Ocean Waves and You

Prologue

Pawang nasa terasa ang magpinsang Israel at Maximus, pinag-uusapan ang magiging kapalaran ng kanilang anak na parehong babae. Tahimik ang gabing iyon. Walang masyadong ulap sa madilim na kalangitan at naririnig nila ang kuliglig di-kalayuan. Their house were situated near the mountains. 

Israel massaged his nape upon remembering the mess Jenny made at her private school. Nadamay pa nito ang pinsan nitong si Daphne sa gulo. Sino pa ba ang magkakampihan kundi ang dalawa lamang? 

Nakatingin lang sa harap si Maximus, ang ama ni Daphne. Ito ang nag-suhestiyon na itutuloy nila ang balak nilang paglipat sa dalawa sa alma mater nila. Naging pabor sa kanila ang pagkakataon dahil sa gulo ng dalawa bagay na magiging dahilan nila para ipasok ang dalawa sa public school. 

“Mahirap talaga magpalaki ng babaeng anak,” usal ni Max at napasandal na lang wicker chair niya. Dinampot lang nito ang basong may lamang alak at napabuntong-hininga. “Nandiyan naman ang Tita nila’t mga yaya pero iba pa rin na may ina sa tabi nila. Mas maiintindihan ng isang ina ang saloobin ng babaeng anak nila.” 

Nag-isang linya ang mga labi ni Israel. Hindi iisang beses na hinanap ni Jenny, ang nag-iisa niyang anak ang ina nito. Ang masama pa, nadiskubre nito iyon mula sa bibig ng ibang tao na ganoon ang nanay nito noon. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi muna ang totoo dahil baka masaktan lang ito pero mukhang mali pa rin na isikreto niya iyon. 

“Hindi ka pa rin kinakausap ng anak mo?” baling nito sa kanya. Napailing lang siya bilang sagot at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib nang humangin nang bahagya. Naalala ni Israel kung paano itong nasaktan nang kompirmahin ang totoo sa ina nito. Masakit para sa kanya na nasasaktan ito ng ganoon. Aminado siyang istrikto siyang ama at dinidisiplina ang kanyang anak kung nagkakamali ito pero hindi niya mapipigilan ang ugali nitong nakuha nito sa ina nito. 

Jenny is stubborn, blunt and could be badass in her own way. Di nga ba, iyon ang qualities na nagustuhan niya sa ina nito na nagpatulala sa kanya noon? Mas agresibo pa ang ina nito nunca sa kanya. He’s stiff when it comes to women around him before, just focusing on his career yet he had been swept off by Jenny’s mother with her strong personality. 

“Hayaan ko na munang lumamig ang ulo niya sa ‘kin,” sagot na lamang niya at napabuga ng hangin. “I don’t want her also to hate her mother for that. Amira had her own reasons.” 

\“And you rescued her,” Maximus trailed off. Alam nito kung ano ang kasunod niyon. Maximus’ eyes shifted, trying to divert the topic. “Ililipat ba talaga natin sila sa eskuwelahan natin noon? They’ll gonna complain ‘cause it’s not the way they used to in their private school.” 

Naisip na rin iyan ni Israel pero sa pagkakataong ito, sigurado na siya. “I was sorry for making Jenny felt that way but I’m certain about transferring her to our school before. Nakukuha nila agad ang gugustuhin nila dahil sa estado ng pamumuhay natin. ANS will teach them something, the way the school taught us.” paliwanag niya. 

Magkaiba sila ng parenting ni Max. Siya, pokus sa tamang pag-uugali ng anak niya, mino-monitor ang grades nito at pinagbabawalan sa mga bagay na maaaring makasama rito. Mahigpit siya kay Jenny habang maluwag naman si Max sa anak nitong si Daphne. Kaya lumaking maldita si Jenny at spoiled naman si Daphne. 

Malambing si Max sa anak nitong napakalapit dito habang siya’y dinadaan lang niya sa kung ano ang maibibigay niya kay Jenny. He’s the serious type of guy while Max resembles the sun, sort of happy-go-lucky guy. Ngunit kahit magkaiba ang personalidad nilang dalawa ay sila ang malapit at madalas magkasundo sa mga magpipinsan. 

“I got your point. I was worried about how they could survive in that school.” Nagkatinginan silang dalawa at sa unang pagkakataon ay napangiti. Parehong naalala kung ano ang pinagdaanan nila doon. “I swear, those days were the best in my youth. Malay natin, mas magugustuhan pala nila doon. Their private school made them safe. They will be challenge in the public school and learned the ways there.” 

Even before the girl’s mess. Pinag-uusapan na nila ni Max ang sana’y pag-enroll sa dalawa sa public school nila noon dahil maganda ang training doon. Gusto rin nilang matutunan ng dalawa kung saan sila nagsimula ni Max bago naging succesful sa mundo ng negosyo. Hindi lang natuloy dahil naunahan na sila ng dalawa na gustong mag-aral sa international school. The girls have the guts to enroll on their own. “Iisipin nilang ito ang paraan natin ng parusa sa kanila.” 

Napatango-tango si Max, napahawak sa panga nito sabay singkit ng mga mata. “Exactly. Sa tingin mo, magiging maayos sila doon? It’s a different environment.” 

Hindi talaga mawawala ng pagiging overprotective nito kay Daphne. Ipapairal pa ba nila iyon? Their girls are growing up. It’s time for them to learn the other side of the world, away from their pampered and secured life. 

Tinungga niya ang alak niya. “But it will be a whole experience for the girls. Trust me. We’ve been there.” 

Chapter 1

Magulong-magulo ang buhok ni Jenny dahil sa nangyaring sabunutan sa may hallway. Nasali sa gulong iyon ang second degree cousin niyang si Daphne na tanging kakampi lang niya sa kaguluhan. Naalala pa niya kung paano siya ikompara ng Ria na iyon sa kanyang biological mother at nalaman pa niya mismo sa mga bibig nito. 

“Na-overheard ng yaya ko na pokpok ang kanyang ina. Can’t you believe it? Lakas ng loob niyang maging reyna-reynahan dito tapos ganoon pala ang totoo niyang ina? Gosh!” Umusok ang mga tainga ni Jenny pagkarinig sa sinabi ng walanghiyang Ria. Akala yata nito ay walang makakarinig sa loob ng girl’s CR. 

Buong lakas na sinipa niya ang pinto ng cubicle na ikinagulat nito maging ang mga kasama nitong alipores. Nasa harap ito ng salamin, katapat lang ng lavatory. Her eyes twitched upon seeing her mocking face towards her. Lagi silang nagkakabanggaan nito dahil bukod sa insecure ito sa kanya ay madalas nauungusan niya ito lagi mapa-pageant man o patalinuhan. 

“Pakiulit nga,” mataray niyang saad. Lakas-loob na nilapitan siya nito. The girl has the guts to crossed her arms and looked at her fiercely. 

“Sabi ko, your mother is a high class slut. Bet your father didn’t tell that?” Of course, she didn’t know it and she didn’t want to believe it. Jenny knew how aloof and unrespond her father could be when she mentioned her mother to him. Kaya hindi na lang niya binabanggit. Ria faked a laugh and covered her mouth, faking a surprise gasp. Sa puntong iyon, inis na inis na si Jenny. “Why don’t you call him and confirm it? Who knew? Ayaw lang niyang sabihin sa ‘yo dahil nakakahiya naman talaga ang pagiging bayaran, di ba?” 

Jenny swore she could see red. “Shut up, biatch!” 

Jenny slapped Ria’s face that made everyone in the CR gasped. Pumaling ang ulo nito sa kaliwa sa malakas niyang sampal. Namula ang mukha nito at nang bumaling sa kanya ay parang toro na susunggabin siya. 

“How dare you!” Ria grabbed her hair. Sinugod na rin siya ng dalawang alipores nito. 

Nagsabunutan sila sa hallway, sa harap ng girl’s CR at nang makita iyon ni Daphne ay agad nitong inawat ang pinsan niya kaso nahagip ni Ria ang buhok ni Daphne kaya sa inis, sumali na rin si Daphne. Dehado ang kanyang pinsan na nag-iisa lang kompara sa tatlo. 

“At least, hindi tayo ang maglilinis ng banyo. We will clean the study forest in our school.” Napangiwi si Daphne. Katulad niya, magulo rin ang buhok nito. “Ang sakit ng anit ko. Humanda talaga ang tatlong bruha na ‘yon.” 

Napairap sa ere si Jenny. She stroked her hands on her messy hair. She’s soothing the pain on her scalp. Mas lalo lang sumingkit ang mga mata niya nang maalala ang eksena sa guidance office kanina. She was fuming mad that she almost shouted in front of the guidance counselor. “She kept on finding mistakes in me because it made her feel good. That bitch.” 

Daphne massaged the back of her head. “Si Yaya Milagring naman kasi, kung magkuwento. Iyon pang makakarinig ang yaya ni Ria.” Lumarawan ang awa sa mga mata nito na sinamaan lang niya ng tingin dahil ayaw na ayaw niyang kaawaan siya. Daphne just pushed the tetra pack of juice to her. They settled in the quiet cafeteria after the counseling. Nakauwi na rin kanina ang Daddy nila. 

“Is it true?” Jenny maintained her cold face towards her father. She didn’t want to be swayed by her emotions. She was built like a hard stone. 

Her father, Israel sighed and nodded. Doon na gumuho ang lahat ng paniniwala niyang sana’y di totoo ang pinagsasabi ni Ria. Her eyes watered and she turned around, not letting her father see it. 

“Jenny.” Hindi na siya nagpaalam rito. Hindi na niya ito nilingon pa nang tawagin nito ang pangalan niya. So, her mother’s job is true? That she’s a high class slut? And his father fell in love with her. Jenny thought it was really absurd in the first place, hearing it from Ria’s mouth. But her father . . . 

Jenny blinked back her tears and went to the girl’s bathroom, washed her face, and looked at herself in the mirror. Did she look like her mom? Her father did say it. Kahit ganoon ang kanyang ina, hindi niya magawang mandiri man lang dito. Kung bakit? It’s her mother and she knew she had sacrifices and reasons. 

* * *

“What? It-transfer mo kami? Of all school, sa isang public school?” hindi makapaniwalang bulalas ni Jenny. 

They were having their weekend dinner near the pool of the house. 

Tahimik lang sa tabi niya si Daphne. Pinoproseso ang sinabi ng kanyang amang si Israel. Katabi nito ang ama ni Daphne na si Tito Max. 

“Kasalanan naman ng Ria na ‘yon. It’s not entirely our fault,” depensa ni Daphne. Pareho sila ng iniisip. Aminado si Jenny na may pagka-bitchesa talaga siya at nasasangkot sa away lalo na kung siya ang pinag-iinitan at hindi iyon ang unang beses na nasangkot siya sa gulo sa eskuwelahan. 

“You get the things you want in life. We can provide you those. Kami ng ama mo, Daphne. Magkukumahog itong si Max para masunod ang kapritso mo. And you, Jenny, I give you your freedom to decide on your own. We may not be good enough as parent but we want the best for you,” ani ng kanyang ama. Naningkit ang mga mata niya. 

Sabi ng mga katulong nila, parang mata daw ng Persian cat ang mga mata niya. Kaya nga walang naglalakas-loob na makipagkaibigan sa kanya dahil mataray na ang aura niya lalo na ang mga mata niya. 

Eksaherado namang napanguso si Daphne, hindi rin nagustuhan ang narinig at ang papupuntahan ng mga salita ng ama nila. 

“Transferring you to the public school serve as your training. Training and learning as a student there. Doon n’yo matutunan ang hindi n’yo matutunan sa private school,” dugtong ni Tito Max. 

Napataas ang kanyang kilay. 

“No. This is not a training, Dad. This is a punishment,” angal ni Daphne. Unti-unti na siyang nawalan ng gana sa pagkain. The pork cutlets seems not inviting in her eyes now.  

Naging mas seryuso ang ekspresyon sa mukha ng ama niya. Pinagsiklop nito ang mga kamay. “Doon kayo gr-graduate ng highschool. It’s still the second period of the school. You can transfer right away next week. We already processed your papers.” 

Nalaglag ang panga nilang dalawa. “What? This is ridiculous! Public school iyon, Daddy! Mas advance sa private school. Safe kami doon at guaranteed ang future namin sa college dahil galing kami sa prestigious highschool tapos ililipat mo kami sa isang pipichuging public school na puno ng delinquents?” Hindi mapigilang bulalas ni Jenny, nagpupuyos sa inis at tuluyan nang tumayo. 

“Hindi pipichugin ang lilipatan ninyo!” Halos mapitid na ang ugat sa leeg nito sa pagsigaw. Tuluyan nang naubusan ng pasensiya. Napatayo na rin ito at natumba pa ang upuan nito. Pinigilan ito ng Tito Max niya sa braso. Maging si Daphne ay napatalon sa gulat at tumabi na sa kanya, hawak na rin siya sa braso. 

“Oh yeah? You dispose of us off in that freaking public school I don’t even know the damn name after my mother’s reputation was revealed in the school? How . . . how could you!” With that, she stormed out and marched to the gate of their house. Mababaliw na siya sa kakaisip kung totoo pa ba ang nangyayari. 

“Jenny!” Daphne ran to her. Napaupo si Jenny sa gilid ng kalsada. Halos wala ng sasakyan na dumaan doon dahil gabing-gabi na rin. She held unto her head and shouted in frustration. 

* * *

“Nagbabasakali akong magbago pa ang isip nila.” Kasalukuyan nilang binabakante ang kanilang locker dahil hindi na nila gagamitin iyon. Sa susunod na linggo, papasok na sila sa lilipatan nilang public school. Ayaw ni Daphne at hati naman kay Jenny. Kumalat na kasi sa school ang issue tungkol sa kanyang ina. Muntik na rin niya masabunutan si Ria sa klase dahil doon. 

“You know my Dad. Pinaninindigan niya ang desisyon niya,” sabi na lang niya at napabuntong-hininga. Basta na lang niyang itinapon ang mga nagawa niyang projects sa isang carton box na idedeposito din naman nila ni Daphne sa may trash area ng school. Hindi na nila kakailanganin iyon. 

“Terrible. Ang baho raw ng CR ng public school at unhygienic pa daw ng canteen. Yuck! Nai-imagine ko pa lang. Nandidiri na ako,” reklamo ni Daphne, nakausli na naman ang nguso at anumang sandali yata ay magta-tantrums na parang bata. 

“Looks like it.” She shrugged her shoulders. Wala rin naman silang magagawa dahil final decision na iyon ng Daddy nila. Isinarado na niya ang locker niya at sumandal roon, naniningkit ang mga mata. “But before that, I won’t let that bitch Ria get away.” 

Napangiwi si Daphne nang makita na naman nito ang wicked smile niya. May maitim na naman siyang binabalak. “Oh no, ‘wag mo ‘kong idamay. Count me out.” 

“Anong plano mo?” untag ni Daphne nang matapos na nilang bakantehin ang locker nila’t namahinga sandali sa area. “May balak kang magpa-expel kung sakaling mag-aaral tayo sa public school na ‘yon?” 

Kagabi niya naisip kung paano ma-expel sa pipichuging school na ‘yon pero nagdadalawang-isip pa siya. Baka mas lalong tumaas ang alta presyon ng Daddy Israel niya sa gulo na gagawin na naman niya. 

“Bukod sa gagantihan ko si Ria? Wala pa. I’ll cross the bridge when I get there. Kapag hindi ko na natiis, doon na ako aangal. For now, I have to plan my revenge on that bitch,” nakataas ang kilay niyang sambit nang maalala ang pagnumukha ng Ria na ‘yon. Napapakamot na lang sa ulo si Daphne. 

“Paano ba? Maggagantihan na naman ba kayo?” Kinamot na rin nito ang pisngi nito. Sa kanilang dalawa, siya ang popular sa school nila dahil expose siya sa extra-curricular activities. Papasang ordinaryong rich girl lang si Daphne dahil hindi naman ito ganoon ka active sa mga contests at pageants. Siya lang itong overachiever at gustong ungasan ang mga katunggali niya. 

She crossed her arms and walked in front of her. “Well, gossips spread like wildfire like how my mother’s issue has been circling around lately. Madumi maglaro ang Ria na ‘yon kaya gagantihan ko siya kung paano niya sirain ang reputation ko sa school. Kung paano niya ikalat sa lahat na anak ako ng bayaran.” She almost spit fire the last words she uttered. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nag-uusap ng kanyang ama. May cold war sa pagitan nilang dalawa.

“So, itsi-tsismis mo rin siya? What? Her mother is the epitome of an elegant woman. Di ba beauty queen ang Mommy niya?” Kinunutan niya ito nang noo. Oo, madumi nga maglaro si Ria pero hindi niya idadamay ang family background nito gaya ng ginawa nito sa kanya. Inis na inis na nga siya na dumadaan lang sa hallway na pinagtitinginan at nakikitang may mga estudyanteng nagpipigil na tawanan siya. Nagpupulasan lang ang mga ito kapag sinasamaan na niya ng tingin. 

“The reason why Olivia transferred to another school,” wika niya at napangiti nang maalala kung paano isumpa ng huli si Ria dahil pambu-bully ni Ria. May ebidensiya siya roon. 

Namilog ang mga mata ni Daphne. Pagdating talaga sa balita sa school ay wala itong pakialam. Abala lang ito sa pagkain nito, pag-imbento ng kung ano-anong putahe na ang katulong lang nila yata ang papatol sa lasa at ang sarili nito. Oblivious ito sa mga school happenings. Ano pa ba ang bago? 

“Inis siya dahil hindi siya pinansin ng Kuya ni Nicole kaya binully na lang niya si Nicole hanggang umabot sa puntong naaksidente si Nicole sa bleachers.” Nilingon niya si Daphne na inabala lang ang sarili sa pagpunit ng test papers nitong hindi maganda sa mata ang mga scores nito. “Sinadya niyang itulak.” 

Napasinghap si Daphne. “Ang salbahe naman pala talaga ni Ria. Anong meron, dun?” Binigyan niya ito ng what-the-eff look. 

“Ang slow mo.” Dinampot niya ang marker sa carton box at inalis ang takip niyon. Inilayo niya iyon nang maamoy ang ink. Mag-va-vandal siya sa girl’s Car for the last time. She smirked at the though of it. 

“Oh. Okay.” Dumampot na rin si Daphne ng pentelpen sa box at akala mo’y sasabak sa giyera ang hitsura. “Saan tayo?” 

“CR. Ikaw na ang bahala sa Girl’s. Ako na sa Boys.” Madali lang naman sa kanyang pumasok sa Boys’ CR dahil halos wala ding mga estudyante sa mga oras na iyon. Tapos na ang class hours. 

Napangiwi si Daphne. Hindi nagustuhan ang ideya niya pero wala rin namang magagawa. 

Now, aalis siya ng school na ‘yon na may pasabog kay Ria. Lihim siyang napangiti. 

* * *

“Ugh! I hate this!” Tila batang nagta-tantrums si Daphne nang makarating na sila sa major road kung saan doon sila maghihintay ng masasakyang jeep. Jeep dahil hindi sakto ang baon nila para sumakay ng taxi patungo sa bagong school nila. 

Sanay silang may sakay na sasakyan papunta sa school nila noon. Hatid-sundo silang dalawa at ngayon, magsisimula na silang mag-commute papunta sa eskuwelahan na nasa sentro pa ng siyudad. Malayo sa nakasanayan nilang nasa paligid lang ng isang nature park at camp area. 

