Kanlungan
Pangako, babalik ako. Sa Kanlungan na tahanan ng ating mga alaala’t pangarap.
Epigrap
Iyong panahong malawak ang dalampasigan
Tayo’y nagtatakbuhan sa puting buhanginan
Malaya, tila mga ibong lumilipad sa kalangitan
Isa ala-ala na dulot ay kaligayahan
Sa kabundukan at sa berdeng kabukiran
Tayo’y nananatili nang di namamalayan
Inaantay ang hiwaga ng paglubog ng araw
Kulay kahel at dugo, ating tinatanaw
Minsa’y tayo’y naglalaro sa gitna ng ulan
Pagsapit ng gabi’y nanghuhuli ng alitaptap
Kaysarap balikan ang lahat ng iyon
Subalit nagbabago tayo paglipas ng panahon
Nabuhay tayo ng sabay noon
Nabuhay tayo na magkahiwalay ang landas ngayon
Aking kababata, natatandaan mo pa ba?
Ang mga sandaling ikaw ang kasama
Sana katulad pa rin tayo ng dati, puno ng kagalakan
Bakit ako nasasaktan sa t’wing ika’y tingnan?
Hanggang dito lang ba ang mga ala-ala na nabuo?
Ating mga pangakong tila napapako?
Totoo ngang walang permanente sa mundo
Na tao at bagay rin ay nagbabago
‘Di ko na maaninag ang mga liwanag sa gabi
Pati ulan at mga alon di katulad ng dati
Sana kahit man lang pamulaklak ng gumamela
Nand’yan ka, kasama kong masayang-masaya
Naalala ko pa, sa ilog tayo’y nagtatampisaw
Hanggang sa matapos ang araw
Dekada na ang nakalipas, matagal na pala
Ano pa ba ang aasahan ko? Ito’y wala na
Aking kababata, nabaon na ba sa limot ang lahat?
Kabanata I
Nagniningning ang asul na tubig sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Bughaw ang kalangitan na may kakaunting mga ulap. Bahagyang lumamig ang ihip ng hangin na singaw ng malawak na ilog ng Agusan. Ipinikit niyq ang mga mata niya’t sinamyo ang amoy ng hangin. Kung paano’y nililipad nito ang iilang hibla ng buhok niya mula sa nakabukas na bintana ng bus.
Pinagmasdan niya ang pag-andar ng illang bangka sa ilalim ng tulay. Ito ang hinihintay niyang tanawin. Ang masilayan ang malawak na ilog ng Agusan na dadaanan ng bus patungo sa bayan nila noon.
Pagkatapos ng ilang taong pagkawalay sa lupang kung saan siya isinalang ay sa wakas nabalik na siya na ngayo’y bumibiyahe na sa payak na bayan.
Umaga nang makarating siya sa pier, namamangha at walang pagsidlan ang kaligayahang nililipat ang mga bagahe niya sa isang traysikel. Pagkatapos ay sumakay siya ng bus na ngayo’y lulan niya na. Nakaupo siya malapit sa bintana at bakante ang katabi niyang upuan.
Siya ang klase ng taong hindi nababagot sa biyahe pagkat pinagmamasdan niya ang mga tanawin sa nakabukas na bintana. Kaysarap tingnan ang pagbabago ng lupain at ng mga kagubatan.
Ang matatayog na mga niyog. Ang taniman ng mga gulay, palay at mais. Ang mga nanginginaing baka, kambing at kalabaw sa isang lupain. Ang maliliit na ilog sa baba ng daan na dinadaluyan ng matabang na tubig.
Paano kapag kinalimutan na siya ng bayan na kinagisnan niya? Nakalimutan na ng mga taong naging bahagi ng buhay niya sa probinsiya. Matagal na taon na ang nakalipas simula nang tumira siya doon kasama ang pamilya hanggang sa lumipat sila sa siyudad ng Cebu dahil mahirap ang buhay doon.
Ang ilog kung saan nagtatampisaw sila noong marurungis na mga bata pa sila. Pagsapit ng dapit-hapon, walis tingting ang bubungad sa kanila sa labas ng pinto.
Ang malawak na palayan na kulay ginto at ang kulay dugong kalangitan sa tuwing lumulubog ang araw.
Ang mga kagubatan kung saan kumukuha kami ng iilang prutas at doon nananatili.
May mga iilang bahay na malayo sa isa’t-isa ang nadadaanan ng bus. Payak ang mga na gawa sa kahoy at kawayan na angkop sa mainit na panahon. May iilang de-semento ngunit mabibilang lamang ng mga kamay niya.
Namangha siya nang umangat ang bus sa isang daan kung saan na gilid lang ng matarik na bangin. Makapal ang kagubatan sa baba na may iilang bahay ng nipa.
Payapa at tahimik ang buhay sa nayon, hindi kagaya ng siyudad na mabilis ang takbo na tila may hinahabol araw-araw. Labinlimang taon na siyang namumuhay sa magulong siyudad kung saan kailangan niya magtrabaho upang makakain at makuha ang mga gusto niya.
Nang lumuwas sila sa Cebu ay nag-aral siya sa isang sikat na public school doon. Sa highschool. Pagtuntong niya ng kolehiyo ay kursong Literature ang kinuha niya. Limang taon na ang nakalipas nang maging bahagi siya ng isang kilalang publication bilang isang editor. Maaari siyang magtrabaho kung saan ngunit hindi sa probinsiya dahil walang masyadong signal.
Dumaan ang bus sa gilid ng isang dagat. Ang kumikinang na dagat na sumisingaw ang kalamigan ng tubig. Ipinatong niya ang mga braso niya sa bintana at pinagmasdan ang karagatan. Kung minsa’y inaalis niya ang nakaladlad na mga hibla ng buhok sa mukha niya gawa ng hangin. Mas lalong bumilis ang takbo ng bus kaya napapangiti na lang siya nang halos kainin niya na ang buhok niya sa lakas ng hangin mula sa karagatan.
Kalahating oras ang lumipas ay napalitan ng mga kabundukan at matatayog na niyog ang gilid ng daan. Namangha siya nang masilayan ang bundok na may kulay pulang lupa. Tila’y natapyasan ito gawa ng pagbungkal. Napabuntong-hininga na lang siya at napatingin sa asul na kalangitan.
Nagtatanong, ano kaya ang dadatnan niya sa Mararag? Katulad pa ba ng dati? Nandoon pa rin ba ang mga kalaro niya noon? May mga anak na ba ang mga ito?
Tumuwid siya ng upo at napahawak sa laylayan ng maluwag niyang palda. Tiningnan niya ang mga pasaherong nasa loob ng bus. Saan sila patungo?
Kung minsa’y hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa pinili nating destinasyon ngunit ang kung paano bumiyahe sa subok ng panahon ang importante. Ang destinasyon ang nagsisilbing palatandaan ng tagumpay ng isang tao, ng pag-abot ng pangarap ngunit may mga destinasyon na hindi natin alam. Malabo.
Malakas ang loob niyang bumalik kahit na wala na siyang pamilyang babalikan sa bayang kinagisnan. Kinakabahan siya kung tatanggapin siya o magiging estranghera lang siya sa paningin nila?
Makikita niya pa kaya ito ulit?
Payapa ang Mararag at malawak ang mga palayan maging ang mga kabundukan at kagubatan. Hindi dikit-dikit ang mga bahay at simple lamang ang mga istruktura na pawang mga gawa sa kawayan at kahoy na angkop sa mainit na panahon. May mga kubo pa na may kulungan ng mga manok sa ibabang bahagi ng bahay.
May mga ilog kung saan doon naglalaba ang mga tao tuwing umaga. Kung minsa’y doon naglulunoy ang mga kalabaw lalo na pag tapos na ito sa pagtulong sa magsasaka sa palayan.
Malinaw ang tubig ng ilog at kung minsa’y doon sila naliligo ng mga kalaro niya. Tuwing umuulan, rumaragasa ang tubig, may mga trosong inaanod patungo sa dagat. Kapag nagpakita ulit ang araw, malinaw na malinaw ang tubig at nagtatakbuhan na sila upang lumangoy sa malamig na ilog hanggang sa magsawa sila. Sabay na papanoorin ang paglubog ng araw.
Limang taong gulang pa lamang siya noong mag-isa niyang binabaktas ang daan patungo sa Day center kung saan nag-aaral siya ng kindergarten. Dinadaanan niya ang tulay at minamasdan ang pag-agos ng tubig sa ilog. Ang malamig na singaw mula rito. Ang kalabaw na di-kalayuan ay naglulunoy sa isang tabi sa putikan. Sa gilid ng ilog ay may maraming niyog kung saan doon ginagawa ang mga kopras. Mga puno’t halaman na parte ng kagubatan. Malamig sa mata ang kulay luntiang kalikasan noon lalo na pag tapos na ang ulan.
Tahimik siyang bata noon at madalas ay nakatanaw lang sa bintana sa silid-aralan namin. Pinagmamasdan ang malawak na luntiang lupain sa tabi ng daycare. Tila ba, sa pamamagitan niyon ay inaaliw niya ang kanyang sarili.
Piso ang baon niya araw-araw at hindi naman siya nagrereklamo dahil hindi sapat ang kinikita ng tatay bilang isang sundalo. Maaaring naiingit siya sa mga kalaro niyang may mga laruan ngunit kontento naman siyang magliwaliw sa mga palayan at pilapil, naghahanap ng palakang bukid o di kaya’y pagmasdan ang paglubog ng araw. Mga simpleng bagay na nagpapasaya sa musmos niyang puso at kamalayan.
Nasa bahay lamang ang nanay, nag-aalaga ng batang kapatid niya. Isa pa ang kapatid niya noon. Si Gio. Dalawang taong gulang pa. Walang silang kuryente. Tanging gasera lang at buwan ang nagsisilbing tanglaw nila sa gabi. May balon sila na ginagamit sa paliligo at pagluluto ng nanay niya. Ang mga kapit-bahay naman nila ay pumipila upang mag-igib ng tubig mula sa binobombang poso.
Malinaw ang tubig sa balon at kung minsa’y tinitingnan niya ang mga halamang nakakapit sa gilid habang nakahawak siya sa nakaharang na bakod.
Tuwing uwian, hindi siya dumadaan sa madalas dinadaan niya sa umaga. Walang masyadong telebisyon noon kung kaya sa ibang direksiyon siya naglalakad pauwi. May isang bahay kasi na nakabukas ang pinto nila kung kaya napapanood niya ang dalawang saging na nakasuot ng pajamas maging ang isang teddy bear na ballerina ang suot. Pinanonood niya ang palabas na iyon tuwing uwian.
Naalala niya pa, may ulo ni hello kitty ang maliit niyang bag na nilalagyan niya ng gamit sa eskuwela. Papel, lapis at bote ng tubig lang ang laman nito.
Kung minsa’y pumapasok siya sa eskuwelahan ng highschool at elementary upang bumili ng pagkain na piso lang ang presyo.
Simple lang ang buhay niya doon, payapa at walang ibang hinahangad. Walang mga bagay na makakapang-akit ng mga mata niya dahil kontento naman siyang kalaro ang mga kapit-bahay niya. Nagtatakbuhan sa mga pilapil at kung minsa’y pumupunta ng dagat kasama ang mga ito noong nasa elementarya na sila.
Napangiti na lamang siya sa mumunting alaala niya noong bata siya. Natigil lang ang paglalakbay ng kanyang isip nang huminto ang bus sa isang terminal. Ang mga pasahero ay kanya-kanya na ng baba. Ang iba ay sumakay sa mga dyip at traysikel, papunta sa kani-kanilang destinasyon.
Iilan lamang ang pumunta sa mga kalapit na karinderya upang doon kumain. Nanatili muna siya sa loob ng bus at binuksan ang isang backpack niya na may lamang mga pagkain. Kumuha siya ng isang cup noodles.
Kipkip ang noodles na bumaba siya ng bus at sinuyod ang paligid. Kakaunti lang ang mga sasakyan sa paligid at may hile-hilera ng mga karinderya. May bahaging maputik, palatandaan na umulan sa lugar kanina. Mangilan-ngilan ang mga puno sa kabilang bahagi ng daan at kadalasan sa mga ito ay niyog.
“Manang, may pinakuluan po kayong tubig?” tanong niya sa isang ale. May mga paninda itong mga cup noodles.
“Meron, hija,” sagot nito at tinanggap ang nilahad kong cup noodle upang lagyan ng mainit na tubig.
Umupo siya sa isang bakanteng upuan at naghintay na matapos magsalin ang ale. Umalerto ang mga mata niya nang tila aandar na ang bus. Dali-dali niyang tinanggap ang cup noodle niya na umuusok na. Muntik na niyang mabitawan sa init iyon pero mabuti na lamang ay humawak siya malapit sa lid nito. Nagbayad na siya’t nagpasalamat sa ale saka lakad-takbong bumalik sa bus.
Nakahinga siya nang maluwag nang makarating sa upuan niya sa bus. Mga ilang segundo ang lumipas ay umandar na ito papalayo sa terminal. Mabagal ang takbo kung kaya nagawa niyang higupin ang mainit na sabaw ng noodles. Matapang ang amoy nito na hanggang ngayo’y hindi pa rin siya nasanay. Mas mabuting magkalaman ang tiyan niya.
Nang hindi niya iyon maubos, kumuha siya ng isang plastic sa bag at doon itinapon ang lumamig ng noodles. Napabuga na lang siya ng hangin at napatitig ulit sa mga tanawin.
Ano ang maghihintay sa kanya sa bayan? Tanging alaala na lang ba ang lahat? Wala na ba siyang babalikan?
Bumuga ulit siya ng hangin at hinayaang liparin ng hangin ang hibla ng mga buhok niya. Nag-iisip kung bababa siya mismong municipality o sa barangay Mararag. Wala siyang eksaktong plano. Hindi niya inisip ang bahay na tutuluyan niya doon. Hindi rin siya umaasa na may tumanggap sa kanya bagkus ay sasabay na lang siya sa agos ng pangyayari.
Kinakabahan na siya nang paunti-unti na niyang namamalayan na malapit na siya. Ang mga pamilyar na mga puno at ang mga bahay na bagama’t ilang metro ang layo ay ganoon pa rin katulad noon. May kaunting pagbabago. Napabuga siya ng hangin nang makita ang municipal hall ng Marihatag.
“Bababa na ho, manong,” sabi niya sa konduktor na kaagad namang sumigaw sa bus driver. Tumigil ang bus at tinulungan siya ng konduktor na ibaba ang mga bagahe niya.
“Salamat po,” magalang niyang usal sa konduktor. Nakatayo lang siya, pinagmamasdan ang papalayong bus at ang paglabo ng tunog ng makina nito.
Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Tahimik ang buong municipality. Maraming mga luntiang puno. May nakikita siyang mga batang naglalaro sa labas ng bahay at nagkukuwentuhan. May magkakapit-bahay na nag-uusap sa isang maliit na kubo. May naglilinis ng bakuran at may iilang motorsiklong dumadaan sa kalsada.
Hinila niya ang mga maleta niya’t isinabit ang backpack niya sa balikat niya. Lumapit siya sa dalawang ale na nag-uusap na tila nagulat pa sa paglapit niya.
“Magandang umaga po, may guest house po rito na puwedeng tuluyan?” tanong niya sa mga ito. Sana naman meron siyang matutuluyan dahil wala siyang contact sa mga kakilala niya rito. Hindi siya aktibo sa social media para hanapin ko niya pa ang mga ito dahil sa trabaho niya. Malabo na sa kanya ang mga pangalan nito. Mahigit labindalawang taon na rin siyang hindi nakabalik sa probinsiya.
“Meron, hija. Bago ka lang rito, ano? Bakit wala kang kasama? Mas maiging may mga kilala ka rito upang doon ka na manatili,” sabi ng isang ale na nakasuot ng bulaklaking duster. Nakapusod ang buhok nitong may iilang puting hibla. Halos kaedad nito ang nanay niya. Magalang siyang ngumiti.
“Dito po ako nakatira noon kasama ang pamilya ko. Ako lang po mag-isang pumunta rito. Ako po si Jennifer Fontanilla,” nakangiting sambit niya.
Kapwa ang mga itong natigilan na tila ba inaalala kung may naalala pagkarinig sa pangalan niya. Kahit nadismaya siya na walang nakakaalala ay sinikap niya pa ring ngumiti sa mga ito. Humigpit tuloy ang hawak niya sa strap ng bag niya.
Biniro siya ng nanay noong isang araw nang mag-impake siya dahil marami siyang dalang gamit papunta rito. Wala itong kaideya-ideya na may plano siya. Planong babago ng takbo ng buhay niya.
Gaano ba katapang ang loob mong baguhin ang takbo ng buhay mo? Kapag hindi, hindi mo mahahanap ang bagay na makakapagpasaya sayo. Iyon ang paniniwala niya.
“Ay naku, tatawagin ko muna si Iko. May alam siyang tutuluyan. Sandali lang hija, ha? Tatawagan ko si Iko, naku, ang lalaking ‘yun. Siya ang asawa ko. Traysikel drayber. Carla, patuluyan mo muna siya sa inyo. Tatawagin ko muna si Iko,” sabi nito na tila nagmamadali pa yata.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at hindi niya naitago ang pagkawala ng ngiti sa mukha ko. Nanghina ang mga kamay niya na nakakapit sa maleta. Nanginginig. Sinabi na nga ba na eto ang bubungad sa kanya. Ano pa ba ang aasahan niya na sa kabila ng labindalawang taon ay may mga taong makaalala sa musmos na siya?
Niyaya naman siya ng kasama nitong babae na mas bata rito. Bantulot na sumunod siya rito at tinulungan siya nitong hilahin ang mga bagahe niya. Iginiya siya nito sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. “Halika, naku pasensiya ka na sa bahay namin. Medyo magulo. Ako nga pala si Carla. Ate Carla na lang.”
Bumuga ng hangin si Jennifer at hinamig niya ang kanyang sarili. Saka na lang muna niya iisipin kung ano ang magiging plano niya roon. Kung tutuloy ba siya o hindi. Ayaw rin naman niyang panghinaan ng loob dahil sa bagay na iyon. Hindi pa naman huli ang lahat para kilalanin ulit ang bayan na kinagisnan niya at nawa’y tatanggapin ulit siya ng bayang iyon.
Kabanata II
Payapa ang paligid ng munisipyo. May iilang taong nagbebenta ng kung ano-ano at may nakita pa siyang iilang establisyemento na hindi nakabukas. May mga bakod ang iilang mga bahay na pinaliligiran ng iba’t ibang klase ng halaman at bulaklak na kaysarap pagmasdan.
Nakasakay siya sa traysikel ni Mang Iko papunta sa tutuluyan niyang guesthouse na nag-iisa lang sa municipality.
“Iilan lamang ang nais na magbakasyon rito, hija. Madalas ay sa San Agustin at Cagwait gustong magbakasyon ng mga turista,” imporma sa kanya ni Mang Iko, asawa ni Aling Hilda. Ang ale na nilapitan niya kanina.
“Nakatira po ako rito noon, Manong. Noong bata pa lang po ako,” nakangiting sagot ni Jennifer. “Na-miss ko lang ang pakiramdam na tumira rito at pumunta sa mga nakasanayan kong puntahan noon.”
“Ganoon ba hija? Pasensiya ka na kung hindi man kita mamukhaan pero sana’y masaya ang pananatili mo sa simple naming bayan,” malumanay na saad ni Mang Iko na tinanguan lang ni Jennifer. Naiintindihan niya ito. Ilang taon na rin naman kasi ang nakalipas.
“Ayos lang po, Mang Iko. Sana may makita akong pamilyar na mukha. Kahit papaano’y may kasama ako rito,” nasabi na lamang niya, nagbabakasakali.
Malamig ang simoy ng hangin kahit na mainit ang panahon tanda na ilang metro na lang ang layo ng dalampasigan. Napakapit siya sa gilid ng traysikel, nakatanaw sa asul na kalangitan sa harap nila. Lumiko sa isang kanto ang traysikel at maya-maya pa ay tumigil sa isang malaking bahay na dalawa ang palapag. Nakabinbin sa ibabaw ang Rio’s Guest House. Gawa sa kahoy ang bahay at pinaliligiran ng mga halaman na nasa paso ang gilid ng bahay. Pinatay ni Mang Iko ang makina ng traysikel nito.
“Guesthouse ito na pagmamay-ari ng isang konsehal dito sa Marihatag. Tuloy ka hija. Tutulungan na kita,” alok ni Mang Iko sa kanya na bumaba na ng traysikel.
“Kahit ‘wag na po. Masyado ko na po kayong naabala.” Nahihiya man ay hinayaan na lang niyang tulungan siya ni Mang Iko.
“Ayos lang, hija,” nakangiti nitong sambit at nangungunot ang mga kulubot sa gilid ng mga mata. Nakakagaan sa pakiramdam ang mga ngiti ni Mang Iko kaya napangiti na rin siya.
Buhat-buhat niya ang kanyang backpack saka pumasok sa Guest House. Dominante ang kahoy sa loob ng bahay, halatang de-kalidad na kahoy ang gamit na angkop lamang sa dating ng Guest House. Kinakausap ni Mang Iko ang receptionist habang nililibot niya ang mga mata niya sa paligid. May mga ornamental plants na nasa mga paso na magaan sa mga mata. Ang homey rin ng dating sa loob.
May hagdang-kahoy sa silangang bahagi paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
Nagpaalam na si Mang Iko sa kanya kaya nagbayad na siya. Ibibigay sana nito ang sukli niya ngunit tumanggi siya.
