For people who deserve to be loved.
Prologo
“Kalimutan mo na siya,” sabi nito sa mababang boses. Tiningnan siya nito na tila inaalisa ang takbo ng isip niya.
Pailalim na napasinghal si Shinoah sabay tungga ng alak niya at napabuga ng hangin. Naging mailap ang mga mata niya’t iniwasan ang matiim na tingin ni Lirio. Nauulinigan nila ang ingay ng dumadaang mga sasakyan. Ang sumisirkong usok ng sigarilyo na nagmula sa mga parokyano doon. Ang tunog mula sa basyo ng mga boteng pinagpingki at maging ang kumuti-kutitap na led lights na nakapalibot sa isang matabang puno.
“Hindi ka na niya naalala, Sagara,” anito. Nag-isang linya ang mga labi nito at lalong naningkit ang mga mata. Bawat salita’y dumidiin sa balintataw niyang nilamon na ng nakakalasing na likido. “O mas tamang sabihing, ayaw ka na niyang alalahanin pa.”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya’t bumuntong-hininga.
Sumandal ito sa upuan at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib. Hinihintay siyang magsalita. Nagkalat ang basyo ng mga bote sa mesa na tinungga niya pagsapit ng gabi nang dumating siya roon mula sa university.
Pagod na pagod na siya sa buhay niya at pilit pa ring hinahagilap ang dahilan kung bakit nakikipagbuno pa rin siya hanggang ngayon. Pakiramdam niya, iniikot lang siya ng tadhana at wala na pala siyang patutunguhan. Heto, nandito sa harap niya ang kaibigan niya ba akala niya’y hindi siya sasamahan roon.
Tahimik niyang dinampot ang junkfood na mistulang pulutan niya. Suminghal siya at pagak na natawa.
“Alam ko,” giit niya, nangungunot ang noo sa binuksan ang supot.
Bumuntong-hininga ito at tumayo. Mukhang nagtitimpi lamang ito sa kanya.
“Sabihin na lang natin, na pansamantala ka niyang naalala at malulungkot na naman iyon kapag nakikita kang ganyan.” Naniningkit ang mga mata nito at napailing-iling. Hindi nagustuhan ang kung ano mang takbo ng isip nito. “You can’t fix two broken hearts at once. Yours and hers,” mariing sambit nito.
“Hindi mo ‘ko naiintindihan.” Nangunot ang kanyang noo. Bahagyang nalito sapagkat ano ba ang ipapaintindi niya kay Lirio? Maging sarili nga niya ay hindi na niya maintindihan.
Maaaring may punto ito ngunit maaari namang sabay hilumin ang sugat, di ba?
Bumuga ito ng hangin at kinapkap nito ang bulsa ng pantalon. Dinampot niya ang boteng hindi pa nabubuksan; alak na umuusok pa ang kalamigang taglay. Papawiin ang kalungkutan kahit sandali lamang. Paulit-ulit na sasambulat sa kanya ang mga alaalang kahit papano’y pilit siyang iahon.
Inagaw ni Lirio ang bote ng alak at tinapon kung saan.
“Ano bang problema mo?” Kunot na kunot na ang noo niya at nagtatagis ang bagang. Naikuyom niya ang mga kamao niya. Naging mabalasik ang anyo nito.
“Huwag ka na ring manggulo. Pabayaan mo na siya,” malamig na untag nito.
“Hindi ko siya ginugulo,” giit niya.
Napasinghal ito saka natawa kalaunan. Tawang tila ba’y hindi siya pinaniniwalaan saka siya seryusong tiningnan. Nanliliit lalo ang singkit na nitong mga mata.
“Sa tingin mo ba, babalik siya sa ‘yo kaagad? Sa tingin mo, sasaya siya sa ‘yo? Ngayong nagkakaganyan ka? Tol, hindi,” diretsahang tugon nito. Daig pa niya ang sinuntok sa mga katagang lumabas sa bibig nito, tila sirang plakang paulit-ulit na dumiin sa isip niya. Paulit-ulit na realisasyon. Sampal ng katotohanang dumampi sa pisngi niya’t mananatili ng matagal. Nakabaon sa utak niya na tila ba nakaukit na sa memorya niya.
“Mas lalo kang lulubog kung mismong aahon sayo’y lulubog rin sa pinaggagawa mo sa sarili mo. Utang na loob, Sagara. Tulungan mo naman ang sarili mo,” giit nito. “Umuwi ka na.” Aburidong lumayas na ito sa harap niya.
Iniwan siya nitong lasing. Pagak siyang natawa at pilit hinagilap ang boteng itinapon ng kaibigan niya.
Kahit lamang sa sandaling iyon, mapapawi ang lahat ng hinagpis at pagsisising nadarama niya.
* * *
Kabanata: Isa
Maagang gumising si Daisy dahil may appointment siya sa araw na iyon at mabuti na lamang ay wala siyang klase sa Biyernes kung kailan ang eksaktong follow-up check up niya. Nakailang buntong-hininga siya nang matingnan ang appointment slip niya kung saan nakalagay doon ang mga naging check-ups niya sa nakaraang buwan. Akala niya’y lulubayan na siya ngunit paulit-ulit iyon bumabalik sa panahong pakiramdam niya ay nakababa ang pader niya.
Lumulan siya ng jeep. Malamlam ang mga matang nakatanaw sa mga gusaling at establisyementong nadadaanan ng jeep. Nang makarating siya sa destinasyon niya ay bumaba na siya ng jeep. Ilang segundo siyang nakatingala sa overpass, ang overpass kung saan ay nakita niya ang sarili niya sa panaginip na abot-kamay ang kahit anumang naisin niya. Umakyat siya roon himbis na dumiretso sa ospital at nanatili nang ilang minuto. Blangkong nakatitig lamang siya sa mga dumadaang jeep sa kalsada, sa mga taong naglalakad at may kanya-kanyang mundo.
Napakapit siya sa railing at ninamnam ang hanging hinaluan ng polusyon sa siyudad na iyon. Hinayaang tangayin ng hangin ang may kaiklian niyang buhok. Sa iilang minuto na iyon, nadama niya ang pansamantalang katahimikan.
Unti-unti’y lumalabo na ang mga boses sa utak niya, waring nagtatago at nakikiramdam. May sumilay na maliit na ngiti sa mga labi ni Daisy at humakbang na pababa ng overpass.
Humigpit ang hawak niya sa strap ng maliit niyang bag at tinungo na ang direksiyon patungo sa ospital. Bawat hakbang, tila nilulukob siya ng takot at pangamba lalo na’t rumagasa sa isipan niya ang mga naranasan niya doon. Na kailanma’y nagdulot ng lalong pagkabalisa niya at paglala ng kalagayan niya noon. Napalunok siya’t humagap ng hangin upang pakalmahin ang sarili niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at ibinuka iyon. Sumalubong sa mga mata niya ang mga sasakyang hindi tumitigil sa kalsadang iyon, ang mga nakahilerang pharmacy, mangilan-ngilang establisiyemento at maliliit na gusali.
Bumuga siya ng hangin at pilit na ngumiti sa kawalan, tila tinatapik ang sariling magiging okay lang ang follow up check-up niya. Lalong sumilay ang ngiti niya nang makita ang hilera ng mga nagtitinda ng kung ano-anong pagkain sa labas ng ospital at naalalang minsan, binibilhan siya ng nanay niya sa tuwing pumupunta sila roon. Bumili siya ng sopas na nasa isang plastic cup at kinain iyon habang naglalakad patungo sa eksaktong departamento ng ospital na magche-check up sa kanya.
Kaunti lang ang mga taong nadatnan roon ni Daisy at halos isang oras lang ang itinagal niya. Katulad pa rin ng dati ang prescription ng doktor ngunit binawasan ng kaunti ang intake sa kadahilanang gumagaling na siya.
Tumawid ng kalsada si Daisy upang bilhin ang mga gamot niya at tinungo ang pharmacy kung saan niya binibili ang mga gamot niya. Tahimik na naghintay siya sa pila at pinagmasdan ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Dumako ang mga mata niya sa counter nang namalayan niyang gumagalaw na ang pila. Napanguso na lamang siya nang wala sa oras at hinipan ang iilang hibla ng bangs niya.
Ibinigay ni Daisy ang resita niya sa pharmacist at sinabi rito kung ilan ang bibilhin niyang mga gamot. Napangiti siya nang iabot nito ang gamot na nakalagay sa maliit na plastic matapos niya iyong bayaran. Hindi na muna siya umalis sa lugar na iyon bagkus ay nanatili muna siya sa isang panaderya at kumain ng tinapay, pinagmasdan ang paglipas ng mga sasakyan at mga tao na gawain na niya noon pa.
* * *
Panay ang pagkuyom ni Noah sa kanyang kanang kamay, pinipigilan ang sariling lapitan ito. Nakasuot ito ng dilaw na tshirt, paborito nitong kulay at pink na skirt na pinaresan ng denim sneakers. Maikli na ang buhok nito at may iilang hibla ng bangs na tumatabing sa noo nito. Malayo ang tanaw nito habang ngumunguya ng tinapay.
Minsan na niya itong nakita na bumibili ng gamot malapit sa hospital kung saan ito nagf-follow up check-up. Nakatikim muna siya ng tatlong suntok mula kay Lirio para malaman ang schedule ng check-ups nito. Ito lang ang pagkakataon niyang masilayan itong muli at saktong malapit lang doon ang gusali kung saan siya nagtatrabaho.
Nasa paligid-ligid lang ng Fuente Circle. Binalaan siya ni Lirio na huwag lumapit kay Daisy at sinabihan pa siya nito na natri-trigger ito kapag nakikita ang mga taong naging parte ng buhay nila noong highschool dahil maaalala siya nito. Lahat silang may kinalaman sa nakaraan nito ay tila hindi na nito inalala pa.
Kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam niya nang makitang gumagaling na ito. Subalit may parte sa isip niyang nahihirapan sa ganitong sitwasyon. Hindi rin naman niya ito masisisi, siya ang may kasalanan. Nasaktan niya ito lalo sa panahong inaahon nito ang sarili mula sa tuloy-tuloy na pagkalunod.
Kaagad na nagtago sa nakaparkeng sasakyan si Noah nang umalis ito sa pagkakaupo sa stool at mukhang lilisanin na ang bakeshop. Napabuntong-hininga siya at napasandal sa sasakyan, nakatingala sa asul na langit, piping dinadalangin na sana’y dadating ang panahong masisilayan niya ito at naghilom na ang mga sugat na naranasan nila.
Matagal bago niya tanggapin ang katotohanang, palabo na siya ng palabo sa memorya nito. Nagbabasakaling lilipas man ang panahon ay nakatago lang siya sa puso nito. Sana nga. Hindi rin niya hawak ang pagkakataon.
* * *
Nangingilid ang mga luha ni Daisy habang tinatahak niya ang direksiyon papuntang Basilica. Huling araw ng klase niya at sa wakas ay natapos na ang mga mahahabang araw at mga gabing pinagpuyatan niya sa pag-aaral. Akala niya hindi niya malalagpasan ang kalbaryong iyon at mabuti na lamang kaya na niyang makontrol ang sarili kapag napre-pressure siya.
Paunti-unti, mas nagiging matatag siya sa mga nakalipas na taon at mas lalong lumawak ang pang-unawa niya bagay na nagpapagaan ng kanyang pakiramdam. Aware si Daisy na nakokontrol siya ng mga emosyon niya, lulugmukin siya hangga’t sa mawalan na naman siya ng lakas na magpatuloy sa agos ng buhay. Kaya’t minabuti niyang ibaling ang atensiyon sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya.
Napangiti siya nang makarating sa Basilica at maaninag ang simbahan kung saan niya tinuldukan ang lahat. Panaka-nakang sumusulpot ang alaalang iyon at natitigilan siya sa harap ng mga kandila, katulad ngayon. Ikinurap-kurap niya ang mga mata niya at huminga nang malalim saka tinakip ang dibdib niya, pinapawi ang pagkabalisa noon. Bakit ba siya kinakabahan ngayon? Luminga-linga siya sa paligid, natatakot na komprontahin ng tadhana. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang mapagtantong hindi naman lahat ng pagkakataon na inisip mo siya, biglang andoon na siya sa harap mo.
Imposible, usal ni Daisy sa sarili niya at tinungo ang pilgrim center na ngayo’y kakaunti lang ang mga tao. Madalas, mga turista ang nandoon, kumukuha ng mga larawan ng historical site. Tipid na napangiti si Daisy at tumungo na sa open-air bleachers sa itaas. Sa may pilgrim. Umupo siya sa mahabang baitang, nagpapasalamat sa Kanya na nalampasan niya ang ikatlong taon niya ng kolehiyo, sa pangalawang pagkakataon.
Tatlong oras ang lumipas matapos umalis ni Daisy sa Basilica ay ang pagpasok roon ni Noah. Nanatili siya sa loob ng simbahan, blangko ang isip at tumatagos ang tingin sa altar.
Parang kailan lang noong katabi niya si Daisy at walang pagsidlan ang kaligayahan niyang makita at makasama itong muli matapos ang ilang taong wala na siyang koneksiyon rito. Sa isang araw lang ay wala na ito sa kanya. Huminga siya nang malalim upang pawiin ang pamilyar na damdamin sa puso niya. Isang taon na ang nakalipas magmula noon, tila hindi man lang nabawasan ang sakit na dulot niyon.
* * *
Kabanata: Dalawa
“Saan ka pupunta, ‘nak?” malumanay na tanong ng kanyang ina habang nagwawalis sa bakuran ng bahay nila. Magaan na ngumiti si Daisy rito sabay tulak ng kanyang bisikleta na naging transportasyon na niya roon sa probinsiya. Inilagay niya sa basket ang tote bag niya.
“Sa palengke lang, Ma. Kakaunti na lang kasi ang stocks natin sa bahay. Bibili lang ako,” sagot niya rito. Bahagya siyang nasinagan ng araw na dumampi sa kanyang mukha. Hindi alintana ni Daisy iyon sapagkat paborito niya ang damhin ang init ng araw sa umaga. The moment she experienced those sleepless nights, she appreciated the sunrises every morning.
“Mag-iingat ka,” bilin nito sa kanya. Kinawayan lang niya ito bilang sagot at sumakay na sa bisikleta niya’t nagsimula nang magpedal. Tanging siya lang ang nasa maliit na kalsada nang makarating siya roon.
Napangiti lalo si Daisy nang maramdaman ang mabining pagdampi ng hangin. Presko ang hangin roon sapagkat napapaligiran ang maliit ng barangay ng mga puno at malawak na palayan. Medyo malayo iyon sa merkado at tago kompara sa ibang barangay ng probinsiya na siyang gusto ni Daisy.
Mas lalo pa niyang binilisan ang pagpedal sa bisikleta niya, nasa daan lang ang mga mata at paminsan-minsang tumigil pag may tumatawid.
“Magandang umaga po, Miss!” bati ni Helga, isa sa mga estudyante niya sa eskuwelahan. May dala-dala itong isang bungkos ng talbos ng kamote.
Tumigil siya pagsamantala at nginitian ito. “Magandang umaga rin, Helga,” ganting-bati niya rito at nagpedal ulit.
Kilala siya ng mga tao roon dahil guro siya ng isang pampublikong eskuwelahan ng barangay at kung minsa’y tinutulungan niya ang mga batang namroroblema sa pag-aaral. Isa siyang guro sa Araling Panlipunan doon.
Medyo marami na ang mga taong nasa merkado, patunay na maagang nagigising ang mga tao sa probinsiya. Pinaparke niya ang bisikleta niya sa bungad ng palengke nang marinig niyang may tumawag sa kanya.
Nang lumingon siya ay nakita niyang kinakawayan siya ni Ian, colleague niya at guro sa Science. Kapwa sila nagtuturo sa third year at fourth year highschool students.
Ngumisi ito at tuwang-tuwa pa yatang makita siya gayong nagkakasalubong naman sila sa eskuwelahan. Ilang buwan na rin kasi itong nagpapapansin sa kanya subalit hindi niya masyadong binibigyang atensiyon ang pagpapa-cute nito.
“Aga natin ngayon ah. Sabay ka na sa ‘kin? Mamamalengke rin ako,” nakangiting sambit nito at itinabi ang bisikleta nito sa bisikleta niya. Pabirong pumalatak ito. “Aga-aga, wala pa ring kupas ang ganda mo.”
Noon, tiyak na matatameme siya at hindi alam ang gagawin kapag pinuri ngunit kalauna’y naging immune na siya at ngumingiti na lang. “Aga-aga, nambobola ka,” sopla niya rito at iniwan na ito roon, bitbit ang tote bag niya.
“Aguy, hindi ah. Totoo ‘yon. Tanong mo pa sa mga estudyante ko,” hirit nito at sumunod sa kanya.
Nagningning ang mga mata ni Daisy nang masilayan niya ang asul na dagat sa likod ng palengke at sinamyo ang amoy-alat na hangin na humalo sa amoy ng palengke. Tumungo siya sa bahagi ng palengke kung saan nandoon ang preskong mga gulay.
“Wala na ba talaga akong pag-asa, Daisy?” ani Ian sabay kamot sa kilay nito. Binalingan ito ni Daisy at tipid itong nginitian saka magaang tinapik ang balikat nito.
“Mananatili kang kaibigan,” makahulugang sagot niya rito. Ang totoo’y hindi siya naiilang sa mga pahaging ni Ian. Kumbaga, nasa personalidad na nito ang pagiging masayahin at mapagbiro kaya hindi siya tinutubuan ng ilang o di kaya’y magaan lang talaga itong kasama.
“Alam mo, hanga ako sa iyo dahil nasasabi mo ang saloobin mo, ang nararamdaman mo pero . . . ‘wag kang mag-alala, hindi pa rin magbabago ang pakikitungo ko sa ‘yo.”
Bunagsak ang balikat nito at napakamot sa sentido nito. Mukhang inaasahan na nito ang magiging sagot niya. “Okay, hindi na kita pipilitin. Di naman ‘yon napipilit, di ba? . . . Kahit maghintay, wala na ba?”
Saglit na natigilan si Daisy sa huli nitong sinabi. Maghintay? Flashback to that scene when he said that he’s willing to wait for her but she didn’t want him to and left. Marahan siyang umiling rito. “Pasensiya ka na, Ian. Wala pa talaga ‘yan sa isip ko.”
“Uy, umagang-umaga, nagliligawan na kayong dalawa. Basted ka na naman ba, Ian?” Napalingon silang dalawa kay Gareth, kasamahan din nilang guro. Math ang subject na tinuturo nito. Kagaya nila, namimili rin ito doon sa palengke.
Sinamaan lang ito ng tingin ni Ian at saka inakbayan ito ng mahigpit hanggang sa hinila ni Ian palayo ito sa kanya. Public knowledge na sa buong eskuwelahan na nanliligaw ito sa kanya at kung minsa’y tinutukso sila sa isa’t isa subalit hindi ganoon kaapektado si Daisy. Sanay na siya sa mga tao roon at isa pa, binata si Ian at dalaga siya, natural na ipagtambal silang dalawa ngunit hanggang kaibigan lang talaga ito para sa kanya.
Umabot pa talaga ito sa mga magulang niya at ngayon nga sa hapag-kainan ay kinulit siya ng mga ito. Siya ang naghanda ng tanghalian nila sa araw na iyon.
“Ma, magkaibigan lang talaga kami ni Ian,” giit niya sa nanay niya.
“Mabait naman ang batang ‘yon. Binisita ka niyon nung isang araw dito, di ba? ” singit ng kanyang ama.
Napamaang na lang siya rito at uminom ng tubig upang hamigin ng konti ang sarili. Inaasahan na siya ang unang mag-aasawa dahil siya ang panganay ngunit hindi niya tinupad, bagkus naunahan pa siya ng dalawa niyang kapatid.
“Pa, pati ba naman kayo. Wala pa talaga ‘yan sa ‘kin ngayon,” katwiran niya at sumubo ng kanin.
“Malungkot mag-isa sa buhay, anak. Mas maganda pa rin iyong may mag-aalaga sa iyo pag matanda ka na,” paliwanag ng kanyang ina.
Naibagsak ni Daisy ang balikat niya at malumanay na ngumiti sa mga magulang niya. Naiintindihan naman niya ang punto ng mga ito kaya di siya tumutol sa mga ito, ang ikinaiirita lang niya minsan ay pine-pressure siya ng mga itong mag-asawa.
“Ma naman. Kaya ko nang aalagaan ang sarili ko. Sa ngayon, kontento ako sa narating ko sa buhay. Hindi na ako naghahangad pa ng ibang bagay. Simple lang pero masaya.” nakangiting sambit niya sa mga ito.
“Masaya ka ba talaga, ‘nak?” usisa ng kanyang ina. Bahagyang natigilan si Daisy sa tanong na iyon. Madalas iyon ang tanong na bumabagabag sa isip ni Daisy, laging iyon ang priority niya noon maging ang kung anumang gugustuhin niyang gawin. She’s more of following her heart than following her head because after all, passion is in her blood that keeps her being alive.
“Oo naman,” she half-heartedly answered. Lumarawan ang pagkalito sa mukha ni Daisy at minabuti niyang iyuko ang ulo niya upang hindi maaninag ng mga magulang niya ang emosyon sa mga mata niya. Bumuntong-hininga siya at pilit na pinasigla ang mga mata sa mga ito.
“Ma, Pa, ‘Wag n’yo na akong aalalahanin. I’m fine, okay? I can make things on my own. Malay n’yo, may mangyayaring maganda pero hindi pa ngayon,” pag-aassure niya sa mga ito.
Kinagabihan, tumambay si Daisy sa wooden bench kaharap ng maliit na sapa ilang metro ang layo sa bahay nila. Pinagmasdan niya ang pagkinang ng mga bituin sa madilim na kalangitan maging ang nakangiting buwan.
Staring at the starry skies at night, searching and tracing the constellations was one of her hobbies before, until now. Mas lalo niyang minahal iyon sa mga sandaling hati siya sa dalawang mundo: ang totoong mundo at ang mundong siya lang ang may alam.
* * *
Nang makauwi na si Raspberry sa bahay ay nadatnan niya ang pinsan niyang si Ian na umiinom ng kape at prenteng nakaupo sa one-seater sofa.
“Paano ka nakapasok rito?” tanong niya rito sabay lapag ng kahon sa mesa. Tinaasan niya ito ng kilay at pabagsak na umupo sa katapat nitong sofa. Naisandal niya ang ulo niya roon sa pagod.
“Duplicate keys from Tita Sheena.” Ian shrugged his shoulders and put down his cup of coffee on the table. “You looked so worn out. Stress ba sa trabaho?”
Hinubad niya ang blazer niya at tinupi iyon saka ipinatong sa kandungan niya. Huminga nang malalim at tinanggal sa pagkakapusod ang buhok niya’t pinaglandas ang mga daliri niya. “I resigned. Corporate life is too hectic for me. Ikaw? Bakit ka nandito?” Napapadpad lang naman ang pinsan niya roon kapag may balita sa pamilya nila.
Natigilan ito sa anunsiyo niya at matiim siyang tiningnan. “Lolo’s health is getting weaker. The Romulos want us to be home this Christmas for our family reunion. This time, you should be there, Berry.”
Bahagyang naningkit ang mga mata nito. Hindi lingid sa kaalaman nito na madalas ay wala siya social gatherings at wala siyang amor dumalo at makipaghalubilo ng kung sino-sino kahit pa mga kamag-anak nila.
It’s really exhausting to socialize with their extended family, questioning her about her salary, her job position in the company, and her love life which is a not-so-good starter for conversation. Other people sort of validate if you’re successful and have achievements. It isn’t necessary to answer those senseless questions.
“Okay, okay. I’ll go home. Uuwi ako ng Cagayan De Oro para kay Lolo,” pagpayag niya. Sa katunayan, nangungulila na siya sa Lolo Isagani niya na madalas ay binabasahan siya ng poetry book. Dito siya nagmana sa pagiging mahilig sa libro at pagbabasa. She missed those summer days when she had wise talks with her grandfather. Sinalakay siya ng kalungkutan sa kaalamang nanghihina na ang katawan nito.
Umuwi kaagad si Ian pagkatapos nilang sabay kumain ng hapunan. Tumambay muna siya sa terasa, malalim ang iniisip. Kung ano ba ang plano niya pagkatapos niyang magpahinga sa pagtatrabaho sa kompanya. Babalik ba siya o iibahin ang direksiyon ng career niya? She’s in torn about it while sipping her chamomile tea.
Ilang beses na napabuntong-hininga si Berry at napahilot sa sentido niya. Siguro, papalipasin niya muna ang mga araw. She needs rest after years of dedicating her work and effort to such companies. Aminado siyang nagtatrabaho siya para sa ikabubuhay niya, mostly to sustain her basic needs but there’s this hollow part of her, telling her that it’s not really the path she wants. Makailang beses na siyang inatake ng middle-life crisis at kung minsa’y apektado siya niyon. It was not merely living for years to sustain her basic needs, it’s more than that.
Bumalik na si Berry sa kuwarto niya’t humiga na sa kama. She stared at the desolate ceiling and closed her eyes, letting the darkness envelop her.
* * *
“Berry, hindi ka pa ba bababa? Hinahanap ka na ng mga pamangkin natin,” bungad ni Ian sa kanya. Basta-basta na lang nitong binuksan ang pinto ng kuwarto niya sa bahay ng Lolo Isagani nila.
Naibaba niya ang libro na binabasa niya sa bedside table. Hinawi niya ang kumot na nakatakip sa kalahati ng kanyang katawan at bumangon. She put on her house slippers. Bahagyang iritado man, hindi niya iyon pinahalata kay Ian. “Don’t you know how to knock?”
Ian smiled sheepishly and opened the door widely, gesturing to her to go outside of her room. She sighed and a small smile spread on her lips.
“I am playing with them this morning, Ian. Grabe, anong klaseng vitamins ang pinalaklak ng mga pinsan natin sa kanila? They’re full of energy,” tukoy niya sa mga makukulit niyang mga pamangkin.
Hapon na ngayon at malamang ay nags-siesta na ang iba ngunit may ideya siyang ang ibang pa nilang kamag-anak ay nasa garden kasama si Abuelo. Ilang araw na lang ay Pasko at doon sila nagtitipon upang mag-celebrate ngunit sa kabila ng kasiyahan ng pagdiriwang ay ang katotohanang tila iyon na ang huling Pasko na mananatili sa piling nila si Lolo Isagani. Pagod siya sa biyahe kahapon at hindi niya matanggihan ang mga pamangkin niya na kaagad humingi ng pasalubong galing sa kanya. Sumabay siya sa mga larong pambata kasama si Ian kinalaunan.
Lumawak lalo ang ngisi nito at sumandal sa gilid ng pintuan. Inayos niya ang pagkakatali ng buhok niya na gumulo mula sa mahabang pagkakaupo sa higaan niya. “Lots of vitamins, probably. By the way couz, is there a way to evoke interest from a woman? Misteryosa ang dating niya at may ideya ako na alam mo kung paano. Isa ka sa kanila. Matutulungan mo siguro ako dahil pareho kayong mailap. “
Bahagyang naningkit ang mga mata niya sa biglaang paglalahad nito.”May nililigawan ka?”
Mukhang may naalala ito dahil bumagsak lang ang balikat nito sabay kamot sa sentido. “Sinubukan ko pero ayaw niya mismo.”
Ian crossed his arms and his eyes are faraway all of a sudden. Gusto niyang natawa, lagi naman itong may nagugustuhang babae at kadalasan iyong mga babaeng tahimik at mysterious ang tipo nito, halos similar na sa personalidad niya, dahil pakiramdam nito kailangan ng knight in shining armour ng mga ganoong klaseng babae.
Not really knowing that girls are really complicated when it comes to their life and privacy. You’re not gonna bombard someone with questions that they don’t even want to mention with. Kung minsa’y hindi naman talaga knight-in-shining armour ang kailangan ng babae dahil sapat nang maintindihan at tanggapin ito.
“She’s a bit like you, but more of a sunshine. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya e, a spring flower, a refreshing sight.” Berry mentally shook her head when he spaced out again, maybe imagining the woman he admired.
Highschool teacher si Ian sa isang bayan sa isang probinsiya sa South.
Berry put on her lilac cardigan. Sinipat niya ang sarili niya sa salaming dingding katabi ng built-in closet.
Lumabas na siya sa kuwarto niya at sumabay ito sa kanya. Tanging mga boses at yapak ng mga paa nila ang tanging tunog na lumikha sa hallway ng ikalawang palapag.
“What’s her name?” tanong niya at nauna nang bumaba sa hagdan.
“Daisy. She’s often called Mako. Mailap siya minsan, parang usa. She has this kind of air that she doesn’t want anyone to make her guard down.” Her footsteps were suspended in mid-air when she heard the name.
She suppressed her gasp and widened her eyes in surprise. Akalain mong si Daisy na bestfriend niya mula pa noong highschool ang tinutukoy nito? She was sure Ian is talking about the same Daisy dahil kilalang-kilala niya ang kaibigan niya.
Bumangon ang kuryusidad at excitement niya sa nalaman. Mahigit pitong taon na siyang walang balita kay Daisy magmula nang lumisan ito sa siyudad. She didn’t know where exactly she’s hiding or working at that time but she had a hint that she’s faraway.
“Nakasabay ko siya sa bus noong isang araw. Akala ko, hindi niya ako papansinin pero hindi, ang seryuso ng usapan namin. Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Lolo,” pagkukuwento nito at sumunod sa kanya na tumungo sa living room.
“Kapag ‘yung babae na mismo ang lumalayo. Huwag mo na siyang pilitin, Ian. Hayaan mo ‘yung babae mismo ang magsasalita tungkol sa buhay niya. May iba kasing hindi na nila kailangan ng knight in shining armour, because they are not damsel in distress in the first place,” litanya niya rito. Naririnig ko na ang ingay ng mga bata sa sala at malamang nanonood na naman sila ng movies.
“Malabong lalapitan niya ako para ihayag ang sikreto ng pagkatao niya,” wika ni Ian na umupo kaagad sa bakanteng one-seater na sofa. Nagtipon-tipon ang mga pamangkin nila sa carpet, nanonood ng Wall-E.
“Tita Berry! I’m hungry! Sandwich! Sandwich!” ani Ella nang makita siya kung kaya’t naputol ang usapan nila. The little girl wore her baby pink dress with her curly pigtails.
She smiled ear to ear, showing one missing tooth in her mouth. Tumakbo ang batang babae papalapit sa kanya at itinaas ang mga kamay nito, nagpapabuhat. She’s a four-year-old kid who looks like a two-year-old because of her small frame. Berry smiled at her and stooped to reach her.
“What do you like? Chicken o tuna sandwich?” She carried her gently and walked through the kitchen. Hindi naman siya nabigatan bagkus ay bahagya niya pa itong isinayaw.
“Chicken!” she screamed and Berry chuckled despite that her squeaky voice was ringing in her ears.
Kids’ energy and enthusiasm are draining sometimes but Berry found warmth in them. She likes to be surrounded by kids, those hopeful eyes and innocent smiles could fade her worries away.
She made a chicken sandwich to Ella as well as the other kids. Ayaw niyang magka-inggitan ang mga ito kaya gumawa na siya ng marami. Matapos niyang ihanda ang mga sandwich sa mga bata at pagkaguluhan iyon habang nanonood pa rin ng cartoons ay bumalik siya sa kusina upang maglinis ng mga kalat niya.
She was washing the dishes when Ian went inside the kitchen and opened the fridge.
“Nice,” he uttered when he spotted his favorite drink in a tetra pack. Sumandal lang ito sa ref at binalingan siya. “Anong plano mo? Mag-apply ka sa ibang kompanya?”
“I’m tired of corporate life, Ian. I felt like I am not belong or might be, nadr-drain lang talaga ako magtrabaho sa isang kompanya,” she simply said and drained the sink. “Let’s just say that I’m through with these so-called social struggles in my previous company. I even heard some embezzlement and I don’t want to be involved in those schemes, Ian,” malumanay niyang pag-amin. She opened the small window of the kitchen and the garden came into view. Her eyes enjoyed the sight of a Santol tree in the backyard.
“Right. I know you. Ayaw mong nakokompromiso ang konsensiya mo. Inamin mo ang dahilan ng pag-resign mo? Ang embezzlement?” usisa nito sa ‘kin at naupo sa high stool, facing the kitchen counter.
Marahan siyang umiling. “I don’t have much evidence for that.” Berry dried her hands and faced Ian. Kasalukuyan itong umiinom ng chocolate drink. The straw was between his lips. “Oh, by the way, the lady you admire. Can you give me her contact details and email?”
Nanlaki ang mga mata nito, napamaang sa kanya at siya naman ay hindi maiwasang mapangiti. “I tell you why.”
* *
Kabanata: Tatlo
Nanlalata siya nang makalabas na ng parking lot ng eskuwelahan. Tila sinabunutan siya ng sampung bakla sa magulo niyang buhok, ang mga kulot na hibla ay kung saan-saang direksiyon na napunta. Noong una, hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang panunukso ng mga kaklase niya sa nakalugay niyang kulot na buhok hanggang sa naisip na lang niyang taliin iyon.
Pagod na pagod na siya buong araw sa klase. Bukod sa siya lang ang naglinis sa room nila ay parang mabibiyak ang ulo niya sa dami ng mga assignments. Pahirap talaga sa kanya ang Algebra, malay ba niyang nadagdagan ng mga letra ang mga numero. Buong durasyon ng Math class ay nakatulala lang siya. Blangko din ang utak niya para sa gaganaping second periodical exam.
Aminado siyang bagong karanasan sa kanya ang lahat. Malawak ang eskuwelahan at nasa mismong pusod ng siyudad, napapaligiran ng mga gusali at samu’t saring establisiyemento. Para sa tahimik na teenager na katulad niya ay mahihirapan sa pag-adjust sa highschool.
Tumawid siya ng kalsada kasabay ng ibang mga estudyante at naghintay ng masasakyang jeep. May tumigil na jeep kung kaya’t sumakay na siya roon.
Bukas. Papasok na naman sa eskuwela, sasalubungin ang mga leksiyon at gawin ang mga tasks na inaatas sa kanila ng mga guro nila. Minsa’y nagagahol na sila sa dami ng gawain. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng jeep nang tumigil ito sa gilid ng kalsada, partikular sa isang waiting shed kung saan may nga estudyanteng naghihintay ng jeep.
Matagal iyong nakatigil dahil kaunti pa ang mga pasahero ng jeep at sa mga segundong iyon, natagpuan ng mga mata ni Daisy ang isang binatilyo. Naghihintay ito sa waiting shed, nakapamulsa at malayo ang tingin ngunit lumipat ang mga mata nito sa kanya nang maramdaman nitong may nakatingin rito. Mukha itong freshman kagaya niya sa pigura nito. Bahagyang magulo ang buhok nito, medyo lukot ang di-kaputian nitong polo at halatang pinaglumaan ang sapatos nito dahil tuklap na iyon.
Hindi alam ni Daisy kung ano ang puwersang humatak sa kanya at nakatitig pa rin siya rito, sa mga misteryusong nitong mga mata na tila may kinukubling mga sikreto at parang inuudyok siyang tuklasin ang kuwento nito. Para iyong karagatan na kay lalim kung sisirin.
Natagpuan niya ang sarili niyang ngumiti, ngiting ‘di niya alam kung ano ang pinagmulan.
Tibok.
Marahil nagulat ito sa pagngiti niya dahilan na umawang ang mga mata nito. Bago pa man niya basahin kung bakit gan’on ang ekspresyon nito ay umandar na ang jeep at naiwan itong nakatayo roon. Tila naestatwa at ni hindi man lang lumingon sa papalayong jeep.
Dapit-hapon at kulay kahel ang paligid. Bahagyang iniharang ni Daisy ang kamay niya nang masinagan siya ng liwanag mula sa papalubog na araw. Paulit-ulit na rumehistro sa isip niya ang lalaking tinititigan niya nang matagal sa waiting shed.
Sino ka? Gusto kitang makita ulit. bulong niya sa hangin.
Naghihintay siya ng masasakyang jeep sa waiting shed nang namalayan niyang may tumabi sa kanya. Pamilyar kay Daisy ang pigura nito. Walang bahid ng dumi ang puting polo nito at tila bagong plantsa ang khaki pants.
Namukhaan niya ito. Iilang beses lang niyang nakita ito sa campus nila Schoolmate niya ito noong elementary kami at naging classmate noong grade three pa sila. Kung naalala siya nito ay tiyak na alam nitong may fondness ang mga kaklase nila sa kanya noong bata pa dahil sa pagiging masayahin niya. Mas matangkad siya rito noon at minsan na silang nagkukulitan sa NAT review classes nila at sabay na kumakain ng recess dahil magkatabi sila ng upuan. Naalala pa rin niya ito sapagkat ito ang naging unang lalaking kaibigan niya noong bata pa siya. Nagkahiwalay lamang sila noong hindi na sila magkaklase sa mga sumunod na taon.
Napansin yata nitong nakatingin siya rito na hindi na niya namalayan sa kadahilanang naglakbay ang memorya niya kasama ang batang version ng lalaki. Tumikhim ito kaya napaiwas siya ng tingin.
“Pamilyar ka, nagkita na ba tayo noon?” tanong nito sa kanya pagkalipas ng ilang sandali. Kaunti na lang matatawa na siya dahil halatang inaalam nito kung saan siys nito nakita noon bukod sa schoolmates sila ngayon.
“Sorry, baka nagkamali lang ako,” mahina ang boses na sabi nito at namulsa. Lihim siyang napangiti at pinag-interesang titigan ang sapatos niyang makapal ang suwelas.
“Magkaklase tayo noong elementary no’ng grade three pa tayo. Ikaw si Lirio San Miguel. Minsan, sakit ka sa ulo ng adviser natin, ubod ng pasaway. Lagi kang nagrereklamo pagkatapos mong parusahan at madali kang mabagot.” Hindi niya alam kung bakit niya iyon sinabi ngunit sa loob-loob niya, nagbabasakali siyang naalala siya nito. Kunsabagay, may mga memorya talaga noong bata ka pa ang isang tao ay makakalimutan paglaki. Naalala niya noon kung gaano siya natuwa sa kakulitan ni Lirio. Wala namang masama kung maging kaibigan niya ito.
Pumara siya ng jeep na kakaunti lang ang mga pasahero at namalayan niyang nakasunod sa kanya si Lirio. Pareho sila ng distrito at ruta ng jeep na sinasakyan. Malamang ay iilang barangay lang ang pagitan ng tirahan nila. Wala siyang alam kung saang eksaktong nakatira ito.
“Bakit ang pagiging pasaway ko naalala mo?” nakangiwing hirit nito. Katabi na niya ito ngayon. Hindi niya alam kung maaalibadbaran sa presensiya ni Lirio o hindi dahil taon na rin ang nakalipas magmula noong maging magkaibigan silang dalawa at musmos na mga bata pa sila noon. “Pero di nga, naalala mo talaga ako?”
“Oo,” sagot niya rito at magaang ngumiti. Maalinsangan sa loob ng jeep at ang totoo’y kanina pa nanlalagkit si Daisy. Pakiramdam niya ay sisingaw ang baho ng pawis niya.
“Ano ngang pangalan mo?” tanong nito.
“Daisy Mako.”
Sandali itong hindi nakaimik at nakahawak lang sa sabitan ng jeep. Tiningnan niya ang pag-iba ng kulay ng stoplight hanggang sa umandar ulit ang jeep.
“Ah! Naalala ko. Ikaw ‘yung kinokopyahan ko sa NAT Review,” natatawang sambit nito. Makulit pa rin ito kagaya nang dati at mukhang tamad pa rin mag-aral. Napangiti si Daisy nang maalala siya nito lalo na nang maalala ang ilan sa nga kabulastugan nito.
“Tamad ka lang talaga noon. Late ka pa lagi sa flag ceremony noon,” saad niya rito saka mas lalong iniyakap ang kanyang bag.
“Katamad gumising nang maaga. Ilang beses na akong na-late sa school at di pinapasok ng guard. Kasama ko na kasi sa almusal ang panonood ng tv. Ikaw ba? Hindi tinatamad?” Isa din sa mga katangian nito ay madaldal ito para sa isang lalaki. Kaya nitong makipag-usap sa hindi nito kilala na hindi mababagot ang kausap nito.
“Drama lang sa radyo pinapakinggan ko pero di ko na tinatapos dahil may klase. Maaga akong pumapasok. Ayokong ma-late at makipagsiksikan sa ibang pasahero,” wika niya rito. “Pero maraming late sa section namin kaya pinapagalitan kami ng TLE teacher namin.”
“Muntik na akong ibagsak sa AP dahil lagi akong late. Nakabawi naman ako sa third grading. Kahit pa’no sumabit ako.” Tila natutuwa pa ito sa kuwento nito. Basta talaga sa kalokohan, aktibo ito. “Papasa ako ngayong second year. Kung sana’y magiging kaklase kita sa third year, edi may source na ako.”
Naitakip niya ang kamay niya sa bibig niya nang matawa siya sa hirit nito. “Loko ka talaga. Kokopyahan mo pa ako.”
Pareho na silang natahimik pagkatapos niyon dahil ipinikit lang nito ang mga mata nito’t matutulog pa yata sa biyahe. Bumaba na siya ng jeep nang makarating na siya sa lugar nila. Kahit mantikang-tulog na sa jeep si Lirio ay kinawayan pa rin niya ito.
Umuwi ng Surigao Del Sur ang mga magulang niya at isinama ang kanyang bunsong kapatid roon na si Dean. Naiwan silang dalawa ni Desiree sa bahay ng kanyang Tita Emerald, kapatid ng kanyang ama. Gusto man niyang sumama at magbakasyon sa SDS ay hindi naman sapat ang pamasahe para pumunta sila lahat doon. Nakasanayan na kasi ng nanay niyang umuwi roon isang beses sa isang taon, sa panahon ng bakasyon at wala silang klase.
Pabor rin naman sa kanya na magbakasyon sa bahay ng Tita niya dahil maraming mapagkakaabalahan doon bukod sa nagliliwaliw siya minsan sa malinaw na sapa roon at pagmasdan ang mga nagtataasang puno at berdeng mga burol na pumapagitna sa village mismo. Dinala niya roon ang bisikleta na pagmamay-ari ng ama niya at nagsilbing transportasyon nila ng kanyang kapatid papunta ng bahay ng Tita Emerald nila. Dahil hindi sanay, napapahigpit ang kapit ni Desiree sa kanya sa tuwing makikisabay sila sa ibang sasakyan na di-hamak na mas malaki sa bisikleta, ngunit hindi iyon alintana kay Daisy.
Maraming mga libro ang Tita niya kung kaya’t humihiram siya rito upang basahin iyon saka siya tatambay sa verandah ng bahay at pagpipiyestahan ng mga mata niya ang berdeng tanawin. Kakaunti pa kasi ang mga bahay na nakatirik roon at tila ba, probinsiya ang dating kahit pa parte pa rin ang lugar na iyon sa siyudad.
Isang araw, inutusan siya ng Tita niyang bumili ng iilang grocery items sa JY Square. Hindi siya nagreklamo bagkus natuwa pa siya dahil magagamit niya ang bisikleta papunta sa supermarket. Kailangan pang sumakay ng habal-habal bago makarating sa kinaroroonan ng village ng kanyang Tita sapagkat medyo malayo ito sa mismong siyudad.
Panay ang pagpadyak niya nang may bisikletang bigla siyang inungusan kaya napatabi siya nang wala sa oras. Inatake siya ng kaba nang muntik na siyang matumba. Gusto niyang singhalan ang nagpapadyak sa bisikleta na iyon sa inis. Kung makapang-overtake ay parang may marami silang kaagaw sa daan.
“Oops! Sorry!” sigaw ng lalaki na lulan sa bisikletang iyon at tumigil sa pagpadyak niyon. Pinihit nito ang bisikleta at nakangising bumaling sa kanya. Tumama rito ang sinag ng araw ng hapon na iyon. Nanlaki ang mga mata ni Daisy nang mamukhaan ang maaliwalas nitong mukha. Nakapambahay ito, malayo sa naka-uniporme nitong hitsura at civilian na nakasanayan na niya.
“Lirio?” maang ni Daisy sabay nagpadyak nang mahina palapit rito. Namimilog pa rin ang mga mata niyang nakamasid rito sabay linga-linga sa paligid kung saan sila ngayon. Hindi sementado ang daan roon at paminsan-minsan kailangan niyang tumigil lalo na pag naging mabato na ang daan. Bumaba siya ng bisikleta niya. “Anong? Teka, bakit ka . . . Teka, taga-rito ka?”
Ngumisi lang ito lalo at sinipat din ang hitsura niya. Pasimpleng nitong sinuklay ang buhok gamit ang malaya nitong kamay. “Nakatira ako pagsamantala sa bahay ng Tita ko ngayong bakasyon dahil nasa Cagayan De Oro ang buong pamilya ko. Ikaw? Tagarito ka rin ba? Bakit hindi kita napapansin noon?”
Umiling siya saka itinulak ang bisikleta niya ganoon din ito. “Pareho pala tayo. Nagbakasyon ang mga magulang ko sa Surigao Del Sur kasama ng bunso kong kapatid. Naiwan kami ng isa ko pang kapatid sa bahay ni Tita Emerald. ‘Yung bahay na pula ang rooftop at may nakaukit na Berntsen.”
Bahagyang namilog ang mga mata nito. “Ah, nadadaanan ko minsan ang bahay ng Tita mo. Nilalaro ko ang bulag na aso doon sa tuwing naabutan ko siya sa labas ng bahay. Pinagkakatuwaan kasi ng mga makukulit na bata dahil nga holen ang mga mata.”