Nawawalan na rin ng pasensiya si Jenny. Pinapakalma ang sarili kaibahan kay Daphne na kulang na lang maglupasay sa inis sa gilid ng kalsada. Alas siete na ng umaga at mangilan-ngilan na rin ang mga pasahero sa mga jeep. Pahirapan ang pagsakay at inabot sila ng treinta minutos sa paghihintay. 

“Magkaka-varicose na talaga ako nito. Sobra-sobra na ‘tong parusa natin, ha?” reklamo ni Daphne, pinupusan ang sarili dahil namamawis na. Nagsisimula nang uminit ang paligid at nakatutok ang araw sa kanila kaya panay ang kunot ng noo nila. 

Suot-suot nila ang uniform nila na puting blouse at pleated maroon skirt. Malayo sa school uniform nila dati na long sleeve, may ribbon at checkered skirt na kulay gray. 

“Dito na lang tayo sumakay.” Pinara ni Jenny ang jeep na kakaunti lang ang pasahero. Ayaw niyang makipagsiksikan at baka kumapit pa sa kanya ang amoy ng ibang pasahero at maging ang pawis nito. 

“Ang init-init,” ani Daphne na pinaypayan pa ang sarili sa dala nitong panyo. Dahil nga sa public school sila mag-aaral, inalis ni Jenny ang suot niyang earrings at necklace. Baka mapagdiskitahan pa ng mga pobre. Ang wristwatch lang niya ang naiwan sa palapulsuhan niya. “Ganito ba talaga ang feeling makasakay ng jeep? At ang usok, god.” 

Kanina pa ito reklamo ng reklamo. Daphne is more vocal than her yet she’s more blunt than her. Kakaiba ang personality nilang dalawa. Siya, leader-type at susugod sa giyera. Ito naman, follower at ayaw ng gulo. “And this is our school life, starting today.”

Nagusot naman ang ilong ni Daphne sa narinig. “Kakausapin ko si Daddy. Hindi puwedeng mag-commute pa rin tayo kahit masama ang panahon. Kapag maulan, saka na tayo gagamit ng kotse. Magpapahatid tayo kay Tatang.” 

Si Tatang ang family driver nila at nakatokang ihatid-sundo sila sa school nila. “Napagbibigyan ka ni Tito Max. Hindi ako.” Matigas pa sa bato ang Daddy Israel niya. Malamang, hindi siya nito papayagan. Ano bang gusto ng mga ito na matutuhan nila sa bagong eskuwelahan? Ang magdusa sila bilang isang ordinaryong estudyante sa isang public school? 

Umusli ang nguso ni Daphne. “Subukan ko rin kay Tito Israel.” Malabo yatang pumayag ang ama niya. 

Napatakip na lang siya sa ilong niyang makalanghap ng usok mula sa isang lumang jeep na nasa unahan nila. Makikipagbuno sila ni Daphne sa pawis, usok, sari-saring amoy at mga ingay ng sasakyan sa mga susunod na araw. Nagulat na lamang sila nang lumiko ang jeep sa isang kalsada na malayo sa inaasahan nilang daanan ng jeep papunta ng bagong school nila. 

“Te-teka, Kuya! Hindi ba ‘to dadaanan sa Abellana?” tanong ni Daphne. Napalingon tuloy ang ibang mga pasahero sa kanila. Paano ba niya malalaman ang nakasulat na route? Ang nasa isip lang niya kanina ay makasakay sa maluwag na jeep. 

“Hindi, hija. Ibababa ko na lang kayo sa may Ayala. Doon kayo sumakay ng 13C. Dadaan iyon sa eskuwelahan ninyo pero lalakad pa kayo ng kaunti pagkababa ninyo.” malumanay na sabi ng matandang driver. 

Napakamot na lang sa noo si Daphne. Doon nila napagtanto kung gaano kahirap mag-commute. 

Chapter 2

Alas nuebe na sila nakarating sa ANS at hindi na rin masama na malawak ang sakop ng eskuwelahan dahil na rin nasali ang Sports Center doon. Hindi lang nila nagustuhan na palipat-lipat sila ng classroom sa morning shift at hindi sila magkaklase. Sa II-A siya at II-B naman si Daphne. Pahirapan din ang set-up ng armchair dahil kinakalawang ang sandalan na napunta sa kanya. 

“Bakit ka nakatingin?” nakamatang sita ni Jenny sa isang kaklase niyang lalaki na nakatulala lang sa kanya. Napangiti lang ito. 

“Wala. Ganda mo kasi. Hindi nakakasawa.” Napalingon naman ailang dalawa nang tumawa ang katabi nitong nakasuot ng eyeglasses. Pansin din niyang matatalino ang mga estudyante na nasa section A. Siyempre, ano pa ba ang aasahan niya sa top section at madiskubre na hindi lang iisa ang kalaban niya? Parang na-challenge siya bigla. 

“‘Wag kang maniwala d’yan. Patingin-tingin lang ‘yan sa nakabukas mong bag na may lamang tsokolate.” The lad adjusted his eyeglasses and closed his book. Napatingin naman siya sa lalaking ibinuking, napangiwi. Naniningkit ang mga matang kinuha niya ang chocolate bar at ibinigay sa lalaki. Marami naman niyon sa bahay nila at nagsasawa na rin siya sa matamis. 

“Sa ‘yo na.” Nagningning ang mga mata nito nang tanggapin mula sa kanya ang chocolate bar. Nairolyo niya ang mga mata niya. Di ba ‘to binigyan ng allowance ng parents nito? 

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang guro nila sa Biology. She smirked when she heard the lesson. Tapos na sila doon at hindi na siya nahirapan sa surprise quiz. At tama nga siya na marami siyang makakalaban sa ranking. 

Hindi nakapagbaon si Jenny kaya nagtitiis siyang pumila sa canteen at napapasimangot siya sa mga nagliliparang langaw sa loob. Ni hindi ma lang natitinag ang mga estudyante roon doon. At halos magkaubusan pa ng tables. Ibang-iba sa ambience ng dati niyang school. 

She was crossing her arms when a group of boys entered the canteen. Ang ingay-ingay ng mga ito at bigla pang sumingit sa pila. Siya ang una ang nakapansin at ayaw na ayaw niya ng ganoong ugali. 

“Hey,” tawag niya sa mga ito. Hindi siya pinansin ng mga ito bagkus nagtatawanan lang. “Hoy, kayong mga sumingit sa pila,” tawag-pansin niya. 

Dahil nga napalakas ang boses niya ay naglingunan ang mga ito sa kanya. Maging ang ibang mga estudyante roon na kumakain. Naging matalim ang mga mata niya at ang isa pang lalaki ay kumapit sa braso ng katabi nito sa paraan ng tingin niya. 

“Nakapila kami ng maayos rito tapos eto kayong bigla na lang sisingit. Doon kayo sa likod,” mataray niyang sambit. 

“Eh paano kung ayaw namin? Gutom na kami, Miss. Kagagaling lang namin sa PE,” katwiran ng leader yata ng mga ito na nilagyan yata ng gel ang buhok kaya nakataas na parang miyembro ng gang group. 

Hindi siya nagpatinag. “Gutom na rin naman kami. We are patiently waiting here and then you inserted yourself in the line. Aren’t you considerate enough?” pagtataray pa niya. Awtomatikong may pumisil sa ilong sa mga ito kaya nairolyo niya ang mga mata niya. “Are you civilized or what?”

“Uy, Miss. Sibilisado kaming tao. Nasa kabihasnan pa naman. ‘Wag mo kaming insultuhin. Boys, doon tayo sa likod,” sulpot ng lalaking nainis yata sa kanya. Sumunod naman ang tropa ng mga ito at pumila na sa likod, asar na asar. Napairap na lang siya. Kahit saang school yata, meron talagang mga asal delikuwente. Sa puntong ito, medyo naparami. Sa dami ba naman ng mga estudyante roon. 

“Ang cool niya b’ro.” 

“Mataray lang.” Sinamaan niya ng tingin ang huling nagsalita. Kinagat lang nito ang kinakain nitong piraso ng karne. 

* * *

Hindi makapaniwala si Daphne na nasa isang public school na talaga siya. Naranasang makaupo sa sirang armchair na ni-switch pa niya sa kaklase niya para lang may kapalit na pera. Pumila siya ng pagkahaba-habang pila sa canteen at halos maubusan na ng table na mapagkakainan. Buti na lang nakita niya ang pinsan niyang si Jenny na tahimik na kumakain sa isang table. 

Intimidated yata at natakot ang ibang estudyante rito kaya walang naki-table rito. Mataray kasi ang aura at yung tipong ng taong hindi mo mabiro-biro. 

“God, walang lasa ‘tong ampalaya nila.” Daphne reached for the ketchup and squeezed something on her food. Pareho silang hindi nakabaon ni Jenny kaya heto tinitiis nila ang lasa ng canteen food. “Kung sa previous school natin, pag may nagreklamo sa pagkain. Alanganin na ang cook sa trabaho niya lalo na kung marami ang nagreklamo. Dito? Ewan.” Napilitan na lang siyang kainin ang kanin na mala-lugaw dahil mamasa-masa pa. 

Mahilig sa pagkain si Daphne at critic siya pagdating doon. Parang gusto niyang makigulo sa kusina para punahin ang pagluluto ng kung sino mang nagluto ng ulam na ‘yon. Si Jenny naman ay panay bugaw sa mga langaw sa table nila. Maalinsangan rin sa loob dahil bukod sa kakaunti lang ang ceiling fan ay marami pang estudyante.

“May canteen sa Sports center. Maganda ang interior. Doon tayo sa susunod.” Pero kailangan pa nilang tumawid ng parking lot at dadaanan pa nila ang olympic size swimming pool para makarating doon. Nasa ground floor lang iyon ng Grandstand. 

“Pero ang layo.”

“You want to eat tasteless food, instead?” Napasimangot naman ito sa ulam nitong adobong baboy na hindi yata malambot ang karne dahil kanina pa ito nguya ng nguya. 

Umiling si Daphne. “Of course not. Doon na lang tayo.” 

Kinabukasan, doon nga sila kumain ng lunch ng sabay kaso na-late naman sila sa RSD at nangalahati lang sa first period ng first subject sa afternoon shift. 

Lagi silang nanlalata pagdating ng bahay at parang nakipagbuno sa sampung bakla pero ang totoo, napagod lang sa environment ng school nila. 

“How’s school?” kaswal na tanong ni Daddy Max. Nagusot lang ang ilong ni Daphne at uminom ng tubig bago sumagot. Hindi gaanong abala ang mga ito opisina kaya sabay silang apat na nag-dinner. 

Jenny almost snorted. Napatingin naman ang Daddy niya sa gawi niya kaya nagkunwari siyang uminom ng tubig. 

“Hell,” ani Daphne. Dumiin ang paghiwa nito sa isda. “Palipat-lipat kami ng classroom sa Makabayan subjects. Tambak kami ng seatworks at assignments. Araw-araw may ganap. Ang panget ng mga pagkain nila. Masyadong crowded. Walang proper ventilation at ang dami namin sa section. Imagine, fifty students to one teacher? Heck, hindi ko alam kung paano ako nakahinga.” tuloy-tuloy na pagsasalita ni Daphne.

“Really, Dad? Pinagco-commute mo kami. Bawas na ang allowance. Hindi pa advance ang lessons nila. Ang chaotic ng mga estudyante. Not to mention, maraming balahura at rugged ang ugali.” Siya naman ang nagusot ang ilong nang maalala kung paano siya napilitang manlibre ng snacks sa mga kaklase niya nang malaman ng loko-lokong lalaki na galing siya sa mayamang pamilya. She’s full of it the next day and shouted at them in annoyance. Ayaw na ayaw niyang napagsasamantalahan ang katayuan niya sa buhay. 

“Ilipat mo na kami, Dad. Please.” Pinalungkot ni Daphne ang boses nito at napangiwi pa siya nang nagpaawa ang mga mata nito. Tumikhim lang si Tito Max at nagkatinginan pa ang dalawang matandang lalaki. Nagpalipat-lipat ang mga mata nila sa dalawa. 

“That’s good.” Sila naman ni Daphne ang nagkatinginan sa sinambit ng ama niya.

“Nagsisimula pa lamang kayong dalawa. Bad or not, hindi pa rin kayo lilipat sa private school. Our decision is final. Doon kayo hanggang sa grumaduate kayo ng highschool,” he said with finality in his voice. 

Internally, gusto na ni Daphne na sabunutan ang sarili niya dahil mababaliw na talaga siya. Sa kabilang banda, nagpupuyos na sa inis si Jenny, nakatingin sa ama niyang hindi na sinalubong ang matalim niyang tingin. 

* * *

“Ayoko na! Ayoko na!” pagmamaralkulyo ni Daphne. Para itong batang ngumangawa habang nakatingin sa nakakalat na photocopied papers ng seatworks nila sa bilugang mesa. “Don’t you think too much na ito, Jen?” 

Naipalis ni Daphne ang naipong luha sa mga mata nito sa frustration. 

“They’re testing patience. If we gonna survive the public school.” Jenny could sense there’s something more aside from punishing them for their mistakes at their previous school. Kung walang kamalay-malay si Daphne dahil occupied ito lagi sa mga reklamo nito ay siya inoobserbahan ang kanilang ama. “Susuko ka na ba?” 

“Of course not,” tanggi nito pero napangawa na naman ito. “Pero ang hirap! Tingnan mo nga ang skin ko! Ang dry na! Mas lalo akong umitim. Ikaw lang itong namumula pag nabibilad sa araw.” 

Morena kasi si Daphne at siya ay mestizahin. She wondered what runs in her mother’s blood to have her brown hair, fair skin and cat-like eyes. Nabibilad kasi sila sa araw dahil palipat-lipat sila ng classroom at tatawirin pa nila ang Grandstand para makapasok sa klase nila sa MAPEH. It’s exhausting when the classrooms were faraway from each other. Hindi sapat ang ten minutes allowance nila sa paglalakad. 

“Just drink enough water.” Wala rin siyang tiwala sa tubig sa school nila. May isang beses pa nga na nilalangaw kaya bumibili siya ng bottled water sa labas at susuhulan pa ang buraot niyang kaklase para ibili siya niyon. Di niya tye uminom ng ice tubig. Baka magka-diarrhea pa siya. 

Daphne pouted and settled on answering her seatworks. “Hindi lunch time ang tawag sa thirty minutes allowance. Vacant time lang ang meron at doon lang ang chance na kumain tayo ng lunch. Mamamatay rin ako sa init ng pila sa RSD.” 

May isang beses pa na halos singhalan na niya ang security guard dahil ayaw siyang papasukin. Wala pa kasi siyang ID ng mga oras na ‘yon. Buti may kaklase siyang nakisuyo para sa kanya. 

Nagpatuloy na lang siya sa pagsagot ng math problem at sinunod ang formula na itinuro ng Math teacher nila. May similar subject sila ni Daphne at isa na roon ang Math kaya nakikikopya si Daphne sa kanya. Mahina kasi ito sa Math. 

“We will used to it one of these days.” Pahirap ang tatlong taon sa public school na iyon na inuubos ang enerhiya nila sa umaga pa lang. 

—-x 

Gusot na gusot ang ilong ni Jenny nang makalabas ng CR. Amoy mapanghi at napakarumi sa loob. Halos masuka na siya nang may madaanan ang cubicle na may dumi pa ang toilet bowl. Parang isusuka niya ang kinain niyang lunch kanina. 

Class hour pa kaya walang kaestu-estudyante sa may corridor. Umabot rin ang amoy ng boy’s CR sa gawi niya na mas malala pa sa girl’s CR. 

“Hindi ba marunong mag-flush ang mga boys? Nakakadiri talaga. Wala bang proper hygiene mga tao rito?” himutok niya. Hindi niya namalayang may lalaking kalalabas lang ng boy’s CR na nakarinig sa sinabi niya. 

“Excuse me? Marunong pa naman kaming mag-flush sa urinal. Nagkataon lang na walang nakaimbak na tubig sa ngayon.” Napalingon naman siya sa tabi niya at nakitang nakapamulsa ang isang lalaking mas matangkad sa kanya. Magkakulay lang sila ng sling sa ID bagay na magka-year lang sila. 

Umarko lang ang mga kilay niya. “Hindi pa rin enough reason iyon. Tamad lang talaga kayong mag-flush.” She rolled her eyes. “Wala man lang air freshener dito.” 

The guy smirked. Hindi makapaniwala sa narinig at siningkitan siya ng mga mata. Puting-puti ang polo nito. Mas maputi pa sa ibang polo ng lalaki roon na manilaw-nilaw at tila hahabulin ng plantsa. Makintab din ang sapatos nito at ni walang gusot ang khaki pants. 

“Wala talaga dahil hindi naman ito sosyal na eskuwelahan. Doon ka sa private, meron nun. Kung gusto mong magkaroon. Bumili ka para sa girl’s cr. Hindi rin naman kami ang umaalingasaw ang baho.” Ginusot pa nito ang ilong. “At nag-iiwan ng maruming napkin na nakabuyangyang kung saan-saan.” Nandiri naman ito sa sinabi nito tungkol sa napkin. 

Uminit ang bumbunan niya. At bago pa siya makahirit ay binirahan na siya nito ng talikod at pumunta sa kaliwang corridor. Pumasok ito sa katabing classroom nila at malamang kaklase ito ni Daphne. Sa II-B. 

Ito ang unang beses na may kumontrang lalaki sa kanya. Madalas kasi, tumitiklop sa katarayan niya at pagiging prangka.

“Sino ba ‘yon?” inis niyang usal. 

Chapter 3

“You could tell that they reek of you know what I mean. I don’t like it when it reaches my nose.” Shawn complained to Lirio and Noah. Klint was just casually eating his sandwich while smiling. Iba na naman ang takbo ng utak. Binalewala na lang iyon ni Shawn. 

“It’s natural for girls. Ganyan din naman si Eden Sofia kahit medyo nakakairita sa ilong. Bakit pala?” usisa ni Lirio. Halos pumutok na ang kaliwang pisngi nito sa kinakain nito. 

Minsan kasing nandiri si Shawn sa amoy na dumaan sa ilong niya at nagkataong dumaan sa gilid niya si Jenny. Iba-iba talaga ang lebel ng amoy ng babae pag ‘meron’ sila. 

“Mens ba talaga pinag-uusapan natin?” Natawa na lamang si Klint. “Ang masasabi ko lang, umiwas na kayo pag nasa ganoon silang estado. Para silang mga dragon.” 

Hindi na kailangan ni Shawn na balaan tungkol sa bagay na iyon dahil naranasan niya mismo ang pagtataray ni Jenny. 

“Ano ka? Reminder ko? Wala kang pakialam kung papasok ako. I don’t want to miss the long test.” Ang tigas pa rin ng ulo nito kahit na sapo-sapo na ang tiyan nito sa sakit. 

Shawn almost rolled his eyes because of annoyance. 

Pumasok na ang guro nila at nag-exam. Madali lang natapos si Shawn. Nang dumako ang mga mata niya kay Jenny ay napapailing na lamang siya. Ang tigas ng ulo ng babaeng ‘yon. She lasted for that exam until he saw her sleeping at her desk. May next class pa sila. Mapapagalitan ito kapag nakita itong natutulog. 

He sighed. “Hey,” tawag niya rito. Tinapik niya ang balikat nito. Umungol lang ito na may kasamang daing. “Wake up. Hatid na kita sa clinic dahil alam kong di mo na kaya. Tapos na ang long test. Ako na ang bahalang magsabi na nasa clinic ka.” 

“Are you happy seeing me suffer like this?” she murmured. 