“Naku, hija. Sobra ‘to. Hindi ko ‘to matatanggap.”
Bigla’y parang maiiyak ako sa sinabi ni Mang Iko. “Alam ko po kung paano mabuhay sa probinsya, Mang Iko. Pakiusap, tanggapin n’yo po. Maraming salamat po.”
Ngumiti siya. “Maraming salamat, hija.”
Kinawayan niya si Mang Iko at ang narinig niya na lang sa labas ay ang papalayo nitong traysikel.
“Dalawang linggo po. Magkano?” tanong niya sa receptionist na napaawang ang mga labi. Nagtaka naman siya sa inakto nito. May mali ba sa dalawang linggo?
“Pasensiya na, Miss. Hindi ko aakalaing may mananatili ka rito ng dalawang linggo. Madalas kasi ay inaabot lang sila ng tatlong araw. Walang masyadong turista rito sa amin. Kung meron man, hindi ito ang destinasyon,” kuwento ng receptionist na ikinangiti niya lamang. Ito ang sinabi sa kanya ni Mang Iko. Oo, payak ang bayan. Mga rice paddies, mga ilog, payapang dagat, mga kagubatan ang naroon pero malaking bagay na iyon para sa kasiyahang gustong maramdaman ulit ni Jennifer doon.
“Dito po talaga destinasyon ko,” simpleng sabi niya at nagbayad na para sa dalawang linggong pananatili sa guesthouse. Dalawang taon niyang pinag-ipunan ang paglalakbay niya na ito at kapag nagbago ang isip niya ay baka doon siya manananatili. Hahanapin pa niya ang bagay upang patibayan ang paniniwala niyang iyon.
***
Nakahigang tinititigan niya ang kulay kaki’ng kisame. May aircon sa loob ng kuwarto niya. May isang night table na nasa gilid ng kama at sa kanlurang bahagi ay ang bintana na nakasarado. Bumangon siya’t tumungo sa may bintana at binuksan iyon.
Halos lumuwa ang mga mata niya sa pagkamangha nang matanaw ang isang maliit na isla di-kalayuan sa dalampasigan. Presko ang hangin na nagmumula sa malawak na karagatan. Kumikinang ang tubig at naririnig niya ang mabining hampas ng alon. Bigla’y nasabik siyang pumunta roon at magtampisaw sa dagat ngunit kailangan pa niyang magpahinga.
Hindi pa siya nakapag-unpack at kailangan niyang matulog upang bumawi ng lakas niya. Nanginginig ang mga kamay niya sa excitement na nararamdaman.
This is it! Nasa Marihatag na ako!
***
Pagkagising niya, tumawag kaagad siya sa nanay na nakarating na siya sa Marihatag. Andami nitong paalala sa kanya at tuwang-tuwa siyang malaman na maayos ang lagay ng mga ito sa Cebu. Ang akala niya’y magtatampo ang mga ito sa kanya. Mawawala kasi siya ng matagal. Hindi lang dalawang linggo kung hindi balak niya talagang isang manatili ng isang buwan sa Mararag.
Sa Mararag naman talaga ang punta niya ngunit natatakot siyang harapin ang katotohanang wala na siyang babalikan roon. Hindi pa rin nawawala ang pangamba niyang estranghera pa rin siya sa nayon.
Lumakad siya papuntang sementeryo na malapit lang sa karagatan kung saan doon nakalibing si Nanay Amelia. Ang umampon sa kanyang nanay nang matagpuan itong umiiyak sa kagubatan. Natagpuan ito sa isang lampin ayon sa mga nakakatanda sa kanilang bayan noong bata pa siya.
Hinala ng marami sa barangay ay anak ng isang mayamang angkan ang kanyang ina at ang tunay nitong ina, ang lola niya, ay iniwan ito doon sa kagubatan dahil ipapakasal ito sa lalaking hindi nito mahal. Ang tunay daw na ama ng nanay niya ay isang mahirap lamang na tagasilbi ng pamilya ng tunay nitong ina. Iyon ang kuwento ng mga taga-bayan at tikom lang ang bibig ni Nanay Amelia na bagama’t kaduda-duda ang pagiging tahimik nito sa kuwentong iyon ay itinuring pa rin nitong tunay na anak ang Nanay Felice niya.
Binabaktas niya ang daan patungo sa sementeryo. Hawak-hawak niya ang kumpol na sariwang bulaklak na binili niya kanina sa merkado. Unti-unti niya nang nakikita ang mga nagtataasang mga niyog at mga damo sa gilid ng sementeryo. May mga mababang ligaw na damo sa lupa at ang iba pa ay kailangang hawiin dahil sagabal sa daraanan. Nasa kanlurang bahagi ang mauseleo ni Nanay Amelia.
Huminga siya nang malalim at pinawi ang nararamdaman niyang kaba na baka hindi niya matagpuan ang libingan ni Nanay.
Walong-taong gulang lang siya nang magpaalam si Nanay Amelia sa kanila. May pagkakataong hinahanap niya ang kalinga nito noon. Ang pagtuturo nito sa kanya ng Math sa lilim ng punong mangga, nagbibilang ng isa hanggang sa dalawang-daan.
Binasa niya ang mga nakaukit na mga pangalan sa lapida hanggang sa makita niya ang hinahanap niya. Napaluhod siya’t nagsindi ng kandila. Inilapag niya ang mababangong mga bulaklak sa paanan ng lapida ni Nanay Amelia.
Pinangingilagan ang sementeryo dahil naniniwala ang mga taong may mga kaluluwang nananatili roon, natatakot lalo na kapag gabi ngunit may bahagi sa kanyang pumupunta roon upang bisitahin ang mga taong unti-unti na ay kinalimutan na ng iba.
Ayaw mong makalimutan ng mga tao. Kung minsa’y wala ka ng magagawa kung hindi ka man nila maalala dahil nawala ka ng matagal. At hindi ka na babalik. Nagsasawa rin ang mga taong maghintay sa mga taong walang kasiguraduhang bumalik sa buhay nila.
“‘Nay, nakabalik na ho rito sa wakas ang apo n’yo. Pagpasensiyahan n’yo po si Nanay. Hindi po siya makakabisita ngayong taon dahil masyado po siyang abala sa munti niyang negosyo. Hayaan n’yo po, sa susunod. Baka kami na ni Mama ang umuwi rito,” kausap niya kay Nanay Amelia na parang nasa harap niya lang ito. Nangungulila siya kay Nanay Amelia dahil ito lang ang nag-iisa niyang Lola.
Hindi na kasi bumalik ang tunay na ina ng ama niya kung kaya’t minsan naiintindihan niya ang ugali nito. May bahagi sa ‘yong pagkatao na may hinahanap ka, na may pagkukulang at alam kong hindi napupunan ang pagkukulang na iyon sa kanyang tatay. Hindi bumalik ang nanay nito. At hindi niyang alam kung bakit may mga ina na kayang tikisin ang mga anak nila at hindi na ito balikan.
Umusal siya ng dasal at nanatili roon, nakaupo at tinatanaw ang mga luntiang halaman. Tahimik na ipinapanalangin na sana’y magiging maayos ang paglalakbay niyang ito. Naniningkit ang mga matang itinaas niya ang mga kamay ko, sinasalubong ang liwanag ng araw nang maalis ang ulap.
“Nanay Amelia, balak ko pong tumira rito. Matatanggap kaya nila?” bulong niya. Napapikit siya nang umihip ang hangin, nililipad ang hibla ng buhok niyang tumakas mula sa pagkakapusod nito. Sumasayaw ang mga damo at dahon ng niyog, humuhuni ang payapang alon mula sa karagatan at wala ng apoy ang kandila.
Inalis niya ang pagkakatali ng buhok niya at hinayaang tangayin iyon ng hangin na nagmumula sa dalampasigan. Sinamyo niya ang amoy ng maalat na hanging dumadampi sa balat niya. Tinanggal niya ang tsinelas niya mula sa pagkakasuot nito at dinama ang mga pinong buhangin sa talampakan kniya. Humakbang siya patungo sa dulo ng mga alon at nilunoy ang mga paa niya roon.
Walang katao-tao sa paligid na ikinaligaya niya. Bagama’t madali siyang maka-adapt sa mga grupo ng tao, hinahanap-hanap niya pa rin ang solitude at freedom. Hindi niya nararamdamang malungkot kapag nag-iisa suiya dahil natatagpuan niya ang sariling payapa at komportable sa katahimikan.
Malamig ang tubig kung kaya’t naglakad soya. Buhangin ang ilalim ng tubig. Pino ang mga bato. Naniningkit ang mga mata niya sa sinag ng araw na natatakpan lamang ng iilang ulap.
“Katulad ng dati,” bulong niya sa hangin at pinagmasdan ang munting isla sa malayo. May maliit na kagubatan niyon at naalala niya pa kung paano niya nilangoy ang isla noong bata pa siya. Likas siyang swimmer noon at nang tumuntong siya ng highschool sa siyudad ay isa siya sa mga naging swimmer. Naipanalo niya ang iba’t ibang kompetisyon hanggang sa kolehiyo.
Kayumanggi ang balat niya gawa ng madalas na pagbilad niya lagi sa araw noon at ang hilig niya sa paglangoy. Mahilig siyang magliwaliw kung saan at halos nalibot na yata niya ang buong Cebu kung saan siya nakatira. Nagtatagal lang siya ng isang araw o higit pa hindi katulad ngayon na balak niyang manatili nang isang buwan.
Humakbang ulit siya. Nasanay na siya sa paghampas ng alon sa katawan niya at nanatiling nakatayo roon. Unti-unti nang nababasa ang laylayan ng palda niya. Tinakpan niya ang mga mata niya mula sa sinag ng araw at tinanaw ulit ang isla.
Paano kaya kung lalangoy siya papunta roon?
Dinama niya ang mga alon sa mga kamay niya at tinitigan iyon na nakalublob sa tubig.
“Balak mo bang lumangoy patungo sa isla?” Napapitlag siya sa gulat nang makarinig ng boses mula sa likod niya.
Napatuwid siya ng tayo at muntik pa siyang mawalan ng balanse sa kinatatayuan niya. Nainis siya bigla sa pagsulpot ng kung sinong Poncio Pilato at marahas na lumingon dito.
Sinalubong siya nito ng isang nakakasilaw na ngiti. Bahagyang magulo ang buhok nito at may iilang hibla ang sinasayaw ng hangin. Nakasuot ito ng puting sando at hawaian shorts at mukhang Islander na tsinelas. Maaliwas ang mukha nito, matangos ang ilong at sensuwal ang mga pinkish na mga labi na hindi pa yata nasasayaran ng sigarilyo. Light tan ang balat nito na halatang nabilad masyado sa araw. Mukhang may halong banyaga ang hitsura nito.
Amuse na tiningnan siya nitl ulit at ginantihan niya iyon ng matalim na tingin, itinago ang pagkapahiya ng konti dahil masyado na siyang nakatitig rito. Hindi ito ordinaryong promdi na nakikita niya sa mga probinsya doon sa Cebu. Mas lalo na rito sa Mindanao na kailangan pang sadyain. O ni-underestimate niya lang ang mga itsura ng mga probinsyano?
“It’s okay to strip off your clothes and swim there. I won’t mind.” Winikisan niya ito ng tubig at wala ng pakialam na mabasa siya nang tuluyan. Masyado itong presko na ikinairita niya.
“Bastos!” galit na sigaw niya rito at nagmartsa paalis roon. Nagmamadaling dinampot niya ang mga tsinelas niya. Ni hindi niya iyon sinuot sa inis na nararamdaman.. Narinig niya na lang ang halakhak nito sa background.
Buwisit na lalaki. Anong akala niya sa sarili niya? Napakaguwapo at lalandi na kaagad ng babae sa kanya? Makabalik na nga sa Guesthouse! Nakakaimbyerna! inis na bulong niya sa sarili.
Humikab siya at itinabi na ang librong binabasa niya. Tapos na niya iyong basahin. Ipinikit niya ang mga mata niya’tnag-inat. Matutulog na sana siya ngunit nakaramdam siya ng matinding gutom kaya bumaba na siya. Nakasuot lang siya ng puting statement shirt na ‘Socially Awkward’ at maong shorts. Hindi na siya nag-abalang magpalit pa dahil malapit lang naman pupuntahan niya.
“May malapit ba na kainan dito, Kay?” tanong niya kay Kaycee. Kung may bahay sana siga rito, malamang nagsimula na siyang magluto ng pagkain niya kaso wala. Nakarenta lang siya ng isang kuwarto na walang kusina.
“Kakaunti lang po ang kainan, Ate Jen pero may kusina po ang guesthouse namin. Puwede po kayong magluto ng pagkain. May mga items naman po sa loob ng fridge,” kausap nito sa kanya. Tatlong araw na siya rito at kung minsa’y kausap niya ang receptionist na si Kaycee. Tinatanong ang buhay nitosa Cagwait dahil interesado lang siyang malaman kung ano ang takbo ng pamumuhay ng mga ito doon.
“Oh really? Sana ipinaalam mo sa ‘kin at nang hindi na ako lumabas pa. Miss ko na ang lutong-bahay,” pahayag niya na bahagyang nakalabi na ikinatawa nito. Hihirit pa sana siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng guesthouse.
“Kaycee, may bakante bang mga kuwarto ngayon? I have guests tomorrow. They’re five,” sabi ng taong may baritonong boses. Pamilyar sa kanya ang timbre kaya marahas siyang napalingon.
Nagkagulatan silang dalawa nang masilayan ang isa’t-isa. Suot pa rin nito ang damit nito kanina nang makita niya ito sa dalampasin.
“You? What are you doing here?” nakakunot ang noo nitong tanong sa kanya. Hindi niya mapigilang iikot ang mga mata niya. Seryuso? Tinatanong nito ang napaka-obvious na bagay?
“I’m a guest here,” sagot niya sa tanong nito at humarap dito.
Tinaasan niya ito ng kilay at bahagyang tumaas ang gilid ng labi nito. Kumunot naman ang kanyang noo.
“Funny. This is my guesthouse. Welcome to Rio’s Guesthouse m’lady.”
Nalaglag ang panga niya. Ito ang may-ari ng guesthouse na ito?
“Hindi ka ba hihingi ng paumanhin sa ‘kin?” patuyang tanong nito sa kanya habang may hawak na baso. Nakaupo ito sa upuan paharap ng mesa.
Wala siyang pakialam kung ito ang may-ari ng guesthouse na ito. Bisita siya nito kahit gaano pa ka-indifferent ang ugali niya. At hindi siya nito puwedeng itaboy sa kusina nang dahil lang sa maliit na bagay.
Inirapan niya ito. Naaalibadbaran pa rin siya sa kapreskuhan nito. “Bakit naman ako hihingi ng tawad sayo?”
Kasalukuyang siyang nagluluto ng scrambled egg bilang ulam niya sa kanin. Kung ayaw siya nito na nasa kusina ito ng guesthouse nito ay noon pa sana siya tinaboy ngunit hindi nito ginawa bagkus nakatanghod lang ito sa mesa. Pinapanood siya at umiinom ng wine nito.
Mahin itong natawa at paglingon niya, tila amuse na amuse itong tiningnan aiya na para bang may nakita itong nakakapagtawa rito. May sira ba ito sa ulo?
Gusto niya itong ng hampasin ng sandok sa totoo lang. Naiirita siya sa mga taong tila katatawanan ang tingin nila sa kanya.
Binaliktad niya ang scrambled egg sa pan at hinayaang maluto ang likod nito.
“Totoo naman ang sinabi ko kanina ah. You should’ve swim right there. I’ll be waiting in the sand and wait for you to put on your clothes,” pilyo nitong sambit.
Akmang hahampasin niya ito ng sandok nang itaas nito ang mga kamay nito na parang susuko sa giyera.
“Fine! fine! I was just kidding around,” bawi nito. “I’m Romeo. Dela Cuesta. You can call me Rome. The owner of this guesthouse. Dito ako nakatira since I don’t know when. I stop counting. Ikaw? Bihira lang akong makakita ng guest rito na magst-stay ng matagal.”
Tumalim ang tingin niya rito ikinangisi lang nito. Hindi apektado sa pagmamaldita niya rito. Pinatay niya na ang stove at inilagay ang scrambled egg sa plato. Inilapag niya iyon sa nag-iisang mesa roon kasama na ang plato na may kanin. Kumuha siya ng kutsara’t tinidor sa lagayan nito.
“I know because I ask Kaycee. My friends will come here tomorrow. You can mingle with them,” wika nito. ” Hindi ka ba nababagot rito?”
“Ayoko.” Kahit pa badtrip siya rito sa unang kita nila ay kumuha ulit siya ng mga kubyertos para sa dito. Nilagyan niya ng kanin ang plato nito. “Kumain ka.”
“Busog ako,” sagot nito na nagsalin ng red wine sa baso.
“Ayokong kumain na may taong hindi kumakain sa harap ko,” sabi na lamang niya’t umupo sa katapat nitong upuan.
“Bakit ba ang sungit mo?” tanong nito sa kanya at tinanggap ang plato ng kanin mula sa akin. Kumuha na rin ito ng scrambled egg.
“Hindi ako masungit. Depende lang sa taong kausap ko ang ugali ko. Kung balasubas ang ugali mo, hindi garantiya na mabait ako sa ‘yo,” simple niyang sabi na nasa pagkain na ang atensiyon.
“Why are you here?” usisa nito.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “For a change. A diversion, perhaps. Nakakasawa na ang buhay sa siyudad. I lived here before. Sa Mararag.”
“Mararag? Then why are you not there?”
“Wala akong pamilya o kakilala na babalikan doon.”
“Teka, anong pangalan mo?” tanong nito, hindi naitago ang kuryusidad.
“Jennifer Fontanilla.”
Nagulat siya nang bigla itong tumawa na tila ba na may nadiskubreng sikreto. Sinamaan niya tuloy ito ng tingin. Inikot niya na lang ang mga mata niya at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain.
Kinalikot nito ang phone nito na may pilyong ngisi sa mga labi. Kalauna’y hindi na niya ito inimikan at tinapos na ang pagkain niya. Hindi naman niya obligadong magpaalam sa rito kaya pumanhik na siga sa taas pagkatapos niyang maghugas ng pinggan.
Kabanata III
Nang makita niya ang nag-iisang cottage sa harap ng malawak na palayan ay pinatigil niya ang habal-habal driver.
“Dito lang ho, Kuya,” sabi niya rito at bumaba na ng motorsiklo. Nakasuot siya ng puting bestida at puting sombrero. Nagbayad siya rito at susuklian sana siya nito pero hindi niya tinanggap. Ngumiti siya rito.”‘Wag na po, Kuya. Sayo na lang po ang sukli.”
“Salamat,” tipid nitong salita at pinasibad na ang motorsiklo sa direksiyong patungo sa Mararag. Napabuga siya ng hangin habang tinatanaw sa malayo ang Mararag.
Hindi siya nagpababa roon dahil natuwa siya nang makita ang nag-iisang cottage sa gitna ng malawak na palayan kung saan doon siya nananatili noon tuwing paglubog ng araw. Hinawakan niya ang laylayan ng bestida niya’t sombrero nagtungo sa cottage. Kulay ginto ang buong palayan hudyat na anumang araw ay aanihin na ang mga ito.
Umupo siya sa papag at inilibot ang mga mata sa loob ng cottage. Akala niya wala na ito sa tagal na ng panahon na hindi siya nakabalik. Nakakamangha. Nakatirik pa rin ang maliit na kubo roon. Doon nagpapahinga minsan ang mga magsasaka at may iilang rin taong tumatambay roon.
Pinagmasdan niya ang mga kabundukan sa malayo at ang mga punong nakapaligid sa baba nio. Iilan sa mga iyon ay mga kawayan na sinasayaw ng hangin. Inilipad ng huli ang sombrero niya patungo sa mga gintong palay.
Nangingiting umalis siya sa cottage at tumungo sa mga palayan. Pababa ang isang pilapil na hinakbangan niya. Hinawakan niya ang laylayan ng puting bestida niya upang hindi iyon sumayad sa lupa. Binabalanse niya ang kanyang sarili sa pilapil habang naglalakad.
Nang matagpuan niya ang sombrero na sinalo ng mga palay sa kanlurang bahagi ay inabot niya ito at sinuot uli sa ulo niya. Kapwa niya hawak ang bestida at sombrero niya habang tumatawid ng pilapil. Binabalanse ang sarili niya upang hindi mahulog sa palayan. Bahagya siyang natawa sa pinaggagawa niya, naalalang ito ang isa sa mga libangan niya noong bata pa siya.
Umihip ang malakas ang hangin at dinama niya ang lamig na inidulot nito sa kanya. Sumasayaw ang mga gintong palay maging ang mga puno sa paligid. Ang nakalatag na trapal na may mga butil ng palay ay nanatiling matatag sa kabila ng malakas na hangin. Nasa kabilang bahagi ito ng sementong daan.
Ipinikit niya ang mga mata niya. Dinadama ang katahimikan ng nayon.
Hawak-hawak niya ang sombrero sa ulo nang makarinig siya ng tunog ng makina ng motorsiklo. Papalapit sa puwesto niya. Ibinuka niya ang mga mata niya.
Tumigil ang motorsiklo sa harap niya. Napaatras tuloy siya ng isang hakbang. Nakasuot ang rider niyon ng helmet sa ulo kung kaya’t hindi niya maaninag ang mukha nito ngunit natigilan siya nang masilayan ang mga mata nito.
Ang mga matang singkulay ng luntiang kapaligiran.