May aso si Tita Emerald na alaga pa ng yumaong nitong asawa na Norwegian. “Si Toto ibig mong sabihin. Mabait ‘yun na aso at hindi maingay. Saan nga pala ang punta mo?”
“Sa JY Square. May bibilhin lang akong pampawi ng uhaw. Ang init-init ng panahon ngayon e at walang drinks na nakakatakam sa mata sa bahay. Wala akong maiinom na malamig. Ayaw naman akong paiinumin ng RC ni Tita kaya pupuslit ako ngayon. Ikaw?” tanong nito. Gumilid silang dalawa sa kalsada nang may mga humahururot na mga motorsiklo. Saglit na nabingi siya tunog ng makina niyon.
“May ipapabili si Tita sa ‘kin. Sa JY din ang punta ko. Sabay na tayo,” sagot niya rito. Bilang sagot, sumakay na ito ng bisikleta at nagsimulang magpadyak. Sumakay na rin siya sa bisikleta niya at humabol rito hanggang sa magkatabi na nilang pinapadyak ang bisikleta nila.
“Nagtataka ako. Bakit pinili mong mag-aral sa public, hindi sa private. Ang totoo, inakala kong mag-aaral ka sa private school ngayong highschool kaya medyo nagulat ako ng makita kita sa Abellana,” pag-amin ni Daisy. Nagulat pa nga siya noong nakita niya pangalan nito sa mga nakapasa sa entrance exam.
Kilala na mayamang pamilya ang San Miguel. May iba sa kamag-anak nito ay government officials ng siyudad nila. Vice-mayor ang Tito nito at barangay captain ng barangay kung saan sila ngayon ang isa pa nitong Tiyuhin. May hitsura rin ito at napapansin iyon ng mga schoolmates nila. Hindi na bago kay Daisy na marinig na may nagkakagusto rito. Singkit ang mga mata nito, matangos ang ilong, maputi ang balat, matangkad, maamo ang mukha at kung minsan nangungusap ang mga mata nito kung tumingin. Nanatili pa rin ang kapilyuhang taglay nito noong mga bata pa sila maging ang masayahin at maloko nitong disposisyon.
“Malaya ako sa public. Nagagawa ko ang mas gusto kong gawin. Ewan, nasasakal akong isipin pa lang ang mga rules and regulations doon. Sa isang international school sana ako mag-aaral. Nasusuka na ako isipin pa lang ang mga kasosyalan na bubungad sa ‘kin roon. Mas hindi kontrolado ng pamilya ko ang public. Kung nasa private ako, malamang, ang tataas ng grades ko. Hindi pasang-awa. Isa pa, mas nakakasundo ko ang mga tao sa public,” katwiran nito. Pilyo itong ngumiti at naalarma si Daisy doon. Ano na naman ang kalokohang gagawin nito? Ilang beses na kaya siyang nabiktima nito noon. Pilyong ngumingisi na parang may binabalak na masama. “Ikaw ha, matagal mo na pala akong inobserbahan. Aminin mo nga, may crush ka ba sa ‘kin?”
Napanganga si Daisy at napahiya sa biglang konklusyon niya rito. Muntik na siyang mabangga sa isang malaking bato sa gulat. “Aba! Hindi ah! Masyado lang talaga akong observant. Sabihin na nating kilala ka sa batch natin,” katwiran niya.
“Sus! Tumanggi pa. Namumula ka na nga e!” tukso nito sabay tawa at mas lalong binilisan ang pagpadyak sa bisikleta. Naiwan tuloy siyang napasinghal sa pagiging makapal ng mukha nito.
Humabol siya rito nang makabawi. “Loko ka! Hindi no!” tanggi niya pa rin at mas lalong binilisan ang pagpadyak rito ngunit napasimangot lang siya nang harangan siya nito ng bisikleta nito upang di siya paraanin. Di naman siya makalipat dahil may mga dumadaang motorsiklo.
“Biro lang. Ito naman,” bawi nito na nakatakip ang kamay sa bibig nito, pinpigilan ang sariling matawa na ikinanguso lang ni Daisy. Inabante nito ang bisikleta nito. “Ang mahuhuli ay manlilibre ng merienda!” deklara nito at humalakhak pa na parang isang kontrabida sa action film.
“Madaya ka!” sigaw niya. Nanghaba tuloy ang nguso ni Daisy sa asar at sinikap na habulin ito.
Natatawang hinigpitan ni Daisy ang pagkapit sa handle ng bisikleta nang maramdaman ang paghampas ng hangin sa mukha niya dahil sa bilis ng pagpadyak niya. Humalakhak lang si Lirio at mas lalong binilisan ang pagpadyak. Tumayo pa talaga ito at sumigaw, hinahayaang tangayin ng hangin ang magulo na nitong buhok.
Ilang ulit siyang napapasigaw sa tuwing dumadaan ang bisikleta niya sa lubak na parte ng daan dahilan kung bakit siya tinatawanan ni Lirio. Napapausli tuloy ang mga labi niya sa inis. Maysa demonyo talaga ang walanghiya. Kinantiyawan lang siya nito nang matalo siya rito at siya ang manlilibre ng merienda nila ngayon.
Nasa major road na sila kung saan paroo’t parito ang mga sasakyan. Nasa tabi ng minor road ang isang gasolinahan kung saang may jeep na nagpapagasolina at may mga nakahilera na motorsiklo roon, naghihintay ng mga pasaherong ang destinasyon ay papasok ng lugar nila.
“Teka, pasabay.” Hinawakan pa ni Daisy ang laylayan ng sando ni Lirio na akmang tatawid ng kalsada. Nasa kabilang panig pa kasi ang supermarket at kailangan muna nilang tawirin ang isa sa pinakaabalang kalsada ng siyudad. Halos wala ng natirang espasyo roon upang makatawid sila kahit pa sa pedestrian lane sila tatawid.
“Natatakot ka?” Hindi na nakaimik si Daisy nang tingnan niya ang mga sasakyang dumaan sa mga mata niya. Napahawak siya sa braso ni Lirio nang unti-unti na nitong itulak patawid ang bisikleta nito. Atubiling sumunod siya rito at iangat ang kamay niya tanda na makikiraan muna siya. Tagatak ang pawis ni Daisy nang makatawid na sila at kulang na lang sumalampak siya sa pagod na may pinagsamang kaba sa harap ng entrance ng supermarket.
Paano kaya kung hindi niya natagpuan si Lirio? Aabutan siya ng ilang oras sa paghihintay na tumawid sa kalsada sa dami ng sasakyan. Ipinarke nila ang mga bisikleta nila katabi ng ibang mga bisikleta sa gilid ng supermarket.
“Oo nga pala, Daze. Puwedeng doon muna sa inyo ang RC Cola ko? Tiyak na mapipingot ako sa tainga ni Tita pag nakita niya iyon sa ref niya.” kausap sa kanya ni Lirio na dumampot ng walang lamang basket sa cart section pagkapasok nila. Awtomatikong napangisi si Daisy nang may magandang naisip para gantihan nito sa ginawa nito kanina.
“Puwede, kung ikaw na ang manlilibre ng merienda natin. Kung ayaw mo, bahala ka kung saan mo itatago ang RC mo.” Binuntunan pa niya iyon ng nakakalokong tawa at nilampasan ito, bitbit ang basket. Napanganga na lang ito sa kakulitang inakto niya. Nang makabawi ay natawa na lamang ito.
“Sa cashier na lang tayo magkita. Ililibre pa kita ng merienda,” pahabol nito na ikinatuwa niya. Eksaheradong ikinukurap-kurap niya ang mga mata na ikinangiwi ng mukha nito. Itinuro nito ang hilatsa ng mukha niya. “‘Wag mo nang gawin ‘yun. Kadiri. Bagay lang iyon sa magaganda.”
Lumabi lang siya rito at tinalikuran ito upang hanapin ang pinapapabiling spices at grocery items ng kanyang Tita. Doon lamang niya napagtanto na tinawag siya nitong ‘Daze’ at mukhang iyon na ang magiging palayaw nito sa kanya.
Nang makompleto ni Daisy ang grocery list ay pumila na siya sa cashier area at nakita niya sa katabing line si Lirio na nginitian lang siya. Inilagay niya ang mga items sa counter saka nagbayad sa cashier matapos kuwentahin. Bitbit ang isang plastik ng grocery ay lumabas na ng supermarket si Daisy. Kinawayan siya ni Lirio na inilagay na ang pinamili nito sa bisikleta nito.
“Saan ba tayo?” tanong niya rito saka inilagay ang mga pinamili niya sa basket ng bisikleta at itinulak iyon palayo ng parking space. Ininguso ni Lirio ang isang puwesto sa kabilang panig na naaninag niyang may nagtitinda ng banana cue at camote cue. “Malamig pa ba ‘yang RC mo? Gawin natin panulak ‘yan,” wika niya rito, napapangiti sa naisip. Eksaheradong nginusuhan siya nito at akmang babatukan. Tatawa-tawa siyang umiwas at tumungo sa gilid ng kalsada, naghihintay na makatawid.
“May nata de coco sila roon.” Nagningning ang mga mata niya. Paborito niya ang malamig na nata de coco na madalas niyang bilhin sa kanila at kulay green na nata de coco ang gusto niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang maayos silang nakatawid ng kalsada. Halos tumakbo na siya upang makaiwas sa mga sasakyang papasalubong sa kanila. Laging maingat sa pagtawid si Daisy dahilan kung bakit natatagalan siya pagtawid at sinisiguradong malayo ang mga sasakyan sa kanya. Bumili si Lirio ng dalawang banana cue at kapwa sila nakaupo sa gutter na kumakain niyon. Pawang itinabi nila ang bisikleta nila sa gilid ng isang lumang tindahan.
“Nagtataka ako.” Lumunok muna si Daisy bago nagsalita ulit. “Kung bakit di ko pa nababalitaang napasok sa gulo. Mantakin mo, umabot ka ng second year highschool.”
Sinamaan lang siya nito ng tingin habang ngumunguya ng banana cue. “Grabe siya, huli akong napaaway noong grade six dahil sa sira-ulong matanda pa sa ‘kin ng tatlong taon. Hinuthutan niya ako para sa bisyo niya. Pinagbigyan ko siya noong una dahil ayoko ng gulo hanggang sa nawala na ang pasensiya ko.”
“Nandoon ako, di ba lunch nang mangyari iyon? Kumakain ako sa bungad ng clinic nang may magkagulo malapit doon. Nakita kitang nakikipagbuno sa malaking lalaki na ‘yun at pagulong-gulong na sa lupa. Bugbog-sarado ka at dinala ka sa ospital pagkatapos.” Kahit saang anggulong tingnan, dehado pa rin si Lirio sa kaaway nito sa pisikalan sa laking bulas ng huli. Dahil sa pangyayari ay pinatalsik ng eskuwelahan ang naturang binata at ang simpatiya ng mga tao ay na kay Lirio.
Nagkibit-balikat ito. “Kung hindi ako lalaban, mas lalo akong pagtr-tripan ng isang ‘yon. Depende naman sa tao kung hayaan siyang alipinin ng kapwa niya, di ba?” makahulugang saad nito.
Hindi na nakaimik si Daisy sa sinabi nito bagkus ay napatitig na lang siya sa pares ng tsinelas niya. “Oo,” pahapyaw niyang sagot rito.
* * *
“Wala pa rin si Daisy?” tanong ni Lirio sa isa sa mga kaklase ni Daisy sa room ng mga ito. Pareho naman silang afternoon shift sa RSD at minsan na niyang hinahapit si Daisy sa room nito dahil nadadaanan lang sa tuwing umeeskapo siya bumili ng pagkain sa canteen.
“Wala, San Miguel,” sagot nito. “Hindi rin alam nila Charlotte.”
“Charlotte?” Ni hindi naikuwento ni Daisy sa kanya ang tungkol sa mga kaibigan nito sa klase. “Wala ba kayong naobserba na kakaiba sa kanya?”
“Eh kasi napansin lang namin parang may problema sa kanilang magkakaibigan,” sambit na lang nito na gumala ang mga mata sa kanang bahagi ng classroom kung saan may tatlong babaeng panay ang kuwentuhan.
“Puwedeng makisuyo? ‘Yung Charlotte. Sabi, kakausapin ko lang siya saglit,” aniya at tumango lamang ito saka tinawag ang babaeng Charlotte ang pangalan. Nakangiting lumapit sa kanya ang Charlotte nang salubungin niya sa pinto. Napansin niyang nagngitian ang mga kasama nito nang magkausap na sila kaya tuloy di maiwasang kumunot ang noo niya.
“Hi, kaibigan ka ni Daisy? Di ko akalaing kaibigan ka pala niya.”
‘Bakit? Di ba kapani-paniwala?’
“Nagpaalam ba siya sa inyo kung bakit absent siya nang halos isang linggo?” Itinago niya ang pag-alala niya. Formal ang tono ng boses niya na akala mo’y nasa business event siya ng pamilyang San Miguel.
“Uhm, hindi e. Pinapadalhan namin siya ng mensahe sa pager niya pero walang sagot,” mahinahon nitong pagsasalita, bakas pa rin ang ngiti.
Napatango-tango siya. Gustuhin man niyang alamin kung ano ang problema sa pagitan ng magkakaibigan. Wala siyang tiwala sa mga ito dahil hindi naman niya kilala ito personally. Gusto niyang marinig niya mismo sa mga labi ni Daisy.
Nagpaalam na siya’t nagpasalamat na lang dito. May kasama pa talagang pagkaway at malawak na ngiti ang paalam nito. Muntik na tuloy niyang tawanan ito kung hindi lang siya nakapagpigil.
Sinadya mismo ni Lirio ang bahay ng Tita ni Daisy na ikinagulat ng matandang babae. Di kasi niya alam ang address ni Daisy. Ipinaalam na lang niya na hinahanap niya si Daisy at gusto niyang makausap. Sabado iyon.
Nakatanggap siya ng mensahe sa pager mula kay Daisy na nandoon ito sa bahay ng Tita nito kinabukasan.
Nagulat na lamang si Lirio nang mabungaran niya si Daisy na mukhang nangangayayat at malungkot ang mga mata. Malayo sa personalidad na alam niya.
* * *
Hindi niya alam kung bakit pagkakita niya kay Lirio ay bumigay na ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan.
Nanigas lang ito sa kinauupuan nito, sa lilim ng isang puno malapit lamang sa ilog nang makita siyang umiiyak na sa harapan nito. Tahimik lang siyang umiiyak at naiyuko niya ang ulo niya para maitago ang basa na niyang mukha nang tuluyan na siyang makaupo sa lupa.
Nakakapagod na palang magpigil ng sama ng loob. Ilang ulit na siyang umani niyon sa eskuwelahan at dahil nga ayaw niyang may makaalam sa kahinaan niyang ito ay kinimkim niya lang lahat. Gawain na niya ito noon pa. Wala siyang pinagsasabihan sa takot na hindi nila maintindihan ang mga damdamin niya na sa tingin niya ay wala namang kaso sa iba. Madali ang mga itong makalimot di gaya sa kanya na naaalala niya lahat. Tila ba sa tuwing ganito siya ay naaalala niya ang mga pagkakataong nasaktan siya noon. Halo-halo na sa puntong di niya maipaliwanag kung bakit.
“Bakit ka umiiyak? Nagkasakit ka ba, Daze? Tell me,” may pag-alala sa boses ni Lirio. May kinakapa ito sa damit nito. “Naman, wala akong dalang panyo.”
Bahagya tuloy siyang natawa at pinahid na lang ng braso at kamay ang lumuluhang mga mata. “Di ko naman akalain na ganito ang mangyayari kapag nakaharap kita. Ewan ko kung bakit. Siguro, pagod lang talaga ako,” katwiran na lamang niya at pilit ngumiti.
“Tell me, anong nangyari? May di pagkakamabutihan ba kayo ng mga kaibigan mo? Kung kaibigan bang maituturing ang mga ‘yon.” Naningkit ang mga mata nito.
Napasinghot si Daisy, iiling-iling. Ayaw niyang mabahala pa ito lalo sa mga problema niya. Away magkaibigan lang. Ayaw niyang madamay ito. “Pagod lang ako. Ewan. Napagod na akong umintindi.”
“Pagod? Teka ang labo mo naman. Linawin mo nga sa ‘kin. Paano ko maiintindihan ang sitwasyon?”
Paano niya ipapaliwanag rito? Napakamot tuloy siya sa pisngi niya at ngumiti na lang dito na di nito ginantihan. “Treat mo lang ako ng merienda. May nakita akong buy one take one na burger sa may JY. Doon tayo.”
Nagusot lang ang ilong nito. “Iniiba mo naman ang usapan e.”
Ayaw lang niya maalala ang sama ng loob na inani niya sa mga kaibigan niya ngayon. Baka kasi sumugod ito kina Charlotte pag nalaman nito ang buong istorya sa kanya. Di rin kasi alam nina Charlotte na alam na niya ang lahat na hindi niya inaasahan.
“Sige na.”
“Ikaw talaga. Oo na. Basta wag ka nang iiyak nang ganoon.” Pinagpag nito ang damit matapos tumayo.
“Bakit?” Suminghot-singhot siya at natawa nang bahagya.
“Natatakot ako sa ‘yo.” Naghintay siyang magsalita pa ito. “Pakiramdam ko kasi binuhos mo na lahat sa iyak mong ‘yon. Natatakot ako.”
Natigilan si Daisy. Tama ito ngunit kailanma’y ‘di niya iyon aaminin kay Lirio. “Ikaw kasi e. Di mo tinigilan pager ko. Unlimited ba sentimo mo ha? Naiyak na rin ata ako kasi ikaw lang ‘yung bukod-tanging sinadya akong hanapin.”
“Teka, hindi ka nila hinanap?” maang nito.
Umiling siya at naging malamlam ang mga mata. “Sanay naman ako. Para kasing kung wala ako, di rin mapapansin ng iba.”
“Pero bakit ka nga absent ng isang linggo? Isang linggo, Daze,” naniningkit na naman mga mata nito.
May iba pang dahilan pero nuncang sasabihin niya rito. Umakyat na lang siya palayo ng tabing-ilog. “Gutom na ako, Lir. Kain tayo. Baka may pang-merienda si Tita.”
“Akala ko ba gusto mo ng burger?”
“Nagbago na ang isip ko.” Binuntunan na lang niya iyon ng tawa at natawa na rin si Lirio.
Nagkatagpo siya ng bagong mga kaibigan na pawang mga transferees.
Si Jinnia Mary Ocampo o mas kilala sa tawag na Jinry at naiinis ito kapag tinatawag nila itong Mary dahil hindi naman daw bagay sa rito ang pangalan na iyon. Magaling ito sa English subject at minsan na siyang nasampolan na itama ang grammar niya sa isang essay nila sa formal theme. Kapwa guro ng pampublikong paaralan ang mga magulang nito kung kaya’t hindi na nakakapagtaka ang pagiging well-mannered nito at polite. Subalit, nakikisabay ito sa kalokohan paminsan-minsan. Prangka ding itong tao.
Si Keisha Samonte o mas kilala sa tawag na Kei ay tila lalaki kung umasta at kung minsa’y mas siga pa sa lalaki. One of the boys, ika nga at madalas ay nasisita ito ng mga guro nila sa pag-comply ng school projects at activities. Hindi ito natatakot sa paninindak ng mga guro nila kapag masyado na silang pasaway sa klase bagkus malakas pa ang loob nitong magsalita kahit pa nanggagalaiti na sa inis ang guro nila.
Hindi nakaka-pressure kasama ang mga ito dahil hindi sila nag-uusap lagi patungkol sa mga gawain nila sa eskuwelahan at panay kuwentuhan lang sila. Naging tambayan na nila ang terasa sa center building kung saan nakatirik doon ang flagpole kasama ang ibang mga babaeng kaklase nila na naging parte na ng grupo nila. Huling subject na nila ang AP sa afternoon shift nila kaya doon na sila tumatambay hanggang sa mapagdesisyunan na nilang umuwi.
May isang araw na hindi na siya nagtagal sa tambayan nila dahil gusto na niyang makauwi ng maaga. Hindi na siya nag-abalang magpaalam sa mga ito dahil aangal lang ang mga ito.
Pababa na siya ng hagdan nang maramdaman niyang makati ang buhok niya. Tatanggalin na niya sana ang tali ng buhok niya subalit nagkandabuhol na iyon. Ayon sa nanay niya, wala daw siyang paki sa hitsura niya at tamad siya pagdating sa pagsusuklay ng kulot niyang buhok kaya buhol-buhol lagi ang mga hibla.
Panay ang paghatak niya sa pantali at di na pinansin ang mga tingin sa kanya ng mga evening students na pumapasok na ng RSD building. Simula na ng klase ng mga ito anumang oras.
Napa-aray siya nang mabunot niya ang iilang hibla ng buhok niya nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Nang tumingin siya sa gawi ng sementadong bench sa pathway ay nakita niya ito.
Napaawang ang mga labi niya maging ang mga mata niya sa pagkabigla. Pamilyar ang mga mata nito, sa kung paano ito tumingin. Pakiramdam niya, namutla siya ng mga oras na ‘yon. Hindi niya aakalaing makita ito ulit. Isang beses lang iyon at tingin niya’y hindi na mangyayari pa. Nakabukas ang polo nito at naaaninag ang puting sando sa loob.
Katulad niya, mukhang nagulat rin itong makita siya at naestatwa na sa kinauupuan nito. Bahagyang natatabingan ng tumubo na nitong bangs ang noo nito.
Hindi niya alam ang gagawin o kung ano mararamdaman sa muli nilang pagkikita. First year highschool nang una niya itong masilayan nang lulan siya ng jeep at aminado si Daisy na minsan sumasagi ito sa isip niya sa tuwing maliligaw ang mga mata niya sa waiting shed.
Nahahagip na siya ng mga estudyanteng dumadaan sa boardwalk kaya tumabi na siya, nakahawak sa buhaghag niyang buhok, nakayuko at hindi mapalagay. Nahihiya rin siya sa isiping hinahanap ito ng mga mata niya sa nakalipas na mga buwan.
“Sagara! Halika na!” tawag ng isang lalaking mukhang kaklase yata nito. May ideya si Daisy na pangalan nito iyon dahil napapitlag ito.
Nagkasalubong ang mga mata nila hanggang sa ito na ang bumitaw at pumihit patungo sa RSD Building. Kagaya nang unang pagkikita nila, tila bigla itong naglaho sa paningin niya’t humalo na sa mga estudyanteng pumasok na sa klase nila. Evening shift pala ito kaya hindi niya nakikita sa eskuwelahan sa oras ng klase niya.
* * *
Kabanata: Apat
Kapag hindi inaantok si Daisy at madami ang iniisip ay nagliliwaliw siya sa kalagitnaan ng gabi. Kapag gumigising siya ng maaga ay nagj-jogging siya patungo sa Nivel Hills at doon niya pagmamasdan ang pagsikat ng araw maging ang paglubog nito. Tanging si Daisy lamang ang nakatayo paharap sa sumisikat na ngayong araw, bahagya lang nakatabon ang kanyang kamay sa mukha niya upang hindi siya gaanong masilawan. Other people would think she’s being sentimental, dreamy and weird but chasing the rising sun was one of her coping mechanism aside from wandering around the city streets and exploring different places.
“Teka! Hintay!” Hingal na hingal na tumigil si Cali sa pagtakbo at itinaas ang kamay nito bilang senyas sa kanya na tumigil muna. Napangisi na lamang siya at pinameywangan ito. Nasa gilid lamang sila ng kalsada, tinatahak ang direksiyon patungo sa bahay ni Bella. Pagkatapos kasi ng duty nila sa café, nakatanggap sila ng mensahe sa pager nila mula kay Bella na gaganapin ang reunion nila sa rooftop ng bahay nito. Isasabay na sa birthday ni Bella ang reunion.
“Kung makatakbo ‘to, parang hinahabol ng kriminal.” Sumalampak ito sa sementadong upuan at nagpahinga roon saglit, hindi alintana ang ingay ng makina at busina ng mga sasakyan maging ang buhay na buhay na gabi sa downtown.
“Bilis na. Gutom na ‘ko. Di pa tayo nakakapaghapunan. Hay naku, kulang ka lang sa exercise. Hina naman ng stamina mo,” pang-aasar niya rito. Hinila niya ang braso nito kaya wala itong nagawa at napatayo na lang.
“Pasensiya na ha,” sarkastiko nitong pahayag at napasigaw na lamang siya nang ipitin nito ang leeg niya sa braso nito. “Masyado ka lang excited makita ang mga baklang ‘yon na mas maarte pa sa ‘yo.”
Natawa siya at napahawak sa braso nito. “Alala ko pa, first week ng training natin hina-harass ka na ni Arnie. Ginawa mo pa akong panakip-butas dahil naturn-off ka ka—” Naputol ang pagsasalita niya nang takpan nito ang bibig niya ng kamay nito.
“‘Wag mo nang ungkatin, nakakahiya na ang mga pangyayaring ‘yun. At anong panakip-butas ha? Sa hindi kita pinatulan. Pinalabas ko lang at hinayaan silang isipin ang kung ano mang hinala ang nasa utak nila,” pagdadahilan niya at mas lalo siyang pinanggigilan sa akbay kaya nagpumiglas siya. Binitawan naman siya nito. Tatawa-tawa lang itong tumakbo palayo sa kanya na hinabol niya naman ngunit kaagad naman silang tumigil nang maging berde ang stoplight.
Nasa kabilang panig ang palengke kung saan marami-rami ang mga taong bumibili doon maging ang mga tricycle at tartanilla di-kalayuan ay abala sa paghahatid ng mga pasahero.
“Siguro, ganoon lang talaga sila. Nanunukso pero ang totoo, alam naman nila na malapit lang talaga tayo. Aba! Kuya kaya kita! Hi Kuya!” Sumama ang timpla ng mukha nito ng tawagin niya itong Kuya. Sa inis ay hinilamos nito ang mukha niya sa malaki nitong kamay kaya marahan niya itong hinampas sa braso.
“Tawagin mo pa akong Kuya, ipapatapon kita sa kalesa,” banta nito na tinawanan lang niya. Napakapit siya sa suot nitong jacket nang tumawid na sila. Habit na niya kapag may kasama siyang tumatawid.
Kaklase ni Daisy si Calvin Generoso sa training center kung saan tine-train sila sa Food and Beverages. Sabay silang nag-OJT at tinanggap naman sa in-OJT-han nilang dalawa. Noong una’y, inaasahan na ni Daisy na hanggang doon lang ang koneksiyon niya sa mga kaklase niya sa training center ngunit hindi niya akalaing magiging matalik niyang kaibigan si Cali at kung minsan ay Kuya-kuyahan na niya. Tatlong taon kasi ang tanda nito sa kanya.
Nakahilera na ang mga nakatigil na kalesa sa gilid ng daan, maiwasan ang mga de-makinang sasakyan. Napanguso na lamang si Daisy nang masinghot ang mabahong amoy ng mga kabayo. May nakikita siyang natutuyong dumi ng kabayo sa ibang parte ng kalsada ngunit hindi alintana iyon sa mga tao.
Kumbaga, sanay na ang mga ito sa kalagayan ng lugar. Sumakay silang dalawa ni Cali doon. Sandali pa siyang naging uneasy dahil sa kabayo. Nauna itong sumampa at hinawakan ang kamay niya upang makasampa siya. Napakapit pa siya pinto niyon upang hindi siya mahulog.
“Ngayon lang ulit ako nakasakay ng kalesa. Highschool pa lang noong huli akong nakasakay. May group project kami at gagawin namin sa bahay ng isang kaklase namin,” pagkukuwento ni Daisy kay Cali. Para tuloy siyang ignorante ngayong nakasakay na siya sa kalesa ulit.
“Doon pa rin ba nakatira ang kaklase mo? Baka kapit-bahay ni Bella,” sabi nito. Nagkibit-balikat lang siya at itinuon ang mga mata sa harap. Tumigil lamang ang kalesa nang may tumawid na tricycle.
“Hindi ko alam e. Wala na rin akong balita sa mga kaklase ko noon simula nang . . . alam mo na,” malumanay niyang saad rito. Sandali itong hindi nakaimik. May ideya ito kung bakit pinutol niya ang koneksiyon niya sa mga naging kaibigan niya noong highschool. Wala na itong balita mula sa kanya at ganoon din siya. “Ewan. Wala na rin akong pakialam.”
“Ako man din. Pansin mo naman kung bakit. Ayoko namang aalalahanin na ang layo na nila sa ‘kin.” Marahas itong napabuntong-hininga, naging hindi na komportable sa takbo ng usapan nila. “Oh, malapit na tayo.”
Tumigil ang kalesa sa harap ng isang simbahan. Nagbayad na si Cali ng pamasahe nila at piping kinawayan nito ang kabayong tumatakbo papalayo sa kanila, maghahanap na naman ng mga pasahero. Si Cali lang ang may alam kung nasaan ang bahay ni Bella dahil magkasing-barangay lang ang mga ito.
Inilibot ni Daisy ang paningin niya sa dinadaanan nila ni Cali. May mga bata pa ring naglalaro sa labas, malapit sa daan at may ibang nagkukumpulan sa isang tindahan. Nanonood ng tv na ngayon ay colored na kompara sa black and white tv nila noon na may mahabang antenna. May mga iilang binatilyo ang naglalaro ng basketball sa nadaanan nilang basketball court. Napakapit si Daisy sa jacket ni Cali nang makakita siya ng tatlong asong tila interesado sa mga bagong dating.
Tuloy-tuloy sa pagpasok si Cali sa nakabukas na gate sa isang bahay na nangingibabaw ang itsura doon sa lugar dahil mukhang bagong renovate.
“Cali! Daisy!” tawag sa kanila ni Bella na may hawak-hawak na bandehado. Ibinaba nito iyon sa isang mesa at sinalubong sila ng yakap na dalawa. “Dumating na silang dalawa! Sabay pa talaga! Ayiee!” panunukso nito. Kaedad lang niya si Bella kaya naging kasundo na niya sa training classes nila. Bumalik ito sa pag-aaral pagkatapos ng OJT nila.
Naririnig na nila ang maingay na tugtugin mula roon sa baba palatandaan na kanina pa nagsisimula ang reunion nila.
“Loka,” mahinang saway ni Cali rito. “Happy birthday nga pala. Tanda mo na. Nasaan na ang iba?”
“Happy birthday, Bella!” masiglang bati niya saka ito pinanggigilang yakapin. Ilang buwan rin silang hindi nagkita dahil abala na sila sa kanya-kanyang buhay.
“Salamat! Itinuro ni Bella ang bandang taas ng bahay. “Nasa rooftop na silang lahat. ‘Lika! Pasok na kayo! Tiyak na masosorpresa ang mga baklitang ‘yon na magkasama pa rin kayo.”
Napapangiti na lang silang dalawa ni Cali at pumasok sa bahay. Magalang silang nagmano sa mga magulang at nga kamag-anak nito na nagkukumpulan sa sala, may separate celebration sa birthday ni Bella samantalang umakyat na silang tatlo patungo sa rooftop. Palinaw ng palinaw ang ingay na naririnig nila, ang mga kantiyawan at huntahan ng batch nila sa training. Nagsigawan ang mga ito nang makita silang dalawa na magkasama ni Cali at agad silang dinumog.
“Daisy! Akala ko hindi kayo makakarating!” Nagulat na lamang siya nang yakapin siya ni Paulito, o mas kilalang Paula sa gabi. “Nakakamiss kayong dalawa!”
Sumali rin si Anthony sa yakapin nila. Ito ng pinakabata sa kanila at itinuturing nilang bunsong kapatid. Pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa sa anim na buwan nilang pagsasama.
“Blooming ka na ngayon, Ate Daisy! Dahil ba kay Kuya Cali? Uyy!” Sinundot pa nito ang tagiliran niya kaya napaiwas na siya.
“Ano ba! Hindi ako makahinga!” Napalingon sila sa gawi ni Cali na halos ipitin na ng mga bakla nilang kaklase na animo’y isa itong artistang pinagkakaguluhan. Natawa na lamang kami nang halikan siya sa pisngi ni Arnie at nandiri pagkatapos.
“Mommy Yu! Ate Annie!” masiglang salubong ni Daisy sa nakakatanda nilang kaklase sa training at nagdidisiplina sa kanila kapag masyado na silang makulit at maingay.
“Daisy!” Nagyakapan silang tatlo. “Nakakamiss kang bata ka. O siya, sabay ka na sa ‘min ni Annie kumain. Kumusta ka na?” tanong ni Mommy Yu sa kanya. Nasa singkuwenta na ang edad nito at katrabaho nito si Annie sa isang kainan sa downtown. Himbis na umasa sa anak nitong nagtratrabaho sa barko ay pinili pa rin nitong magtrabaho.
Makahulugang tumingin si Ate Annie kay Cali na asar na asar na pinagtabuyan ang mga bakla pero kinukulit pa rin nito, tila ba gusto lang nilang guluhin lalo ito. Natawa na lamang siya nang akmang sasakalin nito si Arnie. “Ayos naman po sa trabaho. Paminsan-minsang late si Cali. Napupuyat kasi dahil insomnia niya.” Sumabay na siya sa mga itong kumain.
Kaliwa’t kanan ang kamustahan ng lahat. Kapag may bagong dadating ay nagsisigawan sila na parang mga baliw, di alintana kung may babato sa kanila sa ingay nila ngayong gabing may natutulog na yata. Nagugulat pa sila nang may biglaang flash mula sa camera ni Bella. May mga ilang hindi nakahabol dahil malayo at hindi na makakaabot sa oras dahil sa trabaho. Gayunpaman, masayang-masaya kaming nagtitipon roon at napapasayaw sa mga disco songs na pinatugtog. Hindi sumali si Daisy sa inuman maging si Cali ay hindi na kinagat ang sulsol ng mga kasamahan nila na uminom pa.
“Ang ganda ng buwan ngayong gabi,” usal ni Daisy at dumukwang sa ledge. Nakatingala siya sa bilog na buwan at matingkad nitong liwanag. Kakaunti lang ang mga ulap sa madilim na langit. Itinukod niya roon ang mga siko niya. Magulo man ang mga sala-salabit na kable ng kuryente sa mga poste ay nakadagdag iyon sa aliwalas ng gabi.
Sumandal si Cali, hawak-hawak ang plato nitong may pagkain. Sa ledge ay nakalagay ang softdrinks nilang dalawa, RC. “Nakakatuwa ano? ‘Yung akala mong hindi magkakasundo dahil iba-iba ang henerasyon at personalidad ay heto, parang wala lang ang mga buwan na nagkanya-kanya tayo sa ingay natin. Ikaw ba, Daisy? Hindi pa kayo nagkaka-reunion?”
Bumaling siya rito at bahagyang natigilan. Ilang beses na iyong sumagi sa isip niya ngunit iwinawaglit niya bago pa siya gumawa ng kung ano-anong eksenang mangyayari sa reunion. “Hindi ko alam. Apat na taon pa naman ang nakakalipas e, kaka-graduate pa nila sa college sa ngayon. Ewan, hindi ko na rin masyadong pinagtuunan ng pansin. Hindi ako dadalo panigurado. Ikaw?”
Nagkibit-balikat lamang si Cali at pinagmasdan rin ang maliwanag na buwan. “May munting reunion kami. Circle of friends ko lang noong lumuwas ng Japan ang kaibigan ko. Wala na akong balita sa batch, ayoko na ring makibalita.”
May ideya na siya kung bakit ayaw nitong makibalita kagaya niya. May mga similarities silang dalawa ni Cali at isa na roon ay ang panliliit nila sa sarili kapag nakita nilang tila nahuhuli na sila. “Ayaw lang natin harapin ang katotohanan paminsan-minsan. Masakit kaya. At saka ewan, ayoko na ring isipin ‘yun masyado. Nakakadagdag ng anxiety.” tugon na lamang niya at sumandal saka pinagkrus ang mga kamay niya nang maramdaman ang lamig ng hangin.
Hindi na umimik si Cali bagkus nakatingala lang ito sa buwan at mga bituin sa kalangitan na tila ba may hinahanap roon. “Kailan kaya magiging parisukat ang buwan?” out-of-nowhere nitong tanong kaya marahan siyang natawa.
Bahagya tuloy kumunot ang noo niya sa tinanong nito. “Kapag nasira ang mga mata mo.” hirit niya rito.
“Ibig kong sabihin, ‘yung pagkakataong iba sa normal ang gagawin mo. Hindi ‘yung mismong inaasahan ng tao sa ‘yo.”
“Oh? So balak mong ibahin ang kung ano man ang iniisip ng tao na gagawin mo ano? Ikaw ang bahala. Kasi sa totoo lang, nawala ako sa kadalasang pattern ng buhay. ‘Yun bang nabaliko na ang daan ko. Weird ano? Kasi tinuloy ko pa ring tahakin ang daan na iyon.” Nasapo niya ang noo niya. “Ano ba ‘yan, hindi naman ako uminom ng beer pero parang lasing ako sa pinagsasabi ko.”
“Sino bang nagtanong na magiging parisukat ang buwan?” tatawa-tawang paalala ni Cali na ikinatawa ko na lang.
Muli niyang pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan at kinabit-kabit ang mga ito sa isa’t isa. Ilang beses na siyang humiling sa mga bituin, hindi naman siya umaasang matutupad iyon, gusto niya lang ibulong sa mga ito ang mga bumabagabag sa isip niya sapagkat kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam niya.
“Siguro, nawawala pa tayo ngayon o di kaya’y nakaabang lang sa dulo ang mga magagandang bagay. Nagsawa na rin ako sa kakaisip kung nasa tamang lugar ba ako ano basta ba pakiramdam ko e komportable naman ako sa ginagawa ko. ‘Yun naman ang importante, di ba?” Piping sinang-ayunan ni Daisy ang sarili niya nang hindi na kumibo si Cali. Tahimik lang nilang pinakiramdaman ang kalamigan ng gabi, ang ingay ng videokihan mula sa di-kalayuan at ang kuwentuhan at kulitan ng mga kasamahan nila.
* * *
Panay ang pagbabasa ng nobela ni Daisy nang tumunog ang pager niya. Mensahe iyon galing kay Lirio,
Lumabas ka. Naghihintay ako sa labas ng bahay ng Tita Emerald mo.
Napatigil siya sa pagbabasa at sinarado ang libro niya’t bumaba sa pagkakaupo sa high stool kaharap ng mini-bar. Inilapag niya ang libro niya sa counter at binuksan ang pinto ng bahay. Nasa front porch siya na siya nang makita niyang kinakawayan siya ni Lirio sa labas ng nakasiradong gate.
Isinuot niya ang tsinelas niya’t tinungo ang maliit na gate saka iyon binuksan. Lulan ng bisikleta si Lirio at mukhang bagong ligo pa dahil mamasa-masa pa ang buhok nito at preskong tingnan sa suot na maluwag na white shirt at fatigue shorts samantalang ang dugyot niyang tingnan sa suot na pajama blouse at pedal, idagdag na bahagya pang magulo ang buhok niya.
“Anong meron at naparito ka?” tanong niya rito. Sabay silang sumakay ng jeep noong uwian sa Miyerkules at sinabihan niya itong mananatili siya sa bahay ng Tita Emerald niya sa weekend sa kadahilanang gusto niyang mag-relax sa dami ng gawain nila. Inipon kasi bago pa sila matabunan lalo na’t nalalapit na ang Intrams.
Siningkit lang nito ang mga mata nito. “Nakalimutan mo ba? Sinabi mong sasamahan mo akong bumili ng cassette tapes.” Inabot nito ang ulo niya at mahina siyang kinonyatan.
“Ay! Sinabi ko ba?” Inalala niya ang naging usapan nila at napangiwi nang makalimutan na niya iyon sa dami ng iniisip niya o masyado lang talagang occupied siya lalo na’t subsob siya sa pagbabasa ng kung ano-anong libro. “Teka lang, bihis muna ako. Ginamit ni Kuya Jerome ang bisikleta kaya aangkas na lang ako sa ‘yo.” Maluwang niyang binuksan ang gate upang makapasok ang bisikleta nito. “Pasok ka muna. Wala pa akong ligo kaya maliligo pa ako.”
“Ano?” maang nito at sinipat ang hitsura niya. Eksaherado pa nitong tinakpan ang ilong nito. “Kaya pala amoy panis na laway,” tatawang-tawang pahayag nito na itinaas lang ang mga kamay bilang protekta sa sarili nang akma niya itong hahampasin.
Nagmano lang si Lirio nang madatnan kami ni Tita sa labas. Nagdidilig kasi ito ng mga halaman niya. Umakyat na siya ng kuwarto niya at didiretso na sa banyo upang maligo. Nagsuot lamang siya ng maluwag na dilaw na t-shirt at brown na cotton shorts. Dali-dali siyang lumabas at nadatnan niyang pinagkakaabalahang laruin ni Lirio ang aso.
“Tara na.” Nauna na siyang lumabas rito ng gate at saka nila pagtulungang itulak ang bisikleta palabas ng maliit na gate. “Saan ba tayo?” dagdag niya. Sumakay na si Lirio sa bisikleta at umangkas na siya sa likod niyon. Humawak siya sa beywang nito nang magsimula na etong magpadyak.
“Malapit lang sa palengke. May isang bahay doon na nagbebenta ng mga casette tapes at mga plaka. Bili lang ako ng AC/DC at blangkong casette tapes,” sabi nito at mas lalong binilisan ang pagpadyak. Naramdaman na lang niyang bumulusok sila pababa patungo sa maliit na bridge. Humigpit ang hawak niya sa damit ni Lirio at ipinikit ang mga mata dahil sa hampas ng hangin na sumasalubong sa kanila.
“Teka, magdahan-dahan ka naman. Aray!” reklamo niya nang may madaanan nila ang isang bato kaya muntik na siyang masubsob rito.
“Bigat mo kasi,” reklamo nito. Sumimangot tuloy siya kahit hindi naman siya nakikita nito. “Kapit ka, Daze!”
“Ano?!” Inatake siya ng kaba nang may makasalubong silang isang sasakyan pero tumabi lang si Lirio at mabilis pa rin ang pagpadyak ng bisikleta. Pinagtritripan pa yata siya nito kasi nagzi-zigzag ito sa daan kahit may dumadaan na mga motorsiklo. Panay saway lang siya rito na binabalewala lang nito at patuloy pa rin sa biglaan nitong pagtigil saka papadyak ng mabilis.
Nakarating sila sa may munting palengke ng barangay at saka nito pinadyak ang bisikleta patungo roon. Mabuti na lamang ay kakaunti pa ang mga sasakyan dahil maaga pa kaya nakatawid sila nang maayos. Tumigil si Lirio sa isang lumang bahay na nakabukas ang pinto at mga bintana kung saan masisilip nila ang mga hilera ng casette tapes at mga plaka.
Itinabi ni Lirio ang bisikleta nito sa gilid ng lumang bahay, malapit sa nakabukas na pintuan at naunang pumasok roon. Sumunod siya rito at inilibot ang mga mata roon. Sa isang banda, may isang matanda na nanood ng black and white tv na mataas ang antenna. Isang mexican drama ang pinanood nito.
“Gandang umaga, Mang Fredo. May blangkong casette tapes kayo d’yan?” tanong ni Lirio dito nang makalapit. Lumakad siya patungo sa lagayan ng mga plaka at namangha nang makakita ng isang vinyl record player.
“Ang ganda rito,” bulalas niya at may naamoy pa siyang pamilyar na sa kanya. Amoy ng mga lumang libro na katabi lang mga malalaking plaka at ilan sa mga iyon ay mga yellow pages. Sa kanang bahagi ay hilera ng mga casette tapes at pawang mga musika ng foreigners. Dalawa ang nakaagaw ng atensyon niya; ang Beatles at MLTR. Tumabi sa kanya si Lirio, dala-dala ang blangkong casette tapes nito at hinanap ang gusto nitong musika.
“AC/DC.” Basa ni Lirio sa natagpuan nitong casette tape. Binasa nito ang nakasulat sa casette tapes na hawak niya. Masking tape ang nakadikit roon, halatang niluma na ng panahon iyon. “Beatles at MLTR? Narinig ko na ang ilan sa mga kanta ng MLTR. 25 Minutes, Sleeping Child at Paint My Love ang gusto ko. Magandang pakinggan ang tunog ng gitara ng Norwegian Wood. Nakikinig ka pala ng music. Bilhin ko na rin ito.” Tila nagningning ang mga mata niya sa huling sinabi nito.
Lumapit na ito kay Mang Fredo para kuwentahin ang binili nito at ilagay sa plastik.
“Mahilig ako makinig ng music dahil sa Papa ko at nakakanta naman ako. You took my heart away paborito ko sa MLTR. Gusto ko yung boses ng vocalist, malamig at parang hinehele ako.”
Lumapit na ito kay Mang Fredo para kuwentahin ang binili nito at ilagay sa plastik. Nagbayad na si Lirio at nagpasalamat kay Mang Fredo na hindi umimik at tinanguan lang si Lirio saka tinanggap ng huli ang plastik.
“Bakit nangongolekta ka ng blank casette tapes?” usisa niya rito habang naglalakad. Tulak-tulak nito ang bisikleta nito.
“Nirerecord ko ang mga sinusulat kong kanta o pag trip ko lang mag-monologue.” Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito pati nga bibig niya. Mas lalong napukaw ang interes niya sa kaalamang pareho silang mahilig sa musika.
“So marunong ka ring tumugtog ng instrumento?” tanong niya.
