naku! Nagsisimula talaga ‘yan sa ganyan. You grew up, not knowing that you are really for each other. Time flies. And right time comes.”

Hindi na lang siya tumutol sa sinabi nito dahil baka tumalon na naman ito sa ibang konklusyon nito. Nagpatuloy lang ito sa paggantsilyo.

Nang gumabi na, tumulong si Berry sa paghahanda ng mga pagkain habang inaaliw naman ng mga matatanda ang mga bata. Naglalaro ng jackstone si Thalassa kasama ang ibang babae at bukod-tanging si Ibarra ang tumulong sa paghahanda ng kubyertos sa iilang mesa roon.

Ano na kaya ang nangyari kay Lirio? Wala siyang contact rito dahil hindi naman nito hiningi ang numero niya. Kapag natagalan pa ito lalo, baka sa bahay niya muna pagsamantala ang mga bata.

Sabay na silang kumain sa hapag-kainan. Maingay sa mesa. Sa pangunguna ni Thalassa na bibong-bibo sa pagkukuwento ng kung ano-ano.

“I have another Kuya. He likes to play guitar! Tour daw sa US. Di ko ‘lam kung ano’ yung tour. Basta! He’s amazing!” kuwento ni Thalassa.

“Ako rin! Kuya ko, marunong din maggitara! Pati kumanta! Iyon nga lang, tinatakpan ng iba tainga nila,” pagbibida ng batang babae na si Cora. Nagtawanan tuloy ang lahat.

“I don’t like Kuya Joaquin’s girlfriend. Nice siya sakin pag andiyan Kuya ko. Pag hindi, rereklamo siya sa ingay ko,” Thalassa even pouted. Nakisimpatiya naman ang iba sa kanya. Ang iba naman, sa matatanda. Umasim nang marinig ang pagtrato ng gilfriend ng Kuya nito kay Thalassa.

“Pochero po ‘to? Ngayon lang ako nakatikim nito. Madalas, tuyo at bagoong samin.” Nagulat ang lahat ng kakabaihan roon at ang mga bata nama’y natahimik.

Kuwento ni Lirio, ngayon lang napatunayan na parte ito ng San Miguel. Sa lahat ng mga San Miguel, bukod-tanging ito ang lumaki sa hirap at simpleng buhay. Hindi iyon alam ng iba na alam na kilalang old money ang San Miguel.

“Masarap kaya ang bagoong! Na may kalamansi at suka!” sabi ng isang bata na pinasigla ang boses. Ngumiti naman si Ibarra, nakakita ng karamay.

“I wanna try it,” ani Thalassa na curious sa lasa ng bagoong.

“May bagoong tayo rito. Gusto niyong timplahan ko kayo?” Kinindatan siya ni Dominique, kasamahan niya roon. Tumayo ito’t nagtungo sa kusina.

Matapos ang maganang hapunan nila ay nagkanya-kanya na ang mga tao roon. Nagtipon-tipon ang mga bata sa labas, nakatingala sa kalangitan. Magkatabi sina Thalassa at Ibarra.

“Wow! A big bird!” Base sa ingay niyon ay isa iyong eroplano.

“Hindi ‘yan, bird. Eroplano. Noon, di ganyan itsura ng eroplano.” Napalingon lahat ng mga bata kay Ibarra. “Nabasa ko sa encyclopedia. Dalawa ang imbentor ng eroplano.”

Namangha ang lahat. Umaktong eroplano si Thalassa. She spread her arms wide and circled the lawn. Others followed her. She’s such a darling and everyone likes her.

No doubt, he’s the younger brother of the genius Fourth San Miguel.

Alas otso na ng gabi ay wala pa ring Lirio San Miguel. Nag-alala na siya ngunit ang mga bata’y tuwang-tuwa pa rin. Basta mga bata, matagal mahulas ang enerhiya. Depends on their personality.

“May number ako ni Kuya Lirio.” paglapit ni Ibarra sa kanya.

“Talaga? Ano iyon? So I can text him. Baka hinahanap na kayo sa inyo.” May isasagot sana ang bata pero nag-hesitate muna. Nilahad nito ang numero. Wala itong tiningnang kodigo. Only recited the numbers.

To: Lirio San Miguel

Hey, iuuwi ko na ang mga bata. Sa bahay ko muna. Ayos lang sayo? Pumunta ka na lang sa bahay ko para sunduin sila.

Nasa loob na sila ng taxi ng mag-reply si Lirio.

From: Lirio San Miguel

Sorry, may biglang bisita galing CDO. Punta na lang ako sa bahay mo. 

Hindi na ito nagtanong kung saan siya galing ng numero nito. Baka alam na nitong kabisado na ni Ibarra ang personal number nito.

Natulog na sa pagod si Thalassa nang makarating na sila sa village. Tinulungan siyang i-piggy back si Thalassa sa likod niya ng taxi driver. Hawak ang kamay ni Ibarra na gising pa’t tahimik lang sa biyahe nila ay tinulungan naman siya ng guard sa pagbitbit ng dalawang bag ng mga ito.

Pagkarating sa bahay ay inihiga niya sa kama si Thalassa at pinunasan ang katawan nito. Mabilis talaga magpawis ang batang babae. Nang balikan niya si Ibarra ay nakaupo na ito sa sofa, hindi alam ang gagawin.

“Gusto mo ng tubig?” Tumango lang ito. Nagsalin siya ng tubig mula sa pitcher. Uminom naman ito roon at naubos.

“Babalik po ba kami roon?” tanong nito.

“Sa shelter?” Naupo siya sa one seater na sofa, sa gilid ng sofa na inupuan nito. “You can. Pasama ka sa Kuya Lirio mo.”

“Gusto pong bumalik ni Thalassa. Para po ibigay yung ibang laruan niya sa mga bata roon. Kawawa naman po sila.” Sa iba, mukhang nang-iinggit si Thalassa sa mga kuwento nito. Para kay Berry, masaya lang itong ibahagi ang karanasan nito sa mga pinsan nito. Natawa man siya kanina sa pagbulgar ng ilan sa mga kalokohan ng mga Kuya nito ay masaya siyang nakikipagkaibigan ito.

“Kalaro po niya mga barbie at stuff toy. Mga yaya kausap niya. Ngayon lang po niya nakausap ang madaming bata. Kaya po ang ingay-ingay niya kanina.” Bahagya siyang natawa sa kuwento ni Ibarra. Mukhang hindi na ito katulad ng dati na walang kibo at imik. “Kahit nakakaangat sila, hindi po siya ganoon kasaya.”

Paano nito nahalata ang pagiging bibo ni Thalassa? The child was observant. And a deep thinker for one. Nakakagulat pa rin na ahead itong mag-isip. At seven years old, he spoke like a grown adult.

“Hindi naman guarantee na mayaman ka, masaya ka na. May mga materyal na bagay na hindi napupunan ang kaligayahan ng isang tao. Wala iyong halaga. Priceless. Alam mo bang kahit mayaman ang Kuya Lirio mo, pinili niyang magbuhay simple.”

Bahagyang namilog ang mga mata nito. Tila gustong marinig ang kuwento tungkol sa Kuya nito. Wala itong kaalam-alam sa mundo ng mga San Miguel.

“Talaga ho?”

Tumango si Berry. Inalala ang mga kahapon. “Naging konduktor ‘yan sa jeep. Ang kulit-kulit. Kumain sa turo-turo at streetfoods at kahit may basurahan sa gilid, kumakain pa rin. Ang takaw-takaw ng Kuya mo sa totoo lang. Nagtipid sa allowance dahil nanlibre sa klase namin. Na-shoot ang paa sa kanal pero tinawanan lang niya. Piniling mag-aral sa public school.”

Tawang-tawa ito sa mga kalokohan ng Kuya nito at maya-maya’y napalagay ito na hindi lang ito ang nag-iisang pinili lamang ang mga simpleng bagay sa mga San Miguel. Hindi man literal na galing sa hirap na pamumuhay si Lirio, ay desisyon at choice nitong maging street smart at simple guy.

Nag-ring ang doorbell.

“Mukhang andiyan na ang Kuya mo.” Nang buksan niya ang pinto. Ang haggard ng itsura ni Lirio. Parang sinabunutan ng sampung bakla.

“Hi, Berry.” Sa kabila niyon, nakuha pa rin nitong ngumiti sa kanya. The moon reflected his tired face and she smiled.

“Hello, Lirio.”

Chapter 23

Bags. Clothes. Earrings. Ilan lang iyan sa mga nagawang crochet products ng mga babaeng nanatili muna sa shelter. It’s their source of income and she’s the one who introduce their products to a pasalubong store. Kilala ang pasalubong store sa mga handicrafts at handmade products na patok sa mga taong interesado rito. The one who manages the pasalubong store is Juliet, also a writer in the company who’s interested in her writing. Wala pa siyang pinal na desisyon tungkol roon pero interesado siya sa offer ng publication company.

Bitbit ang bag na may lamang crochet products ay tinulak niya ang glass door ng establishment na iyon na malapit lang sa JY at sa hearth ng isang intersection. Binati siya ni Juliet na in-adjust lang ang eyeglasses nito.

“Thank goodness! Dumating na! Kanina may naghahanap ng crochet bag. Bestseller ang design. Meron ba diyan?” Maingat niyang inilapag sa counter ang bag at hinila ang zipper. Bumungad sa kanila ang samu’t saring design ng crochet items.

“Nice. May naghahanap rin dito. They like the scarlet and royal blue color,” Juliet said, referring to the summer sleeveless. Siya mismo ang naggantsilyo niyon.

“Naubusan kami ng hook kaya kaunti lang muna ang earrings. Mostly, bags at clothes. May baby clothes rin. Tingnan mo.”

Kapwa sila abala ni Juliet sa pagtingin ng mga handmade products. Advance payment ang ginawa ni Juliet na ngayo’y inaayos na ni Dominique para isuweldo sa mga nasa shelter.

“By the way, tutuloy ka ba?” Juliet was referring to the writing career her pub company offered to Berry. Kiming napangiti lang si Berry, hawak ang isang crocheted beret at baby blue girl clothes. Ginawa niya iyon para kay Ibarra at Thalassa.

“I am not sure yet. But maybe I have the decision after the holidays,” sagot na lamang niya. Ilang linggo na lang ay Disyembre na at mukhang uuwi na naman siya sa Cagayan De Oro. At hindi na siya pipiliting kaladkarin ng pinsan niyang si Ian dahil kusa siyang uuwi.

“I am more on contemporary romance and family drama so I guess, I can’t count on a collaboration.”

“Who knows?”

Matapos magpaalam kay Juliet na abala na sa pag-asikaso ng mga customers nito ay nanatili muna siya sa gilid ng kalsada. She frowned when she noticed that the jeepneys were full of passengers. So she waited for a vacant jeep to come by. May mga bumaba naman ngunit may mga pasahero namang katulad niyang sumakay roon. Ayaw niyang makipagsiksikan kaya nanatili siyang naghihintay roon. Ayaw rin niyang mag-taxi dahil malapit lang naman ang village.

Nanghahaba ang leeg niya sa uphill nang may mapansin siyang lalaking papalapit sa kanya. He was wearing a track pants and skyblue cotton shirt. May bitbit itong plastic na may grocery items. Kinawayan siya nito.

“Fancy meeting you here, Berry,” nakangiting bungad sa kanya ni Lirio. Yes, Lirio. Kagabi, hinayaan nitong matulog si Thalassa sa bahay niya at tinabihan naman niya si Thalassa kinagabihan. Sa bahay naman nito natulog si Juan Ibarra. These days, hindi na siya nagugulat na makita ito kung saan-saan. Pakiramdam niya’y lumiit ng lumiit ang mundo nilang dalawa.

“Hi.” Yakap-yakap niya ang crochet items. Dumako ang mga mata roon ni Lirio ngunit hindi naman nagtanong para saan iyon.

“Hindi ka agad makakasakay rito. Rush hour na at kadalasan ng mga tao ay pauwi o papasok na ng trabaho nila.” Alam ni Berry iyon ngunit ninais niyang maghintay muna roon dahil hindi naman talaga siya nagmamadaling umuwi. “Gusto mong maglakad na lang tayo?”

“Ha? Lakad?” He just chuckled at her reaction. Napunta ang mga mata niya sa uphill. They have to defy the gravity of the hill.

“Bakit? It’s a cardio exercise, Berry,” kombinsi nito at bahagya siyang tumango. Kesa naman magka-varicose veins siya sa kakahintay ng jeep roon.

“Okay,” pagpayag niya at tipid ang ngiting sinundan ito. Magkaagapay lang silang dalawa paangat ng burol. Sa gilid nila ay ang mga sasakyang umaandar sa may kalsada.

“As much as I don’t like hearing a sermon from a younger guy last night, we have to.”

At mukhang si Fourth ang sumabon sa ito at malamang sa ibang mga San Miguel.

“One of our cousins came here in Cebu from CDO. In a paragliding suit. That cousin of mine is a daredevil but too lazy to handle our business so we have to do some damage control,” patuloy nito.

“Fourth seems like to assess details perfectly. Na kahit konting aberya lang ay gusto niyang ma-fix kaagad. I discovered it when we talked about the outreach program. Yung charity foundation niyo ay isa sa mga sponsor namin.”

Bahagyang namilog ang mga mata nito. “Really? So you met him. We, his older cousins, if it’s about business. We can rely on him. He’s a genius. Kaya sa kanya rin nagmana si Ibarra. Nagmana sila kay Tito Third, their father.”

“Are you not comfortable that your lead is younger than you?”

He shrugged his shoulders. “Not really. When I know he’s capable of it. I don’t take a master’s in business because I’m tired of studying. Mas lalo ngang umunlad ang empire namin dahil kay Fourth.”

“Knowing that you also support the needy and NGO like our foundation. Hindi na ako nagulat na kabilang ang San Miguel sa mga sponsors namin. Nagulat lang ako na si Fourth ang naging kausap ako. I presume, hindi siya madaling ma-contact,” she concluded.

“He’s not. But I guess Grandma told him so.” He playfully winked at her and she almost smiled at that. Walang malisya roon. Mas lalo niyang niyakap ang crochet items niya.

May biglang pumasok sa utak ni Berry. Matagal na niya iyong gustong itanong kay Lirio. Way back college. But they went back to familiar strangers that time. Umiikot pa ang mundo nito kay Eden Sofia.

“If you’re not a businessman. Ano sana ang career mo ngayon?” tanong niya rito. Dahil kahit nag-college na sila ay hindi naman ito gaanong kaseryuso sa pag-aaral maliban lamang sa mga huling dalawang taon na pumanaw si Eden Sofia.

“Musician? If not for Eden Sofia, baka nag-proceed na ako sa Music. Siyempre, hindi approve sa mga magulang ko. Pati kay Grandma at Grandpa. I am not a music prodigy like Randall Earl, one of my cousins or Kyou na parte ng isang sikat na band sa Japan. Baka naging guro pa ako sa Music. Mabuti na rin na hindi ako nag-proceed. Baka kinahiya na ako ng buong San Miguel pag nalaman nilang struggling musician ako,” pagkukuwento nito. “Ikaw? Kung hindi ang luminya sa finance, ano?”

“I don’t have a specific career. All those years, I used my logic. My brain. Than my heart. This time, gusto kong ang organ ko naman dito ang gagamitin ko. So far, it’s a good decision. I learned it from Daisy. That friend of ours, she always uses more of her heart,” she said, staring at the red-orange sky above them. Humagap siya ng hangin nang umangat na sila sa burol.

“I have a pitfall with Noah when we are college. I blamed him for causing pain to Daisy. Ni hindi ko sinasabi sa kanya na may nag-aalaga na kay Daisy. That doctor friend of her. Then Eden Sofia’s death came. Sumasakit lagi ang ulo ni Shawn sa aming dalawa.”

“It’s tough for them. But I’m happy, destiny leads the way for them.”

“You believe in destiny?”

Berry’s eyebrows arched. “What? I wrote a romance novel so it’s not quite hard to believe in it. I believe the universe has a job to conspire people to meet, learn lessons from each other, and be together in the end.”

Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. “You have your way with words.”

“Aren’t you? Kahit na hindi mo naman career. You are a musician.” Daisy told her about him writing songs.

Biglang tumunog ang phone nito na hinugot nito sa bulsa ng track pants nito. “Daisy?”

Natigil muna silang dalawa sa paglalakad. The wind swayed their hair. Namalayan niyang makikita na sa kinaroroonan nila ang view sa baba. Nakatigil sila sa isang maliit na Cafe. The lush green below signifies the greenery side of the city.

“Really?” Lumarawan ang kasiyahan sa mga mata nito. Natigilan si Berry. Kailan kaya siya masasanay sa mga ngiti’t tawa nitong nakikita lamang niya mag-isa? Balak ata siyang atakihin sa puso ng lalaking ito. “Nice! We are together. I mean, walking together… Yes. Later? Okay.”

Bumaling ito sa kanya. “Are you free later?”

* * *

“I like her! The buyer. She’s a concert pianist. Tiyak na magugustuhan niya roon. Golden Valley is a quiet neighborhood. A taste of nature from a busy city,” masiglang imporma sa kanila ni Daisy. She’s wearing a mustard overall and underneath is a white shirt. Her friend looked like she’s in early twenties. Katabi nito si Noah na mustard vest naman ang suot at white three fourths. Hindi man sila nagkasundo ni Lirio sa susuotin ay ang suot niya’y skirt overall na itim at white long sleeves. Si Lirio ay long sleeves na itim at white cargo shorts. Nakalislis pareho ang manggas niyon.

“That’s great. Akala ko, hahayaan mo lang ibakante ang bahay ni Tita Emerald.” Lirio leaned on the table.

Nasa isang outdoor restaurant sila sa Ayala, over looking the terraces. Cloudy ang panahon kaya di gaanong mainit sa labas. Malamig nga ang simoy ng hangin.

“The house has been my refuge. Pumayag si Kuya Jerome. I’m happy that we are able to let go of Tita Emerald’s house. I hope na ayos ang pagtira ng bagong owner.” Daisy’s eyes glowed. And Noah too. Nakatitig lang ito kay Daisy na parang hindi pa rin makapaniwala na magkasama ang dalawa.

“She’ll be fine. No one knows why she takes a break from her music career but we hope that staying in that community helps her,” ani Noah.

Narinig na niya ang kuwento tungkol sa Golden Valley. It is the place where the three forged their friendship.

“Juliet lives there. And it’s perfect for people who want to stay alone. And I agree, a piece of nature,” Berry said.

Nag-usap pa sila tungkol doon hanggang sa dumako sila sa wedding plans. Yes, the two were engaged. They lovingly looked at each other as they suggested things.

“I know a wedding planner. Masyadong lagalag. I can beep her up,” Lirio said.

Daisy smiled. “Really? Can I get her number? As much as I want to plan it personally, ayokong makita ng mga estudyante ko na stress ako rito.”

“You’re still beautiful, Mako. And your students love you.” Then Noah held Daisy’s hand.

Pasimple siyang binulungan ni Lirio. “Di ba kuwento natin ‘to? Hahayaan mo bang umekstra ang dalawang ito?”

Nag-hang ang utak niya doon at nang magsink-in ay nahampas niya ito sa braso. Ngumisi lang ito lalo. “Loko ka.”

Saka niya namalayan na nakatingin na ang dalawa sa kanila. Umayos siya ng upo at nagpatay-malisya naman si Lirio.

“Ano? Kain na tayo.” Si Lirio ang bumasag sa kaunting katahimikan sa pagitan nilang apat. Nakangiting nagtinginan ang dalawa. Nagpatay-malisya na rin si Berry.

* * *

Chapter 24

Lirio worked overtime at his office. Siya na ang huling umalis ng company building. Parang nagkakasundo pa naman ang mga papeles na dumami kinabukasan. Ayaw niyang matambakan at ma-stress lalo si Ciara. Kanina, balak na naman itong hiramin ni Fourth. Kung bakit, ewan niya sa masungit at aktong-matanda niyang pinsan.

Hindi siya umuwi agad bagkus nag-commute lang siya papunta ng Colon Street. Iniwan niya muna sa parking lot ng company ang kotse niya. He’s wearing his casual clothes from the morning. Walang makakahalata na isa siyang CEO kesa sa iba niyang mga pinsan na ang lalakas ng aura lalo na si Fourth. Parang mangangain ng kung sino. He silently prayed that his secretary would survive the uptight and perfectionist boss of the San Miguel Empire.