Bumilis ang tahip ng dibdib niya. Nalaglag ang sombrero niya at inilipad na naman iyon ng malakas na hangin. Napatulala siya nang pinatay nito ang makina at inalis ang pagkakasuot ng helmet.
Tila nasadlak sa lupa ang puso niya nang tawagin siya nito sa palayaw niya.
“Jen.”
17 taon na nakalipas . . .
Likas na sa kanya na mandiskubre ng mga tanawin dito sa Mararag kaya ngayon naisipan niyang sundin ang ilog patungo sa kaloob-looban ng kagubatan. Gusto niyang makarating sa likod ng mga kabundukan kung saan nandoon ang malawak na karagatan ng Pacific at puti pa ang mga buhangin. Walang masyadong tao at malaya siyang gawin kung ano ang gusto niya.
Nagtataasan na ang mga damo sa paligid at unti-unti nang naging masukal ang kagubatan nang makarinig siya ng kaluskos sa likod niya.
Marahas siyang napalingon at napakunot-noo nang makitang may isang batang lalaking nakasunod sa kanya.
“Hindi ka dapat pumasok pa sa kagubatan. Baka may ahas o iba pang mga hayop,” sabi nito sa seryusong boses. Bahagyang magulo ang mga buhok nitk at ang bangs nito ay nakatabing sa noo nitk. Nakasuot ito ng sando at kulay kremang shorts. Naka-tsinelas din ito gaya niya. Hindi niya ito namukhaan gawa na rin na medyo madilim na sa parteng ito ng kagubatan.
Mga ilang hakbang ang layo sa kanila ay ang tunog ng rumaragasang tubig mula sa ilog.
“Kaya ko na ang sarili ko. Bumalik ka na d’un,” sabi niya rito, itinuro ang daan kung saan siya galing at tinalikuran ito. Dinampot niya ang isang sanga sa damuhan at hinawi ang mga nagtataasang mga damo.
“Teka, saan ka ba pupunta at ayaw mong magpapigil?” tanong nito sa kanya. Nairita tuloy siya sa pagiging mausisa nito.
“Sino ka ba, ha?” sa halip ay sagot niya sa kanya at initsa sa kung saan ang sanga.
“Stubborn, aren’t you?”
Natigilan siya. Bihira lang sa kanila ang nagsasalita ng Ingles sa bayan. Kung meron man ay sa eskuwelahan nila kung saan ay tinuturuan sila ng lengguwaheng iyon.
Unti-unting nagliliwanag ang paligid gawa ng mga sinag ng araw na malamang ay hindi na tinakpan ng mga ulap.
Napamaang siya nang masilayan ang mga mata nito na una niyang napansin rito. Kakulay ng malawak na kagubatan at lupain. Luntian. Mas matangkad ito sa mga karaniwang lalaki sa kanila. Mapusyaw ang balat nito, kaibahan sa kanya na kulay kayumanggi dahil bilad lagi sa araw. Halatang may banyagang dugo ito.
Ngumisi ito. “Umalis na tayo rito. Ikuwento mo na lang sa ‘kin kung bakit gusto mo talagang pumasok sa kagubatan.”
“Hindi ka tagarito,” sambit niya at inunahan na ito sa paglalakad. Magaan ang mga hakbang niya upang hindi niya matapakan ang mga matataas na damo. May iba pa namang klase ng damo na nakakasugat ng binti.
“Nakatira ang pamilya ko sa Cagwait. Tagaroon kami. Ang Lola Carmelita ko ang nakatira rito. Bakasyon ngayon kaya nandito ako,
” pahayag nito.
Tuluyan na silang nakalabas ng kagubatan. Ilang metro ang layo sa kanila ay ang payapang ilog. Tumungo siya sa gilid niyon kung saan may mangilan-ngilang nagtataasang mga damo. May mga ligaw na bulaklak rin na kulay dilaw at puti. Nasa baba ang ilog na may iilang bato na nagsisilbing tawiran nila.
“Si Lola Carmelita? Kaibigan siya ng namayapa kong Lola. Si Nanay Amelia. Dalawang taon nang nakalipas nang mamamaalam siya sa ‘min,” malumanay niyang sambit at pinanood ang pagragasa ng tubig sa baba. Walong-taong gulang siya nang mamaalam si Nanay Amelia. Sampung-taong gulang na siya ngayon.
Kapit-bahay nila si Lola Carmelita na nasa kabilang bahagi ng daan ang bahay. Kasama nitong nakatira sa bahay si Lolo Damian na minsan na niyang naging kalaro.
“Pasensiya na,” sabi nito. Itinago niya ang malungkot niyang ekspresyon nang humarap siya rito. Napatulala na naman siya nang ilang segundo nang masalubong ang mga mata nito.
“Sigurado ka bang apo ka niya? Ang alam ko wala siyang apo na banyaga,” kunot-noong duda niya.
Bigla’y natawa ito. Umalingawngaw ang tawa sa tahimik na paligid. Tanging agos mula sa ilog ang naririnig niya. Anong mali sa sinabi niya? Iyon mismo ang obserbasyon niya.
“Apo niya ako. Anak niya ang nanay ko. si Nanay Gloria. Ampon ako ng tatay ko na ngayon na si Tatay Gino. Ako? Anak ng ibang tatay.” Naging malamlam ang mga mata nito nang bigkasin ang dalawang huling salita.
Natigilan siya sa kinatatayuan ko, pilit pinroseso ang sinabi nito. Kung ganoon? Nangunot ang kanyang noo at mukhang nahulaan nito ang itinakbo ng isip niya.
“Banyaga. Banyaga ang totoo kong tatay kaya ganito itsura ko. Sabi ni nanay, isa siyang Irish man. Nakatira sa isang bansa na malayong-malayo dito sa ‘tin. Nasa kabilang panig ng mundo. Hindi ko alam kung paano sila nagtagpo. Ang alam ko lang, nagkaibigan silang dalawa hanggang sa bumalik ang totoo kong tatay sa Ireland. Wala nang balita ang nanay ko sa kanya. At hindi ko na inasam pang babalik siya rito. Kasal na ang nanay ko at si tatay Gino. May dalawang kapatid ako. Babae at lalaki. Kontento na si Mama. Masaya na siya,” paglalahad nito ng kuwento ng buhay sa kanya.
Umupo ito sa damuhan at hinayaang ilaylay ang mga paa sa maliit na bangin.
“Bakit sinasabi mo sa akin ito?” tanong niya rito at umupo katabi rito. Maingat niyang nilaylay ang mga paa niya sa bangin at kumapit sa mga damo.
Nilingon siya nito at ngumiti. Maganda talaga ang mga mata nito pati ang ngiti nitong mas lalong nagpapaaliwalas sa mukha nito.
“Dahil ayokong may taong matakot sa itsura kong ‘to. Itinuturing na iba sa lahat. Sanay na akong kutyain na anak ako ng bayarang babae pero ang damayin nila ang nanay ko, hindi na iyon tama kaya minsan napapaaway ako sa eskuwelahan,” paglalahad nito’t bahagya pang natatawa.
“Mahirap nga,” uaal niya at pinanood ang payapang pag-ihip ng hangin sa mga halaman sa gilid ng mababang bangin.
“Ang ano?”
Malumanay ang ngiti niya. “Na iba ka sa kanila.”
Noong araw na iyon, lagi na niyang nakikita si Daniel Kyle sa Mararag. Totoo palang apo ito ni Lola Carmelita na malapit na sa kanya noon pa mang bata siya. Nagbebenta ito ng mga kakanin na siyang paborito niya. Naikuwento na ng kanyang ina na minsan pa’y nagtatampo ang Lola Amelia niya dahil madalas nasa bahay siya ni Lola Carmelita.
Bahagya tuloy siyang nagtampo dahil hindi man lang nito kinuwento sa kanya ang tungkol kay Daniel. Sagot nito, komplikado, ngunit nang malaman nitong ikinuwento ni Daniel ang pagkakilanlan nito ay napangiti ito’t ginulo ang buhok niya.
Sa Mararag nagbabakasyon si Danie kahit na nakatira sa Cagwait ang pamilya nito. Nakikita niya itong naglalaro ng basketbol kasama ng mga kapit-bahay niya.
May isang beses na nagpaalam ito saglit sa mga kalaro nito at lumapit sa kanya na nakaupo lang sa mahabang bangko.
“Kumusta?” nakangiti nitong bati sa kanya kaya napangiti na rin siya. Nakakahawa ang aliwalas ng ngiti nito.
“Ayos lang. Ikaw?”
Bahagyang naningkit ang mga mata nito sa sinag ng araw. “Gusto mo, sa may ilog tayo?”
“Sige,” sabi niya’t tumayo na.
Natagpuan na lang nila ang mga sarili nilang na binaybay ang gilid ng ilog. Ang mga damuhan at ligaw na halaman sa gilid nito ay tumitingkad sa ilalim ng mainit na araw ng Abril.
“Malapit sa ‘kin si Lolo Damian at Lola Carmelita kaya minsan nagseselos si Lola Amelia na nandoon ako sa bahay ng lolo’t lola mo. Sadyang naaaliw ako sa mga kuwentong-bayan ni Lola Carmelita. Ikaw ba? Narinig na ang mga kuwento niya?” tanong niya kay Daniel na ngayo’y nakaupo sa malawak na damuhan. Ilang metro ang layo ay mga tanim ng palay na unti-unti nang nagiging kulay ginto.
Malapit na ring bumaba ang araw sa likod ng mga bulubundukin.
“Oo naman. Alam mo ‘yung kuwento niya sa wakwak? Totoo ‘yon. May isang beses raw na naiwan si nanay sa bahay kasama ang baby pa noon na kapatid ko. May wakwak na lumilipad sa itaas ng bahay. Umalis lang nang mapansing umuuwi na si Papa. Akap-akap ni nanay ang kapatid ko. Sabi ni Lola, dalawang taong gulang pa lamang ako noon nang masaksihan ang pangyayari,” pagkukuwento nito’t humiga sa damuhan. “May mga bagay talaga na hindi maipaliwanag ano?”
Ipinikit nito ang mga mata nito. Ang payapa nitong tingnan. Umupo siya katabi nito, mga ilang dangkal ang layo. Niyakap niya ang mga tuhod niya.
“Oo naman,” sang-ayon niya rito. “Naisip ko nga na mahirap ngang hanapin ang kasagutan sa mga ganoon. Dami nilang mga kuwento ano?” sabi niya nakatanaw sa ngayo’y asul na ilog di kalayuan sa kanila.
“Paulit-ulit ko ngang naririnig pero di pa rin ako nagsasawa. Sabi nga ni Lola, bata pa tayo. Marami pa daw tayong bagay na matutuklasan at hindi daw iyon ipipilit,” paglalahad nito habang tinatanaw ang mga ulap na tumatakip sa araw.
“Naalala ko, pangit daw yung prutas na pilit sa hinog. Sabi ni Lola Amelia. Mas masarap pa rin yung mga prutas na hinayaan mong mahinog. Kumbaga raw, may tamang panahon para sa bagay-bagay,” sambit ni Jennifer, napadako ang mga mata sa mga puno sa kabilang panig ng ilog. Naalala tuloy niya ang mga prutas na namumunga sa panahong iyon na puwede nang pitasin.
Napabangon si Daniel nang masilawan na sa araw. “Ang init na ah. Gusto mong lumangoy tayo sa ilog?”
Unti-unti siyang napangiti.
“Sige ba! Tara!”
Nauna pa siyang tumakbo rito papunta sa ilog na ang singaw ay malamig. Nakakahalina tuloy maligo. Narinig niya itong tumatawa sa likod at katulad niyang hinubad ang mga tsinelas at diretsong tampisaw na sa malamig na ilog.
Kasa-kasama niya si Daniel kung saan sa tuwing maisipan nitong mamasyal ay nandoon siya. Minsan nga, nagtataka na ang iba kung bakit halos hindi sila mapagod sa pagliliwaliw nila kung saan. Kung napapansin nitong nawawala siya at kung saan-saan magpunta ay sinasamahan siya nito. Naging matalik silang magkaibigan sa bakasyon at minsa’y kasama nila ang mga kapit-bahay niya sa paglalaro.
“Ang hina mo naman, Daniel. Tumalon ka na!” sigaw ng pinsan niyang si Jason kay Daniel na nasa ibabaw ng tulay. Nasa gilid ito ng railings, nakakapit at nakatunghay sa kanilang lumalangoy sa ilog. Handa na itong tumalon roon.
Tatawa-tawang inabangan nila ito sa baba kung saan palutang-lutang lang sa ilog. Basang-basa ang mga damit at panay ang langoy. Nginitian niya ito mula sa ibaba at masigla itong kinawayan.
“‘Wag kang matakot, Daniel! Malalim ang tubig kung saan ako ngayon,” kaway niya rito
“Natatakot ako! ” sigaw nito, nakakapit sa pulang railings.
Tumawa silang lahat rito dahil bakas sa boses nito ang takot. Unang beses itong tatalon mula sa tulay pahulog sa ilog.
“Sisigaw ako!” malakas ang boses niyang sigaw. “Isa, dalawa, tat—”
Tila tinangay sila ng malaking alon nang tumalon si Daniel. Tumalsik nang napakalakas ang tubig na bumulag sa mga mata namin. Napahilamos siya sa basang mukha niya’t hinanap si Daniel sa ilog.
May bumubulang tubig sa may paanan niya. Napasigaw pa siya nang umahon roon si Daniel.
“Ano ba! Huwag ka ngang manggulat! Para kang syokoy!” natatawang winikisan niya ito ng tubig.
Tuwang-tuwa ang mga tao na ipagdiwang ang fiesta ng bayan sa Mayo. Maganda ang ani at pawang masasaya ang mga tao’t nagtipon-tipon upang kumain ng inihandang lechon. Samu’t saring pagkain ang nakalatag sa mesa. May boodle fight pa. Adobong baboy o manok, kamoteng-kahoy, saging na saba mga kakanin, puso ng saging na iba’t-iba ang paraan ng pagluto at marami pang iba.
Ang tatay niya ay kasama ang mga kagaya nitong sundalo sa kampo na pawang may hawak na basong may lambanog. Nagkaroon ng mga laro sa bayan at kapag naipapanalo ay mga mga premyo galing sa munisipyo. Isang sako ng bigas at kahit ano. Silang mga bata ay nakatanaw lang sa mga ito, pawang nagtatawanan sa tabing-ilog, kumakain ng mga prutas.
“Ang ganda rito sa inyo. Ang daming mapapasyalan saka ang saya-saya ng mga tao. Tama nga si Lola. Masaya rito,” ani Daniel na bakas sa mata ang kasiyahan.
“Oo naman!” sagot niya rito sa habang nilalantakan ang hilaw na mangga. Isa sa mga paborito niyang prutas na kaysarap isawsaw sa hipon o bagoong.
Napangiwi ito nang tingnan siya, partikular na sa mga labi niya. Tinuro pa nito iyon. “Ang putla na ng mga labi mo. Tama na ‘yang mangga, Jen.”
Akmang kukunin nito ang kinakain niyang mangga na inilayo lamang niya. “Kumain ka na nga lang d’yan, Daniel,” sa halip ay sabi niya at ngumiti na lang. “Gusto mong pumunta ng dagat, bukas? Makikiusap ako kay Tito na ihatid tayo roon.”
Nagningning ang mga mata nito. Pagdating talaga sa pagliliwaliw kung saan, kasundo niya ito lagi.
“Bukas. Gising ka nang maaga,” nakangising sambit niya kaya litaw na litaw ang dalawang biloy sa mukha niya.
Kabanata IV
Nakatingin lang siya sa labas ng sa bintana, malayo ang isip hanggang sa napapitlag siya nang hampasin ng guro nila ang stick nito sa mesa.
“Makinig. May bago kayong kaklase.” Napunta ang atensiyon niya sa harap at napamaang na lang siya nang makita si Daniel Kyle na nakangiti sa harap ng klase. Umingit ang mga kaklase niyang mga babae at inikot niya na lang ang mga mata ko. May hitsura kasi ito at aminin man niya o hindi, may kapogiang taglay ito.
‘Kaklase? Bakit hindi niya sinabi ito sa akin?’ bulong niya sa sarili. Anong pumasok sa kukote nito at lumipat ng eskuwelahan nila?
Lumapad ang ngiti ni Daniel nang matagpuan siya sa gilid na row. Kinutuban tuloy siya na baka tatabi ito sa kanya o kaya’y may kalokohang niluluto ngayong magkaklase na sila.
“Magandang araw, ako po si Daniel Kyle Kalupin. Anak ng tatay at nanay ko,” pakilala ni Daniel na may pilyong ngiti sa mga labi.
Nagtawanan ang buong klase maliban kay Jennifer na naniningkit na ang mga matang nakamasid kay Daniel Kyle. Diyata’t hindi lang pala sa bakasyon niya ito makikita, buong school year pa yata.
“Daniel.” Halos kapusin siya ng hininga nang bigkasin ang pangalan nito.
Napamaang siya’t hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Naitakip niya ang bibig niya sa pagkasorpresa. Nanginginig ang mga kamay niya sa kasiyahang masilayan ito matapos nang ilang taong hindi pagkikita.
Mas lalo itong naging matangkad. Matipuno at ang mapusyaw nitong balat noon ay namumula at nagiging kayumanggi dahil sa madalas na pagbilad sa araw. Matangos ang ilong at ang mga labi ay nakangiti. Hindi niya makakalimutan ang nakakabighani nitong mga mata na maihahambing sa luntiang lupain o kagubatan.
“Jen.” Bigla ay marahan itong natawa na tila ba nasisiyahang makita ulit siya. Naging mas maaliwalas mukha nito gawa ng nakapaskil na ngiti sa mga labi. Naibagsak nito ang hawak nito helmet at sa gulat niya ay hinila siya palapit dito.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, natagpuan na lamang niya ang sarili sa loob ng mga bisig nito.
“Miss na kita, Jen.”
Samu’t sari ang mga emosyong bumalong sa mga mata niya. Pangungulila. Lungkot. Ang kasiyahang idinulot ng ideyang may bumabalik na patunay ng mga alaala ng mga kahapon. Na akala niya’y binaon na lahat sa limot. Na sa panahong nagdadaan ay wala na siyang babalikan.
Hindi niya napigilang mapaluha. Mga luha ng kagalakan na may halong lungkot na unti-unti nang napapawi. Umiyak siya anggang sa tila nabasa na ang puti nitong damit.
“Pasensiya na,” nakatawang sabi niya’t pinawi ang mga luha sa mga mata. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa rito ngunit hindi siya nito pinayagang lumayo rito. “Hindi ko lang lubos maisip na makita pa kita ulit sa tagal na ng panahong lumipas. Pasensiya ka na, matagal akong nakabalik.”
Marahan nitong ginulo ang buhok niya at pinulot ang nadumihan na niyang puting sombrero. Isinuot niya iyon sa kanya na siyang ikinangiti niya. Hindi pa rin makapaniwala ang mga mata niyang kaharap na niya ang kababata niya.
“Para kang diwata nang makita kita ulit. Akala ko namamalikmata ako noong una. Tomboy ka kaya noon,” sabi pa nito na may himig na pagbibiro.
Natawa siya’t bahagya itong sinuntok sa braso. Napangiwi ito at napahawak sa nasaktan nitong braso na mukhang hindi naman nito ganoon ininda.
“May iba mang pagbabago. Ako pa rin ‘to, si Jennifer. Kababata mo,” nakangising sabi niya kaya lumitaw ang dalawang biloy niya sa pisngi.
Lumitaw naman ang cleft chin nito sa mukha nang ngumiti ulit. Inilahad nito ang palad nito sa harap niya. “Maligayang pagbabalik sa Mararag. You want a tour, perhaps?”
Kung nagulat man siya sa British accent nito ay itinago na lamang niya. Lumawak lalo ang ngiti niya. Katulad pa rin pala sila ng dati. Mahilig magliwaliw kung saan.
Tinanggap niya ang kamay nito. Magaspang at malaki. Nasasakop ang maliit niyang kamay. Namangha siya sa kaibahan nila sa pisikal paglipas ng panahon. Isang ganap na dalaga at binata na talaga sila.
“Sige ba!” masigla niyang sang-ayon.
Hindi niya alam kung bakit masyadong nahalina si Daniel Kyle at tumira na kasama sina Lola Carmel at Lolo Damian sa bahay ng mga ito. May pamilya naman ito sa Cagwait, at isa pa, walang kasama ang nanay at tatay nitong magbabantay sa mga kapatid nito. Noong una’y, nainis siya rito dahil hindi man lang nito ipinaalam sa kanya na lilipat ito sa paaralan nila. Sa nag-iisang eskuwelahan dito sa Mararag.
Kalauna’y hindi na siya nag-usisa pa dahil wala naman siyang makukuhang sagot mula rito bagkus, sinasama na lang niya ito sa mga lugar na naisipan kong puntahan. Nitong mga nakaraang araw ay nagpupunta sila sa dalampasigan upang lumangoy hanggang sa mapagod sila’t sabay pagmasdan ang paglubog ng araw.
Walang silang klase sa Sabado at napag-isipan nila ni Daniel na bumalik sa dalampasigan sa Marihatag. Umaga at low tide, nakikita nila ang mga kulay brown na seaweed na lumulutang sa dagat.
“Ganda!” manghang usal niya nang ilublob ang mga paa sa buhangin kasama na ang mga halamang-dagat. Di kalayuan ay ang mga hilera ng mga niyog na sumasayaw sa maalat na simoy ng hangin sa dalampasigan. Maaliwalas ang panahon at kumikinang ang dagat gawa ng sikat ng araw.