Tumatango-tango si Lirio. “Gitara lang kaya kong tugtugin. Tito ko nagturo sa ‘kin. Naging katuwaan ko na hanggang sa naisip kong gumawa ng kanta.”
“Talaga? Parinig naman ako! Gusto ko ring makita kitang maggitara. Ang totoo, parte ako ng choir sa chapel namin. Marunong naman akong kumanta,” pagkuwento niya rito. May nakakapagsabing sweet daw ang boses niya, hindi pilit at natural kaya natuwa siya lalo at pinag-igihan lalo na mag-improve sa larangan ng pagkanta.
“Sige, dadalhin ko gitara ko. Kita tayo sa lilim ng mangga pagkatapos ng tanghalian at saka mo ipaparinig sa ‘kin ang pagkanta mo. Ano, game?” pagyaya nito sa kanya.
“Oo ba!” mabilis niyang pagsang-ayon. Natagpuan ng mga mata ni Daisy ang isang puwesto ilang metro ang layo sa hilera ng mga nagtitinda ng gulay nang makatawid na sila.
“Puto oh!” turo niya doon. “Libre na kita.” prisinta niya at masiglang lumapit doon. “Dalawang puto po, Ate.”
Kapwa sila nakatunganga at nakaupo sa gutter katulad nang dati, kumakain ng puto, nakaharap sa mga umaangat na sasakyan sa Nivel Hills.
“Kabilang ako sa basketball team ng sophomore ng Gen-Ed sa Intrams. Sa Lunes na laban namin. Evening class ng sophomore kalaban namin,” sambit nito matapos ang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Binalingan siya nito. “Ikaw? May sinalihan ka? Di ba mabilis kang tumakbo? Sumali ka sa track.”
Umiling lang siya. Mukhang nang-asar pa talaga na mabilis siyang tumakbo. “Ayokong sumali. Hindi naman ako ganoon ka-sporty. Good luck sa team natin. Sana manalo kayo. Oo nga pala, mas lalong lalakas ang suwerte niyo pag ibinigay mo sa ‘kin ang MLTR na cassette tape,” hirit pa niya sa huli. Natawa lang ito. Napangiti na rin siya at niyaya na itong umuwi na.
Kalaunan ay ibinigay nito sa kanya ang casette tape ng MLTR at sinabing para talaga iyon sa kanya dahil napansin nitong titig na titig siya sa casette tape na siyang ikinatuwa niya bagay na niyakap niya ito mula sa likuran. Nawalan ito ng balanse at umurangod sila pareho sa damuhan sabay tawanan.
* * *
Pagsapit ng Lunes, pumasok siya na nakasuot ng civilian kagaya ng ibang mga estudyante. Intrams kasi ng tatlong araw at pumasok lang siya para sa attendance. Kinukuyog siya kung saan nina Keisha at Jinry para manood ng games pero nakatakas siya sa mga ito pagkatapos ng lunch at tumambay sa library. Nanghiram lang siya ng libro doon sa fiction section at nagbasa ng kuwento ni Anne with an E nang bulabugin siya roon ni Keisha at Jinry.
“Sabi na nga ba, nandito ka lang. Nagsisimula na ang basketball game ng sophomore Gen-ed at evening class.” Hinila ni Keisha ang neck ng suot niyang tshirt. Napatayo tuloy siya nang wala sa oras sa kinalulugmukan niyang upuan. Maging si Jinry ay hinila siya palabas ng library.
Napapatingin ang librarian sa kanila sa nilikha nilang ingay.
“Teka, ang boring kaya manood ng basketball. Mabuti pa manood na lang ako ng soccer. Tapos na ‘yun kanina,” mababa ang boses na angal niya sa mga mata. Mas trip niyang manood ng football/soccer games sa bahay ng Tita Emerald niya.
Nakalabas na sila ng library ng binatukan lang siya ni Keisha na ikinadaing niya.
“Baliw! Wala ka talagang support sa asawa mo! Kasali sa team si Lirio mo. Halika na!” ani Keisha.
Dinampot ni Jinry ang bag niya mula sa mga shelf doon. Nagpatangay na lang siya sa mga ito ngunit hindi niya nagustuhan ang narinig mula kay Kei. Ilang beses na siyang tinukso ng mga ito kay Lirio dahil nga malapit nga sila sa isa’t isa at minsan pa magugulat na lang siya na humahapit si Lirio sa room nila at manghihiram ng notes niya o di kaya’y mantr-trip lang.
“Hindi ko siya asawa!” angal niya rito. Naririnig na nila ang ingay ng mga tao sa labas nang ilang metro na lang ang layo nila sa quadrangle. Tumambad sa kanya ang sigawan at tilian ng mga kapwa niya estudyante, kanya-kanya ng kampi base sa curriculum nila.
Nandoon ang mga ka-batch nila maging ang mga seniors, juniors at freshman. Halo-halo ang mga estudyante at napatda niya na may iilan sa kanila na may hitsura talaga at matatangkad bagay kung bakit tili ng tili ang mga babae at binabae. Nakita niya roon si Lirio na ipinasa ang bola sa kasamahan nitong si Clyde na lagi niyang nakikitang may nakasabit na guitar case sa likod. May tatak ng apelyido ng mga ito ang suot-suot nitong jersey. Pabor sa score ang Gen-Ed ayon sa score na nakasulat sa isang pisara.
Itigil muna ang laro nang inanunsiyo ng isang player na masama ang pakiramdam nito at kailangan ng palitan. Sa pagkakataong iyon, kinuha ni Daisy ang bag niyang hawak-hawak ni Jinry na ngayo’y nasa mga players ang mga mata. Pinalitan ito ng isang lalaki na bahagyang nakayuko at pinaraan ang mga daliri sa alon-alon nitong buhok. Nakasuot ito ng black jersey at gray na rubber shoes. Nang iangat nito ang mukha at nakipag-apir sa pinalitan itong player ay nalaglag ang bag niya sa gulat.
Mulagat na nakatunganga si Daisy nang magsimula na itong maglaro. Ikinurap-kurap pa niya ang mga mata niya para makasiguradong hindi siya naghahalusinasyon. Natutop niya ang bibig niya nang makompirma ngang totoo ito at iisa lang ang lalaking nakatitigan niya sa jeep. Bigla siyang nanlamig at inatake ng nerbiyos, bagay na nararamdaman niya kapag di siya komportable o takot siya.
“Tanga ka ba? Ang bag mo uy.” Si Keisha na ang pumulot sa bag niyang naibagsak niya sa lupa. “Daig mo pa ang nakakita ng multo.” Atubili niyang tinanggap ang bag niya, nakatitig pa rin sa naglalarong lalaki.
Kanya-kanya na ng pustahan sina Keisha at Jinry kung sino mananalo sa gilid niya samantalang siya ay naumid na ang dilang napatulala sa lalaki.
Sagara ang nakatatak sa jersey nito at ngayon hinaharangan ito ni Lirio upang hindi ito maka-shoot ngunit nagulat na lamang ang lahat nang tumalon ito at i-shoot ang bola. Tilian ang mga evening students nang pumasok ang bola sa ring kaya niyakap ito ng mga teammates nito. Three-point-shot iyon at ang Evening class na ang ahead sa scoreboard.
Dito lang nakatuon ang mga mata ni Daisy. Animo’y hindi na niya alintana ang nakakabinging tili at ingay mula sa mga nanonood, maging ang pagtutulakan ng kung sino sa paligid niya. Dumami ang mga nanonood sa laro. Natatabunan na silang tatlo bagay ikinireklamo ni Keisha at pilit na sumiksik sa mga nang-overtake sa kanila.
“Yawa! ‘Wag kayong haharang-harang d’yan! Nanonood kami rito!” sigaw ni Kei sa mga estudyanteng nasa harap namin. Mukhang nasindak naman ito at tumabi ng bahagya para magbigay ng daan sa kanila. Naiyakap ni Daisy ang bag niya nang mabaling ang mga mata nito sa puwesto nila dahil sa munting komosyon.
Panay ang cheer ng Gen-Ed students kasama na sina Jinry at Keisha nang maipasok ni Lirio ang bola sa ring dahil nalingat si Sagara. Agad na umiwas ng tingin si Daisy nang mapansin niyang sumulyap-sulyap ito sa gawi nila, tila may hinahanap. Nagtago kasi siya sa likod ni Jinry at mas matangkad si Jinry sa kanya bagay na hindi siya nito makikita kaagad.
Naagaw ng player sa Evening class ang bola na agad naman nitong ipinasa kay Sagara. Hinarangan ito ni Lirio na matiim ang mga mata, mahahalatang nabubugnot na ito sa takbo ng laro. Nagkakagulo na ang mga tao dahil malapit na mag-time at hindi pa rin nakakahabol sa score ang Gen-Ed Day. Wala naman talagang amor si Daisy sa panonood ng basketball pero kinakabahan siya sa resulta. Hati ang nararamdaman niya at muntik na siyang sumigaw sa galak nang maipasok ni Sagara ang bola.
Hindi na namalayan ni Daisy na nagkakagulo na sa bandang likod niya at nakatunganga lang siya sa laro kaya naitulak siya sa harap. Wala siya sa focus kung kaya’t hindi niya naibalanse ang sarili niya at umurangod sa harap.
Naramdaman ni Daisy ang paghapdi ng siko niya na siyang ipinang-tukod niya sa semento. Namula ang mukha niya sa pagkapahiyang naramdaman at nang akmang tatayo na siya habang pinagpag ang damit niya ay dumako ang mga mata niya sa isang pamilyar na sapatos sa harap niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita itong nakatunghay sa kanya.
Bago pa man ito makalapit nang tuluyan ay agad siyang tumayo at sumuot sa mga estudyante palayo ng basketball court. Naiwan sina Keisha at Jinry na nagtataka sa ikinilos niya.
Hingal na hingal na sumalampak siya sa plant circle, sapo ang dibdib niya, malakas ang tibok ng puso, litong-lito at tila natataranta pa.
Nakilala ba siya nito?
Ha, Imposible.
Kabanata: Lima
“Sinong may sabing tutuloy ‘yan sa pag-aaral? Sa dami ng gulong napasok niyan sa eskuwelahan, Antonio. magiging highschool na sa susunod na pasukan ang panganay natin. Mahihirapan tayong itaguyod ang dalawa.”
“Hindi ka ba naaawa sa bata, Martha? Patitigilin mo sa pag-aaral? Paano ang buhay ng anak ko kapag hindi siya nakapagtapos? Magiging kagaya natin siyang hirap maghanap ng trabaho.”
“Nasaan ba ang nanay niyan? Siya na magpaaral sa bastardo mo!”
“Martha! Sumusobra ka na!”
Napakislot si Shinoah nang maalala ang pag-aaway ng tatay niya at ang kanyang madrasta. Noon pa man ay ayaw sa kanya ng asawa ng tatay niya bagkus pinapakisamahan niya pa rin dahil doon siya nakatira sa pamamahay ng tatay, ngunit paglipas ng mga araw ay tila mas lalong naging mainit ang ulo nito sa kanya.
Paminsan-minsan, hindi siya umuuwi ng bahay at sa labas na lang matutulog dahil masakit na para sa kanya na marinig mula sa mga ito na wala siyang kuwenta at produkto lang siya ng pagkakamali. Kung minsa’y tumutuloy siya sa ina niya na malayo ang bahay mula sa siyudad, ngunit maging ito man ay tila wala ng pakialam sa kanya dahil may sarili na itong pamilya.
Kaya lang naman siya napapasok sa gulo ay pinagtr-tripan siya ng mga kaklase niya sa klase at pinaparatangan ng mga bagay na hindi niya ginawa. Nasuspinde siya dahil nahuli siyang may dalang maliit na kutsilyo na sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang dala at sa sobrang galit niya dahil na-set-up lang siya ay nakipagsuntukan siya sa labas ng eskuwelahan noong uwian. Ikinaiinis ng mga ito ang hilatsa ng mukha niyang maangas raw at tila ba naghahanap ng away.
Idagdag na isa siya sa mga kaklase ng mga itong hindi mahilig makisabay sa gimik ng mga ito. May isang beses pa ngang nakita niyang may pinagpapasahan ang mga itong bawal na gamot.
Sa katunayan, hindi pa gumagaling ang sugat at pasang natamo niya mula sa mga ito. Wala siyang matuluyan noong gabing ‘yun kaya nagmensahe siya sa pager ng kaklase niya na makikituloy siya sa bahay nito ngunit itinaboy lang siya ng mga magulang nito. Ayaw ng mga itong may palamunin at nagkataong hindi maganda ang sitwasyong nadatnan niya. Nag-aaway ang mga magulang ng kaklase niya.
Ikinurap-kurap ni Noah ang mga mata niya’t mariin iyong ipinikit, sandali iyong humapdi ngunit pinigilan niya ang sarili. May mga ilang tao pa namang dumadaan sa gilid ng kalsada kung saan siya nananatili muna. Ayaw niyang kaawaan siya ng mga ito kapag nakaramdam ng mga itong bibigay na ang mga emosyon niya anumang sandali.
Malalim na ang gabi at hindi alam ni Noah kung saan siya pupunta. Panay lang ang lakad niya papalayo sa bahay nila at wala siyang eksaktong destinasyon. Dala-dala niya ang gamit niya sa eskuwelahan maging ang mga gamit niya sa bahay.
Sa murang edad, sanay na sa ganoong estado si Noah at sinisikap niyang buhayin ang sarili sa paraang alam niya. Rumaraket siya, nagpapautos at nagpapabayad sa mga kapit-bahay nila upang may pantustos siya sa pag-aaral niya. Nagdadabog ang madrasta niya kapag ibinibigay nito ang baon niya. Minabuti na lamang niyang hindi manghingi.
May tumulong tubig sa pisngi ni Noah. Naitaas niya ang mga kamay niya upang di mabasa sa biglaang pagbuhos ng ulan. Para siyang daga na hindi alam kung saan susuling, naghahanap ng masisilungan. Basang-basa na siya ng ulan nang makasilong na siya sa isang waiting shed at maupo sa sementadong upuan roon. Pangalawang araw na niya bukas sa suspension niya at kulang ang natitirang barya niya para makapunta sa bahay ng kanyang ina. Piniga niya ang dulo ng suot niyang sando at napahawak sa kanyang tiyan na biglang kumalam. Hindi pa kasi siya nakapag-hapunan.
Napabuntong-hininga na lamang si Noah habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan, ang pagdaloy ng mga tubig sa kanal at ang patak nito galing sa bubong ng waiting shed. Umihip ang malamig na hangin at bago pa siya lamigin lalo ay pinalitan na niya ng t-shirt ang basa niyang sando. Ipinuwesto niya ang dalawa niyang bag sa bandang ulunan niya at humiga roon. Naglakbay ang isip niya kung doon pa rin siya bukas at ipinikit na lamang ang mga mata. Bukas na lang niya aalalahanin iyon.
Iminulat ni Noah ang mga mata niya nang gisingin siya ng isang security guard na bantay ng isang grocery store di-kalayuan sa waiting shed. Pinapauwi na siya nito sa bahay nila o sa bokabularyo ni Noah, tinataboy siya nito dahil di kaaya-ayang tingnan na may isang batang tumatambay sa waiting shed. Sa sitwasyong iyon siya naabutan ng naging katunggali niya sa Intrams. Bumaba ito sa isang sasakyang nakatigil sa gilid ng kalsada at nakauniporme ito, halatang patungo na sa eskuwelahan nila.
“Kilala ko po siya, Sir.” seryusong sabi nito sa security guard na tumango lang at iniwan na silang dalawa. Yumuko siya at dinampot ang mga bag niya. Isinabit niya ang mga iyon sa magkabila niyang balikat.
“Kagabi pa kita nakitang natutulog rito. Naglayas ka sa inyo?” usisa nito sa kanya. Hindi umimik si Noah at nanatili lamang nakipagtagisan ng tingin kay Lirio na napapakunot na ang noo. Pagkatapos ng Intrams, nagyaya itong mag one-on-one sila para mapatunayan kung sino ang mas magaling sa kanila at nanalo siya rito. Lumapit ito sa nakatigil ng sasakyan na binubusinahan na ng ibang sasakyan para makaraan. Sinenyasan ni Lirio si Noah na pumasok ng sasakyan at saka iyon binuksan. “Pasok ka,” yaya nito sa kanya.
Nagtataka man, atubiling pumasok ng kotse si Noah dahil ayaw niyang masita ang sasakyan nitong humarang na sa ibang sasakyan sa kalsada. Magkatabi silang dalawa sa passenger seat at yakap-yakap niya ang isang bag niya samantalang nasa gitna naman nila ang isa pa niyang bag.
“Dumiretso na tayo sa bahay, Manong,” kausap nito sa driver ng sasakyan.
“Pero may klase ka pa, Lirio,” sabi ng driver. Umiling lang ang binatilyo.
“Papasok po ako sa tanghali na. Sige po, sa bahay na,” giit nito. “Kaibigan ko po siya. Si Shinoah,” dagdag pa nito na parang sigurado ito sa sinasabi nito gayong bagong magkakilala lamang sila at hindi pa maganda ang impresyon noong una dahil magkaaway sila sa laro.
Sa gilid ng mga mata ni Noah, alam niyang matiim itong nakamasid sa kanya, naghihintay na magsalita siya. Napabuntong-hininga na lamang siya. “Saka ko na sasabihin,” usal niya rito at napatango-tango na lamang ito hanggang sa umani ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Pigil ang mangha ni Noah nang tumigil ang sasakyan sa isang malaki at magarang bahay at hindi siya nagkakamaling may-kaya ito base sa obserbasyon niya rito noong Intrams.
Tinanong pa siya nito kung kilala niya si Daisy, ang babaeng nasubsob sa paanan ng korte nang magkagulo ang mga manonood. Hindi kasi niya napigilan ang sariling lapitan ang naturang dalaga at bitiwan ang bola para tulungan ito ngunit tinakbuhan lamang siya ng huli sa gulat niya. Sinabi niya kay Lirio na hindi at gusto lang niyang tulungang makatayo ito, ngunit sa isang bahagi ng utak niya, sumigla siya lalo sa paglalaro dahil muli niyang nasilayan ang maamong mukha ni Daisy. Daisy pala ang pangalan nito. Bagay rito.
Tinapik siya ni Lirio bagay na nagpabalik sa kanya sa reyalidad at niyaya siyang pumasok sa bahay nito. Walang tao sa bahay maliban lamang sa isang katulong nito at si Manong Albert. Nagtataka tuloy siya kung bakit sa Abellana National School ito nag-aaral gayong kaya naman nitong mag-aral sa pribadong eskuwelahan at isa pa, politiko ang ibang kamag-anak nito. Matunog ang San Miguel sa siyudad nila.
Inilapag nito ang pitsel at isang baso saka ito nagsalin ng tubig roon. Inalok siya nitong uminom at agad naman niyang tinanggap ang baso. Napabuntong-hininga na naman siya at nanlulumong sumandal sa sofa. Mukhang hindi ito ang tipong ipinipilit ang gustong malaman nito ngunit naghihintay lamang itong magsalita siya.
Wala sa oras na napakamot siya sa likod ng tainga niya.
“Tama ka. Naglayas nga ako sa ‘min. Ang totoo, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naabutan kong nagtatalo sila tungkol sa pag-aaral ko at gusto ng madrasta kung titigil muna ako. Hindi na kasi nila kayang pag-aralin ako kasabay ng kapatid ko sa susunod na pasukan. Nagalit ako kaya umalis ako. Hindi ito ang unang beses na naglayas ako sa sama ng loob.” Itinuro niya ang mukha niyang may pasa sa pisngi at putok na labi. “Na-suspend ako ng tatlong araw dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa at nagalit sila doon. Ngayon, pinag-iisipan na nilang tumigil ako.”
Umayos ng upo si Lirio sa narinig, umawang ang singkit nitong mga mata, hindi makapaniwala. “Te-teka, nasaan pala ang nanay mo? ‘Yung biological mother mo?” tanong nito.
“Nasa Conso. May ibang pamilya na siya. Ayokong makaistorbo at isa pa, wala akong sapat na pamasahe para makapunta doon.” Napasapo siya sa gilid ng labi niya nang humapdi iyon ng konti.
“That’s unfair,” komento nito at sumimangot. “Hindi ka nila bastang patigilin ng pag-aaral. Pagtra-trabahuin ka nila? Responsibilidad ka pa rin ng tatay mo kahit nahihirapan siyang itaguyod ka.”
“Ayaw ko rin namang pumayag sa gustong mangyari ng madrasta ko. ‘Yun na nga lang ang natatangi kong pag-asa para umahon tapos pagkakaitan pa ako,” mariin niyang sambit, tumitiim ang bagang at naikuyom ang kamao.
May pagkakataong nilalamon ng mga hinanakit si Noah ngunit nagpakatatag pa rin siya at hindi nagpapatangay sa mga iyon dahil ayaw niyang maging mahina. “Gagawa ako ng paraan para hindi matigil sa pag-aaral. Ayoko nang umasa at maramdamang utang na loob ko sa kanila ang lahat at kailangan kong gantihan iyon.”
“Puwede kitang tulungan,” seryusong pahayag ni Lirio. Determinado ang mga mata nito sa sinabi nito ngunit napailing lamang si Noah.
“Hindi,” mariin niyang tutol. Kung nagulat man si Lirio sa deklarasyon niya ay wala na siyang pakialam bagkus ay tinapatan niya ang seryuso nitong ekspresyon. “Sinabi ko ng ayaw kong magka-utang na loob sa iba. Kaya kung kumilos at dumiskarte.”
Bumuntong-hininga lamang ito at diretsong napatayo saka pinagkrus ang mga kamay sa ibaba ng dibdib. “Paminsan-minsan, kailangan mo rin ng tulong sa ibang tao lalo na’t mga bata pa tayo. Thirteen pa lang tayo.”
“Fifteen na ako,” pagtatama niya rito. Umawang na naman ang mga mata nito.
“Ano? So matanda ka ng dalawang taon?” Pinasadahan siya nito ng tingin. “Kaya pala, mas develop na ang katawan mo. Ngayon, di na ako magtataka kung bakit natalo pa rin ako sa basketball.” Pumalatak pa ito at napailing-iling na lang sa isip si Noah. Kung may bagay na pagkakapareho man sila ni Lirio ay ang pride nilang dalawa.
“Kaya ayaw mong matigil sa pag-aaral dahil tumigil ka na noon.” Ipinitik pa nito ang mga daliri nito, tuwang-tuwa sa hula nito.
Marahang tumango si Noah bilang sagot. “Ako ang nagbabantay ng bunso nila, ang kapatid ko at nag-aasikaso sa iba ko pang mga kapatid kapag—” Hindi na niya tinapos ang sinabi niya bagkus napatikhim na lamang siya. “Nagpapalamig lang ako ng ulo ngayon. Baka hindi ako makapagpigil sa bahay.”
“Dumito ka muna sa bahay,” pinal na sabi nito. “At ‘wag mo ‘kong sabihing ayaw mong magka-utang na loob. Wag kang mag-alala, hindi kita sisingilin.”
“May pabor akong hihingin sa ‘yo,” pagkasabi niyon ay napatayo siya’t dinampot ang bag niya. Napatigil ito sa paroo’t parito na paglalakad nito na tila malalim ang iniisip. Nakipagsukatan sila ng tingin at saka niya sinabi rito ang balak niya sa susunod na pasukan.
* * *
Kailangan niyang makahagap ng hangin kaya tinulak niya pataas ang salaming bintana at ninamnam ang malamig na hangin. Naramdaman niya ang pagtabi ng kung sinong bagong dating na pasahero. Nakamasid lang siya sa tanawin nang tumikhim ang katabi at napaawang na lamang ang bibig niya nang makilala ito. Si Ian.
Sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. “Hi, Mako. Akalain mo naman sabay pa tayong babiyahe patungo sa siyudad. Tama ba ako?”
Marahan siyang tumango at umayos ng upo. “Oo. May bibisitahin lang. Ikaw?”
Sa gulat niya pumalatak ito. “Sabi na nga ba, may boyfriend ka talaga e. Ayaw mo lang sabihin sa ‘kin.” Akala niya kung ano na kaya marahan niya itong hinampas sa braso.
“Sira! Hindi. Bibisitahin ko lang ang kaibigan ko,” dahilan niya rito ngunit isang bahagi lamang niyon ang inamin niya. Wala pa ring nakakaalam sa faculty kung ano ang pinagdadaraanan niya noon. She’s not an open book type of a person when it comes to her private concerns.
Ipinikit niya lang mga mata niya at sinamyo ang amoy ng mga puno na nabasa ng ulan kanina. Pinagsawa na ang mga mata niya sa mga lupain at kagubatan na nadadaanan ng bus maging ang kalangitan na natatakpan ng mga ulap.
“Uuwi ako sa Cagayan De Oro sa holidays. Ipapaalam ko lang sa mailap kong pinsan na kailangan niyang dumalo sa reunion ngayong December. It’s an emergency reunion and I know why,” pagsasalita ni Ian na nasa harap ang atensiyon. Hindi siya umimik bagkus ay nanatili siyang nakamasid sa bintana nang mahimigan ang lungkot sa boses nito.
“Kalauna’y hindi mo maproseso. Hindi madaling tanggapin ngunit kailangan dahil hindi naman permanente ang buhay ng tao sa mundong ito. May mga umaalis kahit gaano mo kagustong manatili sila sa buhay mo,” makahulugang sabi nito matapos ang isang mahabang katahimikan. Kagat-labing napatitig siya sa pulang upuan sa harap niya. Walang pasaherong nakaupo roon.
“May mga taong wala silang choice. May mga tao ring may choice naman sila pero pinili pa ring umalis. May kanya-kanya silang dahilan kung bakit,” wika niya at sinadyang kunin ang maliit niya tote bag kung saan doon nakalagay ang biscuit niya na baon na niya sa biyahe.
Ramdam ni Daisy ang mga mata nitong pilit inaalisa ang sagot niya. Inignora na lang niya iyon at kinain ang biscuit. Ilang minuto ang nagdaan ay namalayan niya na lang na nakatulog na si Ian sa tabi niya. Bahagyang nakanganga ang bibig nito at hindi niya alam kung bakit iniisip niya na baka magising ito kapag nadapuan ng langaw ang bibig nito.
Napailing-iling na lang siya sa naisip at napangiti nang tipid nang makita ang asul na dagat na dinadaan ng bus. Naghiwalay na sila ng landas ni Ian pagkarating sa siyudad. Kinakawayan niya ito nang sumakay ito sa isang pamilyar na ruta ng jeep saka siya nagpara ng taxi patungo sa ospital.
Patuloy pa rin ang follow-up check ups ni Daisy sa mga nakalipas ng taon at naging therapy na niya iyon kahit pa may mga pagkakataong hindi siya umiinom ng gamot. Ngayon, mas lalo siyang naging komportable sa doktor na magc-conduct ng check-up niya. Napangiti si Daisy nang madaanan ng taxi ang eskuwelahan niya noong highschool at makita ang ilang estudyante na nakatambay sa center building.
Nakatingin lang siya sa gilid ng kalsada na kung minsa’y nilalakad niya pauwi ng bahay kapag madami siya iniisip. Dinadaan niya sa paglagalag kapag gusto niyang makahinga nang maluwag. May mga establishment na napalitan ng mga bago at may mga lote na may nakatirik ng shops. Kaybilis magdaan ng panahon.
Gustuhin man niyang maglakad patungo sa ospital at alalahanin ang mga naging alaala niya sa pagdaan roon ay nagmamadali siya makaabot sa check-up niya ngayon at alam niya na naghihintay ito doon. Lihim siyang napangiti nang pumasok sa isang maliit na daan ang taxi at tumigil sa harap ng isang gate. May signage sa gilid nito, palatandaan ng department ng hospital na kokonsulta sa kanya.
Nagbayad na siya sa taxi driver at hindi na humingi ng sukli. Bitbit ang backpack niya ay tumungo na siya roon at natagpuan na mangilan-ngilan na sng mga pasyenteng naghintay. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi siya maabutan ng cut-off. Bahagyang nanlumo si Daisy nang mapansin niya ang ilang mga pasyente na malala na ang lagay. It reminds her of herself the first time she visited there.
Huminga siya nang malalim at napaupo sa isang bakanteng steel chair, hindi mapigilan ang ngiti nang mahagip ng mga mata niya ang isa sa mga psychiatrist doon. Umidlip muna sandali si Daisy at nang tawagin ang apelyido niya ay saka siya lumapit sa nurse na ni-check ang blood pressure niya. Regular patient na siya doon kaya madali lang nailista ng nurse ang updates ng mental health niya ngunit may ilang bagay siyang itinago na ang doktor lang ang dapat makakarinig.
Sa isiping iyon ay biglang na-excite si Daisy. Hindi kasi siya nag-text dito na luluwas siya sa siyudad.
“Daisy Mako.” A nurse called her name and pointed the door of the doctors’ office. Ngumiti siya rito at pumasok roon at hindi nga siya nagkamali nang makita itong nakakrus ang mga kamay sa dibdib, nakangiti nang maluwang. Nakasuot ito ng light yellow shirt na pinaibabawan ng white lab gown.
“Hi, Doc!” masigla niyang bati dito at mahinang humagikgik.
Dr. Calvin John F. Generoso
Plano talaga niyang sorpresahin ito. Umalis ito sa table nito at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halos buhatin na siya sa panggigigil. Natawa na lamang siya nang bitawan siya nito.
“Dumiretso ka rito?” tanong nito sa kanya at inalis ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat niya saka niya iyon niyakap.“Nastre-stress ka ba sa mga estudyante mo?” Bumalik na ito sa table nito at umupo sa silya, sinilip ang clipboard kung saan nandoon ang record niya.
“Oo pero hindi naman lagi, Doc,” sagot niya rito sabay tikhim at umupo sa silya, kaharap ng table nito. Ginamitan na siya ng professional tone nito. Isa na siya sa mga pasyente nito. “Sa propesyon ko, kinakailangan talaga ang mahabang pasensiya, kagaya nang sa ‘yo.”
“Any episodes?” he asked seriously. She was a bit dumbfounded and chuckled. His tone seems dangerous. Overprotective talaga ito pagdating sa kanya.
“Hindi na. May mga pagkakataon lang na bigla akong nalulungkot na hindi ko malaman kung ano ang dahilan. Natri-trigger bigla ang memorya ko.” She gave her an assurance smile. “Sinunod ko ang breathing exercises na tinuro mo sa ‘kin kapag may panic attacks ako.”
He released a small sigh and Daisy bit her lip when she sense that he didn’t like what he heard from her. Sinamaan pa siya nito ng tingin nang makitang napapangiti na siya. “Natutulog ka ba sa sapat na oras? Mukha kang nangangayayat ngayon. Kumakain ka ba ng tama? Ano-ano ang naging triggers mo these days?”
Marahan niyang sinagot ang sunod-sunod nitong tanong at napapailing na lang ito nang magsulat ng gamot na iinumin niya. Lihim siyang napangiti nang tanggapin ang prescription.
“I prefer natural medication,” giit niya pagkatapos kaya mahina siya nitong binatukan.
“May gig ako mamayang 8. Dating gawi, same restobar I did my first gig before. Gusto mong panoorin ako?” saad nito sa kanya. “Sabay na tayong mag-dinner. Out na ako sa 5. Text kita maya, sa Robinsons Galleria lang tayo. Okay lang sa ‘yo?” Walking distance lang ang naturang mall sa public hospital.
“Oo naman!” Magaan ang ngiting kinawayan niya ito bago lumabas ng opisina at lumisan sa ospital.
Pumasok ang sumunod na pasyente sa kanya at napangiti na lamang si Daisy para sa kanyang kaibigan. Parang kailan lang noong kasangga nila ang isa’t isa sa tuwing tingin nila alikabok lang sila sa mundo at walang purpose sa buhay.
Tumambay muna sa skywalk si Daisy at pinagsawa ang mga mata niya sa pamilyar na tanawin. Tumungo siya sa NBS kalaunan at inabot ng halos dalawang oras sa pagpili ng libro saka bumili ng school supplies na kakailanganin niya. Nauna na siya sa Robinsons Galleria at tumambay sa isang Chinese restaurant.
Nag-text siya sa Kuya Jerome niya, anak ni Tita Emerald na sa bahay na muna siya ni Tita Emerald na ngayo’y namayapa na sa sakit nito sa baga. Noong nakaraang apat na taon itong lumisan sa mundong ibabaw.
The house reminds her of many things as well as to Kuya Jerome so he opted to left the house after he got married years ago. Her cousin with his family were staying in the North. Hindi nito ibinenta ang bahay bagkus ay binigyan lang siya nito ng susi upang kahit papaano ay may matutuluyan siya kapag napabisita siya sa siyudad. Wala na ang bahay nila noon nang lumipat na sila sa Balamban.
“Cali!” Dahil malapit lang ang resto sa entrance ng mall ay nakita niya kaagad ang pagpasok doon ni Calvin. Mukhang katatapos lang nito sa duty nito sa ospital. Awtomatikong napangiti nito nang matagpuan siya sa gilid ng floor to ceiling na pader ng restau saka pumasok roon. Pabirong tinaasan niya ito ng kilay at ngumuso. “Yellow huh?”
Napatingin ito sa suot nitong yellow three-fourths. He chuckled and slightly shook his head. “Still your favorite color. Um-order na tayo. Ginutom ako sa mga pasyente ko,” pagbibiro nito at tinawag ang waiter.
Panay lang ang kuwentuhan nilang dalawa habang kumakain. Cali has been his bestfriend ever since they met in a training class until they made a pact to chase their dreams. It was quite worth it when you have someone who’s there on your ups and downs and thankful for it.
After they ate their early dinner, they hed to the restobar where Cali did some short gigs. Ang motorsiklo nito ang nagsilbing transportation vehicle nila. She was in a corner of the restobar beside the busy street, listening and smiling to Cali’s music. Kumakanta ito sa sariling rendition nito ng ‘With a Smile’ ng Eraserheads.
Natagpuan niya ang sarili niyang tumambay sa cottage na gawa sa nipa at tinabihan siya roon ni Cali nang matapos na ito sa gig nito. Nakipagkuwentuhan pa kasi ito sa mga parokyano ng restau bar.
“Hey, are you okay here?” he asked and leaned on the wooden chair.
“Ayos lang.” She stared at the lights coming from the cars and the buildings. “Nakakamiss langhapin ang polluted na hangin sa gabi at ang city lights. Ang tagal rin nating tumira dito,” she murmured.
“You want a joyride after this?” alok nito bagay na ikinangiti niya. Pabiro niyang tinapik ang ulo nito na parang aso lang. She chuckled and her smile widen.
“Of course.” Kapwa sila natawa sa inakto nilang dalawa. “Good old times,” usal niya sa hangin.
* * *
Napahilamos si Lirio sa mukha niya nang ungusan siya ng isang Pajero. Napahigpit ang kapit niya sa manibela at marahas na napabuntong-hininga. The stoplight turned red so he stepped on the car’s break. Nakakawala talaga ng pasensiya ang magmaneho minsan. Kagagaling lang niya sa opisina niya at natagalan pa siya sa dami ng mga dapat aasikasuhin.
Nanigas siya nang may mahagip ang mga mata niya. Napakurap-kurap siya at naipilig ang ulo. Baka naghahalusinasyon siya dahil bugnot na bugnot siya sa trabaho. He turned his head on the side of the street and found her smiling face amidst the lights from the establishments and posts around the area. Kabisadong-kabisado niya ang ngiting iyon maging ang kung paano ito manamit. She’s wearing a yellow coat, white shirt and denim jeans.
Mahinang napamura si Lirio nang makitang inabutan ito ng lalaki ng isang helmet. Ngumuso lang ang naturang dalaga at natawa sa sinabi ng lalaki na kilala na ni Lirio dahil nakausap na niya ito noon.
“Holy mother— She’s here,” he confirmed to himself. Nang mapansin niyang gumala ang mga ito sa kalsada ay naitabon niya ang mukha niya sa gilid upang hindi siya nito makita. Nang maging berde na ang ilaw ay saka siya nakahinga nang maluwag.
He smirked when he thought of Noah who seems to be lurking with his paperworks and such. Lirio decided to drop by the supermarket. Ang supermarket na nandoon pa rin kung saan doon sila bumibili ng kung ano-ano ni Daisy. Nang maghiwalay ng landas ang dalawa, isa siya sa mga naapektuhan dahil ibig sabihin niyon ay ang paglayo nito sa mga taong malapit kay Noah.
Ilang taon na silang walang balita o mas tamang sabihing sila lang sapagkat may natitip pa naman siyang mga impormasyon mula sa ibang tao. Gawa na rin ng impluwensiya niya. Ngunit ito ang unang beses niyang makita ito ulit. Naiintindihan naman ni Lirio ang desisyon ni Daisy na lumayo pagsamantala ngunit may bahaging nagtampo siya pero wala rin naman siyang magagawa sa huli. Para naman iyon sa ikabubuti ng kanyang kaibigan.
Kung ano-anong bote ng alak ang pinagdadampot niya sa grocery store at bumili ng iilang chips at junk food na maaaring pulutan nila ni Noah. Balak niyang magpakalasing ngayon nang maalala niyang malapit na ang anniversary nila ni Eden Sofia. Nang makontento na siya sa mga binili niya ay tumungo na siya sa counter at nagbayad.
Bitbit ang dalawang supot ng mga alak at kung ano-ano pa ay dumiretso na siya sa sasakyan niya. Akmang bubuksan niya ang pinto ng sasakyan niya nang may mapansin siya sa kabilang panig ng kalsada.
Saktong tinanggal ni Daisy ang helmet nito saka siya dali-dali siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Nakita niyang may binili lang itong tinapay sa isang bakeshop at tila may hinahanap ang mga mata sa paligid. Na-paranoid tuloy siya bigla na baka nakita siya nito at yumuko pa siya lalo. Sinuot ulit nito ang helmet at umangkas sa motorsiklo ng kaibigan nitong nakalimutan na niya ang pangalan.
Pinasibad na ng kaibigan nito ang motorsiklo at tinungo ang isang pamilyar na daan na parte na ng kabataan niya noon. Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Lirio nang may mapagtanto. Daisy is staying in the Berntsen’s Residence!
A sly smile appeared on his lips as he turned on the engine of the car. Kinabig niya ang manibela at tinahak ang direksiyon patungo sa bahay ni Noah. The lights inside his bungalow house was still on when Lirio parked his car outside. Binusinahan niya ito para ipaalam rito na nandoon siya. He reached for the grocery bags and opened the gate of Noah’s house.
Nadatnan niya ito sa sala kung saan nagkalat doon ang mga papeles nito. Ubos na ang laman ng tasa nito na sa palagay niya ay kape.
“Dude, may balita ako.” panimula niya at walang habas na nilapag ang supot sa sahig. Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na sofa at nagpakawala ng hininga na parang nabunutan ng tinik. Kahit kailan talaga, ugali talaga niyang sabihin rito ang mga nalalaman niya. Sabi pa ng iba, walang ligtas na sikreto sa kanya. Puwera lang kapag may dahilan kung bakit kailangan niyang ilihim.
“What?” iritadong sabi nito na panay na ang hilot sa sentido nito at marahas na itinabi ang hawak nitong dokumento. Marahan niya itong tinapik sa balikat.
“Maganda kapag may alak at pulutan ang balita ko.” Ngumisi pa siya na ikinasama lalo ng tingin ni Noah sa kanya. Marahil iniisip nitong may masama na naman siyang balak.
Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang freezer upang kumuha ng iilang ice cubes doon saka niya iyon isinalin sa isang bowl. Bumalik siya sa sala bitbit ang bowl na may ice cubes at baso at inilapag iyon sa mesita. Napangisi na lamang siya nang magligpit na ito ng kalat at i-file lahat ng mga papeles sa isang tabi. Noah opened a pack of assorted chips and chewed some of it. Ito na rin ang naglapag ng mga pinamili niyang alak doon. Nagbukas siya ng isang bote ng alak at nagsalin niyon sa baso.
“Next week, pupunta ako ng Palawan para bisitahin ang under construction na resort,” bigay-paalam niya rito. “I was thinking of staying there for days for a short vacation. Malapit na ang anniv ni Eden.” halos pabulong na ang huling sinabi niya. Inisang-lagok niya ang alak at napangiwi sa lasa niyon. Ang tagal na pala niyang hindi nakatikim ng alak simula nang dumami ang responsibilidad niya sa construction firm.
Sandali itong natigilan at napailing nang bahagya. “You need it to refresh yourself.”
“Anyway, sa JY supermarket ako bumili nito,” panimula niya. Kumuha siya ng potato chips sa supot at kinain iyon. “I saw her.”
Nabitin sa ere ang pag-inom nito ng alak. Noah’s hawk-like eyes became sharp. “Her?”
“The one and only Daisy Mako,” he grimly said with a smirk. Sandaling hindi ito nakaimik, tinatantiya kung ano ang magiging reaksiyon sa sinabi niya pero may ideya si Lirio na sa loob-loob nito, may pag-asang bumangon.
“At hindi ako namamalik-mata. Pangalawang beses ko siyang nakita. Remember the resto-bar in Escario Street with a nipa cottage? She was there then saw her the second time at the foot of the road. The road we used to go to when we were teens.”
“She did?” halos pabulong na nitong sambit. Hindi ito maapuhap ang mga salitang sasabihin at napailing na lang. “She’s a drifter. One moment, she’s there then she’s not.”
Bumuga siya ng hangin at sumandal sa sofa nang mapansin ang biglang pagsama ng timpla ng mukha nito.
“Marunong siyang magtago. Ni wala tayong ideya kung saan siya napadpad o kung ano na ang ginagawa niya. Mabilis rin siyang tumakbo ng mabilis kaya natatakasan niya tayo noon. Tol, si Daisy nga ang nakita ng mga mata ko. And she’s not alone. Kasama niya ang kaibigan niya. ‘Yung doktor.” Sukat sa sinabi niya ay dire-diretso ang isang baso ng alak sa bibig nito. Halatang naapektuhan sa inanunsiyo niya.
“Why are you telling me this anyway?” pagsusungit nito. Napasinghal si Lirio at tinulak ito nang bahagya para magising naman ng konti.
“Gago ka ba? Gusto mong tumunganga lang rito? Problemahin ang kaso ng sinungaling mong kliyente at hayaang makawala na naman si Daisy? A—”
“There’s no use, San Miguel,” putol nito sa sasabihin pa niya at nagsalin ulit ng alak. “Ikaw na ang nagsabing magkasama sila. Taon na ang nakalipas at wala na ‘yun. We parted ways.”
“Buwisit. Isa kang napakalaking sinungaling,” akusa niya rito, nangungunot na ang noo. Alam niyang may pakialam pa rin ang kaibigan niya.
“Nahawaan ka ba ng kliyente mo? Kilala natin si Daisy, tol. Hindi ‘yun basta-basta nakakalimot at base sa nalaman ko n’ong nalasing ka, nangako ka sa kanya kahit ayaw niya. Kilala kita, seryuso ka sa mga pangako mo.” Marahas siyang napabuga ulit ng singhal. Wala sa oras na napakamot siya sa ulo niya. Bakit niya ba sinasabi ito kung ganitong mahirap kombinsihin ang kaibigan niya? “By the way, she’s staying in the Berntsen’s Residence. I told you before, one of these days, she would go back to that house.”
Saglit itong napatulala na siyang inaasahan na ni Lirio. Tinapik niya ito sa balikat. “Nasa iyo kung bibiglain mo siya doon o kung sisilip ka lang para kompirmahin ang sinabi ko.”
He was putting notions on his friend’s head and Lirio was a bit unsure of his actions. Wala pang kasiguraduhan kung ano ang buhay ngayon ni Daisy nang mawala ito sa buhay nila. Baka tuluyan na silang kinalimutan nito ngunit napailing na lamang siya. He discarded that thought. No way in hell. That lady is very sentimental.
“Hindi ako magpapakita sa kanya. Ayoko muna siyang guluhin,” pinal na sabi ni Shinoah na ikinadismaya nang bahagya ni Lirio. Ngunit may bahagi sa kanya ang panatag kasi hindi pa ito ang tamang oras.
Sa huli, di rin nagalaw masyado ang mga alak na binili niya. Lagpas na sila sa stage na iyon ng buhay nila ni Noah. Natunaw lang ang ice cubes kalaunan dahil bumalik ulit sa inuwi nitong trabaho si Noah.
Si Lirio naman ay di na rin nag-abalang umuwi at doon na lang nanatili sa bahay ni Noah. Nakikita niya ang sarili niya kay Noah na sinusubsob ang sarili sa trabaho kaya minabuti niyang tumambay muna sa labas ng bahay nito. Naupo lang siya sa papag na pinalibutan ang punong mangga na nandoon na bago pa man lumipat si Noah sa bungalow house na iyon.
“Muna. Ayaw mo muna siyang guluhin. Ngayon ko lang naintindihan,” bahaw na natawa si Lirio nang marinig niyang bumukas ang pinto. “Gusto ko siyang kausapin, lapitan, at yakapin. I bet when you’re there, those were the things in your head.”
“Mas mabuting ikaw ang nakakita sa kanya. Baka hindi ako nakapagpigil.” Tumabi ito sa kanya sa papag. Litaw na litaw ang mga bituin sa kalangitan, tila ba pinapakalma sila ng mga ningning niyon. Tahimik na ang paligid at wala na ang mga ilaw sa ilang kabahayan. Natutulog na ang mundo subalit hindi sila.
“Who wouldn’t miss her? I met Marc. He asked me about her. Wala akong maisagot dahil wala na akong alam sa kanya ngayon. She thought before that she haven’t had an impact to other people. But it’s not, Sagara.”