Naasar si Shawn. Siya na nga itong nagmamalasakit sa tao. 

“Do you think I’m apathetic? Clearly, I am not. Kung hindi, di kita lalapitan dito.” Rivalry na naman nila ang nasa isip nito? Hindi ba puwede ang ceasefire? 

“C’mon. Move.” Nanghihina man ay napatayo si Jenny. Wala pa ang guro nila sa next class kaya walang hassle na lumabas sila sa classroom. 

Sinamaan lang niya ng tingin ang mga kaklase nilang balak pa silang tuksuhin ni Jenny. Walang energy ang tao para makipag-argumento. 

Sapo-sapo pa rin ni Jenny ang tiyan nito. “Parang gusto ko nang . . .” 

“What?” 

“Mamatay.” Namumutla na rin ito. Nangunot ang noo ni Shawn. Ganoon ba kalala ang period nito? Wala siyang ideya dahil wala naman siya niyon. Lalapit sana siya rito para alalayan ito pero pinigilan lang siya nito. “Don’t come near me or I’ll bite you.” 

“Hinang-hina ka na. Ang tigas pa rin ng ulo mo.” Mabagal ang paglalakad ni Jenny at sinabayan lang niya ito. Wala siyang pakialam kung may napapatingin sa kanilang dalawa.  Nang makarating sila sa clinic, sa wakas ay saka ito nakahinga nang maluwag. 

“Pag ganito ka lagi, wala kang energy para sa rebuttals. Sana ganito ka na lang lagi.” 

Kulang na lang bubulagta siya sa paraan ng tingin nito nang makaupo na ito sa clinic bed. Hawak pa rin nito ang tiyan. 

“What? May menstrual cramps? Gusto mong ilipat ko ‘to sayo at maranasan mo kung gaano kasakit.” Napangiwi na naman ito. 

Nandilat ang mga mata ni Shawn. “I was pertaining to our endless arguments. I don’t like you but I don’t like you seeing suffering in front of me.” 

“Ironic no?” 

“I am not that heartless.” Isang patlang ng katahimikan ang pumagitna sa kanila. Nahiga na lamang ito bago siya tapunan ng tingin. Nanlalambot pa ito nang makahiga na. 

“Sleep. I think that would lessen the pain,” Shawn said. Jenny closed her eyes. “I’ll be going.” 

—x 

“Now, disperse the test papers.” 

Kaluskos ng mga papel. Tunog ng mga ballpen na pinapalo sa armchair. Periodical exam na at kabado ang ilan puwera kay Jenny sapagkat nag-aral siya kagabi. At maaga siyang nakatulog. Pagkagising, aral na naman ng mga alas kuwatro ng umaga. 

Ipinasa ni Jenny ang mga natirang test paper sa likod at sa kasamaang-palad ay nasa likod niya nakaupo si Shawn. The mighty enemy she gained in that school. Normally, walang mga lalaking bumabangga sa kanya. Kahit sa dating. Puwera lang sa antipatiko at masungit na konsehal. 

“Are you murdering me in your mind?” he asked, eyebrows furrowed. Tinanggap nito ang test papers at ipinasa ang natira sa likod nito. 

“You’re already dead in my brain,” pang-aasar niya rito. 

“And I’m facing at your tomb,” ganito naman nito. 

Naubo ang katabi ni Shawn. Si Vincent na parte ng SSG na kabilang silang dalawa ni Jenny at Shawn bilang Bise Presidente at Presidente. 

“Kaya kayo tinutukso sa isa’t isa dahil lagi na lang kayong nagbabangayan. Form of labingan ba ninyo iyan? Kaya sumasaya sa SSG office dahil sa inyo,” kantiyaw pa nito. Jenny almost cringed and held tight on her pen. Then, rolled her eyes. Shawn saw that that’s why his forehead knotted. 

“Don’t curse, Vincent. I don’t do tigresses.” Babanat na sana si Jenny pero nakatingin na sa kanila ang proctor. 

She scowled at Shawn and returned to her test paper. Sinagutan na lamang niya iyon. 

Bandang lunch, sabay sila ni Daphne na kumain sa canteen. 

“Ang hirap ng test,” reklamo ni Daphne at napangiwi na naman sa lasa ng ulam sa canteen. Kung bakit naman kasi bumili eh nagbabaon na sila simula noong bago pa sila sa Abellana. Turned out, wala naman silang magagawa sa lasa ng mga ulam doon. 

“Dahil hindi ka naman nag-aral. Panay basa ka lang ng cooking magazine kagabi. Akala mo, hindi ko nakita?” saway niya rito. Daphne just sheepishly smiled. 

“Mas maganda basahin ang cooking mag kaysa kaharap ang Math. Sino bang gustong aralin ang Math ha?” Mahina talaga ito sa Math na isa sa mga paboritong subject ni Jenny. Wala namang subject na mahina si Jenny dahil pinag-aralan niya iyong mabuti. 

May mga kaklase sila na nagsasabi kung magpinsan nga ba talaga silang dalawa. Marami kasi silang pagkakaiba ni Daphne kaysa pagkakapareha. Organisado si Jenny samantalang makalat naman si Daphne. Jenny did her things on time, taking her time to finish the assignments while Daphne resorted to procrastination and last-minute doings. Not to mention, their physical features. Walang mag-aakalang magpinsan silang dalawa. Iba rin ang istilo ng mga pagpapalaki ng ama nila. 

“Kapag nalaman ni Tito Max, kapabayaan ko. Tiyak na bawas na naman sa allowance mo,” paalala niya rito na ikinasimangot nito. Uminom lamang siya ng tubig. 

Maalinsangan sa loob ng canteen. Maingay ba. Rush na ang ibang kumain na late na natapos sa pagsagot ng exams. Noon, nagrereklamo pa si Jenny roon ngunit ngayong nasa huling taon na sila ng highschool. Nasanay na sila. 

“I wonder why kung bakit tayo tumagal rito. Akala ko talaga mae-expel ka na. Lahat na lang binabangga mo rito,” pag-uungkat ni Daphne. 

Noong mga unang araw nila sa klase, may mga schoolmates siyang natatarayan niya. Hindi man sa kaartehan pero sa kabobohan ay katangahan. She’s a girl who uses logic. Kaya hindi niya natotolerate ang mga sigawan at tilian ng mga ito pagdating sa mga lalaki. Napika lang naman siya noong nakaraan dahil masakit sa tainga tili nito. At tinitilian pa ang masungit na si Shawn. Mas lalong uminit ang ulo niya. 

“I don’t do shallow things.” 

Ngumuso lang ito. “Aray ha. Pinsan ko ako. Ganoon ako minsan.” 

“Kaya nga kinakahiya kita madalas,” hirit pa niya. Hindi naman ganoon si Daphne, halata lang sa mga mata nito ang admiration. Ngayon nga, dumako ang mga mata nito sa isang table. She rolled her eyes. 

“Sinabi ko bang ang pogi ni John Dale?” tila dreamy nitong pahayag. At nag-daydream na naman sa katirikan ng araw. Ano pa nga ba? Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain niya. 

Wala naman siyang tutol dahil pogi nga si John Dale. Ngunit di niya iyon tipo. Wala siyang tipong lalaki. John Dale’s features resembled the day whilst sShawn resembled the night. Mabalasik pag seryuso, parang kaya kang kainin ng buo. Mukha daw werewolf sabi pa ng ibang kaklase nila. 

Nagusot ang ilong niya. Bakit niya iniisip ang walanghiya? Speaking of, bagong pasok ito sa canteen kasama ang kaibigan nitong maingay at tahimik. Lirio ang pangalan ng isa na isa sa mga kaibigan ng kanyang ama ang ama nito. Si Noah na tahimik lamang. Bansag sa kanila ay trio. May napapalingon talaga sa tatlo. 

Napalingon si Shawn sa kanya, naramdamang nakatingin siya rito. Tinaasan lang siya ng makapal nitong kilay. Inirapan lang niya ito pabalik. Kapag dumadaan ito sa isip niya, bigla-bigla na lang itong sumusulpot na parang asungot. 

“Meeting mamaya.” Agad itong nakalapit sa kanya. Tumambay pa kasi siya sa table niya. 

“Hi, Pres,” bati ng kanyang pinsan rito na tinanguan lang nito. 

“Seriously, Guillermo? Can’t you take a break? Exams ngayon,” sambit niya. Niligpit na ang lunch box niya. 

“May bakanteng oras tayo mamaya,” giit nito. “Kung ayaw mo, umuwi ka na lang. At wag kang magtanong kung ano ang laman ng meeting.” 

Nandilat tuloy siya. “Whatever.” 

Lalo lang nangunot ang noo nito. Lumayo ito nang may tumawag rito na isa ring officer ng SSG. 

“Sipag ni Pres. Kailangan niya ng partner,” untag ni Daphne na makahulugang tumingin sa kanya. Napaismid lang si Jenny. “Ikaw ang Vice President. Of course, mag-partner kayong dalawa.” 

Kung alam lang nito na madalas sinosolo ni Shawn ang mga gawain. Pati responsibilities ng iba, ito ang umaako. Masyado itong perfectionist, dinaig pa siya. Kaya lang naman siya tumakbo sa eleksiyon last year dahil parang minaliit siya nito bilang babae, na di niya magagawang mamuno. Dahil sinubukan nito ang pasensiya niya at tumakbo siya kahit na pabor ang party nito sa votes. Siya lang ang nanalo sa partido niya. Tinalo niya iyong mahangin at feeling magaling na Vice nitong nasa section C ngayon. 

“We clashed many times.” She shrugged her shoulders. 

Tapos na ang oras ng lunch kaya bumalik na sila sa klase nila. Sa IV-B si Daphne. Si Jenny naman ay sa IV-A. The same section when they transferred to the school. Naging kaklase lang naman niya si Shawn ngayong fourth year highschool sila at kaklase ito ni Daphne from second year to third year highschool. 

After exams, dumalo na siya ng meeting kaysa marinig niyang nagpabaya siya. Di pa naman niya ganoon kasundo ang mga officers. Galing siya sa ibang party noong election at pawang mga nagmamagaling ang iba. Ang loyalty nito ay kay Shawn. 

Kompleto ang officers sa opisina at kaswal lang siyang umupo sa upuan na nasa gilid lang ni Shawn na ngayo’y nasa kabisera nakaupo. 

“Let’s start the meeting,” pormal nitong pahayag. Kulang na lang mapaismid si Jenny dahil ang seryuso rin ng ibang officers. 

“As you can see, the principal informed me about putting a vendo machine here.” 

“Here in our office?” confuse na tanong ng auditor nila. 

Jenny almost rolled her eyes. Ano namang gagawin nila sa vendo machine sa loob ng opisina nila? 

“No. In the girl’s bathroom,” sagot naman ni Shawn at binuksan ang isang folder. Inutusan nito ang secretary nila na i-disperse ang mga papel na nakasilid roon. Paperwork ng pag-iinstall ng vendo machine. 

Binasa iyon ni Jenny. When the principal mentioned installing a vendo machine, she had an idea that it was for the girl’s struggle. 

“Maganda ‘to ah,” komento ni Vincent na ikinalingon rito. 

“First of all, di ka babae,” singit ni Eloisa na siyang secretary nila. 

Binalewala lang iyon ni Vincent. Jenny skimmed the details of the small project. Naalala niya tuloy ang unang tagpo nilang dalawa ni Shawn at mukhang naalala rin iyon ni Shawn dahil tinaasan lang siya nito ng kilay na parang sinasabing siya pa ang may kasalanan kung bakit may ipapa-install na vendo machine. 

“Sino ang mag-aasikaso nito? Di ba abala tayo sa paghahanda ng regional meetings with other SSG sa Dumaguete?” Kaya nga ba nagtaka siya kanina kung para saan ang meeting eh may break sila sandali since nawrap-up na ang paghahanda nila sa regional. 

“I’m afraid, it’s you, Miss Vice President,” Shawn said and her eyebrows shot up. 

“What? Bakit ako?” 

“Ikaw ang madalas na nagrereklamo sa dumi ng bathroom.” Si Eloisa ang sumagot. Palibhasa, may gusto kay Shawn. Babae siya at alam ni Jenny iyon malakas siya makaramdam ng mga babaeng nagkamali sa lalaki. Pinsan pa lang niya, sumasakit na ang ulo niya. 

“You just have to make sure na may stocks,” he said casually. 

“You mean, sanitary napkins?” Napaubo lang ang ibang lalaking parte ng SSG. Jenny rolled her eyes. 

“Yes,” walang-gatol na sabi ni Shawn. 

Hindi na siya tumutol pa dahil walang balak ang iba na saluin ang duty na ibinigay nito sa kanya. Ang i-check ang vendo kung may sapat ba na stocks. Pati maintenance niyon ay ipapaalam niya. 

Natapos ang meeting bandang four ng hapon. Iniwan siya ni Daphne na tinangay na ang kotse nila kung saan. Stock tuloy siya sa pag-commute. At di siya magje-jeep. Nanakawan siya ng pera sa jeep at halos gutumin na siya ng isang araw dahil wala sa kanya ang wallet. Kung bakit ba kasi may mga masasamang kutong-lupa na nangangapkap ng bag. Nag-taxi na lamang siya. 

Late na siya sa appointment niya. Hindi alam ng Daddy Israel niya ang tungkol rito. Kinita niya ang ni-hire niyang investigator na nasa college na. Nasa isang kainan ito sa Ayala. 

Kinawayan siya nito. Napahinga siya nang malalim. Sana matagpuan na niya ang hinahanap niya. 

Chapter 4

Nagngangalit sa galit ang panahon. Malakas ang ulan na akala mo ay brokenhearted ang langit at binuhos na niya lahat ng sama ng loob at sakit sa mundo. Kaya pa ba ng mga palm trees na tumayo sa lakas ng hangin? 

Nakikita niya ang hagupit ng bagyo mula sa glass window ng opisina niya. Mabuti na lamang ay nasa loob na ng Diamond hotel ang mga bakasyunista at mga guests niya. Mahirap na kung pakalat-kalat ang mga ito sa labas sa sama ng panahon. Ang lalakas rin ng mga alon. Wala kang makikitang mga mangingisdang pumalaot doon. 

“Ma’am Jenny! Ma’am Jenny!” Napalingon si Jenny mula sa pagkakasilip niya sa bintana. Nakita niyang basang-basa ang kanyang tauhan na si Mang Ernie. Isa ito sa mga nag-aasikaso sa kalinisan ng beach resort. 

“Anong nangyari sa ‘yo, Mang Ernie? Bakit ang basa mo? Sumuong ka sa bagyo.” Inabot niya ang tuwalya na nakasabit sa hook. Unuse iyon at for emergency use. 

“Salamat Ma’am.” Ibinalabal nito sa sarili ang tuyong tuwalya, nabawasan na ang lamig. “Si Mayor. Nasa labas.” 

Nangunot ang kanyang noo nang marinig ang tawag nito. Isa lang naman ang kilala niyang mayor na nagpasakit ng ulo niya. 

“Si Mayor Guillermo. Nasa labas. Nasiraan ho siya ng sasakyan, Ma’am. Kawawa naman po, wala siyang matutuluyan.” 

“Anong ginagawa niya rito?” tanong niya rito. Nanginginig pa rin sa lamig si Mang Ernie. Baka magka-hypothermia pa ito pag nagtagal roon. Basa na rin ang sahig niya.

“May pupuntahan po sana siya sa Tuburan kaso inabutan na siya ng landfall ng bagyo. Nasiraan siya ng kotse sa gitna ng daan at naglakad patungo rito sa resort. Ayaw nga niyang tumuloy hangga’t hindi ka pa pumayag.” 

“Sira-ulo ba siya?” Normal nang magtaas siya ng pitch kapag binabanggit si Shawn. “Tanga ba ‘yun? Mang Ernie, magbihis na po kayo ng tuyong damit. Ako na ang bahala sa timawang ‘yon.” 

Alam na rin ng mga ito ang away-bating relasyon nilang dalawa ni Shawn. May mga araw kasi na napapadaan ito sa Tabuelan kung saan nakatirik ang beach resort na pinamamahalaan niya. 

“Gago talaga ang lalaking ‘yon. Nasa talampakan ba ang utak niya? Mamaya ako pa sisisihin na magkalagnat ang damuho na ‘yon,” nasabi niya sa sarili habang tinatahak ang direksyon patungo sa bungad ng kanyang hotel. 

Binati siya ng receptionist na bakas sa mga mata ang pag-alala. Dumako ang mga mata niya sa basang-basa na si Shawn. Nagsalubong na naman ang kilay niya. 

“Ano ka? Nagsho-shoot ng music video? Pumasok ka nga rito!” 

“Not if you I haven’t had an invitation to grace your hotel.”

Naitirik niya ang mga mata. “Pumasok ka na bago ka pa tamaan ng kidlat diyan. For the record, sana nga.”

Nakita niyang napapangiti ang mga employees niya sa sinabi niya. Nagsisimula na naman kasi sila ni Shawn sa walang katapusang rally ng arguments nila. “Bigyan mo nga ng tuwalya ‘to, Teofilo. At tuyong damit na rin, Leigh.” 

Si Leigh ang nag-iisang may-ari ng cute na boutique roon kung saan may mga naka-display na bikini, swimming trunks at iilang damit para sa mga guests na balak bumili niyon. 

Inasikaso na ng mga ito si Shawn. She crossed her arms while eyeing the mayor. Wala talaga sa bokabularyo nito ang pahinga tuwing may bagyo. Sinusuong ata nito ang kahit ano pang masamang panahon dahil masyado itong dedicated sa trabaho nito bilang mayor ng isang municipality. 

“Tutal nandito lang rin naman ako. Mabuti pa— She cut him off. 

“Magbihis ka muna.” Nakairap niyang sabi rito. Iginiya naman ito ni Leigh sa pagbibihisan nito. Agad naman itong tumalima. 

“Sabihin mo sa kanya na dumerecho na siya sa opisina ko, Anda,” sabi niya sa receptionist at agad naman itong tumango. 

Maririnig ang tunog mula sa wedge sandals niya habang pabalik na siya sa opisina niya na nasa ground floor lang din ng hotel. Ano kaya ang pakay ng damuho? 

Nakaupo siya sa swivel chair nang pumasok na si Shawn sa opisina niya. Napataas ang kilay niya sa suot nitong bulaklaking shorts at floral shirt. Natutop niya ang bibig, hiding a snicker. Napansin iyon ni Shawn. 

“Ito ang binigay ng employee mo,” masungit nitong turan. Tumikhim si Jenny at umayos ng upo. 

Oo, matagal naman talaga itong guwapo. Since highschool pa. Kahit ganoon, naiinis pa rin siya sa presensiya nito. Ngayon, nasanay na siya. Kung si Lirio, naughty na guwapo at si Noah, mysterious na guwapo. Ang isang ‘to, suplado na guwapo. Na totoo naman, suplado nga. 

“So, ano pag-uusapan natin?” she said in a business tone. Siya naman ang tinaasan ng kilay ni Shawn. 

“Alumni Homecoming. It’s long overdue.” Alumni Homecoming? Ngayon lang niya naisipang bagay na ‘yon. 

“Alumni Homecoming? The entire batch?” He nodded. Napasandal ito sa katapat niyang upuan, crossing his arms. He looked like a bored king. Napairap na naman siya rito. Lagi na lang. 

“Yes. I was thinking of holding it in the Pacific, at Waterfront,” he said in a serious tone. Ngunit may ibang naisip si Jenny. 

Gaya ng dati, nagagawa niyang salungatin ang ideas at ibang mga decisions nito. 