May mangilan-ngilang bata ang nagtatampisaw sa mababang dagat. Siyang-siya sa ilalim ng asul na asul na kalangitan. Parang mga cotton candy ang mga ulap sa ibabaw.
Hindi siya magsasawa sa bayan na ito. Kung dadating man ang panahong aalis siya ng pamilya niya rito ay mananatili pa rin siya rito.
Sumisingkit ang mga mata ni Daniel gawa ng sinag ng araw. Nakangiti ito’t winikisan siya ng tubig-dagat.
“Uy, wag! Masyadong maalat ang tubig!” reklamo niya rito at lumayo. Patuloy itong lumalapit sa kanya at nanlaki ang mga mata niya nang wikisan ulit siya nito. Pilyo lamang itong nakangisi at nagpatuloy sa pagwisik sa kanya samantalang siya ay iniiwasan ito.
“Ah, gano’n?” pilya siyang ngumiti at dumampot ng damong-dagat na sakto sa buong kamay niya.
“Uy, ibang usapan na ‘yan! Teka muna!” hiyaw nito nang tapunan niya ito ng damong-dagat. Basang-basa n ito at may iilang damong-dagat ang kumapit sa damit nito.
“Buti nga sa ‘yo! Huwag mo ‘kong uunahan dahil lintik lang ang walang ganti!” sigaw niya at dali-daling lumayo. Hindi niya namalayang makapal ang nakaharang na mga damong-dagat sa daraanan niya kaya dire-derecho siya sa tubig-dagat.
Napasigaw siya nang wala sa oras nang masadlak siya sa buhanginan at lamunin ng tubig-dagat.
Pwe! Masyadong maalat! Ang hapdi sa mata! reklamo niya sa sarili.
Mabuti na lamang nakatukod ang kanang braso niya kungdi papasukan ng tubig ang ilong at tainga niya. Bumunghalit sa tawa si Daniel dahilan para mapasimangot siya. Basang-basa na siya!
“Sa ‘kin pa rin ang huling halakhak!” sigaw nito na idinapa pa ang mga kamay niya na parang itong ang ‘King of the world’ ng mga oras na ‘yon.
Tila mabibingi siya sa lakas ng halakhak ni Daniel at hindi niya alam kung bakit natawa na rin siya sa sinapit niyang katangahan.
“Bilis Danilo! Ang bagal mo naman!” sigaw niya rito at mabilis ang mga hakbang na binalanse ang sarili sa mahabang pilapil. Ang mga tsinelas niya ay nakasabit sa magkabila niyang braso na nagsisilbing yapak niya papunta ng eskuwelahan.
Hindi uso sa kanila ang sapatos sapagkat kapag umuulan ay maputik at lubak-lubak ang daan patungo sa paaralan.
“Ako pa rin ang nauna! Ilibre mo ‘ko ng merienda mamaya, ah!” ngisi niya kay Daniel na kulang na lang ay atakihin sa puso nang lampasan ang mahabang pilapil.
Tapos na ang anihan noong Mayo kaya kulay luntian na ulit ang mga palay.
Nagkakarerahan sila ni Daniel sa pilapil at kung sino ang unang makakarating sa dulo ay siyang panalo. Laging talo si Daniel sa takbuhan at lagi siya nitong nililibre ng snacks. Ayaw nitong masadlak sa maputik na palayan kaya mabagal itong tumakbo sa pilapil.
“Hindi ka ba natatakot mahulog sa palayan at pagalitan ni Mang Julio? Kakaiba ka talaga, Jen! Hindi ko alam kung trip mo akong takutin.” Hingal na hingal itong napaluhod. Tagatak ang pawis nito at tumuwid ng tayo pagkatapos.
Pumameywang siya’t inalis ang pagkakalagay ng mga tsinelas sa mga braso niya saka iyon isinuot sa mga paa niya nabahiran na ng putik.
“Natatakot ka lang bumagsak. Di ba sinabi ko sa ‘yong may posibilidad na mayroong palaka o ahas sa palayan? Totoo iyon kaya wag na wag mong hayaan ang sarili mong mahulog sa palayan,” paalala pa niya rito at naunang maglakad.
Unang tapak mo pa lang sa pilapil. Ang una mong iisipin ang kung paano mo tawirin ito nang hindi iniisip ang mga bagay na mangyayari kapag nahulog ka o nadulas ka. Kung mangyayari mang madulas ka ay huwag mong hayaan ang kaba ang babalot sa sistema ko. Kapag kasi inisip mo ang posibilidad na hindi pa mangyayari. Mahuhulog ka.
“Lukaret ka talaga,” natatawa nitong sambit, napapailing. “Itsura mo, baluga na. Ang itim mo na lalo oh.”
Iningusan niya ito. “Masuwerte ka lang na kapareho mo ng balat totoong tatay mo, namumula lang pag nainitan masyado.”
Tumakbo siya papunta sa nag-iisang kubo na ilang metro rin ang haba na nasa harap ng malawak na palayan. Yari ito sa tagpi-tagping kahoy, kawayan na nagsisilbing upuan at tagpi-tagping tuyong halaman ang bubong.
Umupo sila roon at nagpahangin sandali.
“Nakalimutan nating makinig ng Handumanan,” paalala niya sa rito na ikinalaki ng mga mata niya.
Ang Handumanan ay isang segment sa radyo kung saan kung sino-sino ang nagpapadala ng sulat. Isinasaylaysay ang kuwento ng buhay nila. Nakokornihan si Daniel sa ilan sa mga iyon na sinasamaan niya lang ng tingin saka naman titikom ang bibig nito. Iyon ang libangan nila kapag hindi sila pumasok sa eskuwela at nasa bahay ni Nanang Jenny na malapit lang sa eskuwelahan. Hindi pa naman sila nahuhuli sa gimik nilang ito.
Narinig na naman,niyang natawa si Daniel. “Natural na mga mata mong bilog. Nagiging bilog na masyado. Luluwa na oh,” tukso nito.
“Heh! Ako na naman nakita mo,” nakaingos niyang sambit. “Saan ba tayo? Sa dagat? ‘Yung malapit sa Pasipiko. Aba! Gusto kong makapunta roon. Pinipigilan mo lang ako.”
“Kung hindi kita pipigilan, palo ang aabutin mo sa mga magulang mo. Idadamay mo pa ako. Halika na nga, masarap ang handang merienda ni lola,” yaya nito sa kanya at tumayo na mula sa pagkakaupo. “Ginutom ako sa pinaggagawa nating dalawa.”
Nag-inat ito at humikab. “Siesta muna tayo pagkatapos nating kumain.”
Doon siya natulog kina Lola Carmel nang maubos namin ang lutong puto ni Lola. Magkatabi sila ni Daniel na natutulog sa banig at hinayaang makapasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas.
Nasa ika-anim na baitang na sila ng elementarya at hindi niya alam kung bakit hindi siya nagsasawa sa pagmumukha ni Daniel. Natuloy na ng taon ang pananatili nito sa Mararag kasama sina Lolo Damian at Lola Carmelita. Kakuwentuhan nila lagi ang dalawang matanda.
“Danilo!” sigaw niya kay Daniel na panay ang basketbol. Napapitlag ito’t napalingon kaya hindi nito napansin ang papalapit na bola patungo sa kanya. Natawa siya nang matamaan ito sa ulo. Natigilan ito at napasapo sa nasaktang ulo.
“Ayos ka lang?” tanong niya rito nang makalapit siya.
“Bakit daw?” tanong nito. Kinawayan nito ang mga kalaro nito’t sinigaw, “Tigil na muna ako, kayo na muna!”
“Nagluluto si lola ng adobong pugita at sinabawang hipon. ‘Yung hipon, galing pa sa malalim na parte ng ilog. Baka kako gusto mo akong sabayan sa pagkain,” pahayag niya rito at naglakad pabalik sa pinanggalingan niya.
Bigla’y naging alerto ang mga tainga nito sa narinig. Nauna pang umakyat ito sa sementong hagdan na ikinatawa niya. Basta talaga pagkain ay magana itong kumilos.
“Ingat ka! Baka may bus na susulpot sa daan!” sigaw niya rito na napatigil sa gilid ng daan. Eksaktong may malaking bus na dumaan. Naestatwa si Daniel na ikinahalakhak niya. Iilan man ang mga sasakyan,na npapadaan sa kalsada ay delikado pa ring tumawid dahil may iilang mga sasakyan na ang bilis ng takbo.
“Kinabahan ako bigla. Nyemas, may kapangyarihan ka ba, Jen?” Sapo ni Daniel ang dibdib nito sa takot.
Tinapunan niya ito ng tinging tila nabibilib siya sa sarili niya. “Sinabihan ako ng driver through telepathy na dadaan sila.”
Napanganga ito at bigla’y parang hindi maipinta ang mukha. “Telepathy? Saan mo natutunan iyan?”
“Sa mga libro. Naalala mo? Pumunta tayo sa Cagwait State University upang tingnan ang laybrari nila? Pabalik-balik ako roon kapag napabisita ako sa kampo ni tatay.” Minsan kasi siyang bumibisita sa kampo ng tatay niya kung saan nagseserbisyo ito bilang isang sundalo.
Tumawid sila ng daan na mapayapa. Wala namang masyadong dumadaan na mga sasakyan.
“Sa susunod, isama mo naman ako. Paano na lang kung may mangyari sa ‘yong masama? Labing-dalawang gulang pa lamang tayo, Jennifer,” masungit nitong saway sa kanya at nauna nang bumaba sa sementadong hagdan patungo sa terasa ng bahay ni Lola Amelia.
Teka, nag-alala ba ito sa kanya?
Napangiti na lang siya.
“Sandali, Daniel!”
Kabanata V
“Teka, bahay ‘to ni Lola.”
Itinigil ni Daniel ang motorsiklo nito sa gilid ng daan kung saan may bakal na harang. May sementadong hagdan pababa patungo sa terasa ng bahay.
“Dito na ako nakatira,” sabi ng binata at hinubad ang sapatos nitong suot nang tuluyang makababa.
Namangha siya nang makita mas dumami ang mga pasong may iba’t ibang halaman at bulaklak. Bulaklak na santan, hybrid na mga rosas, daisies, violets at iba pa. Parang ng hardin ang bahaging kanluran ng bahay. Inilibot niya ang mga mata niya sa exterior ng bahay. Katulad pa rin ito ng dati na gawa sa kahoy ngunit enhanced na. Hindi man bagong pinta ngunit parang ni-varnish ang mga pader. Woodsy ang dating at napapapikit siya sa amoy na nanggaling sa bahay.
“So, what do you think?” tanong nito na nakataas ang kilay sa kanya ngunit nakangiti.
Manghang naibaling niya ang atensiyon niya dito. Nanatiling nasa isang baitang siya ng sementadong hagdan.
“Hindi nagsisisi si Lola na ibenta ‘tong bahay sa iyo,” sabi niya na lang at bumaba na. Sumalubong sa kanya ang iilang tsinelas na pakalat-kalat sa magkakatabing kahoy na nagsisilbing sahig ng terasa.
“Mga bata. Binibisita nila ako kapag nakalanghap iyon ng pagkain. Hinahayaan naman ako ng magulang nilang kupkupin sila pagsamantala,” natatawang kuwento nito at binuksan ang pinto ng bahay.
Sandali’y nalungkot siya dahil lagi niyang binibisita ang bahay ni Lola Amelia at mangulit sa dito. Ibinilin niya ang mga sandals niya sa gilid at nakayapak na pumasok sa bahay.
Mas lalong umawang ang mga labi niya nang matagpuang ganoon pa rin ang itsura ng loob ng bahay. Kahoy ang sahig at ang mababang parte ay kusina kung saan naaamoy niya ang isang klase ng sabaw. Maasim, amoy-sinigang.
“Sinigang ba ‘yan?” tanong niya sa kanya at humakbang palapit sa kusina.
“Oo,” sagot nito at nagsalansan ng kahoy sa pugon.
Nandoon pa rin ang pugon kung saan doon niluluto ni Daniel ang sinigang.
Noon, nakikita niya doon si Lola Amelia na nagluluto ng tinolang isda o kahit anong pagkain, maging ang pagsaing ng kanin. Bigla’y nangulila siya sa lasa ng pagkain nito.
Na-miss na niya si Lola Amelia ngunit kontento na ito sa kung saan ito ngayon. Ang importante ay masaya at hindi man niya ito makikita, alam niyang nakasubaybay ito sa kanya at sa pamilya niya. Alam niyang malulungkot ito kapag inaalala niya ang bahaging iyon ng buhay nito. Ang kamatayan nito.
Darating ang pagkakataong iiwan natin ang totoong mundo, ni hindi nakapagpaalam sa mga mahal natin. Walang eksaktong oras kung kailan ka niya kukunin. Sapat na ang mga iniwan nating alaala sa mga taong pinapahalagahan natin at nagpapahalaga sa atin.
“Lola Carmelita passed away after two years since you’ve left with your family. Then three years later, sumunod si Lolo Damian. It was so sad, really. Hindi pa ako nakakausad sa pagkawala ni lola. Sumunod si lolo. I guessed, gusto na niyang makasama si lola kaya minabuti niyang sumunod,” paglalahad ni Daniel na ikinatigil ng paghakbang niya.
Naestatwa siya sa kinatatayuan niya, nanginig ang mga kamay sa gulat at rumagasa ang alaala niya noon na may kinalaman ang lolo’t lola nito. Naging mga pangalawang lolo’t lola niya rin ang mga ito. Naitakip niya ang kamay niya sa bibig. Hindi na iyon kataka-taka. Parte na ng buhay ng tao ang kamatayan.
“Hindi mo alam?” Lumingon ito sa kanya at kumuha ng isang malaking bowl sa lagayan nito.
Napabuntong-hininga ito’t nagsalin ng sinigang sa mangkok.
“Ang tagal na rin nang wala akong balita sa pamilya ninyo simula nang umalis kayo. We grew apart, Jen,” tugon nito sa malumanay na boses at inilapag ang mangkok sa mesa.
Kumalat sa loob ang amoy ng sampalok.
“I’m sorry I’ve been away for too long,” nakayukong usal niya. Nangilid ang mga luha niya. Parang piniga ang puso niya sa narinig. Ang pagkakaalam sa malungkot na balitang iyon na matagal na palang nakalipas o ang kaalamang lumaki silang hindi kasama ang isa’t isa?
Narinig niya ang pagkalansing ng mga kubyertos sa mesa.
“Nakalipas na ang lahat,” marahan nitong sambit at naghila ng upuan. “Sabayan mo akong kumain.”
“Kuya!”
“Tito Danyel!”
“Kain! Kain!”
Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang mangilan-ngilang batang nagtakbuhan palapit sa puwesto ni Daniel.
“Kids!” sigaw ni Daniel, hindi alam ang gagawin nang lapitan ito ng mga bata. Nakakatuwa itong pagmasdan na tila nakalimutan ang isang bagay dahil bigla siyang sumulpot sa buhay niya ngayon. O mas tamang sabihin na bumalik sa buhay nito.
“Sino po siya Tito Danyel?” sabi ng isang bata na nakakandong kay Daniel. Babae ito, nakasuot ng ternong sleeveless at shorts na naka-pigtails ang buhok. Ang ibang mga bata ay kanya-kanya na ng kuha ng plato, kutsara at tinidor.
“Siya si Tita Jen,” pakilala niya sa ‘kin sa bata. “Jennifer, meet my nephew, Irene Kalupin.”
Napalunok siya ng laway nang maabutan sila ng tatay niya sa gilid ng daan, nakatunghay sa malawak na palayan. Unti-unti nang lumulubog ang araw. Kulay pink, lila at asul ang buong kalangitan, hinihintay na maging kahel at dugo.
“Hindi ka pa uuwi sa ‘tin, Jennifer?” istriktong tanong ng ama niya kaya napatayo siya bigla.
“Tay, maaga pa. Hinihintay pa namin ni Daniel ang paglubog ng araw,” katwiran niya, nakayuko. Napangiwi pa siya. Ayaw niyang mapalo pag-uwi.
“Daniel, ito.” Sa gilid ng mga mata niya, nagulat siya nang ibigay ni tatay ang itak nito kay Daniel.
Umangat ang ulo niya, nanlaki ang mga matang tiningnan si Daniel na ngayo’y nagdadalawang-isip yatang tanggapin ang itak.
Hindi niya alam kung matatawa o matatakot sa sitwasyon. Nakasuot ng army fatigue si Tatay, galing sa duty nito bilang isang sundalo.
“‘Tay,” angal niya nang tuluyan nang tanggapin ni Daniel ang itak. Naging matiim ang mga mata ni Tatay Carlos.
“Maghanap kayo ng labong/dabung. Siguruhin n’yong may makita kayong dalawa. Magiging ulam natin ‘yan mamaya. Doon ka kakain sa amin, Daniel. Magpaalam ka muna sa Lola Carmel mo.”
Kapwa silang napanganga sa sinabi ni Tatay. Pinandilatan sila nito ng mga mata. Agad naman silang tumalima.
“Kapag matagal kayong makabalik. Papaluin ko kayo ng sabay,” banta ni tatay sa amin at tumawid na ng kalsada patungo sa kubo namin.
Kumalat ang dugo sa kalangitan, hudyat na nagpapaalam na ang araw sa amin. Anumang sandali ay papalitan na ito ng mga bituin at buwan. Tinawid nila ang pilapil patungo sa parte ng kagubatan na maraming kawayan. May dala-dala siyang gasera bilang gabay nila sa madilim na parte ng kagubatan.
“Hindi ko alam kung ano ang gimik ni Tatay. Tinatakot ka lang ata niya. Biruin mo, gabi na ngayon. Baka sakmalin tayo ng manananggal dito,” natatawa niyang pahayag habang binabalanse ang sarili niya sa pilapil.
Unti-unti nang nagiging madilim at malamig ang paligid. Di kalayuan ay naririnig nila ang mga huni ng ibon at mga kuliglig.
“Manananggal? Mukhang gutom ka na yata, Jen. Hindi tayo sasakmalin rito. May liwanag tayo rito. Hawak-hawak mo ang gasera. Halika na, baka matagalan pa tayo rito.”
Nasa paanan na sila ng mga samu’t saring kawayan. Madilim ang bahaging iyon kaya inilapit niya ang gasera upang makita nila ang mga papatubong kawayan. Iyon ang mga labong na puputulin ni Daniel gamit ang itak.
“Ayun! Merong labong!” sigaw niya at saka tinuro ang isang papatubong kawayan katabi ng isang malaking kawayan. May mga maninipis na sanga ng kawayan ang humarang sa amin. Pahirapan ang pagpasok sa bahaging iyon. Kinailangan pang gumapang ni Daniel upang maputol ang labong.
“Meron na tayong isa. Kulang pa ito. Hanap tayo ng mas malaki. Sayang naman kung puputulin natin ang maliliit,” tugon ni Daniel matapos nitong putulin ang isang labong.
Nangangati sila sa balat ng labong kung kaya’t maingat nila itong bitbit. Nakakita ulit sila ng isa na kaagad namang pinutol ni Daniel.
Madilim na asul ang kalangitan nang pumunta sila kay Lola Carmel upang magpaalam na doon sila kakain sa pamilya niya.
Tinahak nila ang pilapil patungo sa nag-iisang kubo na nasa gitna ng malawak na palayan. Doon sila nakatira. Sa gilid ng kubo nila na yari sa kawayan at kahoy ay ang nag-iisang balon na hinukay upang pagkuhanan nila ng tubig. Ang tanging tanglaw lamang sa loob ng bahay ay galing sa mga gasera. May usok na lumalabas mula sa bahaging kusina ng kubo, palatandaan na nagsasaing o may niluluto si nanay.
“Hindi pa ako nakatapak sa bahay ninyo,” rinig niyang sabi ni Daniel na naglalakad mula sa likod niya. Tinapat niya ang gasera sa pilapil.
“Minsan kumakain kami ng kamoteng-kahoy na ipapares namin sa kanin. Masarap ‘yun. Paborito ko ang adobong labong kahit walang sahog. “Masarap, natikman mo na?”
“Oo, natikman ko na. Doon, sa Cagwait.”
“Masarap magluto nanay ko,” nakangiting sambit niya..
Kapwa sila nasa terasa sa bahay ngayon ni Daniel, na noo’y ginagawa niyang tambayan. Nakaupo sa silyang-kahoy, paharap sa tabing-ilog. May maliit na daan roon patungo sa bukana ng ilog.
Bahay na ito ni Daniel na ibinenta pala ng kapatid ng Lola Amelia niya. Hindi niya alam kung bakit hindi ito ipinamana sa nanay niya.
Nakakapagtaka ngunit pinawi niya na lamang iyon at pinagmasdan ang mga bulaklak sa paso.
“I learned to love this place, Jen,” basag ni Daniel sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.
“Lumipat ako rito nang makatagpos ako ng kolehiyo. Ayaw ni nanay na mawalay ako sa kanya ngunit buo ang desisyon kong lumipat. She was with her family, our family. Tatay Gino took care of her and our family. I’m old enough to have a life on my own now.”
Ito pa rin ang Daniel na kilala niyang bukas sa kanya tungkol sa buhay nito. Ilang taon man ang lumipas. Ito pa rin ang batang Daniel na kilala niya.
Bahagya siyang natawa na ikinalingon nito. Nakakunot ang noo.
Ngumiti siya. “Kailan ka pa natutong magsalita na may British accent?”
Sandali itong natigilan at natawa nang mahina. Kung alam lang nitong kaygandang pagmasdan ang mga luntian nitong mga mata.