“You just missed her.”
“Gimingaw na sad ka niya uy. Hindi ako nag-iisa.”
“Di ba may kaibigan siya? ‘Yung si . . . ano nga pangalan n’on? Tunog prutas,” pag-iiba nito ng usapan.
“Ha?” Nangunot ang noo niya. Inalala ang mga naging kaibigan na babae ni Daisy. Dalawang babaeng kaibigan nito ay mga maingay at kalog. At sa naalala niya, di tunog prutas pangalan ng dalawa.
“Nakalimutan mo na kaagad?” Bahagya siya nitong tinawanan. “Eh titig na titig ka sa kaibigan ni Daisy noon.”
“Ha? Gago, hindi.” Doon na niya naalala ang ibig sabihin nito na mas lalo nitong ikinatawa. “Bakit napunta sa akin ang usapan?”
Tumawa ulit ito na parang may alam na wala siyang alam. Wala namang silbi kung magpapaliwanag pa siya. “Piste, nagseseryuso na nga ako rito, bigla kang— hala shi— Naalala ko bigla, pinapunta tayo ni Shawn sa bayan niya this Saturday. Ipapacancel ko pa ang mga engagements ko sa mga araw na ‘yon.”
“Maluwag ang schedule ko sa Saturday. I can come. What time? Morning or afternoon?”
“Morning as I’ve remembered.” Napatuwid ito ng upo.
“I’m only free in the afternoon,” angal nito.
Mukhang makaka-jackpot na naman sila sa masungit na mayor.
* * *
Kabanata: Anim
“And the winner of the essay writing contest is Raspberry Luzano of Second Year Section two!”
Halos mabingi sa sigawan ng mga kaklase niya si Raspberry pagtuntong niya sa stage at tanggapin ang certificate niya. May parte sa kanya na masaya siya dahil nanalo siya at pagkailang nang bumalandra sa kanyang harapan ang mga tao. Hindi niya alintana ang tinginan ng mga kapwa niya estudyante na sumali sa essay writing contest na iyon. Nagdududa yata sa kakayahan niya at kung bakit nanalo siya dahil isa lamang siyang hamak na second year highschool student. But she knew better, her essay piece would speak for it.
“Hi! Congrats nga pala!” Hindi sana papansinin ni Berry ang babaeng may yellow clip sa buhok nito dahil tinatantiya pa niya kung siya ang binati dito.
Shoulder-length ang haba ng buhok nito na kapag tinamaan ng sikat ng araw ay nagmumukhang brown. Ang mga mata nito ay tila laging nakangiti.
‘Well, she has a contagious smile,’ bulong ni Raspberry sa sarili.
“Thank you,” she replied with a polite smile. Ito ang nanalo bilang second runner-up kung kaya’t katabi niya ito ngayong may hawak na certificate.
“Nabasa ko ang piece mo. Grabe, ang ganda. Gamay na gamay mo ang English language tapos on-point pa kahit pa iilang sentences. Mahaba pa sa ‘kin kesa sa ‘yo pero pakiramdam ko, pinaikot-ikot ko lang.” Marahan itong natawa. Dumadaldal lang ito habang kinukunan sila ng litrato. “Sa ‘yo, hindi. Siksik.”
“Salamat,” pag-uulit niya pero nakangiti na ng tunay. Madalang lang siyang maka-appreciate ng papuri sa ibang tao lalo na’t nararamdaman niya kaagad kung sincere ba iyon o hindi ngunit sa kaso ng babaeng ‘to. She looked so sincere with her smile.
Naghiwalay lamang sila sa stage nang ianunsiyo na ang nanalo sa Poster-making contest. Akala ni Raspberry ay makakalusot na siya sa mga tao roon ngunit nilapitan lang siya ng babaeng may yellow clip sa buhok. Nakangiti pa rin ito.
“Ako nga pala si Daisy Mako. Ka-batch lang tayo. Sa Section one nga pala ako,” anito. Naalala na niya ito. Ito ang babaeng nakikita niya sa library at laging nakapuwesto sa table na malapit sa fiction section kung saan madalas din siyang tumambay. Nakahiligan na niyang magbasa ng mga libro at pagsusulat. Sa katunayan, ayaw niyang sumali sa essay writing contest ngunit pinilit siya ng adviser nila nang mapansin nito ang kakayahan niyang magsulat.
“Raspberry Luzano from Section two,” sabi niya out of courtesy. May tumawag sa pangalan nito na ikinalingon ng huli sa dalawang babae na panay ang ngisi dito. Mukhang masaya ito sa pagkapanalo ng kaibigan ng mga ito.
“Uy, tawag na nila ako. Congrats ulit!” huling sambit nito sa kanya at nagkukumahog na umalis sa gilid ng stage upang salubungin ang mga kaibigan nito habang siya’y pumasok na sa center building at dumiretso na sa hagdan saka umakyat roon.
Raspberry has only herself. Wala siyang maituturing na kaibigan talaga dahil turing lang niya sa mga ito ay mga kaklase lang. Iba ang definition niya sa salitang iyon at isa pa, madali siyang makaramdam kung kaibigan ba ang isang tao o hindi o sadyang ayaw lang niya maulit ang masalimuot na pangyayari noong nasa elementary pa siya.
Iwinaglit na lang niya iyon sa kanyang isipan at pumasok na sa pangalawang classroom sa ikalawang palapag saka hinanap ang bag niya. Hahapit pa siya sa faculty upang ipaalam sa adviser niya na nanalo siya.
Kinabukasan, half-day dahil sa pa rin ginaganap na program. Himbis na manood sa quadrangle ay iba ang ginawa niya. Sa library na naman siya tumambay at nanghiram ng libro.
“Uy, hi!” Bahagya pa siyang napapitlag nang batiin siya ni Daisy na ngayo’y katabi na pala niya sa namimili ng libro sa fiction section. Mahilig din itong magbasa. “Reader ka rin pala.”
Tumango siya bilang pagsang-ayon rito habang nakatingin sa spine ng mga libro. May partikular siyang nagustuhan na libro doon at hinahanap lang niya. Humugot ng isang libro doon si Daisy na ikinalingon niya rito.
“As a starting reader, huwag ka munang magbasa ng mga classics lalo na’t iba ang gamay ng lengguwahe nila,” sambit niya rito at humugot ng isang libro sa estante. Isa iyong children’s book na nabasa na niya noong elementary. Inilahad niya ang libro rito. “Ito. Maganda ang book na ‘yan. Kapag binasa mo nang maigi. May madidiskubre kang mga lessons na puwede rin sa adult.”
Ibinalik nito ang kinuha nitong libro sa estante at tinanggap ang libro na nirekomenda niya rito. Ininpeksiyon nito ang cover. Pinakli nito ang mga pahina ng libro. “Naiintindihan ko ang English. Salamat,” baling nito sa kanya. “One time, may interesado akong basahin kaso ayaw ng librarian. Di daw angkop sa ‘kin.”
“Censorship,” mahina niyang sambit. “Tawag sa mga bagay na mino-moderate ang use lalo na pag di angkop sa age natin at kamalayan natin.” Dinugtungan na niya dahil tila hindi nito naintindihan ang salita.
Napatango-tango ito na may ngiti sa mga labi. “Hihiramin ko na ‘to. Salamat ulit.” Ngumiti ito at dumiretso na sa counter upang manghiram.
Out of impulse lang ang pag-suggest niya ng libro rito dahil alam niyang ang una nitong pinili ay classic book. Kahit papaano ay malaki ang impluwensiya ng librong iyon sa kanya noong bata pa siya. Nang mahanap na niya ang librong balak niyang basahin ay tumungo na rin siya sa librarian para hiramin iyon.
Nang magutom sa kakabasa sa loob ng classroom ay lumabas si Raspberry at tumungo sa canteen ng eskuwelahan. Crowded ang canteen nang maabutan niya kung kaya’t natagalan pa siya sa pagpila upang bumili ng paborito niyang cassava cake.
“Ha? Sinong nabarangay?” bulalas ng isang lalaki na umagaw sa atensiyon ng mga tao sa loob sa lakas ng boses nito. Binatukan lang ito ng isa sa mga kaklase yata nito. Kung hindi niya kilala ang naturang lalaki ay nuncang pansinin niya ang mga ito o sadyang nakaw-atensiyon lang ang mga ito sa ingay ng mga ito.
“Sira-ulo. Sabi na nga ba, hindi ka nakikinig. Ang sabi ko, magsisimula na ang liga sa barangay sa susunod na buwan. Ano, sali ka?” kausap ng kaklase rito.
Lirio San Miguel. Schoolmate niya noong elementary at naging classmate niya noong grade two at ngayo’y schoolmate niya sa Abellana. Naalala pa niya kung paano siya nasorpresa nang makita ang pangalan nito sa bulletin board at akala pa niya hindi na magkr-krus ang landas nila ngunit nagkakamali siya. Kilala niya ito samantalang hindi siya nito naalala. Sabagay, grade two pa lang sila noon.
Lingid sa kaalaman nito, their family were friends in Cagayan De Oro that’s why she’s aware of some bits of his childhood.
“Oo naman! Ipapaala mo sa ‘kin pag malapit na. Nakakalimot ako e,” sang-ayon ni Lirio. “Naks! Amoy na amoy ko na ang bango ng bagong baked na tinapay!”
Napa-‘yes’ sa loob si Raspberry nang mapagtantong mukhang bibili ito ng tinapay base sa sinabi nito. Nakita kasi niyang isa na lang ang slice ng cassava cake sa estante sa may counter.
“Ate, dalawang croissant at isang cassava cake,” kausap ng lalaki sa tindera. Wala sa oras na napasimangot siya. Mukhang nakalimutan niyang para itong baboy kung lumamon. Payat nga ito pero malakas itong kumain na napapansin na niya noon pa man.
Kung nahalata man ng tindera ang bugnot niyang mukha ay pinili na lang nitong ibalot ang banana cue na binili niya. Nanlulumong lumabas ng canteen si Raspberry, hindi na napansin ang panyo niyang nahulog mula sa bulsa ng maroon skirt niya.
Naipilig niya ang kanyang ulo nang maalala niya ang kulay Scarlet niyang notebook. Mukhang may maisusulat siyang entry doon dahil sa nangyari.
* * *
“Mukha kang tanga,” bungad ni Daisy kay Lirio na nakapangalumbaba sa mesa at ang mga mata ay nakatutok sa isang naturang babae na nakaupo sa plant circle.
Dumukwang si Daisy upang tingnan ang tinititigan ni Lirio sa malayo. Base sa kulay ng sling nito ay ka-batch lang nila ang babae na may tuwid na tuwid na buhok, malayo sa bahagyang kulot na buhok ni Daisy.
“Ang ganda niya, di ba?”tanong nito na ang mga mata pa rin ay nasa babae. “Siya si Eden Sofia. Sayang, hindi ko siya magiging classmate. Sa Tech-Voc curriculum siya kabilang.”
“Oo,” sang-ayon niya rito saka sumandal sa railing at pinagkrus ang kamay sa ibaba ng dibdib. Bahagya siyang ngumuso at naningkit ang mga mata sa dreamy na mukha ni Lirio. Mukhang nagd-daydreaming ito na sigurado siyang may kinalaman ang magandang babae. “Crush mo? Pero ang putla-putla niya tapos ang pula pa ng mga labi niya. Mukha siyang bampira. Aray!” Nanggigigil yata ito sa sinabi niya kaya hinila nito ang pisngi niya. Marahan niya itong itinulak at sinapo ang nasaktang pisngi.
“‘Wag kang ano, mas maganda pa siya kaysa sa ‘yo,” angal nito. Namalayan ni Daisy na nahulog ang isang light pink na panyo mula sa bulsa ng khaki pants nito. Dinampot niya iyon at napadako ang mga mata niya sa nakaburdang pangalan doon.
“Hala! Bakit nasa iyo ang panyo ni Raspberry?” bulalas ni Daisy. Napalingon tuloy sa kanya si Lirio mula sa sight-seeing nito.
“Ah, yan? Nahulog yata ng may-ari. Raspberry? Kakaibang pangalan. Maganda ba?” Sinamaan lang niya ito ng tingin at ibinaling ang mga mata sa quadrangle. Basta talaga maganda, matalas ang pandinig nito. Iilang beses na siyang nilipad ng hangin sa kahanginan nito lalo na kapag ramdam nitong may crush ang mga babae rito.
“Ang hilig mo talaga sa magaganda. Si Raspberry. Maganda. Bilugan ang mga mata na singkit sa dulo at namumula ang mukha niya kapag naiinitan masyado. Itim na itim ang buhok niya na parang kulay ng balahibo ng uwak tapos kulot sa dulo. Sa katunayan . . . ” Habang nagsasalita si Daisy ay may nahagip ang mga mata niya sa baba. Ang babaeng binanggit niya lang ngayon at panay ang pakli sa dala-dala nitong pamphlets sa gilid ng basketball court. “Ayon! Siya si Raspberry!” turo niya kay Raspberry.
“Alin?” Kulang na lang mag-zoom ang mga mata ni Lirio. Isinalpak niya rito ang panyo at bago pa iyon mahulog ay sinalo na nito iyon.
“Isauli mo sa kanya ang panyo. Walang ibang Raspberry sa school dahil hindi naman common ang name niya. Isuli mo na.” May ideya na pumasok sa isip niya kung kaya’t bigla niyang tinulak patungo sa hagdan si Lirio na ikinagulat nito.
“Ha? Teka nga-”
“Bilis! Bago pa siya makalayo! Basta! ‘Yung babaeng may kulay pulang laso na tali niya sa buhok!” pahabol niya rito sabay kaway nang wala na itong magawa at bumaba na lang ng hagdan.
Ngingisi-ngising inabangan ni Daisy ang paglapit ng kaibigan niya kay Raspberry na noo’y nakatayo lamang ilang metro ang layo sa basketball ring. Patakbo itong nilapitan ni Lirio nang lumakad ito patungo sa TLE Building. Kinalabit nito ang dalaga at inilahad ang panyo rito. Napansin ni Daisy ang bahagyang pagtango at pagsagot ni Raspberry bago ito pumasok sa TLE Building at naiwan si Lirio na nakamasid sa papalayong likod nito.
“Ganoon lang? Ang hina mo naman.” Pumalatak pa si Daisy at eksaheradong ipinitik ang mga daliri sa hangin. Nabitin iyon sa ere nang kaagad na lumapit si Lirio sa puwesto ni Eden Sofia na kakamot-kamot pa sa ulo. Mannerism iyon ng kaibigan niya kapag nahihiya ito. Napasinghal tuloy siya.
“Di-hamak naman na mas maganda si Raspberry sa kanya.” nakausli ang mga labing bulong niya sa sarili sabay tapik sa panga niya. “Hhmm… Bagay silang dalawa. Pogi at maganda kaso . . . eck, masyado silang opposite. Raspberry at Lirio? Nah. At mukhang nabihag ang kulugo kay Eden,” dugtong niya habang binabagtas ang hagdan.
“Daisy?” Dahan-dahang napalingon si Daisy nang may tumawag sa pangalan niya at napangiti nang makilala ito. Si Shawn Guillermo ng II-B ng Tech-Voc Curriculum at second year representative nila sa Supreme Student Government. Matalik na kaibigan ito ni Lirio. “Nakita mo ba si Lirio?”
“Naku, nagpapalipad-hangin sa isang dilag,” awtimatiko niyang sagot rito na ikinakunot ng noo nito. Ininguso niya tuloy kung saan matatagpuan si Lirio. “Nasa quadrangle lang. Sa may plant circle. Na-crush ata kay Eden Sofia,” buking niya kay Lirio.
Ano ka ngayon?
Sandaling nagtaka ito nang sumilip sa baba saka siya tinanguan at tumakbo na pasalungat sa kanya, patungo sa kabilang dulo na hagdan. Kibit-balikat na bumaba siya ng hagdan at patalon-talon na lumakad patungo sa canteen upang bumili ng paborito niyang nata de coco.
“Daze, ikaw ba nagsabi kay Shawn na crush ko si Eden Sofia?” naniningkit ang mga singkit na mata ni Lirio nang sadyain siya nito sa classroom.
Sa gulat nito ay natawa na lamang siya. Sukat sa pagtawa niya ay dumaan sa corridor si Raspberry. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya at tinawag niya si Berry. Kinawayan pa niya ito. Gaya niya ay pauwi na rin ito base sa nakasukbit na backpack sa likod nito.
“Hi, Raspberry!” Akalain ng iba ay close sila. Gusto niyang makipaglapit kay Berry dahil pakiramdam niya marami silang mapagkasunduan.
Kumaway lang ito pabalik sa kanya, recognizing her and gave a polite smile. Nang dumako ang mga mata nito kay Lirio na nasa tabi niya ay naglaho ang ngiti nito at nagpatuloy maglakad.
Doon siya lalong natawa. “Biruin mo. May babae pa palang ayaw sa ‘yo?”
Tila naasar naman doon si Lirio pero mas minabuting tanungin ulit ang pakay nito. “Alam mo bang nalaman na rin ng iba na crush ko siya? Naman, Daisy. Sa ‘tin lang dapat ‘yon.”
“Ayaw mo no’n? Mapapadali ang pag-amin mo.” tukso niya pa.
“Hindi ako natutuwa.”
“Sigurado ka? Bakit parang mangingiti ka pa ata? Uyy!” Sinundot niya ito sa tagiliran nito at di na nga ito nakapagpigil. Napangiti na lang ito, namumula na din ang mukha sa pagkapahiya.
“Baliw ka talaga. Hindi,” tanggi pa rin nito na ikinatawa niya.
“Eh! Landi mo, Lir!”
Tawa siya nang tawa nang mapansin niyang pumasok na pala ang mga evening students. Saktong paglingon niya sa bahaging hagdan ay muntik na siyang masamid ng laway niya nang makita niyang sumulpot mula roon si Noah na nasa sapatos ang mga mata. Bahagya tuloy siyang inihit ng ubo.
Ang bilis ng karma niya.
“Anong nangyari sa ‘yo?” Nilingon nito kung saan natigil ang mga mata niya pero ipinaling lang niya ang ulo nito pakaliwa para di nito makita si Noah na walang kamalay-malay sa kulitan nila ni Lirio.
“May crush ka rin?”
“Wala. Halika na nga, klase na ng evening shift. Kanina pa sana tayo nauwi. Kulit mo lang. Baka wala na tayong masakyang jeep.” Hinila na niya ito patungo sa hagdan na inakyat ni Noah.
Maghahalo muna ang langit at lupa bago siya umamin kay Lirio.
* * *
“Pansin kong hindi mo na nakakasama ‘yang si San Miguel ah. ‘Di mo na rin ata pinapansin?” nguso ni Keisha kay Lirio na kasama ang mga kaklase nito sa table.
Nasa canteen silang lahat sapagkat vacant time nila ng mga oras na ‘yon. Malapit na rin ang lunch time kaya kumain na sila nang maaga ng lunch. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot at nagkibit-balikat.
“Kasama ko kayo at may tropa naman siya.” Alam niyang kaibigan na rin nito si Eden Sofia at nandoon ang atensiyon nito sa babae. Komportable naman siyang kasama sina Kei at Jin kahit na tinatamaan siya ng pagiging prangka ng mga ito minsan.
“Sila na ba ni Eden? Nakita ko sila sa may bakeshop sa labas. Akala mo sila na. Ang sweet tingnan,” ani Jin na parang nag-uulat lang ng maliit na bagay. “Halata naman crush ng kaibigan mo si Eden Sofia.”
“In denial ‘yan pero halata na sa mga mata. Parang kumikinang pa e. Kadiri.” Tumawa siya nang maalala ang pagmumukhang iyon ni Lirio. “Bata pa naman tayo. Marami pa kayang mangyayari at tungkol sa crush life ni Lirio, bahala na siyang dumiskarte.”
“Oo nga pala. Nagawa n’yo na assignment sa Math?” tanong ni Kei at sabay silang umiling ni Jin. Sa mukha ni Kei, mukhang inaasahan na nito ang sagot mula sa kanila. “Bakit ba ako magtatanong sa mga kagayang namumulubi sa Math? Hagap muna ako ng answers sa assignment natin. Same tayo ng Math teacher kina San Miguel kaya doon ako.”
“Ha? Puwede namang sa classmates na lang natin.”Nagsuhestiyon pa talaga siya. “Bakit pa sa kanila ni Lirio?”
Tinakpan lang ni Jin ang bibig niya. “‘Wag ka nang magsalita. Basta. Alam ni Kei ang ginagawa niya. May kilala siya sa tropa ni San Miguel.”
Tinanggal na nito ang pagkakatakip nang tuluyan nang makalapit si Kei sa grupo nina Lirio. Ano kayang plano ng babaitang ‘yon? Nakita niyang may kinausap ito sa mga kaibigan ni Lirio na mukhang napilitang ilabas ang math notebook nito na nakatikim pa talaga ng batok mula kay Kei. Doon na siya nagtaka nang kinausap ni Kei si Lirio. Napansin niyang tinapunan siya ng tingin ni Lirio. Siya na pinag-uusapan ng mga ito? Naintriga tuloy siya.
“Tinanong niya kung bakit umiiwas ka sa kanya. Bakit nga ba?” tanong ni Kei nang makabalik na sa lamesa nila.
“Ha? Hindi naman ako umiiwas ah. Abala lang talaga kami. Dami kayang groupworks kaya di na kami sabay umuuwi. Kasama niya lagi si Eden Sofia pag uwian na,” katwiran niya naman at nang mahagip ng mga mata niya si Lirio ay panay kain na ito ng lunch nito. Kagaya nila, may baon rin ito.
“Mabuti pa, kausapin mo siya mamayang uwian. Misunderstanding lang yata ang nangyari,” payo ni Jin at bumaling kay Kei, partikular na sa nahiram na notebook nito. “Baka ma-perfect natin ang Math dito.”
“‘Wag kang mag-alala. Ang hiniraman ko e nangopya lang din daw kay Lirio,” kibit-balikat na sagot ni Kei sabay kuha ng math notebook nito sa bag na katabi lang nito.
“Ha? Math? ‘Wag n’yong asahan sa Math si Lirio,” diskompiyado niyang bulgar kay Lirio kaya nagtawanan ang dalawa.
“Edi zero.”
* * *
“Busy?” Napalingon si Daisy sa katabi niya. Kahit hindi siya lumingon ay kilala na niya ang boses nito. “Nagtatampo ka ba sa akin?”
“Bakit mo naman nasabi? Di ah. Abala lang sa mga gawain sa eskuwela. Ewan, nagkasundo yata ang mga teachers at tinambakan tayo ng group works kaya di na tayo nakakasabay ng uwi. Kung nauuwi ako ng ganitong oras, nasa loob ka pa rin, gumagawa ng group activity para i-present bukas.”
“Wrong timing naman kasi.” nakangiting pahayag nito. “Akala ko talaga nagtatampo ka na. Pansin ko kasing kasama mo lagi ‘yung dalawang ano … yung mga maingay. Saka napapansin kong parang iniiwas ka nila sa ‘kin.”
Maingay talaga? Iba man ang personalidad niya sa dalawa ay alam niyang totoong kaibigan ang mga ito sa kanya. At iniiwas? Kailan pa?
“Bakit naman nila ako iniiwas sa ‘yo?”
* * *
Tahimik lang silang dalawa ni Daisy sa loob ng jeep. Mukhang oblivious si Daisy sa ginagawa ng dalawang kaibigan nito na iniiwas nga si Daisy ng mga ito sa kanya. Kung bakit, ‘di niya alam. Wala naman siyang ginagawang masama. Kapag nasa paligid siya, napapansin niyang nagtitinginan ang dalawang kaibigan nito saka nito kukuyugin si Daisy kung saan. Nalilito siya kung trip lang ng mga ito na gawin iyon sa tuwing nasa malapit lang siya. Mas lalo lang siyang nangitngit nang mapansin niyang di naman siya nilalapitan ni Daisy. Sabagay, siya naman talaga ang orihinal na nambubulabog rito. Suki na siya sa mga kaklase nito sa tuwing napapadaan siya sa classroom ng mga ito.
* * *
Uwian na pero nasa loob pa rin sila ng mga kaklase nila sa eskuwelahan. May meeting ang mga guro kaya malaya silang pinayagan ng guro nila na magpraktis sa labas ng classroom. Malapit lang sila sa gym nagpr-praktis. Binigyan lang sila ng break ng kanilang leader para kumain sa canteen o bumili ng kung ano-ano sa labas ng eskuwelahan. Puwede na silang makalabas dahil saktong oras na ng uwian.
Papalabas na siya ng parking lot nang may mahagip ang mga mata niya. Sasadyain niya sana ang isang tindahan na nagbebenta ng banana cue at turon nang matigilan siya.
Napakurap-kurap pa siya dahil baka namamalik-mata siya. Nakaupo sa stool ang tatlong lalaki, kumakain ng banana cue at napapagitnaan si Lirio na malaki ang ngisi sa mga labi. Lagi naman. Ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid ng mga ito ay halatang seryuso ang aura. Sa paraan ng pagkukuwentuhan ng mga ito ay magkaibigan na ang mga ito. Si Shawn at Lirio, di na bago kay Daisy pero kay Noah? Ang alam niya ay pamilyar lang si Lirio kay Noah dahil nga nakalaban nito ang huli sa basketball game.
Napansin ata siya ni Lirio na nakatingin sa mga ito kaya kinayawan siya nito bagay na ikinalingon ng dalawang lalaki. Ang ganting kaway tuloy niya kay Lirio ay may tabinging ngiti.
Walang reaksiyon ang mga mata ni Noah. Parang hindi pa ata siya nito namukhaan. May bahagi sa kanya na nadismaya siya, na kalauna’y parang balewala na lang. Kunsabagay, hindi naman talaga sila magkakilala.
“Daze, libre kita ng turon. Masarap luto ni Aling Roling. Gusto mo? Merienda na rin,” yaya ni Lirio pagkalapit nito sa kanya na ngayon lang niya namalayan.
“Ha? Hindi. Kaya ko nang magbayad para sa sarili ko. Okay lang talaga, Lir.” Nahihiya man na lumapit sa kinaroroonan ng mga ito ay nilulon iyon ni Daisy sapagkat gusto talaga niyang tikman ang pinanggigilan ni Lirio na turon na kulang na lang ay i-advertise nito sa paraan ng pagkain nito. Kaing nang-iinggit ng mga kung sinong gutom sa paligid.
Nang makapunta sa tindahan kasama si Lirio ay inignora niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Siguro naninibago lang siya na malapit lang talaga si Noah. Naikuwento kaya siya ni Lirio dito?
Bakit ba ito ang pinag-iisip niya? “Tatlong turon nga ho, Aling Roling. Pakibalot na lang po,” magalang niyang sambit sa ale.
“May panulak akong juice dito, hija. Baka gusto mo. Kaibigan mo ba itong si Lirio? Batang ire, mukhang mauubos ang turon dahil sa kanya. Buti may natira pa.” Natawa tuloy siya nang marinig iyon mula sa ale at bahagya pa siyang tumigil dahil nga nakatingin si Noah sa kanya. Mabuti na lang si Shawn ang nasa tabi niya na tahimik lang.
“Magana po talaga siyang kumain.” Tinanggap niya ang supot na may tatlong stick ng turon. “Salamat po. Sige, Lir.”
“Nasa bahay ka ba ng Tita mo sa Pasko?”
Ang ramdom ng tanong nito at mas tuloy siyang nahiya dahil nalipat na naman ang atensiyon ng mga kasama nito sa kanya.
“Hindi ko pa alam, Lir. Sige ha, bye bye,” sagot na lang niya, sabay ngiti ngunit pagtalikod niya saka lang siya napabuntong-hininga. Napansin rin niyang nanginginig na pala ang mga kamay niyang nakahawak sa plastic na may turon.
“Ang weird,” usal na lamang niya sa damdaming hindi niya mapangalanan. Naalala niya ang mga mata nito kanina. Napailing-iling siya at iwinaglit iyon. “Ano ba, Daisy. Gutom lang ‘yan.”
Missing in action ang dalawang kaibigan niyang si Kei at Jin. Ang totoo, madalas ang mga ito ang magkasundo at sabay rin na umuuwi kaya kung minsan ay natatagpuan niya ang sariling mag-isa. Na wala namang kaso sa kanya dahil nga hobby niya naman magbasa at mag-sketch.
Dala-dala niya ang hiniram niyang Nancy Drew book mula sa library nang matagpuan niya si Raspberry sa canteen. Mag-isa. Ang nakilala niya noong mga nakaraang buwan sa essay writing contest. Napansin niyang lagi itong nag-iisa at kung may balak man ang iba na makipaglapit dito ay parang iniignora lang nito iyon o tinatrato lang na kakilala, hindi kaibigan.
Inoobserbahan kasi niya si Berry at may parte sa kanya na nahatak siya sa klase ng personalidad nito. Parang ang formal nito, cold ang impression sa iba, tahimik at laging kaulayaw mga libro kaya tuloy mag-aatubili ang mga taong istorbuhin ito.
“Hi, Raspberry!” Kinawayan niya ito na may ngiti sa mga labi habang papalapit siya. Raspberry noticed her and gave her a polite smile. Ang totoo, isa rin siya sa mga nagandahan rito. Pang girl crush ang dating sa kanya. Formal lang talaga itong babae. “Naalala mo pa ako? Ako si Daisy.”
“Oo,” nakangiting sagot nito. Dumako ang mga mata nito sa libro niya. “Nancy Drew.”
Naupo siya sa katapat nitong upuan. Napansin niyang may mga papel ito doon pati isang libro na nakabukas.
“Oo. Nakatapos ako ng tatlong books. Pang-apat na ito at maghahanap pa ako ng hihiraman sa library. Humalo na kasi ang mga libro doon.” pahayag niya at inilapag ang libro niya. “Ikaw? Anong binabasa mo?”
“A thriller pero…” Berry trailed off and just looked at her papers.
“Assignments? Mukhang nakaistorbo pa ata ako.”
“No, hindi. It’s okay. Wala pa akong gana gumawa.” Tipid ang ngiting sambit nito.
“Thriller? Maganda ba?”
Kasunod niyon ay natagpuan ni Daisy ang sarili na nakikinig siya kay Berry na nagsasalita o mas tamang sabihin na nagkukuwento sa plot ng librong binabasa nito.
“Storyteller ka, Berry! Kaya pala marunong ka magsulat. Subukan mo magsulat ng mga kuwento, babasahin ko. Siguradong papatok ‘yan sa panlasa ko,” masigla niyang puri dito.
Nagulat ata si Berry kaya mahina itong natawa sa sorpresa niya. Parang ibang tao ito kapag nakangiti at tumawa nang ganito kasigla.
Sa pagkakataong iyon, sigurado si Daisy na nahuli na niya kiliti ni Berry at masaya siya na hindi ito cold at formal masyado sa kanya. Was it because of her sunny presence? Totoo lang siya sa sarili niya at dito.
* * *
Kabanata: Pito
“You’re late,” bungad ni Shawn sa kanila nang salubungin nila ito. Nasa boundary ito ng bayang pinamamahalaan nito at isa pang bayan. The blue skies revealed the sun hiding a while ago. The wide expanse of the ocean was behind him, glittering and the salty and warm breeze swirled around the place. Ang mood lang ng butihing mayor ang hindi tumugma sa magandang tanawin sa paningin nila ni Noah at Lirio.
“But we are here anyway. Kaya pala, fiesta ng bayan kaya pinapunta mo kami rito. Why didn’t you say it directly to us instead?” Lirio said and smiled, approaching Shawn and giving him a bear hug. Shawn just scowled and it made Noah smile.
Apart from Lirio’s floral polo and cargo shorts, Noah was wearing his typical attorney suit, coat and tie. Hinapit siya mismo ni Lirio kanina sa Capitol at dumiretso na sila sa bayan ni pinamamahalaan ni Shawn. Ang SSG President nila noong highschool ay isang kagalang-galang na mayor na ngayon sa isang simpleng bayan sa North.
“Shawn.” Tinapik ni Noah ang balikat ni Shawn na nabawasan na ang guhit ng noo nang mapansin siya. “It’s been months, huh? I see that your folks are enjoying the fiesta. Why are you here?”
Hinangin ang kanilang mga buhok ng hangin mula sa dagat, maalat ang amoy ngunit hindi naman masakit sa ilong. Ayos na rin na natuloy na sila doon ni Lirio dahil nakakaboryo na rin ang mabilis na buhay sa siyudad.
Shawn walked and stared at the blue sea. “Taking a break from the enjoyment. My folks are ecstatic. Madami kaming pakulo sa fiesta. I am here dahil ayokong makuyog sa mga pakulo nila.”
Lirio just grinned and a mischievous glint past his eyes. Shawn and Noah were used to Lirio’s schemes, it’s worse before knowing that he’s not that busy and too young to execute whatever his plans are.
“Ayos! Miss ko na ang singing voice mo, tol. Pa-sample ako mamaya.” Noah almost burst out laughing when he remembered a memory and Shawn just gave her a deadpan glare. Inakbayan lang ni Lirio si Shawn na binalewala na lang ang patutsada ng kaibigan.
“Yeah right. I was secretly praying you will be gone here in Cebu and that you’ll venturing something in Palawan for long,” Shawn retorted and walked with Lirio. Nakasunod lang si Noah sa mga ito at inalis ang pagkakapatong ng coat sa kanya, revealing his blue long sleeves.
“Marami ka na daw inaanak rito. Ipakilala mo naman ako sa kanila,” hirit ni Lirio. Nabalitaan kasi nila na ilang beses na itong dumalo sa mga binyag. Knowing Shawn, when it comes to his people, he just couldn’t resist unlike before, he could just ignore other requests. Naging open na ito sa mga tao at malaki ang impact niyon sa mga nangyari sa kanila noon.
“Later. I will introduce you to the people. Inimbita ako ng isang pamilya na dumalo sa kasiyahan nila but before that, I will show you the games we officiated. Sa gabi, may magaganap na open mic at kundiman songs ang ibinibida. You can sing, San Miguel. Manghiram ka na lang ng gitara kay Mang Gio,” imporma sa kanila ni Shawn habang tinutungo nila ang mga sasakyan nila.
Humahampas ang bawat alon sa seawall kung saan malapit lang doon nakaparke ang sasakyan nila. Lumulan silang tatlo sa sasakyan ni Lirio na ito ang nagmaneho. Ang multicab naman ni Shawn ay ang tauhan nito ang nagmaneho. Nagpatuloy ang usapan ng dalawa na akala mo’y hindi nagkita ng ilang taon. After the horrible incident before, Lirio became laidback and quiet to some people but except them. There’s still his playful side but controlled now.
“As usual, paperwork gave me headaches but I have to deal with that every day. Good thing, madali ko lang mauto minsan ang secretary ko at natatakasan ko siya. But she always finds a way to spot me and shove the documents. In my condo, at some cafe or even in my sleep,” pagkukuwento ni Lirio na natatawa na lang habang nasa daan ang mga mata. He was driving to Shawn’s house where they decided to stay for a bit.
Hindi rin maiwasang tumawa ni Noah dahil nga totoo ngang makulit ang sekretarya nito na binubulabog kung saan si Lirio. Maging siya man ay natutuwa sa personalidad ng secretary na natiis ang pagiging free-spirit ni Lirio. “One time, she intrudes in our lunch to deliver Lirio’s files he forgot to bring with him.”
Maging si Shawn ay mababakas ang amusement. “I commend her for that.”
“Puwede ko siyang ireto sa ‘yo, pare. Ayaw daw niya kay Noah dahil mapapanis daw laway niya at obvious daw na wala siyang appeal kay Noah,” hirit ni Lirio.
“No thanks, I’ve done with noisy women,” Shawn casually answered. Katabi lang ito ni Lirio sa front seat.
Si Noah naman ay nakatingin sa labas ng bintana habang nakikinig sa dalawa. Naaaliw siyang pagmasdan ang mga nagkalat na mga tao sa labas, ang mga inihaw na karne sa labas ng mga bahay, ang mga amoy na galing doon, mga tunggaan at inuman sa pamumuno ng mga matatandang lalaki at umalingawngaw na videoke time sa paligid. Iba talaga pag fiesta sa probinsiya, nagkakaisa sa siyahan ang mga tao na parang isa silang buong pamilya.
“I don’t care about it for the meantime. Sa dami ng aasikasuhin ko. Noah here is still have to check something in the City Hall and Capitol about a case. Mabuti na lamang ay naabisuhan ko si Ciara, ang secretary ko na i-cancel lahat ng apointments ko ngayon. Madalang na lang tayong maging buong tatlo. Minsan, si Noah lang makakapunta rito. Madalang ako, sometimes I am out of the island. In Manila, Davao, Makati. Even to Singapore.”
Hindi maiiwasan ang pressure sa law firm nila ni Noah dahil nga pawang mga lawyers sila for the public. Madalang lang silang tumanggap ng cases na galing sa nakakaangat na pamilya. Ilang beses na siyang pinirata ng ibang law firm dahil nga subok na ang kakayahan niya sa field ngunit hindi siya pumapayag. Sabi pa ng iba, madali siyang makaintindi sa mga kaso ng mga mahihirap dahil nga galing siya mismo doon. A firsthand experience and it was hard to get where he is now but he always make sure he didn’t get it to his head, the achievements and such.
“I’ve always gone to the city for important matters. Saw how it changes. Glad that I chose to stay here.” Noah nodded at Shawn’s words and he knew Lirio agreed because he was silent now.
Dumating sila sa two-storey house ni Shawn na simple ang disenyo. Hindi ito agaw-atensiyon sa mga tao sapagkat katamtaman lang ang sakop na lupa. Almost a townhouse in size. Parang hindi mayor ang nakatira doon. Magkaiba man sila ng personalidad na tatlo, isang masungit, isang maloko at isang tahimik, pareho silang lahat na simple lang. Hindi mahahalatang may kagalang-galang na katungkulan dahil di mismo ipinangangalandakan. They clicked in highschool for they prefer hanging out somewhere in streets or simple places. Mga lugar na pang ‘masa’.
“Bumibisita ako rito pag may bakante ako. Nakatira din naman sa probinsiya si nanay kaya minsan doon ako,” banggit niya. It was no news for the two he’s in good terms with his mother’s family. It happened when he graduated Law. Wala man siyang nakuhang salita mula sa mga kaibigan niya ay ramdam niyang ayaw lang nitong may masabing masama sa pamilya niya.
Noah accepted already that his family would never be complete. It didn’t, at first. It was painful but still accepted it. Sa murang edad niya, malawak na ang pang-unawa niya tungkol doon. He was thankful he still had his family.
“How’s your sister?” Lirio asked, in a serious tone when they entered Shawn’s house. Noah immediately removed his shoes and his socks.
“She’s okay when I visited them last month,” pahapyaw niyang sagot dahil sa likod niyon ay isang malaking kaguluhan. Lirio just nodded, didn’t pry but maybe aware that he’s still fixing it. May isa rin siyang pinoproblema at isipin pa lang iyon ay sumasakit na ang ulo niya. He stayed in the sofa and stared at the big fan hanging in the ceiling of Shawn’s house.
They could smell the aroma of food from the kitchen. Baka nagluluto doon si Manang Filomena, ang kasama ni Shawn sa bahay na tumayo na ring second mother nito. Shawn’s mother was busy being the governor’s wife.
Pumainlanlang ang katahimikan sa kanilang tatlo, bagay na komportable sila. They’re adults now, their concerns was far from the petty concerns they had when they were teenagers. They relied on each other up until now. Lirio walked right through the kitchen. Mukhang may balak na istorbuhin si Manang Filo. Nanatili sila ni Shawn sa sala, parehong pagod.
“Narinig ko ang pagdawit ng pangalan mo sa radyo noong isang araw. The broadcaster is an attorney too, like you,” Shawn mentioned. Naimulat ni Shinoah ang kanyang mga mata.
“It was too political, I don’t want to meddle. Maraming depositors ang nagback-out dahil kay Attorney Melendez. Serves them right anyway. The least thing we could do is to let them know that deal with the case, not to leave the complainants hanging or it’ll get worse,” he clarified. Masakit iyon sa ulo niya dahil kinailangan pa niyang harapin iyon kasama si Attorney Melendez.
“That’s what powerful ones do to powerless people. Ignore them and think that it’s not a big problem to care. I have enough of those in the political scene. Came to a point where my life is at stake.” Hindi lingid sa kaalaman nila na nanganib ang buhay nito noon sa panahon ng election. Muntik pa siya mawalan ng pasensiya sa prisinto at mabuti na lamang ay napigilan siya ni Lirio na seryuso at nagpipigil rin ng galit noon.
“But you are still kicking in the political area. As much as I want to avoid political cases, napupunta pa rin ako sa mga kasong may kinalaman ang politika. Still have to be neutral when I’m in the City Hall or in the Capitol,” paglalahad ni Noah.
“My enemies always find ways to tarnish my name. But invalid, wala silang ebidensiya. Pathetic fools.”
Shawn released a sarcastic smirk and Noah just chuckled remembering a specific fool that dragged Shawn down a few years ago but earned public embarrassment for his baseless accusations.
Noah has ways to contact Attorney Melendez, concerning political and social issues, his best pal in the field. Advantage rito ang pagiging broadcaster kaya minsan nababanggit ang pangalan niya rito, acknowledgement and such. The broadcaster slash attorney is not biased and always sees the issues on both sides.
Noah and Shawn were catching up with their work problems and family when Lirio entered the living room, bringing a bowl of ginataang langka Manang Filomena cooked.
“Nakakagutom.” Napatingin si Lirio sa kanila. “Seryusong usapan na naman? Mas lalo kayong tatanda d’yan. When I am in the business meetings, pakiramdam ko kagaya ko rin silang tumatanda na kahit na ako ang isa sa mga pinakabata sa meetings. Even before. Chill out muna tayo, mga pare. Tamang-tama, masarap ‘tong niluto ni Manang. The best ka talaga, manang!”
Natawa na lamang ang matanda sa kanila at nagsabing, “Red rice ang sinaing ko mga anak. Ayos lang ba sa inyo? Puwede akong magsaing ulit ng ordinaryong kanin.”
“No need, Manang. Okay na kami sa red rice. Kumain na po ba kayo?” tanong ni Shawn rito at magiliw na umuo ang matanda. Naghatid muna ito ng iba pang pagkain sa center table doon at bumalik na sa kusina upang magligpit.
Noah and Lirio stayed there till night. Tuwang-tuwa ang mga taong panoorin si Lirio na makisabayan sa mga folk songs ng mga matatanda roon, much to others surprise.
Shawn and Noah were at the back, watching and talking about some random matters. Katatapos rin nilang dumalo sa kasiyahan sa mga bahay na inimbita si Shawn. Shawn blended in as if he was an ordinary person in the crowd instead of sporting his position as a mayor.
“Kumusta na siya?” tanong ni Shawn sa kanya at naintindihan na niya kaagad ang tinutukoy nito. Naging seryuso ang mga mata nito. They were both leaning on the fence. The night is still young, at 7 pm yet the people were still wide awake and enjoying the festivity.
“Still recovering. Too occupied to process.” Mismo siya ay nag-aalala na rin sa mga nangyayari at pending niyang inaasikaso ay nakakalimutan niyang konsultahin iyon. “It’s hard to deal with. All of the connections.”
Shawn grimly nodded. He understood how complicated the situation was. “Still not considering it?”
“Considering?” His forehead knotted and he almost chuckled when he understood Shawn’s implication. He shook his head, smiling while a face suddenly rushed into his mind.
“No,” he answered firmly.
* * *
Nagulat na lamang si Noah nang makita niya sina Shawn at Lirio sa grandstand. Araw ng Sabado at may klase pa rin silang evening shift. Uwian na ng mga oras na iyon.
Natatagpuan na lang ni Noah na kinukuyog siya ni Lirio kung saan at nakilala na niya si Shawn sa basketball game na nangyari sa batch nila. Hindi nga lang niya inaasahan na malapit na magkaibigan ang dalawa. Magkaiba kasi ang personalidad ng mga ito.
“Dadaanan mo lang ba kami?” sigaw ni Lirio mula sa taas, nakapuwesto ang mga ito sa blue grandstand.
Nanatiling tahimik si Noah at tumigil sa paglalakad, nakatingala sa mga ito mula sa baba. Nakasuot pa rin siya ng school uniform ngunit pinalitan na niya ng black shirt ang polo niya. Pawang nakasuot ang mga ito ng civilian clothes. Day shift ang mga ito kaya ang weekdays lang ang klase.
“Nandito kami dahil may kanya-kanya kaming group activities. Katatapos lang kay Lirio. Nag-uwian na ‘yung iba. Diretso ka na sa bahay n’yo pagkatapos?” pahayag ni Shawn nang makababa sa hagdan. Bahagya pa siyang natigilan sa pagiging direkta nito.
“Oo,” simpleng sagot niya. Sabay silang napalingon kay Lirio na nagpadulas sa bakal na hagdan. Nakaagaw iyon ng atensiyon sa mga tao na nagj-jogging sa oval. Walang kaso dito kung malaglag ito doon at ngingiti-ngiti pang tumalon papunta sa puwesto nila.
“Nakakabagot naman. Sama ka sa amin. May raket kami,” ngisi ni Lirio sabay akbay kay Noah. Nalilito na tuloy siya sa nangyayari.
“Raket? Anong raket sinasabi mo?” nalilitong tanong ni Shawn na sinenyasan lang ni Lirio na tumahimik.
“Raket sa isang bakeshop. Nagkasundo na kami ni Kuya Jan, yung suweldo niya sana ay ibabayad niya sa ‘yo. Napilayan ‘yun e at babantayan rin niya ang anak niya na sanggol pa. Sayang naman kung magre-resign siya. Ayos na rin ang may-ari sa set-up. Ano? payag ka?”