Lirio saw the neon lights of a karaoke establishment. Malapit lang iyon sa alma mater niya noong college. Pumasok siya roon at nag-rent ng one hour.

The videoke screen flashed in front of his eyes. The neon lights were dancing inside the room. Noon, kasama niya ang dalawa niyang kaibigan sa pagvi-videoke. But if he wants to break his happy and tired mask, he prefers to sing alone in that room.

Pinili niya ang kantang paborito niyang kantahin. Kapiling niya ang kantang iyon nang mawala sa kanya si Eden Sofia. It’s too painful to bear before but years gone by, Lirio accepted it no matter how hard it was.

If you’re not the one then why does my soul feel glad today?

If you’re not the one then why does my hand fit yours this way?

If you are not mine then why does your heart return my call?

If you are not mine would I have the strength to stand at all?…

Before, memories with Eden Sofia flashed in his head. And it did now. But as he sang it, he closed his eyes. Iba ang nakita ng mga mata niya. It’s this lady in his neighborhood who happens to write a book about him, as its hero.

Lirio stopped singing. He felt like there was a current ringing in his ears. And he was dumbfounded. How did she manage to enter his head while singing this song?

He purposely sighed and left the karaoke room, not finishing the one hour rent. Mababaliw siya pag nagtagal pa siya roon.

Napadpad ang mga paa niya sa Night market. His eyebrows furrowed when he saw a woman. Her pretty face was reflected by the lights coming from a a store. Ipinilig nito ang ulo habang may tinitingnan sa glasswall niyon. There’s a silent peace in her face. Mukhang mang kalmado ito sa labas, alam ni Lirio na minsan tinatago nito ang mga emosyon nito’t mga saloobin. So much, for observing her way back highschool.

“Hey,” he approached. Mukhang di na ito nagulat na makita siyang naglalakad rito palapit. But she was taken aback when he blurted the words next.

Ah, bahala na nga.

“You owe me a date.”

* * *

Berry didn’t know how it happened. Namalayan na lang niya ang sariling kasama si Lirio. She was so dumbfounded to react that it took her seconds to realize that Lirio had pulled her into the Night market. Wala namang malisya ang date na ito para dito, di ba? But he’s a guy, and he knows what he wants. But this was harmless, right?

“Hey, don’t overthink. Consider this as an undefined date.” Lirio snapped her out of her reverie.

“Undefined,” maang niya. Bago pa siya magreklamo ay hinawakan siya nito sa kamay bago pa siya masagi ng mga taong bigla na lang pumasok sa Night Market. They were close to each other that she’s the first one to detach from his grip. Ni hindi niya masalubong ito ng tingin.

“You want to eat? I’m afraid. Walang karinderya rito.” May nakita silang kiosk na nagbebenta ng fried chicken at may hanging rice doon. Iilan lang ang customers na kumakain roon. And Berry craved for chicken.

“It’s okay. Doon tayo kumain,” turo niya sa maliit na kiosk. Tahimik silang tumungo roon at nag-order ng makakain. It’s quite nice to be surrounded by people who heartily ate their food, like they came from a small community.

“What’s your ideal date?” Lirio randomly asked. “Probably, not this kind of unplanned one,” he smirked.

Berry rolled her eyes. Umaandar na naman ang playful nature nito.

“I don’t have ideal dates.”

“Not a candlelight dinner date?” he pried. Again, she rolled her eyes.

“It bores me.” Natawa ito at maging siya ay natawa na lang. Tila wala namang pakialam ang ibang customers roon. Nagkamay lang silang dalawa na may plastic gloves habang kumakain ng fried chicken at pusô.

“Same. I did have some dates in a candlelight dinner. I managed not to show my yawns for being bored. Usually, iyon ang gusto ng mga babae. Magkaibigan talaga kayo ni Daisy. Hindi rin niyon trip ang candlelit dinner. She prefers to eat all you can instead.”

Siya naman ang natawa. Hininaan niya nang kaunti ang boses para ito lang ang makarinig. Nagkataon namang sila na lang doon ang kumakain. “I prefer this kind. Spontaneous. All my life, calculated ako. But this one makes me want to break free. It started when I quit the corporate.”

“Then, are you okay to go with me to the carnival?” he asked.

“At this hour?” maang niya.

“Yes.”

“Mapipigilan ba kita?” irap niya. Bahagya pa siyang natigilan nang hawakan nito ang buhok niya. It was only a simple touch. But it means something to her. Because she saw her father touched her mother’s hair and whispered his love to her. And her older brother to his wife now.

But Lirio is not a family. She should turned down these mixed signals. Others would think that Lirio was not that complicated, but for her, it was. Always.

* * *

“Girls usually feel insecure when the guy mentioned his past lovers. Especially, when one deemed special as everyone else. I got slap by a date, my cousins planned for me. She’s right. Doon ko lang na-realize na hinahanap ko pala sa ibang babae ang qualities ni Eden Sofia. I am being unfair to them,” Lirio confessed when they’re at the top of the ferris wheel. Palamuti ang mga bituin at nakangiting buwan sa madilim na kalangitan. Makikita sa baba ang headlights ng mga sasakyan, mga taong dumadaan at tumatawid ng kalsada, mga gusali at spaces.

“Until you realize that those was not enough for you. Dahil hindi naman siya iyon,” dugtong niya sa sinabi nito. Tumingala si Berry sa kalangitan. “Maybe, she’s there in the sky. A star now. Watching over you.”

“A ball of gas? Faraway from me?”

“One of these days, she’ll thank the girl meant for you. For letting her be your first love.” Berry didn’t know why her throat dried and the city scenery was a blur now. She blinked and avoided her eyes from him.

“I realized something a while ago. You know, may pagkakataon talagang kahit sa simpleng eksena. A simple walk. Random activity. A realization will hit you.”

“That makes you feel fear and wonder? A sublime?” she asked while not looking at him. From her peripheral vision, he glanced at her and looked up at the night sky.

“Fear of something unknown but familiarity at the same time. I experienced this once but it’s more powerful now that it scares me.”

“I’m scared too,” she whispered to herself. She’s scared of being with this man. She didn’t know how she could stop herself from dreaming her childhood dream.

* * *

“Breakfast?”

Berry arched her eyebrows upon seeing Lirio in her kitchen. Yes, her kitchen. He was at home at least a week now. Kung tinatamad itong maghanda ng breakfast o trip lang nitong mang-istorbo ng ibang bahay ay hindi niya alam. Nagsawa na rin siya sa kakasaway rito. Hindi dahil nauubos ang slice bread niya o ang nutella niya kundi ang kaalamang, baka i-bother na naman siya ng mga thoughts na ayaw niyang i-entertain.

But this guy was stubborn. Nagpupunta pa rin ito sa bahay niya para maki-breakfast. Katwiran nito, malungkot mag-isang mag-breakfast. Binara niya na ilang taon naman itong kumakain mag-isa ng breakfast. At bumanat ito na iba pa rin pag may kasama, lalo na pag trip nito ang kasama nito. Hindi na siya nakahirit. Lintik na Lirio. Ginugulo talaga nito ang ulo niya pati damdamin niya.

Hindi na siya nag-abalang mag-ayos dahil si Lirio lang naman ito. Nakita na siya nitong magulo ang buhok, nakasuot ng pajamas, at nagtatanggal ng muta. Weird pero hindi talaga siya nahihiya rito pagdating sa hitsura niya.

“Breakfast is on me, Berry. Ano ba gusto mo? Hotdog, bacon? Sunny-side up?”

“Sisig,” she blurted. Kulang na lang pameywangan siya nito. Gusto niyang matawa dahil sinuot talaga nito ang apron niyang may raspberry prints. Regalo iyon sa kanya ni Daisy.

“Tinatamad akong pumunta ng palengke. Ano bang meron sa ref mo?” Ito na ang nagbukas ng ref. Si Berry naman ay nagtimpla ng kape nilang dalawa. She was leaning on the island counter when the pan sizzled.

“May rice kagabi kaya fried rice na lang,” sabi nito sabay lagay ng mga hiniwang hotdog at longganisa sa frying fan. Amoy na amoy niya ang aroma niyon. Pareho silang natutong magluto nang maging independent. Siya na ang naghanda ng kubyertos nilang dalawa.

“Wala ka namang magiging bisita ngayong umaga?” tanong nito. She just rolled her eyes at him. Paano kasi, noong isang araw nahuli silang dalawa nina Noah at Daisy na magkatabing nagluluto ng pritong isda. Pritong isda lang pero tinabihan siya ng hinayupak.

Iniwang nakabukas ang pinto kaya nakapasok ang dalawa at nagulat sa nakitang eksena. Tinukso sila ni Daisy at nangingiting napapailing na lang si Noah kay Lirio. Parang gusto niyang lumubog sa kahihiyan ng mga oras na iyon.

“Fortunately, wala,” sagot na lamang niya at sumimsim ng kape. Maging ito man ay dinampot ang tasa ng kape at sumimsim roon. Tiningnan pa siya nito na iningusan niya. Ngumiti lamang ito at nagpatuloy sa pagluluto.

Iniwan muna niya ito roon upang maligo at magbihis. Dahil diretso na siya sa Child Hope pagkatapos nito. She already knew that his clothes now were the ones that he would parade at his company. Blue track pants and black shirt a size larger than his usual size. Ibang klase rin ang routine nito sa trabaho.

Sabay na silang dumulog sa island counter para kumain.

“I will bring Thalassa later. Gusto niyang ipamigay ang mga lumang laruan niya. Tough kid, she cried for giving away her scary dolls. Binida niya kasi sa mga bata kaya ibibigay niya tapos iiyak-iyak.” Natawa na lamang silang dalawa sa kakulitan ni Thalassa.

“She will move on. Magkakaroon naman siya ng bagong laruan.”

“I think she’s not interested in toys anymore. Claiming she’s big and wants art materials instead.”

“Mahilig din siya sa arts.” Kilalang mga artists ang mga San Miguel. Halos lahat sa mga ito ay may art na sideline. As for Lirio, it’s music. “Si Ibarra?”

“Sculpting, I guess?”

“Paano mo nalamang sculpting ang hilig ng bata?”

“He carved a daisy flower on a blue soap. Binisita ko sa baba.” Malapit lang kasi sa JY ang tirahan ni Ibarra kasama ang Lolo’t Lola nito sa side ng namatay na nitong ina.

“Si Fourth?”

“Woah there.” Tiningnan siya nito nang mataman. “Interesado ka ba kay Fourth? Sorry, he’s not available. Mas matanda ka sa kanya.” biro pa nito.

Iningusan lang niya ito at inikutan ng mata. “He’s a genius.”

“Photography. I saw the photos.”

“Ang diverse niyo,” nasabi na lang niya. He leaned forward, just a couple of inches away from her.

“You can choose a San Miguel.”

“What?” maang niya sabay tulak sa noo nito. These days, ang casual na niya kung hawakan ito na parang sanay na siyang hawakan ito. “You’re kidding.”

“Madali lang pumili.” Itinaas-baba pa nito ang kilay. There was one time that he was playful with her outside but turned serious when there were people around. They were somehow comfortable with each other so they let each other show their truest selves. “By the way, may extra time ako. Gusto mong ihatid na kita sa shelter?”

“Sa main office ang punta ko ngayon, Lirio. Somewhere in Bulacao. Out of the way na.”

“Ayaw mo lang kantiyawan tayo ng mga tao sa shelter.” Totoo namang hahapit siya sa office at saka pupunta ng shelter. One time kasi, hinatid siya nito sa shelter. Panay tuloy ang tanong ng mga tao roon kung sila na ba. Maging ang boss nila tinanong kung ano ang relasyon niya sa binatang San Miguel.

“Just go to your office,” she said.

Later that night, she was surprised when he saw him again in the kitchen. In his business suit, and a grocery plastic bag on the island counter. He was making himself at home.

“San Miguel.” Nameywang siya rito. Laging ngiti lang ang sagot nito.

“I’m afraid, naubos na ang stocks mo dahil sa akin. You want tea?”

She rolled her eyes.

* * *

Chapter 25

It’s December. The waves and the weather might be frightening at times yet she chose to booked a ticket. Sa barko siya sumakay. It was cloudy that day. Sa economic part siya ng barko at iilan lamang ang mga katabi niya sa bunk beds. She’s in the lower bed. Mag-isa lang siya papunta ng Cagayan De Oro dahil nauna na si Ian roon.

She was eating her seafood noodle while facing the ocean. Kahit saan siya lumingon ay dagat ang nakikita niya. Di naman gaanong malaki ang mga alon. Ian suggested to book an airplane ticket but she prefers to ride a ship. Somehow, she’s interested on how the ocean looked like during the December month. Isa pa, hindi naman siya nagmamadaling umuwi. Riding the large ship means slowing her riding pace.

Paubos na ang noodles niya nang may kung sinong lumapit sa kanya.

“Berry?” Nagkagulatan silang dalawa ni Lirio. Pareho sila ng sinakyan?

“Lirio?” Tumuwid siya ng tayo at napahigpit ang hawak sa cup noodle niya.

“So you’re actually spending the holidays in CDO.” Napalingon ito sa karagatan. “Figures. Your family was one of San Miguel’s family friend in CDO.”

Malamang, nabasa na nito ang libro niya kung saan featured ang Cagayan De Oro. Bigla siyang kinabahan. Hindi naganda ang kutob niya kung ano ang mangyayari.

“Pinaglalaruan yata tayo ng tadhana. We tend to meet accidentally.” Sumandal ito sa railings, nakatanaw sa dagat. Hinahangin ang buhok nitong mukhang kanina pa magulo. But the looks didn’t seem to faze his handsome face. At sanay na si Berry sa guwapong mukha nitong hindi naman nito gaanong napapansin.

“I thought you’d spent the holidays back in Cebu,” nasabi na lang niya.

Bahagya itong umiling. “Alone? Before. Nakakalungkot mag-celebrate mag-isa kaya sumama na ako. Lahat ng San Miguel yata ay nasa CDO na. Well, except for my workaholic cousins.”

At tiyak na hindi nalalayo na mabubunggo na naman niya ito sa mga events katulad noong mga bata pa sila. At wala itong malay roon. “My family was there. Ayokong magtampo sila. Baka nandoon na rin ang kapatid ko. She’s younger than me.”

“Freya, isn’t it?” Naikuwento na kasi niya ang tungkol kay Freya. Tumango siya.

“She’s a biologist. Probably, napilit na naman siya ni Ian. That cousin of mine wants us to stick together.”

“Makikita ba kita roon without actually planning to meet you?” Siningkitan niya ito ng mga mata.

“You already know the answer.” Napangiti na lang ito at namulsa sa jacket nito.

“You won’t be absent in social gatherings?” Kilala na siya nito na hindi talaga mahilig um-attend ng social gatherings. “I can introduce you to my naughty cousins. But of course, may limit iyon.”

She rolled her eyes. If she could handle Lirio, then probably she could handle the San Miguel cousins. “Klint and Marc were messy and noisy. And I can tolerate them. Even the snob ones.”

“Naisip mo ba kung kailan ka, unang nagpakilala at nakipag-kaibigan?” tanong nito. She pondered about that. Her silence means no. Everyone she knows approach her first. She’s not really the kind of person who initiates. Except for children. She’s comfortable with them.

“You can try talking to strangers and spilling your thoughts randomly.”

“It’s not easy to talk to strangers.”

“More easy than talking to familiar people. Nagawa ko na iyan nang ilang beses nang mawala siya. It’s quite weird to release those recurrent thoughts. Dahil hindi naman nila ako kilala. Isa lang akong estrangherong broken, one of the strangers whose suffering from grief.”

“Are you saying that I should confine with you?” Alam niya kung ano ang tinutumbok ng mga salita nito. Kapwa sila nakatanaw sa karagatan. May nakikita na silang isla roon.

“You’re guarded. Pero nasa iyo na kung magiging open ka sa akin. I’m a friend, remember? Paminsan-minsan, maganda kung nailalabas mo ‘yung bottled emotions mo.”

“So, you knew that I was called Ice Queen before.” She raised her eyebrows.

Lirio raised his hand, smiling. “I was thinking that it’s your defense mechanism.”

Kinabahan siya. When he saw her facial expression, he chuckled. He continued, “You’re like a snob. Tinatarayan mo ako. Tinatarayan mo kami. Klint and Marc. But that was just your defense mechanism.”

“What are we talking about this?” She avoided her eyes, trying also to avoid this topic.

“Why, Berry?”

She sighed, almost resigning. “You don’t let other people enter your premises. Your heart. It’s locked.”

Matagal bago siya nagsalita. “Unless someone manage to find the key for it.”

“Noon, ang tanging concern ko lang ay ang sarili ko at mga taong malalapit sa akin. I could observe. But only the surface. When I became an on-the-job trainee, doon ko na-realize na masyado kong kinulong ang sarili ko sa mga dalamhati ko. Kalungkutan. Not seeing that other people are suffering too. Hiding their frustrations and problems. Ngayong, ako na ang namamahala sa kompanya, mas lalo kong pinagtuunan ng pansin ang mga tao. People are complicated people. They changed their minds.” Napailing-iling si Lirio. “Naks, ang lalim ko na.”

Bahagya siyang napangiti. “People come and go. I let them stay. I let them go.”

“Natural naman ang disappointments natin sa mga tao. But I tried. I lived my youth. I was happy.”

“I lived mine too. The other way.” Wala naman siyang pagsisisi roon.

“Hey, gusto mong sabay na tayong bumiyahe pauwi? The bus ride, I mean. I can carry your stuff,” he offered suddenly.

“Binabago mo ang usapan,” she almost pouted but contained herself. Malamig na ang hawak niyang cup noodle.

“Puwede ba?” He looked at her eyes. She avoided it. And silently nodded her head.

Baliw na talaga siya.

* * *

Berry was sleeping beside him. She’s trying not to lean her head on his shoulders. Napapangiti na lang si Lirio sa pagsisikap nito.

Magkatabi sila ngayon sa bus papunta ng Cagayan De Oro. Tadtad na ng messages ang phone niya. Hinahanap na siya ng mga pinsan niya. At manigas muna ang mga ito. Ngayon niya napagtanto ang kakulitan niya noong bata pa siya. May natira pa naman ngayon pero hindi na ganoon kalala.

He maintained his cold expression. Nakita niya kasing may babaeng pinagtitinginan siya at pag nakikita sa tabi niya si Berry ay naglalaho ang ngiti nito. He’s not really a vain person but he’s aware of his good physical looks. At ang babae sa tabi niya ay sanay na mukha niyang iyon. Na parang isa lang siyang normal na tao. Ganoon rin naman si Daisy, palibhasa, nakatuon ang mga mata sa kaibigan niyang si Shinoah.

Ang totoo, wala sa isip niya na makakasalubong niya sa biyahe si Berry pero hindi na siya nagulat. He was counting signs and it went overboard now. Signs or not, he still wanted to pursue his thoughts. He’s more of a doer and a thinker. And Berry is a different girl, far from others yet one step a time. Siguro naman, hindi ito ganoon ka-dense di gaya kay Daisy.

The bus halted. Narinig niyang napasinghap si Berry at napahawak siya sa ulo nito para hindi mauntog sa upuan na nasa harap nila.

“Anong nangyari?” disoriented na tanong nito. Binitawan niya ang ulo nito at napatingin sa may bintana. May nakaharang na malaking bato sa kalsada kaya napatigil ang bus.

“May harang na bato sa kalsada. Gutom ka na? Gusto mong kumain muna tayo?” Inabot ni Lirio ang bag niyang may lamang biscuits at canned goods na hinanda niya pag magutom siya.

“Teka, may slice bread ako rito.” Binuksan naman nito ang bag nitong may lamang slice bread. Pinalaman nila ang sisig na canned good sa slice bread.

“Ngayon ko lang ‘to nasubukan. Masarap pala,” usal ni Lirio.

“Yep, from time to time. Ito ang ginagawa ko sa pagkain ko pag biyahe,” nasabi rin nito.

“Hanggang kain lang ako noon. Kung ano ang nakikita ng mga mata ko. Kakainin ko. Ngayon, natuto akong magluto. Dahil madalas, ako na mag-isa.”