“No, masyadong magastos. Dito na lang sa Diamond Hotel. Sa beach resort.” 

Kulang na lang mapanganga ito. Kung makatingin ito sa kanya, para siyang tinubuan ng antenna sa ulo. “Here? You want them to travel all the way here in Tabuelan?” 

She crossed her arms, mirroring him. “Then you make it possible. Shuttle service. You can request one bus, mayor.” 

“What?” Bahaw itong natawa. She maintained her composure. Hindi na sila bata para magsinghalan sa mga mababaw na bagay. “Sa tingin mo ba madali lang ‘yon? And it’s not even for the mass. Para ito sa reunion. Hindi mo ba naririnig sarili mo, Jenny?” 

Naningkit ang mga mata niya. Sinusubukan talaga nito ang pasensiya niya. “You could work it out in private ones, Mr. Mayor. It’s not necessarily the government.” 

“Oh yeah? What if the others are busy persons? They couldn’t make it dahil ang layo sa city ng resort na ito. Most of them ay sa city nagtatrabaho, Jenny,” nang-uuyam nitong pahayag. 

“Stop using that tone on me, you jerk!” Siya na ang naubusan ng pasensiya at napatayo mula sa kinauupuan. “And it’s their choice! I just want to have a shuttle service for them. Ako na ang bahala sa accommodation nila rito. It’s free. And I want three nights and two days.” 

Napatayo na rin ito, marahas ang expression sa mukha nito. Another argument is brewing up. “What the hell, Jenny. Gusto mong mawalay sila sa trabaho nila? Sa pamilya nila nang ganoon katagal?” 

“Then, it’s their decision to leave early! Hindi ko sila pipilitin. If they have emergencies. They can go home okay? This is also their chance to unwind and relax from the stressful work and rat race,” katwiran niya rito. 

Napahilamos ito sa mukha nito. “I’ll contact them. The former officers of SSG. We will have a meeting about this.” 

He stormed off just like that. Naitirik niya ang mga mata. Hindi pa tapos ang bagyo, malamang mananatili pa ito ng ilang oras sa hotel niya. 

She needs caffeine now. Tinawag niya si Teofilo at inutusan itong pagtimplahan siya ng kape. 

Fit for the stormy weather. 

—x 

Chapter 5

—x 

“Bakit nandito ka pa?” tanong niya rito. 

Malakas pa rin ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Tumila na ang ulan ngunit madilim pa rin ang kalangitan lalo na ang parteng nasa ibabaw ng malawak na karagatan. Nakakalat sa buhangin ang mga nagliparang dahon, mga sanga at ilang katawan ng puno na natumba mula sa hagupit ng bagyo. 

“I am a guest in your resort, Jenny,” he said as a matter of fact. “Ang tao na bibisitahin ko sana sa Tuburan ay wala pala roon. Nasa City.” 

Nakapatong ang isang paa nito sa nakatumbang troso. May mga naligaw na seaweed roon. “Ikaw ba’t ka andito? Malamig rito.” 

Nakabalabal lang sa kanya ang shawl sa suot niyang flowy dress. Napairap na naman siya. “So you’re staying for the night. My, my, the mayor is here instead driving back to his town.” 

“‘Wag mo akong gamitin ng ganyang tono. Narinig ko lang na may aberya sa madadaanan ko dahil sa landslide. Whether you like it or not, I’m stuck here with you,” masungit nitong pahayag. 

“Sabay ka na sa mga employee at guest kong mag-dinner.” Napalingon ito sa kanya. “I have to. To compensate for their supposed to be enjoyable and sunny stay. Naabutan pa talaga sila ng bagyo rito. Napaka-unpredictable talaga ng weather.”

“I can’t believe it when I heard that you opened up a resort,” he said instead. Hindi lang ito nag-iisa. Marami ring nagulat sa business world, na ang isang Evangelista na sa halip na palitan ang kanyang ama sa pamamahala ng negosyo nito ay nagpatayo ng isang beach resort, malayo sa kinagisnang siyudad. Kaya pa naman ng Daddy niyang pamahalaan ang business nila, katuwang naman nito ang Daddy ni Daphne. 

“Not even me. I guess this is my way of rebelling.” Dahil nalaman na lang niya ang totoong kuwento patungkol sa nanay niya at ang nangyari nito bago nagkahiwalay ang kanyang parents. It was a tragic life for someone who gave birth to her. 

“Rebelling for what?” he asked. 

“My life.” She shrugged her shoulders and hugged herself. Hinayaan lang niyang nakalugay ang tuwid at mahaba niyang buhok na isinasayaw ng hangin. 

Katahimikan ang sumunod sa kanila bago ito nagsalita ulit, nanatili pa ring nakaharap sa dagat. “Being a public servant is not simply just helping everyone.” 

Sang-ayon naman siya rito. Kahit naman noon, expose ito sa ganoong kalakaran. Straight officer ito ng SSG at Student Council. Nasa pagseserbisyo na talaga ang linya nito, kahit na mukha itong suplado. 

“In the wake of the night, I have to call a veterinarian for the cow who’s giving birth to her calf. I have to deal with the police when it comes to crime and other people, making sure the town is safe and secure. On-call lagi ang trabaho, kahit sa kaliit-liitang bagay, tinatawag ako ng mga tao. I can hear them calling mayor in my dreams,” paglalahad nito sa seryusong boses. Bihira lang itong magkuwento tungkol sa panenerbisyo nito sa publiko. 

“They call me insane and unreasonable for opening up a resort in a peaceful town,” panimula niya. Tiningnan niya ang grey na ngayong karagatan. “Sino daw matino na businessman’s daughter ang magtatayo ng bagong negosyo na walang assurance na magiging successful ito? I got mad of course and when someone say I can’t do it. I will everything to work it out, I can’t lose without even trying so I hired townpeople, much to their surprise. Mas lalo silang natawa. The hearsayers. Risking my tourism business with people who haven’t had the experience.” 

Ibinulsa nito ang isang kamay nito sa bulsa ng suot nitong shorts. Ayaw ata nito sa suot na floral clothes kaya pinalitan nito ng beige shorts at white polo. Nakahiram yata ito sa isa sa mga guest. Being a public servant also needs to charm people. Mukha ‘yun ang ginawa nito. 

“It’s brilliant. To hire people who live in the town who know it better.” 

“That’s what I’m thinking. And not everyone understand that. If I really want to establish a thriving business in the middle of nowhere, I need to hire the townspeople. Makakapagbigay pa ako ng livelihood sa kanila at payag silang may resort dito.” Wala rin naman silbi kung magha-hire siya ng mga taong hindi naman taal na taga-Tabuelan. 

“Well, it’s thriving now.” 

“Hindi naman garantiya na steady. May mga araw rin na matumal. But, the fact na hindi naman ako mamumulubi. May pamana pa ako.” Pamana mula sa kanyang Daddy na magagalaw lang niya kapag ikinasal na siya. At hindi naman siya gahaman sa kayamanan kaya hindi siya naghahanap ng husband prospects. 

“You are wise.” 

“You don’t want to argue with unwise people, Guillermo.” 

He smirked. “Are we not arguing for minutes?” 

“What? Gusto mong magsimula na naman tayo?” pagtataray niya. 

“I called the former officers. They agreed with the Alumni Homecoming but were still torn between the two. They said that it felt like before. Then, choosing two sides. Me or you,” napapailing na lang ito sa ikinukuwento nito. 

She crossed her arms. “They can join the last event on the last day, Shawn. Hindi naman compulsory na dadalo sila for three days and two nights. Isa pa, ilan ba tayong graduates? Almost nine hundred? Sa tingin mo ba dadating silang lahat? Hindi. So the hotel is enought to accommodate half of them. Who knows? Marami sa kanila ang nasa ibang bansa na ngayon.” 

“Holding in the city is practical and with just one night and for a few hours,” he pointed out. “They can work after the night.” 

“What if they can’t? Especially those who want to drown in liquior? Hangover na sila kinabukasan. Also, magastos pa. Marami pang i-set up.” 

“Will you be okay managing it for three days?” Ito ba ang iniisip nito? Ang mapapagod siya sa pagmanage ng event? 

Nginitian niya ito kaya napakunot-noo na naman ito. 

“I can do it. There’s nothing impossible, Shawn,” she said, challenging him. He smirked again and shook his head. Tuluyan na siya nitong hinarap. 

“Sa City natin gaganapin ang meeting. Nagpa-reserve na ang secretary sa isang Café, a private room for us.” 

“Kailan ba?” 

“Next week.” 

May hahapitin din naman siya sa City. “Okay. And dumalo ka mamayang gabi para sa salo-salo. Iilan lang naman ang guests ko rito,” sabi niya rito at iniwan na ito roon. 

—-x 

Chapter 6 

—-x 

“Antipako talaga. Akala mo kung sino,” bunganga agad ni Jenny. Saktong vacant time nila at kumakain sila sa canteen. Wala rin naman silang mga kaibigan sapagkat bago pa sila roon kaya sabay silang kumakaing dalawa ni Jenny. 

“Si Shawn na naman? Bakit ba lagi kayong nagbabanggaang dalawa?” Sa personalidad ng mga itong may kanya-kanyang kasungitan sa katawan, expected na magkakabanggaan ang dalawa. Kaklase ni Daphne si Shawn sa II-B. 

“Katangahan daw bumili ng ice tubig at sasakit tiyan? Buwisit, nakita ko na naman siya sa labas ng banyo,” asar na pagkukuwento ni Jenny. Noong isang araw, sumakit ang tiyan nito dahil uminom ito ng ice tubig. Uhaw na uhaw kasi at naubusan na ng purified water sa labas ng school. 

“You know, hindi naman niya ugaling manilip sa girl’s bathroom,” sabi ni Daphne. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jenny. Bato ang class president nila at wala sa radar nito ang mga babae. 

“Wala akong pakialam sa kanya.” Napangiwi si Daphne nang dumaan mismo si Shawn sa likod ni Jenny na sumama lang ang timpla nang makita ang kanyang pinsan. 

“Wala rin akong pakialam,” pagsasalita ni Shawn at dahil nga malapit lang sila sa counter ay nanatili ito sa likod ni Jenny. 

Napapikit nang mariin si Jenny. “You know, puwede ko namang bawas-bawasan ang kasungitan mo.” 

“Sino ba dito ang unang nagtataray?” Panay ang salitan ng salita ng dalawa ngunit sa iba naman ang atensiyon. Nakatalikod ang likod ng isa’t isa. 

“I suggest, na mas more understandable ka sa mga tao. Naturingan kang Presidente ng class ninyo pero iniipit mo pa mga tao. Sabihing ang tanga. Sumakit na nga ang tiyan. Ikaw kaya masabihan ng ganoon.” Napairap si Jenny. 

Naitago ni Daphne ang ngiti sapagkat mukhang hindi lang siya ang nakikinig sa verbal fight ng dalawa. Maging ang mga estudyante roon ay interesado makinig. Tsismis raw kasi, wala pang babaeng kayang tapatan si Shawn. Si Jenny lang ang nagawang bara-barahin ang masungit at mailap na si Shawn. Na bossy pa. Hindi alam ng mga ito na ganoon din ang pinsan niya. Nakahanap ng katapat kay Shawn. 

“You’re questioning my leadership?” patuyang sabi ni Shawn. Napatayo na si Jenny at hinarap na ito. 

‘Patay’. isip-isip ni Daphne. Huwag naman sanang lumala ang awayan ng dalawa. 

“I’m just suggesting. Hindi ko alam kung hindi mo nagustuhan ang narinig dahil may bahid iyon ng katotohanan. Bakit? Hindi ka sanay na constructive criticism? I’m just saying to improve your ways.” Jenny crossed her arms. She was provoking him. Gusto nitong maghigante sa ginawa ni Shawn rito at nasabihan itong tanga noong nakaraang araw. Nangunot lang lalo ang noo ni Shawn. 

“Sinabi ko bang tinatanggihan ko ang constructive criticisms? Unless, you’re saying it in destructive way.” 

May biglang tumikhim sa kalagitnaan ng verbal fight ng dalawa. Napangiwi si Daphne dahil guro nila iyon sa Araling Panlipunan, si Mrs. Jesse. 

“Alam niyong diyan kami nagsimula ng asawa ko? Awayan? Both member ng debate club pero hindi nagkakasundo.” 

May ibang napa-hoot lang. May ibang natawa. May ibang nag-cheer. Mukhang invested na iyong ibang schoolmates nila sa huntahan nila ni Jenny at Shawn. Namula si Jenny at alam ni Daphne kung bakit, hindi da kahihiyan kungdi sa inis. Hindi naman maipinta ang mukha ni Shawn. 

“I will never ever see him in that way po, Ma’am,” magalang na tutol ni Jenny na naaalibadbaran sa ideya. 

“Me too, Ma’am. Hindi po ako papatol sa babaeng ito.” Nainis na naman si Jenny rito. 

Natawa si Mrs. Jesse. “Oh, ganyan din kami noon ni Mark ko. Halos isumpa na namin ang isa’t isa. If you are interested, then you can come at my classroom. Open pa ang application for the debate club.” 

Naiwan ang dalawang hindi nagustuhan ang judgment ng guro sa dalawa. Natawa lang nang mahina si Daphne na sinamaan lang ng tingin ni Jenny.  

Doon nagsimula ang lahat. Kapag nasa radar ang dalawa. Nasa iisang lugar. Biglang may mga estudyanteng mag-aabang kung ano ang panonoorin nila. Daig pa ang nanood ng isang teleserye sa tv at walang kamalay-malay doon si Jenny. Kapwa walang pakialam ang dalawa na nakakuha ang mga ito ng atensiyon. 

—x 

Sinisikap ni Shawn na huwag maghikab. Nasa isang event siya na pawang mga mayayaman ang dumalo. Kasama na roon ang pamilya niya. Di naman sa masasabing mayaman ang pamilya noon. Umunlad lang. Ang iba ay businessman at ang iba nama’y mga politiko. 

Nasa Waterfront sila. Opening yata ng isang negosyo at kailangan ng presence ng family friends. Hindi lang si Shawn ang naroon maging ang ibang kaedaran niya ngunit hindi siya nakipaghalubilo sa mga ito. Nandoon rin si Lirio na may kausap kanina at hindi na niya alam kung saan sumptuous. Baka kumain na naman.  

May lumapit naman sa kanyang mga babae pero kulang na lang ay oo ng oo sa lahat ng mga sasabihin niya. Walang thrill kumbaga. Ni wala ang mga ito sa kalingkingan ng isang Jenny Evangelista. Na kaya siyang banggain anumang oras. They’re like raging bulls about to attack each other. 

Noong una, naaasar at naiinis siya sa presensiya ng dalaga. Paano ba naman kasi, ang lakas ng loob nitong kuwestiyunin ang kakayahan niya bilang isang officer. Siya pang lumaki sa isang household na puro may leadership ang bawat miyembro. 

Bahagya siyang napangiti nang hindi niya namamalayan. Nang tumingin sa kanya ang kaedaran niyang mga babae ay nawala ang ngiti niya. Naipilig niya ang ulo. 

Damn. Bakit naman siya ngingiti dahil sa tigress na iyon? No way. Nakakakilabot bigla. Bigla’y parang gusto niyang umalis sa venue. Nasaan na ba kasi si Lirio? 

—-x

Chapter 7

—-x 

Umagang-umaga, napamura si Jenny nang sumigid ang sakit sa ulo niya. Bigla siyang napabahing. Anong oras na ba? 

Nandilat siya nang makitang alas singko na nang umaga at aalis silang mga officers sa barko nang mga alas siete ng umaga. Malapit na mag-alas sais, mga limang minuto na lang. 

Masakit na masakit talaga ang ulo niya kaya napahilot siya doon. Suminghot siya. Mukhang sisipunin pa ata siya. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Kahapon pa ito ngunit inignora na lamang niya. Baka lilipas lang ang pakiramdam niya ngunit mas lumala pa yata ngayon. 

Naligo na si Jenny. Ang init-init ng pakiramdam niya. Nang matapos ay magbihis na siya. Tinutuyo niya nang buhok niya nang pumasok sa kuwarto niya si Daphne. 

“Bakit nandito ka pa? Di ba may klase kayo?” tanong ni Jenny kay Daphne. Nakasuot na ito ng uniform at kumakain ng sandwich. 

“Di ba kahapon pa masama pakiramdam mo? Tingnan mo nga ‘yung ilong mo. Namumula,” sukat sa sinabi nito ay napabahing siya na ikinangiwi nito. Inabot niya ang tissue roon at doon suminga. 

“I’m okay. Mawawala lang ito.” At inaantok pa siya ngunit tinapik lang niya ang pisngi upang magising. Namili na lang siya ng susuotin niya. 

“Sure ka?” 

“Oo, sure ako. Kaya pumasok ka na. Pag nakita ka ni Tito Max na pagala-gala rito. Baka kakaladkaran ka na papuntang Abellana.” Ngumiwi lang ito sa sinabi niya at pinagpagan ang maroon skirt nito. 

“Di naman ganun si Daddy. Pero, pag masama talaga pakiramdam mo at hindi mo kaya. Huwag ka nang tumuloy.” 

“Kailangan kong tumuloy.” May urgency sa boses niya at marahil nagulat si Daphne roon. Inubos lang nito ang kinaing sandwich at nagpaalam na sa kanya. 

Nang makalayo na ito ay kinuha niya ang envelope na nakasilid sa isang sulok ng trolley niya. Nandoon nakalagay ang mga dokumentong kakailanganin niya upang ipakita sa mga taong, akala ay nawala na ang babaeng tingin nila’y salot sa pamilya. 

Nagkataon kasing nakatira ang mga ito sa Negros at nasa San Carlos lang. Rides away from Dumaguete kung saan gaganapin ang regional meeting. 

Napaubo si Jenny. Hanggang sa parang mailalabas na niya lahat ng laway niya sa kakaubo. Nandiri siya sa sarili niya’t ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Sa barko lang siya kakain. Saka niya cocontact-in ang mga officers na on the way na siya kahit nag-iingay ang beeper niya. 

Parang mahihilo siya kaya nahiga na muna siya sa kama niya. Masakit rin ang katawan niya. Para siyang binugbog kahit na wala naman. Bumibigat ang talukap ng mga mata niya. 

At hindi na niya namalayan na hinila na siya ng kadiliman. Masyadong mabigat ang pakiramdam niya upang mapansin iyon. 

Nagising si Jenny at nahindik nang makitang alas nuebe na ng umaga. Shoot! Nakatulog na pala siya! At malamang nakaalis na ang barko. Napatili siya sa asar. Kasalanan niya din naman. Nakatulog siya! 

Bumahing na naman siya. Nahihilo rin siya pero sinikap niya pa ring makatayo. Nakatulog siya ng dalawang oras at ngayon, na-jeopardize ang plano niya na lumuwas ng Dumaguete na hindi magtataka ang kanyang ama. Humawak siya sa hamba ng pinto. Nakakailang hakbang pa lamang siya pero parang papanawan siya ng ulirat. 

She checked her beeper and groaned when she read the messages. 

Where the hell are you? – Shawn 

You’re going to miss the ship – Eloisa 

Inis na inis na si Pres, Vice. – Keith 

Hey, is there a problem? – Vincent 

Naiyak si Jenny. What the hell, Vincent? Sa lahat ng mga mensaheng nabuksan. Ito lang ang nagtanong kung ano ang problema niya. Pinalis niya ang mga luha sa mga mata niya. She would never show this weakness of hers in front of others. Her family knew about it, not others. Especially Shawn. 