“Saan ba ang bakeshop?”tanong niya, interesado sa offer nito.
“Sa likod lang ng Vincent Hospital, Sagara. Evening shift ka naman kaya mong magtrabaho sa umaga. Ano, game ka?”
“Okay, sige.” Tamang-tama, patungo sila sa may parking lot kung saan bubungad sa kanila ang hospital at iilang hakbang lang ang layo ng bakeshop.
“Kain muna tayo,” singit ni Shawn na nauna nang naglakad sa kanila. “May alam akong kainan rito.”
Hindi lang nila inaasahan na papasok pa sila sa makipot na daanan bago makarating sa kainan na alam nito. Iyon pala may dahilan kung bakit doon sila kumain.
“Kumusta na ho si Gia?” tanong ni Shawn sa nag-serve sa kanila ng ulam at kanin.
“Sinong Gia?” bulong ni Shinoah kay Lirio at napangiwi lamang si Lirio.
“Maselan ang sitwasyon niya. Hindi na siya pumapasok magmula noong Nobyembre. Senior natin,” sagot ni Lirio at hindi na dinagdagan pa ang mga salita. Nagpatuloy lang ito sa pagnamnam sa sinigang na hipon na mainit-init pa.
* * *
Vacant time. Nakaupo sina Shawn at Lirio sa isang bench. Ang ibang mga estudyante ay pakalat-kalat lamang sa campus. Palibhasa malapit na ang Sinulog Festival at gagamitin ang rooms nila sa mga delegates bagay na wala silang klase kapag Sinulog Festival.
“I get it,” Shawn exclaimed randomly. “Sinadya mong ibigay ang trabaho na iyon kay Noah pagsamantala, malayo sa problema sa bahay nila.”
Pumalatak si Lirio at tinapik si Shawn sa balikat, ngingisi-ngisi. “Ang talino ko di ba?”
“Yeah, may silbi rin pala ang utak mo.” Naglaho tuloy ang ngisi ni Lirio doon. Seryuso pa rin ang mukha ni Shawn.
“Kaya sarap mong murahin minsan e,” he sighed. “Oo nga, tama ka. Mas ayos din ang sahod niya sa bakeshop kesa sa pinagtatrabahuan niya doon malapit sa lugar nila. Alam mo ba no’ng dinaanan ko ang hardware store na iyon, nasa gilid lang ng daan. Nakita kong sinesermunan siya ng madrasta niya. In front of other customers. Nabuwisit ako. Di na ako tumuloy na bisitahin si Noah. Swak na napakuwento si Kuya Jan at nakita kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya kaya ayon, pinlano ko.”
Dahil doon ay bahagyang napangiti si Shawn. Hindi naman naikuwento ni Noah kay Shawn ang tungkol sa sitwasyon ni Noah pero parang waterfalls ‘tong bibig ni Lirio kaya alam niya.
Kapag kawang-gawa, nagkakasundo sila ni Lirio gaano man ka-opposite personality nila. Isang masungit at seryuso. Isang palabiro at friendly. They came from a prominent family who prefers to be low profile. Isang beses na nagkasalubong sila sa isang event, anniversary ng isang hotel chain na imbitado ang mga pamilya nila. Himbis na makipag-usap sa mga ka-edad nila doon ay lumabas sila ng hotel upang tikman ang mga pagkain ng isang barbecue-han somewhere sa Fuente, in their suits.
“Maaga uwian natin ngayon. Gusto mong hapitin natin si Noah doon?” Lirio continued.
“Okay.”
* * *
When Noah heard Shawn’s and Lirio’s plans when they were in high school, a part of him still thanked them for all of the things they did for him. Things may change but not their friendship. They were brothers with different mothers. By choice.
The two of them were sleeping now. Napagdesisyunan nilang dalawa ni Lirio na doon na manatili muna sa gabi sa bahay ni Shawn. Sa umaga na sila babiyahe pabalik ng Cebu City.
Noah couldn’t sleep because his thoughts kept him awake so he decided to stay at the terrace. He could silence those thoughts and after seconds, he was staring into space.
Lumipad ang isip niya sa usapan na meron sila ni Lirio noong isang gabi. He was distracting Lirio because he had to, for he wants something to remain a secret. Only for himself at this moment.
* * *
Kabanata: Walo
Hi Daisy,
This is Raspberry, your bestfriend way back in highschool. If you’re wondering why I know your email, my cousin, Ian, your colleague informed me. That twat, he really courted you yet turned down. I guess, we were still on the same page when it comes to commitment. I just want to say hello to you. It’s been years since I haven’t met you after you chose to say goodbye to us subtly but I understand your sentiments because I am too. We deserved a break in our life and a closure to ourselves. Staying away from others to contemplate more and have peace of mind, nothing to remind us of the days when we felt like we were going nowhere.
How are you now? We parted ways but I do still care for your good and I hope you’re fine now, now that I knew from the last time that you’re recovering. I just want you to know that I’m planning to visit you. I am all alone and you knew that I also lost contact with our acquaintances before, in case you’re still not ready to face them. Expect me to come to your place next week and we will catch up for days!
Much love,
Raspberry L.
Hindi pa rin makapaniwala si Daisy na nicontact siya ng bestfriend niyang si Raspberry at maliit nga ang mundo dahil pinsan pala ito ni Ian. Baka naikuwento siya ni Ian kay Raspberry at napapailing na natatawa na lang siya ng lihim ng ikuwento pa nito ang pambabasted niya kay Ian. Hindi naman dinaramdam ni Ian iyon bagkus ganoon pa rin ang trato ng huli sa kanya. Mukhang di naman ito mababaw para magtampo nang matagal sa kanya.
Inayos niya ang mga test papers ng mga estudyante niya at nag-inat na matapos na i-record ang mga scores ng mga ito. Nakontento naman si Daisy sa resulta ng periodical test ng seniors.
Kanina pa ang uwian pero may mga estudyante pa rin sa labas, nakatambay at kung ano-ano ang pinaggagawa. Pawang galing sa isang payak na pamilya ang nag-aaral sa Singsing National High School kung saan siya nagtuturo sa asignaturang Araling Panlipunan at kung minsan nama’y Filipino.
Presko ang hangin sa probinsiya. Malamig sa mata ang mga berdeng lupain at kagubatan. Ang parteng iyon ng probinsiya ay sasadyain pa talaga at dadaan muna sa hilera ng mga puno’t niyog o maliit na mga kagubatan bago makarating roon. Hindi naman gaano kaliblib dahil unti-unti nang nasesemento ang ilang daan roon. Buong buhay ni Daisy, nakatira siya sa siyudad at hindi niya alam kung titira pa ba siya roon. Kaydami na niyang alaala roon kaya’t napangiti na lamang siya’t naglipit ng mga gamit.
Nang matapos ay nagpaalam na siya sa faculty members at nakangiting umalis roon. Dinaanan niya ang isang punong santol nang may mapagtanto siya sa bungad ng eskuwelahan.
“Oh my god.” Natutop niya ang kanyang bibig nang mamukhaan ang babaeng kausap ngayon ni Ian na nakatalikod sa kanya. Ikinurap-kurap ni Daisy ang kanyang mga mata upang makasiguradong hindi lang siya namamalik-mata. Katulad ng dati, maganda pa rin ito ngunit mas lalong tumingkad ang kagandahan nito. She’s a full-grown woman now, just like her.
Nang makalapit ay napasinghap si Daisy nang makompirma na talaga niyang ito si Raspberry. She’s wearing a floral dress and looked like she’s a part of that province. Nakangiting kinawayan siya nito nang makita siya at halata na sabik na sabik sa kanya sa kislap ng mga mata nito.
“Rasps!” Daisy gleefully approached her and hugged her in excitement. Halos magtalunan na sila sa saya nang makita ang isa’t-isa. “Grabe! Ang ganda-ganda mo ngayon! Akala ko talaga matatagalan ka pa sa pagpunta rito!”
“Why would I? I am too eager to see you. So, totoo ngang naging teacher ka talaga. I’m so happy for you.” Niyakap siya nito pabalik at tinapik siya sa likod. She couldn’t help but to chuckle and be proud of herself. Alam kasi nitong gusto niyang maging isang guro noong mga panahong akala niya ay wala siyang magagawang tama at angkop sa kakayahan niya o kung may kakayahan ba siya.
Sa sobrang tuwa ay bahagyang napaluha si Daisy at tatawa-tawang pinalis iyon. Mukhang ganoon din si Raspberry. “Nawala ka na lang bigla. Hindi na kita hinanap kasi alam kong you want space for your recovery,” nang-uunawang ngumiti ito sa kanya.
“Thank you for understanding me. Alam mo namang ayokong mag-alala ‘yung mga taong malapit sa puso ko. I knew you’re still there even if we didn’t contact each other.” They have been apart for years but they looked they haven’t. There are still closeness between. Halos hindi na sila magkahiwalay na dalawa.
“So, that’s a sweet and happy reunion!” Nangingiting napalingon silang dalawa kay Ian na malawak na ngayon ang ngiti at mukhang masaya para sa kanilang dalawa. “To celebrate it, I will treat you to Daphne’s Grills!”
Namilog ang mga mata ni Raspberry pagkarinig sa pangalan ng kainan. Daisy grinned at her and nodded. “Yes, it’s the same person. And their food is great! Hindi ka magsasawa. Sikat na sikat sila dito sa ‘min. Ano, sama ka?”
Daisy even held her hand to Raspberry. She happily accepted it and they walked, hand in hand, meeting the sun that was about to wave goodbye to them.
* * *
They were staring endlessly at the blue ocean in front of them and savored the warm salty breeze. Mahinang humahampas ang alon sa babang bahagi. Kapwa silang nakatayo sa ibaba, pinagmamasdan ang kumikislap na dagat.
“Ocean has been my refuge ever since. Kumakalma ako kapag pumupunta ako rito. Ang mga alon, ang asul na tubig, ang simoy ng hangin. Nakakagaan ng pakiramdam lalo na dito. Oo, may mga times na nami-miss ko ang siyudad. Ang city lights, ang ingay ng mga sasakyan, ang usok mula rito at ang mga lugar na dati kong pinupuntahan. The memorable ones.” Sumilay ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni Daisy, nakamasid pa rin sa payapang dagat. “Kaya nang ma-assign ako rito at nagkataong childhood town ito ni Papa. Lumipat na kami rito.”
“The city is changing. May nadagdagan at di ko namamalayan na may pagbabago na pala. I was too preoccupied. I quit the corporate world because it’s too hectic and sometimes suffocating. It’s good to know that you can breathe freely here.” Napabaling si Daisy kay Raspberry. “I was a bum for months. Pinag-iisipan ko ang next move ko.”
Alam ni Daisy ang parteng ayaw nito sa kinuha nitong kurso pero nagawa pa rin nitong tapusin kahit may delay. Kapwa silang may delay sa kolehiyo. They spent their gap years to contemplate on their priorities in life.
“It’s okay. Minsan talaga tatalikuran natin ang mga bagay na tingin natin wala na tayong growth. Kasi di ‘yon ang passion natin in the first place,” nang-uunawang sambit ni Daisy. “Iba talaga ano pag di masaya ang puso mo?”
“Tama ka nga. I applied in a non-government organization. A foundation to help underprivileged children in their education and needs. It’s not really an orphanage but we help them in different aspects like safety and security and to help them get away from abuses. Hindi sana ako tatanggapin bilang isa sa mga financial staffs nila pero sinabi kong gusto kong makatulong by all means, not just merely a financial staff. They accepted me and now I’m working in them. Masaya sa pakiramdam na may goal ka, na nakikita mo ang fruit of labor mo. Not just merely accepting my pay.” May ngiti sa mga labi ni Raspberry nang banggitin ang bago nitong trabaho.
“I know the feeling na ma-fulfill mo ‘yung goals mo. Yung mga estudyante kong nahihirapan sa kanila, sinusubukan kong tulungan. May iba pa ngang kapalit niyon ay binibigyan nila ako ng prutas, gulay mula sa sinaka nila. Wala namang kaso sa ‘kin na ma-delay yung suweldo dahil nakakaya pa rin naming kumain ng talbos ng kamote araw-araw. Wala akong pinagkakagastusan masyado. Yung suweldo ko e may bahagi niyon na para sa mga estudyante ko. Para ko na silang mga anak e,” paglalahad niya rito. “I guess, pareho na tayong tinutulungan ang mga bata. Teenager sa ‘kin. Sayo, mga kiddos.”
“Wala pa akong day-off nang magsimula ako kaya dalawang araw akong nagpaalam na mawawala,” bigay-paalam nito. Mabuti na lamang araw ng Sabado dahil masasamahan niya ito sa pagliwaliw sa probinsiya.
“Gusto mong magliwaliw tayo rito? Marami ka pang matutuklasan dito,” yaya niya rito at nagtungo sa may palengke kung saan sila dumaan kanina. “Saan ka nga pala nagst-stay?”
“Sa isang guesthouse malapit lang rito. Gusto mong dumaan muna tayo roon?” Sinabayan siya nito sa paglalakad at nang makapasok sila sa palengke ay may mga taong bumabati kay Daisy. Kilala siya ng mga ito dahil tumutulong siya sa munisipyo pag may outreach program.
“The people know you. Still the sunshine here huh?” nakangiting puna ni Raspberry. Pumara sila ng isang tricycle at sumakay roon.
Noon kasi, binansagan siyang Miss Sunshine dahil lagi siyang nakangiti at masaya pero ang totoo niyon, sa kabila ng lahat ay may nakakubling emosyon na ayaw niyang malaman ng mundo.
* * *
“Ako si Shinoah Sagara. Labing-anim na taong gulang. Galing ako sa Evening class. Nakatira sa Tiyo ko, kapatid ng Mama ko. Ang inaasahan ko sa mga kaklase ko ay sana maging mabuti ang trato nila sa ‘kin. ‘Yun lang po.”
Kulang na lang ay pasukan ng langaw ang bibig ni Daisy sa pagkanganga nang magpakilala si Shinoah sa harap ng mga kaklase nila. Natutop niya ang bibig niya at itinakip ang notebook niya sa kalahati ng mukha niya dahil baka nagtataka na ang mga classmates niya sa inaakto niya. Napabaling siya sa katabi niyang si Raspberry.
May mga subjects sila na sila ang magkatabi. Subukan mo ba naman paghiwalayin ang Luzano at Mako. Alphabetical kasi sila sa subject nilang Aral-Pan. Ang unang subject nila sa first day of class.
Matapos magpakilala ni Shinoah ay naupo na ito katabi ni Lirio na kaagad na tumayo. San Miguel at Sagara ang apelyido ng mga ito kaya bihirang paghiwalayin.
“Ako si Lirio San Miguel. Kaka-fifteen ko lang noong May. Nakatira ako sa mga magulang ko.” May ibang natawa sa hirit ni Lirio. Napangiwi na lamang si Daisy. “I am expecting that my classmates would help me in terms of my bad study habits. ‘Yun lang po.”
‘Kahit kailan talaga.’ bulong ni Daisy sa sarili. Sa gilid ng mga mata niya ay napansin niyang natigilan si Berry sa upuan nito. Buti na lamang di niya kaklase sina Kei at Jin na malamang ay ibubugaw siya kay Lirio na ngayon ay malapit na kay Eden Sofia.
Oras ng vacant time nila at nasa canteen na naman si Lirio, kumakain.
Abala sa pagbabasa si Raspberry ng libro nito at tinamad magbasa ng araw na ‘yon si Daisy kaya naisipan niyang istorbuhin si Lirio.
“Uy,” bungad niya rito. Kasalukuyang nginunguya nito ang kinakain nitong camote cue. Malakas talaga kumain ang lalaki at animo’y laging gutom.
In-acknowledge naman nito ang pag-upo niya sa konektadong upuan sa mesa.
Dumukwang siya sa mesa at eksaheradong siningkitan ito ng mga mata. “May tanong ako.” Nang hindi ito sumagot at tinaasan lang siya ng kilay habang kumakain ay napangisi siya.
“Maganda ba si Raspberry?” Sa sinabi niyang iyon ay inihit ito ng ubo at kaagad naman niyang iniumang rito ang baso ng tubig na tinanggap naman nito.
“Bakit tinatanong mo ‘yan? Parang di mo alam na ang mga mata ko ay na ‘kay Eden Sofia na,” katwiran nito.
“Maganda ba si Raspberry?” pag-uulit niya. May kung ano talagang kahulugan sa pagkagulat ni Raspberry kung makatingin ito kay Lirio sa ‘introduction’ kanina. Pumukaw iyon sa kuryusidad ni Daisy dahil sa nalaman niya ay wala namang koneksiyon ang dalawa. Not even friends.
“Oo na. Maganda siya. Di naman sinungaling mga mata ko. Ba’t mo tinatanong? Ikaw talaga, balak mo bang bugawin ang kaibigan mo?” Nangunot pa ang noo nito.
“Lirio.” Naglaho ang pilyang ngiti ni Daisy nang marinig ang boses na iyon sa likod niya.
Nanlaki pa ang mga mata niya nang lumingon siya ay nakita niyang nakakunot ang noong nakamasid sa kanila si Shinoah. Unti-unti siyang tumayo sa nerbiyos. Sandaling hindi siya mapakali kung anong gagawin.
“Alis na ako, Lir,” paalam niya kay Lirio na ikinapagtaka nito. Para siyang nakakita ng multong nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ni Raspberry na hindi na nagbabasa. Malamang magtataka ang dalawang lalaki kung bakit ganoon ang inakto niya.
“Anong nangyari? Para kang nakakita ng engkanto,” puna nito sa kanya, kalmado pa rin ang ekspresyon sa mukha. Nanghihinang napaupo siya, sa bench katabi nito.
“Para akong nag-marathon. Grabe, di ako makapaniwala. Ang liit talaga ng mundo,” sambit niya.
Hindi umimik si Raspberry.
* * *
Dalawang linggo nang nagsimula ang klase nila ngayong third year highschool na sila. Kapwa nasa plant circle nakaupo silang dalawa ni Berry, pinagitnaan nila ang tote bag na may lamang pre-loved books na binili nila noong nakaraang araw. Nagkasundo silang dalawa na salit-salitan na basahin iyon. Mabuti na lamang ay magaan lang ang mga assignments ngayong kakasimula pa lamang ng klase.
“Ikaw na lang magtago ng mga libro, Berry. Mahirap sa bahay namin kapag umuulan. Baka mabasa lang ang mga ‘to. Sayang naman. Okay lang sa ‘yo?” tanong niya kay Berry.
“Ayos naman sa bahay namin. May mga estante ako doon sa kuwarto,” sang-ayon ni Berry.
Nagkukuwentuhan silang dalawa sa mga librong pinili nila na pawang thriller, horror at mystery nang makarinig sila ng kung anong komosyon di-kalayuan.
Nakapaligid sina Lirio at Noah kay Shawn na may kasagutang estudyante na ka-batchmate nila base sa ID lace. Katabi lang ng mga ito ang bench kung saan nakatambay sina Lirio at Noah. Kung bakit biglang nandoon na si Shawn ay hindi alam ni Daisy.
“Napikon na naman ba ‘yung SSG treasurer natin? Sino na naman ba ‘yan?”
“Baka nga? ‘Di natin alam. Katakot magalit ni Guillermo.”
“Umiiwas nga ako sa kanya dahil dumidilim yata ang paligid pag andiyan siya.”
Nagtawanan ang mga estudyanteng nag-uusap sa kabila ng tensiyon ng tatlo. Napansin ni Daisy na naging mabalasik ang mukha ni Noah na siyang pumutol sa argumento ng dalawa. Nang magsimula na itong magsalita ay umatras at umalis ang naturang estudyante na kasagutan ni Shawn. Seryuso rin ang ekspresyon sa mukha ni Lirio.
“Sino ‘yan? Isa pang nakakatakot na nilalang?”
“Si San Miguel lang ata ang napadpad sa kanila.”
Usap-usapan ng mga estudyante. Nanatiling nakamasid si Daisy sa pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Noah. Seryuso na naging malamlam ang mga mata na tinapik sa balikat ang nakakunot-noo pa ring si Shawn. Naisip niya na makibalita kay Lirio mamaya, kung makakasabay niya ito sa uwian.
“An unlikely friendship,” komento ni Berry na nagkibit-balikat lang at balewalang binuklat ang libro na tinatapos nitong basahin.
“Sila na lang ata ang hindi maghihiwalay, Berry. Second year pa sila na magkasama lagi kahit na evening class ‘yang si Sagara.” Nahihiya pa si Daisy na gamitin ang first name nito kaya apelyido na lang lagi ang binibigkas niya.
“Nagkakasundo naman sila.” Berry’s eyes were still on the book’s pages.
“Sa tingin mo? Ang ingay-ingay kaya niyang si Lirio. Nataon pa siya sa suplado at tahimik. Buti natitiis nila ang kakulitan ni Lirio,” ani Daisy na namili ulit ng mga librong babasahin niya sa tote bag.
“Natitiis mo naman ang kakulitan niya, di ba?”
“Oo. Ikaw?” tanong niya. “Natitiis mo ang mga maiingay na tao?”
“Nakakarindi sila,” prangkang pahayag nito.
Natawa tuloy si Daisy dahil tila tumalas ang mga mata ni Berry. Napansin na niya na tuwing maingay ang klase ay nasa sulok ito at nakikinig ng music sa earphone nito na nakasaksak sa walkman. Katwiran pa ni Berry, kung maingay man, ay iyong may coordination at di masakit sa tainga gaya ng musika. Napapansin niya na napapakunot-noo ito tuwing makulit at maingay si Lirio lalo na pag may katakbuhan sa classroom. Mababakas ang iritasyon sa mukha ni Berry kapag nagtagal.
“Masasanay ka rin. Bagay rin naman ipares ang maingay at tahimik. May makikinig at may magsasalita. Sa kaso ko, natutuwa naman ako kay Lir, sadyang istorbo lang siya minsan sa pagbabasa ko.”
“Ayokong naiistorbo ako sa pagbabasa,” anito, kalmado pa rin.
“Mismo. Teka, ano ba dito ang uunahin ko? Itong horror o mystery?”
“Mamayang gabi ka na magbasa ng horror.” Seryuso pa ang mukha nito nang sabihin iyon.
“Horror talaga? Ito?” Itinaas niya ang libro na itim ang cover. “Ayoko nga. Babangungutin pa ako sa tulog ko.”
“Ang tanong, makakatulog ka ba?” Nginusuhan niya ito na bahagyang napangiti na lang sa suhestiyon nito. Trip lang ata nitong takutin siya.
“Alam mo, kapag ngumiti ka nang madalas, tiyak na maraming magkaka-crush sa ‘yo. Pag seryuso at kalmado mukha mo, lalo na pag nasalubong mga mata mo, daig pa nila ang nadaanan ng malamig na hangin.”
“Crush?” Napailing lang si Berry, naniningkit ang mga mata. “I don’t entertain those things.”
“Those things ka d’yan? Eh, nambasted ka kahapon ng harap-harapan sa library—” Napahawak ito sa braso niya para pigilan siya sa pagsasalita. Umalingawngaw tuloy ang halakhak ni Daisy pagkat natuwa siya sa reaksiyon ni Berry na nandidilat ang mga mata sa pagiging madaldal niya sa sandaling iyon. She even stepped backwards and waved the book in her hand. “Itsura mo oh! Alam mo, awang-awa ako d’on. Parang ano . . . tuta.”
“Hindi nakakatuwa, Daisy.” Naniningkit ang mga matang wika ni Berry ngunit patuloy pa rin siya sa pagtawa, nakatakip ang kamay sa bibig.
* * *
“Buwisit. Nagtatanong lang ako nang maayos. Sasagutin ako nang pabalang. Magsama sila ng lintik at hinayupak niyang Kuya na napakaduwag,” himutok ni Shawn, kumukuyom ang mga kamay. Inakbayan ito ni Lirio at niyugyog nang kaunti.
“Inhale. Exhale. Relax lang tayo. Tayo ang talo kapag nagpadala tayo sa init ng ulo. Yes, it was unfair for Gia but we can’t do anything about it. The least we can do is to check her out from time to time,” Lirio reminded Shawn which made him calm for a bit.
Maging si Noah ay nabadtrip sa kung paano sila sagutin ng kapatid ng Kuya’ng nanakit kay Gia. Ito pa ang may ganang magalit sa kanila. He threatened that guy to be careful with his words because it could be used against his brother, their family and that his older brother can be sued for neglecting his responsibilities. Sa takot nito sa kanya na masama na ang timpla ng mukha ay lumayo na ito bago pa magdilim ang paningin niya. That’s why Shawn almost couldn’t control his anger.
“Madali nilang takbuhan ang sitwasyon at sabihing wala silang kinalaman doon pero mahahatak sila mismo ng mga ebidensiya,” sabi ni Noah. “Tama si Lirio, sa ngayon, kailangan ni Gia ng suporta.”
“It was worse last year because she’s the talk of the town in their batch. A scandal for them,” ani Shawn.
“Hindi nila alam ang buong istorya.” Sukat sa sinabi niya ay nahagip ang mga mata niya sa tumatawang dalaga sa may plant circle. Iignorahin na sana iyon ni Noah kung hindi lang iyon si Daisy. Nakatakip ang kamay nito sa bibig nito sabay turo ng libro sa kaibigan nitong masama na ang tingin rito, na nakaupo lang sa plant circle.
“Nababaliw na naman po siya,” Lirio exclaimed and chuckled when he noticed too. “Ganyan lang talaga si Daisy. Mababaw lang kaligayahan.”
Nagulat na lamang sila na nasira ang librong hawak nito at natanggal ang cover. Ngunit tatawa-tawa pa rin nitong pinulot ang librong nasira. Ang kaibigan naman nito ay napapabuntong-hininga kay Daisy.
“Pagpasensiyahan n’yo na. Mukhang gutom lang siya. Yayain ko na lang kumain. Dito lang muna kayo.” Umalis na sa pagkakaupo si Lirio sa bench at tumakbo palapit kay Daisy na pinagsiklop na ang mga kamay sa harap ng kaibigan nito. Humihingi ng tawad? Sa aktong iyon naabutan ito ni Lirio na mahinang binatukan ng huli. Gumanti naman nang mahinang hampas si Daisy.
“Nakangiti tayo ah.” Nakalimutan ni Noah na nasa paligid lang si Shawn kaya naglaho ang di niya namalayang ngiti.
Kung sana’y may lakas na loob siyang lapitan si Daisy. Naupo na lang siya sa tabi ni Shawn na pansin niyang nakamasid sa kaibigan ni Daisy. Dumako ang mga mata roon ni Noah at nakita kung paano napasimangot ang kaibigan nito nang kuyugin ni Lirio sa canteen si Daisy.
“Selos?” Shawn chuckled when he said that.
“Ayaw niya kay Lirio,” Noah confirmed.
Tumawa lalo si Shawn.
“So tell me, bakit maganda ang ngiti natin kanina?” pang-asar nito. Parang trip niya itulak ito sa bench ngunit nanatiling kalmado ang mukha niya.
“Gutom lang ako. Tara, canteen. Sa kabila,” yaya na lang niya rito bago pa ito mag-usisa pa lalo.
* * *
Kabanata: Siyam
May program na ginaganap ang eskuwelahan nila at kasalukuyang nasa center building kung saan nandoon ang stage. Buwan ng Wika at pakalat-kalat lang ang mga estudyante lalo na ‘yung mga hindi kasali sa program. Nanalo ang ilan sa mga kaklase nila sa sabayang pagbigkas at kasali roon sina Daisy at Raspberry na siya ring gumawa ng tula para sa munting patimpalak. Ang iba naman ay nanood lang kung kaya’t pinagsamantala niya ang pagkakataong iyon na umupo sa upuan ni Daisy.
“Nagtataka na talaga ako sa ‘yo, Noah.” Humila ng upuan si Lirio at pabaliktad na umupo roon, nakaharap sa kanya. “Lagi ka na lang umuupo sa silya ni Daze pag wala siya. Ayaw mo siyang panoorin?”
Noong una, napapakunot-noo siya sa pagiging malapit nang dalawa tipong may nickname ang mga ito pero nang malaman niyang may pinopormahan si Lirio na girlfriend na nito ngayon ay may bahaging napanatag siya. Siya lang ata ang nagbibigay ng kahulugan sa hindi naman dapat.
“Nagkataon lang na upuan niya ‘to. Malapit kasi sa bintana,” katwiran na lamang niya at ipinatong ang paa niya sa isang bakanteng silya.
“Sus! Sa maniwala.” Wala talaga itong tiwala sa kanya pagdating kay Daisy. Wala naman siyang sinabi pero ang lakas ng pang-amoy nito.
Nandoon lang naman siya sa silya ni Daisy dahil nandoon pa rin ang amoy ng cologne nito pati polbo nito na halatang-halata dahil pinapaligo nito sa sarili nito, maliban sa mukha. Napapansin kasi niyang madaling pagpawisan si Daisy kaya siguro halos ubusin na nito ang polbo. Ang cologne nito amoy sunshine samantalang, parang sa ulan ang polbo. Pinaghalo kaya gustong-gusto niya ang amoy. At nuncang sasabihin niya iyon sa mga kaibigan niya. Kakantiyawan lang siya ng mga ito.
“Bakit andito kayong dalawa?” Napabaling tuloy sila kay Shawn na nasa bungad ng pinto ng classroom nila. Ito ang representative ng batch nila sa SSG at SSG treasurer na rin. Bossy ito at wala lang rito ang mga itinambak na trabaho ng SSG kahit hindi naman sakop ng position nito.
“Chilling. Ikaw? Bakit andito ka? Di ba dapat nasa center building ka? Kasama ka sa organizers, di ba?” paalala nito sa mocking voice nito. Seryuso lang ang hilatsa ng mukha ni Shawn. “Ano ba, masyado naman kayong seryuso. Canteen tayo.”
“Kilos na diyan. Pumunta na tayo sa center building. Di n’yo alam na may attendance? Kaya kayong dalawa lang ang narito,” sambit ni Shawn at bago pa man sila makahuma ay iniwan na sila roon.
Sabay tuloy silang napatayo mula sa kinauupuan at hinabol ito pagkarinig ng attendance.
“Oh? Ayaw n’yong mamarkahan ng absent?” nakangising sabi ni Shawn nang makahabol sila rito at bumaba ng hagdan.
“Hapit muna tayo ng canteen. Merienda lang sandali. Libre ko na kayo. Marami naman akong pera,” hirit ni Lirio at umakbay pa sa kanilang dalawa.
“Pera ng mga magulang mo kamo,” basag ni Shawn rito. “Yung sandali sa ‘yo, mga thirty minutes.”
“Ang sungit mo ngayon ah. Nahawaan ka ba ni Jenny?”
“Sinong Jenny?” Binaklas ni Shawn ang nakaakbay na braso ni Lirio rito nang tuluyan na silang makababa ng RSD Building. Tumungo lang ito sa center building habang siya’y nagpahila kay Lirio sa canteen. Gutom na naman ang mga alaga nito.
“Kunyari di pa niya kilala,” nakangusong banggit ni Lirio habang pumipila sila para bumili ng pagkain. Si Jenny ang transferee na galing sa rival school nila na private. Magkagalit ang dalawa, parehong ayaw magpaawat sa argumento.
Kumakain sila ng turon nang magsalita si Lirio. “Tinanggap mo na ba ang alok ni Daddy?”
Nabitin sa ere ang pagkagat niya sa turon sa tanong nito. “Alam mo?”
Kibit-balikat na ipinatong nito ang siko nito sa mesa. “Na inalok ka niya ng trabahong bantayan ako? Oo naman. Narinig ko kayo sa garden no’ng napadaan ako. I’m not angry about it but it’s for your own good right as long ‘wag mo ‘kong ilaglag masyado kay Dad. Tirhan mo naman ako ng dignidad.”
Kumunot lang ang noo niya sa dignidad na sinabi nito. “Hindi pa ako pumayag,” sabi na lamang niya.
“Ano? Makakatulong yung suweldo sa ‘yo. Teka, ayaw mo naman bang magka-utang na loob? Trabaho ‘yon, Noah. May kapalit yung pagbabantay mo sa ‘kin,” giit nito at uminom ng orange juice nito.
Ewan niya kung paano niya natitiis ang kadaldalan nito. Siguro, dahil alam nito ang sitwasyon ng pamilya niya.
“Pag-iisipan ko pa.” Ang totoo, nagulat siya sa offer ng ama nito na hindi niya aakalaing aatasan siya ng trabahong iyon. Para bang tiwalang-tiwala ito sa kanya pagdating sa pasaway nitong anak.
“Tanggapin mo na basta tulungan mo ako sa pagkukulang ko sa school.” Napangiwi na lamang siya sa sinabi nito. Mukhang maiipit pa yata ang loyalty niya.
“Baka di natin maabutan ang program. Bilisan mo d’yan,” aniya rito at tumayo na pagkatapos maubos ang kanyang turon. Pangatlong turon na ang nakain nito at lumubo na ang pisngi nito dahil doon.
Nauna na siyang lumabas ng canteen at tumungo sa center building. Buti naabutan nila ang sabayang pagbigkas nina Daisy. Nakasuot ito ng puti at dilaw na katutubong damit na bagay naman rito at katabi nito si Raspberry habang nagre-recite ng tula na ginawa ng mga ito.
“Cute ni Daze, ano?” Nginisihan pa siya ng loko at tinapik-tapik ang balikat niya. Hindi na lang siya umimik at itinutok ang mga mata sa stage. “Alam mo, napakabait ng babaeng ‘yan. Kaya kang sakyan sa mga trip mo sa buhay. Hindi ko pa siya nakikitang magalit at malabo atang mangyari iyon.”
“Maganda ‘yung katabi niya. Di ba sinabi mong maganda siya?” pag-iiba niya ng usapan rito, nangingiti na dahil napasimangot ito. Akala siguro nito ay uupo lang siya at hayaan itong tuksuhin siya kay Daisy kaya inasar na rin niya ito sa kaibigan ni Daisy na si Raspberry.
“Bakit ba ipagduldulan n’yo sa ‘kin si Berry? Utang na loob naman, may girlfriend ako.” Luminga-linga pa ito. Kaya lang naman nila inaasar si Lirio sa kaibigan ni Daisy dahil alam nilang ayaw ng babae kay Lirio. “Mamaya, marinig niya at magselos na naman ‘yon.”
Kung tatanggapin niya ang alok ng ama nito, tiyak na ibubuking niyang may lovelife na ito pero ayaw rin naman niyang magalit sa kanya si Lirio at magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.
Tiningnan niya ang nakangiting si Daisy sa gilid ng stage pagkatapos ng performance. Kausap nito si Berry na nakangiti na rin. Kontento na siyang nakamasid rito sa malayo. Hindi pa sila gaanong nag-uusap at natuturete siya pag nasa malapit lang ito.
* * *
Puwede namang simpleng salo-salo ang gagawin nila bilang despedida party daw niya. Lilipat na si Daisy at ng pamilya niya sa probinsiya na ikinalungkot nina Alex at Cali, mga kaibigan niya matapos niyang tumigil sa pagkokolehiyo at piniling pumasok sa isang training center. At magtrabaho sa isang Cafe.
“Nag-abala pa kayo,” nakangiting sambit ni Daisy nang makapasok sila sa isang karaoke room. Tila sumasayaw ang iba’t ibang kulay ng ilaw roon na nagsilbing tanglaw sa loob. Hawak na ni Cali ang remote control samantalang naupo naman agad sa sofa si Alex. Babae si Alex, magkaedad silang dalawa at kilala na niya dahil naging schoolmate niya ito noong highschool at classmate noong elementary.
“Last bonding na rin naman natin ‘tong tatlo dahil lilipat ka na sa Balamban. Si Cali, balik-kolehiyo. Ako naman, luluwas ng Japan para mag-Japayuki.” Binuntunan lang nito ng tawa ang huling sinabi nito. Baliw talaga na ikinangiti na lang ni Daisy. Si Cali na ang namili ng mga kanta. Ito na muna daw ang bibirit.
“Puwede ka namang manatili muna dito sa siyudad e,” hirit ni Cali sabay enter sa isang kanta na uso pa noong panahon ng 90s, ang generation nila.
“Naku, third wheel lang talaga ako rito e,” hirit ni Alex at humiga pa talaga sa sofa. Di na bago sa kanilang dalawa ni Cali ang mga ganoong hirit sa mga kasama nila. Kalauna’y nasanay na sila at di na naasar dahil hindi naman totoo. Gusto lang sila nitong asarin. Cali and Daisy treat each other as siblings. Sa katunayan ay tinuring na si Cali na adopted son daw ng kanyang ina. Bagay na feel na feel naman ng binata.
Habang nagkakatuwaan ang tatlo sa pangatlong karaoke room ay sa dulo ng karaoke establishment na iyon ay nandoon ang kilalang trio ng ANS noon.
Walang kamalay-malay sina Daisy at Noah na nasa iisang establishment lang silang dalawa.
Nagkakangiwian silang dalawa ni Noah at Lirio nang kumanta si Shawn. Matalino naman si Shawn. May hitsura. Consistent dean’s lister. Responsible at may magaling na leadership skills. Ngunit hindi ito biniyayaan sa singing department.
Kinakanta nito ang kanta ng Eraserheads na paborito nitong banda. Bumulong si Lirio kay Noah na ngayo’y uminom lang ng beer na nasa aluminum can. Mag-iisang oras na rin sila roon at nagpa-extend silang tatlo. Naboboryo na kasi sila sa kolehiyo kaya iyon na ang paraan nila para guminhawa ng konti ang pakiramdam.
“Pustahan tayo, pag nalaman ng magiging girlfriend yan na sintunado yan. Bigla yang hihiwalayan.” Natawa pa si Lirio at may kumawalang tunog roon na animo’y baboy lang. Dahil doon natawa na rin Noah. Sinamaan tuloy sila ng tingin ni Shawn.
“Humanda kayo ng dalawa sa ‘kin pag ikinalat ninyo na ganito boses ko,” pagsusungit sa kanila ni Shawn sabay bigay ng microphone kay Lirio na siyang kakanta na sa puntong iyon.
“Good luck na lang sa future girlfriend mo. Wag sana siyang mabingi sa ‘yo.” Pasimpleng tinadyakan ni Shawn ang binti ni Lirio na tatawa-tawang lumayo lang.
Ang kinanta naman ni Lirio ang ang classic na Let It Be ng Beatles. Parang nag transport sa panahon ng 60s sa song choices niya at ni Lirio.
“Badtrip ako sa isang prof namin na bakla. Gusto atang mag one-on-one kaming dalawa.” Nandidiri ang ekspresyon ni Shawn. “Di pa naman ako baliw kung papatulan ko kung ano man ang alok niya sa ‘kin.”
Bahagyang napangiti si Noah nang maalala ang pagka-aburido nito sa prof na bukod-tanging binigyan ito ng 2 kahit maayos naman ang class performance nito. Magkaklase silang dalawa sa subject na iyon. Pareho din sila na Political Science samantalang Business Management naman kay Lirio.
“Malapit na rin naman ang Finals. Kakausapin ko, baka pagbigyan na ang 1. Nagpapakipot lang ‘yon.”
“Bakit hindi na lang ikaw ang natipuhan niya? Mas malakas naman ang dating mo sa ‘kin.” Iyon ang sabi ng ilan. Gawa na rin kasi ng hilatsa ng mukha niya nitong mga nakaraang araw. Mas mukha rin siyang masungit na tipo daw ng mga babae at wala siyang pakialam roon.
“Nah. Ikaw lang itong habulin ng mga bakla.” Napangiwi lang ito sa sinabi niya. Nag-smirk lang siya’t kumuha ng pulutan nila na mani na nakalagay sa mababang table sa gitna.
Maganda ang boses ni Lirio kaya walang reklamo sa kanila ni Shawn. Siya naman ang sumunod na kumanta. Complicated Heart ng Michael Learns to Rock ang pinili niya.
“Na naman? Naririndi na nga mga tainga ko dahil lagi ka na lang kumakanta niyan kahit na nasa gitna tayo ng klase,” reklamo ni Lirio nang ibigay nito sa kanya ang mic.
“Walang basagan ng trip.” Tinapik lang niya ang balikat nito’t tumayo na upang kumanta.
Makalipas ang ilang minuto at tapos na siyang kumanta. At naalala na naman niya si Daisy ay naubos na rin ang beer nila. Si Shawn na ang nag-utos sa kanyang mag-order ulit ng drinks. This time, isang bote naman ng beer at dagdagan na rin ang pulutan nila. Natakam siya sa sisig sa menu kaya iyon na ang oorderin niya.
Lumabas si Noah. Sa puntong ito, wala siyang ideya na madadaanan niya ang karaoke room kung saan nandoon si Daisy kasama ang mga kaibigan nito na sina Cali at Alex.
Panay ang tawanan nina Daisy at Alex nang gumiling-giling si Cali sa tugtog ng isang disco song. Makikita ang isang music video sa malaking screen.
Tumungo sa counter si Noah upang bumili ng ni-request ni Shawn. Ito naman ang magbabayad kaya dinagdagan na lang niya ng junk food para sa kanila. Isang crew ang nagdala ng pulutan nila sa tray. Si Noah naman ang bumitbit sa isang bote ng beer.
Sa pagkakataong iyon ay nadaanan niya ang karaoke room ni Daisy sa puntong ito na ang kumanta. Pagkat nakasirado ang pinto roon ay hindi naman soundproof ang kuwarto kung kaya’t naririnig pa rin niya ang kumakanta sa loob. Biglang kinabahan si Noah nang marinig ang boses ng babaeng kumakanta roon.
“I always remember, it was late afternoon. And it lasted forever and ended so soon.”
Natigilan siya. Naalala ang mukha ng dalaga. Ang cute nitong mukha, ang ngiti nito sa kanya at ang masayang pagkaway nito habang nakalubog ang mga paa nito sa low tide na karagatan. Tila isa itong anghel ng mga oras na iyon gawa ng sikat na araw na tumama rito. It’s a scene from the past that brought warmth to him.
Bumalik lang siya sa kasalukuyan nang makita siya ni Lirio. Nakasingit ang ulo nito at itinuro ang loob ng karaoke room na inupahan nila sabay napangiwi. Tinutukoy nito ang makabag-damdaming kanta ni Shawn kaya natawa na lamang si Noah at binilisan ang paglalakad tungo sa dulo ng hallway na iyon.
Sa kabilang banda, biglang kinabahan si Daisy pagkatapos niyang kumanta ng Cry. Naalala na naman niya si Noah. Ang nakasimangot nitong mukha at seryuso nitong mga mata habang nile-lecturan ang grupo nito sa English. Mababakas ang determinasyon sa mga mata ng binata noon.
Naipilig niya ang ulo at itinuloy ang paglapakpak kay Alex na siya ngayong kakanta ng kanta ng Carpenters.
Ang grupo nina Shawn ang unang lumabas sa gusaling iyon. Medyo tipsy at nagpahinga muna sa gilid ng kalsada.
“Mabuti na lang wala akong klase sa umaga,” ani Lirio na hinihilot ang balikat nito.
“Maaga ako bukas,” ani Shawn. Tahimik lang si Noah, nakakunot ang noo nang maalala ang boses kanina sa karaoke room. Baka naghahallucinate na naman siya. Napabuntong-hininga si Shawn. “Good luck sa Finals ninyo, mga pre.”
“Makakapagtapos rin tayo ng pag-aaral. Woo!” Itinaas pa ni Lirio ang mga kamay nito sabay tayo na rin. Medyo nahihilo na rin si Lirio kaya napakapit siya sa balikat ni Noah. Pinagigitnaan nilang dalawa si Lirio.
“Yeah right,” sang-ayon ni Shawn. Si Noah ang huling tumayo. “Ano, kanya-kanya na ng uwi?”
Sabay na tumango sina Lirio at Noah. Sa eksenang iyon ay lumabas na ng karaoke establishment sina Daisy, Cali at Alex.
“In fairness, nabawasan ang stress ko,” ani Alex at itinaas ang mga kamay. Nakatingala si Daisy sa madilim na kalangitan. Gabi na pala.
Nag-bump ng kamao si Cali kay Alex. Boyish si Alex at opposite man sila ni Daisy ng personality ay nagkakasundo pa rin naman sila. “Bumisita ka rito, Daisy. Wag mo kaming kalimutan.”
“Samahan n’yo ko papuntang airport,” hirit naman ni Alex. Panay ang tawanan nila nang mapansin ni Daisy ang isang papalayong pigura. Pamilyar iyon sa kanya.
Nagpaalam na siya sa dalawa na iba ang direksiyon pauwi. Nang lumingon siya sa gawi ng papalayong bulto ay wala na ito.
Si Noah iyon na nakasakay na ng jeep. Madadaanan ng sinakyan niyang jeep ang naglalakad na Daisy. Hindi niya mapapansin sapagkat nakatalikod siya rito at nasa harap lang ang mga mata ni Noah.
Kahit gabi na, hindi naman natakot si Daisy na maglakad lang. Ginagawa niya iyon kapag itong marami siyang iniisip. May university naman sa probinsiya nila kaya puwede siyang mag-aral ulit ayon na rin sa kanyang ina na desidido siyang ibalik sa kolehiyo.
Napabuntong-hininga si Daisy. Lilisan na siya sa siyudad na iyon.
Sapat na kaya iyon para kalimutan niya ang mga alaala doon? The new place will make her temporarily forget the place she used to live. That way, hindi rin niya maalala masyado ang mga karanasang nasaktan siya.