“I studied there for four years. In highschool so I adapted their language. It was hard at first. The culture shock. Natagpuan ako ng ama kong personal na pumunta sa Cagwait. Months after you’ve left for Cebu, my biological father came. Nagulat ako at napatulala na lang sa kanya nang masilayan ang mukha niya. Kamukha ko. Ayaw ni tatay na isama ako ng totoo kong ama sa England ngunit gusto ko pa siyang makilala pa kaya pumayag ako. Walang magagawa ang nanay ko dahil may karapatan ang totoong tatay ko. He’s Alarik Estavio, a military Irish man who serves the British army. I was told by my mother that she met my father in Manila. Nagpakalayo-layo siya nang mabuntis siya sa ‘kin. I didn’t know my real father is looking for me,” paglalahad nito at tumayo. Nakatalikod ito sa kanya.
“I met her wife. She was fuming mad when she saw me yet her daughters acted otherwise. So they conducted a DNA test and it was positive. Obvious namang ama ko siya. They welcomed me as their older brother despite having a different mother. I adapted their language and culture yet there was a hollow space inside of me.” Humarap ito sa kanya, nakakrus ang mga braso sa dibdib. Sumandal ito sa tagpi-tagping kahoy na mismong harang ng terasa.
Nginitian siya nito kaya napangiti na lang siya. Mukha silang tanga.
“Hollow space, huh?” Umarko ang kilay niya.
“You know, kahit maganda ang kapaligiran sa Ireland o sa London man. Wala pa ring makakatalo sa Mararag kahit pa simple at payak ang pamumuhay rito. Isang kahig isang tuka ang mga tao minsan ngunit masaya, nakakahanap pa rin ng paraan para mabuhay. I missed the Philippines so I decided to go home here and choose to live again in Cagwait. Kahit pa pinigilan nila ako. I was in the middle of studying an Agriculture course then and I profusely want to go back. Badly,” mababa ang boses na kuwento nito.
Sandali itong natigilan, tila may inaalala at marahang natawa. Naaliw siyang pagmasdan ang pagbabago ng ekspresyon ng luntian nitong mga mata.
“I am now a Estavio. Gumastos si Daddy para mabago ang apelyido ko. Tatay Gino is fine with it ’cause he’s my real father. He’s a great father. My real dad. Sadyang hindi nila kontrolado ni Nanay ang sitwasyon at kinailangang bumalik ni Dad sa Ireland,” dagdag nito.
“So you go back cause you miss the Philippines, huh? Kahit pa nakakasuka ang politika rito? London and Ireland has something to offer, not the stringing poverty line of our country. Nandoon na lahat. Their education is quality-tested. Why?” tanong niya rito, pilit na binabasa ang mga mata nito.
May ideya siya kung bakit ngunit gusto niya iyon marinig mula sa bibig nito mismo.
Kabanata VI
“Napapaisip ka ba kung mananatili ka rito sa probinsya, gagaan ba ang buhay mo? Nababasa ko sa mga libro ang tungkol sa buhay sa siyudad. Aasenso ba talaga?” sabi niya sa kawalan.
Kapwa sila nakaupo sa paanan ng mababang bangin ni Daniel. Tinatanaw ang pagragasa ng tubig sa ilog. Ang mabining tunog na nililikha niyon ay nagpapakalma sa sistema nila. Nakakahalinang lumangoy doon.
“Ang totoo ba’y aasenso ka talaga?” tanong ni Daniel sa kanya.
Narinig niya kaninang umaga sina nanay at tatay nagtatalo tungkol sa paglala ng lagay ni Lolo Tony. Ama ng ama niya. Kailangan na si tatay doon sa Cebu at hindi niya alam kung sasang-ayon siya sa pagkakataong aalis na sila sa Mararag. Nakakalungkot isipin na iiwaan mo ang mga kaibigan mo rito, mga pinsan mo, mga kaklase mong naging malapit na sa ‘yo.
“Hindi ko alam,” tapat niyang sagot. Ang totoo’y litong-lito siya kung ano magiging desisyon niya.
“May hindi ka ba sinasabi sa ‘kin, Jen?” usisa ni Daniel at tuluyan nang tumayo. Nag-inat ito at naghikab. “Alam mo, may mga desisyon tayo sa buhay na makakapagbago ng takbo nito. Nasa iyo kung sasang-ayon ka sa agos. Tingnan mo ang ilog.”
Tumingin naman siya sa ilog. Walang eksaktong kulay ang tubig ayon sa guro nila sa Science, dumepende lang ito sa kalangitan o kung minsa’y sa mga nutrients ng tubig. Mapusyaw na luntian ang ilog. May mga batong may nakakapit na lumot kung saan dumadaan ang ilog.
“Kapag kokontra ka sa agos nito, mas lalo kang tatangayin. Kapag ipilit mo ang sitwasyong alam mong matatalo ka rin naman,” wika ni Daniel na sinipa ang isang pobreng bato na nakaharang sa mga damuhan.
“Kapag sasabay ka sa agos, may pagkakataong maliligtas ka at hayaang tangayin sa lugar na kahit hindi ka pamilyar ay alam mong babalik at babalik ka pa rin sa lugar kung saan ka namulat,” nakangiting sabi niya.
“Ligo na!” Nagulat siya nang hubarin ni Daniel ang damit nito at tumalon sa ilog na walang pag-aalinlangan. Nanlaki ang mga mata at nagmamadaling sumilip.
Nakaahon naman ito, tatawa-tawang kinawayan siya mula sa baba. Palutang-lutang lang ito doon, lumalangoy at sumisid na naman. Napalabi siya at hindi napigilang ipikit ang mga mata.
Paano nga ba sumabay sa agos? Ang magtiwala na hindi ka mapupuruhan kapag nahulog ka na sa tubig!
Pigil ang hiningang tumalon siya sa tubig. Masakit sa balat ang pagtalsik ng tubig ngunit nakapagbibigay ng kaginhawaan sa mainit na katawan niya gawa ng pagbilad sa araw.
“Wooh!” singhal niya nang makaahon na sa tubig. Bahagyang malalim sa parteng iyon ng ilog at mabuti na lamang ay marunong siyang lumangoy.
Winisikan siya ng tubig ni Daniel na tumawa lang. “Ano? Karera papunta sa ilalim ng tulay?”
Ngumisi siya. Baka nakakalimutan niyang lagi itong talo sa kanya pagdating sa paglangoy? “Sige ba!”
Hindi niya alam na sa sandaling kasiyahan, sakit ang bubungad sa kanya sa bahay pag-uwi niya na madilim na. Pinalo siya ni tatay.
***
“Jennifer! Makikiusap sana ako.” Nilapitan siya ni Kimberly. Isa sa mga kaklase nila ni Daniel.
Oras ng tanghalian ng klase at kanya-kanya na ng kain ang mga kaklase niya sa kung saang parte ng eskuwelahan. Hindi niya kasabay si Daniel bagkus kasama nito ang mga kalaro nito sa basketbol.
Nitong mga nakaraang araw ay sumasali na ito sa mga basketball competitions sa bayan nila. Matangkad kasi ito kompara sa karaniwang lalaki sa kanilang lugar. Sabagay, may dugong banyagang nananalaytay sa dugo nito.
Hindi rin ito nauubusan ng mga taga-hanga. Minsan sita iyong pinapakiusapan ng mga nagka-crush rito.
“Ano?” Natigil siya sa pagwawalis sa harap ng mga classroom. Inipon niya ang mga tuyong dahon mula sa punong santol at mangga.
“Uhm, puwedeng makiusap. Puwedeng pakibigay ‘to kay Daniel?” Inilahad nito ang isang stationery na pamilyar na sa kanya sa mga nakalipas na araw.
Ang pagkakaalam niya, matalik siya na kaibigan ni Daniel. Hindi postman.
Si Kimberly ang pambato ng batch nila kapag may contests sa pagandahan pati patalinuhan. Hindi na siya nagulat na may pagtangi ito kay Daniel.
“Sige.” Tinanggap niya ang sulat mula kay Kimberly. “Pero, puwede namang ikaw ang magbigay sa kanya e.”
Naging makopa ang mga pisngi nito. Hindi ba ‘to natipuhan ni Daniel? Parang diwata sa ganda si Kimberly gawa na may side sa itong Chinese at Japanese. Pinaghalo daw, usap-usapan ng mga tsismosa nilang mga kaklase.
“Nahihiya ako. Pero salamat, ha,” sabi na lamang nito at tila nahihiya pang umalis.
Kasama nito ang mga kaibigan nitong tila kinilig rito. Babasahin niya sana ang liham nito para kay Daniel pero pinigilan niya ang sarili. Titingnan nita kung ano ang reaksiyon nito pag-uwi nila.
***
“Ano ‘to?”
“Obyus na liham, di ba? Basahin mo. Mukhang crush ka ni Kimberly.” Bahagya siyang natawa habang naglalakad sa gilid ng daan na hindi pa naka-aspalto. Nanatiling lupa na kung uulan ay malublob kami sa putik kaya hindi na nila inabala minsan ang pagsuot ng sapatos. Tsinelas na lang.
Sabay sila ni Daniel pauwi ng bahay namin. May kanya-kanyang bakuran ang mga bahay rito na pinamumulutian ng iba’t ibang halaman. Sa silangang bahagi nila ay bulubundukin at makapal na kagubatan.
“Gusto niya ako?” natatawang tugon ni Daniel. “Ang sabi ni ina’y hayaan ko na lang na magpahaging ang mga babae sa ‘kin dahil naaakit lang sila sa hitsura ko. Ayoko sa pakiramdam na gusto lang ako ng tao dahil lang sa hitsura ko.”
“Bakit? Ano bang sinulat niya?” Binawi niya rito ang liham at sinimulang basahin ang nakasulat doon.
Saglit siyang natigilan nang mabasang gusto ito ni Kimberly dahil guwapo ito, magaling maglaro ng basketball at matalino sa klase. Ang babaw lang. Isa pa, masyado pa silang bata sa mga ganoong bagay. ‘Yun ang sabi ni Lola Carmel sa kanila.
“Minsan gusto kong hindi na lang sana ganito ang itsura ko. Na katulad rin ako ng iba d’yan na parang hindi angkop ang katawan sa edad.”
Napabuntong-hininga si Daniel kaya tinapik na lamang niya ito sa balikat para konsolahin ng kahit konti.
“Maganda naman ang mga mata mo e. Luntian. Parang ‘yung isang palaka na nakita ko sa Sineskuwela. Kulay green. O kaya katulad ng palayan at lupain rito.” sabi niya at iminuwestra ang mga luntian sa paligid.
Binabaktas na nila ang daan patungo sa pangunahing daan.
“Binobola mo na naman ako,” natatawa nitong turan.
“Tingnan mo nga ako. Kulay kayumanggi ang balat ko. Maitim ako kompara sa ‘yo. Dapat sana, baliktad tayo dahil babae ako pero sabi ni inay. Tama lang ito. Isa akong Filipina at ang ganitong balat daw ay kinainggitan ng mga banyaga sa ibang bansa. Kayumanggi. Noong una’y nainggit ako sa itsura ni Kimberly. Puti, singkit ang mga mata at medyo matangos ang ilong. Ako, kabaliktaran. Ngayon, hindi na. Bakit naman ako maghahangad na puputi e lagi akong bilad sa araw. Naliligo sa ilog. Minsan nasa palayan, tinutulungan si Mama sa saka. O kaya naman nagliliwaliw kung saan. Nasa iyo naman kung tatanggapin mo ang kaibahan mo. Dahil dun, hindi mo na iisiping iba ka sa kanila. Ang hitsura mo. Pare-pareho lang naman tayong kumakain at tumatae e,” litanya niya rito nang makarating na sila sa tulay ng Mararag.
Malamig ang singaw na nanggaling sa ilog. Hindi masyadong mainit ang panahon gawa na Setyembre na ngayon. Unang buwan ng maraming tag-ulan.
Natawa na lang si Daniel sa pinagsasabi niya. Ginulo pa nito lalo ang buhok niyang nakatali ngunit nakakatakas ang ilang hibla.
***
“I missed the memories I’ve made here. Magsisilbing kanlungan ang Mararag sa ‘kin. Mga alaalang kailanma’y hindi ko makalimutan kahit na lipas na panahon na. Wala akong alaala ng London o Ireland man lang kungdi ang mga sandaling kapiling ko ang mga kapatid ko at ang tatay ko. Ngunit hinahanap ko pa rin ang tunay na kalinga ng ina. Ayokong mamili sa kanilang dalawa ngunit malaki na ako. Kaya ko nang panindigan ang desisyon ko. Bumalik ako rito. Nag-aral ako sa Cagwait State University at tinuloy ang kursong Agriculture. Binigyan ako ng pera ng tatay ko, hindi ko sana tatanggapin ngunit nang maisip ko ang Mararag. Nagbago ang isip ko. Gusto kong tumira rito kahit na namayapa na sina Lola nang mapagdesisyunan kong bilhin ang bahay ng Lola Amelia mo. Hindi ba alam ng nanay mo? Na binili ko sa kanya ang lupa pati ang bahay? Sa pamamagitan ng kapatid ng Lola Amelia mo?”
Napamaang siya at pilit inalala ang mga pangyayari kung saan nagdududa siya kung paano’y may pera si inay. Napabuntong-hininga siya nang maalalang naospital si tatay at kinailangan niya ng pera noon. Ang amin nito sa kanya ay nakapag-loan ito.
Marahan siyang tumango. “Oo. Naaalala ko. Nakatulong iyon sa edukasyon ng mga kapatid ko. Grumadweyt ako sa bilang Literature major sa isang state university. Isa ako sa mga scholars nila. Salamat nga pala. You save my father’s life.”
“Malungkot ka ba na nasa akin na ang titulo at bahay ng Lola mo?” malumanay nitong tanong sa kanya. Lumamlam bigla ang mga mata.
Ngumiti siya para pawiin iyon. “Ano ka ba, hindi. Hindi rin naman nakauwi dito si nanay kaagad. Alam kong na-sense ni Lola na hindi mananatili ng matagal si nanay rito ngunit ibinilin pa rin ang bahay at lupa sa kanya. Walang naging asawa si Lola Pat. Kami lang ang pamilyang meron siya. Naiintindihan ko si Mama. Kung merong masasayang alaala na babalik-balikan. May malulungkot rin na alaala na kailangang iwan upang maghilom ang sugat. Sana’y naghilom na ang sugat ni nanay. Ayokong pareho sila ni tatay na andoon pa rin ang pagkukulang sa puso.”
Sinuot niya ulit ang sombrero niya at tumayo nang tuluyan. Tiyak niyang lumulubog na ang araw hudyat na kailangan niya nang bumalik sa guesthouse.
“Aalis na ako, Daniel.”
“Saan ka pupunta?” Nagulat siya nang makaramdam ng alarma sa boses nito Nilingon niya ito nang humakbang siya sa unang baitang ng sementadong hagdan.
Dumaraan ang isang bus sa kalsada sa itaas.
“Uuwi ka na ba ng Cebu?”
Tipid siyang ngumiti. “Uuwi rin ako roon. Doon na ang buhay ko e. Pero ayoko pang umuwi sa ngayon. Puwedeng mo muna ako?”
“Saan?” kunot-noong tanong nito.
“Sa kubo. Ang kubo kung saan mo akong unang nakita ngayon. Gusto kong pagmasdan ang pagbabago ng kalangitan.”
***
Pagbabago. Hindi natin alam kung kailan natin mararanasan ang pagbabagong mangyayari sa buhay natin. Kagaya na lang ng paglipat nila ng pamilya niya sa bagong mundo na ikinagulat niya noong una ngunit sinabayan niya lang ang takbo ng buhay sa siyudad. Mahirap mangapa lalo na sa bagay na wala ka namang kaalam-alam. Mahirap umangkop sa mundong hindi mo naman akalaing tatapakin mo.
Mahirap mag-adjust sa mga bagay-bagay. Sa mga panahong, nagbabago na ang mga gusto at pangarap natin sa buhay. Ang mga simple mong reklamo noong bata ka ay kaibahan na sa mga nararanasan noong nagdalaga at nasa bagong yugto ka ng buhay-trabaho.
Minsa’y pinagmamasdan niya na lang ang paglubog ng araw mula sa grandstand kung saan abot-tanaw ang pagbabago ng kulay ng kalangitan.
“Kapag tapos na ako sa pags-survey ng lupain ko ay natatagpuan ko ang sarili kong panoorin ang paglubog ng araw.” Napalingon siya sa gawi ni Daniel. Nginisihan siya nito. “Nakabili ako ng ektaryang lupain sa tulong ng Dad ko. Katuwang ko ang ilang magsasaka sa taniman ng palay. May taniman rin ako ng repolyo. Baka kako gusto mong ipasyal kita. Magugulat ka kung saan.”
Pinaningkitan niya ito ng mga mat. “Ipapasyal mo ako doon.”
“Hanggang kailan ka magtatagal rito?”
Naging mailap ang mga mata niya. “Hindi ko alam, Daniel.”
Mahabang katahimikan ang sumunod sa kanila. Naging kulay kahel ang kalangitan sa bahagi ng bundok at ilang minuto ang lumipas ay kakulay na ito ng dugo. Magkatabi silang nakaupo sa gilid ng kalsada, katabi ng kubo. Nasa kubo ang motorsiklo ni Daniel.
Payapa at tahimik. Umihip ang mabining hangin sa paligid. Sakto lang. Hindi nililipad ang sombrerong suot niya. Ang mga niyog sa di-kalayuan ay sumasayaw kasabay ng hangin pati mga kawayan at ang ibang puno.
“Naalala ko ang kuwento ng dalawang magkababata,” paglalahad niya. “Kapwa nila pinanood ang pagbabago ng kalangitan tuwing dapit-hapon. Nagtatanong kung bakit kulay dugo ang kalangitan.”
“Nasagot ba ng kuwento ang tanong mo?” tanong nito sa kanya, na nasa papalubog na ang araw ang pansin.
“Hindi. Maraming ibig sabihin ang paglubog ng araw. Kahit pa sabihin nating ang ganda, the fact na lulubog at mamaalam ay nakakalungkot na. Kailangan mo nang hayaan na ibaon na lamang ang dating libro sa limot,” malungkot siyang ngumiti.
“Pero hindi lahat ng tao nakakalimot, Jen,” dagdag ni Daniel.
Umangat ang ulo ni Jen, pinagmasdan ang paglubog ng araw. “May mga taong hindi kontento sa buhay nila pero meron ding mga taong ayos lang sa buhay nila. Kontento na. Kahit pa saan ka nakatira. Sa probinsiya man o sa siyudad.”
“Even if there are a lot of reasons to stay. You have to let go to fill that hollow in your heart. That’s what I felt when I left Ireland. Ayokong magsisi sa desisyon ko. Lahat ng bagay, may kaakibat na rason,” segunda ni Daniel. “I am content with my life here. Simple living.”
“Communal living.” Sa isip ni Jen, ayos na sa kanya ang simpleng buhay. Ayaw niyang malunod sa bilis ng buhay sa siyudad.
Kabanata VII
***
Kasagsagan ng graduation ng elementarya. Unti-unting naglalaho ang mga ngiti niya nang mapansing wala ang mga magulang niya upang saksihan ang pagtatapos niya ng elementarya.
Hinanap niya sila hanggang sa tila sumadlak ang puso niya sa lupa nang marinig mula sa guro niya na kailangan niya ng umuwi. Bitbit ang diploma niya ay tumakbo siya papunta sa bahay. Hindi na pinansin ang mga lumalabong mga mata niya sapagkat ang nasa isip ko ay makarating siya sa bahay nila.
“Jen, sandali!” rinig niyang habol sa kanya ni Daniel. Maging ito ay nasorpresa sa biglaang pag-aalis niya. Ipapakilala sana siya nito sa mga magulang nito ngunit hindi na nagawa sapagkat umalis na siya sa eskuwelahan.
“Sandali! Ang bilis mong tumakbo, Jen!” sigaw ulit nito sa kanya. Wala na siyang pakiakam pakialam kung mabilis ang mga sasakyan na papasalubong sa kanila.
Hingal na hingal na siya nang makarating sa tulay. Nakaluhod na humagap siya ng hangin.
“Bakit? Anong nangyari?” Hindi na niya sinagot ang tanong ni Daniel bagkus ay marahas na pinalis niya ang mga luha sa mga mata niya.
Hindi. Hindi niya kailanman matatanggap ito. Paano siya makakasabay sa agos kung ayaw niya namang magpatangay? Paano kung hindi na siya makakabalik kung nasaan siya nagsimula? Kung saan niya naimulat ang kamalayan niya?
“Nay! Tay!” sigaw niya, halos magkandapa-dapa na sa pilapil. Kulang na lang ay mabuwal siya sa palayan dahil nagkandalabo-labo na ang paningin niya.
Di kalayuan, naririnig niya ang sigaw ni Daniel na pinipigilan ng kung sino.
Marungis na yata ang itsura gawa ng mga putik na kumapit sa uniporme niya. Mugtok ang luhang nadatnan niya ang nanay at tatay na nag-iimpake.
“Magmadali ka, Jennifer. Aalis na tayo sa lugar na ito,” seryusong wika ni nanay na inilabas ang iilang mga bag na laman yata ay mga damit nila.
Bumalong ang mga luha niya. Akala niya ay hindi na sila aalis? Bakit nagbago sila ng isip? Ganoon ba kadaling iwan ang Mararag? Ayaw niyang sumabay sa agos.