Huminga siya nang malalim at tuluyan nang lumabas ng kuwarto niya. Tahimik sa hallway. She almost dragged her feet to walk down on the stairs. Wala bang tao? Nasaan ang ibang katulong nila? 

Humirit na naman ang ubo niya. Nanghihina ang mga kalamnan niya at kailangan pa niyang humawak sa mga bagay na makakapitan niya. This time, a fake bonsai plant just beside a pillar of their house. 

“Dad? Are you at home?” she asked in weak voice. Walang sumagot. Day-off ba mga katulong nila? Bakit walang mga tao? Nasa pool area ba? 

Papunta na siya roon nang bigla siyang mahilo. Hanggang sa dumilim na naman ang paningin. Nilalamon na siya niyon nang makarinig siya ng nabasag na baso at sigaw ng isang matandang babae. 

“Diyos ko! Israel! Ang anak mo!” 

—-x 

Walang maganda sa mood ni Jenny. When his father discovered about the flu, he insisted for her to stay in their house whether she liked it or not. Hindi na siya nakahabol sa regional meeting. Masama ang loob niya. At hindi niya magawang sagutin ang mga tawag ng officers dahil itinago ng katulong nila ang beeper niya. Pati telepono ay ito ang sumasagot. Para makapaghinga siya. Inis lang siya sa sarili niya dahil unang-una, hindi naman niya ginustong magkasakit siya. Pangalawa, ang plano niya ay mananatiling plano lamang. Buti na lamang ay hindi pinakiaalaman ng kanyang ama ang mga gamit niya sa trolley. Tiyak na magagalit ito kapag natagpuan nito ang mga papeles na naroon. Bukod sa regional meeting ng buong SSG ay may iba pa siya goal sa Negros. 

Sa mga sumunod na araw, nakauwi na ang mga officers. Bumuti na ang lagay ni Jenny. Halos hindi siya lapitan ng mga ito. Upset yata sa naunsiyaming pagbiyahe niya kasama ang mga ito. Lihim siyang napaismid. Baka nga, nasiyahan pa ito dahil wala itong karay-karay na mataray na dalaga.

“Sambakol ang mukha ni Pres noong nalamang di ka na pala tumuloy.” Tumaas lang ang kilay ni Jenny sa sinabi nito. Nilapag pa talaga ang tray nito sa mesa niya. Wala si Daphne. Baka kahuntahan na naman si Henry na kagaya nitong matakaw sa pagkain. 

“I don’t care.” Napairap siya. Unreasonable kung iisipin na sinisisi niya ang mga ito kung bakit hindi na siya nakatuloy sa Dumaguete. Hindi lang niya hindi magawang isipin na internally, lumigaya pa ang iba na wala siya. Walang sakit sa ulo. Walang isang maarteng Jenny Evangelista. 

“Masama pa rin ba ang loob mo tungkol doon?” Alam na rin ng mga ito ang tungkol sa pagkakaroon ng flu niya. Akala atang iba ay invincible siya gawa na ang lakas ng personalidad niya pero hindi. Tao rin siya na nagkakasakit. 

“The regional was over. Why would I fret something’s done? And gone?” Napairap na naman siya. Sanay na si Vincent doon. Ito lang ang nakakayang sakyan ang kasungitan ni Shawn at katarayan niya. 

“Iniisip mo bang relieved kami na wala ka doon? Naman, Jenny. Isipin mo, paano namin mahahandle si Shawn? Ikaw lang ang kaya siyang i-handle. Oo, natitiis ko siya pero sa hindi mo paraan. Hindi kami makakontra. At mukhang nainis sa kanya yung ibang SSG officers na dumalo roon. Nagkainitan na naman,” sumbong ni Vincent. Jenny smirked. Sabi na nga ba, mangyayari ang bagay na iyon. 

“Duh, what’s new? Hindi iyon tumatanggap agad ng mga suggestions. Akala ata niya magwo-work out ang mga bagay na tingin niya’y perpekto. News flash, hindi tayo perpekto. Hindi siya Diyos,” sukat sa sinabi niya ay pumasok sa canteen si Shawn. Mag-isa. Hindi nito kasama sina Lirio at Noah. At mukhang ang pakay nito sa canteen ay siya. 

Kapwa sila napalingon ni Vincent rito. 

“Daphne called me. Sinabi niyang may sakit ka. Around seven in the morning,” he said. Bigla’y naglingunan ang ibang tao roon sa kanila. 

Tinawagan pala ito ng magaling niyang pinsan. 

“And you’re sick. Ayokong magdala ng taong kargo de konsiyensiya ko pa kaya hindi na kita pinahabol,” pagsasalita nito. 

“Why are you not talking to me during our class? Bakit? Ayaw mong mahawaan ng flu? I’m completely fine.” Kulang na lang ay lagyan niya iyon sarkasmo.  

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito sa tono niya. Salubong na naman ang makakapal na kilay. 

“Kita mo namang hindi ako agad nakakalapit sa iyo dahil maraming inaasikaso.” Pansin rin niya na pati mga papeles sa opisina ay dinala nito sa klase. 

“Yeah, right,” irap niya. Parang mawawalan pa siya ng gana. “Can’t you see, I’m eating? Mamaya na tayo mag-usap. Kung gusto mo pang mag-usap tayo.” 

“Tapos na tayong mag-usap.” Bago pa man ito makasibat ay humirit siya. Gusto lang niya itong asaran. Ewan, pero nabobother siya na ini-ignore siya nito buong araw na parang may flu pa siya at mahahawaan ito. 

“You know, puwede mo naman sabihing nag-aalala ka sa akin. You’re in a sour mood in Dumaguete, anyway. Dahil ba wala ako doon?” Naipilig niya ang ulo. At binigyan ito ng pekeng ngiti na nakakasilaw. 

Sa gulat ng lahat, tumawa ito. Not in merriment. Tawang nang-iinis. Tawang nanunuya. At masakit sa tainga. 

“You’re unbelievable. Mas mabuting wala ka nga doon.” he said before stepping outside the canteen. 

Humigpit ang hawak niya sa tinidor niya. Uminit ang ulo niya. 

“Jerk.” 

—-x 

Chapter 8

—-x 

“Oh my god, buti na lang nagkasundo na talaga kayong dalawa.” Nakahinga nang maluwag si Eloisa at napasandal sa upuan. 

“Dito pa talaga kayo nagkasundo sa booth na ito,” naiiling na reaksiyon ni Vincent. 

Pumayag silang dalawa sa Hotseat booth. Nagkatinginan pa nga silang dalawa ni Shawn at kahit pa hindi sila nagsasalita, halos magkapareho lang sila ng ideya. 

“Oh, this is a set-up. Kaya naman pala.” Keith leaned on the table. “You’re thinking about someone. Ungkatan na ba ito ng past?” 

“Yeah, kayong dalawa talaga. Tuso ah? Ano pa ba ang puwede?” tanong ni Eloisa. 

Pagdating talaga sa creativity, mas ang advantage ni Jenny kaysa kay Shawn. Paano ba naman kasi, systematic mag-isip itong katabi niya. 

“Tulungan n’yo na lang ako sa pag-organize ng events for our reunion.” Matamis ang ngiti niya ngayon dahil mas pabor ang mga ito sa offer niya na sa resort na lang gaganapin ang Alumni Homecoming. At si Shawn na rin ang bahala sa shuttle buses na gagamitin ng mga ito papaunta ng resort niya. 

“We will still email them for invitations. Siguraduhin muna natin kung sino ang mga dadalo at kung sino ang hindi. Approximately, we are almost nine hundred so not everybody can attend. Magiging full packed ang hotel mo, Jenny,” sabi ni Vincent, nakapuwesto ang kamay nito sa baba nito.

“Ang iba diyan may pamilya pa. Ah! Speaking of family, ilan ang papayagan natin?” 

Nagkatinginan silang dalawa ni Shawn. Si Shaw ang nagsalita. Mukhang nakabawi na ito sa desisyon ng mga kasama nila na sa resort niya gaganapin ang batch reunion. “Tatlo. Hangga’t maaari ay tatlo lang. Higit tatlo naman sa isang suite.” 

“They need to make sure na dadalo sila dahil if-fix pa natin ang suite kung saan sila tutuloy,” sabi ni Eloisa. 

“Yeah, as much as possible. Also, do we have a possible date kung kailan mangyayari ang batch reunion?” tanong niya sa mga ito. 

“How about May? Bakasyon. It will be ideal for them,” suhestiyon ni Keith. 

May? Natigilan si Jenny. Peak season ang May at tiyak na marami ang guests niya ng mga panahong ‘yon. But this is a one time event. 

“Sigurado ka? Eh maraming magbabakasyon ng May. Perfect for beach outing. Not to mention, tatlong araw at dalawang gabi tayong nandoon.” Natumbok ni Eloisa ang iniisip ni Jenny. 

“Is it fine with you?” tanong ni Shawn sa kanya. Naghintay naman ang mga ito sa sagot niya. 

“Fine,” sang-ayon niya. “Hindi naman ako maba-brankrupt kapag officially na ipasarado ko sa ibang guests ang buong beach resort for the batch.” 

“Ah oo nga pala, may isang plantation engineer tayong kabatchmate. He’s in the US. Gusto niyang mag-sponsor. He delivered the email about his offer. Err, kaklase ko siya actually.” bigay-paalam ni Eloisa. “How about that? Accepting sponsors?” 

“That would be great.” Pinagsiklop ni Shawn ang mga kamay at tinukod ang siko sa mesa. “We can’t dump all of the expenses on Jenny. We need to plan the budgeting.” 

Nagtaas ng kamay si Keith. “Ako na ang bahala. I am an accountant. May experience ako sa Banking and Finance. And I’m the most trustworthy in this meeting. It will be an honor for me to accept the responsibility.” 

Tinawanan lang ito ng mga kasama nila sa pagiging pormal. “Tatanggap ako ng suweldo.” 

Kinantiyawan tuloy ito. 

Nagkasundo na silang lahat sa mga gagawin at nakaplantsa na ang mga plano para sa batch reunion. Nagkanya-kanya na ng uwi ang mga ito. Hindi aabot ng ilang oras ang pag-commute ng mga ito pag-uwi. Siya, ilang oras. Hindi din kasi siya nagkotse papunta roon. 

“Gusto mo ng makisabay sa akin?” sukat sa sinabi nito ay bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Na-stuck tuloy sila sa Café. 

“Lagi bang masama ang panahon sa mga araw na ito?” he asked to himself. 

“Out of the way, Shawn. Hassle lang pag inihatid mo pa ako.” 

“Isipin mo na lang na serbisyo ko na lang ito sa iyo.” Tiningnan niya ito na parang tinubuan ito ng ulo. 

“From batchmate and enemy, naging citizen na lang ako ng bayan mo? Iba ka rin ano.” Pagabi na at tiyak na delikadong mag-drive sa kalagitnaan ng gabi. “No. I think I will stay here for the night.” 

Kahit ayaw niyang bumalik sa bahay nila. Do she have a choice then? 

“Saan? Sa bahay ninyo?” And this man didn’t have an idea what’s going on in their home. Sa nangyari ba naman kay Daphne at ang katotohanan sa kanyang ina ay lumayo na rin ang loob niya sa mga matatanda sa bahay. 

“Never mind.” Nagbago na ang isip niya. Hindi na pala siya tutuloy sa bahay nila. “Check-in lang ako sa hotel. Ano ba ang pinakamalapit rito?” 

Malapit lang naman sila sa Ayala. Baka sa Marriott lang siya tutuloy ngayon. Maghihintay na muna siyang tumila ng ulan. Nanatili lang silang dalawa sa isang table at um-order ng mainit na kape. 

“Care to share it?” 

“Wow, di ko alam na personal basis na pala tayo.”

“Aren’t we before?” Tumikhim si Jenny at sumimsim ng mainit na kape. She looked away, staring at the wet glass wall. Tila falls ang patak ng ulan na tumatama sa dingding. 

“I don’t want to go home now. I don’t want to face them again.” 

“Kaya mo bang tikisin ang magulang mo?” Aware din itong ang Daddy lang niya ang meron siya kasama na sina Daphne at si Tito Max. “For how long?” 

Malungkot siyang ngumiti. “I realized that one of the reasons I built that beach resort is to run away from home. Noon, gusto kong pamahalaan ang negosyo namin. I did, for three years but I realized that it’s not enough for me. I want something from scratch, away from scrutinizing eyes. And then that happened. Masama ang loob ko sa ginawa nila kay Daphne. So I ran away too.” 

She didn’t forget that night. She escaped from her home and drive like a mad woman. Iyak siya ng iyak sa kotse niya at tinungo ang direksiyon ng bayan kung saan ang isa pang hometown ng kanyang ina. Ang Tabuelan. Nang makita niyang for sale ang isang lumang building ay sinamantala niya iyon. Kahit na sinasabi ng iba na imposible ang ginagawa niya. She pursued it. For her mother that she didn’t have any memory. 

Masama ang panahon nang salubungin niya ang mga alon ng karagatan. At sumigaw kung bakit may bakante pa rin sa puso niya. May kulang pa rin. Bakit hindi siya makonte-kontento sa buhay niya. 

“I told you before, I got into a lot of catfights with those bitches before because of my mother’s background. Gusto kong magalit pero how can I? I have to understand her through my father’s eyes. I was devastated to confirm it.” Naging seryuso ang expression ng mga mata nito. Clearly, he haven’t heard it before and Jenny didn’t tell a soul about. It’s a secret within the family. Nakalampas lang dati sa madaldal nilang katulong. 

“But asking why is futile when I discovered that she’s gone. She abandoned me. And instead of hating her, I only feel pity and pain. Why did she have to go through with that? All alone? Ayos naman sa akin na maghirap ako kasama siya.” 

She realized that tears were falling to her eyes that made him looked alarmed. Humugot ito ng panyo sa bulsa ng polo nito at inabot sa kanya. 

“But maybe she wanted to have a good life. Every parents want a good life for their children, even if they have to let them go. As for you, ang tatay mo ang nakita niyang magiging provider.”

“He raised me like a coldhearted woman.” Disiplinado siya ng kanyang ama noon pa. Daig pa niya ang sasabak sa guerilla kaya ang frustrations niya at anger ay inilalabas na lang niya sa school pag napipikon siya. At siguro, kapag kasagutan niya si Shawn. 

“You’re not.”

“Oh, god, bakit ako umiiyak sa harap mo? I swear I don’t want to be this vulnerable or a weakling in front of anyone.” Nakakahiya, nasa Cafe pa siya. Buti na lang ay kakaunti ang mga customers doon at may kanya-kanyang mundo. 

“It’s okay. It’s me. You don’t have to be strong all the time. We have our moments of vulnerability,” malumanay nitong sabi. Suminghot-singhot siya at tinahan ang sarili niya. 

Pinaypayan niya ang sarili niya. “Vulnerability? I bet, you secretly hide it. You are always strong.” 

“I have to. Or else people will devour me.” Hindi naman literal ang sinabi nito. 

“Ang drama mo. Buti pa umuwi na tayo.” 

“Tayo?” 

“Bakit?” nakataas na ang kilay niya. “Ihahatid mo ako di ba?” 

“Sa hotel? Are you sure staying in the hotel will be safe for you?” 

Nagdadalawang-isip rin si Jenny na mag-stay sa hotel. May bad memory siya sa hotel for a mistaken identity. Hinila lang siya ng isang matrona na inakala siyang prosti noon at muntik nang itapon sa lion’s den. Sa isang bachelor’s party kung saan sasayaw ang isang hubo’t hubad na babae. College pa siya noon. 

“Saan naman ako mananatili?” 

“At my house.” 

“What?” Kulang na lang ay kaltukan niya ito sa ulo. 

—-x 

Chapter 9

—-x 

Nag-order na lang ito ng dinner meals nilang dalawa sa Coats & Summer. Ang bahay nito ay nasa Maria Luisa Estate Park. It is where affluent people resides just like Ayala Heights where she lived before. Hindi rin naman magkalayo ang dalawang lugar. 

Nalula nga siya dahil may kalakihan ang bahay nito. Iyong tipong hindi kayo magkikitaan ng isang araw sa lawak. 

“You bought this?” 

“Yeah, years ago. It was an impulsive decision but I bought it for millions. Oo, masakit sa bulsa. Worth it naman. Look.” Itinuro nito ang malawak na terasa kung saan makikita ang buong Cebu City. Maganda ang tanawin roon at puwedeng tumambay. Umupo siya sa isang upuan roon na floral ang design ng sandalan. 

“Ang ganda rito.” 

“Yes, kapag pumupunta ako rito sa city. Dito ako dumerecho. Ayos na rin kaysa magrenta. Hindi naman ako nandito lagi. 

“A taste of both worlds. The greenery and the bustling city.” Napangiti siya ng maalala ang college memory na iyon. “Should I tell you that I developed a hotel trauma when I was in college?” 

He raised his eyebrow. “What is it?” 

Natagpuan na lamang niyang ikinuwento ang nakakatawa at traumatic niyang experience. 

“My college friends made me look like a slut. The heavy make-up, the smokey eyes, full red lips, and plunging neckline. Magc-club kami at dahil nga desperada na silang magka-boyfriend o kahit man lang may makasama sa gabi. Sumama ako. It’s my way of forgetting what I grimly discovered from my mother. Turns out, when I wa walking on the hallway someone grabbed me mumbling that I am late. Nagulat na lang ako na ipinapasok niya ako sa isang bachelor’s party at sinabing maghubad ako.” 

“What? That’s not funny.” Nagsalubong ang mga kilay nito, hindi nagustuhan ang narinig. 

Ngumiti siya at hinarap ang magandang tanawin sa gabi. “After that, I was cautious of walking in the hallway but hey, I am comfortable with my hotel. Di naman kasi mukhang hotel. Mukha lang kasing guest house. I made it that way to blend with the nature. Parang bahay lang talaga na may rooms. Minsan, naalala ko. Mas worse nga lang if it’s a classic or a normal hotel where there’s a red carpet. Naalala ko ang mga ingay ng mga lalaki sa party na iyon. Nakakapanginig ng laman. God! How dare they want to have a naked woman in front of them dancing! And one of them is marrying! That freaking asshole!” Umasim ang mukha niya sa alaala. 

Natawa naman ito sa ikinuwento niya. “It is better to have someone with you. And don’t do heavy make up. Hindi naman kailangan.” 

“Na what?” she challenged. 

He smirked. “Are you fishing for compliments?”  

“Hello? Alam kong maganda ako. Walang argument para diyan.” Mas maganda siya sa mga nakikita niyang mga babaeng nakaabrisete rito sa mga nakalipas na mga taon. Naipilig niya ang ulo. Bakit iyon ang pumasok sa isip niya? “Oh bakit kokontra ka?” 

“Nagtataray ka na naman.” 

Dumating na ang in-order nitong dinner meals para sa kanilang dalawa. They decided to eat it on the terrace. May pabilog na mesa roon kung saan nila inilapag ang mga boxes na may meals. Tinulungan niya itong ilipat ang mga pagkain sa plato at bowls. 

“Masarap pagkain ni Klint ah. That guy, akala ko puwede na siyang isalang sa mga tabloid sa pagiging tsismoso,” sabi ni Jenny matapos tikman ang niluto nitong chicken cordon bleu.

“No one knew he could cook before. But we knew how he despised the canteen’s food sometimes.” 

“Even Daphne. Tingnan mo ngayon, naging barbecue store owner.” Simple na ang buhay ng kanyang pinsang si Daphne sa piling ng dalawa nitong anak at ng asawa nitong si John Dale. Ang dalawa talaga ang nagkatuluyan. 