“Ako rin. I practiced a lot.”

“Sabi, pag isa kang artist, matic na marunong ka ring magluto. But it doesn’t apply to all of us.”

“Kinda.”

Bumiyahe na ulit ang bus dahil inalis na ang harang na bato. Tahimik lamang silang kumakain ni Berry. A comfortable silence.

Napansin nitong malapit na ito sa babaan nito. Nagpara ito. Agad-agad?

Tinulungan ito ng konduktor na buhatin ang mga bagahe nito.

“So, see you?” he asked. She just waved at him.

“See you, Lirio.”

Nang umandar ulit ang bus, pinagmasdan niyang mawala ito sa paningin niya.

* * *

Pagkarating niya’y dinumog siya ng mga pinsan nila. Sa sobrang dami nila ay halos hindi na siya makahinga. Ilang taon lang naman siyang nawala sa family events pero ganito na ang bungad ng iba sa kanya. Palibhasa, hindi nito nagagawa iyon kay Fourth na ngayo’y nanahimik lang sa isang tabi kasama si Dos na siyang Lolo nila.

“Di ako makahinga, mga hunghang.” Kinuha na ng butlers ang mga gamit niya. Kasama niya sa kuwarto ang magulong si Rory at Nylon. Malaki ang San Miguel Manor kaya madalas doon sila nanatili kapag nandoon sila sa Cagayan De Oro.

“Did you bring a date?” Nylon asked with his naughty eyes.

Lirio just scowled at him. “Bakit susulutin mo?”

“Ah, c’mon! Hindi naman ako ganoon. I have my long list of girls.”

“You mean, flings?” pang-asar niya rito.

“May Christmas ball tayo. Time to socialize or date, dude.” Tinapik pa ni Rory ang balikat niya. Nahagip ng mga mata niya si Iver na nakasuot pa ng aviator sunglasses.

“Kompleto ang triad,” he confirmed seeing the three of his grumpy cousins.

“They scare away girls with just their glance but not me. Uuwi rito si Skip. That guy, kinareer na ang pagiging actor sa Thai. Tinawanan ko lang siya noong namatay ang character niya sa Lakorn.” pagkukuwento ni Rory.

“Kasama si P’Shone?” tanong niya. Kapatid ni Skip si Shone na hindi nakabase sa Thailand kung hindi sa mas malayo pa. Nagtatrabaho ito sa National Geographic. Kung saan-saang lupalop ito ng mundo napapadpad.

“Pula din ang puwit nun eh, gaya kay Natalya.” Ininguso nito si Natalya na umiinom ng kung anong cocktail drink ngayong umaga. Ang babaeng ito. Umaariba na naman ang atay. Sa kanilang magpipinsan, ito ang hindi tumba agad sa lasingan. Lasing na sila’t naghihilik sa isang tabi, puwera kay Natalya.

“Isinama ba si Ibarra?” tanong niya. Tiyak na malulungkot si Thalassa kapag wala ang pinsan nitong ngayon lang nito nakasama.

“Kasabay ni Fourth.” Si Joaquin ang sumagot, ang Kuya ni Thalassa. “Bukas dadating si James Dean. Ang teenager na iyon, nasabit sa barkada niya.”

Kapatid rin nito si James Dean. Rory smirked. “Takot lang siyang dikitan ni Audrey.”

Napangiti na lamang sila nang maalala ang teenager na babae na crush na crush si James Dean na nandidiri naan rito sa pagiging clingy nito kay James Dean. Family friend nila ang pamilya ni Audrey.

Nagpatuloy ang mga itong nag-usap at lumapit naman siya sa triad ng masusungit na San Miguel. Napalingon ang tatlo sa kanya. Poker face si Gin Greece. Seryuso ang expression ni Fourth at Iver.

“Do you have the list of the invitees in the Christmas ball?”

“Tita Aurelia managed it. You can ask her,” Fourth said. Si Tita Aurelia ay ina nina Joaquin, Thalassa, at James Dean.

“Found interesting?” Gin Greece asked. Ang lakas talaga makaramdam nito. Talking ‘bout him rejecting the FBI offer.

“Yes. Puwede n’yo akong tulungang bakuran siya.” That made him caught their attention. Di gaya sa ibang pinsan nila, walang amor ang mga ito sa babae. He saw Fourth not interacting with girls when they’re kids, thinking that girls were shallow, whiny, and clingy. Too noisy for the likes of Iver. As for Gin Greece, he just didn’t care.

Tiyak niyang may ideya ang dalawa maliban kay Iver na mukhang clueless. Bahala na ang dalawa na bulungan si Iver.

“Pahinga muna ako,” paalam niya.

Tumungo na siya sa kuwarto na tutuluyan niya. Nagbihis at natulog. Doon siya nakaramdam ng pagod sa biyahe.

* * *

Chapter 26 (Part 1)

Christmas ball. She had been to a christmas ball, but she was just only a kid that time. Faraway from other kids.

Now, she’s wearing her white dress. Black and white ang required clothes sa ball na iyon. The San Miguel Clan managed the ball, a tradition years ago. Nandoon siya bilang parte ng pamilyang Luzano. Nanatili lang siyang nakaupo sa upuan na tinakpan ng puting tela. Ang bilugang mesa naman ay may black table cloth. Sa vase roon na may bulaklak na orchids at daisies.

The chandelier looked majestic and elegant in the middle of the ballroom. Pula ang carpet na tinatapakan nilang mga guests. May mga waiters na nagbibigay ng cocktail drinks, in their black and white uniforms. Berry was trying to be invisible.

Hindi maiiwasang makakabunggo niya si Lirio rito. Iniiwasan niya ang ball na ito sa kadahilanang posibleng makikita siya ni Lirio. Kahit pa magtampo ang mga kapatid niyang sina Kuya Ariel at Freya. Hindi sila magkasamang dumating roon. Nauna ang mga ito.

Pumainlanlang ang isang waltz song hudyat na puwede nang magsayaw sa dance floor ang mga ito. Ang mga elders ang unang sumayaw, na parang nagbalik ang mga ito sa nakaraan. After all, classic vintage ang theme ng Christmas ball. Pinoy na pinoy ang handaan roon, Fusion ng Spanish cuisine at Filipino cuisine.

“Hey.” Muntik na siyang mapapitlag nang may naupo sa bakanteng upuan sa mesang iyon. Hindi niya ito kilala pero base sa physical features nito, isa itong San Miguel.

“You look new here.” Sumimsim ito ng champagne sa flute nito. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. “I’m Lester San Miguel.”

“Okay,” nasabi na lang niya. Halos kapareho ito ng ngiti ni Lirio. Ngunit nagtataglay ito ng kapilyuhan. Naka-brush up ang buhok nito.

“Okay? How about your name?” he asked.

She resigned. Mukhang gaya ito kay Lirio na makulit. “Raspberry Luzano.”

“Raspberry?” Hindi niya nagustuhan ang ngiti nito na parang may nadiskubreng mahalaga. “So, Berry.”

Parang gusto na niyang lumayas roon sa paraan ng pagkislap ng mga mata nito.

“Rory! Dude!” Sinitsitan nito ang lalaking naka-all black suit. Kakatwa ang almond eyes nito na naparesan ng green eyes. May dugo yata itong Irish o British.

“She’s Berry.” Lester introduced her to Rory. Natuod na si Berry sa upuan. Naghila ng upuan si Rory at fascinated siyang tiningnan.

“You’re Berry? Nice. Nice. You’re beautiful.” puri nito. Kagaya kay Lester ay parang nakatama ito sa suertes.

“Thank you.” she replied, almost in whispered tone.

“Anong meron?” May dumaan na namn. Isa na naman itong San Miguel.

“Nylon! Pare! Si Berry.” pakilala ni Rory kay Nylon na namilog ang mga mata.

“You’re Berry?” Inilahad pa nito ang kamay para makipag-shake hands at tinanggap niya iyon saka bumitaw agad bago pa nito halikan ang kamay niya. Mukha itong chick magnet sa aura nito.

Maya-maya pa, pinaligiran na siya ng mga San Miguel Boys na hindi niya alam kung paano tanggihan. May alam ba ang mga ito na hindi niya alam? Suddenly, her eyes searched for Lirio’s presence.

Mukhang nakaramdam naman si Lirio dahil lumapit ito sa umpok ng mga pinsan nitong magugulo. Akala mo eh, isa siyang artista. Kunot ang noo nitong lumapit sa kanila.

“Anong kaguluhan ito?” Parang alon ng Red Sea na humawi ang mga pinsan nito. Nagulat si Lirio nang makilala siya. He looked so elegant yet charming in his black and white suit.

“Berry?”

“Lirio.”

Nagpalipat-lipat ng tingin ang mga pinsan nito sa kanila.

“She’s your Berry?” pilyong tanong ni Lester.

“Yes,” walang gatol na sagot ni Lirio. Halos sabay pa silang napangiwi. “Sorry, that came out weird. Are you okay?”

“I guess?” She almost smiled.

“Okay, guys. Time na maglaho. Cut na! Director’s cut na!” Pinagtutulak ni Skip ang mga pinsan nito palayo sa kanilang dalawa ni Lirio. “Bumalik na kayo sa pinanggalingan ninyo.”

“Isasayaw ko pa si Berry,” angal naman ni Nylon na hinihila na ni Shone.

“Malamang, di ka papayagan ni Lirio. Hanap ka ng iba. Ayon! May chicks oh!” Kinaladkad na ni Boston si Nylon na nagreklamo lang.

Natatawa si Berry sa kakulitan ng mga ito. Mukhang naintindihan naman ng mga ito ang matalim na mga mata ni Lirio.

“Pasensiya ka na sa kanila. Ganoon talaga ang mga iyon. Mga ususero, kalalaking tao,” nakasimangot nitong turan.

“Mababait naman sila.” Napatingin siya rito. “Naikuwento mo ba ako sa kanila?”

Parang nahihiyang napakamot ito sa batok nito. “Thalassa slipped. Then the whole Clan, knows about it. Maybe, except for the elders. The females are nosy. Malabong hindi makarating sa kanila.”

“Thalassa? The little girl? Is she here?”

Ngumiti ito. “Nabanggit ko lang siya. Nagningning na ang mga mata mo. She’s here. In kid’s section, kasama niya ang ibang mga bata. Nandito rin si Ibarra. It’s his first time to be here.”

Pumainlanlang ang isang pamilyar na kanta at inilahad nito ang kamay nito sa kanya. “May I have this dance, lady?”

Parang nag-transport siya bigla sa reunion nila ngunit iba ngayon. She’s comfortable, not uneasy and anxious like before. Marahan niyang tinanggap ang kamay nito at hinayaan siyang igiya sa dance floor kasama ang ibang pares na sumasayaw. Nakikita niya ang mga babaeng nakamasid sa kanilang dalawa at ang iba’y babalatan pa ata siya ng buhay.

“I’m afraid, wala bang hahabol sa akin ng gunting?” Bahagyang humigpit ang hawak niya sa balikat nito. Hindi nito nilingon ang tinitingnan niya.

“I’m afraid too. I’m kind’a popular here. Remember the child me? Matagal na akong hindi nakadalo ng Christmas ball. Last, maybe in teen years,” he admitted.. Itinago na lamang ni Berry ang kanyang ulo sa dibdib nito ngunit may espasyo pa rin naman.

“Yeah right. Kung isayaw mo kaya sila?”

“Ikaw lang isasayaw ko ngayon. Tinatamad pa ako niyan,” pag-amin nito. Napansin naman ni Berry ang bahagyang panginginig ng mga kamay nito na nakahawak sa beywang niya.

“Nanginginig ka?” He looked so cute that she almost smile.

Lirio almost pouted. Tila nagbalik ang pagiging playful nito noong mga teenager pa sila. “Sorry, ang ganda mo naman kasi.”

She rolled her eyes. “Nambola ka pa talaga.”

“Don’t lie, alam mong maganda ka. At pogi ako,” he chuckled. “Kung hindi ako lumapit. Baka isinayaw ka na ni Nylon. You can dance with my cousins except for that womanizer. Wag na nga pala.”

“Binawi mo lang naman sa huli. Kulit.” Mukha silang mga timang na nagtawanan lang habang nagsasayaw.

Wishing I was by your side 

cause when I am not there enough 

Nothing feels right 

So I’m coming back to show you that I’ll love you the rest of my life

“The song is nice. Gusto mong gawin nating theme song?” Lirio asked, showing his dimple. Muntik na siyang madala sa mga ngiti nito. As usual, inikutan niya ito ng mga mata.

“Theme song para saan?” And no, she won’t entertain the fluttering of her heart.

“Natin. Ayaw mo?” he grinned. He guided her in the middle of the dance floor, as if they’re the highlight of the Christmas ball.

“Dami mong alam,” nasabi na lang niya at natawa. Inikot naman siya nito at sala niya namalayan na halos nakatingin na lahat sa kanila ngunit tila walang pakialam doon si Lirio. Nakatutok lang ang atensiyon nito sa kanya.

“You’re smiling,” he said, smiling too. “Ang damot-damot ng ngiti mo. Parang gusto kong pagkaitan ang lahat ng mga tao rito sa mga ngiti mo.”

She was speechless and she was more speechless when he suddenly raised her as if she’s a ballerina. She was so shock that she held unto his shoulders. And Lirio was half-laughing and he effortlessly carried her down. He grinned. Napakurap-kurap na lang siya. “Gusto mo ulitin natin?”

“Sira ka ba?” Bahagya niyang hinampas ang dibdib nito. Doon niya namalayan na halos magkayakap na silang dalawa at sila lang ang nakatigil sa dance floor..

“My parents are coming.”

“What?” Bibitaw na sana siya rito ngunit mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanya.

“Stay with me. Ayoko ring isayaw ka nang kung kani-kanino lang na walang paalam sa akin.” Hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito. Ano bamg nangyayari sa isang ito? He was such a smooth talker. Tila ba mas lalo itong naging malambing kompara noong nasa Cebu sila. And they’re not even into that kind of territory. And Berry was still afraid to admit the changes in her.

Nagpalit ulit ng kanta at pamilyar iyon kay Berry. Namula siya nang maalala ang pagwalk-out niya sa reunion nang malaman na siya si Quince. Ang nagsulat ng Scarlet’s Letters.

“This is the piece that you played with your violin,” he murmured. His eyes were faraway. Inalala ba nito ang kahapon na parte siya?

“Naalala mo pa? It was too long ago.”

“You didn’t tell us you can play the violin.”

Berry smiled. Maging siya, di niya inaasahan na magagamit niya ang violin lessons niya noong bata pa siya. It was because of her mother’s decision for her to play a classic instrument in order to be ladylike. “I did.”

“I want you to play this piece.”

“Again?” It was too long ago. Inikot siya nito at saka naman siya nito inilapit sa sarili nito. Berry felt like she was falling from a precipice.

“Yes,” makahulugan nitong sagot. “But first, I have to introduce you to my family. I can feel their knife-like stares on my neck.”

Bigla siyang pinanlamigan. Maagap na hinawakan nito ang kanyang kamay.

* * *

Meanwhile . . . 

Nakamasid ang magpipinsang San Miguel sa pamilya ni Lirio at si Berry na mukhang nahihiya pang nagpakilala sa mga ito. The lady is elegant and simple in her own way.

“I think our Lirio boy is in love.” Napalingon ang lahat sa tusong unggoy na si Lester. Nasa tabi nito ang nananahimik na si Randall Earl na napilitan lang na pumunta roon sa Cagayan De Oro. Dahil tiyak na papagalitan ito ng Lolo Dos nila.

“You’re not planning something again, Les?” Nylon asked and tsk-ed. “Sayang. Ang ganda pa naman niya.”

“Binakuran na ‘yan ni Lirio. Off limits na si Berry, p’re,” ani Skip na tuwang-tuwa sa nakikita. Kinakausap ni Tito si Berry at mukhang seryuso ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Mukhang wala ng pag-asa. Meet the parents eh kahit wala pang label.” Napapalatak pa si Nylon. Hindi naman nasasayangan talaga si Nylon. Isip nito, baka mahawaan lang niya ng kadugyutan si Berry. Aminado siyang medyo gago siya minsan sa mga babae.

Si Skip. Bawal. Dahil isa itong aktor. Si Shone naman, hindi interesado dahil palipat-lipat ito at tiyak na walang babae ang makakatiis ng lifestyle nito. Si Randall Earl. Hindi rin puwede. Kabilang ito sa triad. Grupo ng mga masusungit na San Miguel. Missing in action sa tsismisan nila doon. Kailan ba nahilig sa tsismis ang tatlong iyon?

“I have an idea!” Lester blurted out. He even clapped his hands.

Napangiwi si Shone. “I don’t think it’s a good idea.”

“Who’s gonna bet that Lirio is falling for Berry?” Lester asked. It earned a different reaction from the San Miguel boys. Except for Randall Earl.

“And who’s not?” Skip continued.

“That’s so obvious.” angal naman ni Nylon. “How about? Them as lovers? Weeks, years, or minutes?” he smirked.

“I give it two years.”

“One year.”

“Three months.”

“Six months.”

Kanya-kanya na ng hula ang mga ito.

“Anong itataya mo, Nyl?” Lester asked to Nyl.

“Kidney ko.”

“Walang kailangan ng kidney mo. Lasenggo ka.” saway ni Shone.

“You mean, atay? At hindi ako lasenggo, gago.” Nylon corrected. Shone just give him the glare. 

“Itataya ko Mini Cooper ni Randall Earl.” Lester said. It earned a scowl from the classical musician.

Mga kalokohan lang naman ang itinataya ng mga ito. Walang tumaya ng pera. Wala iyong thrill sa mga San Miguel. Pati mga tao’t hayop, ipinantaya ng mga walanghiya.

* * *

“Nang mawala siya, nagbago ang anak ko. Nasiyahan man ako na naging responsable na siya at interesado na sa negosyo ng pamilya ay di ko pa rin maiwasan maging malungkot para sa kanya. Sinong magulong ang gustong makitang nasasaktan at nalulungkot ang anak sa kabila ng mga tawa’t ngiti niya? Kaya pinagbibigyan ko siya sa lahat ng mga kalokohan niya dahil alam kong parte iyon ng pagmo-move on niya,” paglalahad ng ama nito. Kapwa sila nakamasid kay Lirio na kausap ang ina nito at ang Ate Luanne nito na katabi ang asawa nito.

Luisito San Miguel is a formidable and serious man but underneath his hard shell, laid a gentle man who cares for his children. “Kaya masaya ako ngayon na nakikita siyang masaya. And with a woman. You must be special. Sa tagal ba ninyong sumayaw.”

Namumula si Berry, sa hiya. Nakamasid pala talaga ito sa pagsasayaw nila ni Lirio kanina. “I saw him, falling apart. From faraway. We were not close that time but I witnessed his growth. Noon, baka di ko na siya pinansin dahil nga puro siya kalokohan pero ngayon. Siya pa ang nagbubukas ng serious topics.”

“I’m glad for his changes and I’m glad he recovered from the grief. And I hope you’ll take care of him, hija.” Magaan siya nitong nginitian at napangiti na lamang siya. Ang suwerte ni Lirio na magkaroon ng ganitong ama. Ang hinayaan lang itong makalipad.

“I can’t promise. But we were neighbors. So maybe, I can check him from time to time,” she lightly said. Hindi na lang niya ikinuwento na madalas binubulabog siya ni Lirio sa umaga sa bahay niya. Baka sawayin pa nito ang anak nito at baka magimbal pa kahit na adults na sila. Mga conservatives pa naman ang mga San Miguel elders. Doon niya nadiskubre na Chinese at Spanish ancestry ang roots ng mga San Miguel.

“Kaya pala bigla na lang siyang bumalik doon. Dahil pala sa ‘yo.”

“Nope. Hindi po.” Natawa na lamang ito sa response niya. Kanina pa siya namumula.

“Why don’t you ask my son?” Tito Luisito asked and Berry didn’t know how to reply.

Kinakabahan siya sa magiging sagot ni Lirio kung sakali.

* * *

Chapter 26 (Part 2)

“Lirio!”

Nagulat ang lahat nang may babaeng tinalunan si Lirio at kumapit pa talaga dito nang napakahigpit. Maging si Berry ay napatabi sa akalang matatabig siya ng babae.