Gusto niyang katulad siya ng batong nilulumot sa ilog na matatag pa rin sa kabila ng lahat. Ng mga kawayang sumasayaw sa tuwing malakas ang ihip ng hangin. Ng mga dahon ng niyog na hinayaang makaalpas ang lamig ng hangin. Bakit ganito?
“Jennifer! Magbihis ka na! Aalis na tayo!” Napatalon siya sa gulat nang marinig ang pag-alingawngaw ng boses ni Tatay. Mariin. Galit na galit na parang mananakmal.
Nalito siya. Nagtaka. Anong nangyari sa kampo? Narinig niya ang pag-iyak ni Gio.
“Jen!”
Natigilan siya. Si Daniel.
Nasa gilid ito ng daan. Umiiyak kasama si Kuya Floy. Kapatid ng kanyang ina.
***
Mailap ang mga matang tiningnan niya ang dugong bahagi ng kabundukan. Anumang sandali, didilim na ang paligid at tanging huni ng kuliglig at ibon, pagaspas ng mga puno’t halaman at ang tunog ng mga sasakyan sa kalsada.
“Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang sagot sa tanong. Sa kuwento, oo. May kahulugan ngunit gusto kong hanapin ang iba pang kahulugan. Sanay akong kumilatis ng iba’t ibang kuwento at iyon lang ang natatanging maikling kuwento binabalik-balikan ko. Bakit kulay dugo ang kalangitan?” tugon niya na halos bulong na lang ang huling pangungusap, nanatiling nakatingala sa kalangitan.
“Alam ko na,” sabi ni Daniel. Napalingon siya rito. “Masakit ang mga eksenang magpapaalam ka sa mga taong malapit sa ‘yo. Tila dugong pumapatak mula sa puso mo ngunit ang kagandahang itinatago ng dugong kalangitan ay ang mga alaala ng kahapon na nagpapasaya sa ‘yo kahit saan ka man magpunta. Sunsets have beautiful yet painful goodbyes. We have that, Jen.”
Nangilid ang mga luha niya. Pait ng kahapon at ang sayang idinulot ng mga alaalang pinagsaluhan nila noong mga bata pa sila. “Hindi ko nga kontrolado ang agos. Ngunit alam ko, paglipas ng panahon. Babalik pa rin ako sa Kanlungan.”
“Kanlungan?” tanong nito. Humigpit ang hawak niya sa sombrero at tuluyan nang tumayo.
“Uuwi na ako,” sagot niya at tumalikod na. Iniba ang usapan.
Naiiyak siya sa kaalamang temporaryo lang ang lahat ng pagbisita niya rito sa Mararag. Na baka, alaala na lang ang lahat na nasa pagitan nila ni Daniel. Na kung lilipas man ang mga araw na kasama niya ito, magbabago ang kung anong meron sila noon. Na unti-unti’y magiging malabo ang lahat.
“Pasensiya ka na.” Pumiyok siya. Hindi.
“Ni hindi ko tinupad man lang ang pangako kong babalik kaagad. Isang dekada na at mahigit na ang lumipas. Wala akong magawa nang dumating ang pagkakataong kinailangan na naming umalis. Pasensiya na, lipas na ‘yun. Hindi na dapat natin ikulong ang mga sarili natin sa mga alaala ng kahapon. Iba na ang panahon ngayon. Madami nang nagbago. Nagbago ka. Ikaw pa rin si Daniel na gusgusin, lampa minsan at lagi kong napagtr-tripan noon. Hindi na ako ang Jennifer na totomboy lagi at mukhang baluga lagi. Nagbago na tayo, Daniel. Anumang sandali, masasaktan na naman tayo dahil temporaryo itong pananatili ko rito. Maaari kitang iwan anumang sandali.” Napayuko, pinalis ang mga traydor na luhang pumatak galing sa mga mata niya. “Nag-iba na ang mga pangarap natin sa buhay. Unti-unti na tayong nabago ng mga sirkumkasyon at pagsubok sa dumaan sa ‘ting buhay.”
“Jennifer, listen to me.” Nagulat siya nang iharap siya nito rito, hawak ang magkabila niyang mga balikat. Natigil siya sa pag-iyak, basang-basa ng luha ang gilid ng mga mata niya. “Huwag mong isiping nawala na ang Daniel na kilala mo noon. Nandito pa rin ako. There’s still a child in us, Jen. Tinanong mo ba sarili mo kung bakit ginusto mo pa ring bumalik rito sa kabila ng lahat? Nasa akin na lahat. Pera. Mana galing sa Dad ko. Masaganang buhay sa London at Ireland pero pinili ko pa ring tumira sa Mararag. Kahit lugmok man ang bayan. Bumabalik pa rin ako rito. Alam mo kung bakit. At gusto mo bang malaman kung ano pa ang isang rason?”
Bumalong ang mga luha niya. Tila tumarak sa kanya ang mga salitang binigkas nito.
“Dahil dito ko natutunan ang mga bagay na kailanma’y hindi ko matutunan sa ibang lugar. Ikaw, Jen. Ikaw ang dahilan kung bakit pinilit ko pa ring manatili rito sa kabila ng ideyang hindi ka na babalik. Ang batang babae na naniniwalang higit pa ako sa hitsura ko, na anuman ang landas na pipiliin ay mananatiling nakangiti ka’t nakagabay sa ‘kin kahit pa nasa malayo ka. Jen, hindi ako nagbago. Ikaw, nagbago ka ba?”
Humagulhol siya ng iyak at natagpuan na lang ang sariling nasa ilalim ng mga bisig ni Daniel.
***
Puyat siya kagabi sa kaiisip ng mga bagay na hindi niya alam kung saan nanggaling. Ang mga ideyang pumipigil sa ‘king sumaya kahit sa maliit lamang na sandali. Humihikab na pumanaog ako ng hagdan. Hindi ko inalala ang itsura ko.
“Gandang umaga, Kaycee,” bati niya kay Kaycee na nakangiti.
“Magandang umaga rin po, Ate Jen. Mag-aalmusal po kayo?” malawak ang ngiting bungad nito sa kanya.
Umarko tuloy ang kilay niya sa pagdududa. “Anong meron sa ‘yo ngayon? Gusto mong sumabay sa ‘kin mag-almusal? Baka nalipasan ka na d’yan ha.”
Humagikhik lang ito kaya mas lalo siyang nagtaka. “Tapos na po, Ate Jen.”
Maliliit ang mga hakbang na tumungo siya sa kusina. Kumunot ang noo niya nang makarinig ng kalansing ng mga kubyertos at tunog ng pagpr-prito ng kung anong pagkain. Kumalat ang pamilyar na amoy sa kusina saka lang lumuwa ang mga mata niya nang makita ang dalawang bulto sa loob.
“Hi, Jennifer. Nice to meet you again, guest.” Naitikom niya ang bibig niya ang makitang may hawak na spatula si Rome at suot ang isang kulay asul na apron.
Nasa mesa ang kumakaing si Daniel, nangingiti at nginunguya ang pagkain. Nagluluto si Rome ng sisig! Bigla tuloy siyang naglaway. Pero hindi.
“Magkakilala kayo?” bulalas niya, nanlalaki ang mga mata. Naestatwa na sa kinatatayuan niya.
Umalingawngaw sa kusina ang halakhak ni Rome.
“Shit, p’re! So she was your childhood friend, after all? What a small world! Lalandiin ko sana kaso—!” Napahiyaw sa sakit si Rome nang tapunan ng ponkan ni Daniel ang ulo nito. Bahagya itong napangiwi.
“Bastos ka talagang lalaki ka,” irap niya kay Rome na tatawa-tawa lang.
“Hindi ko na sinabing kaibigan ko ang may-ari ng Rio’s Guesthouse. Mag-ingat ka sa kanya. Gago ‘yan,” pambubuking ni Daniel kay Rome.
Tumawa lang si Rome na parang sanay na sa ugali ni Daniel. Umupo siya sa isang high stool.
“Gutom na ako. Gusto kong tikman ang sisig na niluluto mo, Rome. Wala pa akong agahan.”
“Sure! Bisita kita rito e,” masiglang sagot nito na inilipat na ang nakakatakam na sisig sa plato. Ang mga mata niya ay nandoon lang at ang ilong niya, kanina pa nabibighani sa amoy.
“Oo nga pala, Jen,” pag-iiba ng usapan ni Daniel. “Gusto mong sumama sa ‘kin mamaya sa taniman ko ng repolyo? May mga prutas rin ako at hardin na malapit lang sa boundary ng Cagwait at Mararag.”
“Okay,” sang-ayon niya na nasa sisig pa rin ang atensiyon. Natuwa siya nang ihanda siya ng kubyertos ni Rome.
Nang itulak ni Rome ang plato na may kanin at sisig ay lumawak ang ngiti niya. Ilang segundo ang lumipas, tumawa ng malakas si Rome.
“Tamo, pre. Natalo ka ng pagkain.”
***
“Anong ginagawa n’yo ritong dalawa?”
Nag-iwasan sika ng tingin ni Daniel nang makarating sa dulo ng hagdan patungo sa kampo ni tatay Carlos. Sundalo rin pala ang ama nitong si tatay Gino.
Napagdesisyunan nika kanina na pupunta sila sa kampo ng mga ito upang pagmasdan ang malawak na taniman ng mga gulay na nasa kabilang bahagi ng kalsada. Mula sa kinatatayuan nila ay mga tolda ng mga sundalo na kung amo-ano ang pinagkakaabalahan.
“Mamamasyal lang po kami, ‘tay,” katwiran niya pero sa loob-loob niya. Natatakot siya. Baka paluin siya ni tatay dahil napakalagalag niyang bata.
Napabuntong-hininga na lang si tatay. Si Tatay Gino naman ang tinanggap sila roon.
“Anak namin. Si Jennifer, anak ni Carlos. Si Daniel, anak ko,” pakilala ni Tatay Gino sa kanilang dalawa.
“Anak po ako ng totoo kong tatay na Irish kung nagtataka po kayo sa kaibahan ng itsura namin. Pero tatay ko pa rin si Tatay Gino. Siya po nagpalaki sa akin,” bigla’y sambit ni Daniel sa kanilang lahat.
Ginulo ng Commander nila ang buhok ni Daniel na parang natutuwa pa kay Daniel.
Nanatili sika roon saglit sa loob ng kampo ngunit napagpasyahang umupo sa paanan ng burol kung saan kitang-kita nila ang malawak na taniman ng gulay. Mga repolyo, carrots, talong at may kalamansi pa na kaysarap pitasin kaso bawal. Hindi sa kanila ang lupain na iyon.
Nagpaalam na sila sa tatay nila at sinabing hindi sila magtatagal roon pero mananatili lang ng isang oras sa taniman ng gulay. Hilig kasi nilang mandiskubre ng mga lugar ni Daniel.
“May mga ibang gulay rito na hindi na nakakarating ng Tandag o sa palengke dahil inuuod,” sabi ni Daniel at tiningnan ng maigi ang isang repolyo. Malalim ang iniisip.
“O kaya naman, kailangan lang sila ng mga peste o uod. Alam mo ‘yung food chain sa klase natin? Cycle ng environment. Hindi sa lahat ng oras ay pangangailangan ng tao ang kailangang maging prayoridad,” wika niya, nakauklo.
“Oo. May mga tao ring bumibili ng mga gulay para sa kanilang mga alagang hayop,” sabi nito na nakatingin pa rin sa mga gulay. Hindi niya alam kung ano ang takbo ng isip ni Daniel.
“Lahat tayo may karapatang mabuhay sa mundong ito. Lahat may karapatang gumawa ng sariling guhit ng tadhana.”
“Naniniwala ka sa tadhana?”
Lumiit ang mga mata nito. “Hindi tadhana ni nanay at ng totoo kong tatay ang magkatuluyan kahit pa iniluwal na ako sa mundong ito. Hindi ko alam.”
“Hindi natin kontrolado ang agos, Daniel.”
Unti-unti’y napangiti ito. Ang sinag ng araw ay tumama sa mukha nito, sinisilaw ito ngunit napangiti na lamang siya kung paano’y naging malinaw sa mga mata niya ang pagtingkad ng kulay ng mga mata nito.
Kabanata VIII
“Natatakam akong makita ang mga repolyo na ‘to. Paano kung gagawa ako ng kimchi?” naisip niya bigla, sinadyang marinig iyon ni Daniel.
Hindi na siya nasorpresa nang aminin nitong binili nito ang ektaryang lupang iyon ng repolyo at iba pang taniman ng gulay. Pero ang malamang malawak ang sakop ng lupain nito ay nakakamangha.
Puwede niya nang pitasin ang kahit ano di katulad noon.
“Kimchi? A korean food?” kunot-noo nitong tugon.
Ngumisi siya. “Marunong akong gumawa. Gusto mong tikman?”
“Then we will make it at my mother’s house, instead,” he chuckled.
Natigilan siya. “Really?”
Kinabahan siya bigla. Matagal na ang nakalipas mula nang makabalik siya rito sa Surigao, Del Sur. Ano na kaya ang nangyari sa mga ito?
Naiwan silang dalawa ni Daniel sa silid-aralan nila upang linisin iyon. Nasisinagan ng araw ng dapit-hapon ang loob.
Pinili niya umupo sa silya niya’t binuklat ang libro niya.
“Hindi ka ba napapagod sa pagbabasa, Jen?” usisa ni Daniel sa kanya na nagbubura ng mga sulat sa pisara.
“Hindi,” tapat niyang sagot at hinanap ang sagot sa number two ng assignment nila sa Sibika at Kultura. “Kapag nagbasa ka, mahahanap mo ang sagot.”
“Kokopya na lang ako sa ‘yo, mamaya.” Inirapan niya tuloy ito at ibinalik ang atensiyon niya sa libro.
Kulang sika sa libro sa eskuwelahan namin kaya minsan naghihiraman sila. Madalas, isang libro para sa limang estudyante. Kapag masyado na silang naiinitan kasi kulang ang bentilador ay sa labas sila makikinig ng leksiyon. Sa lilim ng mga puno. Ililipat nila ang pisara at saka nila itutuloy ang klase.
“Umaabot ba sa punto ng buhay mo na nagsawa ka ng mag-aral?” tanong ni Daniel na hinila ang upuan. Tinalikod iyon riti at umupo ng paharap sa kanya. Inirapan niya na naman ito na ngayo’y nakangisi.
“Ikaw? Sawa ka na. Puwede ka namang tumigil sa pag-aaral at piliing magsaka na lang sa kabukiran,” kausap niya rito na nakatutok pa rin ang pansin sa libro.
Umaktong tila nasasaktan si Daniel, hawak ang dibdib nito. Nirolyo niya na naman ang mga mata. “Bakit ang init yata ng ulo mo ngayon?”
“Choice mo namang piliin na lang na magsaka. Magtanim ng mga gulay, mais, palay o kung ano pa d’yan. Marangal naman ‘yon at simple ang buhay. ‘Yun nga lang, madali kang utuin ng ibang tao. May aagaw sa lupa mo dahil wala kang maipapakitang titulo. Ignorante ka pa rin sa ibang bagay,” mahabang litanya niya na hindi pa rin ito nililingon. Patapos na siya sa ikalimang tanong na pahirapan ang paghanap ng sagot sa libro.
“So ang punto mo, importante pa rin ang edukasyon.” Masyadong malapit ang boses nito, nakakarindi kaya biglang napaangat ang mukha niya para lang masalubong ang mukha nito.
Napaatras tuloy ang ulo niya at sinapak ang mukha nito. “Aray naman, Jen!”
“Huwag mo nga ilapit ang mukha mo sa ‘kin!” bulyaw niya rito, natataranta.
“Ang cute ni Daniel rito! Para siyang babae, Auntie!” Hindi niya maiwasang mapahagikhik ng makita ang picture ni Daniel na pink lahat ng baby clothes. “Ang ganda niyang bata.”
Natawa nang mahina si Auntie Gloria. Nanay ni Daniel.
Dinala siya ni Daniel sa bahay nito sa Cagwait kung saan talaga ito nakatira. Yari sa kahoy at semento ang bahay ng mga ito. Kahoy ang nasa itaas kung nasaan sila ngayon, tinitingnan ang mga baby pics ni Daniel.
“Si Daniel ang naging mundo ko noong mawala sa ‘min ang ama niya. Ni minsan hindi ko pinalipas ang taong wala siyang larawan. Mula nang sanggol siya hanggang sa naging limang taong gulang na siya. Nakilala ko si Gino, ang tumayong tatay na niya ngayon noong nasa anim na taong gulang na siya. Ang laki niyang sanggol. Ang bigat. Hindi ko akalaing mabubuhay pa ako.” Binuntunan iyon ng tawa ni Auntie kaya napatawa na lang siya.
“Inasam n’yong babae si Daniel, Auntie?” tanong niya at natawa nang makita ang larawan ng umiiyak na baby Daniel.
Bahagyang kupas na ang mga larawan ngunit nasasalamin pa rin ang baby era ni Daniel at maging ang kabataan noon ni Auntie Gloria. Ang dating ng beauty niya ay parang kay Gloria Romero na kapangalan nito. Hindi kumukupas at ngayo’y nanatili pa ring maganda.
“Minsan ngunit nang mapansin kong nangingitim ako, palaging nagugutom at bugnutin. Alam ko ng lalaki ang dinadala ko. Madalas sumusuka ako tuwing umaga.” Naging malungkot ang anyo ni Auntie. “Mahirap magbuntis mag-isa, Jennifer lalo na’t hindi suportado ng pamilya ko. Muntik nang mawala sa ‘kin si Daniel kung hindi ako tinulungan ng kaibigan ko. Lumagi ako rito sa Surigao Del Sur upang lumayo sa pamilya kong itinakwil na ako. Isang taong gulang na si Daniel nang dumating kami rito sa Cagwait.”
Masakit sigurong itakwil ng mga magulang. Ang kawalan ng mahihingan ng tulong. Ang saklap pala talaga ng buhay ng ina ni Daniel noong nag-iisa itong buhayin ang anak nito.
“Mayaman po kayo, Auntie?” tanong niya rito. Misteryuso ang ngiting ibinigay sa kanya.
“Minsan sa buhay mo anak, pipiliin mong maging masaya. Kayamanan ang maging masaya at malaya, Jennifer. Kaya habang bata ka pa, ‘wag mong hayaang ikulong ka nila.”
Saka niya lang naintindihan ang mga salita ni Auntie Gloria. Masaya? Malaya? Kailan mo ba masasabing masaya ka at kontento kung lagi kang naghahangad pa sa tuwing naabot ang isang bagay? Masaya ka ba kung nasaan ka ngayon?
Malaya? Paano? Maraming mga sirkumsasyong nakalingkis sa ‘yo, ginugupo ka sa bawat na desisyon na pipiliin mo. Dilemma. Bawat desisyon, may kaakibat na konsekwensiya.
Ngunit pinili ni Auntie na maging malaya sa kabila ng paghihirap na pinagdaraanan nito.
Katabi niya si Daniel na nagmamaneho ng maliit nitong truck. May mga samu’t saring mga gulay ang nasa likod nito. Natawa na lang siya kanina nang pumitas siya ng maraming repolyo.
“Hindi lahat ng tao, magugustuhan ang kimchi, Daniel. Maanghang ‘yun. Appetizer ‘yun pag nasobrahan kayo ng mga oily na pagkain but still, you can preserve it.” Madalang lang siyang magsalita ng English na wala sa klase pero kalauna’y ginagamit niya na dahil kay Daniel.
Bahagya itong ngumuso. “I want to try. May malapit na supermarket sa Cagwait. Daan muna tayo roon bago pumunta ng bahay. We still have to buy the ingredients for kimchi.”
Binaba niya ang windshield ng truck at hinayaang tangayin ng hangin ang iilang hiblang tumakas mula sa pagkakatali.
“Noong bumiyahe kami papunta ng Cebu. Gising ako, umiiyak dahil unti-unti nang hindi nagiging pamilyar sa ‘kin ang mga lugar. Naglalaho na ang Mararag. Iyak ako ng iyak, tahimik lang habang tahimik sina nanay at tatay. Hindi sila nag-iimikan. Sino bang hindi magugulat? Kakagraduate ko lang sa elementary at biglang sasalubong ko pag-uwi ang mga nakaimpakeng mga gamit. Ngayong araw ko lang din nalaman na totoong luluwas na talaga kami pa-Cebu. Mahirap. Ilang araw na wala akong ganang kumain. Nakakapanibago ang paligid. Walang ilog. Walang mga palayan. Walang mga niyog. Ang ingay-ingay hindi gaya rito na ang payapa, simple at payak ang pamumuhay. Hindi ko hangad ang mayamang pamumuhay katulad na hangad ng ibang mga batang nasa edad ko na pawang gustong magkaroon ng cellphone o kahit anong gadgets. Natatagpuan ko ang sarili kong malayo ang tanaw sa bintana, pilit hinahanap ang malawak na lupain ngunit hindi, mga gusali at mga dikit-dikit na bahay ang nakikita ng mga mata ko. Matagal bago ako nagkaroon ng mga kaibigan ngunit wala naman akong kakuwentuhan tungkol sa lugar na kinamulatan ko. Ang probinsiyang gusto kong balikan ngunit tikom ang bibig sapagkat ayaw bigkasin ulit ni Nanay ni pangalan man lang ng Mararag.”
“Hindi pa naghilom ang sugat na idinulot ng mga alaala, Jen. Narinig ko na lang na may nakaalitan ang tatay mo rito sa Mararag kaya bigla kayong lumuwas ngunit nang malaman kong namatay pala ang lolo mo. Nagbago. Walang kasiguraduhan kung babalik ka. Lumipas na ang mga taon. Heto, nandito ka. Katabi ko. Akala ko magiging malabo na ang posibilidad.”