“How’s your cousin?” 

“She’s finally happy. Malayo man sa kinalakhan naming lifestyle noon ay masaya siyang maging housewife at maging isang ina.” She could remember the face of happiness in her cousin’s face wishing she could have that. 

They both savored the food and ate to their heart’s content. Jenny couldn’t feel her stomach after eating. Sa sobrang busog ba naman niya. 

“Ang lucky ng fianceé ng damuho na ‘yon. Puwede mong bulabugin para ipagluto ka ng kung ano-ano.” Hawak-hawak niya ang busog niyang tiyan. “I don’t think I eat this way before.” 

“Masarap talaga ang pagkain niya kahit na nakakairita mukha niya minsan.” 

“Biktima ka lang din naman ng pantsi-tsismis niya dati. Remember that he spread about you having a girlfriend?” She snickered at the memory. 

“Muntikan mo na akong sabunutin. Hindi ko alam na nagseselos ka pala.” 

Naitirik niya ang mga mata niya. “Hello? Kapal naman ng mukha mo, dong. Hindi no.” As if naman aaminin niya ang kaguluhang ‘yon. 

“Madami pa siyang atraso sa aming tatlo.” Naniningkit ang mga mata nito. 

“My my, ang bilis mo namang sumagap ng mga may atraso sa ‘yo. Baka mamaya, maniningil ka na ng utang.” 

“I have more time during the batch reunion.” Naningkit naman ang mga mata niya. 

“Sa palagay ko, may personal motive ka sa Hotseat booth. Sino ang malas na couple?” 

“Daisy and Noah.” 

Nanlaki ang mga mata niya. “What? I thought? Wow, so totoong may something sa dalawa? After all these years?” 

“There are other couples too.” 

Nagkatinginan silang dalawa. Siya ang unang nag-iwas ng tingin dahil tiyak niyang pareho sila ng iniisip ngayon. She drank the four seasons drink. 

“Gusto mong maglakad muna tayo? To cool down. Andami nating nakain,” pagyaya na lang niya. Gusto niyang maging occupied ang katawa niya kaysa tumambay sila doon sa terasa. Baka kung ano pa ang magawa niya. 

“Okay,” he agreed. Nagtulungan na lang silang dalawa na iligpit ang mga pinagkainan nila. Naubos naman nilang lahat at kaunti lang ang mga hugasin. 

Tahimik ang neighborhood at dahil nga mayayaman ang nakatira ay bihira ka lang makakita ng tao sa gabi. Secured naman ang lugar at safe. 

“May I know kung bakit binili mo ang bahay na ito?” Nakatingala siya sa kalangitan na napapalamutian ng mga bituin at buwan. 

“An impulsive thought. Or a vision that I saw,” nangungunot ang noo nito nang sabihin iyon. 

“Vision? You mean, future?” 

“A silly one. Actually. But impossible.” 

“Masyado mo namang ina-underestimate ang thought mo na ‘yun.” 

Napalingon tuloy ito sa kanya. Sa gilid ng mga mata niya, tila may inaarok ang isip nito. Ayaw niyang alamin. Mas mabuti nang tahimik na lamang siya. 

“In the future, gusto mong tumira rito? You bought a big house.” 

Hindi ito makapagsalita. “Teka? So that’s your silly thought? Ang magkapamilya? Bakit hindi mo na lang ako dinerekta? Hindi naman kita pagtatawanan. Kahit ako noong makita ko sina Daphne at John Dale, nagbago ang isip ko tungkol sa marriage and living with someone until you grow old. I said to myself, I can’t be lonely for so long.”

Patuloy lang sila sa paglalakad, magkatabi. Her hands behind her. Ito naman, nakapamulsa. 

“Wait, who’s the unlucky lucky woman? One of the women who you have dated with? Mga dates mo sa events.” 

Dati, noong siya pa ang namamahala sa business ng kanyang ama. Hindi makakaligtaan na nakikita niya sa business events si Shawn. Nakikita niya itong may babaeng nakaabrisete sa braso nito. 

“Those women are my grandma’s idea. She wants me to marry to have grandkids.” 

“You’re still young that time.” Early twenties pa sila. 

Bakit ba obssess ang mga matatanda na ikasal ang mga younger generations? Hindi madaling bumuhay ng mga bata. Your life will change in three-hundred-sixty degrees. 

“I am. She stopped when I rejected a senator’s daughter.” 

“Oh the senator’s daughter. Usap-usapan na ang babaeng ‘yon ay other woman ng isang congressman. A scandalous one.” 

“My grandma’s taste is terrible. Muntik pa akong pagsalamantahan ng isang babae.” 

“But you refused it? Wehh?” Tinaasan lang siya nito ng kilay. Nasisinagan ito ng liwanag mula sa buwan na nahahaluan ng liwanag sa lamp post. Bakit ito gumuguwapo ng ganoon? Dahil ba gabi? Parang naging soft ang aura nito ngayon. It’s as if his defenses are not on guard. 

“I don’t like women who are aggressive and doesn’t have a head.” Natawa naman siya sa sinabi nito. Ayaw nga nito sa mga mahihina ang utak tapos ganda lang. 

“Mataas standards mo ah. Muntik ka pang mapikot.” 

“My grandma is still alive. And she said she won’t let death beat her. She needs to see my grandkids.” Parang sumasakit ang ulo nito sa usaping ‘yon. 

“Only time will tell. Malay mo, kakatagpuin mo ang babae na para sa iyo. Na kaya kang banggain.” And then Jenny’s smile disappeared when she realized what she’s saying. “Balik na tayo?”

Tahimik lang itong tumango, seryuso na naman ang ekspresyon sa mukha. 

—-x 

Chapter 10

Tatlong oras na napuyat si Jenny kakaisip na nasa iisang bahay silang dalawa ni Shawn at magkatabi ang kuwarto nilang dalawa. Iyon pa talaga napili niyang room. Madami namang bakanteng rooms sa bahay nito. 

She woke up, feeling re-energized. It took her seconds to realized that she’s not in her home in Tabuelan. Malapit lang sa dalampasigan ang bahay niya kung saan tumatambay siya sa porch habang nakatanaw sa karagatan.

Napahikab siya. At oo nga pala, suot-suot niya ang damit ni Shawn sa kanya na maliit na rito pero hanggang legs naman niya ang haba ng shirt. Parang wala tuloy siyang suot na shorts. 

Bumaba na siya’t tinungo ang kusina. Nagkagulatan pa silang dalawa. Kakasara ang nito ng ref at siya naman ay nasa pintuan. Dishiveled ang buhok nito, bed hair. Bagong gising pa ata ito dahil sa medyo singkit pa ang mga mata. Then his landed on her clothes, doon nagtagal ang mga mata nito. Pati siya napunta ang mga mata sa muscles nito at sa suot nitong boxer shorts. 

“Sorry. I need to go to the bathroom.” It was awkward. Hindi siya nakasuot ng brassiere. Nakakahiya. She facepalmed when she entered the bathroom. Doon siya naghilamos at nag-toothbrush. Buti na lang talaga may disposable toothbrush ito doon. 

“Breakfast?” tanong nito sa kanya pagkalabas niya, sinikap nitong hindi maligaw ang mga mata niya sa baba. 

“Wait, bihis muna ako. Tulungan na kita.” 

Are they really having this caught off-guard moment? It’s their first time waking up and seeing each other the first thing in the morning. 

Napasapo siya ng kanyang pisngi at tinapik-tapik iyon. Nang makapagbihis nang tuluyan ay bumalik na siya sa kusina. Maging ito ay nakabihis na, hindi na nakasuot ng boxer shorts at sando. 

Nang dumulog na siya sa hapag-kainan ay natawa na lamang siya. “That was awkward a while ago.” 

Napapailing na rin ito. “You look homey for seconds.” 

Natawa siya lalo. “Masyado ka namang nadala sa magandang ako sa umaga. Ang gulo pa nga ng buhok ko.” 

Strips of bacon, sunny side-up egg, toasted bread at kape. Black coffee ito at sa kanya naman ay nilagyan niya ng creamer. 

“Hatid na kita pagkatapos nito. I received a call from the office. I need to get back.” 

“Magpapasundo na lang ako sa town mo.” 

Tumango naman ito. Kahit makapal ang mukha niya minsan, gaya ng pag-stay niya sa bahay nito ay di naman aabot sa puntong sasamantalain niya ang sitwasyon. 

Minutes later, they were in his car driving back to Sogod, the town where he’s a mayor. To not get bored on the road, band music blasted on the car’s stereo. Siya naman nakatitig sa nadadaanan nilang lugar. Naglalaho na ang mga tall buildings 

“Are we really having this without arguing? Do you think this is really happening?” panimula ni Jenny. 

“We are,” he confirmed. “We were those immature kids before.” 

“Thank you nga pala, for letting me stay,” sinsero niyang pahayag. Hindi lang ito umimik habang nagmamaneho. 

—x

“She started it! I won’t do this shitty thing if only she shut her damn mouth!” reklamo ni Jenny, inaayos ang magulo niyang buhok na sinabunot ng ingratang babaeng nambackstab sa kanya. 

“Stop it you two! Bakit ba umabot sa ganito? I thought it was an emergency. Makikita ko lang pala ang Vice President at ang isang third year student. Really, Jenny. A third year student?” patuyang sambit ni Shawn na pumagitna sa kanilang dalawa. 

Marami ng mga estudyante ang nakapalibot sa kanila para umusyuso. The catfight just few meters away from the school premises. Sinadya ni Jenny na makalabas ang mga ingrata. Masakit ang scalp niya dahil pinagkaguluhan siya ng dalawa. 

“Pres, look at this. This is what she did on my arms.” May scratch ng nails doon. 

Sumbungera. Akala mo naman anghel. Sino ba ang ingratang nagkakalat na isa siyang player? Dahil lang nagka-crush sa kanya ang boyfriend nitong di naman kaguwapuhan. 

Napairap siya. “What did you do? I know Jenny. She would not do this if there’s no reason.” Naging masungit ang aura ni Shawn. Buti nga. Kilala naman siya ni Shawn na hindi unreasonable. 

“Inagaw niya boyfriend ko.” 

Kulang na lang kaltukan ito ni Shawn. Nagpa-cute pa talaga. 

“It’s not my fault that I’m prettier than you, you dimwit.” Mas matangkad siya dito. At nagalit na naman ito at balak abutin ang buhok niya. 

“You! Transferee ka lang naman rito!” She rolled her eyes, crossing her arms. 

“Jenny, shut up your mouth. At ikaw, what is your basis that she stole your boyfriend? Where is your boyfriend? Did you ask him why he’s crushing on Jenny? You can’t blame this entirely on Jenny. And for the love of God, why am I hearing this nonsense argument of teenage hormones?” galit na galit na ang tono ng boses ni Shawn. Sinadya nito iyon para masindak ang dalawa. Para namang pusa na nag-sorry ang dalawa. 

“And you, follow me.” Gusto niya itong sipain. Ano na naman ba ang isesermon nito sa kanya? 

Naiwan ang dalawang depleted na jellyfish. Sinamaan pa siya ng tingin ng mga ito nang dumaan siya sa gilid ng mga ito. 

“Her boyfriend is not even handsome. Hindi pa nga ‘yun nangalahati sa ‘yo.” bulong na ang huling mga salita niya. Baka lumaki pa ang ulo nito. 

“Did you have to stoop that low, Evangelista?” He’s calling her surname. Napangiwi na lang siya. Kaunti na lang, mawawalan na ito ng pasensiya sa kanya. 

“You don’t have to meddle in my mess. Are you my older brother?” pagtataray pa niya. 

“Di ‘yan umeepektibo sa akin.” 

“Duh! Sinong hindi magagalit na pinagkakalat nilang hindi ako virgin when it is not the true!” hindi niya mapigilang sumbong rito. 

Namula siya nang mapagtanto ang sinabi out of impulse. Ito naman, natigilan a nagulat sa outburst niya. 

“That will died down, Jenny,” mahinahon nitong sambit. 

“I just can’t stand there hearing the hearsays. Na hindi naman totoo at tsismis lang. I really don’t like rumormongers that spread vile statements. Kung puwede ko nga lang ipakulong.” Rumormongers din ang may pakana kung bakit kumalat na isang high class slut ang kanyang ina. 

Napabuntong-hininga ito. Hands on his hips. “Are you okay?” 

“What?” She was taken aback at his words. 

“I was referring to your scalp. Dalawa sila. I don’t think your scalp is not in pain.” 

“Masakit nga. I can manage. Sanay na ako.” Napailing-iling na lamang ito. “But why do you have to meddle when I’m in a fight? For the record, I have no adopted older brother.” 

“I don’t know. I have to urge you to meddle in your business. It’s your fault.” Pinandilatan pa siya nito. 

Napasinghal siya. “Aba! Kasalanan ko pa talaga! Urge na pinagsasabi mo?” 

“You are my responsibility.” 

“Wow, wala namang nag-utos sayo, Mr. President,” sarkastiko niyang wika. 

“Don’t act like a spoiled brat now. It’s because you are under my jurisdiction as a President of the SSG.” 

“I am a spoiled brat!” deklara niya. “And we are equal. Don’t treat me like I am your underlings.” 

“Kailan ba kitang tintratong underling ko?” tanong nito. 

Nagsukatan sila ng tingin. 

“Ano na namang drama ‘yan? May popcorn ka ba diyan, Marc?” 

Saktong sumulpot mula sa kung saan ang dalawang kaibigan ni Shawn na sina Klint at Marc. 

“Away mag-asawa bro.” 

“Shut up!” sabay pang chorus nilang dalawa. 

“Mabuti pa, mag-evacuate na tayo bro.” Magkaakbay na umalis ang dalawa, makaiwas lang sa apoy na binubuga nila. 

“That would be the last time you got into a fight.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “You are not the one to decide. You are not my father. At puwede ba, mag-girlfriend ka na at hindi ako ang pinapakialaman mo!” 

Then she stormed off, leaving him clenching his jaw. 

—-x 

Chapter 11

Kumakalat sa buong batch na may girlfriend na daw si Shawn. Si Klint ang may pakana dahil nakita nitong may kasamang babae si Shawn sa isang mall na nakasuot ng uniform ng isang international school. 

Hindi alam ni Jenny kung bakit nagpanting ang kanyang tainga. Parang kailan lang, sinabihan niya itong mag-girlfriend para hindi siya pakialaman nito sa mga away na nasasangkot siya.

“Maganda ba girlfriend niya?” 

“Siyempre! Pogi kaya ni Pres kahit mukhang nangangain ‘yon ng buhay.” 

“Ay naku, sino kaya ‘yun ano? She tame the President.” 

Kapwa pa naghagikhikan ang mga kaklase niya. Sinamaan na lang niya ng tingin ang sinusulat niyang formal theme. Kung puwede lang ihampas niya sa dalawa ang malaki niyang notebook. Nakaramdam ata ang mga ito ng dark aura niya kaya lumayo ang mga ito. 

Paki ba niya kung magka-lovelife ito? Ang loko, mukhang tinotoo ang sinabi niya noong isang araw. Pumasok ito sa classroom kaya natigil ang tsismisan ng mga kaklase nila, napakunot-noo tuloy si Shawn. Ang lakas talaga makaramdam ng hinayupak. 

She rolled her eyes inwardly. Nagsimula na ang klase nila at siningil na ng guro nila sa English ang formal theme nilang nakalimutan ng ibang classmates nila sa kakadaldal ng mga tsismis. She smirked to herself. 

Uwian na nang makasalubong na naman niya sa bungad ng CR si Shawn. Pareho silang lumabas sa magkatabing CR ng boys at girls. 

“You actually have a girlfriend?” mataray niyang tanong rito. 

“Are you jealous?” She rolled her eyes. 

“As if,” she denied. 

“It’s just a rumor. Family friend ang kasama ko. And she has a boyfriend for god’s sake. Why would I mess with someone who has a boyfriend?” 

“Dude, hindi mo naman kailangan i-explain ‘yan sa ‘kin.”

Mataman siya nitong tiningnan. “Don’t ‘dude’ me, Jenny.” 

She rolled her eyes. Bumalik siya sa classroom nila gaya nito. Magkasabay tuloy silang naglalakad sa corridor. “Akala ko tinotoo mo na ang sinabi ko the other day. That finally you have a girlfriend. That way, you are to absorb with your lovelife that you won’t mind about my mess.” 

Ewan niya kung bakit may relief sa kanya nang marinig na hindi naman nito girlfriend ang tsini-tsismis ng mga estudyante. 

“I don’t have time for that. And do you think that I’m that kind of boyfriend who’s head over heels with my girlfriend?”

“Oh, workaholic ka nga pala. Kawawa naman magiging girlfriend mo.” Then they reached their classroom without clawing at each other. They could last for minutes. 

They went back to their seats. 

—-x 

Naiinitan na si Jenny sa uniform niya. She chose to roam around the Carbon market na nasa harap lang ng USJR. Kakain na lang siya ng streetfood roon dahil kanina pa siya takam na takam. 

Matagal silang nai-dismiss ng prof niya sa Finance subject. Bored na bored na siya at ginutom na sa kakakakinig rito. 

Kumain siya ng saang na may kasamang suka na masarap ang timplada na pinaresan niya ng puso. Hindi naman siya attracting sa mga snatcher doon dahil wala siyang suot na earrings at bracelet. Maigi ng mag-ingat. 

Habang ngumunguya ay may nakita siyang pamilyar na bulto. 

Shoot! Is that Shawn walking towards the direction where she was eating? And he didn’t see her. Napatalikod tuloy siya. 

This is her first time seeing him after that humiliating incident way back in highschool. She promised not to cross paths with him.

Kahit pa may nginunguya pang kanin ay nagbayad na si Jenny sa street vendor at napaubong lumayo roon. She stayed near the sidestreets where the vendors sell their flowers. May dumaang nagbebenta ng water bottle kaya bumili siya noon. 

Ano bang ginagawa ni Shawn sa Carbon market? Kakatwa ang pagsulpot nito bigla doon. Sa USC ito nag-aaral, may kalayuan naman ang university nila at one percent lang ata ang possibility na magkita sila ulit. 

Napauwi si Jenny, takot na makasalubong ito ulit. Baka may magising na damdamin niya rito na ibinaon na niya. Natatakot kompirmahin kung kapareho pa ba ng dati ang lahat. 

—-x

Nagulat na lamang si Jenny nang hilahin siya ni Shawn. Nabangga niya sa likod ang katawan nito kaya ang nangyari, para tuloy ito nakayakap sa kanya. 

Agad siyang lumayo rito nang makaramdam ng kakaiba. 

“Will you be careful? Bakit hindi mo nakitang may paparating na sasakyan? Are you blind?” naiinis na sambit nito sa kanya. Parang sinasabi nito kung gaano siya katanga. “Muntik ka pang masagasaan!” 

Sa dami ng iniisip niya, nakatulala na lang siyang naglalakad. 

“Oh mas mabuti na lang ‘yon! Ang masagasaan ako!” Kung mangyayari iyon, papansinin na siya ng ama niya. Hindi lang sa paraang masasangkot siya sa mga gulo ay saka lang siya nito pagtuunan ng pansin. 

“What? Are you nuts?” singhal nito. 

“My enemies will be happy about that,” she muttered. 

“Hindi ako sasaya pag nangyari iyon. Do you think hahayaan na lang kitang magpasagasa? That will be a suicide kung sinadya mo iyon.” 