Ibinulong na lang niya sa mga tala na sana’y magiging maayos ang lahat.
* * *
“Sige na, ilakad mo naman ako kay Noah.” Bahagyang natigilan si Noah nang marinig ang boses na iyon. Katrabaho niya yata.
“Babae ka uy, hintayin mong alukin ka ng date at bakit si Noah? Parang di naman ‘yun nagsasalita,” ani Aaron na katrabaho niya rin doon sa fastfood chain. Sandali siyang nagtagal sa banyo ng mga employee.
“Wala ba siyang experience sa mga girls? Baka puputi na ang uwak bago pa ‘yon kumilos. Maganda naman ako at matalino. Oo, mas matalino si Noah. ‘Yun ang nagustuhan ko sa kanya at di niya ‘yun ipinagmamayabang saka masipag siya. Gusto ko yung lalaking may direksiyon sa buhay. Hindi iyong tambay lang.” Hindi alam ni Noah kung sasaya sa sinabi ng babae. Gusto niyang tumawa nang mapakla. Kung alam lang nitong minsan sa buhay niya ay nawalan siya ng direksiyon.
Napabuntong-hininga na lamang siya at napailing. Kung ibang lalaki ang makakarinig na may gusto ang babae sa kanila, tiyak na lolobo ang atay ng mga ito sa sinabi ng babae pero iba sa kanya. Di naman ‘yon umeepekto. Kung kanino man, e malamang, ‘yung babaeng kapangalan ng bulaklak noong highschool sila pero malabo na ‘yon.
“Seryusong tao si Noah. Sigurado ka bang makakayanan ng utak mo ‘yan?” Aaron said in a mock tone.
Di na nakatiis si Noah at pabagsak na binuksan ang pinto na ikinapitlag ng dalawa na ngayo’y naglalagay ng seasonings sa manok. Natutop ng babae ang bibig nito na si Klarissa pala, nagulat na nasa loob pala siya ng banyo. Ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Magmo-mop lang muna ako ng sahig,” balewalang sambit niya na hindi apektado sa narinig. Nilayasan niya ang mga ito at tumungo sa kung saan nakalagay ang mop. Katatapos lang ng lunch time kaya kakaunti na lang ang nasa loob ng fastfood kung kaya’t hindi siya nahirapan sa paglilinis.
Wala na siyang pakialam sa mga ganoong bagay. Napabuntong-hininga na lamang siya at napakamot sa batok niya’t tumingin sa dumadaang sasakyan sa kalsada.
* * *
Kabanata: Sampu
Bukas pa siya uuwi sa Balamban at doon muna siya mananatili sa Berntsen’s Residence na tahimik na ngayon. Tahanan niya tuwing bakasyon at gusto niyang mapag-iwanan imbes na sumunod sa probinsya sa Mindanao at sa mga pagkakataong gusto niyang magpalamig muna ng ulo. Naupo siya sa mahabang sofa at niyakap ang isang unan na nakapuwesto roon. Nakahilera sa built-in shelves ang mga librong pagmamay-ari ng kanyang Tita na nanatili na lang doon sa kagustuhan na rin ni Kuya Jerome, ang pinsan niya.
Ang daming alaalang nakapaloob sa bahay at kung afford niya ang hotel sa sa isang linggo ay tiyak na magche-check in siya ngunit hindi niya ginawa. Himbis na maglibot sa village ay nasa loob lang siya ng bahay. Baka kasi may makasalubong siya at hindi pa siya handa roon kung sakali. She didn’t know how to handle it especially when her emotions took over.
Mahina siyang napabuntong-hininga at nilapitan ang built-in shelves sa pader. Nakaangat iyon at madali lang maabot. Naglandas ang mga daliri niya sa spine ng mga libro doon. Halos pareho lag sila ng book choices ng Tita Emerald niya at napangiti na lang siya nang maalalang isa sa mga dahilan niya kung bakit bumibisita siya roon ay dahil may instant library si Tita Emerald.
May nahagip ang mga mata niya. Maliit na libro at nakasingit lang sa pagitan ng dalawang makakapal na libro. Kinuha muna niya ang isang makapal na libro bago kunin ang maliit na libro saka binalik sa estante ang makapal.
“Bakit nandito ito? Hindi ko nasauli?” pagtataka niya na bakas ang sorpresa sa mukha.
Bumalik siyang muli sa sofa at pinakli ang mga pahina ng libro. Natutop niya ang bibig niya nang makitang may nakaipit roon. Isang tinuping papel na manilaw-nilaw na sa luma.
Art of War by Sun Tzu.
Acting with integrity is a rich resource for warriors. Trust is a distinguished reward for warriors. Those who despise violence are warriors fit to work for kings.
Napatitig na lamang siya sa may-ari ng sulat-kamay na iyon.
* * *
Alas dose pasado na at hindi na siya nakaabot sa oras ng afternoon session. May biglaang aberya sa bahay nila kanina kaya matagal siyang nakapunta sa eskuwelahan. Nang maalala ang naiwan niyang alalahanin sa bahay ay hindi niya maiwasang mapasimangot.
Oras na ng klase at wala ng estudyanteng nagpakalat-kalat sa labas ng classrooms. Mukhang bukod-tangi lang siyang nakatambay sa karinderya ni Aling Toni. Isang maliit na karinderya sa loob ng campus at nasa gilid lang ng TLE Girls. Ito ang unang beses na hindi siya pumasok sa klase niya at buti na lamang ay wala siyang nakuhang reklamo kay Aling Toni na tahimik lang na nagluluto. Halata ba talaga sa mukha niya ang distress? Ayaw din naman niyang manatili nang matagal sa bahay dahil mas lalo siyang mag-iisip sanhi na lalo pang sasakit ang kanyang ulo.
Kinuha na lang niya ang librong binili niya sa isang mumurahing bookstore mula sa bag niya. Dumako ang mga mata niya sa guhit ng kanyang braso. Namumula iyon at mahapdi. Mula sa kaguluhan kanina.
“Mako?” Napapitlag siya nang may tumawag sa pangalan niya. Kilala niya ang boses. Nang lingunin niya ito ay ganoon na lamang ang gulat niya nang makompirmang si Noah ito. Gaya niya ay mukhang hindi rin pumasok sa afternoon session nila sa RSD. Nagulat rin ito nang makita siya doon.
“Sagara?” maang niya.
“Nag-cut ka?”
“Ikaw rin?”
“Teka, kararating ko lang dito.” Bumakas ang kalituhan sa mga mata nito at naupo sa katabing stool. Pinuwesto nito ang bag katabi sa bag niya at iyon ang naghihiwalay sa kanilang dalawa sa naka-extend na kahoy na nagmistulang mesa na nilang kumakain doon.
Pumatlang ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa at si Daisy ang nakabawi, natatawa sa nadiskubreng sitwasyon nila. Pareho lang silang ngayong hapon na nakarating sa klase at himbis na dumiretso sa RSD ay tumambay lang sa karinderya ni Aling Toni.
“Kayong dalawa. Mga pasaway talaga, nagplano ba kayo na hindi papasok ha at sabay na kakain rito?”
“Ho?” maang nilang dalawa. Mas malakas ang boses ni Daisy na nagulat talaga sa sinabi ng ale kaya natawa na lang tuloy ito sa kanilang dalawa.
“Hindi ho.” Si Noah ang unang nakabawi.
“Classmates kayo?”
“Opo, Aling Toni.” Siya na ang sumagot at napansin niya ang makahulugang ngiti nito ngunit pahapyaw lang kasi tumalikod na ito at inaasikaso ang niluluto nitong sopas.
“Pabili na lang po ng sopas, Aling Toni. Sa mangkok na lang po ilagay. Ikaw, Mako?” baling nito sa kanya at ewan niya kung bakit hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito.
“Isa rin po, Aling Toni. May patis po?” Um-oo lang ang ale at napangiti na lang si Daisy nang magsabi ito na isa siya sa mga estudyante na ang hilig maglagay ng patis sa sopas.
Nanatili lang silang tahimik ni Noah habang hinahanda pa ni Aling Toni ang sopas. Nagkasya na lang si Daisy sa pagtingin sa mga halaman na nasa paso. Ang mga halaman ay nasa loob lang ng karinderya na mistulang mga dekorasyon doon. Kahit nandoon ang atensiyon niya ay aware siya sa presensiya ni Noah sa tabi niya na hindi na niya nililingon. Marahil nahihiya siya sa kaalamang nahuli siya nitong masasabi na ring nag-cut ng klase pero patas lang naman silang dalawa. Kung ano ang dahilan nito kung bakit hindi ito pumasok ay wala siyang ideya. Sa parte naman niya, wala siyang gana pumasok at baka wala rin ang utak niya sa klase dahil magulo ang estado niyon sa ngayon.
Nang ibaling niya ang tingin kay Noah ay nagkagulatan na naman silang dalawa. Siya, nahuli itong nakatingin sa kanya. Ito na nahuli sa ginawa nito. Ngunit hindi iyon ang pinagtuunan ng pansin ni Daisy, kundi ang nakita niyang pasa sa gilid ng panga nito. It was not obvious at first because the shadows from the leaves hid it.
“Anong nangyari d’yan?” Tinamaan siya ng hiya nang mapansin niyang nakalapit na pala ang mukha niya sa mukha nito. Naiyuko tuloy niya ang ulo niya nang bahagya.
“Wala ‘to.” Sa pagkakataong iyon ay inilapag na ni Aling Toni ang dalawang mangkok na may umuusok na sopas ang mesa. Si Noah ang nag-alis ng bag nito at itinabi sa kaliwa nito maging siya man ay itinabi ang bag sa kanan niya. Ito ang nag-abot ng kutsara nilang dalawa maging ang lagayan ng patis. Nagpasalamat siya matapos tanggapin ang mga inabot nito at nagulat siya nang hawakan nito ang braso niyang may sugat. Nangunot ang noo nito.
“Bakit hindi ito nagamot?”
“May pasa ka rin naman. At saka wala lang ito ano. Alam mo ‘yung pagkakataon na hindi mo alam na nasugatan ka na pala? Ito ang nangyari,” katwiran pa niya ngunit may katotohanang itinago niya mula rito at tiningnan lang siya nito na parang binabasa ang mukha niya.
Ang sagot niya ay kagaya lang naman sa sagot nito noong una. Duda siyang may nangyari rito ngunit ayaw lang nitong ikuwento at hinayaan na lamang niya sapagkat pareho lang naman silang dalawa. Hindi na umimik si Noah at ibinaling ang atensiyon sa sopas. Ganoon din siya.
Tila ba nagkaroon sila ng mundo na sila lang ang nakakaalam. Ang tahimik na karinderya at pagpapahinga na ngayon ni Aling Toni sa upuan nito, nakapikit. Ang paglilim ng mga dahon sa kanilang dalawa mula sa isang nakatirik na puno di-kalayuan.Ang tahimik nilang pagnamnam sa mainit na sopas. Maaliwalas rin ang panahon, di gaanong mainit, di gaanong malamig. Tama lang.
May ideya man sila sa isa’t isa kung bakit sila nandoon ay sinarili na lamang nilang dalawa. Komportable na sa ganoon kasimpleng eksena ang meron sila. Walang balak mag-ungkat kung bakit mas pinili nilang tumambay roon imbes na pumasok sa klase.
“Nakita kita noong isang araw. Namamaga ang mga mata mo. Umiyak ka ba?” Muntik pa siyang masamid nang basagin nito ang katahimikan. Inalala niya ang araw na napaiyak siya at natawa.
“Naku, ang babaw nga e. Dahil lang iyon sa binasa ko ano. Ang lungkot ng ending e. Hindi ko matanggap na ganoon ang nangyari. Malungkot. Masakit lang isipin na sa namuong koneksiyon sa mga characters ay magtatapos na lang. Children’s book na nadiskubre ko lang sa library.” Ang totoo, hindi naman talaga ang kuwento ang iniyakan niya kung hindi ang realisasyong nakapaloob sa kuwento.
“Nangyayari rin naman ‘yan sa totoong buhay,” anito at na-curious yata sa lasa ng sopas ni Daisy na may patis kaya nilagyan na rin ng binata ang sopas nito. Lihim na napangiti si Daisy. Ang cute lang kasi tingnan nito.
“Pero kahit na, ang unfair lang na ganoon nga. Wala na rin bang karapatan ang taong sumaya? Ewan, kapag naalala ko ang huling bahagi ng kuwento, nalulungkot ako kahit na ang babaw minsan na magsentimyento sa libro.”
Marahan itong natawa sa pagsentimyento niya. “Kaya nga may tag-ulan at tag-araw dahil hindi sa lahat ng oras ay naambunan ang tao ng init. Ang importante, sa likod ng kalungkutan ay nandoon pa rin ang halaga ng samahan nila, di ba?”
“Hindi mo naman binasa iyon e bakit parang alam mo ata?” takang tanong ni Daisy. “Masakit lang kasi isipin na nasasalamin rin sa totoong buhay ang mga nangyari sa librong binasa ko. Naisip ko, kung ako ang nasa posisyon ng character, tiyak na magdadalamhati rin ako sa panahong kasama ko ang tao at mahalaga sa ‘kin. Tapos mawawala pala ng habang-buhay.”
“It’s like crossing fiction to reality. May mga eksena mang malabong mangyari sa totoong buhay ay may makukuha pa rin ang isang reader sa libro. Iba-iba ang perception ng tao doon,” wika nito’t may kinuha mula sa bag nito. Isang libro at nang makita niya ang title ay nagtaka siya. Napansin ni Noah ang judging expression ni Daisy kaya napangiti na lamang ang binata.
“Art of War. Luma na ang librong ito. Naiwan lang ng isang customer sa hardware. Itinago ko muna hanggang sa hindi na nga binalikan ng may-ari. Sayang naman kung itatapon lang kaya inako ko na lang. Binasa ko. Ipahihiram ko sa ‘yo.” Inilahad nito sa kanya ang libro. “Masasalamin sa totoong buhay ang mga nakasulat. Hindi lang sa giyera.”
Maingat na tinanggap niya ang libro dahil baka mapunit niya ang cover niyon. Sun Tzu ang nakapangalang author ng libro.
“Hindi ‘yan novel,” dugtong nito. “Pansin kong mahilig sa mga kuwento pero hindi ‘yan.”
Ang pagkakaiba nilang dalawa. Reader man ito ay mga libro namang pawang non-fiction at informative books. Kaibahan sa mga book choices niya.
“Teka.” Binuksan niya ang bag niya at hinanap roon ang isang librong nabili niya at tapos na rin niyang basahin. Librong pinili niya noong naghahanap sila ng libro ni Raspberry sa isang bookstore na maraming pre-loved books. Inilapag niya ang libro sa mahabang mesa sa harap nilang dalawa. “Heto. Children’s book ulit. Fairytale at sa tingin ko e alam mo na ang tungkol sa fairytale na ‘yan.”
Napatingin ito sa libro. “Alice in Wonderland?”
“Pero kapag di mo nagustuhan. Puwede mo namang ibalik sa akin.” Saka lang niya napansin na lumalamig na ang sopas na kinakain nila dahil sa pag-uusap nilang ito.
“Okay lang.” May maliit na ngiti sa mga labi nito nang tanggapin ang libro at inilagay sa bag nito.
“Uhm, nabanggit mo ang hardware kanina. Anong meron doon?” usisa niya.
Nagkibit-balikat lang ito. “Nagtatrabaho ako roon.”
“Bakit kailangan mong magtrabaho?” Bakas ang kuryusidad sa mga mata ni Daisy at tila kumikislap pa ang mga mata nito. O baka dahil lang sa sinag ng araw na tumama sa mukha ni Daisy.
Lihim na napailing-iling na lang si Noah sa kanyang sarili at iniwas ang mga mata rito.
“Kailangan kong tumulong sa pamilya ko,” mailap niyang sagot. “Hikahos kami sa buhay at mas minabuti ko na lang tumulong kaysa maging pabigat.”
“Bakit mo naman naisip na isa kang pabigat? Anak ka nila. May dahilan kung bakit ipinanganak ka sa mundong ito.”
Malungkot siyang ngumiti at sinadya niyang ipaling sa harap ang mukha niya upang maikubli ang mga emosyong nagdaan sa mga mata niya.
“Kung ganoon, may dahilan kung bakit nagtatagpo ang landas ng bawat tao,” usal niya at lakas-loob na sinalubong ang mga mata nitong kapag nasisinagan ng araw ay tumitingkad. She has a pair of brown eyes that he loves to stare at especially when the sunrays kissed it, just like now. Naging magaan na ang pakiramdam niya kapag natitigan niya ang mga mata nito.
“Ha? Ah oo, may dahilan nga.” Nag-iwas ito ng mga mata at iniyuko ang ulo nang bahagya. Nakatingin ito sa sopas nito na tila iyon na ang pinakainteresanteng bagay na tiningnan nito.
“Na may mga taong dumating sa buhay upang bigyang kulay ang buhay at may mga tao namang bibigyan ka ng pag-asa na harapin ang mga pagsubok.” ‘Ikaw, Noah? Ano ang papel mo sa buhay ko? Ayokong isipin ang bukas,’ usal ni Daisy sa sarili.
* * *
Kabanata: Labing-Isa
Bumalik sa kasalukuyan si Daisy nang humangin ng malakas sa labas na lumikha ng ingay mula sa mga sangang tinamaan nito. She returned the old book in the shelf and put a smile on her face. Such a memory that she still remember.
Matagal na iyong nangyari ngunit naalala niya na iyon ang unang beses na magkaroon sila ng mahabang usapan ni Noah. May bahagi mang may itinago itong detalye sa sitwasyon nito at ng pamilya nito ay naiintindihan niya ito. Hindi madaling ikuwento ang mga bagay na mananatili munang sikreto. They were third year highschool then, too young and experiencing struggles in their home, especially him.
Bandang ala una na ng hapon nang maalala niyang bibili pala siya ng school supplies sa Ayala. Naisip niya na kung iiwas at iiwas siya ay mas lalong magkakaroon ng posibilidad na may mabunggo siyang tao mula sa nakaraan niya. Kahit ganoon ay gumayak na siya. Sinigurado niyang naka-lock ang bahay at nagpara na ng habal-habal na masasakyan niya patungong JY.
Habang lulan sa habal-habal ay naglakbay ang mga mata niya sa dinaanan nito. Ang malawak na damuhan kung saan ay doon sila tumatambay ni Lirio kapag bumibisita siya sa bahay ni Tita Emerald saka siya nito bubulabugin. Ang parehong daan kung saan nagbibisikleta silang tatlo. Ang bridge kung saan hirap silang dumaan dahil baha ang gilid niyon at natatalsikan sila ng tubig na may halong putik ng mga dumadaang habal-habal.
Bigla siyang natawa sa ala-alang iyon. Fourth year highschool na sila noon at maulan talaga ang Disyembre sa Pinas.
* * *
“Buhatin mo sa likod si Daisy, Noah.” Gulat sila na napalingon ni Noah kay Lirio nang mapagmasdan nila ang baha sa gilid ng bridge. Kalahati yata sa tuhod ang malulubog doon. Maingay ang rumaragasang tubig sa ilog at umuulan pa rin nang mahina. Kapwa rin sila nakasuot ng sapatos. Gayunpaman, hindi nila alintana ang ulan sapagkat basang-basa na sila kanina pa.
Kung bakit naman kasi nagyaya itong si Lirio na kumain sila sa isang barbecue-han sa paligid lang gasoline station.
“Naku, hindi na kailangan,” nahihiyang sambit ni Daisy nang makabawi. Lokong Lirio, matagal na niyang napapansin na lagi na lang siya nitong pinaglalapit kay Noah. Abot-abot tuloy ang kaba at kahihiyan na nararanasan niya sa kamay ng walangyang kaibigan niya.
“Kaya nating tumawid d’yan. Hubarin n’yo ang mga sapatos ninyo at ilislis ang pantalon.” suhestiyon ni Noah na nauna nang hubarin ang sapatos nito.
“May isa kasi rito na ayaw sumakay ng habal-habal kaya tuloy kalbaryo ang paglalakad natin.” Dinaanan pa siya ng mga mata ni Lirio. Halatang pinariringgan si Daisy.
“Wala akong pinilit. Sabi ko, maglalakad ako at ayos lang na ako lang mag-isa. Pareho kayong sumama sa ‘kin,” giit ni Daisy. Hanggang ngayon, may kaba at takot pa rin kay Daisy na sumakay sa motorsiklo. Blame her imagination for that. Isa pa, muntikan na rin silang maaksidente ng tatay niya noong bata pa siya nang may kaskaserong motorcycle driver ang bigla na lang sumulpot sa kalsada. It was in Balamban province.
Lalo na ngayon na maulan masyado at basa ang mga kalsada. Madulas at hindi rin nakakatulong na makitang mabilis pa rin ang pagpapatakbo ng mga habal-habal. Animo’y nagmamadali.
“Alangan naman na hahayaan ka namin na mag-isang naglalakad e ang lakas-lakas ng buhos ng ulan,” angal nito. Sukat sa sinabi nito ay unti-unting lumakas ang buhos ng ulan. Idagdag pa ang pagaspas ng mga sanga mula sa may kalakasang hangin. “Yawa! May bagyo pa yata rito.”
“Ang totoo, meron.” Dumako naman ang mga mata nilang dalawa kay Noah.
“Ha? Ba’t di mo sinabi?” bulalas ni Lirio.
“Bago ko pa man sabihin ay tinakbo mo na ang bahay na tinutuluyan ni Daisy. Signal number two ngayon, narinig ko lang kanina sa barbecue-han. Di n’yo ata narinig dahil sa kalokohan ninyong dalawa,” kalmadong sambit ni Noah, balewala ang mga patak na ulang tumama rito.
Para silang aso’t pusa kanina ni Lirio sapagkat kinain nito ang isaw niya at ginantihan niya naman ito sa pagkain ng chicken feet nito.
Napahilamos tuloy si Daisy sa mukha. Mabuti na lamang ay itim na oversize shirt ang suot niya.
“Naman, Noah!” reklamo ni Lirio. Sa kanilang tatlo, mahahalatang ito ang aburido sa nangyayari.
“Kasalanan mo to e,” sisi ni Daisy kay Lirio. “Minamadali mo ako kaya naiwan ko ang payong na gagamitin na sana natin ngayon.”
“Tama na ‘yan. Kapag natagalan pa tayo rito ay mas lalong babaha sa parteng ito ng bridge. Wala rin naman tayong magagawa kung patuloy tayong magrereklamo. Mas mabuti pang kumilos na tayo.” May punto si Noah at sumunod na lang sila sa sinabi nito kanina. Ang hubarin ang sapatos nila, maging ang medyas. Mahirap na kung lulubog sila at di na matantiyang makaalis sa baha.
May dumaang mga habal-habal at kaagad silang napaiwas ngunit natilamsikan ng tubig na may putik sa gilid ng pantalon nila samantalang halos maligo si Lirio niyon.
Natawa tuloy silang dalawa ni Noah. Buti nga, ang kulit kasing magyayang lumabas na e may bagyo pala.
“Anak ng animal! Hoy! Mag-ingat nga kayo! May mga tao rito. Yati. Ang dumi-dumi ko na.” Namantsahan na ang puting shirt nito.
Aware na rin si Daisy na nababasa na ang undies niya. Kapag di pa sila nakalayo sa bahaing bridge ay tiyak na magmumukha silang kawawa sa mga taong makikita sila doon at madalas ay mga pasahero pa ng habal-habal.
Unang lumusong si Noah sa baha kasunod si Lirio. Napalunok na lang si Daisy nang mapansing kalahati nga sa tuhod ang malulubog sa pinaghalong lupa, na may lumulutang na ilang tuyong dahon, at halaman ang tubig. Idagdag pa na madilim ang kalangitan, nagngangalit at napatigil pa siya nang kumulog di-kalayuan. Napanganga na lang si Daisy na akala niya ay tapos na ang kalbaryo ng pagtawid nila ay may naipon na tubig-putik sa unahan.
“Lumipat tayo dito,” ani Noah na lumipat sa gilid ng daan na puro damuhan. May mga matataas na halaman rin doon ngunit kailangan pang tawirin ang baha. Sumunod si Lirio dito. Napansin ni Daisy ang bakal na harang ng bridge at nakitang may matatapakang lupa sa kabila. Tumungo siya roon sa gulat ng dalawang lalaki.
“Mahuhulog ka sa ilog, Mako.” Bakas ang pag-alala sa boses ni Noah ngunit nagpatuloy si Daisy sa pag-akyat sa railing. Nakaantabay na si Noah sa kanya at walang pagdadalawang-isip na tinanggap ang pag-abot nito ng kamay nito sa kanya.
“Salamat,” aniya’t napahigpit ang hawak sa kamay nito. Ang totoo, kinakabahan siya na baka madulas siya at magtuloy-tuloy sa rumaragasang ilog.
Mainit ang kamay ni Noah sa kabila ng kalamigang taglay ng kanyang kamay na malamang dahil sa kalamigan ng panahon. Naawa yata ang ulan sa kanila kaya humina ito. Bagama’t pagsamantala lamang ay sapat na iyon upang makaalis sila sa baha doon.
Lumuwag na ang kapit ni Daisy sa kamay nito nang biglang ito naman ang humigpit ng hawak nito. Inaalalayan pala siya nito sa mga espasyong lalakarin nila na walang masyadong sagabal na matatas na halaman. Napakagat-labi siya nang hawakan nito ang likod niya upang iwasan ang lupang lumambot na sa buhos ng ulan. Nang makarating sa parte ng kalsada na hindi na baha ay doon sila nakahinga nang maluwag. At binitawan na ni Noah ang kamay niya.
Pinakiramdaman ni Daisy ang sarili niya. Tila nabawasan ang lamig sa katawan niya sa pag-alalay ng binata sa kanya. Sa katunayan, parang namumula pa yata ang mukha niya. Sa hiya o sa kaba. Hindi niya mawari kung bakit ganito na lang sa tuwing mahahawakan siya nito.
“In one two three, takbo! Ahh!” Ang baliw na Lirio, nauna pang kumaripas ng takbo, bitbit ang sapatos nito. Kapwa na silang nakayapak na tatlo.
Napatakbo na rin si Noah at naiwan siyang nakanganga. Wala rin namang silbi kung tumakbo sila dahil basang-basa na nga ngunit natawa siya sa kaalamang parang mga batang hamog lang silang nagtatakbuhan sa gitna ng ulan. O mas tamang sabihin, sa gitna ng bagyo.
* * *
Wala ng pakialam si Daisy kung magmukha man siyang baliw sa habal-habal driver. Nakangiti kasi siya at nang mapagtanto niya ang sitwasyon ngayon. Ang pag-iingat siya habang nasa siyudad pa siya ay naglaho ang ngiti niya. Napalitan ng kaunting pangamba at lungkot na rin. Paano’y parte na lamang ang alaala ng kanyang nakaraan.
Sumakay siya ng jeep at pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na siya ng Ayala. Dumiretso na siya sa department store, sa school supplies area. Pawang bondpapers, pad papers, manila papers, record books, scotch tapes at kung ano-ano pang supplies ang binili niya. Gamit niya para sa visual aids at namamahagi rin siya ng mga gamit sa mga estudyante niya.
Nang matapos ay tumambay muna siya sandali sa isang kapehan doon, malapit lang sa isa sa mga entrance ng Ayala Mall. Mahilig siyang mag-obserba sa paligid niya at ang pinagtuunan niya ng pansin ay ang senaryo sa baba. Ang garden ng mall. Ngunit may nahagip ang kanyang mga mata.
Her eyes landed on someone who was with a lady. Nanlaki ang mga mata niya nang mamukhaan ang isang kulot na lalaki. Sabi na nga ba, dadating talaga ang pagkakataong may makakasalubong siyang kilala niya noon. Dapat ba siyang ma-relieve dahil hindi naman ito ang taong ayaw niya munang makita?
It’s Klint. Raspberry’s seatmate when they were fourth year. Katabi naman niya ang kaibigan nitong si Marc na kagaya nitong maingay. Kakatwa ang eksena nila lagi sa English time. Ang mga lalaki ang maiingay, hindi ang mga babae. Si Klint lang ang bukod-tanging kaklase nila na hindi apektado sa pagiging masungit minsan ni Raspberry.
Daisy’s hair was fixed into a bun so she released her hair from the pin. Let her curly hair bounce. Ang purpose niyon ay maitago niya ang mukha niya rito. Mahirap na. Tsismoso pa naman ang lalaking ito. Baka maitsismis siya sa buong batch, hindi sa assuming siya kundi ang kaalamang nawala sa roon ng ilang taon. Parang siyang bulang nawala. Hindi nalalayo ang posibilidad na usap-usapan siya ng section nila. Kasalanan ni Lirio na siyang nagkalat sa sitwasyon nila ni Noah. Mas lalo tuloy siyang nahiyang magpakita ulit sa mga ito.
She released a relieved sigh when the two passed by and just entered the entrance of the mall here on the second floor. Lumipat naman siya sa bahagi ng kapehan na di kaagad siya makikita ng kung sino. She was sipping her coffee when someone sat on the vacant chair, in front of her much to her dismay.
It was none other than Klint himself.
“Daisy! Gumaganda yata tayo ngayon ah! The estranged girl of Shin—” Pinutol niya ang pang-aasar nito.
“Klint, just pretend that you don’t see me here, please.” Ngunit mukhang wala itong balak na lubayan siya sapagkat nangalumbaba ito sa mesa. Nandoon pa rin ang nakakalokong ngisi nito.
“I can’t. May mga mata ako. I’m not blind,” pamimilosopo pa nito sa kanya. Nag-isang linya ang mga labi ni Daisy. “Kumusta ka na pala? Ngayon lang kita nakita after all these years. Na-miss kita. I mean, na-miss ka namin.”
Napailing na lamang siya, hindi mapigilang ngumiti. Sino ba namang makakaresist sa isang ito? Nagpapalusot at nagsisinungaling ito minsan noon dahil sa mga gimik nito ay sinsero naman ang mga salita ngayon ni Klint.
“I’m fine. Highschool teacher somewhere. Ikaw? Sino pala iyong kasama mo kanina? Teka, ‘wag mong sabihin na iniwan mo siya doon?”
“Nah, she’s my cousin. Nasa isang clothing store lang siya. Alam kong matatagalan pa iyon kaya nagpaalam muna akong may pupuntahan and here I am. I am not letting this moment slips especially when you’re good at hiding. And running away too.” Naningkit ang mga mata niya sa mga huling sinabi nito.
“Wag mong ipagkalat na nakita mo ako.”
He smiled sheepishly. Sarap nitong itapon sa garden ng Ayala. Sumandal lang ito sa upuan at tinaasan siya ng kilay. “I have a business. A restaurant. One branch pa and I am not thinking for expansion yet. Anyway, may connection ka pa rin sa batch natin?” Naglikot ang mga kilay nito. Curiosity plastered on his face.
“Why are you asking the obvious? Wala. Except for Raspberry.”
Another smile broke out from his lips. Si Daisy naman ngayon ang may balak na asarin ito.
“Sinasabi na nga ba, may crush ka talaga kay Berry noon e. Papansin ka kasi masyado,” akusa niya rito.
Natawa ito. “I uncrushed her when I know something. Matagal na ‘yon. I already moved on, kung move on ngang masasabi dahil hindi naman talaga ako seryuso pagdating sa ganoong bagay. Mas gusto kong maglaro ng video games noon. Tsaka ang sungit-sungit ng babaeng iyon. Not my type.”
“Anong something ‘yan ha?” Klint knowingly smiled and she had this hunch that he knew something she didn’t know.
“I think you should ask Berry about that. Send my regards to her. And by the way, may boyfriend ka na ba?” tanong pa nito.
Umiling siya. “Wala. Busy ako sa trabaho ko. Making lesson plans, grading the students, managing my advisory. Wala na akong time para d’yan.”
“Nice.” Bago pa man siya makapagsalita ay may kung anong phone ang tumunog. It’s Klint phone.
“Hinahanap na ako ng pinsan ko, Daisy. Nice meeting you here! See ya later alligator!” He stood up and ran away, much to her surprise. Bago pa man niya ito makastigo ay binirahan na siya nito ng tumakbo.
“Hoy, atin-atin lang ito ah!” Ang huling saad niya rito, may halong pagbabanta. Lumingon ito sa kanya, may ngiti sa mga labi habang kinakaway ang phone nito. Then, he entered the entrance door.
Daisy doubted Klint would follow her words. Nangitngit tuloy siya.
* * *
Kabanata: Labing-Dalawa
Ang student teacher nila ay isang choreographer, kapalit ng MAPEH teacher nila pagsamantala at inaasahan na dance presentation ang ipinapagawa nito sa kanila.
“Okay class, line up from smallest to tallest,” Teacher Lena said and gestured them in the middle part of the classroom. Ang mga benches na naging upuan nila ay nasa sulok ng silid-aralan na nilipat nila para sa activity. “Thirty kayong lahat sa klase ko. Fifteen boys at fifteen girls. Line up now. Dito sa left ang mga boys, then right ang mga girls.”
Pumila sa hilera ng mga babae si Daisy. Umingay lang ang mga ito na panay ang reklamo na sa height. May nagpupumilit na magpalit, meron namang hindi tanggap na may mas matangkad pa.
Nagkatinginan silang dalawa ni Berry, kalmado lang ang ekspresyon ng mukha nito samantalang siya ay parang maiihi pa yata. Mas mabilis man siya pang-karaniwan sa pagtakbo. Ibang usapan na pagdating sa sayaw.
Pinagpapawisan na sa kaba si Daisy dahil iba ang kutob niya roon. Hindi siya katangkaran at hindi naman siya pandak kaya nasa gitna lang siya ng linya. Nakatingin lang siya sa bulletin board sa loob ng silid-aralan, hindi tumitingin sa katabi niya.
“Tapos na Ma’am!” ani Marc, kabilang ito sa pandak category. Binilang naman ng guro nila ang bawat estudyante sa pila. “Now, face your partner.”
Higit-higit ang hiningang humarap sila sa magiging partner nila sa Waltz Dance. Muntik nang atakihin sa puso si Daisy nang magsalubong ang mga mata nila ni Noah. Oo, si Noah ang partner niya.
Sa kabilang banda, kalmado pa rin ang mukha ni Raspberry nang makaharap nito si Klint. Muntik nang matapat kay Berry si Lirio kung hindi lang nagreklamo si Klint na mas matangkad ito kaysa kay Lirio. Asar man si Lirio ay pumayag na rin ito kahit na ang ka-partner nito ang tomboyish na si Apple.
Ayos na rin ang ganoong set-up kaysa makita pa si Lirio ng girlfriend nito na katambal si Berry. Wala namang kaso kay Apple dahil pansin nilang ang mga tipo nito e mga babae. Kay Berry kasi, maganda ito at tiyak na di nalalayo ang posibilidad na mainis si Eden Sofia. Ang girlfriend ni Lirio.
Habang nakikinig sila sa brief introduction ng Waltz ay unti-unti nang nagsi-sink in kay Daisy ang nangyayari. Panay ang pagkagat niya sa kuko niya na nahalata na ni Noah. Lagi siyang nag-oobserba kay Daisy kaya alam niyang medyo kabado ito ng mga oras na iyon. Dahil ba magka-partner sila? Ni hindi nga sila nag-uusap. Baka dahil doon.
Bukas na magsisimula ang practice sila sa mga steps at parang gusto ng takasan ni Daisy ang sitwasyon. Nagkasundo ang buong section na hindi sila paghihiwalayin ng grupo. Silang lahat ang sasayaw para sa performance nila at may dalawang linggo sila para magpraktis. Hinayaan na sila ng student teacher nila sa magiging plano.
Lumapit si Daisy kay Raspberry.
“Namumutla ka,” puna ni Raspberry. “Relax ka lang, Waltz lang ito. Ito ang pinakamadali sa lahat ng mga sayaw. Mahirap ang tango, salsa, foxtrot at chacha.”
Napanguso si Daisy. “Alam mo na kung sino partner ko.” Napatingin si Daisy sa puwesto ni Noah na nakasandal lang sa pader habang nakikipag-usap sa isang kaklase nila. “Buti pa sa ‘yo, si Klint partner mo. Siya kasi ‘yung tipong masarap maging tropa dahil jolly siya.”
Bahagyang napasimangot si Raspberry. “Makulit siya pero napagtitiisan ko naman.”
“Buti ka pa, madali lang ito sa ‘yo.” Magkaiba silang dalawa ni Berry. Marunong itong sumayaw samantalang siya ay marunong kumanta.
“Depende kung makikisabay ang partner ko.”
“Muntik mo nang ma-partner si Lirio.”
“Fortunately,” she stated. Tila payapa ang ekspresyon ng mukha nito.
Napanguso siya’t may naalala. “Sabagay, selosa ang gf nun e. Kahit ako, parang masama ang tingin niya sa akin lalo na kapag ginugulo ni Lirio ang buhok ko. Di naman sa ayaw ko sa kanya bilang gf. Ang sa akin lang, magkaibigan lang kami ng tao.”
Tinawag na sila ng Presidente nilang Janna para i-finalize ang plano nila sa dance presentation.
Kinabukasan, simula na ng pagturo sa kanila ng dance steps at nagkakahiyaan na silang dalawa ni Noah at halos hindi na magkatinginan. Noah reluctantly held her sweaty hand while they copied the hand gestures and steps that their teacher taught them. Panay naman ang sama ng tingin ni Raspberry kay Klint dahil mahigpit ang hawak nito sa kamay niya na parang anumang oras ay tatakas siya samantalang halos hindi na magkahawak-kamay sina Lirio at Apple, dahil may konting alitan sa kanila nang makita silang magkasama ni Eden Sofia. Nagreklamo si Apple dahil mali ang assumption ng girlfriend ni Lirio.
“Sorry, pasmado talaga ako. Puwede mong bitawan kamay ko.” Nakatungo lang si Daisy. Ang dibdib lang nito ang nakikita ng mga mata niya. Dahil sa sinabi niya ay humigpit ang hawak ni Noah sa kamay niya bagay na ikinasinghap niya.
“Okay lang,” tugon ni Noah habang nagsasayaw silang dalawa. Humiwalay silang dalawa at nag-abutan ng kamay saka umikot ayon na rin sa dance steps. Kanina pa kinakabahan si Daisy at sana’y hindi mahalata iyon ni Noah.
Nang bigyan sila ng ten-minute break ay kanya-kanya na sila sa loob ng silid-aralan. Raspberry was drinking her water when she noticed that Lirio looked at her with his curious eyes.
Ayaw ba ni Raspberry sa kanya? Iyon ang bumabagabag sa isip ni Lirio habang pinagmamasdan niya si Raspberry na umiinom ng tubig. Napansin naman siya ni Raspberry na nakatingin siya rito at sa gulat niya ay umirap pa ito sa kanya.
Napanganga na lang si Lirio at napasinghal nang bahagya. May ginawa ba siyang mali? Bakit ang taray ng dating nito sa kanya?
Sa kabilang banda, panay pa rin ang pagkagat ni Daisy sa kuko niya at namalayan iyon ni Noah na tumalikod lang at inabot ang bag nito, napapangiti ng lihim. Kinakabahan ba ito sa kanya? May ibig sabihin ba ito roon o sadyang hindi lang ito sanay sa presensiya ng lalaki?
“Okay ka lang ba?” Muntik nang mapatalon sa gulat si Daisy nang lapitan siya ni Noah. Napatango na lamang siya at hinayaan itong tumabi sa kanya sabay sandal sa pader.
“Oo naman.” Hindi pa naman bumabaliktad ang sikmura niya.
“Huwag kang mailang sa ‘kin. Isipin mo na lang na babae ako o alien o kung anuman,” panimula nito at medyo napahiya si Daisy doon.
Masyado ba siyang obvious? Nagnakaw ng tingin si Noah rito at bumuo sa isipan niya na nag-ooverthink na naman ito. Madali kasing mabasa sa face expressions nito ang gumugulo rito.
“Pasensiya na, hindi lang yata ako sanay. At pasensiya na rin kung natatapakan kita. Di ako ganoon kagaling magsayaw e. Weakness ko ang mga ganito,” paglalahad niya rito.
“Ako rin naman. Medyo mabilis lang ako maka pick-up ng steps,” anito. Sabagay, matalino ito at fast learner. Madalas itong magtaas ng kamay sa recitation na siyang hindi niya nagagawa sapagkat natatakot siyang maaaring maging mali ang sagot niya.
Pinabalik na sila ng guro nila sa kanya-kanya nilang position at sa pagkakataong iyon ay hindi na gaanong naiilang si Daisy dahil ngumingiti na ito sa kanya. Madalang lang kaya itong ngumiti sa mga tao bagay na ikinangiti na lamang niya.
Sabado. Nasa bahay siya ng Tita Emerald niya upang manghiram ng libro at dahil nagluto ito ng italian spag. Inimbitahan silang magkakapatid na pumunta roon. Isang jeep lang naman at motorsiklo ang sasakyan papunta sa bahay nito. Nagkataong naabutan niya si Lirio sa basketball court ng village.
“May sinabi ba tungkol sa ‘kin ‘yung si Raspberry? Ang sama ng tingin niya sa ‘kin minsan. Wala naman akong ginagawang masama.” Iyon ang bungad sa kanya ni Lirio matapos niyang umupo sa kahoy na ginawa ng upuan.
“Huh? Wala. Wala ‘yung amor sa boys. Sa mga libro, oo. Baka kasi ayaw niya lang sa ‘yo,” sagot naman ni Daisy at nagkibit-balikat.
Nangunot naman ang noo ni Lirio. “Ang labo naman. Hangin nga lang ako sa kanya minsan. Hindi naman ako panget at hindi naman ako bastos. Marami ngang girls na nagkakagusto sa ‘kin e.”
Kulang na lang ikutan nito ng mga mata ni Daisy. “Baka ayaw niya sa ‘yo dahil masyado kang feeling guwapo. Ba’t mo naman iisipin ‘yung trato ng kaibigan ko sa ‘yo? Lagot ka kay Eden Sofia pag narinig ka ng isang ‘yon. Mathre-threaten yun sa kagandahan ng kaibigan ko.”
Napasinghal si Lirio at napakamot sa tainga niya. Lagi na lang nitong binibida ang pagiging maganda ni Raspberry. Oo na, tama na ito. “Ayoko lang may kaaway ako sa klase.”
“Sa totoo, hindi ka naman kaaway sa paningin ng kaibigan ko. Siguro nga, ayaw lang talaga niya sa karakas mo,” katwiran ni Daisy.
Kanina pa umiikot si Daisy at panay ang check niya sa hawak niyang papel kung saan doon may drawing ng map kung nasaan ang bahay ni Rowie, ang kaklase nilang nag offer na doon sila magpr-praktis sa lugar nito dahil may malawak na clearing sa likod ng bahay nito. Nagpadala na siya ng mensahe kay Lirio sa pager nito na nakarating na siya doon.
Luminga-linga siya paligid nang mapagtanto niyang may pamilyar na pigura na papasalubong sa kanya. Nang makita ito ay natigil ito sa paglalakad. Lumiwanag ang mukha ni Daisy nang makilala niya ito.
“Hay! Sa wakas. Ikaw pala ‘yan, Noah. Kanina pa ako naliligaw rito.” Napakamot siya sa ulo niya. “Nalito ako sa mga daan rito.”
May bitbit itong plastic bag na mukhang mga tinapay ang laman. “Kakasimula pa lang namin. Ako ang inutusang bumili ng merienda natin.”
Humakbang palapit rito si Daisy na may munting ngiti sa mga labi. “Medyo late ako dahil may inaasikaso pa sa bahay. Halos kompleto na ba tayo?”
Sumabay na siya sa paglalakad rito. Nasa gilid lamang sila ng daan kung saan may nakahilerang bougainvillea at iilan sa mga talulot niyon ay naglaglagan kaya napapangiti na lamang ng lihim si Daisy.
“Di pa. May iba na walang partner kaya magpi-pick up lang sila ng dance steps. Gumagawa pa kasi ng combinations ang mga kaklase natin,” lahad nito. May nga kaklase silang marunong sumayaw at boluntaryo ang mga itong gumawa ng choreo nila. “Nandoon na rin si Raspberry.”
Alam kasi nitong malapit siya kay Raspberry. Malapit na sila sa bahay ni Rowie nang manlaki ang mga mata ni Daisy sa mga asong pakalat-kalat sa daan. Nakatingin ito sa kanila. Sa takot niya, tumabi siya lalo kay Noah at napakapit sa braso nito. Sandaling natigilan si Noah sa ikinilos ni Daisy at bahagyang napangiti nang sumiksik siya sa may braso nito habang nilalampasan nila ang mga aso.
“Takot ako sa mga aso. Mas gusto ko ang mga pusa. Hindi sila ganoon ka-alagain,” sambit ni Daisy at nakahinga nang maluwag nang makalayo na sila sa mga aso. Nasa harap na sila ng isang bahay na sementado ang unang palapag at kahoy sa ikalawang palapag. Sa likod niyon ay isang clearing at kagubatan na sa kasunod niyon. Nandoon ang ilan sa mga kaklase nila.
“Ilagay mo ‘yung bag mo sa bahay. Nasa bungad lang naman ang sala. Nandoon ang iba, inasikaso ang pancit bihon na niluluto ni Rowie para sa ‘tin.” Nagningning ang mga mata ni Daisy nang marinig ang pancit bihon. Isa iyon sa mga paborito niyang ulam.
Kapwa silang pumasok ng bahay at kaagad na sinamaan ng tingin ni Daisy si Lirio na malamang nabasa ang mensahe niya sa pager nito ngunit hindi nito sinunod ang pakiusap niya na abangan siya, nagkandaligaw tuloy siya. Bagkus, isa ito sa mga nag-aabang ng pancit bihon. Ang takaw talaga.