“Yel! Mahiya ka naman!” saway ni Lirio rito na sinikap na mabaklas ang babae na parang tuko na nakakapit rito. May ibang naeskandalo, lalo na ang matatanda roon sa ball. May iba namang natutuwa pa sa nakikita, na kadalasan mga kaedad lang nila.

The woman just grinned. Napansin siya ng babae na parang hindi ito nakakapit kay Lirio na ngayo’y bumitaw na. Maganda ito at halos magkasingtangkad sila. Mukhang may iba itong lahi at natural na mapula ang mga pisngi.

“Oh, hi! You must be the only lady he danced with.” The woman introduced herself to her. “I’m Yelena Cache Engelhart.”

Bago pa makahuma si Lirio ay nakabawi na si Berry. “Raspberry Luzano.” tipid niyang sambit.

“Lirio’s ex-fianceé here. You?” Natigalgal siya. Maging ang mga taong within earshot. Napangiwi si Lirio na hindi nagustuhan ang narinig. As usual, the San Miguel cousins snickered which earned scowls and glares from the elders.

“Oops. Ex-fianceé. He was really rude and kind of ruthless in appearance. And cold like a friggin fern in Antarctica from Jurassic Period. So I don’t have the hots for him, no big deal,” Yelena said with a scowl. Muntik nang matawa si Berry. Napaka-animated ng paglalahad nito.

“Really? Nakilala mo ba siya noong nagluluksa pa siya?” Berry asked, now smiling. She liked this woman. She’s not afraid to speak her thoughts.

Bahagyang umawang ang mga mata nito. “OMG! Iyon na nga. Nakilala ko siya noong pinagsakluban siya ng langit at lupa. How do you know?”

“I figured it out. I’ve seen having a meeting with some guys I don’t know in some Cafe. Coincidence. Probably, from work. Ang seryuso niya at mukhang masungit.” Hindi na lang pinansin ni Berry ang pagtingin ni Lirio sa kanya nang banggitin niya iyon.

Siniko ni Yelena si Lirio bagay na ikinadaing ni Lirio. Mukhang matulis ang siko ng babae o di kaya’y malakas lang talaga ang pagkakasiko nito. “Naku! Naku! Lirio San Miguel. Marami kang ikukuwento sa akin mamaya! And nice to meet you, Berry! I think I will meet you soon!”

At kung paano ito sumulpot ay ganoon din ang paglaho nito na lumapit sa kung saang table. She’s such a sunshine. Tiyak na magkakaroon ng allergy ang mga taong parang buwan sa lumbay.

“Hey, di ko alam na nakikita mo pala ako sa cafe meetings ko. Kailan ba ‘yan?”

Binalingan niya si Lirio. “At kailan ka pa nagka fianceé? She’s nice. Tiyak na ang ingay-ingay ng bahay ninyo pag kayong dalawa ang nagsama.” she casually said that but Lirio didn’t like it. Napasimangot lang ito.

“Ex-fianceé. Pinagkatuwaan lang ata kami ng board noon. Hindi ako pumayag at hindi rin ako tumutol. Hanggang sa naglaho ang kasunduang iyon at matuloy pa rin naman ang business venture.” pag-amin nito. Lumapit ito sa kanya. “And you? Gaano mo ako kadalas na inoobserbahan?”

Berry rolled her eyes for the nth time. “You happened to be at the same place. And at the same time.”

Kumunot ang noo nito. “Bakit di kita napapansin?”

Hindi nga siya nito napapansin noon kahit nasa iisang convenience store sila. Iisang classroom. Iisang jeep. Iisang cafe. Dahil abala ito sa pagnu-nurse ng broken heart at grief nito. At naiintindihan iyon ni Berry. “That’s because your heart is too broken. The effect of the grief and loss was so overwhelming that you didn’t notice your surroundings. It took a big chunk of your life. And you just didn’t care.”

“Is that why you didn’t avoid me that time?”

“Dahil iyon hindi ko na kailangan kang iwasan dahil wala ka namang pakialam na.”

Humakbang ito papalapit sa kanya. At di alam ni Berry kung bakit umaatras siya.

“And suddenly I didn’t care about why you are so snobb and cold, and a bit angry at me.”

“Wait! Bakit ka ba lumalapit?” She raised her hand in panic.

“Lumalayo ka kasi. Halika dito. Sagutin mo ang tanong ko. Why? Bakit parang galit ka sa akin noon? Knowing that I didn’t do something bad on you.”

No. She won’t answer his question. That would mean breaking her walls that already crumbling because of him. He already has an idea about it, back on the ship.

“Juan Ibarra!” Nakatagpo siya ng kakampi na ang batang Ibarra na papalapit sa kanila. Ginawa niyang pangharang ang pobreng bata. “Sorry, ang kulit ng Kuya mo eh.”

“Tinatakot mo po ba siya, Kuya?” Ibarra asked innocently.

“No. Ayaw lang niyang sagutin ang tanong ko,” sagot naman ni Lirio.

“Pero hindi n’yo po siya kailangang pilitin,” sagot naman ni Ibarra na ikinangiwi ni Lirio.

“I won’t.” Berry sighed in relief.

* * *

“Ang kalat mong kumain. Parang kang bata.” Berry took her handkerchief. Pinunas niya iyon sa kumapit na icing ng coffee cake sa gilid ng mga labi nito na ikinatigil nito. “Huwag mo ‘kong tingnan nang ganyan.”

Ito na ang humawak ng panyo. Mahihiya pa ba siya rito? Nakita na siya nitong magulo ang hitsura sa umaga. “Ganito ka ba lagi? Maasikaso?”

“I am not.” Berry found herself confuse. In-assess niya kung kailan siya naging maasikaso. Ganoon naman siya sa mga malalapit sa kanya at madalas sa mga bata pa.

“Madamot akong tao, Berry. Ayokong nakikihati,” sabi ni Lirio. At kahit hindi man direkta, alam niya ang ibig sabihin niyon kaya nga hindi niya masalubong ang mga mata nito.

“May natira pa yatang coffee cake. And maybe ice cream sandwich. Teka, pipili muna ako.” Bago pa man makakontra si Lirio ay tumungo na si Berry sa buffet table para mamili ng kakainin ni Lirio.

Pag nagtagal pa siya kasama ito ay tiyak na kung ano-ano ang lalabas sa bibig niya. Berry didn’t trust herself with Lirio

Di nga ba’y sinabayan niya ito sa pinagsasabi nito kanina? He’s too charming for her own good.

Nakatabi niya sa buffet table si Joaquin. Ito ang Kuya ni Thalassa. Gaya niya, wala pa itong napipili sa mga pagkain.

“Are you nervous with Lirio? You seem to. In a good way? I suppose,” he said and Berry didn’t reply. She’s afraid of her answer. “My cousin can be too straightforward but that man doesn’t lie. Magsinungaling na kaming lahat. Puwera sa isang iyon.”

“You’ve known him for so long, right?”

“How did you know?” Doon na siya napalingon rito. Joaquin smiled.

“I trust Lester’s radar, but not the owner. He’s too chaotic and a wicked schemer.”

“Like Lirio,” Berry said.

“So you knew him. Trust me, this second time around. Lirio will not fail you.”

“Second time around?” Anong second time around? There’s no first. There’s always been Eden Sofia.

Joaquin winked. “Oh, trust me. There’s a first time.”

Mas lalo siyang nalito.

* * *

Si Marc ba ang nakikita niya? At hindi ito nag-iisa. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang kasama nito. Kailan pa nagkakilala ang mga ito?

“Freya?” maang niya. Freya was wearing a black halter dress. Her younger sister’s eyes sparkled upon seeing her and instantly hugged her. Marc looked surprised and confused at the same time.

“Berry?”

“Marc?”

Halos magkasabay pa silang dalawa. Nagpalipat-lipat ng tingin si Freya sa kanila.

“Wait? Magkakilala kayo? Oh my gosh.” Freya prolonged the three remaining words and half-laughed. “Ate, he’s my boyfriend! Don’t tell me, mag-ex kayo?”

Napanganga siya. Kailan pa pumatol sa lalaki ang kapatid niya? Eh mas interesado ito sa marine creatures kaysa sa mga lalaki. At kay Marc pa na isa sa mga maiingay na lalaking nakilala niya.

“Magkapatid kayo?”

“He’s my batchmate.” Naging istrikta ang stance ni Berry. She’s crossing his arms, eyebrows raised. Kulang na lang mapalunok si Marc. Kung isinama ito ni Freya sa Christmas ball ay tiyak na seryuso si Freya rito.

Marc raised his hands as if surrendering to the authority. “Okay, I’m sorry. I didn’t know that you’re Freya’s older sister.”

“Really? You didn’t check her last name?” Parehong napangiwi ang dalawa.

“Akala ko magka-apelyido kayo. Di mo naman kasi kinukuwento na may kapatid ka,” sambit ni Marc na tinaliman niya ng tingin.

“The hell? Anong ginagawa mo rito, Marc?” Maging si Lirio ay nagulat nang makita si Marc. Si Marc naman ang nagtaka kung bakit magkasama silang dalawa ni Lirio. Bitbit ni Lirio ang dalawang champagne flute.

“Lirio? Kayo na ba?” Kulang na lang mapa-facepalm siya sa bulalas ni Marc dahil nakuha niyon ang atensiyon ng kanyang kapatid.

“Ate? Who’s he? I thought you’re a man-snob.” Kulang na lang magningning ang mga mata ni Freya.

“I’m Lirio San Miguel. Your Ate’s friend.” Lirio put down the flute on a table and offered his hand.

“Freya Luzano. My, ang pogi mo Kuya. Di ka malulugi kay Ate. Ibubugaw ko na po siya. Wala ‘yang boyfriend eh since birth.” Nilaglag pa talaga siya ni Freya.

“You owe me, Freya. Hindi mo sinabing nagbo-boyfriend ka na.”

“Uy, di naman ako masamang boyfriend. At di ko sasaktan ang kapatid mo,” depensa naman no Marc na nanlalaki ang mga mata, takot yatang buwagin niya ang dalawa. At muntik na siyang matawa sa ekspresyon ng mga mata nito.

“Boyfriend ka ng kapatid ni Berry. Paano mo ‘yan pinatulan, Freya? Eh maluwag turnilyo niyan sa utak.”

“Hoy! Paninirang-puri ‘yan brad! Akala mo, magandang impluwensiya kay Berry.”

Nag-aasaran na ang dalawang magkaibigan at nag-ungkatan pa ng mga petty na kasalanan noon. At natatawa na lamang silang dalawa ng kanyang kapatid.

“Di pa tayo tapos, Marc. Mag-uusap pa tayo.” She put her hands on her hips. At kapag ganoon na, seryuso na siya. At alam iyon ni Freya na hindi alam kung pipigilin siya o ano. Marc glanced at Lirio.

“Ah! May ipapakita pala ako sa ‘yo, Berry. Halika.” Bago pa man siya makatutol ay hinatak na siya ni Lirio papalayo sa dalawa. Nakita na lamang niyang kinawayan siya ni Freya at nakangisi si Marc na sinamaan niya ng tingin.

“Anong ginagawa mo? Kakausapin ko lang ang kapatid kong naglihim sa akin. Ni hindi ko alam kung nanligaw ba ang lalaking ‘yon,” angal niya kay Lirio na hinihila siya palabas ng lugar na iyon.

“Hayaan mo na sila. May next time pa naman. Baka pag-uwi natin sa Cebu, saka mo na gisahin si Marc. Gigisahin ko rin siya. Aba, kapatid mo ang pinatulan ng lokong iyon eh medyo gago yun pagdating sa mga babae.”

“What?” Ngumisi lang ito sa kanya at kulang na lang buhatin siya pababa ng escalator. Napairap na lang siya. “Itatapon ko talaga siya sa bangin pag niloko niya kapatid ko.”

Natawa ito. “Harsh mo rin.”

“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya. Pabor na rin sa kanya na umalis sila sa ballroom ng hotel dahil nakakapagpagod mapaligiran ng mga tao. Lalo na ang mga pinsan nitong magugulo at maiingay.

“Wanna joyride?” Umarko ang kilau ni Berry.

“Where?”

“Just around the city. Kung gusto mo, hanggang Misamis,” yaya pa nito. Mabuti na lang may jacket na dala si Berry na siyang ipinatong niya sa dress niya. Puti rin iyon. Pagkalabas nila ng hotel ay sinalubong sila ng hanging-gabi. Sinundan niya ito sa parking lot kung saan tinungo nito ang itim na kotse.

“May pang-picnic ako rito. Trip kong pumunta sa tabing-dagat. Gusto mo?”

“Iiwan mo lang ba ako rito?”

Natawa lang ito. “Lumabas na naman ang mataray na Berry. Nami-miss ko iyan paminsan-minsan.”

She rolled her eyes. “As long as hindi tayo maliligaw. It’s been years I didn’t go around Cagayan De Oro.” She hugged herself.

“Me too.” Naging malayo ang mga mata nito. Inalala ba nito ang mga taong nagluluksa ito sa babaeng malaki ang parte sa pagkatao nito? Ito na mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para papasukin siya. She seated beside him in the passenger’s seat. Hinayaan lang niyang nakabukas ang bintana nang paandarin nito ang sasakyan.

“We don’t have an exact destination for now as long it’s a body of water. Baka di natin alam ay sa Cagayan De Oro River tayo mapupunta,” pagsasalita nito na nakatuon ang mga mata sa daan.

“As long as hindi mo ako iiwan. Wala akong dala kahit ano bukod sa wallet ko,” sabi na lamang niya. Muntik na siyang mapangiwi dahil parang nangangahulugan na wala siyang tiwala rito pero mukha namang hindi ito na-offend.

“Before, I started to feel afraid to be left behind,” he opened up. “Days were longer when I kept on thinking everyone would leave me someday. Worrying about that shakes my sanity.”

“It’s reality. Someday, iiwan tayo ng mga tao. It hurts but we have to accept it no matter what.”

“How did you make your shell hard? Figuratively, I mean. Nasaktan ka na ba noon?” tanong nito. And Berry contemplated about it.

“Yes. As a kid. I was sheltered so it was really hard to make friends. Considering that I am a silent kid,” pagkukuwento niya. “I made friends but I am not their first choice. Kumbaga, may pinaka-best sila. Una nilang lalapitan at isa lang akong option. I wasn’t expecting something. Until Daisy came. I am her first choice and I’m glad for it. If I’m not comfortable, I tend to shy away. Hinahayaan ko lang sila hanggang sa namanhid na ako.”

“I don’t like the sound of being the second choice. But later on, na-realize ko rin na may kanya-kanya tayong dahilan. Maybe, sanay na tayo. Maybe, subconsciously pinoprotektahan na natin ang sarili natin sa mga taong sasaktan lang naman tayo sa huli. But me? Nasasaktan pa rin naman ako. Hindi nga ako maiwan-iwan nina Shawn at Noah noon dahil bigla na lang nangangawa. Nakakahiya pero kahit lalaki ako. Tao pa rin naman ako. Di pa naman sira ang tear ducts ko,” mahaba nitong paglalahad.

Sinamyo niya ang hangin na pumasok sa bintana. Papalayo na sila sa heart ng CDO at mukhang sa may tabing-dagat talaga sila pupunta.

“A man can cry, in silence.” She had seen Lirio on the verge of tears. “You don’t have to contain it for too long. It bottled up until you couldn’t stop for days. Mas alarming kung halos patay ka na kahit humihinga ka pa rin naman. When you’re hurting, you hurt the people around you.”

“I’m still afraid. Natural lang naman sa tao, di ba? Ang takot na maiwan ka ng taong importante sa iyo,” nasabi nito.

Naiintindihan niya ito at hindi na nagsalita bagkus mas lalo niyang niyakap ang sarili. Maya-maya pa, nakikita na niya ang pagkislap ng tubig-dagat sa ilalim ng buwan. Payapa sa pandinig ang paghampas ng alon roon. Itinigil ni Lirio ang kotse sa buhangin. It was an open beach and no one’s in sight, except for some boat and its light on the faraway sea.

“May picnic cloth. Do you prefer the sea or the hood of the car?” Malulubog lang ang heels niya sa buhangin kaya sa hood na lang.

“Ayos lang ba sayo na nasa hood tayo?” tanong niya. Berry wanted to experience sitting on the hood of the car. She was always the calculated woman yet whenever she’s with Lirio. Everything vanished. She embraced being spontaneous.

Kinuha ni Lirio ang picnic cloth sa likod ng sasakyan at inilatag iyon sa hood ng sasakyan. She placed the jacket in fron of here when Lirio guided her to the hood of the car. Magkatabi sila doon, nakatingala sa kalangitan.

“Andaming mga bituin. So many people in this world and then there’s only a few people you meet in this lifetime,” she said randomly. She traced the Orion constellation and Big Dipper in her eyes. It’s too clear out here.

“And I’m grateful because the universe allow me to cross paths with you,” he said, still staring at the sky. “Paano kung hindi mo sinulat ang libro? Baka habang-buhay ka nang mawawala.”

“I am not. I’m your best friend’s girl friend,” nasabi na lamang niya. “We were still related.”

“And I would be a fool for letting you stay in that ground. And it’s okay to be my company’s laughingstock as long as I have this moment with you,” he almost whispered, sincerely. Berry didn’t know why her vision suddenly blurred. This was just too much and she had to avoid her eyes.

Was she going to accept this defeat? Would it be worthwhile? Fighting against it or just going along with it because why not? This is Lirio she’s being with. Would she savor herself or shy away? She was too confused.

‘Accept it, Berry. Promise, it makes your heart warm. And everyday, you suddenly want to search for his face.’ The other voice said to her and she shivered.

“Hey, are you still cold? Gusto mong maglakad-lakad muna tayo?” he asked.

Tumango na lamang si Berry. “Okay.”

* * *

Overthinking and analyzing her feelings, Berry was lacking sleep. Sanau naman siya roon dahil kapag marami siyang iniisip ay matagal talaga siyang nakakatulog. But this time, her mind revolved around a certain person. She spent her Christmas with her family the night after the Christmas ball but she still thought about her time with Lirio.

Her family caught her sighing and looking outside the window as if she were looking for someone. She thought she would go insane if she kept on analyzing it. Emotions and feelings were irrational and it was beyond her control.

Maaga siyang nagpaalam sa mga ito matapos niyang ibigay ang mga regalo niya sa mga batang Luzano. Tutol man ang pamilya niya roon ay sinikap,niyang huwag magpaapekto. She would spent her New Year at the shelter and they respected that.

Nagulat na lamang siya na nakasalubong niya si Lirio sa terminal.

“I figured put that you’re going home too. Sabay ka na sa akin pauwi?” he offered. Humigpit ang hawak ni Berry sa kanyang trolley.

He looked so dashing with only his white shirt and denim jeans. Paano niya tatanggihan ang mga bulong na magtutulak sa kanya sa bangin na hindi niya alam ang kahinatnan?

Bago pa man siya makahuma ay may biglang sumingit.

“Oy insan! Babiyahe ka rin ba pabalik ng Cebu? Sabay na ako sa iyo. At kung ayos lang din, ikaw na bahala sa pamasahe ko sa bus!” It was Nylon much to their surprise. Yes, including Lirio.

Painosenteng naglipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa. “Pauwi na rin kayo, di ba?”

“What the hell? Akala ko—” Then Lirio looked at her. “Sumabay ka na sa iba. Panira ka naman eh.” 

“Mga insan!” Naglingunan ang lahat kay Skip na nakasuot pa ng sunglasses. Kasunod nito ang tahimik at nakasimangot na si Randall Earl. “Bigla ko kayong namiss!”

“Argh!” asar na usal ni Lirio, napapasimangot.

Natawa na lamang si Berry nang magsidatingan pa ang mga pinsan nito. Natahimik ang mga itong nakita siyang tumatawa sa alaskahan ng mga ito.

Berry smiled. “Sabay na kayong lahat sa amin.”

* * *

Chapter 27

“Dude, galit ka pa rin ba na nakisabit kami?” nakangisi ang walanghiyang si Rory.

Kulang na lang arkilahin nila ang ship dahil ang ingay-ingay nila doon. Sumama ang mga walanghiyang Rory, Nylon, Skip, Shone, at napilitan naman si Randall Earl na nakatulala lang sa dagat.