“Eh pakialam mo ba ha! Daig mo pa ang Daddy kong wala namang pakialam,” inis niyang pahayag. 

Natigilan ito. “Are you doing this on purpose because of your father?” 

“For the nth time, wala ka na doon. It’s my life. It’s my choice,” she stubbornly walked, like a kid having tantrums. 

“Hey, where are you going?” May himig na pag-alala ang boses nito. 

“Puwede ba tigilan mo na ako?! Why can’t you leave me alone? Why do you actually care so much? Why don’t you suit yourself like before? I am not a damsel in distress that needs help. And please, can you stop acting like you care?” Because he’s giving her emotions she’s not going to confront. She didn’t like it when she’s gaining unusual feelings for him just because he acted like a dashing knight beside her. 

Natahimik naman ito sa litanya niya. 

“I don’t know why I am meddling,” ang tanging nasabi nito. 

“I don’t need your protection, Shawn,” malumanay niyang sambit at tuluyan ng naupo sa gutter. Tila naubos ang enerhiya sa confrontation nilang iyon. “Pagod na ako, Shawn. Can you leave me alone now?” 

She needs to regroup, to collect herself. She didn’t want to act out her emotions now that were in a complete mess. 

She heard him sigh and stormed off. 

Was he confused too? 

She didn’t see this coming. 

Not until that painful ending. 

—-x 

Chapter 12

—-x 

“Bihira lang itong magyaya ka,” untag sa kanya ni Lirio. 

Nasa isang restobar silang tatlo. Binalitaan lang niya ito sa gaganaping Alumni Homecoming sa summer vacation. 

“He’s having troubles,” bulong ni Noah na narinig naman niya. 

“Said the one who’s actually nervous about meeting his first love. Aww!” Nakatanggap ng mahinang suntok sa tagiliran si Lirio mula kay Noah. 

Tumungga ng beer si Shawn. Naglandas ang likido sa lalamunan niya. Napangiwi siya sa lasa, hindi talaga siya liquior drinker puwera kay Noah noon na ngayo’y nagbagong-buhay na. 

“You remember the time why I bought my house here?” Napabaling na ang dalawa sa kanya. Napagitnaan siya ng mga ito sa high-stool ng restobar kung saan tumutugtog ang isang malamyos na jazz music. 

“Yeah? You bought that house out of impulse. For a practical person, you bought a large house all to yourself,” sabi ni Lirio, pointing the obvious. Napangiwi din ito sa tinunggang beer. Nag-request ng cocktail drink gaya kay Noah. 

“There’s a reason for that,” panimula niya. 

“Yeah, but you didn’t tell us about it.” segunda ni Noah. 

“It started out of a silly thought.” 

“Silly? Kailan ka pa nagkaroon ng silly thought?” Sinamaan lang niya ng tingin si Lirio na ngumisi lang. 

Naalala niya kung paano siya nagmukhang jealous husband sa malayo. Isang car event iyon at kasama siya sa mga bisita. Isa pa siyang councilor ng isang maliit na bayan. 

Nakita niya itong nakikipagtawanan sa kasama nitong lalaki na may blue na mga mata. Kailan ba nito naging tipo ang may foreign blood? The guy looked like the usual blonde guy in the movies who gets the girls all the time. Naiinis siyang nakikita itong nakikipagtawanan sa naturang lalaki. 

Lagi na lang kasi itong naiinis at galit sa kanya. Nagsasalubong ang kilay nito. Dragonesa ito kung tawagin ng iba. Mataray ang mataray na nitong mga mata sa kanya. At medyo high pitch ang boses nito kapag naaasar na at nawawalan na ng pasensiya. Hindi ito ganoon sa kanya, ang nakatawa at handa ang mga ngiti. 

Napabuntong-hininga si Shawn at hinilot ang sentido niya. 

“It was actually because of a realization. Maybe my cupid-like grandma influenced me. An idea came into my mind when I saw that huge house for sale. I saw a picture of a happy family in my mind.” 

Natahimik ang mga ito. Alam ng mga ito ang stand niya tungkol sa marriage at marriage life. 

“Who’s your wife then?” 

Ito ang problema niya. 

He was a coward before. 

Patlang. Nagkatinginan ang mga kaibigan niya. Lirio patted his back. 

“It’s okay. We understand you. Kahit hindi mo pa sabihin sa amin,” malumanay nitong pahayag. 

“I don’t think she can accept what I did before to her,” he said glumly. 

“Man, that was . . .” Napailing-iling si Noah.

“You can’t have what you want then if you won’t risk. Will you remain as a coward?” 

Natawa na lang bigla si Lirio. “We have to draw a period during the Alumni Homecoming. And find out who the heck is Quince. Baka sa batch reunion ko lang siya makikita.” 

“Good luck with that,” sabi ni Noah rito. 

—-x 

Okay, she’s fine. Kahit pa kanina pa masikip ang dress niya. Tumataba na ba siya lately? Managing a large business cause her stress. May mga naysayers pa at spectators for her downfall sa paligid niya. Just because she’s a woman. 

Huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa pagpasok sa bulwagan. Walang katapusang social gatherings at pakikipagsosyalan. 

Iisipin pa lamang niya, bored na siya. 

Ewan niya kung bakit naging magnet ang mga mata niya sa lalaking nakasuot ng navy blue suit. Naka-brush up ang buhok nito at may nakaabriseteng babae sa braso nito. Babaeng halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong gown. 

Mas maganda naman siya rito. Simple make-up lang ang meron siya at nakasuot siya ng white vintage dress. Mukha siyang anghel kahit ang demonyita ng mga mata niya. 

Nag-iwas siya ng tingin at nagkunwaring nakatingin sa malayo. Nasilaw pa siya dahil may timawang nagsuot ng glitter. And was it a silver suit? Gosh, ampapanget talaga ng tastes ng ilan sa event na ‘yon. 

Naitirik niya ang mga mata niya nang mapansin sa gilid ng mga mata ang pagbulong ng babae kay Shawn na may kasama pang tawa. Sarap tusukin sa mga ito. Pagbuhulin niya ang mga ito eh. 

“Hey, beautiful lady.” A blonde guy with blue eyes approached her. Ang dashing nito sa suot na white tuxedo. May mga babae nga sa paligid na kulang na lang maglaway rito. 

Tinaasan niya ito ng kilay. Malas niya, wala siyang date. Wala siyang panlaban kay Shawn na nagdala ng date. Kaasar. 

“Hey, handsome creature,” balik pambobola niya rito. He chuckled. 

“Why did it sound like the opposite.” Bumulong ito sa kanya. “By the way, I’m bored. I’m tired of looking at boobs that look like they have been mawn by mawn lower.” 

Sukat sa sinabi nito ay natawa siya. Naitakip niya ang bibig niya dahil medyo napalakas ang tawa niya. “I thought you’re like the popular jerk in the movies that I want to punch.” 

Napangiwi ito sa sinabi niya’t natawa. “Sorry, I’m just near to you because you don’t seem you’re interested in me. And you look like you are bored to death.” 

“I am. And you can have by my side to ward off jerks, well apart from you.” Natawa na lang ito sa sinabi niya at nanatili nga sa tabi niya. Bahala na kung ramdam niyang nakatingin sa gawi nila si Shawn. Bahala ito sa buhay nito. 

“The punch tastes like water in the fountain.” Natawa na naman siya sa pagkokompara nito. The guy had this weird thing of associating things. 

“Who wants to drink blue green punch? I’m starving. You want to eat dinner somewhere?” Sinadya niyang ngumiti rito. Tinaasan tuloy siya nito ng kilay. 

“Me? You’re asking for a date?”

“Not exactly. A dinner only. Not a date.” 

Confuse naman itong napatingin sa kanya. “In our language, kaon, mangaon ta okay?” 

“Oh, okay.” 

“You understand that?”

“Marunong ako.” Ang fluent pa ng loko. Walang slang. Pinandilatan niya ito. 

“How dare! Marunong ka pala ng native language!” 

Iniwan niyang ang sama ng tingin ni Shawn sa kanya. May date naman ito. Sana magsawa mga mata nito sa dibdib ng ka-date nito. 

—-x 

Kahit papaano ay napawi ang boredom niya dahil kay Jessie. Ang half-American half-Pinoy niyang nakasamang kumain sa isang eat all you can. 

Bago nga pala ito sa negosyo at nagkataon namang related lang ang business nila. Kaya sinabi niya ritong puwede silang maging kasosyo kahit na startup pa ang business nito. 

Nangunot ang noo niya nang makaramdam ng kakaiba sa bahay nila. 

“Get out of this house! At huwag na kayong bumalik! Pack up your bags, Daphne, and live with your man. Ginusto n’yo iyan! You keep it then don’t think of begging and come running at me.” 

“Dad! I’m so sorry!”

“Sir—”

“Shut up! You young man! You impregnate her! Then take the responsibility. Savor and endure this life you will experience.” 

Ngayon lang niya narinig na ganoon kagalit ang Tito Max niya. Hinubad niya ang heels niya at basta na lamang iyong itinapon sa bushes sa labas ng bahay nila. Kumaripas siya ng takbo papasok ng gate. 

Naabutan niyang panay ang itsa ng kanyang Tito Max ng mga gamit. Mga gamit ni Daphne. Nakatalikod ang mga ito sa kanya at nakita niyang yumuyugyog ang balikat ni Daphne, nakayakap ito sa boyfriend nitong si John Dale.

“Haharapin ko po ang responsibilidad ko, Sir dahil ako ang ama ng dinadala ng anak n’yo. Di ko man siya mabigyan ng buhay na nakasanayan niya. Bubusugin ko siya sa ligaya at pagmamahal.” 

Bahaw na natawa si Tito Max. Nangilid ang mga luha ni Jenny sa nasaksihan. “Pagmamahal? Ligaya? Ang lakas mo namang sabihin iyan, hijo eh wala ka pag napatunayan sa buhay! Hindi mapapawi ang gutom niyo sa ligaya at pagmamahal na iyan!” 

“Pa! Bakit? Sa tingin mo ba nakikita kitang masaya sa kabila ng karangyaan ng buhay natin? Hindi, Pa. Simula nang mawala si Mama, hindi ka na katulad nang dati. Hindi ka sasaya sa pera lang.” 

Muntik na itong saktan ng ama nito kung hindi lang nakaharang si John Dale. Hindi na nakatiis si Jenny at humarang na. 

“Tito! Sumusobra na po kayo! Anong problema kung ito ang direksiyong tinahak ng anak ninyo! Ang tapang-tapang ng pinsan ko! Nagawa niyang salungatin ang lahat ng expectations na ako nama’y sunod-sunuran lang. Sige, itakwil n’yo po siya. At nang makalaya na siya sa rehas na ginawa ninyo ni Daddy!” 

“Jenny!” Narinig niyang galit na sigaw ng kanyang ama na si Israel. 

“Jenny,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Daphne sa kanya, umiling-iling. Ayaw nitong madamay siya sa galit ng dalawa. 

Maluha-luha na rin si John Dale na niyakap si Daphne upang pakalmahin. “Sige, paalisin n’yo siya.” Pinagpupulot-pulot niya ang mga damit ni Daphne at isinilid sa maletang isinama ng kanyang Tito Max. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa mga mata niya. 

“Heto, kailangan mo ‘yan.” Ibinigay ni Jenny ang wallet kay Daphne na ayaw sana nito tanggapin ngunit siya naman ang naglagay sa bulsa ng suot nitong payak na dress. “Umalis na kayo. Baka ano pa ang magawa ni Tito Max. Alaagaan mo ng mabuti ang pinsan ko, John Dale.” 

Agad namang tumalima si John Dale na nanatiling matatag sa kabila ng hinarap nitong komprontasyon mula sa kanyang Tito. 

“Pa, wala ka bang gagawin?” umiiyak na tanong niya sa kanyang ama na madilim ang ekspresyon. Nag-alala siya kung saan mananatili ang dalawa. Gabing-gabi na at maselan ang sitwasyon ng kanyang pinsan. 

“Max did the right thing. They should endure the new life they choose.” 

“Lagi naman kayong ganyan!” Hindi na siya nakatiis pa. “Hinayaan n’yo ‘yang magdusa ang aking ina na mag-isa, suffering from an incurable disease! And you knew that! You knew that, Pa! You didn’t do anything about it. Not even visiting the funeral! Do you think tumigil na ako gaya ng payo mo dati? I went to Dumaguete and found out why she abandoned me to you.” 

Nagulat ang kanyang ama, hindi makapaniwala sa sinabi. Nag-subside ang galit na galit na si Tito Max pero andoon pa rin ang pagiging bato nito sa ginawa nito sa kaisa-isang anak. 

“I’m through with this life! Para akong preso na naghihimas sa rehas na ginto, Pa! Ayoko na! Pagod na akong magkunwari kaya ko pang iahon ito.” She’s pertaining to their business that involves an import-export materials and equipments for technology. 

Nagmartsa siya patungo sa kuwarto niya. Walang narinig na explanation mula sa kanyang ama. 

Nagsimula na siyang mag-empake habang umiiyak sa magkahalong poot, sakit, inis, pagkahabag sa kanyang ina, at galit sa kanyang ama. 

—-x 

Chapter 13

—-x 

“Nakakatampo kayo. Hindi n’yo man lang sinabi na ikinasal na pala kayo through mass wedding,” nagtatampong sabi ni Jenny kay Daphne. 

Sa Balamban na nakatira ang dalawa kasama ang bagong silang na sanggol ng mga ito na si Matteo. Mana sa ama nitong tisoy at may dimple. May cleft chin din ito kagaya ng ina nito. 

Pagkaluwal ni Daphne kay Matteo ay nagdesisyon na ang mga itong magpakasal. Papalapit na rin naman ang mass wedding ng mga panahon iyon kaya agad itong nagpakasal. Si Daisy nga lang nakaabot. Kamag-anak pala ito ni John Dale. 

“Sus, Soon. Pag okay na kami ni Papa, makakadalo ka na ng kasal,” nakangiting sambit nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin okay ang mga ito. 

“Tito Max is a nightmare. Pinantayan na niya sa pagiging workaholic si Daddy Israel. They’re the worst.” 

“Sorry, I leave like that,” malungkot nitong sambit. Sa gilid nila ay pinapatulog ni John Dale ang anak nila. 

“Mahirap ba?” tukoy niya sa lahat-lahat na pinagdaanan nito. 

“Mahirap maging ina, Jenny. Umiiyak na nga lang ako sa kalagitnaan ng gabi. Ang mga bagay na madali ko nang mabili noon ay hindi ko na nabibili. Dati, It’s always myself but now. It’s always Matteo. But still I’m glad for the things that happened. It taught me to view simple things in life that I often overlooked before.”

Buti pa ang mga ito, kahit simple na ang buhay ay masayang-masaya. Hindi talaga matutumbasan ng pera ang kaligayahan ng isang tao. 

—-x 

Sa wakas, nag-step down na si Shawn bilang Presidente ng SSG. Meaning, pati rin siya ipapasa na sa newly elected officers ang pagiging Vice President. 

Tapos na rin sila sa final exams nila at grad practice na lang ang gagawin nila for two weeks. 

“I said my piece a while ago, Shawn. You said that I won’t stoop down to their level? I did. I’m tired of dealing with all of it,” pagsuko niyang sambit kay Shawn na sumunod sa kanya sa may grandstand ng Sports Complex. Pakalat-kalat lang ang mga kaklase niya dahil nga practice na lang ang gagawin nila. Marami silang bakanteng oras na magliwaliw. 

Kumalat na naman kasi ang tsismis na anak siya ng isang high class slut. Pagod na siyang makipag-away sa mga ingratang tsismosang nagpakalat ng balita. Humabol pa talaga sa last month ng batch nila. 

“Do you want them to think of your mother that way?” he argued. She faced him, like a dragon herself. In rage. 

“And what? Tell them the reasons why? Ang kumapit sa patalim? Ang buhayin ang sarili? To survive while suffering from her dark past? Akala mo ba hindi ako nasasaktan isipin pa lang ‘yon? Masakit, Shawn! Para akong mababaliw! And I can’t even blame my mother! I can’t believe it knowing that she left this world with a broken heart! And Dad leaving her!” Tuluyan na siyang napaiyak. Wala na siyang oras para pag-aksayahan ang pagpapakalat ng maselang impormasyon ng pamilya niya. Nadadamay pa ang pinsan niyang si Daphne sa mga ito. 

“Why do you have to carry all of it? Why do you keep on putting a brave face in front of me, of us?! Alam mo bang maraming nag-aalala sa iyo? Subukan mo naman buksan ang sarili mo sa amin,” may pagsusumamo nitong sabi. 

“Ayan! Ayan! Ayan ang sinasabi ko! You care too much that you brought confusion and chaotic feelings that I tried to ignore for so long! Bakit? Why do you have to do all those things that bring so much- Ang vague mo! Hindi kita mabasa. I am not a freakin speller of your feelings, Shawn. I’m betting you don’t even know that!” 

Nanlaki ang mga mata nito sa outburst niya. Wala na siyang pakialam kung naglandasan na ang mga luha niya. He eyes are full or rage and hurt. But she’s trying to fight that hurt back, putting effort on her anger. 

“Yes, I care about you so much that it’s driving me nuts. You are driving me nuts! You’re crying and I don’t even know how to comfort you! I am not a man of words. And yes, I don’t even know. I don’t…” Wala na itong masabi pa. 

“Get out of my sight, will you? Umalis ka na. Hayaan mo na ako rito. Mabuti pa, bunalik ka na. Malapit na rin naman matapos ‘to. In month’s time, you won’t see my face again. Hindi na rin kita makikita pa. Kalimutan mo na lang na nangyari ito.” Bago pa man siya makapagsalita ulit ay lumapit ito sa kanya. 

Sa bilis ng pangyayari ay napakurap-kurap na lang siya. It was only a brush of their lips. 

Nang inilayo na nito ang mukha nito ay puno naman ng pagkalito ang mga mata nito na may gulat. 

“I . . . I.” 

Hindi na alam kung ano ang nararamdaman ni Jenny. Litong-lito na siya. Parang may nangyayaring ipo-ipo sa loob niya. 

“Are you sorry for that?” There was a pain in her voice. She avoided his eyes, afraid of knowing the answer. 

“Before the day of the graduation. Meet me here. At exactly this hour. If not, then I got my answer.” 

Dumating ang araw ng pinagkasunduan nila. Maaga si Jenny roon, kabado sa magiging desisyon ni Shawn. Itatapon na lang ba niya ang lahat ng pangarap niya para rito? Paano ang mga pangarap ni Shawn? Natatakot siya kung ano ang mangyayari. Napuyat na siya kakaisip sa magiging sagot nito. 

Inabot siya ng ilang oras kakahintay. Lampas na ng treinta minuto. Sinabi ni Jenny sa sarili na baka may inaasikaso pa ito. Shawn is a busy person despite being the former SSG President now. 

Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya nang lumubog na ang araw. Tila binuhusan siya ng malamig na malamig na tubig. Naglandasan ang mga luha niya. It was her first time crying for a guy aside from her father. And she promised that it would be the last too. 

—-x 

Nagbalik sa kasalukuyan si Jenny. 

Alumni Homecoming. 

It’s D-Day. 

Nakompirma na niya sa mga tauhan niya na paparating na ang shuttle buses ng mga ito. 

Nanlalamig siya. Parang gusto niyang magtago sa opisina niya habang di pa dumarating ang mga ito. 

Why did she have to avoid him these past few weeks? Bigla-bigla na lang niyang naramdaman ang mga damdamin na pilit niyang kalimutan. 