Nang matapos silang kumain ay nasa damuhan na sila, tinuturuan ni Hazel ng mga magiging steps nila. Kahit paano, naengganyo siyang sumayaw dahil sa luntiang kapaligiran nila.
“Ang saya natin ah,” pansin ni Noah at saka siya inikot. Marahan siya nitong sinalo. Sa tuwa niya, hindi na siya ganoon nag-focus sa magkalapit nilang katawan.
“Ang ganda kaya rito. Sana dito na tayo mag-praktis lagi. Nakakawala ng stress ‘yung mga puno’t damuhan,” nakangiting sambit ni Daisy. Nakakahawa ang ngiti nito kaya napangiti na rin si Noah. Katulad pala niya itong nature lover.
“Oo naman.” Panay ang tingin ni Daisy sa mga puno sa paligid nila nang hindi niya namalayang napatid niya ang isang maliit na bato kaya inatake siya ng kaba nang muntik na siyang matumba. Ngunit hindi natuloy dahil nakahawak sa kanya si Noah. Napasubsob pa siya rito na ikinagulat niya. “Oh, ingat ka.” Inalalayan siya nito.
Tinablan ng hiya si Daisy. “Sorry. Masyado lang ako natuwa.” Ang totoo, masaya si Noah na ngumingiti ito at mukhang komportable na sa kanya hindi gaya noong una.
Nag-break muna sandali at ang unang ginawa ni Daisy ay sumalampak sa damuhan at huminga nang malalim. Ano kaya ang pakiramdam kapag tumira ka sa probinsiya na presko ang hangin, maraming puno’t halaman at halos walang mga gusali?
“Kung ice cream ka, matagal ka ng tunaw.” May nakakalokong ngisi sa mgs labi ni Marc Necolson nang tumabi ito sa kanya sa damuhan.
“Huh? Pinagsasabi mo?” Ka-alagad ito ni Klint na parehong usyusero at tsismoso, madaming napapansin sa paligid.
Ngiting aso lang ang ibinigay nito sa kanya. “Alamin mo na lang. Wala ng thrill pag sinabi ko,” makahulugang sabi nito.
Binalewala na lamang iyon ni Daisy. Pinagloloko lang ata siya ng dalawang unggoy.
Inabot sila ng gabi sa praktis at dahil may curfew ang iba ay nagsiuwian na ang mga ito kabilang na roon si Daisy na hanggang alas siete lang ng gabi. Alas sais pa lang pero ayaw niyang umabot pa sa curfew.
“Ihatid na kita sa may sakayan,” ani Noah na ikinagulat niya.
“Hatid mo rin ako p’re? Sabay na kami ni Daisy.” Tumayo si Lirio pero hinila lang ito ni Klint paupo sa kawayang upuan at tiningnan lang ng makahulugan ni Klint. Nagtaka tuloy si Daisy sa inakto ng mga ito.
Nagkibit-balikat na lamang siya at binitbit ang maliit niyang bag. “Sige,” payag niya kay Noah na sumabay na sa kanya sa paglalakad. Mukhang may plano yata ang mga boys dahil nagpaiwan ang mga ito.
“Mahilig kang pagmasdan ang mga bituin?” tanong ni Daisy nang tahakin na nila ang direksiyon papunta sa sakayan ng jeep.
“Minsan,” sagot ni Noah. Ang totoo, pag wala siyang matutulugan na bahay ay nakatingin lamang siya sa langit at pagmasdan ang pagkislap ng mga bituin.
“Nahilig ako sa paghahanap ng mga constellations. Pinakapaborito ko ‘yung Orion. Yung sa Greek mythology na laging may dalang palaso,” kuwento ni Daisy. Hindi umimik si Noah bagkus mukhang malalim ang iniisip nito. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Lagi na lang negatibo ang tingin ng mga ‘to sa kadiliman pero pag unawain mo ay may ibang kahulugan rin iyon,” aniya.
Kahit di niya sabihin rito ang ipinupunto niya ay may bahagi sa isip niyang niintindihan siya ni Noah.
Isang jeep ang nakatigil sa gilid, naghihintay ng mga pasahero. “Ingat ka. Umuwi ka kaagad sa bahay ninyo,” bilin nito sa kanya.
Tipid na ngumiti si Daisy at tinapik ang braso nito nang mahina. “Oo naman. Mag-iingat ako,” sabi niya saka lumulan na ng jeep.
Nakatayo lang doon si Noah habang pinagmamasdan ang paglayo ng jeep, napahawak sa brasong tinapik ni Daisy. Napatingala tuloy siya sa madilim na kalangitan. Siguro nga, may ibang kahulugan ang kadiliman.
* * *
Interlude 1
Sa mga libro sa kasalukuyan nating panahon ay uso ang mga heartthrobs, yung mala-F4 ang datingan ng mga boys. May mga babaeng kikiligin at titili sa tuwing magkakasama ang mga guwapong nilalang na ito. Madali silang mapansin sapagkat malakas ang dating nila. Kumbaga, puwede nang lagyan ng sparks sa paligid na makikita sa mga dramas.
But if we go back years ago, especially in reality. Walang tilian na nangyayari. May kanya-kanyang mundo ang mga estudyante. Walang sparks at walang naglalaway sa kaguwapuhan ng kung sino.
The students inside the campus were minding their own, killing time on the plant circles, hanging out in the corridors, practicing something for a group presentation and acads making when three boys entered from the exit gate. Morning session ang klase ni Shawn pero nagawa nitong mag-excuse sa klase nito. Kinuyog sila ni Shawn sa may Sambag. Mabuti kasundo nila ang guard ng eskuwelahan.
Shinoah Sagara, the silent one of the group. Niluma na ang sapatos nito, manilaw-nilaw na ang suot na polo na pinaglumaan na rin. Kalmado ang mukha nito at blangko ang mga mata. He has a pair of almond eyes, eyes he inherited from his father. Ang kaibahan lang ng mga mata niya sa tatay niya ay expressive ang mga mata ng huli samantalang siya’y hindi. Nakasukbit sa likod niya ang bag niya na pilit na ibinigay ni Lirio sa kanya.
Magkasingtangkad lang sila ni Shawn na katabi lang niyang naglalakad patungo sa center building. Tanging ito lang hindi nila kaklase ngayong fourth year highschool.
Umayos ang ilang mga estudyante nang makita ang SSG President na si Shawn. Sinamaan lang ni Shawn ng tingin ang dalawang lalaking nakabukas ang butones ng mga polo na inayos naman ng dalawa.
“Ang istrikto mo talaga,” puna ni Lirio, napapailing pero nangingiti lang. Nag thumbs-up lang ang huli sa dalawang lalaking sinita ni Shawn sa pamamagitan ng mga mata.
“Colored sando pa ang inner,” naniningkit ang mga matang sambit ni Shawn.
“Baka walang oras para maglaba ng puting sando nila kung meron man,” katwiran naman ni Lirio.
Lirio San Miguel, the playful boy in the group. The least one who cares about his academics, different from Shinoah who’s serious about his academics. Plantsado ang puting polo at bago ang sapatos noong pasukan. May wristwatch sa kaliwang kamay. Singkit ang mga mata at may dimple sa kaliwang pisngi. Sunny ang aura at madali lang lapitan ng kung sino-sino. The friendly guy. And the one who has a girlfriend.
Speaking of, naispatan ni Shinoah ang girlfriend nitong bumaba na sa hagdan, ilang metro ang layo sa kanila.
“Girlfriend mo,” sabi niya kay Lirio na lumingon sa tinitingnan niya.
“Girlfriend mong ina-under ka. Puntahan mo na.” Lihim na natawa sa isip si Noah sa sinabi ni Shawn.
“Wow, kung makataboy ha. Teka lang, sa canteen kayo pagkatapos nito, di ba? Puntahan ko na lang kayo mamaya. Bye!” At nagtatakbo na itong nilapitan si Eden Sofia na napansin kaagad ito.
“Sa canteen tayo, mamaya?”
“Hindi, sa office muna. Di ako makakapag-concentrate kapag nagreklamo na naman ‘yan tungkol sa girlfriend niya. Halika na.” Hindi na lang umimik si Noah at nagtungo kagaya nito sa registrar.
Shawn Guillermo, the snob of the group. Mukha mang bad boy ang mukha ni Shinoah ay mabait naman talaga ang huli. Si Shawn ay suplado at bossy, ayon na rin sa mga co-officers nito sa SSG. Kaya nga ba, epektibo ang recyling boxes sa paligid ng campus maging and cleanliness sa buong campus. Isa sa mga panukala nito. Ipinaparating lang sa kanila ni Lirio ang hinaing ng ibang estudyante saka lang makakarating kay Shawn. Justified rin ang pagiging suplado ng mukha ni Shawn.
“Hey, you’re too noisy. Minimize your noise please. There are some classes,” masungit na sita nito nang madaanan nila ang corridor ng second floor doon sa center building. “Bakit pala kayo nandito?”
“Oo na po, Pres. Aalis na po kami,” sagot ng isang babae roon na dinampot lang basta-basta ang bag nito. Sumunod na rin dito ang mga kasama nito.
“Wala talagang kawala sa ‘yo pati ang mga babae. Tsk tsk,” palatak ni Noah. “Ayos na ba ang mga papeles?”
Sukat sa sinabi niya ay nangunot ang noo nito. “It’s a waste really to lose a prospective honor but we don’t have a choice. They’re migrating and all I have to do is this.” He slightly raised the documents they got from the registrar.
Shinoah was not an officer but Shawn trusted him when it came to his responsibility as an SSG President. As for San Miguel, ang connections nito ang may silbi. That guy is too happy-go-lucky, not to mention, his free time was sometimes spent on his girlfriend.
Nagkibit-balikat na lang si Noah. “Maraming prospectives, Shawn. Marami tayo dito sa ANS.”
“Yeah, right. And the competition is high,” segunda nito. Napansin nito ang nangingitim na bahagi ng kanyang braso at huli na para maitago iyon ni Noah. Shawn sighed, shaking his head. “‘Wag mong sabihin na naaksidente ka naman sa hardware.”
But something about Shawn’s tone denoted other meaning and Noah understood it. That’s their way of communication.
“Kailangan ko nang mag-resign doon,” aniya. “Para maka-focus na ako sa pag-aaral. Malapit na tayong magtapos.”
“You better be. Ayokong kami na mismo ni Lirio ang hahatak sa iyo palayo sa pinagtatrabahuan mo,” walang gatol na pahayag nito, nangungunot na naman ang noo.
Parang nahating ilog ang mga estudyante nang dumaan sila sa boardwalk. Naging alerto sa pagdaan ng supladong SSG President.
“Mga itik! Akala ko ba sa canteen kayo?” Masyadong malakas ang sigaw na iyon ni Lirio. Naglingunan tuloy ang ibang estudyanteng nakatambay sa boardwalk papuntang RSD. Kapwa sila inakbayan ni Lirio. Take note, mas matangkad silang dalawa kay Lirio.
“Gag— Ang bigat mo!” reklamo ni Shawn. Kulang na lang kasi maglambitin ito sa kanilang dalawa nang paakyat na sila sa hagdan.
Unusual man ang combination nilang tatlo ay nagkakasundo naman sila. Isang suplado at masungit ngunit may concern sa mga tao, di lang gaanong ipinapakita. Structured at goal-oriented. Goal-oriented din naman ang isa sa kanila, tahimik at mukha lang suplado sa mukha ngunit mabait. Isang lalaking nakaplaster na yata ang kasiyahan at kalokohan sa mukha. Isang di pinagpala financially. Dalawang low-profile.
Kabanata: Labing-Tatlo
Noah noticed the rays of the sun reflecting the sitting area of the jeepney he has been sleeping in last night. Yes, doon siya natulog dahil sarado na ang bahay nila. Nauwi lang naman siya nang ganoon katagal dahil may biglaang nangyari at hindi niya puwedeng pabayaan na lang.
Sanay na siyang matulog kung saan-saan gawa na rin na natatagalan siya sa groupworks nila sa eskuwela o di kaya’y sa trabaho niya. Bukas ay magpapaalam na siya sa hardware store. May natira pa naman siyang ipon sa mga sideline niya na pag-tutor sa mga kapit-bahay nila. Maraming nagsasabi na bagay sa kanyang magturo dahil nagagawa niyang pasimplehin ang komplikadong leksyon. Kaya lang, nauuwi lang sa wala ang suweldo niya sapagkat sinisingil siya ng madrasta niya.
Nanakit ang leeg ni Noah at minasahe ito. Sa paligid niya ay maririnig ang ingay ng makina ng mga sasakyan. Garahe kasi iyon ng mga jeep at ibang sasakyan.
“Hijo, gising ka na pala. Maglilinis muna ako ng jeep,” bungad sa kanya ng matandang lalaki.
“Pasensiya na po, Mang Ploy. Late na akong umuwi kagabi at ayoko namang makaistorbo sa bahay. Natutulog na mga kapatid ko.” Naupo siya’t hinanap ang bag niya. Nakita naman niya sa paanan niya. Kinapitan ng alikabok ang bag niya.
“Kahit naman na hindi umuwi ng dis-oras ng gabi ay kung saan-saan ka naman natutulog. May pamilya ka namang inuuwian.” Hindi alam ng mga tao ang totoo ang buong kuwento ng family history niya at di na niya kailangang magpaliwanag. Hayaan na lang na ganoon.
“Sige po, pasensiya na po talaga,” paghingi ng despensa niya’t nanaog na ng jeep. Minasahe niya ang braso niya at napatitig na lang sa mga jeep na naghihintay na ngayon ng mga pasahero sa barangay nilang iyon.
Naging mas lukot lalo ang suot niyang uniform at bagama’t wala siyang orasan ay may ideya siya na late na siya sa klase. Nilakad na niya ang direksyon papunta sa bahay nila upang gumayak na sa klase.
* * *
After work, specifically, the court hearing. Noah decided to eat in a restaurant, for a change.
Coast & Summers. He discovered the restaurant a year ago and he liked the food there so whenever he’s hungry. The restaurant was his to-go restaurant.
The chairs and tables there were made of wood, varnished. May mga ornamental plants sa mga sulok at vases na may plastic flowers. Tapos na ang lunch hour kanina pa. Natagalan sa Capitol si Noah dahil matagal bago nagpakita ang nasasakdal na ikinainis niya ng lihim.
Enough with his work, nandoon siya upang mag-relax muna sandali. Mamaya, sasalubong na naman sa kanya sa opisina ang mga papeles.
Noah ordered a main course, a side dish, and a drink. His usual order when he’s there. Minutes later, the waiter settled his order on his table. Ang kinaroroonan niyang puwesto ay malapit lang sa maliit na man-made pond. Nasa outside area siya ng restaurant.
He was having his meal when someone sat on the vacant chair, in front of him. The guy wears his chef hat. He instantly recognized the face.
Isa ito sa mga tumutulak sa kanya noon na pinamumunuan ng unggoy na si Lirio.
“You work here.” A statement. Halata naman sa suot nito. Chef’s uniform and when his eyes landed on the emblem. He figured out something. “The owner.”
Tinaasan lang siya nito ng kilay, hindi na nagulat sa conclusion niya. Para saan pa’t naging abogado siya. He easily noticed things.
“Ilang beses ka nang pumupunta rito, not knowing the owner. Sabagay, kapag wala kang pakialam sa tao ay di mo na ‘yon kilalanin. How’s your girlfriend?”
Siya naman ngayon ang napataas ang kilay. Klint was asking to confirm if he has a girlfriend or not. Tsismoso pa rin ito hanggang ngayon, mausisa to a fault.
Napailing na lamang siya. “Let me eat in peace, Chef.”
“Well, attorney.” Ipinatong pa nito ang siko nito sa mesa. May sinenyasan naman siyang waitress na nagtaka at napasulyap sa boss nitong lumabas lang naman ng kusina.
“I want to eat in peace and your boss needs to go back to his work,” sabi niya sa waitress. Doon na sana aangal si Klint but he just raised his hand. He sported now his authoritative aura. Thanks to Shawn’s influence, he could be bossy if he wants. Bumaling siya kay Klint na natatawa na lang na tumayo at hindi alam ng waitress ang gagawin sa kanilang dalawa.
“Fine. Malalaman ko rin naman kay San Miguel. I saw her at Ayala yesterday and he has a boyfriend. Still cute, your adjective to her before and she’s perfectly fine. I bet she’s happy,” Klint smirked and went back to his kitchen.
What the heck is that? Mas lalo tuloy sumakit ang kanyang ulo. Napahigpit ang hawak niya sa kutsara at napatitig na lamang sa sauce na kumapit sa pork cutlets.
Sino pa ba ang tinutukoy ng walangyang Klint na ‘yon? Nawalan tuloy siya ng gana sa pagkain niya at sa tingin niya’y di na ‘yon masarap. Damn that Klint.
* * *
“Aww,” daing ni Daisy nang matusok siya ng dulo ng gel pen. Kumalat tuloy ang ink sa may bandang pulso niya. Nilagyan na lang niya iyon ng alcohol at dinampian ng tissue.
Natagalan siya sa faculty sapagkat inaasikaso pa niya ang program na gaganapin ngayong Science month. Isa siya sa mga umaasikaso niyon at tanging naiwan doon. Ang mga kasama niyang guro na umaasikaso ay pawang pamilyado at bukod-tanging sila lang ni Ian ang dalaga at binata. Kaya di maiiwasang, silang dalawa ang pinagtatambal sa isa’t isa.
Gabi na siya nang matapos. Gayonpaman, safe pa rin siyang nakauwi sa kanilang bahay. Kinabukasan ay hindi siya magkandaugaga sa pag-aasikaso ng platform stage. Ang mga designs. Ang flow ng program. At mismong si Ian na ang nagpaalala sa kanya na magpahinga na muna siya sandali.
May intermission number ang nangyari dahil nga biglang may aberya ang isang contestant. At natawa na lamang si Daisy dahil may bigla siyang naalala sa intermission number na iyon.
Parehong impromptu, napilitan dahil walang choice at itinuloy na lang para matapakan ang delay.
* * *
Delayed ang program at nagtaka siya kung bakit umakyat ang mga ito sa stage. Sa pangunguna ni Lirio na malawak ang ngiti. Si Noah na bitbit ang isang gitara.
Binigay ni Shawn ang mic kay Lirio. Ano bang nangyayari? Parte ba sila ng programa?
“Teka, hindi ako ang kakanta. Bakit ako—Maggigitara lang ako uy, ha— Ako? Usapan natin si Noah.” Lumingon si Lirio samin. Nakatapat si Lirio sa mic. Narinig tuloy ng lahat ang sinabi nito.
Nagsalita si Shawn ngunit di ko marinig, salubong ang kilay ng SSG President namin.
“Pero akala ko ba, sasayaw muna tayo. Macho dancers, di ba? ” parang tangang hirit ni Lirio. Nagtawanan tuloy ang mga taong nanonood sa kanila. Natawa siya nang di maipinta ang mukha ni Noah sa hirit na iyon ni Lirio. “Di naman kami maghuhu—”
Tinakpan ni Shawn ang bibig ni Lirio sa pagkaaliw ng lahat. May kutob si Daisy na sinadya talaga ni Lirio na itapat ang pinagsasabi nito sa mic. Loko-loko talaga.
“Sorry, people. Kakanta lang talaga kami.” Umalis na sa stage si Shawn pagkatapos nitong pinameywangan ang apat na lalaki. Ang bossy na naman ng aura. Natural na ang mga ito ang ipantapal ng Presidente nila dahil pawang magkakaibigan.
“So guys, magandang hapon! Alam kong masyado talagang mainit dito ngayon. Nahuhulas na yata ang mga make-up ng candidates kaya papatagalin pa muna namin—”
“Magsimula na nga kayo!” sigaw ng isa sa mga kaklase ninyo.
“Op, de Castro, maya mo na ako tahulan kapag di mo nagustuhan boses ko,” singhal ni Lirio sa mikropono.
Tawanan ulit. Napa-facepalm na lang si Daisy. Hindi niya kasama roon si Berry. Nasa backstage dito.
Minsan talaga, gusto niyang itakwil ‘tong si Lirio.
“Pasensiya na, mga binibini’t ginoo. Itong kantang ito ay inahahandog ko sa mga magagandang—Sorry mahal kong Eden, okay para ‘to sa lahat na nalampasan ang second grading! Wooh!” Loko talaga ‘tong si Lirio.
Ipinasa ni Lirio ang mikropono kay Noah. Akala ng lahat, nagkasundo na ang kampo. Hindi na maipinta ang mukha ni Shawn sa gilid ng stage. Bakas ang hesitation sa mukha ni Noah at nagsalita. This time, inilayo na ni Lirio ang mikropono rito.
Nag-aargue silang dalawa sa harap nilang lahat kung sino ba sa kanila ang kakanta. Doon niya napagtanto, parehong marunong maggitara ang dalawa.
Inagaw na lang ni Noah ang microphone kay Lirio. Napipilitang hawak iyon tanda na ito ang kakanta sa harap ng mga tao. Kapwa nakaupo sa monobloc chairs ang dalawa. Si Lirio, hawak ang gitara habang si Noah ay ang mikropono. Sinimulan na niya ang intro ng kanta nang kaskasin na ni Lirio ang gitara. Kamukha mo si Paraluman Noong tayo ay bata pa At ang galing galing mong sumayaw Mapa boogie man o chacha Ngunit ang paborito Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo
Pero di ako magaling sumayaw, hirit ni Daisy sa isip niya. Tila wala sa audience ang atensiyon ni Noah. Diretso lang ang mga mata nito sa kawalan na parang kumakanta itong walang audience. Parang may hinahanap ka.
Nakakaindak, nakakaaliw| Nakakatindig balahibo Daisy sang her heart out whenever she’s weary and she knew why Lirio insisted Noah sing. The song suits him. Suwabe at malamig pakinggan.
Pagkagaling sa eskuwela Ay didiretso na sa inyo At buong maghapon ay tinuturuan mo ako
Bumaba ang mga mata ni Noah. Guarded pa rin ang mga mata nito, walang mababasa at tanging si Daisy lamang ang nakatingin roon himbis na pagtutuunan ng pansin ang paggalaw ng kamay ng mga tao roon.
Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig ng tunay
Dumako ang mga mata nito kay Daisy na tila ba may ibig ipahiwatig sa liriko ng kanta nito ngunit na-distract si Daisy nang bahagya itong matulak ng katabi nito.
Ayos naman ‘yon kay Noah. Ang pagmasdan ang dalaga sa malayo.
* * *
“Teacher Daisy, puwede ikaw na muna mag-picture sa mga bata. Punong-puno na itong pantog ko,” pakiusap ng kapwa niya guro. Marahan niyang tinanggap ang camera.
“Ako na ang bahala rito, Teacher Micky.” Tuwang-tuwa naman si Daisy na kuhanan ng mga litrato ang mga estudyante.
Tulong-tulong silang gurong maglipit at maglinis ng stage pagkatapos ng program. Katuwang niya si Ian sa pag-segregate ng mga basura.
“Gusto mong kumain tayo sa Daphne’s Grill pagkatapos nito?” yaya nito sa kanya. She gave him a smile and a knowing look which he guessed. “Oh no, hindi. Tanggap ko na ang desisyon mo. Na-miss ko ang pagkain ni Daphne at baka na-miss mo na rin na bumisita doon.”
“Sige, pagkatapos nito,” payag na lamang niya. Aware naman ito na hanggang magkaibigan lang talaga silang dalawa.
“Sunduin na lang kita sa labas ng bahay ninyo?”
“Magbibisikleta ako.”
“Di ka na masanay-sanay sa motorsiklo.” Alam na rin nito kung bakit tinatamaan siya ng kaartehan pagdating sa motorsiklo. “Baka gabihin tayo, papalubog na ang araw. Fine. Magta-traysikel na lang tayo.”
“Okay.” Bahala itong mag-adjust sa kanya. Sa ayaw niyang sumakay ng motorsiklo kapag ganitong gumagabi na rito sa probinsiya. May parte pa naman na walang poste ng ilaw.
Umuwi na siya ng bahay at nagbihis ng blouse na pinaresan lamang niya ng faded jeans. Nagpaalam siya sa mga magulang niya na sa Daphne’s Grill siya kakain ng hapunan kasama si Ian. Kilala na rin naman nito si Ian. Sumakay nga sila ng tricycle ni Ian at saka na niya iisipin kung paano sila makakauwing dalawa.
“Nag-uusap pa rin kayo ni Berry?” tanong nito nang makarating na sila sentro ng bayan. Nandoon ang hospital, municipal hall, palengke, mga ilang establishments at tindahan. Walang masyadong gusali doon, pawang two-storey lang ang taas.
“Oo naman. Kapag di kami busy, tatawagan niya ako o siya ‘yung tatawag sa hapon. O kaya naman magka-text. Bakit?”
“I’m a bit worried since she’s on her own now. She quits the corporate life.”
“Pero really, okay na siya ngayon, Ian. You don’t have to worry about her. She’s a tough woman. Alam mo ‘yan.”
“Well, you are both tough.”
Napangiti siya. “Masaya siya sa Foundation. Alam mo bang pinagkakatiwalaan siya doon? Kahit bago pa lamang siya. Kaya niyang mag-manage, makipaghuntahan sa mga bata, even as an accounting staff. Beauty and brains kaya ‘yang kaibigan ko.”
“Mas proud ka pa kay Berry kaysa sa ‘kin,” biro nito.
Daisy saw the signage of the Thompson’s business and smiled. “Malapit na pala tayo.”
Tumigil na ang tricycle sa tapat ng Daphne’s Grill at kanya-kanya sila ng bayad ni Ian ng bayad. She insisted, to be fair for her even though he wanted to cover it.
“Daphne!” she screamed playfully.
“Gaga! Ikaw pala ‘yan Daisy!” Lumabas mula doon si Daphne na may polka-dotted apron. Sinong mag-aakalang ang maarteng Daphne na parang prinsesa noon ay titira sa payak na bayan? Not to mention, with her simple clothes.
They hugged gleefully much to her husband’s delight.
“Tita!”
* * *
Kabanata: Labing-Apat
Daisy knew she’s unstable now and she felt suffocating in her room. She quit college a year ago and still at lost now. She has been medicating for months yet it took her days to get better. Ngayon, inabutan na siya ng umaga, hindi natutulog at kung saan-saan naglalakbay ang isip niya. Hindi pa nagigising ang mga tao sa bahay nang umalis si Daisy at tanging dala lamang ay ang kanyang pitaka.
Wala siyang eksaktong destinasyon. Gusto lang niyang lumakbay kung saan. Sumakay siya ng jeep at bumaba sa isang lugar kung saan napapaligiran ito ng mga puno’t halaman. Sa bahaging elevated na lugar ng siyudad kung saan napapalibutan rin ng bundok.
Noong mga unang araw ng medication niya ay parang mababaliw siya sa mga boses na naririnig niya. She’s aware that it wasn’t real but it affected her somehow. Her self-esteem and her sanity. She was even more anxious when she walked through that part of the hospital, hearing voices from nowhere. She had a mental fatigue and a depression that needs to be cured. It was due to the pressure she felt in college.
Part of her, hindi niya kinaya ang pagbabago. She was a culture shock and didn’t even have friends to talk to cause she was all alone in that university despite the fact that her former classmates in highschool were there.
She’s going downhill and she didn’t know what to do until she cried for everything that screwed up. Mental visions came and they haunted her every night and left her sleep-deprived.
Nang magsawa siyang pagmasdan ang siyudad mula sa itaas ay sumakay na siya ng jeep pabalik at napadpad siya sa isang Cafè. Pumuwesto siya sa outdoor table doon. Hinayaan lang siya ng mga crew sa Cafè.
Nakatitig lang siya sa baba kung saan umaandar ang mga sasakyan. Nakapaligid sa Cafe ang mga gusali, hotel, office buildings at di-kalayuan ay ang Ayala mall.
Napansin siya ng mga crew doon at nagulat na lamang siya nang lapitan siya ng isang lalaking crew na may bitbit na isang malamig na kape.
“It’s on the house. Kanina pa kita napapansin. Huwag kang mag-alala, hahayaan ka lang namin dito. Mukha kasing malalim ang iniisip mo,” anito. Napatango siya rito at tipid na ngumiti.
“Salamat.” Tumango ito at bumalik na sa loob ng Cafè. Napatitig na lang si Daisy sa papalayong likod nito. Nalipat ang mga mata niya sa kape.
At that moment, she thought of doing something to divert her restlessness and loneliness. She wanted to work. A diversion.
* * *
Hindi makita ni Daisy kung nasaan si Lirio kaya napabuntong-hininga na lamang siya’t pumunta sa canteen kung saan alam niyang nandoon si Shinoah.
“Nakita mo ba si Lirio?” tanong niya rito kaya umangat ang ulo nito sa kanya. Binabasa nito ang isa sa mga reviewer nila. Nalalapit na kasi ang second periodical test nila at panay aral na ang ibang kaklase nila. Mahaba ang vacant time nila ng mga oras na iyon dahil hinayaan lang sila ng mga guro nilang mag-review.
Umiling si Noah. “Hindi. Baka kasama niya si Eden Sofia,” sagot nito na nagkibit-balikat lang. Napanguso na lamang si Daisy at umupo sa katapat nitong upuan.
“Akala ko ba, kokopyahin pa niya ‘yung notes ko.” Pinagkrus ni Daisy ang mga kamay niya. Naniningkit pa ang mga mata niya, konti na lang masasapak na niya si Lirio. Ang notebook kasing iyon ay mga notes niya kung saan doon niya nilalagay ang importanteng details ng lessons sa lahat ng subject nila.
“Maya, baka bumalik iyon rito,” bigay-paalam nito. Napabaling tuloy si Daisy rito.
“Ang lalaking talagang ‘yon, di natatakot na bumagsak ang grades. Minsan, iniisip ko kung paano kayo nagkasundo.” Doon napagtanto ni Daisy na siya ang unang lumapit rito. Nahiya tuloy siya sa approach niya rito at tungkol pa sa pagiging tamad ni Lirio.
“Oh andiyan na pala siya.” Napalingon silang dalawa sa kakapasok lamang na Lirio kasama ang girlfriend nito. Unti-unting nawala ang liwanag sa mukha ni Daisy. Kahit girlfriend ito ng bestfriend niya ay kailanma’y hindi siya naging malapit kay Eden Sofia. Kung wala lang ang girlfriend nito, malamang binatukan na niya ito sa inis.
May ibang nagsasabing ang taray tingnan ni Raspberry kaya’t di masyadong lumalapit ang mga lalaki rito. Pero kay Daisy, si Eden Sofia ang mukhang mataray at medyo cold ang aura. Medyo natatakot siya rito at hinuha niya, kung makakasama niya ito nang ilang oras ay hindi pa rin sila magiging malapit ni Eden Sofia.
Nagpalipat-lipat ng tingin si Lirio sa kanilang dalawa nang makarating sa table nila. Humiwalay si Eden Sofia at tumungo sa table kung saan nandoon ang mga kaklase nito.
Bago pa man ito magsalita ay inunahan na niya ito sabay lahad ng palad niya. “Nasaan na ang mga notes ko? Kakabisaduhin ko pa ang mga impormasyon doon. Natapos mo nang kopyahin?”
Nagkamot lang ito sa likod ng tainga nito. “Di pa.” Napasapo na lang sa noo si Daisy.
“Oh siya, tapusin mo nang kopyahin,” giit ni Daisy at nagmartsa na palayo. Sinundan lang ito ng tingin ni Lirio at Noah.
“Meron ba siya?” Nang bumaling siya kay Noah ay mataman lang siya nitong tiningnan. “Bakit? May ginawa ba akong mali?”
“Tapusin mo na ang pagkopya ng notes niya, Lirio. Hindi ka makakatakas sa ‘kin hangga’t di mo ‘yan natapos,” istrikto pahayag ni Noah. Napakamot na lang si Lirio sa ulo niya. Nagmukha tuloy itong si Shawn sa paningin niya.
* * *
Panay ang pag-abot ni Daisy sa isang libro na nasa itaas na parte ng shelf. Naabot niya isang libro ngunit nahulog lamang ito sa ulo niya bagay na ikinadaing niya. May mga estudyante tuloy na napalingon sa puwesto niya dahil lumikha iyon ng ingay.
Hindi niya namalayang may umabot sa librong kukunin niya sana. “Nagpatulong ka sana.” Kilala niya ang boses niyon kaya napabaling siya kay Noah para lang masorpresa sa pagiging malapit nito. Napaatras tuloy siya nang wala sa oras. Pinulot nito ang nahulog na libro saka nilagay ulit sa dati nitong posisyon.
“Ba’t bumansot ako ngayon?” bulong ni Daisy sa sarili na narinig naman ni Noah.
“Tumangkad lang ako,” mahina ang boses na sagot ni Noah kaya nang tumingala si Daisy sa kanya ay binigyan lang niya ito ng isang simpleng ngiti. Napaiwas tuloy ng tingin si Daisy at napatikhim.
“Uhm, thanks,” sabi niya sabay tanggap sa librong kinuha nito para sa kanya. Noon na napapansin ni Daisy na tambayan rin nito ang library ngunit malayo ang book choices nila. Siya, fiction, ito textbooks at academic materials. “Sige, basa muna ako.”
Tumango lang ito at bumalik na sila sa kanya-kanyang puwesto.
Sumulyap si Noah kay Daisy na nasa libro na ang buong atensiyon. Isang beses nang hayaan sila ng MAPEH teacher nila sa may oval track at field, nakita niyang nagbabasa sa lilim ng puno si Daisy. Tutok na tutok ito at tila wala na sa totoong mundo. Nang matapos na ang klase nila, nagulat na lamang siya nang makitang nakasandal na ito sa katawan ng puno, nakapikit ang mga mata habang ang libro ay nakabukas at nakapatong sa maroon skirt nito. Natulog na ito sa kababasa.
Gustuhin man niyang gisingin ito ay hindi na lang niya ginawa dahil himbing na himbing ito sa pagtulog. Isa pa, vacant naman nila sa susunod na subject. Ang ginawa niya ay nanatili lang sa grandstand habang nagbabasa ng Public Speaking book, binabantayan ito sa malayo. Nataranta pa ito nang magising nang mapansing wala na ang mga kaklase nila at hindi siya nito nakita. Nagmamadali pa itong umalis ng sports center na nasa loob mismo ng eskuwelahan nila.
Kung mabubuking siya nito sa pag-oobserba niya rito ay tiyak na matatakot ito sa kanya pero wala naman siyang ginagawang masama. Gusto lang niyang bantayan ito sa malayo.
* * *
“Nakakahalata na ako ah. Bakit lapit ka ng lapit sa ‘kin?” takang tanong ni Daisy kay Calvin. Kaklase niya ito sa training center kung saan nag-aaral siya ng Food and Beverages. Iyon ang naging desisyon niya, ang sumalang sa technical vocational curriculum upang makapagtrabaho. Resort niya sa pagiging out-of-school youth. A good start for picking up the shattered pieces she earned during her low moments.
“I don’t know. I have this notion na kailangan kitang protektahan.” Itinaas pa nito ang mga kamay bilang pagsuko. Nasa harap lang silang dalawa sa isang gusali na malapad na dalawa ang palapag. Sa second floor ay ang training center nila, sa baba naman ay ang palengke. Umarko tuloy ang kilay niya sa sinabi nito.
Kumibot-kibot ang mga labi niya. Ang plano niya ay makapagtapos sa four month training roon at makapagtrabaho sa isang restau o café. Wala sa isip niyang magkaroon ng isang kaibigan sa durasyon ng training. Apat na buwan lang naman kasi. Inaabot nga ng taon bago maging kaibigan ang turing niya sa mga ito.
“Di mo ako kailangang protektahan,” sabi na lamang niya at tinalikuran ito.
“Kumain muna tayo. Di ka pa nakakapag-hapunan,” pigil nito sa kanya. Bakit ba ang kulit nito?
“Sa bahay na ako kakain,” sagot niya.
Namilog lang ang mga mata nito. “Alas otso na, Daisy. Magkaka-ulcer ka niyan. Kaya ba nakikita kitang bumibili lang ng biscuits at baked chips. Hapunan mo na ‘yon?” eksaherado nitong sambit.
“Oo,” walang-gatol niyang sagot. Wala na siyang choice kundi prangkahin ito. Wala siyang sinasabihan tungkol sa maintenance niya sa gamot at sa mental health niya. Sinundan pa rin siya nito hanggang sa pagtawid niya sa maliit na kalsada upang tahakin ang isang convenience store.
“Daisy naman. Wala akong motibo sa ‘yo. It’s just that may naramdaman akong kakaiba sa ‘yo. Pakiramdam ko, kagaya kita na may pinagdadaanan. Before, tumigil ako sa college dahil nagkasakit ang nanay ko. Pero hindi lang iyon ang dahilan, na-pressure ako. I deal with my depression alone. There, depression. I think you’re in that state.” Namilog ang mga mata ni Daisy nang marinig ito at marahas na napalingon rito. May bumusinang motorsiklo kaya hinila siya sa gilid ni Calvin.
“Paano mo nalaman? Di ko naman kinuwento sa ‘yo. Feeling close ka lang.” Lumayo siya rito at pinagkrus ang mga kamay niya. Nanliit pa ang mga mata niya. Nameywang lang si Calvin.
“Tama ako, di ba?” sabi nito. “Psychology major ako sa college. Alam ko ang symptoms ng depression dahil napagdaanan ko na rin ‘yan.”
Daisy’s eyebrows furrowed. “Hinihintay mo ba akong mag open up sa ‘yo?”
Calvin crossed his arms too and looked intently at her. “Look, nasa iyo kung i-open up mo sa ‘kin. Obvious na may trust issues ka. Hindi kita pipilitin pero sumabay ka na sa ‘kin kumain. Hindi kita titigilan hangga’t di kita nakikitang kumain.”
Napabuntong-hininga na lamang si Daisy tanda ng pagsuko. Masyado itong makulit. Parang di ito matanda sa kanya ng tatlong taon. “Oo na. Sige na, kakain na ako.”
Sa mga sumunod na araw, dumikit na naman ito sa kanya kaysa sa isang kaklase nilang babae na hula niya ay nagugustuhan nito. Sila na tuloy dalawa ang tampulan ng tukso at binabalewala na lamang niya dahil hindi naman totoo. Wala namang pakialam doon si Calvin dahil inamin na nito sa kanya na para siya nitong long lost sister. Wala kasi itong kapatid na babae. Kaya umaandar ang pagiging overprotective. Ang lagay, nagka-instant Kuya siya sa training center.
“Alam mo ba kung ano ang isa pa sa mga dahilan kung bakit lumapit ako sa iyo?” panimula nito nang kumain sila sa isang barbecue-han sa downtown. Nabitin sa ere ang pagpapak niya sa isaw.
“Bakit?” nakataas ang kilay niyang tanong. Iisipin ng mga tao na nakakakita sa kanila ay may namamagitan sa kanila. Nakaalalay kasi si Cali sa kanya, nakahawak ito sa braso niya o di kaya’y nakaakbay sa kanya. Masyado itong matangkad kaya pinatr-tripan siya nitong ipatong ang braso nito sa ulo niya.
“Dahil playgirl pala ‘yung si Yanna. May boyfriend na pala siya at may isang fling. Alam ng baklang si Joel dahil kapit-bahay niya lang,” pagkukuwento nito. Pinukol tulot niya ito ng barbecue stick na wala nang laman.
“Loko ka! Kaya pala. Muntik ka na palang mabiktima. Mas bata pa ‘yon sa ‘kin ah,” komento niya’t uminom ng tubig. “Bakit mo ba ‘yon natipuhan? Dahil ba maganda?”
Iningusan lang siya nito at akmang babatukan pero iniatras lang niya ang ulo niya at natawa. Nagkunwari itong nainsulto. “Attracted lang ako sa mga mata niya, okay?” giit nito. “Nang malaman ko na ganoon siya. Dumikit-dikit ako sa ‘yo kasi magkalapit lang ang edad ninyo at wala ka namang reklamo. Tahimik ka lang sa isang tabi at magkaibang-magkaiba kayong dalawa. Akala ko nga, hindi ka nagsasalita.”
Pabirong umirap lang siya sa hangin. “Silent type ako at di ako yung tipong unang lumalapit.”
Pagkatapos nilang kumain ay inihatid na siya nito sa sakayan bago ito umuwi. Habang lulan ng jeep, nakatingin lang sa bintana at dinama ang hangin ng siyudad ay napapangiti na lamang si Daisy sa isiping may bago siyang kaibigan.
Mula nang umalis siya sa university ay nawalan na siya ng contact sa mga kakilala niya noong highschool maging sa college dahil ayaw niyang malaman ng mga itong may mental illness siya at hindi mabuti ang pakiramdam niya. She was still medicating and recovering.
* * *
Kabanata: Labing-Lima
Hindi sumali ng christmas party si Daisy ngayong third year highschool dahil nagkasakit siya ng araw na iyon at hinanap naman siya ng mga kaklase niya ngunit hindi niya sinasagot ang mga mensahe sa pager niya. Tumulong lang siya sa barbecue-han ng pamilya niya na malapit lang sa isang private hospital. Hindi naman siya nanghinayang na hindi siya nakadalo dahil natutuwa siyang makinig sa mga usapan ng customers nila.
Nang malapit na sumapit ang Pasko ay sa bahay ng Tita Emerald siya naunang nanatili. Sa bisperas na kasi hahabol ang mga magulang niya at doon na magdiriwang ng Pasko. Gusto kasi niya roon dahil maraming libro ang Tita niya, napapagitnaan ng bundok at burol, may ilog sa likod-bahay at hindi magkakalapit ang mga bahay.
Lagi siyang nakatambay sa mini-bar, nakaupo sa high stool habang nagbabasa. Pag nagsawa naman siya ay sa front porch o sa harap ng fireplace habang pinagmamasdan ang mga puno sa paligid.
Inutusan siya ng Tita Emerald niya na bumili ng isang pack ng napkin, para sa kanilang dalawa dahil sabay pala silang dinatnan. Makulimlim ang langit at mukhang nagbabadyang umulan. Nakasuot lang siya ng pambahay at nakatali ang buhok na bun malayo sa ayos ng buhok niya sa eskuwelahan na ponytail.
Nakasuot din siya ng eyeglasses na owl-like ang hugis, reading eyeglasses dahil tila sumasayaw na ang mga letra sa tuwing magbabasa siya. Mga ilang bahay muna ang madadaanan bago makarating sa malaking tindahan. Pagkatapos niyang bumili ng isang pack ng napkin ay biglang umulan.
Paunti-unti lamang iyon nang sumuong siya’t sumilong sa nadadaanang bahay ngunit bahagya pa rin siyang nababasa.
“Mako!” Akala niya, nagkamali lang siya ng rinig pero nang lumingon siya sa gawi patungo sa basketball court ay nakita niyang tumatakbo papunta sa kanya si Noah. Nababasa na ito ng ulan.
Nanlamig siya’t naestatwa na sa kinatatayuan niya. Nagising lamang siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at wala siyang nagawa kungdi sumilong sa lilim ng isang puno.
Basang-basa na ito pero hindi nito alintana iyon. Nang tuluyan na itong nakalapit ay tumigil ito, nakisilong din sa puno at napayuko, habol ang hininga. Nang makabawi ay bahagyang nakangiti na ito at patuloy lang sa pagtulo ang tubig galing sa basang buhok nito patungo sa buong katawan nito.
Napakurap-kurap tuloy ang mga mata ni Daisy. Parang hindi siya makapaniwalang nagkasalubong sila roon.
“Akala ko, namamalik-mata lang ako. Ikaw pala ‘yan, Mako,” sabi nito. Nakasuot ito puting sando at cargo shorts na fatigue.
“A-anong ginagawa mo rito?” Hindi niya naitago ang sorpresa sa boses niya. Nang malipat ang mga mata niya sa hawak niya pack ng napkin ay kaagad niya iyong itinago sa likod niya Nakakahiya. Tinanggal niya ang pagkakasuot ng eyeglasses niyang nababasa na at ginawang headband.
“Taga-rito si Lirio. Niyaya niya akong tumira muna sa kanila. Hindi mo ba alam?” Unti-unti na ring nakunot ang noo nito sa sinabi nito. Paanong sasabihin ni Lirio sa kanya e hindi na sila nagsasabay umuwi o nag-uusap ng madalas.
Muntik na niyang nang makalimutan na malapit lang sa lugar na iyon si Lirio. Tumira na naman ba ito sa Tita nito? Umatras siya para makasilong ito sa puno. Unti-unti na ring humina ang ulan. Naglikot ang mga mata ko at umiwas ng tingin nang pigain mo ang sando mo.
“Dito ka nakatira?” Kinabahan siya at may bahagi sa isip niya na ayaw niyang malaman nito kung saan siya nakatia ngayong christmas season.
“Hindi. Bakasyon lang din. Nasa bahay ako ng Tita ko,” simpleng sagot niya, nakatungo ang ulo at hindi makatingin rito.
Kailan ba matatapos ‘tong ulan at nang makauwi na siya? Nanlaki ang mga mata niya nang lumakas ang ulan. Wala na ring silbi ang pagsilong nila dahil natitilamsikan na sila ng patak ng ulan. Maputik rin sa bahaging iyon dahil hindi pa sementado ang daan. May dumadaan ring habal-habal kaya may posibilidad na masabuyan sila ng tubig na may putik.
“Malapit lang ba ang bahay ng tita mo? Sumuong na tayo ng ulan. Mukhang tatagal pa ‘to,” sabi nito.