“Malay ba naming nakaplano na pala ang pagsalubong mo kay Berry sa terminal?” singit pa ni Skip na ginawang headband ang sunglasses nito. Wala ba itong commitments sa Thailand at pinatulan nitong magbarko?

“Naks. Stalker na stalker ang datingan, insan.” Si Nylon talaga itong mala-waterfalls ang bibig. Nagpatulong lang naman siya kay Freya kung kailan babiyahe pabalik ang Ate nito. Oo, naging malapit na silang dalawa ni Freya na ang kuwela-kuwela, kaibahan sa Ate nitong mala-Ice Queen minsan.

“Shut up.” Nagsipagbalikan sa puwesto ng mga ito ang mga walanghiya. Hinayaan siya doon sa upper deck dahil nilapitan ng mga ito sa Berry. She looked so pretty and refreshing in her light blue sweater and white jeans. Napasimangot siya nang ngitian nito ang pabling na si Nylon.

Sa kanya dapat ang ngiting iyon. Nakakabuwisit talaga ang mga asungot sa biyahe.

* * *

Back to normal ang lahat. Berry got back to work and her mind was occupied by the shelter’s events like parties and an upcoming outreach program in the South.

Sana’y di mahalata ni Lirio na iniiwasan niya ito. She was making sure she went out of the house at five in the morning. Para hindi siya maabutan nito.

Magulo pa kasi ang utak niya. Unti-unti pa niyang tinatanggap na malalim na ang pagkakahulog niya. Pakiramdam niya’y nasa isang kumunoy siya. Wala na siyang takas. Kahit tanggihan niya iyon, lulutang pa rin. She’s not Daisy who could wholeheartedly accept it and she had doubts. Sanay siyang walang returned thing sa bagay na nararamdaman niya at naninibago pa rin siya.

Nakipagkita si Daisy sa kanya sa Ayala. They dined in an outdoor restaurant somewhere in Terraces. Sa city ito nag-celebrate ng holidays kasama ang pamilya ni Noah.

“Is it me or may iba talaga sa iyo, Berry?” Daisy noticed. Her best friend really knew her.

“Ano?” Although, she already suspected why. But she wanted to hear her best friend’s observations first.

Naipilig nito ang ulo. “Like you’re blooming of something I don’t know. Or I know.” naniningkit ang mga mata nito.

Bahagya siyang napangiti. Makahulugan. Kung alam lang nito kung ano o sino ang gumugulo sa kanya nitong mga nakaraang araw.

“It’s hard to accept things that are so new to you but somehow a bit familiar.” She was trying to be subtle and Daisy understood it the way she smiled. Telling her with her eyes that she experienced it too.

“Bakit? You’ll runaway for so long? Di ba matagal mo na ‘yang ginagawa noon?”

“So you really have an idea what I’m trying to say. Hindi na nakakagulat,” nasabi na lamang niya. 

“Bakit? Wala man tayong contact sa isa’t isa noon. Ramdam kong may hindi ka talaga sinasabi sa akin noon. Halata namang ayaw mong i-confront iyon. I’ve been there. At first, confuse ako. Dahil baka normal lang ang lahat pero hindi. Nagpapakanormal lang ako. And you, dahil ba magkapit-bahay na kayo kaya may nararamdaman ka?” tanong nito.

Umiling lamang si Berry at inikot ang tinidor sa pasta na in-order niya. “I think I am comfortable with my conclusions before. And yes, I’m dodging it. Naninibago lang ako dahil wala naman akong ini-expect na matatanggap.”

“Promise, Berry. Hindi ka talo sa kaibigan ko. Walang panalo at talo. Ang importante, sinubukan mo. May reasons kung bakit pinaglalapit kayong dalawa. Sinabi mo nang lagi mo na lang siya nakakasalubong at nakikita.”

Napaisip din si Berry sa bagay na iyon. “I don’t know if I am capable of it.”

“Of what? Loving someone beyond words? You are. We are made of it. We are an image of it from above, my friend. Trust me.”

* * *

“I don’t know, Noah. Suddenly, I found myself walking in front of her house, like an idiot. In my bed hair and bedclothes,” Lirio confessed to Noah while they’re in a resto-bar.

“Kusa nang kumikilos ang katawan mo kahit hindi pa narerehistro ng utak mo,” dugtong ni Noah.

“Hindi naman ako ganito noon. I have a goal then. Alam ko na may gusto ako sa babae kaya nilapitan ko na. Kinausap ko na. At dinirekta. Pero iba si Berry. Parang nababato-balani na lang ako sa harap niya.” At ewan rin niya kung bakit pinagsasabi niya ito kay Noah. Mas mabuti nang si Noah kaysa kay Shawn na wala namang amor sa ganitong paksa.

“After all these years,” Napailing-iling si Noah. “Alam mo bang matagal ka na naming napapansin nina Klint.”

Lirio’s eyebrows shoot up. Dinampot niya ang shotglass na may lamang alak na konti lang naman ang alcoholic content.

“Ano naman?” Tinungga niya iyon at gumuhit sa lalamunan niya ang pait at init niyon.

“That you’re attracted to her in highschool despite her snob treatment to you. Your mind is only fixed on Eden Sofia,” Noah said.

Lirio shrugged his shoulders. “I don’t know. Ayoko rin namang lapitan ang taong ayaw naman sa akin. Hindi ako namimilit.”

“So, you want to pursue her?”

“Why not?” Napakunot-noo si Lirio. Na kay Berry ang desisyon kung gustong ito ang i-pursue. Kailan lang niya nalaman na nakakatanggap pala ito ng mga bulaklak mula sa admirers nito sa Foundation. At hindi lang sa Foundation. “Baka mairita yon kapag umaaligid ako.”

“Nairita ba?” Sa napansin niya, di naman siya itinataboy sa pamamahay nito at wala itong pakialam kung ginalaw niya ang mga stocks nito sa ref.

“I don’t know. I can read her but she’s fast enough to hide it,” Lirio spoke. “At saka, I am me when I’m with her. Hindi ko na iisipin pa na maging pormal o i-kontrol yung pagiging loko-loko ko dahil hinahayaan lang naman niya ako. I don’t have to be calculate like how calculated I am at our business meetings.”

“She accepts you for who you are. And I am too. Kay Daisy. Aminado akong may pagkakamali ako. But she accepted me. The wounded me. Di ba magandang magmahal ng taong buong puso kang tanggap. Not just scolding you or molding you to their ideals?” paglalahad ni Noah.

“People were used to my light personality. I didn’t even have deep conversation with other people. Casual. But with Berry. Bigla na lang akong nagiging philosopher sort of. And she understands. Iniisip ko nga, baka tingin niya sa akin noon eh mababaw na tao,” nasabi na lamang niya. Sanay na ang mga tao na ganoon siya kaya madalang na lang kung seryusuhin siya not until Eden’s death. Marami ang nabago sa kanya. May mga bagay siyang pinagsisihan at alam niyang hindi na iyon maibabalik pa.

“I don’t think so. Naisip ko nga na baka mas kilala ka pa niya kaysa kay Eden Sofia. Sumalangit nawa, but Eden Sofia acts like she didn’t have a dysfunctional heart so it was you who was adjusting.”

“And there’s even a phase I regretted my doings. Ditching classes. Sleeping in class. Didn’t care about my grades. Parang gusto kong magrebelde pero ayoko namang makompromiso ang kalusugan ni Eden Sofia sa katigasan ng ulo ko. They’re totally a different person. Eden was my past. And Berry is my present.”

Tinapik siya ni Noah sa balikat. “Why don’t you ask her? Who knows? May chance ka sa kanya?”

Lirio was unsure of it. Berry isn’t the type of person who romanticizes the idea of love or the possibility of a relationship. Yes, he admitted to himself that he was kinda scared because what if she left? Hindi niya iyon kakayanin nang pangalawang beses. But it’s now or never for Lirio. He was never a coward. He risked with Eden Sofia knowing that she had an illness that would take her away. With Berry, if he would get hurt. It’s part of the process.

“And by the way, baka hinahanap na ako ni Daisy. It’s New Year a few hours from now,” he reminded him of that.

Kasama sana siya sa New Year’s party ng kanyang kompanya pero umalis siya’t eto kinausap si Noah sa problema niya.

“Dito lang muna ako. Enjoy your night with Daisy. I’m happy for you, two.”

Noah genuinely smiled. Nang bumalik si Daisy sa buhay nito ay hindi na ito itsurang parang pinagsakluban ng langit at lupa. Di na rin gaanong ka-workaholic.

“You will be too. Put your faith on it. Wala namang madali, San Miguel. Lahat pinaghirapan.”

Kinawayan niya lang ito nang paalis na ito nang nakangiti. Buti pa ito masaya na sa piling ng girl bestfriend niya. Siya? Sumasakit na ang ulo niya isipin pa lang kung paano niya palambutin si Berry. Kung sana’y mag-transform siya bilang bata, baka mapalambot niya si Berry pero kahit ganoon. Pasaway siyang bata noon. Tiyak na puputi ang buhok ni Berry sa kanya.

At ngayon, napapansin pa niya na maaga itong umaalis ng bahay nito na parang iniiwasan siya. Sumobra ba siya sa Cagayan De Oro? He almost bare her soul. Tinakot ba niya ito?

Ginulo niya ang buhok niya. Buti pa uminom na lang siya ng alak. At wala siyang pakialam na New Year ngayon.

“Hey! Yung pinakamatapang nga na alak ninyo!”

* * *

Kahit nahihilo, sinikap pa rin ni Lirio na mag-drive. Drunk driving. Tiyak na tatanggalan siya ng lisensiya sa ginagawa niya. But he was not that drunk to the point he’s so wasted.

He entered the village. Inaantok na rin si Lirio pero nawala ang antok niya nang pumutok ang mga fireworks at may nakita pa siyang mga paputok sa labas. Buti na lang nasa loob siya ng kotse niya. Bisperas na pala ng New Year?

Lagot siya sa pamilya niya at lalo na sa mga San Miguel. Wala na naman siya sa family event nila sa New Year’s. Baka kokonyatan na naman siya ng Ate niya na parang isa siyang makulit na bata sa paningin nito.

Ang destinasyon niya ang bahay niya ngunit natagpuan na lamang niyang itinigil niya ang kotse sa isang bahay na tanging hindi nagpaputok nang kung ano. Pasuray-suray na bumaba siya ng kotse. Napahawak pa siya sa hamba ng pinto niyon. Inabot ni Lirio ang fruit basket na may lamang mga bilog na prutas na binalot sa cellophane. He realized that he liked to spent this New Year with the lady who lives inside the house.

Mapupungay ang mga matang nag-doorbell siya. Kulang na lang isandal niya ang buong katawan niya sa pinto dahil hilong-hilo na talaga siya.

“Berry! Yohoo! Let your hair down, princess!” biro pa niya. Damn, mukha na siyang baliw na stalker.

Ilang segundo muna siyang nanatili roon, yakap-yakap ang basket sa dalawang kamay.

Maya-maya pa, binuksan siya ng gulat na gulat na si Berry.

“Lirio?” Bakas sa mga mata nito ang sorpresa. Kahit lasing si Lirio, gulong-gulo ang buhok at lukot-lukot ang business suit, malinaw ang mga mata niya. Maganda talaga si Berry kahit hindi ito mag-effort.

Lirio flashed her smile. “Happy New Year, Berry. Will you spend your New Year with me?”

* * *

It was evening of December thirty-one. Pagod si Berry pagkatapos ng party nila sa shelter. Isa siya sa mga nag-asikaso roon. Kahit pagod, tuwang-tuwa naman siya dahil masaya ang mga ito. Fulfilling talaga ngayon ang trabaho niya.

Nag-prepare lang siya ng pagkain. Mga limang putahe na hindi naman niya mauubos. Kaunti lang ang mga prutas na nabili niya dahil rush hour na nga. Ang daming namili at the last minute.

Nang pumatak ang alas dose. Nasa may bintana siya, nakatanaw sa mga fireworks sa kalangitan. She was admiring the sparkles like a kid. Mga ilang minuto siyang nanonood nang biglang may nag-doorbell.

May bisita siya ngayong bisperas? Sino na naman kaya? Ang buong pamilya niya ay nasa CDO pa? May kutob si Berry kung sino.

Tinungo niya ang pinto at nang buksan niya’y napasinghap siya nang bumungad sa kanya si Lirio. Mapupungay ang mga mata nito at parang hindi makatayo nang maayos. He was holding a basket full of fruits in a cellophane.

“Lirio?” namimilog ang mga matang bulalas niya.

Matamis itong ngumiti nang makita siya. The man was drunk.

“Happy New Year, Berry. Will you have your New Year with me?”

Kusa nitong ipinasok ang sarili sa bahay niya at bago pa ito matumba ay kinuha niya mula rito ang fruit basket saka ito inilalayan sa sofa. Lasing nga talaga ito. Hindi ba nito kapiling ang pamilya nito sa New Year? He had a large extended family.

“Are you avoiding me?” he asked, his eyes were closed now. Nakasandal ang ulo nito sa sofa. Resigned that he’s drunk. Siya nama’y inilapag ang fruit basket sa center table. “Am I scaring you?”

Kung maalala lang nito ang pinagsasabi nito kinabukasan.

“If I am, will you stop?” tanong niya. Okay, it was stupid for her to ask because she already knew the answer.

“I won’t stop. I won’t back out. Now that I’m sure of it.” Kinabahan siya sa tinutumbok ng mga salita nito. Humagap siya ng hangin.

May mga paputok pa rin sa labas at iyon ang mistulang ingay sa pagitan nilang dalawa. “This time, I will risk. It’s like I’m in a battle, trying to win, not to lose. The battle I don’t even know the result. Do you know the reason why?”

“Why?” She was almost breathless. Makakaya pa ba niyang i-handle ang isang lasing? At si Lirio pa?

“Your smile. That’s the reason why. And a million reasons I couldn’t even explain. It was like walking on uncharted waters even though it’s already familiar to me. I was young at that time. Too young to understand.” He was almost half-confessing. Hindi alam ni Berry kung hahayaan pa niya ang sariling makinig rito. Until she was saved by the bell.

Nagpantay na ang paghinga nito. Nakatulog na ito sa sofa kahit hindi ito mukhang komportable doon. Nakahinga siya nang maluwag. Ano pa kaya ang sasabihin ng lasing nitong sarili?

“I don’t know if I can handle more of it,” Berry whispered, confusion all over her face.

* * *

Chapter 28

Dear Lirio,

Maybe, I’m denying. Or maybe, I’m good at hiding. When I think about the possibility of harboring more than admiration feelings, it caught me off guard. I didn’t think it that way when it comes to you. Your personality. Your disposition in life. How you were so free, from the shackles of the norms. That’s what I admire because I couldn’t be that kind of person. I am calculated. I think before I act. I made sure I made a few mistakes.

I have lots of pressure in me. Minsan, ako pa ang may kasalanan kung bakit nararamdaman ko ang pressure. Absurd. But seeing you shine, parang biglang mawawala na lang iyong bigat na nararamdaman ko in a little bit. Even though, it’s a short period of time. Even though you’re being too silly and goofy.

And I wish that I can see the real happiness in your eyes again. That only time could tell happiness can strike you again. I’m still confused. In so many years. The definition of admiration, bordering on something you have with a person years ago. I am a rational being. Doesn’t dwell too much on being irrational. But I am susceptible to it. Humans are.

I’m afraid. I have to admit that I’m struggling. It could be a passing one. A possibility of not forgetting it. A possibility of fading. If only.

Scarlet

P.S. It will take a long time to write a letter to you. Maybe, I won’t. Maybe, I’m all over it.

Mariing naipikit ni Berry ang kanyang mga mata. The Scarlet’s Letters notebook was glaring in front of her. Pinagkaisahan na naman siya ng tadhana dahil natagpuan na naman niya ang notebook niya.

Naglilinis siya ng bahay. General cleaning.

Apart from it, may kasalanan si Lirio roon. Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi noong gabing lasing ito. Inaasikaso nga niya ngunit iniwan naman niya kaagad na natutulog sa sofa. Hindi niya alam kung paano ito tingnan nang diretso sa mata na hindi niya iisipin ang mga salitang inusal nito kagabi. Sira-ulo. Bakit ba naglalasing ito at bigla-bigla na lang sumulpot sa bahay niya? Akala mo ay walang bahay. Ganoon ba ito pag nalalasing? Naliligaw sa ibang bahay?

Marahan niyang ibinalik ang notebook sa ilalim ng coffee table na natatabunan ng mga magazine. Doon lang muna dahil maglilinis pa siya. General cleaning. Isa sa mga paraan para hindi siya mag-overthink. Isipin pa lang niya na makakaharap niya si Lirio ay parang mauubusan siya ng enerhiya.

Mga ilang oras din ang itinagal ng general cleaning niya at halos baliktarin na niya ang buong bahay dahil may binago siya sa placements ng mga furniture. Tagatak na ang pawis niya sa noo sa pagtutulak at paghihila ng mga bagay roon. Nairita lang siya lalo dahil ang laman ng isip niya ay ang damuhong lasing kagabi.

Sa susunod na linggo pa magpapasama si Daisy para asikasuhin ang magiging kasal nito kay Noah at ayaw niya rin namang bulabugin ito sa Balamban. Si Dominique? May mga raket ang katrabaho at kaibigan niyang iyon. At hindi habang-buhay na tatakbuhan niya ang binata. Nagmana talaga siya kay Daisy, di man literal na mabilis tumakbo, nagagawa namang magtago.

Dahil nga pagod na siya ay diretso na siyang natulog pagkatapos niyang kumain ng dinner. Maaga siyang nagising kinabukasan at napag-isipang mag-jogging. Kumain lang siya ng mainit na carrot na pandesal na pinaresan niya ng cocoa drink na binili niya sa isang bakeshop. Doon na rin siya kumain.

Papasikat na ang araw nang magsimula na siyang ikutin ang lugar nila. Napadpad siya sa lugar kung saan matatagpuan ang isang tribe center at nasa baba ang malawak na patag na puro damuhan at mga puno pati sa gilid ng mga kabundukan. Malamig ang dampi ng hangin sa kanyang balat.

Berry stayed in front of the majestic view, waiting for the sun to rise when she heard some footsteps. Kahit nakatalikod, bumilis ang tibok ng puso niya. Naipikit niya ang mga mata nang bahagyang humupa iyon, pamilyar na sa taong bigla na lang lumapit sa kanya.

Nang lingunin niya ito, nakayuko ito, hingal na hingal mula sa pagtakbo. Hindi nito alintana ang pawis na naglandas sa gilid ng mukha nito. Basa rin ang buhok nito at amoy bagong paligo rin. Katulad niya, nakasuot rin ito ng white shirt at jogging pants.

“Hi,” he greeted her with that sunny smile on his face, as if he’s not drunk the other night. Kulang na lang singkitan niya ito ng mga mata.

“Hello.” Halos bulong na lang iyon. Ibinaling muli ni Berry ang mga mata niya sa papasikat na araw. Unti-unti nang kumakalat ang liwanag. Magkahalong pink at dilaw ang kulay sa kalangitan na mas lalong nagpapaganda sa tanawin.

“It was sunset when Noah and Daisy’s heart became one.” Ayon na naman ang kaba niya na parang magbabara pa ata sa lalamunan niya. Sa gilid ng mga mata niya, napayuko ito. Tila may kung anong interesanteng bagay ang nakita sa baba.

“Kung anuman ang sinabi ko kagabi, all of it were not lies. And I intentionally drove to your house because I was lonely. I pretended that I am not years before. Tinatanong nila ako pero ang laging sagot ko, oo. When all of it were just lies,” dugtong nito. Sumabog ang liwanag.

“I don’t know why but somehow, you light me up. The torch in me burns whenever I saw you. That’s a good thing to move forward, right?” Hindi magawang makaimik ni Berry. Tila nagbara na lahat ng mga pinag-iisip niya. Na-flush na lang bigla. “If you allow me to.”

Ano ang isasagot niya? Naumid na ang dila niya at naestatwa na siya sa kinatatayuan niya. Lirio grinned heartily.

“Nahihiya ka.”

And it took her courage to spoke. “Hindi.”