Napaungol siya sa frustration. Kulang na lang sabunutan niya ang sarili. Baka nga, nakatago lang iyon at bigla na lang lulutang na parang plastik. Napangiwi siya sa analogy niya. Daig pa niya ang isinalang sa mantika. 

“Argh! Bakit ko ba naalala ang kahiya-hiyang pangyayaring iyon? I am an idiot. Sa tingin mo ba, Jenny? Ipagpapalit niya ang ambisyon at mga pangarap niya sa buhay para lang pagbigyan ang kapritso ng puso niya? Ang ganda mo naman masyado.” 

Nababaliw na siya, kinakausap na niya ang sarili niya. 

Maaliwalas ang panahon. Tirik na tirik ang araw. Sunny day. Na tiyak na ikakasiya ng mga batchmates niya. 

Ilan ba sa kanila ang nanginginig sa batch reunion? Sina Daisy at Noah? Si Lirio? Ang pinsan niyang si Daphne at si John Dale? 

—-x 

Chapter 14

—-x 

“Naglalaro ba kayo ng patinterong dalawa?” pang-aasar ni Marc sa kanya. 

“Ikaw ang taya rito, ano?” pang-aasar pa ni Klint. 

“Shut up, you two. Go back inside.” Nagpahangin nga siya sa labas ng beach resort. Maboboryong siya sa mga batchmates niyang inoobserba ang kilos niya. Na parang may inaabangan ang mga ito. 

“We saw it.” Marahas na napalingon siya kay Klint. May fianceé na ito at successful ang restaurant nito ay katulad pa rin ito ng dati, tsismoso. 

“You kissed her on the grandstand. We saw it. Baka nakakalimutan n’yong may mga tao sa baba at kaming tatlo ang nakapansin. Para kaming nanonood ng teleserye.” Sumulpot bigla si Clyde, nakangisi. 

Nandilim ang paningin niya. It was not entirely a good memory for him since it was evidence of him being a coward. 

“Nahalata naming hindi ‘yon napunta sa akala naming happy ending. Hindi namin alam ang sunod na nangyari sa inyo. Daig pa namin ang nabitin sa isang movie,” segunda ni Klint. 

“Kaya, dumamoves ka na ngayon. Inunahan ka pa ni Noah. Sabagay, long history na ang dalawa. Long overdue na,” reaksiyon ni Marc. 

“Damn, man. Bakit ang lakas ng amats ninyong magkakaibigan pagdating sa pag-ibig? Ang bobo n’yo.” Tinakpan ni Clyde ang bibig ni Marc bago pa ito maglabas ng mga walang kuwentang salita. 

“Bottomline, habulin mo siya. Tutal umabot na nang ganito. Hinayaan mo noon. Wag mo nang palampasin ngayon. Gayahin mo ang ginawa ni Sagara. Ang saya-saya ng damuho, sarap itapon sa dagat,” nakangiting pahayag ni Klint, halatang masaya para sa kaibigan ng mga ito. 

Iniwan din siya ng mga ito bago pa man ito makatikim ng hagupit niya’t pagbuhulin ang tatlong itlog. Napagtanto na ba ni Jenny na isang katangahan ang paghihintay nito sa kanya? 

Ang totoo, papunta na sana siya sa Abellana ngunit inisip niya ang consequences na haharapin niya. Kaya kaya ba niyang panindigan si Jenny? Gaya ng kung gaano katapang si John Dale na harapin ang bagong yugto ng buhay kasama si Daphne? 

Naisip nga niya na ayos na rin na hindi sila nagpadala ng damdamin dahil kung oo, baka wala sila sa kasalukuyan nilang posisyon sa buhay. Hindi nito maaabot ang pangarap nito at hindi rin niya maaabot ang ambisyon niya. They couldn’t have the best of both worlds. He couldn’t be greedy or else life will give them reasons to endure all of the sacrifices they made. 

Mababaliw siya kakaisip kung nandiyan pa ba? Paano kung wala na pala siyang panghahawakan? You can’t have the things that you wasted before. Nasa paanan na niya dati, hindi niya inabot at iniwan na lang. They were both hurt by their decisions, his decision entirely. If Jenny was not like before; her feelings for him then he couldn’t do anything about that. 

Ngayon nga, halatang iniiwasan siya nito. Sinasadya nitong abala ito sa mga bagay-bagay. Katwiran na isa ito sa mga hosts ng events nila ngayong Alumni Homecoming. Siya din naman ngunit hindi siya pinapansin nito. Mukha siyang tanga sa harap ng former officers dahil tila hangin lang siya kay Jenny. Is she closing the door? 

Parang may lumalamutak sa sikmura niya. No, he couldn’t let that happen. 

—-x 

Nagpapaka-okay si Jenny. Napuyat siya kakaisip sa timawang si Shawn na kung makatingin sa kanya ay parang siya lang ang natitirang babae sa mundo. Sa kahulugang, pinatay na nito lahat ng mga babae sa mundo. Hindi niya ito maarok. 

Obvious ba na iniiwasan niya ito? Paano naman niya kokomprontahin ang katotohanang akala niya ay nakabaon na? Bakit ba kasi bumalik ito sa buhay niya noong bumabagyo? Nayanig buong mundo niya pati katinuan niya. 

Nagising siyang puyat na puyat. Marami din kasi silang inaasikaso lalo na sa gaganaping batch ball. 

Humihikab si Jenny nang mapansin niyang tila dumilim. Nagulat na lang siya na papalapit sa kanya si Shawn. Halatang puyat rin ito,sa eyebags nito at sa stubble growth nito. 

“Te-teka, a-ano ang g-ginagawa mo?” nauutal niyang sambit, nanlalaki ang mga mata sa ekspresyon sa mukha nito na parang kakain ng prey nito. 

Wala ba talaga itong romantic bones sa katawan? Dinadaan ba talaga nito sa dahas?

“So sinasadya mong iwasan ako? Ang hindi ako kausapin?” Sumikip ang dibdib niya nang makita ang bumalasik ang sakit sa mga mata nito na mabilis na nagpalit. 

“Busy lang ako,” katwiran niya. 

Bahaw itong natawa at itinukod ang kamay sa gilid niya. Na-corner na siya nito. Ang aga-aga ay ito na ang bumungad sa kanya. Sa tao pang iniiwasan niya simula nang magsimula ang Alumni Homecoming. 

“Teka, dumistansiya ka nga! Walang karoman-romantic sa lalaking kino-corner ang isang babae!” Lagi naman niyang naidadaan sa pagtaray ang lahat. 

Natauhan naman ito sa ginawa. Para itong nagising at tumino. Ano ito? Isang werewolf na biglang nag-transform? 

Napahilamos ito sa mukha, unti-unti nang nawawalan ng pasensiya. 

“Tell it straight to my face, Jenny,” sabi nito sa malalim at seryosong boses. 

“Walanghiya ka! Ayan ka naman. Ginugulo mo na naman ako. Sapat na ‘yung dati. Sinaktan mo na ako. Hanggang doon na lang.” Ngunit bakit maraming aspile ang tumusok sa kanya? Hindi maganda sa pakiramdam na talikuran ito. 

“Hanggang doon na lang?” nangungunot ang noong bulong nito. 

“Anong gusto mong marinig?” Kulang na lang singhalan niya ito. “Alam mo, sarap mo talagang sapakan. Akala ko, naisara ko na. Naitapon ko na ang susi. Pero langhiya, di ko pala tinapon. Buwisit ka talaga, hanggang ngayon ba naman ganito ako katanga para sa’yo? Aba, tama nang kahibangan na ito. Gusto ko ng magising.” 

“Then I am a fool too for letting you go like that.” Mababakas ang regret sa mga mata nito. Napaiwas ng tingin si Jenny, parang delubyo na ang puso niya sa mga salitang binitawan nito. “For not showing up.” 

“Huli ka na. Nasaktan na ako.” Lalayasan na sana niya ito ngunit hinuli nito ang braso niya. 

“Saan ka na naman pupunta? Iiwasan mo na naman ako?” 

“Ano ba! Bitawan mo ako! Buwisit ka! Pahirap ka talaga sa buhay ko! Ang sakit mo puso. Ang sakit mo rin sa mata! Napupuyat ako kakaisip sa ‘yo! Buwisit ka talaga.” Naiiyak na siya at nagpupumiglas palayo rito ngunit masyado itong malakas at hinila siya papalapit rito.

The next thing she knew, he was kissing her ardently. In the middle of the hallway! For pity’s sake! Nakakapanghina ng tuhod kaya halos buhat-buhat na siya nito upang makatayo siya ng maayos. And why is she responding like she missed him for thousand years? And what the hell is happening? Her emotions are a rollercoaster ride right now. Their exchange of words. All of it. Nakakahilo. Nakakahilo ang ginagawa nito sa kanya ngayon. At nakakatakot. 

“Oh my!” Agad silang naghiwalay nang marinig ang isang singhap. 

“Oh shit,” kasunod ang pamilyar na boses. 

Tila nanlaki ang ulo niya nang makitang tutop ni Daphne ang bibig nito. Katabi nitoang gulat na gulat ring si John Dale. 

Sa hiya, pagkagimbal at pagkalito ay patakbong umalis siya roon. Like the coward she is. 

—-x 

Chapter 15

——x 

“Bakit nakatunganga ka lang diyan? Natagpuan na ni Lirio si Quince. Ano pang ginagawa mo?” untag sa kanya ni Klint na sinamaan niya ng tingin. 

Naging kupido na naman ang tatlong itlog at siya na naman ang ayaw tantanan ng mga ito. Palibhasa, napansin ng mga ito na umusad na’t lahat, puwera sa kanya at kay Jenny ngayon. 

Damn, that woman. She’s so beautiful right now that he’s giving death glares to those men who get near her. Basta-basta itong nakakalapit, siya ay hindi. Lagi itong napapaligiran ng mga batchmates nila, babae man o lalaki. 

“Kanina pa rin masama ang tingin ng isang ‘yan. Gawan na nga natin ng paraan.” narinig niyang pagsasalita ni Marc. 

“Ikaw na bahala kay Jenny,” sabi ni Clyde. 

Tumungga na lang siya ng whiskey. Bahala na. Kailangan niya ng kaunting alak upang tumapang naman ng kaunti. Hindi siya natatakot kausapin ang mga violators, kriminal, at mga halang ang kaluluwang mga politiko ngunit nagkandabuhol-buhol naman ang bituka niya pagdating kay Jenny. Sabi pa nga ng mga batchmates niya noon, nakahanap siya ng katapat sa katauhan ng isang Jenny Evangelista. 

Sinamaan lang niya ng tingin ng akmang hahawakan ni Clyde ang braso niya. Nakita niyang hinila nina Klint at Marc si Jenny nga ngayo’y inis na inis sa dalawa. Nagsimula nang pumainlanlang ang musika hudyat na nagsayawan na ang mga pareha sa dance floor. Maliban kay Jenny na nasa gitna na walang kapareha. 

So he rescued her like a cursed prince that he is. Larawan ng pagkalito at gulat ang mukha ng kanyang minamahal. 

Oo, matagal niyang pinag-iisipan. He realized that when he bought that house. Kasama ito sa reason kung bakit binili niya ang bahay. He was grateful for Him for having her in his house to shelter her and saw her wearing his clothes. 

“Jen.” 

——x 

“Jen.” 

Shit, shit, paano kumalma? naibulong ni Jenny sa sarili. 

He offered his hand to her, like a prince asking for a dance. 

Love, can’t you see I’m alone?

Can’t you give this fool a chance?

A little love is all I ask

A little kindness in the night

Nahigit niya ang hininga niya. Was he asking for a little of her? A little of her love? Even if it’s too late? She held her breath and accept his shaking hand. Ito? Nanginginig ang mga kamay? 

Nakahawak na ito ngayon sa magkabilang beywang niya at siya naman sa mga balikat nito.

Please don’t leave me behind

No, don’t tell me love is blind

A little love is all I ask

And that is all

But she didn’t want a little of him. She wants all of him for herself, there’s no turning back. Wala na siyang ibang makitang lalaki na makakapiling habang-buhay. Kung hindi lang rin ito, mas mabuting mamuhay na lang siyang mag-isa. Oo, ganoon katindi ang damdamin niya rito. Ang pagmamahal niya rito. Naitapon na lahat ng katinuan at katalinuhan lang, mabigay man lang ang kagustuhan ng puso niyang ito pa rin ang pinipili. Kahit diktahan man niya, ay babalik at babalik pa rin. 

Napayuko siya dahil naluluha na naman siya. Parang sasabog siya anumang sandali. 

Ocean deep

I’m so afraid to show my feelings

I have sailed a million ceilings in my

Solitary room

Ocean deep

Was it really hard for him to show his feelings to her? Parang gusto niyang ibalik ang lahat ng sinabi nito dati sa kanya. Tandang-tanda niya pa. Paikot-ikot nga ‘yun sa memorya niya. 

“Are you okay?” malumanay nitong tanong, tila bulong na nga. 

Hinamig niya ang sarili. Bakit ba pagdating dito? Nagugulo ang utak niya? Hindi nakikisama sa kanya. 

“Congrats,” she faked a smile in front of him. “We made it. The event is successful. After all the arguments and bantering.” 

“I will miss those.” 

Teka, susukuan na siya nito? Ganoon lang kadali? Hindi man lang nito ipipilit. Napakapit siya lalo rito at humakbang papalapit na ikinagulat nito. 

“If you really want to see me after this event.” Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito. 

“Then ask my hand in marriage.” Nagimbal ito sa sinabi niya kaya napahawak ito ng mahigpit sa kanya. “If you can’t, then it’s a real goodbye. I can be with anyone else, Shawn.” 

Malungkot siyang bumitaw rito. Conflicting ang mga emotions sa mga mata nito. She tiptoed ang kissed the side of his lips. May narinig siyang singhapan at sigawan ngunit hindi na niya ito pinansin. 

Iniwan niya sa dance floor si Shawn na umiiyak. 

For the second time, she’s crying for that man. 

Hindi na talaga siya nadala. 

——x 

Epilogue

After 4 months . . .  

Ilang buwan na rin nang magsimula ang moonsoon seasons. Nagdala na naman ng delubyo ang Pasipiko ngayon at may kalakasan pa ang bagyo ngayon. 

Maya-maya pa, bumuhos na ang ulan. Humahampas na rin ang mga alon na nagiging marahas makalipas ng ilang minuto. 

“Ma’am Jenny! Ma’am Jenny!” 

Nangunot ang noo ni Jenny nang marinig ang boses ni Mang Ernie na aligaga. Teka, nangyari na ito dati. 

“Si Mayor! Nasa labas! Ayaw pong pumasok!” Basang-basa rin si Mang Ernie. Nalilito na tumayo si Jenny sa pagkakaupo sa swivel chair ng opisina niya. 

“Bakit?” Ano na naman ang pakulo ng walanghiya? Matapos ang apat na buwan na walang paramdam? Apat na buwan siyang naghintay at tumulala na lang. She was licking her wounds while keeping herself busy with her business. 

“Ayaw niyang pumasok sa hotel. Saka lang daw pag lalabas ka at susunduin mo siya.” 

Napapikit si Jenny nang gumuhit ang kidlat sa kalangitan. Inatake siya ng kaba para rito. 

“Sira-ulo ba siya? Gusto niya bang magpakamatay?” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Tumakbo siya patungo sa lounge area at hindi na alintana ang malakas na buhos na ulan. Tila alingawngaw na lang sa kanya ang sigawan ng mga tauhan niya. 

“Idiot! Gusto niya talagang pasakitin ang ulo ko hanggang huli!” 

Humagupit ang malakas na hangin at mabuti na lamang ay nakaiwas siya sa lumipad na sanga. Diyata’t mapapahamak pa siya sa stunt nito! Ano ba klaseng pakulo ito? Himbis na na-eexcite na siya dahil sa wakas dumating na ito. Sa kupag ba nitong makapagdesisyon. Nakakaleche talaga. Hindi niya maiwasang mainis. 

“Shawn! Shawn Guillermo! Putangina! Mahal kita pero ang tanga mo!” sigaw niya nang makita ito sa kabila ng buhos ng ulan. Humahakab na rito ang light purple nitong polo sa basa. 

“Jenny! Jenny! Nandito na ako!” parang batang sambit nito. Ang saya-saya nito. Sa sobrang saya, parang maiihi siya sa iyak na may halong inis. 

“Buwisit ka! Wala tayo sa teledrama para gawin mo ito! Pasalamat ka mahal kitang tanga ka.” Bago pa man niya maabot ang ulo nito para kaltukin ay niyakap siya nito nang mahigpit. Napalitan ng lamig at panginginig niya ng init ng katawan nito. 

Naglandas na ang mga luha niya. Akala niya ay wala na talaga ang lahat. Akala niya ay hindi na siya nito babalikan pa. Akala niya ay mauuwi na lang sa tuldok ang lahat. 

“Mahal kita,” sinserong sambit nito, ibinaon ang mukha sa leeg niya. “Mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka ulit sa buhay ko. I don’t think I can bear living without you for the second time. The house feels empty. It’s for us. It’s for our family. I bought that with that vision.” 

Para siya nitong itinulak sa bangin ngunit sasaluin naman siya kalaunan. Nakakabaliw magmahal ng isang Shawn Guillermo. 

“I’m sorry for being missing for four months. I made sure I fixed everything. I asked for your hand from your father. Sinuyo ko din siya ng isang buwan bago siya pumayag at sinabing gusto ka niyang makausap. You want him to attend our marriage, right? Then talk to him, go back to him. He’s the only living parent you have.”

Tuluyan na siyang humagulhol sa mga bisig nito. Wala na siyang pakialam kung magliparanan man lahat ng mga bagay sa paligid nila dahil sa bagyo. Maging ang paghampas ng alon. She’s not the only one now who defy the ocean waves. 

“I really missed him, Shawn. Thank you . . . Thank you for everything.” 

Pinalis nito ang mga luha sa mga mata niya. “I’m sorry for taking you so long. Gusto ko kasing nakahanda na lahat. And for the marriage, pinaplano na. May wedding planner na, I meet her the other day.” 

Sinundot niya ang tagiliran nito na ikinagulat nito saka ito natawa. “Ikaw talaga. Hindi ka man lang nag-abiso. Pinahintay mo pa ako ng four months. Akala ko, uugatan na ako dito sa resort.” 

But it was all worth it. “But first, balik na tayo sa resort please. Malamig na rito. Halika na.” 

Hinila niya ito. Humangin ulit ng malakas at nagulat na lamang siya na may isang sangang papalapit sa kanila ngunit huli na. Nasagi na nito ang ulo ni Shawn at natamaan ang ibabaw ng kilay nito. Bumangon ang matinding pag-alala niya rito. 

“Sinasabi na nga ba! May mangyayaring hindi maganda kapag nanatili pa tayo rito!” 

“It’s not that painful.” 

“Heh! Ang sakit mo sa ulo!” 

He grinned and reached for her hand. Napawi niyon ang panginginig ng kamay niya. “But I’m your nice kind of headache.” 

“Bumabanat ka na ngayon ah.” 

Nagtawananan silang dalawa. 

There would be days they would get into countless arguments, banterings, and witty side remarks but she realized that it was their form of love language. They just managed to think of it as a frenemy relationship before, way back highschool. 

What if things go differently? Would they still be with each other now? It doesn’t matter as long as their hearts understand each other now. 

Marami pa silang susuunging mga bagyo at malalaking alon sa buhay nila. Ngunit magkasama naman silang hinaharap ‘yon. Now that they are together. Just loving each other. 

You cannot copy content of this page