Ramdam niya na aware itong temporaryo lang ang lahat na ito. Babalik rin siya ulit sa Cebu. Kung saan iba na ang buhay niya.
“Sugat ng kahapon? I read on Rick Warren’s book. We are the products of our past but we don’t have to be the prisoners of it. Not the exact words but the exact idea. Yes, we have memories in this place pero wag mong ikulong ang sarili mo sa mga alaala ng kahapon,” mahina ang boses na sabi niya rito, ni hindi ito nililingon.
“Hindi ko naman kailangang ikulong ang sarili ko habang-buhay sa mga alaala. May mga bagong alaala na ako ngayon. Kasama mo,” wika nito na ikinatikhim niya lang. Pinigilan niyang mapangiti. Alam niyang nag-iinit na ang mukha niya.
“Baduy mo talaga, Daniel. Pero totoo, lilipas rin ang lahat.”
“Why are you so cynic? Just savor your moment here, Jennifer. Focus on the present now. Gusto mong bilisan ko pa ang pagpapatakbo ng truck? Just say so, I know you like adventures.”
Aangal pa sana siyanang maramdaman niyang bumilis ang takbo ng truck nito Dinagdagan nito ang kph! “Holy kalabaw! Walanghiya ka Daniel!”
Napakapit siya sa bintana. Tumawa lang ang damuho na tila naaaliw pa. “We are not in the racetrack dimwit!”
“Akala ko, hindi na babalik ang anak kong ‘yan,” nakangiting usal ni Auntie Gloria sa kanya. Nanay ni Daniel.
Nakaupo sila sa tagpi-tagping kahoy na ikinabit sa puno ng santol. Nagkalat ang mga bulaklak ng punong-kahoy sa paligid. Ilang metro ang layo sa kanila ay sina Daniel kasama ang mga pamangkin nito na naghahabulan pa. Natawa na lang siya dahil ang laki nitong damulag para habulin ng mga paslit.
“Hindi naman po yata maganda pag kinalimutan niya kayo at nanatili na lang sa ibang bansa. Malayo sa nanay niyang nagpalaki sa kanya hanggang sa namulat siya sa mundo. Kung ako rin po ang nasa posisyon niya, babalik ako sa piling ng magulang na nagpalaki sa ‘kin. Naghirap na igapang ako sa buhay kahit masagana ang buhay sa isa. Nothing would compare to mother’s care, Auntie,” nakangiting tugon niya, nakamasid sa nakangising si Daniel na lumingon sa amin. “May naging kasintahan po siya, Auntie?”
“Ay naku, si Kimberly. Wala na silang komunikasyon nang lumuwas ang babae sa Maynila at doon na magtrabaho,” bigla’y amin ni Auntie.
Natigilan siya, hindi makahuma. Naalala ang mukha ng batang Kimberly na kilala niya, nahihiyang ibinigay ang liham sa kanya, ipinapabigay kay Daniel. Sandali’y tila tumigil ang tibok ng puso niya na napalitan ng kakaibang kurot.
“Si Kimberly Faye Cortez po?” tanong niya.
“Oo. Di ba magkaklase kayo noon?”
Naniningkit ang mga mata, nang-aakusa kay Daniel na umarko ang kilay nang lingunin siya.
“You were looking like I’ve sin against you,” he said, chuckling. Hindi niya inaasahan na pumatok ang lasa ng kimchi kay Auntie maging sa mga kapitbahay ng mga ito kaya binigyan rin nila.
“Naging girlfriend mo si Kimberly?” Itinaas nito ang mga kamay nito na parang susuko.
Tatawa-tawang dinampot nito ang baunan na may lamang kimchi.
Naparami ang gawa nila kanina doon sa bahay nito.
Nakabalik na sila sa bahay nito sa Mararag.
“Okay, fine. He was head over heels on me so I had to agree. Aalis rin naman siya ng Manila.”
“Niligawan mo siya?”
“Hindi. Bakit ko naman siya liligawan? It was she, who requesting.”
Umarko ang kilay niya at maya-maya pa’y umalingawngaw ang halakhak niya sa loob ng bahay. “My gad, Daniel. Kailan kayo naging kayo?”
“When I’m still a college student in Cagwait. She’s also my schoolmate there, ” kaswal nitong sabi. Isinarado nito ang ref at umupo sa silyang-kahoy.
What is it to do with me? Napapailing na lang siya at napangiti na lang upang alisin ang kung anumang agiw sa isip.
“Ikaw?” nakataas ang kilay na tanong nito.
“What do you mean?”
“We are talking our past love interest. Well, not for me. I have few strands of girlfriends in London,” may pagmamalaki sa boses na sabi nito, sa tonong nang-aasar. “Ikaw?”
Iningusan niya lang ito at sinamaan ng tingin. “I have one. Way back in college.”
“Really? May nagkamali sa ‘yo?” Bigla’y tumuwid ito ng upo.
Akmang hahampasin niya ito nang nahawakan niyang walis-tingting. Itinaas lang nito ang mga braso niti, natatawa sa akto niya.
“Totoo. But our studies were our priority. And family also. We discovered that it isn’t really love.”
“Paano mo malalamang hindi?” Inirapan niya lang ang tanong ni Daniel.
Sumandal siya sa kahoy na pader at pinagkrus ang mga braso niya.
“Coming from you, Daniel. Alam mo na kung totoo o hindi ang pagmamahal.”
“What’s his name? Your ex?”
Nginisihan niya ito. “John Daniel.”
He was stunned for a moment.
“Shit, really?” hindi makapaniwalang sambit nito.
Kapwa sika natawa at hindi nila alam kung dahil ba kapangalan niya ang ex niya o nakakatawa lang ang sitwasyon na meron sila ngayon.
“It’s a coincidence.”
“May pagkakataon bang naalala mo ako sa kanya?”
“Bakit naman? Magkaiba kaya kayong dalawa. He’s a city boy. Apart from you.”
“Not Half Irish?”
“Nope. Hindi. Pure Filipino na may Chinese descent.”
“Minahal mo?”
Kibit-balikat na sumagot siya, “Hindi ko alam kung minahal ko ba o hindi. Nakakalito ngayong lumipas na ang mga taon. Siguro, kung makikita ko siya ulit. I remembered the boy but the fascination? Not? Pasok siya sa ideals ko but later on I realized, no matter how ideal my man could be, for me, if it isn’t the right man then I’m wasting my effort, time and feelings. Ikaw ba? You said that you had strings of girlfriends. Ano ang mga dahilan mo kung bakit naging kasintahan mo sila?”
“I was just joking that I had strings of them,” he snorted. “I had three in London. Life there revolves around social classes sometimes and it sucks to be left out. I was muted when I got there. My girlfriends? They’re the types that a guy would want. Hindi uso sa kanila ang ligawan. Easy peasy at first but they got so clingy that I broke up with them. Ayokong manipulahin nila ako. Well, there’s this one who is different from the two. The hard thing was our priorities. Oo, minsan hindi sapat ang damdamin mo upang baguhin ang mga gagawin mo sa pangarap mo. After months of relationship, I left her, without a heavy heart because we had a closure.”
“Wala kaming closure ni Daniel John,” nasambit niya bigla.
Kahit pa lipas na ‘yun, hindi niya pa rin makakalimutan ang mga eksenang kahit papaano’y nagbago sa isang parte ng pananaw niya sa buhay.
Kabanata IX
***
“You were being unfair to me, Jen. I am not your boyfriend anymore.”
“What?”
“Wala ka ng time sa akin. Hindi ko alam kung may puwang pa ba ako sa buhay mo. O may puwang ba talaga sa simula pa lamang?”
“Kung wala, hindi kita sinagot, DJ.”
“Mahal mo pa ba ako?”
“Wala akong maisagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko i-sort ang mga emosyon ko. Litong-lito ako nang iwan ako ni Daniel John. Ang nalaman ko na lang ay tinanggap niya ang pag-oojt sa ibang bansa. Siyempre, nasaktan ako kasi hindi niya pinaalam sa ‘kin. Walang proper break-up hanggang sa bumalik siya na dinadaanan lang ako na parang hangin. Masakit. Oo, may pagkukulang pero kalauna’y natabunan na iyon ng ibang priorities. Alangan naman na magpapakalugmok ako? After all, I am a swimmer athlete in our university, a scholar and a part time tutor. Gahol na ako sa oras para pagtuunan ng pansin ang nangangamote kong lovelife. Hindi naman ako ang nanggulo. Siya. Nanligaw siya sa ‘kin at nang magustuhan ko siya. Sinagot ko siya.”
“May ideya kang hindi kayo magw-work-out?” tanong nito.
Magkasabay na nilalakad nila ang tabing-ilog. Ang mga mababang damo sa baba ay natatapakan nila. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw sapagkat ilang oras ang lilipas ay magdadapit-hapon na.
“Oo. Marami kaming priorities e. Natatabunan na ang kung ano man ang nasa pagitan namin. I couldn’t tell if he’s my first love. First boyfriend, yes, but love? I don’t know. I’ve been reading lots of romance books and still wonders about the other sides of love. Like how can you feel if its real?” Malayo ang tanaw niya, minamasdan ang mga niyog sa kabila na tila yumuyuko sa ilog.
Tumigil sa paglalakad si Daniel at piniling umupo sa gilid ng mababang talampas.
“Sacrifices. The distances. The time. I guess that tests the true love of a person towards a person. Na pag nakita niya ulit ang isang tao, ay katulad pa rin ng dati ang nararamdaman niya,” tugon nito na hindi siya nililingon.
Napaupo na rin siya, yakap-yakap ang mga tuhod niya. Komportable siya sa suot niyang gray jogging pants, white loose shirt at flip flops.
“Binalikan mo ‘yung ex mo? Andoon pa rin?” tanong niya rito.
Bahagya siya nitong tinapunan ng tingin. “Oo. She has a boyfriend. Masaya akong masaya siya.”
“Hindi ka nasaktan?”
“Oo pero hindi ko na inisip masyado. Pinili kong bumalik rito. May babalikan pa ba ako? Sinabihan ko na siyang wag niyang ikulong ang sarili niya sa ‘kin.”
“I’m thinking of jumping off in that river,” random niya sabi.
“No, wait. Jennifer. What are you doing?”
Mabuti na lamang suot niya ang cycling shorts niya sa ilalim ng jogging pants niya. Lumingon siya kay Daniel na napatulala na lang sa kanya.
Tumalon siya sa tubig, hindi na inisip kung tama ba ang bagsak niya. Medyo masakit sa balat gawa na rin ng distansiya. Ang huli niyang narinig ang pagtawag nito sa buong pangalan niya at nilamon na siya ng dilim at lamig ng tubig.
Sumisidsid siya sa ilalim at namangha nang makakita ng iilang isdang lumalangoy. Pinigil niya ang paghinga niya sa ilalim na paulit-ulit niyang pinraktis noon pa. Hindi masakit sa balat ang tubig-tabang hindi gaya ng tubig-alat at tubig sa swimming pool.
Umahon siya at natagpuang tila natataranta si Daniel na hinanap siya. Ilang metro ang layo nito sa kanya.
“Daniel! Nandito ako!”
Nagulat siya nang mapamura ito. “Shit, I’m sorry, I thought you’ve drown. Ang tagal mong umahon. Pinag-alala mo ako.”
Katulad niya itong palutang-lutang sa ilog, lumalangoy sa malamig na tubig. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nag-back stroke nang papalapit na ito sa kanya.
“Marunong akong lumangoy, di ba?”
“Akala ko talaga, nalunod ka na o pinulikat.”
Winisikan niya ito ng tubig. “So you will save me? I’m not a damsel in distress, Daniel. I can handle myself well.”
“You’re brave, Jen but sometimes you need someone to protect you.”
Winisikan niya ulit ito. Umiwas ito at nagulat ito nang lumangoy ito papalapit sa kanya. “Hey stop! Huwag kang lumapit!”
Nginisihan siya nito nang ilang dangkal na lang ang layo ng katawan namin. Naipikit niya ang mga mata niya sa hindi maipaliwanag na kaba.
“Held your breathe,” bulong nito. Naimulat niya ang mga mata niya at nagulat nang hilahin siya nito palapit rito.”We will swim underneath.”
Paano kung wala si Daniel sa Mararag? Estranghera ba siya sa kinagisnan niyang nayon?
Paano kung sa ilang araw niyang pananatili ay hindi na magiging isang buwan dahil wala rin lamang siyang babalikan.
Paano kung nanatili si Daniel sa United Kingdom? Mangyayari ba ang mga sandaling ito?
Nakakatakot isipin ang mga baka sakali.
Pagkatapos nilang magtampisaw sa ilog ng ilang oras at makahuli ng iilang malaking hipon sa tulong ng mga kapit-bahay ay inuwi nila ang lima para lutuin.
“Bukas pala, gusto mong pumunta ng dalampasigan? Ang karagatan na gusto mong puntahan? The Pacific Ocean. Sasamahan kita,” ani Daniel na naghihimay ng mga hipon.
Umiilaw ang phone niya hindi na niya masyadong pinapansin. Dinampot niya iyon at nagulat siya nang may pumasok na tawag.
63 misscalls. 183 messages. Galing lang kay nanay. Gumapang ang kaba sa dibdib niya, nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ang tawag at tumayo muna. Sinenyasan niya si Daniel na lalabas muna siya na ikinakunot ng noo nito.
“Anak! Kailangan ka rito ng tatay mo!” Nagpa-panic ang boses ni nanay. Samu’t saring mga ideya ang pumasok sa isip niya, mga pangyayaring sana’y hindi totoo.
“Bakit, Nay? Anong nangyari?”
“Ang Lola mo. Ang nanay ng ama mo. Binalikan sila. Galit na galit ang tatay mo. Anak, bumalik ka na rito. Miss na miss ka na ng tatay mo. Bakit hindi kita ma-contact? Nag-alala na ako sa nangyayari sa ‘yo d’yan. Anak?”
Nabitawan niya ang phone niya sa pagkabigla. Ang mga balak niya sanang gagawin, ang mga sandaling kasama niya si Daniel sa bukid, ang mga alaalang rumagasa sa utak niya.
Ang katotohanang wala rito ang buhay niya.
“Nay, bakit nag-iimpake kayo? Akala ko dadating kayo sa graduation ko,” mangiyak-ngiyak na nakamasid lang siya sa pagbuhat ni tatay ng iilang bag. May nakasukbit rin sa mga balikat nito.
May bahagi sa isip siya na hindi totoo ang nangyayaring ito. Na baka halusinasyon niya lang ito.
“Kumilos ka na! Magbihis ka na! Aalis na tayo. Nasa akin na ang mga papeles mo sa eskuwelahan.”
“Nay.”
“Jennifer!” nandidilat na sigaw ni inay sa ‘kin, galit ang boses at tila mabibingi siya sa takot.
Natatarantang sinunod niya si Nanay na umiiyak, napapahagulhol sa bilis ng mga pangyayari.
Umiiyak na naglakad siya papunta sa daan nang makita ko si Daniel. Iiwan na nila ang Mararag? Papaano ang mga kaibigan niya? Ang mga maiiwan niyang mga taong malapit sa kanya. Si Lola Carmel at Lolo Damian.
“Jen! Totoong aalis na kayo? Iiwan mo na kami? Hindi ka na babalik?” Ang makakapal nitong pilik-mata ay nababasa ng mga luha nito. Katabi nito si Kuya Floy na pumipigil rito. Hindi niya alam kung bakit.
“Jennifer, tumabi ka,” mariing paalala ng tatay niya na seryuso ang boses. Nakakatakot sina nanay at tatay. Nagsisimula nang umiyak si Gio. Hinihintay nilang dumaan ang bus.
Umiiyak siya at nakiusap na kausapin saglit si Daniel. Tututol sana si itay ngunit pinigilan ni inay.
“Biglaan ‘to. Hindi ko inaasahan na totoong aalis na kami rito. Titira na kami sa Cebu, Daniel. Malayo rito sa Mararag. Hindi ako nakakasiguradong babalik kami.” Pinalis niya ang mga luha niya.
“Babalik ka, di ba? Mangako ka, babalik ka.”
May papalapit na bus. Aabutin niya sana ang kamay ni Daniel ngunit tinawag na siya ni inay.
“Jennifer! Sumakay ka na!”
“Babalik ka rito. Mangako ka.”
Hindi na siya nakasagot kay Daniel dahil tumigil na ang bus at kinailangan na nilang sumakay roon. Tigmak ang luhang minasdan niya ang kabuuan ng palayan sa gilid ng kalsada.
“Jen! Hindi ito ang huling beses na makikita kita!” narinig niyang sigaw ni Daniel na kumawala kay Kuya Floy.
Umandar na ang bus. Tumungo siya sa upuan na malapit sa bintana.
“Babalik ako, Daniel!” sigaw niya rito na hinabol ang bus. Unti-unting lumalayo ang bus hanggang sa naglaho na rin si Daniel sa mga mata niya.
Makakabalik pa ba siya?
“What’s the matter?” nag-aalalang tanong nito nang makita siyang umiiyak, kipkip ang phone niya. Inilahad nito ang panyo nito sa kanya na walang pag-aatubiling tinanggap niya.
“Uuwi na ako sa Cebu. My grandmother came back after years of leaving my father. My family needs me there. My co-workers are looking for me ’cause they want me to handle their manuscripts. Nandoon na ang buhay ko, Daniel.” Suminga siya sa panyo.
“Ihahatid kita,” determinadong sambit nito.
Natigil siya sa pagluha. “Ano?”
“This is the least thing I could do.”
“Gusto mong makita ulit akong umalis. Paano kong hindi na ako babalik?” mangiyak-ngiyak niyang sambit.
Bakit ba mas masakit na ngayon ang pagliban nang tuluyan? “Alam mo bang balak kong magtagal rito, iniisip na baka dito ako titira? Ngunit napansin kong ang mga kakilala ko noon ay tila hindi na ako kilala maliban lamang sa iyo. Kilala nila ako dahil kilala nila ang mga magulang ko. Hindi ako. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa bayang ito. Kung wala ka? Malamang iilang araw lang ako rito.”
Hinaplos ni Daniel ang pisngi niya’t pinalis ang mga luha naglandasan doon. “Don’t think about trivial matters, Jen. If you really want to stay here for good, do it. Wag mo na masyadong pakaisipin ang mga tao sa paligid, kung kilala ka ba nila o hindi. I am here. I won’t leave you. Mas masakit na makitang ang taong nagpapahalaga sa ‘yo simula nang bata ka pa ay lilisan na naman. At sa pagkakataong ito, baka hindi na talaga bumalik. Desisyon mong manatili, Jen. Maghihintay lang ako.”
Napamaang siya nang ikulong siya nito sa mga bisig nito at hindi na siya nagreklamo pa nang madama niya ang init ng yakap nito.
“Di ka ba mapapagod maghintay?” bulong niya, nakapikit ang mga matang ginantihan ito ng yakap.
“Hindi ako magsasawang maghintay, Jen.”
Tinanaw niya ang nag-iisang isla sa gitna ng karagatan na ilang milya ang layo mula sa kinatatayuan nila.
Hunas na naman ang dagat at lumulutang ang mga damong-dagat sa mababaw na tubig. Sinamyo niya ang maalat na simoy ng hangin at hinayaang tangayin ang mga hibla ng buhok na nakatakas sa pagkakatali.
Humakbang siya papalapit sa mga along tinatangay ang mga buhangin. Hinubad niya ang puti niyang sapatos at hinayaang damahin ng talampakan ang pinong buhangin. Hinayaan niyang mabasa ang mga paa niya ng tubig-alat, naramdaman ang init nito na nagmumula sa umagang araw.
“Jen!” Napalingon siya kay Daniel na nakangiting bitbit ang mga bagahe niya. Nginitian niya ito at nanatiling nakatayo sa halip na lumapit rito.
“Daniel.”
Umarko ang kilay nito, tila matatawa pa nang makita siyang kulang na lang ay magtampisaw sa dagat.
“Ayoko pang umalis. Give me ten minutes. Magmumuni-muni ako.” Ipinikit niya ang mga mata at tinanggap ang malamig na simoy ng hangin. Pinakinggan ang paghampas ng alon sa mga paa niya.
“We are supposed to go to the Pacific Ocean. The sands there were white. A blue expanse of water,” usal nito, trailing off.
Ibinuka niya ulit ang mga mata niya. “Hindi na ako babalik.”
Lumungkot tuloy ang anyo nito kaya natawa na lang siya nang mahina’t lumapit ito sa kanya. Inabot niya ang mukha nito ngunit napagtanto niyang ang laki na pala ng kaibahan nilang dalawa pagdating sa pisikal. Hanggang kili-kili lang yata siya nito at alam niyang kayang-kaya siya nitong pisain.
“You couldn’t reach my face, silly.” Tila nagkislapan ang mga luntian nitong mga mata at marahang pinisil ang pisngi niya. “Ang cute mo.”
“Yeah, right.” Pabirong inirapan niya lang ito at sinuot na ang mga sapatos niya kahit na basa pa ang mga paa niya.
Paglisan. Masakit mang lumisan, mas masakit pa rin ang kaalamang may iniwan ka at naghihintay sa ‘yo na walang kasiguraduhang babalik ba.
Ang lumisan. Masakit iwan ang kinagisnan mo, ang mga taong malapit na sa puso mo at naging parte na ng buhay mo. Mahirap makibagay sa isang lugar na wala doon ang puso mo. Na gustuhin mo mang bumalik ay matagal bago mo magawa. Maraming mga sirkumkasyong pumipigil sa ‘yo. Hindi pa ang tamang panahon upang bumalik.