Bahagya siyang natigilan nang inabot nito ang mukha niya at hinawi ang naligaw na hibla ng mga buhok roon.

“I guess I have to do this often times.”

“What?” Humakbang ito papalapit sa kanya. It was a chaste touch of his finger on her soft cheek, but it’s enough to create shivers on her bones. Hindi naman kasi siya sanay na hinahawakan ng lalaki, maliban sa Kuya niya.

“Because seeing you like this, it made my day.” She felt exposed and vulnerable. At sanay siyang may isasagot, sasabihin ngunit ngayon ay wala siyang maapuhap na mga salita.

“Hoy, nakatulala ka diyan? Hindi ka maglu-lunch ha?” untag sa kanya ni Dominique.

Blangkong nakatitig lang si Raspberry sa folder niyang may mga papeles. Tapos na niyang suriin ang mga iyon at halos wala na siyang ginagawa.

“Sabaw ka yata ngayon? Maybe, you need fresh air? Maglakad-lakad ka muna sa labas. Subsob ka sa trabaho these past few days. Hindi naman tayo niru-rush ni Mada’am. Kaka-greet lang ng buwan ng January,” suhestiyon sa kanya ni Dominique na may kung anong kinalkal sa bag nito.

Sinadya niyang magpakasubsob upang hindi na siya makapag-overthink pero sa huli, natutulala lang siya.

“I was almost finished here. Bibisitahin ko na lang sila sa center.”

“Magpapaka-therapist ka na naman sa mga tao sa center.” Mga ilang hakbang lang naman ay center na kung saan doon muna nanatili ang mga kababaihan at ang mga bata.

Berry shrugged her shoulders. “It helps them. Sasabay na ako sa kanilang mag-lunch.”

Wala namang kaso si Berry na nagmukha na siyang therapist at hindi naman nagrereklamo ang Founder. Nakatulong pa nga siya upang maging at ease ang mga taong napupunta sa center. Isa pa, maboboryo lang siya pag nasa opisina siya lagi. Mas gusto niyang kalaro at kausap niya ang mga bata.

Pinaliligiran siya ng mga bata nang may nag-deliver ng bouquet ng bulaklak. Akala niya, iisa lamang ang bouquet. Naging sunod-sunod ang delivery.

May mga note doon at natutop na lang niya ang bibig nanggaling ang mga pumpon ng mga bulaklak sa mga pinsan ni Lirio. Para lang mang-asar.

Hi, magandang binibini. Don’t tell Lirio about this. – Rory

Hello, you’re beautiful but Lirio will electrocute me if he knows this. – Nylon

Gandang araw, magandang miss. Gusto lang naming mang-asar. – Lester

I don’t know why they kept on bugging me about this. I don’t trust my cousins but all I can say is, Lirio was the least naughtiest among them. – Randall Earl

Hi, Berry. Pahirapan mo ang pinsan namin. Mga ilang taon. Haha. Kidding. Thanks for taking care of our baby Thalassa. – Joaquin

I’m giving these flowers as a gratitude for looking after my younger brother, Ibarra. My cousins annoyed me about it. – Fourth

Hi, hindi kita kilala. But yeah, hi – Gin Greece

Natawa sa huling note na nabasa niya na mula sa isang pinsan nito na mukhang seryuso sa buhay. Nagkaisa ang mga San Miguel na pag-tripan si Lirio kahit na clueless ang iba nitong mga pinsan na mukhang napilitan lang.

“Waah! Sino pong nagbigay niyan, Ate Berry?”

“Prince Charming! Si Prince Charming!”

“Ang bango po!”

Kanya-kanya ng komento ang mga bata na tuwang-tuwa sa mga bulaklak na halos takpan na ang buong mukha ni Berry. Hindi naman siya fond sa mga bulaklak pero na-appreciate niya ang panggugulo ng mga ito sa kanya.

Inaayos niya ang mga bulaklak upang ilagay ang mga ito sa vase ay may pumaradang kotse sa harap ng gate ng center. She was holding a bouquet to transfer it in the middle of the table when the man from the car opened the door of the car.

“My, my? Sinong pogi na ‘yan ha?” usisa ni Sean na unang nakapansin sa bumabang si Lirio. Nakasuot pa ng business suit si Lirio.

“Type mo, Sean?” pang-aasar ni Dominique na nandoon na pala. Sinamaan lang ito ng tingin ni Sean.

“Manliligaw ni Berry?” Tila nagningning ang mga mata ng bata roon maging ang ibang nanay sa center.

Nang makalapit si Lirio ay nakasimangot ito nang makita ang mga pumpon ng mga bulaklak.

“Who gave that to you? That’s plenty,” he frowned. She was relieved that she hid the notes from the bouquet. Tiyak na malalaman nitong pinagkaisahan ito ng mga pinsan nito.

“Mga admirers niya. You see, pogi. Matindi competiti—” Hindi na natuloy ang sasabihin ni Dominique nang takpan ni Sean ang bibig nito at hilahin papasok sa pasilyo kung saan papunta ng opisina nila.

“Admirers mo?” Mas lalong nangunot ang noo nito. Kimi lang siyang ngumiti rito, naalala ang mga kalokohan ng mga pinsan nito.

“They’re nice.” Hindi na maipinta ang mukha nito. “Ano palang ginagawa mo rito?”

Saka lang nito napagtanto ang bagay na iyon. Napatingin-tingin ito sa paligid nito na nakatingin sa kanilang dalawa kahit na abala ang mga ito sa paglalagay ng mga bulaklak sa mga vase.

“Hindi ba puwedeng makita ka?”

Umani tuloy ito ng kantiyaw at tukso.

“Uy! Ano ‘yan ha!”

“Manliligaw nga ni Berry! Kilatisin nga natin!”

“Bagay sila! Never mind, hindi ko na irereto si Berry sa sira-ulo kong anak.”

“Hijo, nakapagpaalam ka na ba sa mga magulang niyan?”

Mukhang hindi lang siya ang namumula ang mukha sa hiya, maging ito’y hindi alam kung saan susuling sa mga tanong ng tao roon. Ibinaba niya ang bouquet.

“You want to go outside?” Baka mas lalo pa itong matuod roon kapag hindi pa sila umalis sa center. Isa pa, maigi na rin, hindi siya makakagalaw nang may maraming mata na nakamasid sa kanilang dalawa.

They were walking side by side when he asked. “May sasagutin ka ba sa manliligaw mo?” 

Saglit siyang napangiti nang lihim nang hindi pa rin maitsura ang ekspresyon sa mukha nito.

“I am not easily move with flowers,” tanging nasabi lamang niya. “It depends.”

“On a person?”

“I would like to receive it from a child.”

Kulang na lang magprotesta ito sa nalaman ngunit nangingiting napailing lang ito.

“May trabaho ka pa. It’s still one in the afternoon,” paalala niya rito.

“Babalik din naman ako pagkatapos nito. Gusto lang naman kita makita.” Napayuko na naman siya. He didn’t even filter his words. He grinned. Pailalim na sinamaan niya ito ng tingin.

“You always have something to say but when I talk about feelings. Bigla ka na lang tumitiklop o nahihiya.” Nanatiling nasa harap ang mga mata ni Berry. “Ayaw ko rin namang magpaligoy-ligoy pa. I want to take a risk. If you aren’t comfortable, then just say it. I will give you some space to breathe.”

Ang mga huling mga salita nito ay playful ang tono. Pinagmukha pa yata siya nitong hikain.

“I’m okay,” nasabi na lamang niya.

“Are you? Nanginginig ang mga kamay mo,” tukoy nito sa mga kamay niyang nanginginig nga kaya itinago niya iyon sa likod niya. Namumula na rin ang mukha niya. Mukhang aliw na aliw ito sa nakikita nito.

“It’s okay, I just want to see you.”

“Makikita mo naman ako sa village.” Umirap siya.

“Hindi ako makapaghintay. I can’t wait for couple of hours. Sinadya na kita rito, baka tumakas ka na naman.”

Tumalim ang mga mata niya. “I did not.”

“Pareho kayo ni Daisy,” akusa nito, tonong nang-aasar. Napatigil tuloy siya sa paglalakad.

“I think it’s time for you to go back to your work.” Ngunit hindi man lang ito natinag.

“Scary. But okay, I’ll give you some space. Pero bibisita ako sa iyo sa gabi. Ako ang magluluto.” Hihirit pa sana siya pero itinapat lang nito ang daliri sa bibig, senyas na tatahimik na muna siya. Saka ito ngumiti. “Relax, pagsisilbihan lang kita.”

At kumindat pa talaga ito. In broad daylight. Napairap na naman siya.

“May sira ba mga mata mo?” sa halip na sabi niya sabay tinalikuran ito upang lumapit sa stand na may nagtitinda ng purified water. Baka ma-dehydrate pa siya sa mga hirit nito.

Lirio was frustrated when the clock struck eight in the evening and he was still stuck in his office. May biglang aberya sa Accounting Department at to the rescue naman ang IT Department. Related sa computers ang problema at maging siya ay nakialam na rin dahil malaking bulilyaso iyon sa system nila. Baka sermunan na naman siya ng pinsan niyang si Fourth sa monthly meeting nilang magpipinsan.

“Boss, kanina ka pa ah. Akala ko may lindol sa mesa mo. Hindi ka mapakali.” Maging si Ciara ay na-stuck pa rin doon upang asikasuhin ang mga nadagdag na mga papeles. Naglilikot kasi ang mga paa niya habang sinusuri ang mga papeles na dumadaan sa mga mata niya.

Hindi niya maiwasang pagalitan ang mga employee niya sa Accounting department, natuklasan kasi niyang hindi nito mino-monitor masyado ang mga interns na baguhan pa sa sistema ng kompanya nila. Kilala talaga siyang terror sa kompanya nila at isa pa, ang lakas niya makabanat kay Berry kanina sa workplace nito pero hindi naman matutuloy na ipagluluto niya ito. Hindi nga siya makaalis sa opisina niya.

Umasa ba ito? Naghihintay ba ito sa kanya? Anong oras na?

“Curious tuloy ako sa babae mo, boss.”

“What?”

“Ay, defensive ang lolo mo? Halata kaya? Hindi ka mapakali. Para kang asawa na gusto nang umuwi sa piling ng kanyang magandang maybahay.” Tumaas-baba pa ang kilay nito habang nagpa-photocopy. May photocopy machine sila doon.

“Ganyan talaga pag uhaw na uhaw na.”

Sinamaan niya ito ng tingin at itinabi ang folder na tapos na niyang inspekyunan. Ang lagay, hindi siya impress sa proposal na nasa folder at ipapabago na naman niya. Sabay silang mastr-stress ng empleyado niya. 

“Bibig mo, Ciara. Baka gusto mong ibala na naman kita kay Fourth?”

Nahindik na naman ito sa pagbabanta niya at muntik nang mabitawan ang hawak nitong folder na may bagong photocopies. “’Wag namang ganyan, boss. Gusto mo ilakad pa kita sa minamahal mo?”

“Isa, Ciara.”

“Okay, fine. Tatahimik na ako.”

Nakatitig lang si Lirio sa harap ng bahay ni Berry. Bukas ang ilaw ng bahay nito. Alas onse na ng gabi. Pagod man sa trabaho ay dumiretso pa rin siya sa bahay nito. He’s still in his suit. Na ngayo’y nagusot na sa pag-oovertime sa opisina.

Pinihit niya ang seradura ng pinto at nagulat na bukas pala. Dahan-dahan siyang pumasok, dala ang grocery bags na may lamang ingredients na lulutuin niya. Pasta lang naman at madali lang lutuin.

Una niyang napansin ang bumbunan ni Berry. Makikita kaagad ang sala sa bahay nito maging ang kusina.

“Berry,” tawag niya rito ngunit hindi ito gumalaw. Nakasandal lamang ang ulo nito. Nang tuluyan na siyang humarap rito ay natagpuan niyang nakapikit ang mga mata nito. Nang itapat niya ang palad niya sa bibig nito isang dangkal ang layo ay pantay na ang paghinga nito.

She was sleeping peacefully. Umuklo siya sa harap nito. Nakayakap ito sa cushion pillow. Mukhang naghintay nga ito sa kanya.

Konti na lang, panggigilan niya ito. Her cheek was soft. Hinawakan niya sandali dahil hindi siya makapagpigil. She’s fierce and strong enough to face anybody. Mataray ito, nagsusungit ngunit kapag bumabanat o humihirit siya ay bigla na lang itong matatahimik. Mahihiya. Mapapayuko ang ulo nang kaunti. At mamumula ang mga pisngi. Maganda na nga ito, mas lalo pang tumingkad ang ganda nito sa mga mata ni Lirio. And he couldn’t take his eyes off her.

Lirio removed his coat. Nilislis na rin niya ang manggas ng kanyang long sleeves. Tinanggal na rin niya ang tie niya. Ipagluluto pa rin niya ito kahit na natutulog na ito. She could reheat and ate this in the morning.

Pinakialaman na ni Lirio ang kusina nito. From the looks of it, Berry was not that fond of cooking but he could do it instead. Paglulutuan niya ito ng kahit ano. Simula ngayon, mag-aaral siya ng ibang recipes para sa magamit niya sa future nila.

Naipilig niya ang ulo. Mukhang kailangan na nga niya ng pahinga dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. And he didn’t even budge. He’s opened for possibilities with Berry.

Nang tuluyan nang maluto ay tinakpan niya iyon. Naghanap siya ng note na masusulatan. May nakita siyang notepad sa ilalim ng coffee table. May kung anong floral notebook na luma na ang nakasilip sa ilalim ng mga magazine.

Maingat niyang kinuha ang notebook.

“What’s this?” At nang madiskubre niya kung ano. Isa lang ang pumasok sa isip niya, he would risk everything.

Not even a blink could make him sleep that night.

* * *

Chapter 29 

There’s something not right. Nakatanggap siya ng text mula kay Dominique na ito na muna ang bahala sa opisina at sa bahay na lang siya magtatrabaho tutal dala naman niya ang mga papeles.

She left her door open and realized that she really waited for Lirio. At mukhang tumuloy ito kagabi dahil nakita niya ang pasta na tinakpan nito. She reheated it and ate it as her breakfast. Masarap ang luto nitong pasta. Nabusog siya.

Pagkatapos ay naligo na siya’t nagbihis. Pupunta pa rin siya sa Foundating, kung ano man ang niluluto ni Dominique ay hindi niya alam. Aalamin pa niya. Suspicious kasi dahil may aasikasuhin pa sila para sa isang activity na magaganap sa isang province. She preferred to plan and organized it meticulously. Swift siya pagdating sa details.

She was fixing her hair into a bun when she saw a figure in the sala. Nasa paanan na siya ng hagdan nang makilala niya ito. He’s wearing a cotton white shirt and black pants. Basa pa ang buhok at may hawak pang tasa ng kape.

Her eyes widened when he saw her, smiling at him. There was something in his smile too. Tila nagliliwanag ito at hindi maganda ang kutob niya.

“You left your door open so I let myself in,” he casually said while sipping on his coffee. Mukhang kinuha nito ang tasa sa bahay nito dahil wala siyang tasa na may print ng Stitch. “It’s good that the village has a tight security.”

Nanatili lang siya sa huling baitang ng hagdan, nakatingin rito. Ngumiti na naman ito nang matamis na may kasama pang kislap ng mga mata. May ibig ba itong iparating? Then, he chuckled.

“Sorry, may naalala lang. Tapos ka nang mag-breakfast?” tanong nito.

“I ate your pasta. Nagluto ka pala kagabi. Hindi mo ako ginising,” she said, still avoiding his eyes. Bakit ba bigla na lang siyang nailang kung paano siya nito tingnan? Like, she’s the only person that mattered to him at that moment.

“I didn’t. You look like an angel when you’re sleeping, far from a lioness when you’re awake,” pang-aasar pa nito. Inirapan niya tuloy ito. But a part for her was relieved. Mas maigi nang asarin siya nito kaysa sa bumanat na naman nito. But his words were in between.

“Sad. Hindi kita nakitang bagong-gising.” Napamaang siya rito at sumimsim lang ito sa kape nito na pinakialaman malamang nito sa kusina niya.

May kung anong nag-uusap sa labas ng bahay at kaluskos ng mga bagay. Huli na nang malaman niyang ang mga magulang niya iyon na nagulat rin na makita siya roon. Na may kasama. 

Natuod si Lirio, humigpit ang hawak sa tasa nitong may kape. 

“What is the meaning of this?” His father, Edward, asked. There’s a spark of recognition on his face when he glanced at Lirio. Natutop naman ng kanyang ina ang bibig nito. “Bakit kasama mo ang anak ni Luisito?”

Bakas sa tono ng boses nito ang pagiging overprotective sa anak nitong babae. Hindi rin nito nagustuhan na nakita siya nito kasama ang isang lalaki sa bahay niya at ang aga-aga pa.

“You let a guy enter your premises, anak?” malumanay na tanong ng kanyang ina na bagama’t unang nakabawi ay bakas pa rin ang pagtataka at gulat sa mga mata.

“Who are you in my daughter’s life?” Naitago ni Lirio ang pagkangiwi nito sa tila galit na tono ng kanyang ama. Berry stepped up. Lumapit siya sa mga ito. Bakit dumating ang mga ito na hindi nagpaalam sa kanya? Pareho silang nasorpresa at nagulat.

“Pa.” Magsasalita pa sana siya nang mas lalo siyang mamutla nang may dalawa na namang dumating na matanda. She recognized their faces. Their features resembled Lirio’s features.

“Mom!” bulalas ni Lirio.

“Nandito ka lang pala. Sabi ng kapit-bahay mo ay lagi ka na raw nandito.” Napansin ng nanay nito ang nanay ni Berry. “Flor? What are—- Explain this Lirio.”

Tila sumirko ang ulo niya. Two sets of parents. Their parents! Kaya parang hindi siya mapalagay kanina dahil mangyayari ito.

“Luisito. Finally, we met again. So, lagi palang bumibisita ang anak mo sa bahay ng anak ko?” Mahihimigan ang galit sa boses ng kanyang ama.

Ang tatay naman ni Lirio ang pinandilatan ang anak nitong napangiwi lang. Nagkatinginan sila ni Lirio, at panay lang ang iling nito na sinasabing, maging ito ay gulat na gulat sa nangyayari. This is a mess.

“Tell him, Lirio.” Hindi na rin maipinta ang mukha ng tatay nito. Berry stepped up again but Lirio touched her arm. Doon napunta lahat ng mga mata nito. Mukhang pinalala pa nito ang sitwasyon.

“Bakit hindi mo ito kinukuwento sa akin, Berry?” May himig na pagtatampo ang boses ng kanyang ina. Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

“Parents, let me explain. But first, let Berry breathe.” Doon din niya napagtanto na nagpipigil na pala siya ng hininga. “And I don’t have bad intentions towards your daughter, Sir.”

May mas malala pa ba sa pagkikita nang kanilang mga magulang? 

Natagpuan na lamang ni Berry na magkatabi silang dalawa ni Lirio sa sofa at kaharap nila ang mga magulang nila na para silang nililitis. Kinikilatis. Hindi pa rin makapaniwala ang mga ito na magkakilala silang dalawa, magkapit-bahay at para sa mga ito, nagkakamabutihan.

“They’re different, Luisito. Our son is carefree. Madali nga ‘yang ma-bored sa opisina at nababalitaan kong binubulabog ang mga kaibigan niya. That’s what Nylon said.” Nanay ni Lirio ang nagsalita.

“Sandra, our son grew a backbone ever since. He is still but he could juggle the responsibilities. At kahit ako, nagtataka kung bakit.” depensa naman ni Luisito.

Tumikhim ang ama ni Berry. “Even us. I see a disciplined man with my daughter. Same as her. The kind of man who could handle difficult situations.”

“Hon, ang boring pag ganoon. They’re compatible, I can see that despite the differences. They complemented each other. Our daughter can be boring and dull, kailangan niya ng lalaking madaling hulihin ang kiliti niya. To remind herself of relaxation,” paglalahad naman ng opinyon ng ina ni Berry.

“And Lirio needs your daughter to remind herself that everything is not fun and he should take things seriously, not take it for granted. They’re a perfect pair. Puro kalokohan kasi itong anak ko.” komento naman ni Sandra.

Kulang na lang magpagulong-gulong ang mga mata ni Lirio. Si Berry naman, hindi alam ang gagawin. Halos magkadikit na silang dalawa ni Lirio sa sofa. Lirio cleared his throat.

“Excuse me, may I remind you that we are still here.” Kung mag-usap naman kasi ang mga ito ay parang wala lang silang dalawa sa harap ng mga ito.

“Anong totoong estado ninyong dalawa?” tanong ng ama ni Berry na kunot na kunot pa rin ang noo. Ito lamang ang tanging hindi pa kombinsido kay Lirio. Others in their family circle thought that his father was a difficult man. Not easily swayed by emotions and she was raised like that.

“You daughter deserves to be wooed,” walang-gatol na sambit ni Lirio na ikinatigalgal niya. Walang halong biro ang mga mata nito. His stance looked like the stance she had seen when he’s dealing with his business partners but his eyes were expressive.

“Wooed?” Maging ang kanyang ama ay nabawasan ang bagsik sa mukha nito.

“Can I hold her hand?” paalam nito sa kanyang ama na mababakas ang sorpresa sa mukha nito at ang ama naman ni Lirio ay lihim na napangiti, tila natuwa na nagpaalam pa ito. Ang nanay naman nilang magkatabi ay naghawakan ng mga kamay, bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga ito.

Naloko na. Wala na talaga siyang takas. Namalayan na lang niyang nanginginig na pala siya at maingat na hinawakan ni Lirio ang mga kamay niya. His hands were soft and warm whilst hers were cold and trembling. The calmness of his hands gave away his feelings that he’s finally accepting their situation.

“I think that your daughter is beautiful. Even before highschool but I couldn’t take risks so I chose the safe one. I wonder often why her smiles and laughs were like rare diamonds. And when I saw it, I didn’t know but I have this urge to see it with my own eyes and me as a reason. I realized it now. At aaminin kong, mataray po talaga anak n’yo noon.” That earned a chuckle from her mother and a knowing smile from her father, confirming that she’s an uptight one.

Humigpit ang hawak ang nito sa mga kamay niya. That calmed her a bit. Pinakinggan niya ang tibok ng kanyang puso. Mabilis. At sanay na siya na ganoon ang tugtog.

“And I admit, I had my own shares of unwise decisions, created schemes for my likes. And she’s the only one who bravely said that she’s not okay with. That was in highschool. And now, I have this second chance to reach her. I won’t let go. I will risk everything.” Napasinghap ang nanay nila at si Berry nama’y namumula ang mukhang napayuko. Hindi rin niya mabawi ang mga kamay niya. Tila ba may nagtutulak sa kanyang hayaang sakupin ng mga maiinit nitong kamay ang mga kamay niya, pahuhupain ang gulong-gulo niyang damdamin.

“Are you intending to keep my daughter’s heart? And I’m not saying this for temporary reasons. But permanent. I know my daughter, she might be strong but there were things she couldn’t handle. I was hard for her when she’s young because I wanted her to be ready for the cruel world around us. Not even a complaint from her. She endured a lot when I had my cancer,” maluha-luhang sambit ng kanyang ina. And Berry was transported to the time when it’s the hardest for her. Nangilid na rin ang mga luha niya.

Lirio brushed away the strands of her hair. “I am. I intend to keep her heart. If she allows me to.”

“Will you, my daughter?” tanong ng kanyang ama. Saglit na katahimikan. Maging si Lirio ay bakas ang kaba sa mukha sa magiging sagot niya.

“Magagawa ko bang tikisin ang sarili ko? Hindi po, Pa.” Napayuko siya. Nahihiya kay Lirio na humigpit lalo ang hawak sa mga kamay niya at tiyak nakangiti na naman ito.

Berry’s mind was still in muddle when their parents talked about other things when they’re finish interrogating Lirio. Nanatili pa rin silang magkatabi, tahimik at nagpakiramdaman.

“Parents. Will you allow us to buy ingredients in the supermarket? Ipagluluto ko po kayo. I don’t think the pasta I cooked at night is enough for us,” paalam ni Lirio.

“Pinagluto mo ang anak ko?” tanong ng kanyang ama. Wala na ang hostility sa aura nito. Unti-unti na nitong tinanggap ang sitwasyon nila ni Lirio.

“Yes, Sir.”

“Oh, Tito na lang.” Pailalim siyang napairap nang ngumiti si Lirio nang malawak pero hindi iyon nakaligtas sa nanay nila.

“Sorry, anak. Bigla-bigla na lang kaming bumisita rito,” magaan na sabi ng kanyang ina.

“Okay lang po, Ma.”

“Oh siya, humayo na kayo. Nagutom kami sa biyahe namin. Ang mga bagahe namin ay nasa Tito Killian mo.”

Nang makalabas, kasama si Lirio ay nakahinga siya nang maluwag. They’re outside of the gate when laughter broke the silence. And Lirio was surprised. And her too. Dahil sa kanya naman nanggaling.

She covered her mouth with her hand. The side of her eyes wrinkled in glee. Hindi niya akalaing matatagpuan niya ang sarili niya sa ganoong sitwasyon kasama ang mga magulang nila. She’s not expecting this to happen. It’s too early but would it be different? And she didn’t feel trapped nor forced. Not even a single regret from the words she uttered in front of their parents.

Was she really afraid to accept it? To accept whatever that eats her every night? The overthinking and when it’s over now. She’s serene in herself. If he’s risking this, why not do it like him? It wasn’t a one ride but a two ride.

“I’d die hearing your laugh. And your eyes sparkled.” Marahan nitong hinawakan ang pisngi niya. Pinching a little bit but not painful. He sighed as if he lost in a battle and willing to lose. “Okay, I’m doomed. But we’re doomed together. Halika ka na nga, baka ma-tempt pa ako rito at magkasala pa ako sa mga magulang mo. Muntik na akong mamatay kanina.”

She laughed again and wasn’t surprised when he reached her hand and squeezed it.

Meanwhile . . .

Their mothers dreamily sighed . . .

“Your son is right. Malimit lang ngumiti ang anak ko. But he succeeded. I can see the happiness in her eyes.” Flor sighed in glee when she saw her daughter laugh.

Bakas ang sorpresa at kasiyahan sa mga mata ng anak nila Luisito at Sandra na si Lirio nang masaksihan ang malutong na pagtawa ng kanyang anak.

Makikita kasi ang mga ito sa nakabukas na bintana.

“Magbalae na tayo. Naalala mo pa, mare? Pinagtawanan lang natin ang ideya natin noon na baka magkatuluyan ang anak natin.” Naalala ni Sandra ang tagpong iyon. “They were just kids that time.”

“Finally, I don’t have to worry. Akala ko tatandang binata na ang anak ko mula nang iniwan siya ni Eden Sofia.” Saglit na katahimikan sapagkat nagkataon palang alam ng parents ni Berry iyon. Berry told it to them but didn’t mention about Lirio.

“Inggit na inggit ako sa mga grandparents na nagsh-shop ng mga baby items sa store. Now, I can do that now. You can come with me, Flor,” yaya ni Sandra.

“My! They’re good-looking! My grandkids will be beautiful and handsome just like their parents!” Naaliw naman si Flor sa possibility. “And of course, us. Grandparents!”

Natawa si Luisito at napapailing naman si Edward. Luisito said. “Kung nandito pa ang dalawa, baka matakot pa sa pinagsasabi ninyo.”

“I don’t mind. Hayaan na natin ang mga bata. Ang mahalaga, may magdudugtong na sa ating pamilya. It would be great.”

“Oh god, I remember. Muntik ko nang maireto ang anak ko sa anak n’yong si Ariel,” Sandra said in disbelief. Muntik na niyang ireto si Luanne at mabuti na lang, nag-ditch si Luanne at nag-date kasama ang ibang lalaki ng panahong highschool pa si Lirio. “That’s embarrassing.”

“When will the wedding be?” Flor asked, so sure of the union of the two.

“I miss babysitting.” Nagulat ang lahat sa tinuran ni Edward. Hindi naman kasi bagay sa formal nitong image. “What?”

Walang kamalay-malay ang dalawa na naghihintay ng masasakyang jeep pababa ng uphill village upang bumili ng lulutuin putahe na pinagpaplanuhan na ng mga magulang nila ang kasal. It would probably scare them. 

“Where are you going, Berry?” tanong ni Dominique. Lunch hour ng mga oras na iyon at napag-isipan niyang bisitahin si Lirio sa kompanya.

It would be her first time visiting his company.

“Kay Lirio.”

“Wow.” Namamanghang nakatingin lang ito sa kanya na binalot ang lunch boxes ng tela. “Kayo na?”

Araw-araw na niyang naririnig ang tanong ngunit tanging ngiti lang ang sagot niya katulad ngayon. It’s their mutual decision to take things slow. Kahit na sabihing kilala na nila ang isa’t isa ay may mga bagay pa rin na hindi pa nila natutuklasan at tutuklasin pa. Kahit na legal na sila both sides, komportable sila sa ganoon. Take matters slowly together.

Nasa harap na siya ng company building nito na malapit lang sa Ayala Lands. Huminga siya nang malalim at hinayaang i-check ng security guard ang mga gamit niya. She signed on a logbook and approached the receptionist of the ground area.

“Is Mr. Lirio San Miguel available at this moment?” she asked cautiously. Tila mga vultures na napatingin sa kanya ang nakarinig. Lunch hour din yata ng mga ito kaya may mga tao sa ground area.

“Do you have an appointment, Ma’am?” Mabuti na lang, di gaya ng mga stereotypical receptionists sa mga fiction books ay walang judgments sa mga mata nito.

“I’m sorry. I don’t have one. But can you please tell him my name?”

“What is your name, Miss? He’s really busy now. Basta at the end of the month, Miss.” The receptionist said.

“Raspberry Luzano.”

Mga ilang minuto ang paghihintay niya nang biglang magsinghapan ang mga tao sa baba. Halos liparin na nito ang sahig nang bumukas ang elevator at makita siya.

“Lirio San Miguel!” bulalas ni Raspberry nang makita ang suot nito. Nakasuot ito ng formal clothes sa upper at tanging bulaklaking shorts sa baba. And wearing his black shoes. “You’re crazy.”

“I’m crazy about you,” he grinned who didn’t mind how outrageous his clothes were. Nasa kanila na talaga ang atensiyon ng buong building. Nahihiya na si Berry sa atensiyon samantalang wala namang pakialam si Lirio. Sanay na itong pinagtitinginan.

“Sira. Kumain ka na. Nagrereklamo si Ciara sa akin dahil nagpapalipas ka lang ng gutom.” Napatingin ito sa dala niyang lunch boxes. Bakas sa mukha nito ang pagkaaliw. And she rolled her eyes. Para itong batang nakatanggap ng regalo sa birthday nito.

“Hindi mo ako madadaan sa irap mo na ‘yan. Immune na ako. You cooked this?” Saglit siyang namula. Tinulungan siya ng mga inaasikaso niyang ina sa center.

“The women at the center helped me with this.”

“Wow, thank you.” Okay, she was overwhelmed. But she was used to this. Almost everyday. Tinanggap nito ang lunch boxes na pinaghirapan pa niyang ibalot sa tela. Nagpaturo pa siya doon para nature-friendly.

“Ihahatid ko lang ito. Babalik ako.”

“No, don’t. Sabay na tayong kumain. This is enough for us,” he said. May mga taong napapadaan na natatawa sa hitsura ni Lirio. Mukha naman kasi itong katawa-tawa sa suot nito. Sa pagmamadali nitong makita siya ay nakalimutan na nitong magbihis ng full business suit.

“You have a large appetite.”

The side of his eyes crinkled. “You know that? So matagal mo na pala akong inoobserbahan noong highschool?”

Her forehead creased. “Asa.” she denied and rolled her eyes for the nth time.

“Halika na nga.” At hinawakan na naman siya nito sa braso hanggang sa tumungo iyon sa kamay niya. Halos takpan na niya ang mukha niya sa hiya nang makitang ngiting-ngiti pa ang mga empleyado nitong nakita silang magkasamang dalawa.

* * *

Chapter 30

Lirio was not a planner. He went with things spontaneously and made decisions on a whim. And he had to do it for a short period of time. He was no brilliant CEO but over the years, he developed a sharp mind and he had to be a decision maker. Far from his past self who slacked off a lot. There were moments he had to think about it thoroughly even though it’s not his nature. He planned plans accordingly. It made him this hard because he lost someone in the past. Caught in a situation he’s not expecting was no news. But not this one.

“What the hell, Joaquin? I swear, you planned this with our cousins. Sinasadya n’yo ‘to,” he barked. “You think I didn’t know about your secret meetings behind my back? Me? The mastermind of it years ago?”

Humalakhak lang ang magaling niyang pinsan. Pumunta lang naman ito sa opisina niya on a short notice. And he dropped the bomb.

“And you know who I’m going to date with. All of you know!” inis na sambit niya.

“I don’t trust babysitters for my cute lil sis. And you just can’t ignore her just because you have a date with the gorgeous Berry. Natalya called her that and the female were mooning over you two.” Pinaalala pa nito ang gulong ginawa ng pinsan nilang babae na bigla na lang sumulpot sa pinagtatrabahuan ni Berry para alamin kung sinong dalaga ang kinababaliwan niya. Mga pakialamero’t ususera. “And besides, I trust Berry. You can have her everyday.”

Pinandilatan niya ito. “I’m working, Joax.”

He even had the audacity to yawn in front of him and checked his watch. “Ihahatid siya ng katulong namin sa bahay mo. Day-off ng katulong namin at pagod na iyong i-handle ang kakulitan ni Thalassa.”

At ngayon ihahatid ng hunghang ang kapatid nito na parang inilagak lang na parang laruan. Just great. Sira ang plano niya para sa date nilang dalawa ni Berry mamaya.

Hours later, masayang-masaya si Thalassa na salubungin si Lirio. And Lirio didn’t have the heart to take her back to his no good cousin, Joaquin.

“Kuya said that I’ll see Ate Berry!” Medyo may kabigatan na ito. Minsan talaga nakakalimutan nitong hindi na ito three years old. Ano bang pinagkakain nito sa bahay? Mas mabigat pa ito kay Juan Ibarra.

“We will.”

After staying for the company for an hour, letting Thalassa messed with the shredded copies, they went home. Day-off ni Berry ngayon at nang makita siya nito sa harap ng bahay ay tila sumigla pa ito nang makita si Thalassa.

“Ate Berry! You’re pretty today!” Niyakap ni Thalassa si Berry. She really was. Madalang lang itong mag-ayos at parang gusto niya itong ibulsa. And he’s not even possessive.

“Talaga? You’re happy, why?”

“Sama po ako sa date n’yo!” anunsiyo ni Thalassa na walang kamalay-malay na nasira nito ang plano niya. Tila natuwa pa si Berry sa pagiging masigla nito. Bitbit ni Lirio ang bag na laman ang mga gamit ni Thalassa.

He’s wearing his casual clothes now. A moss green sweater and denim jeans with white sneakers. Si Berry ay lilac flowy skirt. Mas modest pa ito sa ibang babae. And she could handle herself well.

Tulog na tulog na si Thalassa sa backseat pagkaraan ng isang oras. Sa oras na iyon, daldal lang ito ng daldal sa school days nito at sa bestfriend nito. Minsan hindi nila maintindihan pero madalas ay hinahayaan lamang nila itong magkuwento at magkuwento hanggang sa napagod na nga.

“She’s an angel,” Berry exclaimed. They’re going to a flower farm somewhere in Balamban and he drove on the mountainsides. Maingat na maingat siya sa pagmamaneho dahil may bata silang kasama.

“Yeah, lumaklak na naman ito ng vitamins. She’s the youngest girl of our clan kaya nasp-spoil siya ng mga pinsan ko.” But Thalassa is a kind kid. She even cried one time when she saw a beggar on the street and asked his brother to gave food to the beggar. Mukhang sasakit ang ulo ng dalawang kapatid nito kung may manliligaw na si Thalassa. Baka maitak pa.

Tila sanggol itong natutulog sa backseat. Mamaya, kukulitin na naman sila nito.

“She’s cute. And I don’t mind having her here.”

“Takot ka lang na ma-corner kita.” Nagugulat pa rin ito pag lumalapit siya. Umirap na naman ito at marahan siyang natawa.

“Sometimes, you forgot that we are in a public place.” Hindi naman fan si Lirio ng PDA pero minsan talaga hindi niya mapigilan ang sarili.

“I am sick for your shy and cute responses. Babae ka pa rin, Berry.” Irap na naman sabay bahaw na natawa.

“Eyes on the road, San Miguel,” she strictly said. Maingat naman sa pagmamaneho si Lirio. “Masyado kang bilib sa sarili mo.”

“Oh yeah? I saw you. You looked like you’re about to run and hide when my mother mentioned about putting talcum powder on babies. Said that she missed the scent of a baby.” Tuwang-tuwa siya sa reaksiyon ni Berry kaya tinukso niya ito nang ilang araw at nakisabay ang mga employee ng Child Hope. Hiyang-hiya ito dahil doon. “I’m sorry, don’t be pressured.”

Napangisi siya nang hindi nito inilayo ang kamay nito sa kanya. He held her hand gently. Ang isang kamay niya ay nasa manibela.

“It’s terrifying.”

“For once. Besides, you love kids.”

“Don’t start with that, San Miguel.” At tumalim na naman ang mga mata nito. She suddenly looked exhausted.

“She’s looking for butterflies.” Berry noticed. Nakita nilang patalon-talon lang si Thalassa at umikot-ikot pa. Napapaligiran ito ng mga bulaklak.

Samu’t sari ang kulay ng mga bulaklak roon. Lila. Dilaw. Kahel. Pula. They’re a bunch of wonders and a beauty in their eyes. Tamang-tama lang din ang cloudy skies at init ng panahon. Wala pang masyadong mga taong nakakapunta roon na suitable kay Berry. Isa pa, gusto niyang solohin ito.

Lirio reached for Berry’s hand.

“Will you write another version of our story?” he asked. Nakikita pa rin ni Lirio sa bookstore ang Scarlet’s Letters. 

A boyish smile appeared on his face when he remembered about the notebook. Berry was not even asking about the lost notebook that he took.

Mga ilang araw din siyang hindi nakatulog nang maayos dahil sa notebook na ito. If he tried before, would it make a difference? But he’s contented now that Berry opened her heart for him.

“If I am, I will not publish it. You’re the only one who will read it.” And she’s beginning to express herself which is rare for a woman like her.

He grinned because he knew something she’s not. Naglaho tuloy ang ngiti nito at sinuri ang mga mata niya. His eyes were obvious for the merriment.

“Are you not telling me something?” He touched her cheek with his finger. A soft touch. Nawili na siyang hawakan ang malambot nitong mukha. And she’s not even wearing make-up now and said that she’s allergic to the chemicals of make-up. But still, effortlessly beautiful.

“It’s a secret.” And he would reveal it once he’d done writing his replies. “Nanghihina ako sa iyo.” It was out of nowhere.

Naitulak nito papalayo ang kamay nito. Inabot niya iyon ulit. “What? Masanay ka na sa akin. I’m grateful that I can be who I am when I’m with you. I don’t care if the old Lirio is back or not. I am just the same. But a better vision. I am usually the giver. But you somehow taught me to accept. Bringing lunch to me personally even taught yourself to cook. You welcome me. I have my fair share of shortcomings, but you still accept me. I swear, I won’t stay away.”

“Why would you stay away? Hindi ka lang sanay na ikaw ang binibigyan, pinagsisilbihan. I believe a relationship is a two-way road. I watched you fall hard. I watched you grow. I watched you when your happiness faded in your eyes. And believe me, my happiness went away a little bit seeing you that way. Hindi ko pa alam noon na may iba na palang dahilan. I’m afraid, yes. But I‘ve been fearless to other things except this, why can’t I risk when you’re risking for the second time around?”

Hindi na nakatiis si Lirio at tuluyan na itong niyakap. Sigaw ng sigaw si Thalassa sa background at may kasama pang ‘I knew it! Kuya’s right!’. Kakausapin niya mamaya si Joax roon, sa ngayon, isa-savor niya muna ang chance na ito kasama si Berry.

That day, they’re finally official.