Kailan ba natin mahahanap ang Kanlungan?
Kabanata X
***
“Kanina ka pa tulala, Jen,” puna ng katrabaho niya si Hazel.
“Baka may naiwan sa Mararag kaya ganyan.” Tawanan. Pabirong inirapan niya lang ang mga ito. May pagka-intrigera talaga ‘tong mga kasamahan niyang editors.
“I heard that tine-terror n’yo ang ibang writers sa mga errors nila sa manuscripts nila,” pag-iiba niya ng usapan.
“Hindi kaya. Responsibility ng writer na basahin nila ‘yung gawa nila bago ipasa sa amin para kaunti na lang ang errors at ang takbo na lang ng kuwento ang pupunahin namin. Maging ang iba pang elements. Tama naman ako, di ba?” katwiran ni Rhea na uminom lang ng brewed coffee.
“We are still editors. Kailangan polish na para sa publishing. Hindi talaga maiiwasan ang mga typos at errors kahit pa na-proofread na ang manuscript. We are meticulous in our own way. Mas mabuting kausapin ng masinsinan ang writer,” paghahayag niya ng sarili niyang opinyon.
Kanya-kanya na ang mga ito ng bigay ng mga ideya kung paano’y matigil na ang mga nakakahiyang errors ng mga writers na masasalamin sa ilang published books na naglipana sa Pilipinas.
Tuluyan na siyang nakabalik sa Cebu. Balik normal na naman ang takbo ng buhay niya rito. May mga nagbago dahil kapiling na nila ang nanay ni tatay. Si Lola Ellie na bumabawi sa mga panahong wala siya sa piling ni tatay pati sa mga kapatid nito. Malapit na ring magtapos ng pag-aaral ang kapatid niyang si Gio sa kursong Computer Engineering at anumang sandali ay magtutulungan sila upang makapagtapos si Jianna. Ang bunso nila na na nasa unang taon na ng kolehiyo.
Lumilipas ang nga araw na tila binabagay niya na lang ang sarili niya sa lahat. Routine work. Nakakasawa na nga minsan. Ito na ba talaga ang buhay ng tao? Ang magtrabaho upang mabuhay, magrereklamo kung mad-delay ang suweldo, ang mag-aral upang hindi pagsamantalaan ng mga tao sa paligid?
“Anak, may problema ka ba?” Napalingon siya kay inay na lumapit sa kanya. Gabi na, ang mga tao sa bahay ay tulog na maliban kay nanay na pumanaog galing sa itaas.
“Masaya ka ba?” tanong nito sa kanya,, sa nag-aalalang boses.
Tumawa lang siya. “Masaya naman ako, Nay. Bumalik na si Lola. Hindi na bugnutin si tatay at masaya akong makitang maayos na siya. Maayos na sila. Akala ko’y hindi niya patatawarin ang sarili, sa mga masakit na alaala ng mga kahapon niya. Masaya ako para sa kanya.”
Nang-uunawang hinawakan nito ang kamay niya, pinisil iyon at pilit hulihin ang mga maiilap niyang mga mata.
“Jennifer, anak. Gusto kong humingi ng patawad dahil masyado kaming nasaktan ng tatay mo sa mga sugat ng kahapon namin at kinailangan nating lumipat rito. Pinalaki ako ng Nanay Amelia mo ngunit nasasaktan ako sa mga naririnig ko sa mga paligid, ang mga sabi-sabi nila at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Ang pagkamuhi ko sa sarili, ang pagkaawa dahil iniwan ako ng mga totoo kong magulang. Ang Mararag ang lugar kung saan tingin ko’y hindi ako nababagay sa simula pa lang. Inalagaan ako ng Lola Amelia mo, minahal at itinuring na para niyang anak at nang mawala siya sa piling natin. Mas lalo akong namuhi sa bayang iyon. Gusto kong lumayo. Ang tatay mo, nakatagpo ng alitan sa kampo niya at muntik pa silang magbarilan na pinigilan ng Commander nila. Katulad ko rin siyang bilanggo ng sakit ng kahapon.”
Pinigilan niya ang sariling umiyak sa harap ni Nanay. Masakit pa ring marinig sa mga labi nito ang mga ideyang alam niya na. Oo, alam niyang bilanggo ang mga ito ng sakit ng kahapon.
“Mahirap ang buhay natin sa Mararag. Hindi opisyal na sundalo ang tatay mo. Boluntaryo at kakarampot lang ang suweldo. Isa sa mga dahilan kung bakit lumipat tayo rito.”
“Pero, Nay,” naluluhang sinalubong niya ang mga malulungkot nitong mga mata. “Alam n’yo bang hindi kayo tuluyang magiging masaya kung pilit pa rin ninyong ibilanggo ang mga sarili n’yo sa mga nangyari, sa mga masasakit na alaala? Ginagawa lang ninyong miserable ang mga buhay n’yo. Nasa inyo pa rin naman ang desisyon na maging masaya ah. Kayo po ang magsusulat ng buhay ninyo, magdidikta kung ano ang takbo nito at hindi hahayaang masadlak sa bitterness ng kahapon. Binigyan Niya tayo ng mga choices na pipiliin natin at nasa atin na mismo ang desisyon. Miss ka na ni Lola Pat doon inay. Kung maaari, bisitahin natin siya doon. Huwag n’yo munang isipin ang mga masasakit na alaala. Tinanggap ka ni Lola, pinalaki ng tama at minahal. Malungkot siya na hindi mo na siya binibisita.”
Niyakap siya ni inay at nakahinga siya nang maluwag. Ang mabigat na pasanin sa dibdib niya’y naalis at hinayaang lukubin iyon ng init.
“Hahayaan na kita, Jen. Malaki ka na. Hahayaan na kitang magdesisyon para sa sarili mo. Gusto kong makita kitang masaya, nakangiti ng totoo at malaya.”
“Akala ko ba si Daniel, Jennifer?” biglang usal ni nanay nang makita si Rome na unang bumungad sa amin sa Guesthouse.
“Nay!” angal niya at natawa na lang si Rome sa kanya. Pilyo ang mga ngiti kaya inirapan niya na lang.
“Magandang araw po, ako po si Rome. Ang may-ari ng Rio’s guesthouse,” nakangiting bati nito sa kanila at tinulungan sila sa mga dala nilang bagahe.
“Kayguwapong bata. Anong edad mo na, hijo?” tanong ni nanay.
“Twenty-seven na po.”
Hindi niya na lang iti pinigilan at tinungo ang counter kung saan nandoon ang nakangising si Kaycee. Isa pa ‘to.
“Isang linggo, Kaycee.”
Kausap ni Nanay ang puntod ni Lola Amelia at napangiti na lang siya’t dinama ang pag-ihip ng maalat na simoy ng hangin na nanggaling sa dagat mga ilang metro ang layo sa kanila.
May mga bagay talaga na kailangan mong balikan para maghilom ng tuluyan ang sugat. Mananatili man ang mga pilat ay isang memento na lamang iyon na minsan sa buhay mo ay nalagpasan mo na ang pagsubok na iyon.
“Anak,” nakangiting tawag ni nanay sa kanya, inabot ang kamay niya. Nangingilid ang mga luha nito. “Nakahinga na ako nang maluwag. Ang mga sakit, tila ba kumawala ako sa pagdurusa. Salamat.”
Yumakap siya kay nanay. “Ikaw lamang po ang makakapagbago sa takbo ng buhay n’yo po. Ngayon, pinili ninyo ni tatay na sumaya.”
Yumakap ito pabalik. Napangiti. Alam niyang masaya ngayon si Lola Amelia na kinausap ito ng anak nito. Hindi man anak nito sa dugo ngunit puro ang pagmamahal na inilaan sa nanay niya.
“Kailan ko ba makikita si Daniel, Jennifer?” tanong ni Nanay sa kanya na nagsusuklay ng buhok nito.
“‘Nay. Mamaya,” sagot niya habang tinitingnan ko ang sarili sa malaking salamin. “Bakit nga po pala binenta mo kay Daniel ang bahay, nay?”
“Ayaw mo?”
Nilingon niya ito’t ngumiti. “Hindi po, Nay. Tama po kayo ng taong binentahan. Daniel loves Mararag.”
“Dahil sa ‘yo?” nakataas ang kilay na tanong nito. Nahihiya siyang tumalikod at umalis sa harap ng salamin. Binuksan niya ang bintana, pumasok ang hangin at tinangay ang bughaw na mga kurtina.
“Hindi, Nay. Alam n’yo po ang Kanlungan?”
Ilang segundo siyang hindi nakasagot at nakangiting minasdan ang bughaw na kalangitan. Ang kumikinang na dagat di-kalayuan. “He found his haven in Mararag.”
Ilang sandali ang lumipas ay sumakay sila ng traysikel patungo sa bahay ni Lola Amelia. Ang bahay na ngayon ni Daniel.
Wala itong kamalay-malay na dumating sila roon. Gusto niyang makita ang sorpresa sa mukha nito. Ang mga luntian nitong mga mata na maihahambing sa mga luntiang lupain at kapaligiran.
Bigla’y kinabahan asiya nang tuluyan na silang makababa ni Nanay at nasa harap na nila ang bahay ni Lola Amelia noon. Tunog na lang ng papalayong traysikel ang umugong sa mga tainga niya.
“Jenascia, ikaw ba ‘yan?”
“Tasyo!”
Napangiti siya nang may bumati kay nanay at tumawid pa talaga ng kalsada upang kumustahin si nanay. Hinayaan niya lang itong mag-usap sa gilid ng daan at bumaba na ng sementadong hagdan.
Payapa ang ilog at mababaw ang tubig-tabang nito. Bumungad sa kanya ang mga namulaklak nang mga santan sa gilid ng terasa. Ang bulaklak na daisy ang nakaagaw ng atensiyon niya. Inamoy niya iyon.
“Jennifer?”
Inangat niya ang mga mata niya at sinalubong ang bagong-gising na mukha ni Daniel. Kung saan-saan napupunta ang hibla ng mga buhok nito. Ang mga mata nito’y tila kulay itim gawa ng pagtakip ng mga ulap sa araw. Umihip ang malamig na hangin. Nginitian niya ito.
Umawang ang mga mata nito.
“Oh shit, I thought I’m still dreaming.”
Natawa siya sa reaksiyon niya. Mas lalo itong nagitla nang bumaba si Nanay.
“Ikaw na ba yan, Daniel? Kaya pala ang lungkot-lungkot ng dalaga ko nang makabalik sa Cebu. Dahil laman-tiyan rin ‘yang kaguwapuhan mo. Sayang naman kung hindi papakinabangan ng anak ko.”
Namula siya sa pagkapahiya. “Nay!”
Nakakalokong tumawa si Daniel na sinamaan niya lang ng tingin. Una silang pumasok sa bahay at tiningnan ang ilog at ang mga damo’t halamang nasa gilid nito maging ang mga bulaklak sa paso.
Epilogo
Paano mo ba malalaman mong nasa Kanlungan ka na? Ang mga bisig ng ina mong inaalagaan ka noong sanggol ka pa lang? Kung paano ka niya pinatahan at kantahan ng mga Kundiman upang ikaw ay matulog? Ang mga alaalang ng kahapon, ang magkahalong saya at pait na idinulot ngunit hinahanap pa rin ng puso mo? Kung saan ay namulat ka sa katotohanan, ang kainosentihang sinalubong ng mga reyalidad at paghihirap ng buhay na sa kabila ng lahat, ay nagawa pa ring magtampisaw sa malamig at magtakbuhan sa mga pilapil.
Mahinang pumapatak ang ulan, binibiyayaan ang mga palay, ang mga tanim na uhaw na uhaw at naghihintay ng pagbigat ng kalangitan. Ang ilog na unti-unting nagiging kayumanggi gawa ng pagragasa ng mga tubig. Ang Kanlungang hinahanap ng puso sa gitna ng magulo at maingay na lungsod. Hinahanap mo ang ganitong katahimikan, ang saglit na kapayapaan, ang kalamigang dulot ng tag-ulan sa probinsiya. Ang kasimplehan ng buhay at ang oras na tila ba kaybagal at tinatamasa ang bawat minutong nagdaan, hindi nagmamadali.
Ang mga eksenang nakatingin siya sa malayo sa silid-aralan noong nasa mataas na paaralan siya na nasa sentro ng lungsod. Ang mga dikit-dikit na nga bahay, mga tagpi-tagping yero at mga maliliit na eskinita. Mga pusa’t aso na palaboy-laboy. Mga pulubi sa labas, salat sa damit, pagkain at katinuan. There are times when she saw them stripping off each other’s humanity which is very depressing in order to survive. Nakakasulasok, mabigat sa dibdib at humihiyaw ang bahagi ng utak niyang gusto niyang bumalik sa Kanlungan, ang tumakas sandali sa mga pagdurusang lagi mong nakikita.
Hawak-hawak ang payong na tiningnan niya ang marahas na pag-agos ng tubig sa ilalim ng tulay. May mga trosong tinangay ng tubig na alam niyang mapupunta sa dagat kung saan inaasam niyang marating. Ang dagat Pasipiko.
Ipinikit niya ang mga mata niya at dinama ang patak ng ulan. Ang papahinang mga patak nito na galing sa madilim na kalangitan. Ilang beses na siyang nakabasa ng mga alamat tungkol sa ulan. Kung paano’y lumuluha ang kalangitan na bahagi ng ating araw-araw.
May iilang sasakyan ang dumaan ng tulay. Mga basang tubig na tumalsik sa mga binti niya’t hindi na niya inalala masyado at hinayaan lang iyon. Kaibahan sa mga nagiging reaksiyon niya sa tuwing may ulan sa lungsod, ang mabahiran ng putik ang uniporme niya’t pumasok sa klase na basang-basa.
Unti-unti nang sumisilip ang araw, binabati ang mga luntiang damo’t halaman na hangad ay madama ang init nito. Tiniklop niya na ang payong at napangiti sa bagong tanawin. Ang sinag ng araw na tumatama sa mga bubong ng mga bahay.
Lumakad siya pabalik ng bahay niya. Isang simpleng bahay na gawa sa kahoy na angkop sa mainit na panahon.
Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang mapagdesisyunan niyang tumira sa Mararag. Ng mag-isa. Noong una’y ayaw ng pamilya niya dahil mawawalay sila sa kanya ngunit pumayag si nanay, iniisip ang kasiyahan niya, ang pangungulila niya sa bayan na pilit niya pa ring binabalik-balikan.
Nakakakulong ba siya sa mga alaala ng kahapon? Maaari ngunit hindi. Ito ang kanlungan niya. May alaala man o wala.
Sa paglipas ng araw, unti-unti’y nakilala niya ang mga nakatira sa Mararag. Ang mga estrangherong mukha na naging pamilyar sa kanya, gumagawa ng mga bagong alaala at hindi na masyadong sinadlak ang sariling walang nakakaalam sa buhay niya.
Desisyon natin buksan ang buhay natin sa iba, ang malaman nila ang kuwento ng buhay natin noon rito, ang matuwa sapagkat may naalala silang batang kasa-kasama lagi ni Daniel.
Ang batang babae na nakaupo sa upuang kahoy, pinanonood ang paglalaro ng basketbol ni Daniel. Ang batang babaeng nakikita nilang nag-iigib ng tubig lagi, ang laging nakatambay sa nag-iisang kubo sa harap ng malawak na palayan. Ang akala nila’y apo ni Lola Carmel at Lolo Damian. Ang batang babaeng hilig ay lumangoy at magtampisaw sa ilog ng kahit anong oras o di kaya’y pumunta sa dalampasigan sa Marihatag.
Lumakad siya patungo sa mga palayan. Basang-basa ang mga pilapil ngunit mas lalo niyang iyong ikinasiya sapagkat madadama niya ang lupang lumambot mula sa ulan. Inalis niya ang pagkakasuot niya ng tsinelas at isinabit sa mga braso niya. Initsa niya ang payong na malapit lang sa kubo.
“Jen.” Napapitlag siya at lumingon sa likod niya nang akma na siyang tatapak sa pilapil. Bumungad sa kanya ang nakangiti nitong mga mata, ang cleft chin sa gilid ng pisngi nito at ang namumula nitong mukha.
“Uy, Daniel. Sama ka?”
“Saan ka na naman ba pupunta?”
Nginisihan niya ito, pinaningkitan ng mga mata. “Sa Kanlungan.”
Napangiti ito at sinundan pa rin siya hanggang sa pinanood nila ang paglubog ng araw sa likod ng mga bulubundukin.
Karaniwan na sa kanya makarinig na gusto ng mga itong umangat sa buhay, makabili ng mga gusto nitong mga bagay, ang makapaglakbay sa iba’t ibang lugar at hanapin ang kaligayahan at kalayaan ngunit natagpuan ba nila ang kanlungan nila? Maaaring hindi, maaaring oo sapagkat kahit na nalibot mo na lahat, nagawa mo na lahat ng gusto mo. Nandoon pa rin ang puwang sa puso mo, ang paghahanap mo ng kahulugan sa buhay natin sa mundo.
Paano nga ba hanapin ang Kanlungan? Kung saan nangungulila ang puso’t isip mo sa bagay, sa lugar, sa damdaming minsa’y nakapagpukaw sa kamalayan mo. Natatagpuan mo ang mga simpleng kanlungan sa mga bisig ng pamilya mo, ng tagumpay at ng pag-asa sa kabila ng mga pighati ngunit ang Kanlungan na alam mong mananatili ng matagal? Ng mga bagong alaala na mabubuo doon.
“Bagal mo naman, Daniel. Bilisan mo nga. Baka abutan tayo ng gabi kung kukupad-kupad ka d’yan,” pabirong sermon niya kay Daniel na halos baliin na ang mga sangang tila may buhay na kumalabit rito.
Pinutol nito ang mga sangang harang rito. Tatawid pa kami ng ilog at aakyat pa upang makarating na kami sa harap ng dagat Pasipiko na nakakubli sa likod ng mga bulubundukin.
Pagaspas ng mga dahon, mga huni ng mga ibon at tunog ng mga hayop sa paligid, ang makapal na mga halaman at mga damong kapag tinatapakan ay minsang lulubog kaya hinahagip siya ni Daniel kapag may natapakan siyang lusak.
“Mag-ingat ka, baka sa isang hakbang mo lang, lamunin ka ng kumunoy. May mga ahas rin rito. Hindi lang natin napapansin masyado dahil bumabagay ang mga balat nila sa mga puno,” paalala nito nang luminaw na ang isang maliit na daan na kakaunti lang ang damo.
“Kapag naistorbo sila, saka sila manunuklaw. Defense mechanism nila or protection from danger kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon ang kilos nila sa mga tao,” kaswal niyang sambit at nilakihan ang mga hakbang niya. Ang laking tao ni Daniel kaya humabol siya rito at kumapit sa braso nito. Nakasabit sa mga balikat nito ang isang knapsack.
“Sulit naman kapag nakarating tayo doon. Isa pa. Hindi isang beses na pumunta tayo roon. Hindi mo ako maloloko kapag nagkunwari kang naliligaw tayo.”
Ginulo nito ang buhok niya at inilapit siya lalo rito at inakbayan. “Dami mong alam.”
Ilang minuto ang lumipas ay naririnig niya na ang hampas ng alon sa buhangin at tila nagningning ang mga mata ko nang masilayan ang malawak na asul na karagatan na tila walang dulo. Dali-dali niyang tinahak ang malawak na buhangin at napahagikhik nang maalis ang mga suot na tsinelas at madama ang pinong buhangin. Ang mga sangang nakakalat at may troso pa na naligaw sa gilid na tila ba naghihintay ng kung sinong uupo sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa pagkamangha nang makita ang bulubundukin sa gilid, ang mga puno at niyog na sinasayaw ng mabining hangin. Ang paghampas ng alon sa mga bato sa gilid at ang unti-unting paghawi ng mga ulap sa kalangitan.
Inalis niya ang pagkakasukbit ng knapsack niya, hinayaang dampiin iyon ng pinong buhangin at idinipa ang mga kamay niya. Nang ibuka niya ang mga mata niya ay nakita niyang nakangiti si Daniel sa ‘kin, kumikislap ang mga mata.
“I don’t know if I’m still worthy of seeing you . . .”
“What?” nakangiting usisa niya. Inalis niya ang hibla ng mga buhok niyang humarang sa mukha niya.
Nagulat siya nang abutin siya nito’t ikulong sa mga bisig nito.
“Natagpuan ko na ang kanlungan ko,” bulong nito.
Gumanti siya ng yakap, ipinikit ang mga mata niya at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya. Hanggang sa naging mapayapa iyon, nasanay na.
Rumagasa sa mga alaala niya ang mga mumunting pagtakas nila sa klase upang makinig ng drama sa radyo.
Magpaiwan sa loob ng silid-aralan at pagmasdan ang pagtama ng sinag ng araw sa mga mukha nila habang nagkukuwentuhan ng kung ano-ano.
Ang mga usapan tungkol sa mga plano nila sa hinaharap. Ang mga takbuhan at pustahan sa mga pilapil at dalampasigan. Ang paglabo ng pigura nito nang lumayo na ang bus na sinasakyan niya paalis ng Mararag.
Mga alaala ng kahapong nagpapatatag sa kanila ngayon. Mga puno’t halaman na kabiyak ng mga gunita, ng pait at saya, ng hirap at ngiti. Sa kabila ng pagbabago ng lahat ay nasa sa atin pa rin ang desisyon upang makapiling ang iba’t ibang bersyon ng kanlungan natin.