Talking about anti-climactic. After their peaceful date in a flower farm with Thalassa the cute angel in tow, they seldom saw each other due to their busy schedules. She, for the upcoming activity in the South while he, venturing into another big project. But the assurance was there. They didn’t have to see each other to express themselves and Berry was not the clingy type and Lirio let her.

There were times that she spaced out, wondering if he took his meals on time. Tumatawag o nagte-text naman ito sa kanya, kinukumusta siya. Exhaustion was visible in his voice but he’s still goofing around sometimes. 

Abala siya sa pag-recheck ng mga kakailangan sa pagluwas niya kasama ang katrabaho niya patungong South nang magulat siya nang may pumaradang sasakyan sa labas ng gate. It’s not Lirio and not anyone with that rich brand of car visited their Foundation.

Tila nagmamadali ang taong bumaba roon. At nang tingnan niya ay nagtaka kung bakit napadpad rito si Nylon. One of his cousins. Kasama sa magugulo na category, ayon kay Lirio.

“Berry!” Humahangos pa ito. Nagtaka tuloy ang ibang tao roon kung bakit may napadpad na namang binata.

“What?” Nabahala na rin siya sa itsura nito. Masama ang kutob niya.

“Hindi mo alam? He didn’t inform you?” Her forehead creased.

“Inform about what?” Kahit na abala minsan si Lirio ay pinapaalam nito sa kanya ang schedule nito. Kung kailan ito busy at kung kailan ay may free time kahit sandali lang.

“Siya na muna mag-aasikaso sa kompanya namin sa US,” he said. Bigla siyang nangamba sa sunod nitong sasabihin. “I’m afraid, he will stay there for two years.”

Napamaang siya. Two years? Ganoon katagal ito sa ibang bansa? And she’s not mad at him for not telling it to her directly. Nalaman pa niya sa pamamagitan ng pinsan nito.

“Whether I like it or not, ako na muna ang pagsamantalang magmamanage sa kompanya niya. Mas may tiwala pa si Fourth sa kanya kaysa sa akin.” May sasabihin pa ito at naghintay si Berry. Nanginginig na rin ang mga kamay niya. She was nervous and she saw Dominique approaced beside her to steady her. Nanlumo siya. Would they survive being two years apart? Naisip niya si Lirio, he suffered too much before. Makakaya kaya nitong malayo siya rito?

“I’m sorry, but his flight is on the evening. 8 pm sharp. Kailangan siya roon. Our grandfather’s sibling was hospitalized.” A bad news. And she knee that he couldn’t say ‘no’ to his family. Kahit na minsan, parang gusto nitong itakwil ang mga pinsan nito dahil pinagkakaisahan ito ay sa huli napapatawad pa rin niya ang mga ito.

“Go, get your man, Berry.” Dominique squeezed her shoulders as a way of comforting her. “You have four hours for that.”

Hinintay niya itong tawagan siya ngunit dalawang oras na ang nakalipas ay wala pa rin. Hindi pa rin ito nagpaparamdam. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Dala niya ang passport niya for emergency. Umuwi siya ng bahay upang mag-impake. She will take the next flight. This is the first time she’s breaking her streak of organized plans since she resigned from her job. Wala na siyang pakialam roon. Kung may natutunan man siya kay Lirio, iyon ay hayaan ang sariling tangayin ng agos. At bahala na kung saan siya dadalhin ng desisyon niya. Kalkulado man o hindi. Pagod na rin naman siya sa predictability ng buhay niya. Unti-unti, tinatanggap na niya ang pagbabago. She’s brave enough to do what her heart wants. It’s tired of being locked for too long.

Isang oras na lang ay flight na nito nang ma-stuck siya sa traffic sa Mactan bridge. She’s a bit edgy and almost cranky but she kept her cool. It’s calm outside and a lot messy inside.

Was he afraid that he’d break her heart if she knew about the sudden change? ‘Wag naman sana. Like him, may napagdaanan rin siyang hirap. She’s not like a fragile glass that easily breaks.

Thirty minutes and she’s searching for him in the airport. Maingay. Maalinsangan. Maraming mga tao sa airport. May mga taong masayang-masaya na makasalubong ang mahak nila sa buhay. May mga tao namang malungkot na makitang papaalis na ang taong malapit sa puso nila. At kasama roon si Berry. Hindi siya manhid. She’s no Ice Queen. Nakakaramdam din siya. And she’s almost faltering, her composure and her calm exterior. And her hands were trembling.

“Lirio? Where are you? Magpakita ka,” bulong niya sa sarili. Luminga-linga sa paligid. Hila-hila niya ang dalang trolley. 

Few minutes later, she was relieved that she’d seen him. Kasalukuyang nakatitig ito sa phone nito. Tapos mapapapikit at ikukuyom ang kamao. Tila ba hirap na hirap. Was he about to call her?

“San Miguel!” At first, he was confused. Nagpalinga-linga ito, sinigurado na ito ang tinatawag. Hanggang sa matagpuan siya nito.

There was a relief on his face, a temporary bliss but sadness took it away. Tila may kung anong nagbara sa lalamunan niya. Huminga siya nang malalim.

“I’m sorry,” he uttered, eyes on the floor. Nagtaka ito kung bakit may hila-hila siyang trolley. He’s still in his business suit.

“Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?” Walang akusasyon sa boses niya. Nagtatanong lang. 

Mariin nitong ipinikit ang mga mata. “I was about to. But I don’t want to worry.”

“I’m worried,” giit niya. “Why? Maiintindihan ko naman kung mananatili ka sa US for two years. I can manage. I can adjust for you. Buong buhay mo, you’re the one who’s adjusting. Giving your all. And here I am, I am willing to do that for you. When I said that I would risk too. I would. I am not perfect and I am not vocal when it comes to my thoughts and feelings. But I’m trying.”

Nangunot ang noo nito. Nagtaka. Napahawak tuloy ito sa balikat niya. “Hold it. Two years?”

Siya man ay nagtaka na rin. Bakit ito pa ang nasorpresa? Hindi ba nito alam?

“Bakit?”

Bigla na lamang itong natawa. Mas lalong nangunot ang noo ni Berry. Anong nakakatawa roon?

“Silly.” He slightly pinched her cheeks. “It’s two months. Not two years. I’d rather die not seeing you for two years.”

“What? Pero sabi ni Nylon. Two years ka raw sa US.” This was a completely a misunderstanding. Napamaang siya. Pinagkaisahan ba siya ng magpipinsan? Looks like it. Nagmana talaga ito kay Lirio. Into schemes.

“No. I’m not. Two months lang. For emergency cases. Would that be okay for you? Makakahabol pa naman ako sa kasal nina Daisy at Noah. Noah will kill me. I’m his best man. Shawn lost. At ikaw ang maid of honor ni Daisy. Hindi puwedeng wala ako sa kasal ng dalawang bestfriend ko.”

Then, everything sinked in. Naitakip niya ang mukha niya sa palad niya. At nag-book pa talaga siya ng flight. An hour after his flight. Rush pa nga at tinulungan siya ni Nylon. Nakakahiya. Epic fail.

“You’re being cute again. Nanghihina na naman ako sa ‘yo.” She heard him chuckled and took her trembling hands. “And one more thing, di mo naman kailangang i-push ang sarili mo. Dalawa naman tayong mag-aadjust. And words? It’s okay, I saw it all over your face. You can write me letters if you want. Komportable ka naman sa pagsusulat. And you’re planning to come with me, right?”

Bantulot na napatango siya. Bigla parang gusto niyang lamunin ng lupa. Pinaalala na naman nito sa kanya ang nawawala niyang notebook. Nadiskubre lang niya noong naglinis na naman siya. Baka na-misplace niya sa kaka-general cleaning sa bahay.

“My family in the US are formal. Not that chaotic like here and they will like you.”

“Isang araw lang ako doon.” Ito na ang naghila ng luggage niya. 

“I will contact you if I have free time. I can call in between meetings. I can do that,” he said playfully. “At isa pa, don’t take the bouquet from my cousins. And I have a hunch that Lester lied to Nylon. He’s a great liar and schemer too. He dethroned me years ago.”

“I now pronounce you man and wife.”

And Berry caught Lirio snickering when the two of their best friends sealed their promise in front of the altar. Mukha tuloy itong baliw. Inirapan lang niya ang kindat ni Lirio. Balak pa atang talbugan ang newlyweds.

The two of them survived the two months of being apart. They were both patience of their situations. May mga araw na natatagpuan niya ang sariling iniisip nito sa kalagitnaan ng gabi. Kung kamusta na ba ito? Kumakain ba ito sa tamang oras? Nagpapahinga ba ito in betweens? Dahil sa time difference, malimit silang mag-usap sa telepono. Days passed by like rolling films and she greeted him again at the airport. Halos hindi na siya makahinga nang yakapin siya nito nang mahigpit. 

At ngayon, nakahabol ito sa kasal nina Daisy at Noah. Hindi man lang nasorpresa ang dalawa nang ianunsiyo nila na months ago pa na sila na. The two saw it coming. And they’re happy for them.

1 yr later

Bigla na naman siyang binisita ni Lirio sa center at kinuyog kung saan. Berry didn’t mind. Pagbibigyan niya itong solohin siya. Kailangan rin naman niya ang kaunting pahinga kasama ito. They were together now for a year. They enjoyed being with each other. May mga oras na iniisip ni Berry kung nangyayari ba talaga ito.

For her, Lirio was a childhood dream and a highschool admiration. It took her years to realize that in between she’s loving him. Because the sadness was too strong when she witnessed him like a fallen soldier in a war. She’s in glee whenever she’s with him. At biglang may matutuklasan na lang siya sa sarili niya dahil doon. Loving him also means discovering herself more. She could be goofy sometimes and she had a dark humour. Marami pa siyang ididiskubre kasama ito at kung anuman ang dadating na pagsubok sa kanilang dalawa ay magiging matatag pa rin sila.

She and Lirio ate in a karinderia. Malapit lang ito sa isang mall na nasa sentro ng downtown. Sa gilid nito ay may nagtitinda ng mga prutas.

“Ano bang gusto mong bato? Sapphire? Emerald?” tanong nito.

“Hindi ako specific sa bato. Bakit mo tinatanong?” balik-tanong niya. Lirio shrugged his shoulders. Mukhang kabado ang mukha nito.

“Naisip ko lang kung ano ang bagay sa iyo.” Napainom ito ng tubig. Ubos ang isang baso. “Alam mo na, singsing na bagay sa iyo.”

Mukha itong teenager na hindi alam ang sasabihin sa harap ng crush nito. And he’s so cute. Parang gusto niyang panggigilan ang pisngi.

“It’s okay. As long as you’re the one who put in in my finger,” she said, almost smiling. Natigilan nito, pinoproseso pa yata ang sinabi niya hanggang sa nanlaki ang mga mata nito. Lumarawan ang kasiyahan sa mukha nito.

“Really! Yes! Sinasagot na niya ako! Teka, wala pa akong singsing! Manang! Isang sabaw nga! Ayoko nang managinip!” Naghiyawan ang mga tao. Kahit kailan talaga. Siguradong-sigurado ito sa sagot niya kahit indirect ang pagpayag niya. He was not actually proposing.

“Calm down, Lirio,” natatawa niyang sambit.

“I can’t! Manang nagtitinda ng orange. Pakyawin ko na iyan! Ibigay mo na rin sa mga magiging customers mo! Wooh! Yes!”

Hinatak na niya ito palayo doon bago pa maubos ang pera nito kakalibre ng kung sino-sinong estranghero.

Love? Love comes around when you least expect it. It would catch you off-guard, red-handed. And you couldn’t comprehend why you’re feeling that way. To someone unexpectedly. Namalayan mo na lang na nabuksan na pala ang puso mo. You didn’t know where or when the key was inserted into the lock.

Minsan, pipiliin mo ang bagay na alam mong tama ngunit hindi sa lahat ng oras ay masaya ang piliin ang tama.

Minsan, gugustuhin mo ring piliin ang mga bagay na hindi mo madalas ginagawa. Dadating ang pag-ibig sa panahong hindi ka pa handa. Hindi ka naman talaga magiging handa bagkus nasa iyo kung tatanggapin mo iyon ng buong-buo o hayaan ang panahong magdikta ng lahat.

Parang kailan lang, inosente sila sa ganitong bagay, mga emosyong ngayon lang nila naranasan, mga paninindigang kailangang nilang pangatawanan. Mga pagbabagong huhubog sa kanilang katatagan, ng kanilang pagmamahal. 

In the clear night sky. On the rooftop. Sa lugar kung saan sila unang nagtagpo. Unang pagpapahayag ng damdamin na kahit indirect ay tumagos sa puso niya. The night of him, proposing.

And Berry planned something too. Naalala niya ang sinabi nito noong Paskong iyon.

She played her violin and closed her eyes. She gave him her sweetest smile while playing the violin.

And I would runaway 

I would runaway 

I would runaway 

I would runaway with you 

Cause yeah

I’m falling in love

And there’s no turning back. Ipinikit niya ang mga mata at rumagasa ang alaala nilang dalawa. Magkahiwalay silang lumaban sa buhay nila. Grew apart for years. Barely picking their pieces. And be together. It’s almost surreal. A dream for Berry. But when she opened her eyes during the sunrises, she was always greeted by his loving smiles and laughs. It’s enough to move forward in life.

I never gonna stop falling in love with you

Kasabay ng melodiya at tono ng musika ang tibok ng puso niyang natagpuan na ang kanlungan nito. Sa piling ng taong nagmamahal at magmamahal sa kanya. Before, she could picture herself being alone in life but it’s beginning to blur now that she’s with the man she loves.

Maluha-luha siya nang matapos niyang tugtugin ang kanta. Lirio reached for her and hugged her gently. Under the same night skies. Under the twinkling stars. Heartbeats beating as one.

“This is too good to be true,” he whispered in her ears.

“No. It is. It is real. The pain, the grief, the despair. No matter how hard it is, it’s worth the while. And thank you, thank you for loving me as I am. You’re the reason why I’m not afraid to be free,” she whispered. Marahan nitong pinaglandas ang kamay sa buhok niya.

“And thank you for loving me, for taking care of me. For the efforts. Everything. I thank Him for I am your first. And you’re forever first. Hindi naman masamang mangarap, di ba?” He chuckled.

“Hindi.” She grinned.

“I’d die for your smiles.”

“I don’t want to see your sadness again. It’s painful.”

“Now, I can’t guarantee that I’m always happy but only then, it vanishes when I’m with you.” Suddenly, he hummed a song. A familiar one. “I’ll make every second count cause I miss you.”

And they danced along the stars that glittered.

Akala niya huhupa na ang mga luha niya nang ipasok na nito ang singsing sa daliri niya. Nagulat na lamang siya nang may ipinakita itong isang pamilyar na notebook. She gasped.

“That’s my Scarlet’s Letters. Nasa iyo?” Pinamulahan siya ng mukha. Mahihiya pa ba siya? But it contained her past letters to him.

“I felt like I gained a statue when I’m reading this.” Then he smiled cheekily. Berry rolled her eyes. Nakakahiya man pero mukhang nabasa na nito lahat ng mga liham niya doon. “This is one of the reasons why I pushed through. Why do I risk it all? I want to treasure you. And I swear I saw red when I saw those bouquets and your smile. I would trade everything for that.”

“This.” Kinuha niya ang lumang notebook niya. “It contained my deepest thoughts. Some were not that related to you. Somehow, it’s a personal diary. I didn’t throw it away. I didn’t have the heart too.”

“You were the girl who received my old clock in a storm.” Napangiti ito sa alaala nito.

“You were the boy who first approached during that ball.” Naalala pa ni Berry ang tagpong iyon.

“Now, we’re here.” Nasa rooftop sila ng isang hotel sa CDO. He held her hand and brought it to his lips. “We crossed paths a lot of times.”

“We did.” Isinandal nito ang ulo sa balikat niya.

“I wrote letters as my replies. I wrote it here. On the blank pages.”

The universe’s duty was still a mystery to Berry. But she’s thankful the universe was conspiring together for her to be with the person worth the while. Worth her heart.

* * *

Lirio 

When Lirio wrote a letter to Berry after he read the Scarlet’s Letters.

I’m grinning like a lovesick fool while reading your letters. In the middle of the night. Hindi mo naman mapapansin na nawala ang notebook mo. At ako ang nakapulot. At alam kong ako ang huling taong gusto mong makabasa sa Scarlet’s Letters. Para akong nakahukay ng ginto rito. And I swear, this will haunt me for days.

Ang suwerte ko. Why me, I was sure before that you didn’t like my guts and you didn’t like the schemes I created before. You snobbed at me. Lagi mo na lang akong iniirapan kahit wala naman akong ginagawang masama sa iyo noon. Kahit ngayon sa ibang nga lang na dahilan. I thought you really hate me. Genuinely. But I was fooled. I was right. It’s your defense mechanism. You’re afraid that your feelings would betray. You’re afraid to felt weak and vulnerable in front of others. I admired your strength, your calm beyond the storms but how could you store all of those turmoils inside you?

Hindi naman kita malapitan. I didn’t regret buying those cassava cake just to earn a scowling Berry. I knew that you liked it. I was wondering why you’re indirectly avoiding me then. Kaya naoobserbahan kita. Ang taray-taray mo. Nababara mo na lang ako. Kahit ngayon. Wala rin naman akong planong sukuan ka. Ngayon pang nalaman kong nagsulat ka ng nobela. After my name. Kahit na kasama roon ang nakakahiyang mga traits at mga kaganapan sa buhay ko. I didn’t mind. At nakita ko pa itong notebook mo na naglalaman ng mga sulat mo sa akin.

You’re good to my ego. You’re bad for my ego too. You didn’t even bat an eye when you stomped on that but would it matter? When it takes a smile from you and I get lost in the process?

That sunrise. Marami ang pumasok sa isip ko. Paano kung i-pursue ko na ang magandang babaeng ito? Paano kung ihayag ko na talaga ang damdamin ko sa kanya? Kahit paunti-unti lang. Kahit mukha na akong sira-ulong puro na lang banat. Daig ko pa teenager na nagka-crush. Kahit balik-baliktarin ko pa mga salita ko, hindi pa rin eepekto sa iyo. Natutunaw ka lang ata kapag tinititigan kita nang matagal o kaya nginingitian. Asset ko yata ang ngiti ko. Madalas man. Bilang na lang ang tunay kong ngiti. Bigla na lang may kung anong nagsulputang bata sa isip ko at hindi man lang ako kinilabutan. Aga-aga, nag-daydream ako at may kinalaman sa babaeng hinabol ko sa pababang daan na iyon kung saan itinulak ko si Daisy at aksidente siyang mayakap si Noah.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ako sa sarili ko dahil puro lang naman katangahan ko rito ang nandito. Di bale, tumaba naman atay ko sa mga pinagsusulat mo rito. Magiging puyat man ako kaka-daydream nang kung ano-ano. Sulit naman. Mas sulit pa sa kinakain kong mumurahing tsokolate sa daan para lang makauwi na ‘yung batang nagtitinda.

I will write letters as my replies to your written letters for me that’s no longer hidden. Aabutan yata ako ng buwan rito o baka taon pa. Ang daldal pala ng utak mo. Parang mabibiyak utak ko kahit sa highschool era. Ang pinag-iisip ko lang noon ay kung paano makapagtago sa Grandstand na hindi ako mahuhuli sa bintana ng center building. Pinaalala mo pa sa akin ang kalokohan kong iyon kasama mga kaibigan ko. Nakakahiya pero parte iyon ng kabataan ko.

‘Wag kang mag-alala, maghihigante ako. Ikaw naman ang hindi ko patutulugin. Hindi man ako writer. At parang ewan lang ‘tong pinagsusulat ko rito. Asahan mo na pawang katotohanan ang isusulat. Walang bahid ng filter.

Ang totoo, para akong maiiyak. Napaka-suwerte ko naman sa ‘yo. Hindi mo man lang binawi kahit ilang taon na ang nakalipas. Itinago mo pa. Nakakapanghina ka, alam mo ba?

Mahapdi na mga mata ko. Ipipikit ko na lang. Hintay ka lang, Berry.

Ikaw naman manghihina nang dahil sa ‘kin.

Basta. Labyu.

Lirio

You cannot copy content of this page