Awtomatikong napailing siya. Natigilan ito saglit hanggang sa mahagip ng mga mata nito ang hawak niyang pack ng napkin. Nag-iwasan sila ng tingin, biglang nagkahiyaan.
Sinamahan siya nitong magjintay doon nang ilang minuto. Isang mahabang katahimikan ang sumunod doon, tanging ang pagpatak ng ulan sa puno, sa bubong ng bahay ang naririnig nila. Matagal. At di na nakatiis si Daisy.
“Ikatlong araw ko naman ito e, hindi na malakas ‘yung…” Nabitin sa ere ang mga salita niya dahil tinablan na siya ng hiya. Nilamon ng buhos ng ulan ang boses niya nang sumuong siya sa ulan.
Umihip ang isang malakas na hangin at nagliparan ang mga dahon mula sa mga punong nakapaligid. Animo’y may bagyo. Hindi na siya nakinig ng radyo kay di niy alam kung may bagyo ba o wala at December ngayon. Maraming pumapasok na bagyo sa bansa.
Wala nang masyadong habal-habal na dumaraan sa kalsada. Inunahan na niya itong tumakbo. Hindi niya mapigilan kung bakit may takot siyang nadarama kapag nagtagal pa sila sa lilim ng malaking puno.
“Teka, Mako! Hintay! Ang bilis mong tumakbo!”
Ang nangyari, para siyang hinabol ito kaya mas lalong bumilis ang pagtakbo niya.
“‘Wag mo nga akong habulin!” sabi niya naman.
“Tumatakbo ka e!” sagot naman nito. Mukha silang mga tanga na nagtatakbo sa ilalim ng malakas na ulan.
“Mukha tayong tanga!” Natawa si Daisy at natawa na rin ito sa kakatakbo nila.
Tumigil siya’t sumilong sa isang maliit na tindahan. Sumunod naman ito. Mukha na silang mga basang-sisiw. Nang matingnan niya ang cotton shorts niya, nag-alala siya na baka mabasa siya sa loob. Ilang metro lang rin naman ang layo ng bahay ng Tiyahin niya.
“Baka hinahanap ka na ni Lir,” sabi niya, tinataboy ito.
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Noah. “Nauna na siyang umuwi kanina.”
“Huh?” Masyadong fixed ang atensiyon niya sa tumutulong tubig mula sa bubong na sinilungan nila. Doon niya ginawi ang atensiyon niya upang hindi niya mapagtuunan na masyado silang malapit ni Noah.
“Ihatid na kita sa inyo,” prisinta nito na ikinalaki ng mga mata niya.
“Wag!” Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Nagtaka, kung bakit ganun ang reaksyon niya. “Sorry, ayoko lang na may maabala akong tao. Mauna na ako sa ‘yo, Noah.”
Lumayas na siya roon at kumaripas ng takbo, lumiko hanggang sa natagpuan na niya ang pulang gate ng bahay ni Tita.
Nang makasilong siya sa porch ay nakita siya ng tiyahin niya na basang-basa na at yakap-yakap ang sarili.
“Para kang nakakita ng kapre, ‘neng.”
“Higit pa po sa kapre, Tita,” nakangiwing sagot niya.
* * *
Hinilot ni Noah ang sentido niya’t pagod na sumandal sa monobloc habang inulit-ulit sa isip niya ang mga natutunan niya noong last semester Importante iyon sa subject niya ngayon kaya inaral niya nang mabuti. Nang mapansin niyang may mga employee na pumasok sa registrar office ay umayos siya ng upo at ibinalik ang atensiyon sa mga papeles na kailangan niya pang asikasuhin.
Panaka-naka lang ang pag-aaral niya sa gitna ng pagtatrabaho niya. May mga araw nga na gusto nang bumigay ang katawan niya sa pagod. Trabaho. Eskuwela. Wala na siyang oras para sa sarili niya. Ni ang pagbabantay kay Lirio ay hindi niya magawa. Ayon kay Shawn, nagkukulong lang sa bahay si Lirio at hindi lumalabas ng kuwarto nito.
Even though, Shawn and him didn’t mention about it. They knew that they were affected too because of Lirio’s situation now but they couldn’t do anything about it but to let him. But if Lirio wants to summon them, then they’ll directly go to his house but Lirio was not doing anything. Gumuguho na ang mundo ng kanyang matalik na kaibigan. Ang kaibigang malaki ang naitulong sa kanya at heto siya’y nagpakasubsob sa pag-aaral at bilang working student.
Tired, he forced himself to buy food for his friend. Natagpuan na lamang niya ang sariling nasa Golden Valley.
The place that held most of his memories with the girl he took for granted years ago. And he was too occupied to notice it and too messed up.
When he passed by a familiar small bridge and the small river below it, he felt nostalgic. Ang mga halaman at mga punong nakapaligid sa sapa ay tila yumabong pa ata ngayong moonsoon months. Sumingaw mula sa baba ang kalamigang taglay ng dumadaloy na tubig, na tinatamaan ang mga bato roon. Sagana ang tubig roon. Same bridge but different weather before.
It was when they finished their third year highschool. And for the second time around, Lirio dragged him to Tita’s house to spend his vacation there. He has no idea of Lirio’s plan at first.
* * *
Aware si Noah na minsan na niyang nakita si Daisy sa village na ‘yon at nalaman na magkapit-bahay lang ang Tita nito at ang Tita ni Lirio.
Ngunit masyado yatang mabilis ang kilos ng tadhana dahil nakita na lamang nila ni Lirio sa Daisy sa sapa. Natigil sa pagpedal si Noah sa bisikleta at nasa likod naman niya si Lirio. Nakalublob ang mga paa sa dumadaloy na tubig. Hindi man lang umabot sa kalahati ng binti nito sapagkat summer ngayon.
There was no denying that it was Daisy with her short hair with braids on either side of her head. Her hairstyle which he noticed. Napansin ata nito na may nakatingin rito. Awtomatikong nanlaki ang mga mata nito nang makita sila. Kinawayan ito ni Lirio.
“Daze? Maliligo ka d’yan?” pagbibiro ni Lirio.
“Sa tingin mo ba, makakalangoy ako sa konti ng tubig rito? Hindi no,” angal nito kay Lirio at bumaling sa kanya. Ang ganda talaga ng ngiti nito, umaaliwalas lalo ang mukha.
“Hi, Noah. Magkasama na naman kayo. Hindi na nakakagulat,” anito. Sabagay, nagkita na sila noong December at napangiti na lamang siya nang maalala ang nangyari noon.
“Hello, Daisy.” He’s not used to calling her Daisy but he started to call her in her first name.
“Gusto mong sumama? May bibilhin lang kami sa JY. Mukhang kasya pa naman tayo sa bisikleta. Dito ka sa unahan ni Noah,” shameless na pagbanggit ni Lirio. Mariin siyang napakapit sa handle ng bisikleta samantalang natawa naman si Daisy. Sa hiya o sa pagiging absurd ng offer ng kaibigan niya.
“Hindi na tayo kasya d’yan. Nagtataka ako kung bakit nagkasya kayo d’yan. Maawa naman kayo sa bisikleta oh.”
“Umahon ka na nga d’yan sa sapa, mukha kang tanga. Kasalanan mo kung bakit kasama ko si Noah. Ocean ang unang pinili mo.”
Tigalgal si Daisy sa sinabi ni Lirio na siya ring ikinasingkit ng mga mata ni Noah. Pinagsasabi ng kulugo?
“Lir!” reklamo ni Daisy, kulang na lang magpadyak doon sa may sapa. Bago pa man may lalabas ulit sa bibig si Lirio ay hinila na niya ang likod ng sando nito kasabay ang pagtulak ng bisikleta.
“Kapag nagtagal pa tayo, baka mainip na ang Tita mo sa ‘tin. Bilis. Ang dami mong pasakalye,” nasabi niya at tatawa-tawa naman itong nagpatangay sa kanya.
Now, he knew why Lirio dragged him. Siraulo talaga. Ang hilig nitong mag-imbento ng kung ano-anong schemes at sila ang biktima ni Lirio.
* * *
Bisperas ng Pasko. Samu’t saring paputok ang nagpaingay sa paligid. Nakatambay sa terrace si Daisy, pinagmasdan ang pagkalat ng fireworks sa kalangitan at ang mga kulay niyon ay maaninag sa mukha niya.
Bumaba na siya’t nakisali sa kulitan ng pamilya nila habang kumakain nang makatanggap siya ng mensahe sa pager niya.
Nasa labas ako ng bahay niyo. – Noah
Nanlaki ang mga mata niya at nabitin sa ere ang kinakain niyang isaw nang mabasa iyon. Bago pa siya ma-paranoid na makita ng pamilya niya si Noah ay nagpaalam siyang lumabas ng bahay, dala-dala ang dalawang baso na may lamang fruit salad. Hindi na siya nag-abala pang magbihis, tanging pares ng pajama shorts at blouse lang ang suot niya na may print ng daisies. Regalo ng tiyahin niya na sa tuwa niya ay isinuot niya kaagad.
May ngiti sa mga labi nito nang makalabas na siya ng gate. Ang liwanag ng buwan at ilaw mula sa isang poste ang tumanglaw sa maaliwalas nitong mukha.
“Merry Christmas and Advance Happy New Year,” bati nito sa kanya at namumulsa, nahihiyang salubungin ang mga mata niya.
Awtomatiko siyang napangiti at bahagyang nahiya pa. “Merry Christmas and Advance Happy New Year din. Nagdala ako ng fruit salad. Sa ‘yo itong isa.” Inilahad niya rito ang baso na alanganin nitong tinanggap.
“Birthday ko ngayon,” nakayukong sambit nito. Namilog ang mga mata ni Daisy.
“Oh? Happy birthday! Bakit ngayon mo lang sinabi? Nakapaghanda na sana ako ng gift para sa ‘yo.” Bahagya pa siyang napanguso. “Fruit salad lang tuloy natanggap mo. Tumulong ako sa paghiwa ng prutas niyan. Si Mama ang nagtimpla.”
“Salamat dito.” Bahagya pa nitong itinaas ang baso. Naglakad na ito patungo sa isang puno ng mangga. May wooden bench kasi roon na puwedeng pagtambayan. Huminga siya nang malalim nang tuluyan na silang makaupo roon.
“Di mo kasama ang pamilya mo ngayong Pasko?” Muntik nang kurutin ni Daisy ang sarili niyang mapagtanto niyang maselan ang paksa na iyon.
Saglit na hindi nakaimik si Noah at kumain lang ng fruit salad. Napatungo naman si Daisy at babawiin na sana ang tanong nang magsalita ito. “May iba na silang pamilya, Mako. Ang tatay ko may asawa, maging ang nanay ko. Hindi sila kailanman ikinasal. Dati silang magkasintahan.”
Napamaang na lamang si Daisy at hindi alam kung ano ang sasabihin. Ang totoo, may ideya na siya roon sapagkat nagkausap sila sa karinderya ni Aling Toni ngunit kaunting detalye lang. Ang alam lang niya ay may stepmother ito.
Nakayuko lang si Noah, nakatingin sa nagtataasang damuhan sa harap nila. Tanging huni ng kuliglig at ihip ng hangin ang maririnig.
“Sorry,” tanging sambit ni Daisy. “Kaya pala napapansin kong si Ate Luanne ang kumukuha ng report card mo.” Si Ate Luanne ang older sister ni Lirio na kilalang amazona ayon pa kay Lirio. Nalungkot siya sa bahagi ng buhay na iyon ni Noah na nag-iisa na lamang ito, kahit na may nanay at tatay pa rin ito. Kaya naaaninag niya ang kalungkutan sa mga mata nito.
Marahan itong tumango. “Oo. Hindi ko na masyadong inisip na bunga lang ako ng isang pagkakamali at huli na upang pigilan iyon.” Sa gulat ni Daisy ay napatayo na siya sa kinauupuan niya at humarap rito.
“Hindi. Kailanman hindi isang pagkakamali ang magkaroon ng anak. Ang totoo hanga ako sa ‘yo dahil bagama’t magulo ang estado ng pamilya ay maayos ka naman napalaki. Mabuti ang kalooban mo at masipag ka sa klase. Mali sila kung iniisip nilang bunga ka ng pagkakamali,” litanya niya rito. Hindi niya akalaing may mga magulang na ganoon mag-isip. Kasalanan pa ba ng anak nito at iparamdam rito ang bagay na iyon? Kumukuyom ang mga kamao niya sa isiping iyon at namalayan na lamang niyang masyado na siyang nadala sa emosyon niya nang biglang tumawa si Noah.
Napatulala na lamang siya nang pagmasdan ang masaya nitong mukha. Hindi siya nito pinagtatawanan dahil may nakakatawa sa sinabi ngunit natuwa itong kahit papaano gumaan ang loob nito sa sinabi niya. Parang may kumurot sa puso niya.
“Salamat, Mako,” malumanay nitong sabi at ngumiti. “Sapat na iyon para sumaya ako ngayong kaarawan ko.”
Napakurap-kurap si Daisy at tumalikod rito. Ayaw niyang makita nitong naiiyak siya sa isiping napasaya niya ito ng konti at lungkot dahil sa pinagdadaanan nito. “Wala ‘yon. Kaibigan kita. Kakampi mo ako.”
Nang gabing iyon, nakatunganga lang si Daisy sa terrace, nakatingala sa maliwanag na buwan pagkatapos nilang maghiwalay ni Noah. Ayaw nitong mapuyat siya rito. Gusto lang daw siya nito makita sa birthday nito at parang mangingisay ang puso niya nang mga oras na iyon. Napahinga tuloy siya nang malalim at nanalanging sana’y ayos lang si Noah at nawa’y gabayin ito ng Diyos. ‘Yon lang ang hiling niya para rito.
* * *
Noah was in front of Lirio’s house. He’s staying in the house because his Tita worked in London now. Ito na muna ang tumao roon ngunit paminsan-minsan lang. Ang bahay na pinili ng kaibigan niyang magmukmok.
Kabanata: Labing-Anim
Gaya ng nakagawian, sa bahay siya ng Tita Emerald siya tumira pagsamantala sa bakasyon dahil lumuwas na naman ng Mindanao ang pamilya niya maliban lamang sa kanya at si Desiree. Isinama ng mga magulang niya si Dean. Ang Kuya Jerome niya naman na anak ng Tita Emerald niya ay lumuwas ng Palawan at doon nagbakasyon kaya sila lang ang tao sa Berntsen’s Residence.
Masayang-masaya si Daisy dahil nakabalik na naman siya doon dahil nakakalma ang kalikasan sa paligid. Maaga silang natutulog at nagigising rin. Sinanay sila ng tiyahin niyang matulog nang maaga at kaysarap pakinggan ang huni ng kuliglig at ihip ng hangin tuwing gabi maging ang pag-abang ng pagsikat ng araw sa umaaga.
Hindi pa nakakapaghilamos si Daisy nang magdesisyon siyang lumabas ng bahay at tumambay sa front porch sana, tangan-tangan ang librong di pa niya tapos basahin.
Humikab siya nang marinig niyang may tumatawa sa kung saan. Nahindik siya nang makita niya sina Lirio at Shinoah na nagbibisikleta at parehong nakangisi sa kanya. Sa pagkataranta niya, pumasok siya sa loob ng bahay at nang matingnan niya ang itsura niya baso na nakapuwesto sa mini-bar ay naibagsak niya ang sarili sa sofa sa panlulumo.
Nakita na siya ng dalawa na nakalublob sa may sapa noong nakaraang araw, bakit mahihiya pa siya?
Kinabukasan, sabay silang naligo ni Desiree sa labas ng bahay. Pinaliligiran ng matataas na bakod ang bahay. Isa pa, intact naman ang mga damit nila kaya di sila gaanong masisilipan. Wala namang masyadong dumadaan doon dahil maaga pa. Kinukuskos niya ang buhok niyang may shampoo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang dulo ng buhok na Lirio at mas lalo siyang nagulat nang kasama nito si Shinoah na nakita rin siya’t sumaludo pa habang lulan ng bisikleta.
Dali-dali siyang pumasok sa pinto patungong kusina na nagsilbing daan sa bakuran na iyon. Tumutulo pa ang tubig na may sabon at shampoo sa mat.
“Ate! Andito mga kaibigan mo oh!”
Pinandilatan niya ng mga mata si Desiree na tumawa lang. Pinalipas niya muna ang limang minuto saka siya lumabas pero bigo siya dahil bumalik din ang mga ito, nagbibisikleta at nagtatawanan nang makita siyang naligo na sa bola ng shampoo. Di ba nito ramdam na naiilang siya dahil nakita siya nitong naliligo?
Hinanda na ni Daisy ang simangot sa mukha niya nang itulak niya ang bisikleta niya papunta sa dalawa. Si Lirio ay may pilyong ngisi sa mga labi at si Shinoah naman ay ngumiti lang na parang may halong pang-aasar. Mukhang aasarin siya ng mga ito sa nakita nito kanina.
“Tigilan n’yo ako sa mukha n’yong iyan ha.” Mas lalo lang natawa ang dalawa.
“Parang kang binuhusan ng malamig na tubig. Paano kaya kung maligo tayo ng dagat? Ganoon pa rin ba ang hitsura mo? Mukhang tilapia na namutla sa sabaw ng sinigang,” biro ni Lirio. Akmang hahampasin niya ito nang lumayo ito at tatawa-tawang nagtago sa likod ni Shinoah.
Hawak-hawak pa rin ang handle ng bisikleta ay naniningkit ang mga matang tinanong niya ang mga ito, “Bakit n’yo pala ako pinalabas at bakit may bike? Saan tayo pupunta?” tanong niya sa mga ito.
Ang makulit na Lirio. Hindi na tinantanan ang pager niya.
“Basta, sumabay ka na lang sa ‘min ni Noah. Nababagot na kasi kami at naisip naming isama ka na lang,” sagot ni Lirio at sinenyas na sumakay na sila ng bisikleta. Lumulan na rin sa tulak nitong bisikleta si Noah. Sumakay na rin siya sa bisikleta niya. “Sa JY Square lang tayo, may bibilhin lang saka tayo tatambay sa isang clearing, sa may Eco-tech. Katabi lang ng isang Stallion ranch.”
“Ha? Eh sa kabilang daan ‘yun, at marami ang sasakyang dumadaan doon,” angal ni Daisy. Ang totoo, hindi pa masyadong confident si Daisy na makipagsabayan sa mga sasakyan habang nagpepedal ng bike.
Nginisihan lang siya ni Lirio. “Nandito naman kaming dalawa ni Noah. ‘Wag kang matakot. Marami kang hindi mararanasan kung paiiralin mo ang takot,” katwiran pa nito. Tinanguan lang siya ni Noah tanda na nakaalalay ang mga ito sa kanya. Nagpadyak na nang bisikleta dahil nahuhuli na siya sa mga ito.
* * *
Habang nagpapadyak silang tatlo ay nakaramdam ng saya si Daisy, ang hindi maipaliwanag na kasiyahan kasama ang mga kaibigan niya, habang nadadaanan nila ang mga punong niyog, ang mga sangang nakaharang sa ibabaw maging ang pag-iwas nila sa mga habal-habal.
“Teka, hintay!” sigaw niya sa mga ito dahil bumibilis na ang pagpadyak ng bisikleta ng mga ito.
Humalakhak lang si Lirio. “Wooh!” Tumayo pa talaga ito sa bisikleta nito at mas lalong binilisan ang pagpadyak. Paraan ng pang-aasar nito sa kanya.
“Teka lang! ‘Wag n’yo ‘kong iwan!” sigaw niya kay Noah, ingat na ingat sa pagpedal dahil baka mabundol siya ng maliit na bato at mapunta sa lubak-lubak na parte ng kalsada. Bumungad sa kanila ang malawak na damuhan at ilang kilometro mula doon ay bulubundukin kung saan may mga bahay na nakatirik doon. Sa parteng iyon ay may sibilisadong daan na madadaanan ng mga sasakyan. May daan doon pababa sa lugar nila.
Humina naman ang pagpadyak ni Noah at hinintay siya. Napakapit siya sa bisikleta nito at napahingal nang wala sa oras. “Halimaw ba ‘yung si Lirio?”
Nagkibit-balikat lang si Noah na may ngiti sa mga labi. “Siguro? Mababaw lang ang kaligayahan ng isang ‘yon.”
Napansin ni Daisy ang kumot sa basket ng bisikleta nito. “Gagamitin natin ‘yan sa picnic? Aba, naghanda talaga kayo at mukhang sigurado kayong sasama ako.”
“Alam kasi naming wala kang masyadong ginagawa kundi nagbabasa lang sa may front porch o di kaya’y sa may pugon,” sabi nito pero natigilan lang nang mapagtanto ang lumabas sa bibig nito.
“Wala nga akong pinagkakaabalahan masyado ngayong bakasyon. Ano, tara na?” yaya pa niya’t tinuloy na ang pagpedal.
Malawak ang ngiti ni Daisy nang mapagtanto niyang nasa likod lang niya ito, ni hindi siya inuungusan. Tila naiinip na si Lirio nang makarating na sila sa paanan ng major road.
“Tagal n’yo naman! Anong ginawa n’yo ha?” nang-aakusang tanong nito.
“Wala ano. Nag-usap lang kami ni Noah sandali,” katwiran niya’t sumunod rito na tumawid.
Nang araw na iyon, bumili sila ng mga pagkain sa JY, nagbisikleta sa may Eco-tech at tumambay sa isang malawak na clearing habang pinagmamasdan ang mga puno sa paligid. Minsan magkasama silang magbisikleta sa kung saan-saan. Minsan, tinatanggihan niya dahil pagod siya, umiiwas sa mga ito o abala sa pagbabasa ng libro na galing sa built-in shelves ng Tita niya.
* * *
Isang umaga, naghahanda na para sa enrollment si Daisy. Masaya siya dahil huling taon na niya sa highschool, bagong mga gamit, bagong mga alaala. Mabusisi ang enrollment ng ANS at isa sa mga kondisyon niyon ay ang magsuot ng school uniform. Lumang maroon skirt niya ang suot niya na wala siyang balak palitan dahil last school year na at ang puting blouse niya.
“Tita! Alis na po tayo!” tawag niya sa Tita Emerald niya na siyang sasama sa kanya sa enrollment. Pagbukas niya ng gate ay nagulat siya nang madatnan niyang nakaabang sa labas ng gate sina Shinoah at Lirio. Nakasuot din ito ng school uniform, khaki pants at polo shirt saka school shoes.
“Mga kaklase mo?” tanong ni Tita Emerald kaya tumango siya.
“Opo, Tita. Baka makisabay po sa ‘tin,” sagot niya’t lumapit sa dalawa. Nagmano ang mga ito kay Tita Emerald.
“Naku, wala ba sa inyo ang manliligaw sa pamangkin ko?” Parang nahirinan ng laway si Daisy sa nanunuksong tanong ng kanyang tiyahan. Si Lirio naman ay pasimpleng siniko si Noah na parang may alam nito habang sinamaan lang ito ng tingin ni Noah.
“Naku, Tita Em! Kami na po ang bahala kay Daze! Bantayan n’yo na lang po ang bahay ninyo at si Desiree. Walang mag-aalaga sa kanya. Whole day po kami sa school e,” sambit ni Lirio na lumapit sa tiyahin niya’t pasimple itong hinila pabalik ng gate. Anong pinaplano nito? Nagtatakang tiningnan niya si Noah, humihingi ng kasagutan pero iniwas lang nito ang mga mata.
“O siya, mag-ingat ka d’on, hija. Heto, dagdagan ko na itong baon mo. Hindi mo sinabing whole day pala ang enrollment ninyo. Di naman ganyan sa ANS noong kapanahunan namin.” Nagbigay ng karagdagan na baon ang tiyahin niya na atubili niyang tinanggap. “Mag-ingat kayo ha!”
Pinagkrus niya ang mga kamay niya at humarap sa dalawa na nagsisikuhan lang. Ginaya niya ang hitsura ni Raspberry na mukhang mataray. “Pinaplano n’yo ha? Alam n’yong kailangan natin ng guardian para pumirma ng slips natin.”
Pinaraan ni Lirio ang mga daliri nito sa basa pa nitong buhok. “Diskarte lang ‘yan, Daisy. Ipepeke natin ang pirma ng mga guardians natin. Ako ang pipirma sa’yo, ikaw kay Noah, si Noah naman ang pepeke ng pirma sa ‘kin. Kabisado mo naman ang pirma ng mga magulang mo, di ba?”
Teka, bakit hindi niya iyon naisip kaagad? Naistorbo pa niya ang tiyahin niya. “Eh? Baka mahuli tayo! Mahalata pang wala tayong kasamang guardian.”
“Di naman sila gaanong mahigpit. Basta hindi ka magpapahuli,” katwiran naman ni Noah na parang lang rito ang gagawing diskarte raw ni Lirio. Napanguso na lamang siya’t sumabay na sa mga ito. Nag-abang silang tatlo ng habal-habal. Nang may tumigil na dalawang motorsiklo ay napagtanto ni Daisy na hindi niya naisip na sasabay siya sa isa.
“Lir,” pag-agaw niya ng atensiyon kay Lirio na sumampa na sa motorsiklo.
“Doon ka na sumabay kay Noah. Malikot akong sumakay ng motorsiklo,” labas-ilong na katwiran nito. Kunot-noong natawa siya’t tinungo na ang motorsiklong sasakyan nila ni Noah.
Nagkatinginan pa silang dalawa sabay iwas ng tingin. Napakamot na lang sa leeg niya si Daisy.
“Ikaw na mauna. Ako na sa likod,” ani Noah na sinang-ayunan lang niya. Abot-abot ang pagpigil niya nang hininga nang sumampa na sa likod niya si Noah. Ramdam na ramdam niya ang presensiya nito sa likod niya at halos iyuko niya lalo ang ulo niya’t isandal sa drayber.
“Uy, okay ka lang ba?” tanong nito sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot. Nakahinga na siya nang maluwag nang makarating na sila sa major road at sumakay na ng jeep. Sinamaan lang niya ng tingin si Lirio na siyang ikinataka nito pero inirapan lang niya ito. Paano ba makaganti rito?
Nang makarating na sila sa Abellana ay marami na ang nagpapa-enroll. Kaagad silang tumungo sa bulletin board kung saan nakapaskil ang magiging section nila. Napamaang siya nang makita ang pangalan nina Kei at Jin, ang mga kaibigan niyang malalakas ang mga radar. Naloko na.
“Uy, classmate.” Nag-apir pa ang dalawa nang makita nito ang pangalan nito sa listahan. May nadagdag at may nabawasan pero kaklase niya pa rin si Klint, Marc, Noah, Lirio at higit sa lahat ang bestfriend niyang si Raspberry. Didikit na lang siya rito hindi kina Jin at Keisha. Tama, ‘yon ang gagawin niya.
Nakasabayan niya si Raspberry na mag-enroll kasama ang nakakatanda nitong pinsan na tumayong guardian nito habang siya’y pineke lang ni Lirio ang pirma ng kanyang guardian. Mabuti na lamang hindi sila nahuli sa kalokohan nila.
Matapos mag-enroll, bitbit ang mga libro nila ay sumakay na sila ng jeep at napagdesisyunan na hindi sila bababa sa paanan kungdi sa ibabaw. Napapagitnaan siya ng dalawa sa jeep, tila siniksik pa siya lalo nang dumami na ang pasahero. Hapon na kasi sila natapos at uwian na ng mga trabahante.
“Excited na ako sa pasukan,” basag ni Daisy sa katahimikan nilang tatlo. Bumaba na ang ilan sa mga pasahero sa may JY kaya lumuwag na roon. “Sana hindi strict ‘yung adviser natin ano? May trauma kasi ako sa mga malditang teacher. Nangyari iyon nang pagalitan ako noong nilagnat ako kasi di ko pinansin ang tawag sa ‘kin ng teacher,” pag-ungkat niya sa alaalang iyon noong elementary pa siya.
“Bakit ka pumasok? Nagpahinga ka na sana dahil may sakit ka,” katwiran ni Noah. Sa kaliwa niya ito nakaupo at halos sumandal na siya rito dahil paangat na ang jeep sa uphill, sa may Plaza Housing na sila.
“Kilala ko ba ‘yan? Sa daming beses na akong tinamaan ng chalk at pambura, di ko alam kung sino sa kanila,” nakangiting biro ni Lirio kaya lumalim tuloy ang kaliwang dimple nito.
“Pasaway ka kasi. Hindi ka mapalagay sa isang lugar. ‘Yung kakulitan mo, nandiyan pa rin,” komento niya kay Lirio. “Ikaw, Noah? Napagalitan ka na ng teacher no?”
Tumango ito at biglang naging seryuso ang mga mata. “Oo. Lagi kasi akong absent. Binabantayan ko ‘yung mga kapatid ko. Napapahaba kasi ang oras ng nanay ko sa tong-its, sa may kapit-bahay.”
“Lagi ba daw talo?” Hinawakan ni Lirio ang kanyang braso tanda na ayaw siya nitong pagsalitain. Napagtanto siguro nitong ayaw nitong maging seryuso masyado ang usapang iyon.
“Oo. Minsan panalo. Kung nanalo ka noong una, siyempre masaya ka at pupusta pa kaya ayokong sumugal e.”
“Pa’no kapag sumugal ka sa isang bagay na di naman pera?” Sinadya pa siyang tapunan ng makahulugang tingin ni Lirio na ikinataka lang ni Daisy.
Nagkibit-balikat lang si Noah. “Ewan. Depende.” Ilang minuto ang lumipas ay dumating na sila sa babaan at nagpara na sila. Bumaba na sila’t tumawid ng kalsada. Sumalubong sa kanila ang dalisdis na daan, hahatakin sila niyon ng gravity pag di sila nag-ingat. Dahan-dahan silang naglakad pababa at namamangha na lang si Daisy sa mga tanawin sa baba. Ang iba’t ibang klase ng bahay, may mga saging sa gilid ng bundok at ang mga nadadaanan nilang talampas at halamang baging at mga puno.
Pababang naglakad sila nang lapitan siya ni Lirio. Nauunang naglakad sa kanila si Noah, bitbit rin ang libro nitong nakatali sa straw.
“Ano na naman, Lir?” pataray niyang sita rito pero ngumisi lang ito at bahagya siyang natakot na tila kumislap pa ang mga mata nito.
Nagulat na lamang siya nang itulak siya nito nang malakas at dahil hindi niya inaasahan iyon ay nawalan siya ng balanse sa paglalakad at nagtuloy-tuloy sa pagtakbo sa downhill. Napatili siya nang wala sa oras.
“Lirio! Teka! Teka! Paano ba magpreno?” Hindi niya mapigil ang sarili niyang magtuloy-tuloy sa baba at hindi rin nakatulong na bitbit niya ang mabibigat niyang mga libro. Nakataas lang ang malayang kamay niya, pilit pumreno.
“Teka, teka!” sigaw pa rin niya. Napalingon si Noah sa kanya na nanlaki ang mga mata nang makita siyang tumakbo nang pabulusok papalapit rito. Malapit na ito sa paanan ng slope. Mahahagip niya ito. “Noah! Tabi!”
Akala niya ay tatabi ito ngunit nagulat na lamang siya’t napasinghap nang salubungin siya nito, saluin at sa isang iglap ay yakap-yakap na siya nito. Maging ito man ay naestatwa. Nanlalaki ang mga mata ni Daisy, nakayakap rito. Nakapulupot ang isang kamay nito sa beywang niya habang ang isang braso niya ay nakayakap sa leeg nito.
Pumalakpak ang walanghiyang si Lirio kaya dali-dali siyang napabitiw kay Noah. Ang bilis ng tibok ng puso niya, sa pagkakalapit niya kay Noah at ang muntik niyang pagkadisgrasya.
“Walanghiya ka Lirio!” Hinabol niya nang walang humpay si Lirio at bago pa man niya mahagip ang buhok nito ay tatawa-tawa itong tumakbo papalayo sa kanila. Nasa patag na daan na sila’t ilang kilometro na lang ang layo ng bahay nila.
Bumagal ang pagtakbo ni Daisy, nanghihina pa rin sa eksena kanina. Halos hindi siya makatingin kay Noah na inabutan na siya. “Sorry kanina,” usal na lamang niya.
“Kung di kita nasalo, baka nagtuloy-tuloy ka na sa puno ng saging. At okay lang ‘yon.” Nagtaka tuloy siya kung bakit pinipigilan lang nitong ngumiti at tumakbo papalapit kay Lirio.
“Hay naku, ang hirap intindihin ng mga lalaki,” nakangusong sambit niya sa ere at hinabol ang dalawa.
Kumawala ang isang malawak na ngiti sa mga labi niya’t sinamyo ang bango ng mga puno sa paligid at pinagmasdan ang papalubog na araw. Nilingon lang siya ng dalawa na tinamaan ng sinag ng araw, kapwa ito nakangiti sa kanya habang hinihintay siya.
* * *
Maagang gumising si Daisy at nakangiti niyang pinagmasdan ang unti-unting pagsikat ng araw sa verandah. Nagtimpla na siya ng kanyang kape at ngayo’y inuubos na lamang niya ang ni-toast niyang slice bread na may palaman na cheese. Summer had always been her favorite season, apart from not having to worry about school stuffs, she had plenty of time to read and doing other things that could make her happy for a while.
Napag-isipan na muna niyang maglakad-lakad sa labas. Maganda talaga ang panahon at kasama na roon ang mood niya. Masaya siya sa araw niya na iyon. Pakiramdam niya ay malaya siya. Napangiti siya sa mga nagdadapuang mga ibon sa mga puno roon. Para siyang nasa probinsiya sa lugar ng Tita Emerald niya. Kakaunti ang mga bahay at nahaharangan ng mga burol na kulay luntian. Sasakay pa ng habal-habal bago makarating sa sulok na iyon ng Cebu City.
Nakapaskil ang ngiti sa mga labi niya nang may mamataan siyang lalaking naglalakad at saka lang napawi nang kaunti ang ngiti niya nang mamukhaan ito.
Si Noah. Nag-flash sa isip niya ang kahihiyan niya noong enrollment nang mayakap siya. Nag-iinit ang mukha niya nang lingunin siya si Noah na bahagyang nasorpresa nang makita siya. Mabagal ang hakbang na lumapit ito sa kanya samantalang siya’y nanatiling nakatayo.
“Hi. Magandang umaga,” nakangiting bati nito sa kanya. Mukhang maganda rin ang gising nito dahil maaliwalas ang mukha, kaibahan sa ekspresyon ng mukha nito pag nasa school sila.
“Hi Noah. Magandang umaga rin. Nakapag-breakfast ka na?”
“Kape lang at tinapay.” Tumango-tango siya. “May pupuntahan ka? Samahan na kita?”
“Ay naku, naglakad-lakad lang ako. Gusto ko lang maglakad ngayong umaga. Ikaw?”
“Gusto ko ring maglakad. Okay lang ba sa’yo may kasama?”
Tuluyan na siyang napangiti. Ito pa yata ang nahihiya sa kanya. “Hindi, okay lang.”
Tahimik lang silang naglalakad sa gilid ng daan, nakatanaw sa mga bahay roon at tanawin na walang eksaktong direksiyon. Sinamyo ang hanging-umaga na sinasayaw ang mga dahon ng puno na nadadaanan nila. Tinanaw niya ang asul na kalangitan.
“Alam mo bang gusto ko talaga ang summer? Bukod sa walang klase at mga alalahanin sa eskuwela, ang ganda lang gumising na hindi ka nagmamadali. Na ini-enjoy mo lang ang araw at walang plano. May mga oras ka na ganito, naglalakad lang tayo na di natin inaalala kung saan tayo tutungo,” nakangiting sambit niya habang nakatitig pa rin sa kanila. “Kung sana’y ganito na lang lagi ano?”
Saka siya lumingon rito at bahagya pa siyang napaurong dahil nakatitig pala ito sa kanya. Nailang siya sa pagtingin nito sa kanya na tila ba sa kanya lang nakapokus ang buong atensiyon nito.
“Oo, sana ganito na lang lagi.” Ngumiti ito nang misteryuso pagkatapos at ibinalik ang mga mata sa harap. “Walang problema.”
“Ang bata-bata mo pa para pag-isipan masyado ang problema. Tingnan mo ang paligid mo, di ba ang payapa lang ng ganito. Kahit na dalawang buwan lang, hayaan natin ang sarili nating enjoyin ang mga araw kaysa mag-alala pa sa future natin na malabo pa naman.”
“Gustong-gusto mo talaga ang summer. Ayaw mo sa ulan?”
Naipilig niya ang ulo. “Depende sa mood ko pero pag kasi tag-ulan, ang mellow ng pakiramdam ko. Ikaw?”
Tiningala nito ang kalangitan. “Pag umuulan, tila dinadamayan ako ng panahon. Ang panahon na ang magbubuhos ng lahat ng mga alalahanin ko sa buhay. Siguro, ayaw ng iba ang tag-ulan dahil nga maaantala ang mga gawain nila ngunit sa akin, may kapayapaang taglay ang ulan. Tila sinasabi ng mga patak na ulan na sila na ang bahala sa bigat. Ang mga butil ng ulan ang mag-aalis at papawi sa mga kinikimkim ko. Kaya kahit papaano’y, narerelax ako sa ulan.”
“Ang ulan na ang iiyak sa iyo.” Naiintindihan na niya kung ano ang ibig sabihin nito.
“Oo, ganoon nga. At may mga magandang alaala na rin ang tag-ulan sa akin.”
Napansin ni Daisy ang tindahan kung saan may binebentang ice candy na mango flavor kaya niyaya na lang niya si Noah doon.
“Wala pa tayong matinong agahan.” Hindi naman ito nakatutol sa kanya nang ibigay niya rito ang isang ice candy na may ngiti sa mga labi.
Magkatabi silang umupo sa isang bench malapit sa tindahan na iyon nang makita nila si Lirio na lulan ng bisikleta nito. Namataan sila ng binatilyo kaya nag-break ito at andoon na naman ang ngising aso nito.
“Oy, ano ‘yan? Bakit hindi ko alam na magkikita pala kayo ngayong umaga?”
“Nagkataon lang na nagkita kami ngayong umaga dahil maaga kaming nagising di tulad sa isa diyan na tulog-mantika,” sagot naman ni Noah.
Itinabi nito sa bench ang bisikleta nito at kaagad na tumabi kay Noah saka ito inakbayan. “May lakad ba kayo mamaya?” Umaariba na naman ang pagiging mapang-asar nito. “Wala. Malisyoso ka masyado, Lir. Bakit, may lakad ka?”
“Maliligo tayo sa pool,” kaswal nitong deklara. “At ikaw Daze, di ka puwedeng sasama kung di ka magsusuot ng swimsuit, pwede one-piece at two-piece, depende kung anong gusto ni Noah.”
Pilyo pa ang ngiti ng kurimaw at binatukan lang ito ni Noah. Daisy was taken aback and she laughed. Lokong Lirio.
“Tumigil ka nga! Tantanan mo si Daisy. Di ka ba nakapag-agahan at kung ano-ano pinagsasabi mo?”
“Biro lang! ‘To naman. Naisip ko lang na maligo tayo ng pool. Maganda ang panahon at mainit. Gusto kong samahan n’yo ako. Nakakabagot pag ako lang sa pool. Ipapaalam ka namin Daisy.”
Nagusot ang ilong niya. “Kung papayagan ako ni Tita. Puro pa naman kayo lalaki at kung narinig ni Tita ang sinabi mo kanina. Tiyak na di talaga ako papayagan.”
“Kami na ang bahala.”
“Pumayag na ba ako?” Lumingon tuloy ang dalawa sa kanya na tila ba sinasabi ng mga mata na pumayag na siya. “No way, pati ikaw Noah?”
“Oo. Pero hindi ka namin pipilitin kung ayaw mong sumama,” usal nito.
Tumayo si Lirio at tumabi sa kanya kaya napausod tuloy siya at kulang magdikit silang dalawa ni Noah sa ikinapitlag ni Daisy.
“Puwes, ako. Mamimilit na sumama ka sa amin dahil alam kong puro tambay ka lang sa bahay ng Tita mo sa piling ng mga libro mo. Ayaw mo ba kaming ka-bonding?” Nag-puppy eyes pa ito na ikinatawa niya. Ang kulit na lalaki.
“Oo na, oo na. Samama na ako. Sabay nating kumbinsihin si Tita.”
Katakot-takot na mga titig ang sumalubong sa dalawang binatilyo. Ang kapatid naman niyang si Desiree ang biglang bumasag sa katahimikan, palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki. Nasa sala silang lahat at magkakatabi silang tatlo samantalang nasa one-seater sofa naman ang kanyang Tita Emerald at nasa likod nito si Desiree.
“Sino sa inyong may gusto kay Ate?”
Nagulat silang tatlo sa tanong ng makulit niyang kapatid. Wala tuloy makapagsalita hanggang si Lirio ang nagsalita. Mas lalong naligalig si Daisy sa mga lumabas na salita sa bibig ng madaldal niyang kaibigan.
“Magtiwala po kayo sa amin. Wala kaming gagawing masama sa pamangkin ninyo. Malinis po at dalisay ang harangin namin kay Daisy.”
Nagkatinginan silang dalawa ni Noah at mukhang isa lang ang nasa isip nila – ang patahimikin si Lirio.
“Dalisay, nanliligaw kayong dalawa kay Ate?”
“Tama na ‘yan, Desiree. Magkaibigan lang kaming tatlo. Nagkataon lang na puro sila lalaki. Maiintindihan ko naman po kung di po ninyo ako papayagan.”
“Hanggang alas otso lang siya ng gabi.”
Nagkatinginan silang tatlo. Ibig sabihin ay payag na ang Tita niya. Lihim siyang napangiti.
* * *
Nagpahanda si Lirio sa mga katiwala nila sa bahay sa babaunin nilang pagkain. Grilled pork, lechong manok, kanin, kinilaw na isda, salad at may kasama pang softdrinks ang dala nila. Pinayagan lang talaga sila ng tuluyan kapag may kasama silang matanda at iyon ay ang driver ng pamilyang San Miguel na si Mang Noli na pinagkatiwalaan na ni Lirio. Mukhang malapit rin si Noah rito at naikuwento nga ni Lirio ang origin ng pagiging malapit nilang dalawa ni Noah.
“Intrams no’n, nung nasa freshman pa kami at magkaaway kami sa basketball. Tinik siya sa lalamunan namin dahil magaling talaga siyang lumusot sa depensa namin pero kahit asar ako kay Noah ay hindi ko naman ikinasaya na makita siya sa waiting shed na parang inabandonang pusa kaya kinulit ko na siyang sumakay sa sasakyan at pinanatili ko muna sa bahay namin,” pagkukuwento ni Lirio. Ito ang katabi ni Mang Noli habang nasa passenger seat naman silang dalawa ni Noah.
“Hindi ka pumasok sa klase mo noong araw na iyon hanggang sa hapon na. Pinick-up mo lang ata ako para may dahilan ang pag-absent mo,” dugtong naman ni Noah.
“Di ah! Nagmamalasakit lang ako pero parang totoo na rin.”
Natawa na lang tuloy si Daisy sa palusot nito. “Kakatwa nga ang samahan ninyo eh. Isama na si Shawn eh suplado ang impresyon ng schoolmates natin sa kanya.”
“Ako lang naman ang nakakatiis sa dalawang boring na ‘yan.”
“Kahit di na kayo classmates, malapit kayo.”
“Pinagkakatiwalaan ko ang dalawang ‘yan. Silang dalawa ang kasama ko sa lahat ng mga kaganapan ko sa buhay.”
“Naks pare, na touch naman ako. Pa-kiss nga. Mahal din kita.”
“Buang!”
Nang makarating na sila sa munting resort na iyon ay namangha siya sa magandang tanawin. Nasa elevated area kasi ang resort pool at pag maglunoy ka sa pool ay matatanaw ang tanawin sa baba. Kakaunti lamang ang mga tao roon at mukhang di pa masyadong dinadayo. Nagkataon rin na weekdays.
Si Mang Noli na ang naghanda ng mga pagkain nila at katulong nito si Noah. Tinutulak naman siya ni Lirio na magbihis kaya natatawa na lang siya rito at tinaboy na ito nang makapasok na siya sa CR ng babae upang magbihis ng swimming clothes. Ang Tita Emerald niya ang mismong nag-check sa susuotin niya roon. Ayaw nitong magsuot siya ng flimsy na swimsuit at pumayag naman siya kaya eto rash guard at maliit na shorts ang suot niya na angkop lang bilang swimming attire. Nagbihis na siya at nagtagal pa nang kaunti sa loob ng CR. Nang makarating na siya sa pool area ay nakita niya ang dalawa na nakasuot na ng swimming trunks. Si Lirio ang unang nakakita sa kanya.
Eksaherado ang pagbagsak ng balikat ni Lirio at disappointment sa mga mata.
“Sayang, di ka nag-swimsuit,” pagbibiro nito.
Ginigiit pa rin nito ang pagsusuot niya ng swimsuit kaya napapailing na lang siya.
“Magpalamig ka muna.” Hindi nakahuma si Lirio at dahil nasa gilid lang ito na pool ay naitulak ito ni Noah at nabasa tuloy sila sa pag-splash ng pool sa tubig.
Natawa lang silang dalawa at nang makabawi ay lumingon sa kanya si Noah. Naningkit ang mga mata nito sa kanya at may purpose ang bawat hakbang nito palapit sa kanya. It was her first time seeing that playful glint in his eyes.
Napatili siya sa pagkagulat n nang bigla siyang buhatin ni Noah. Napakapit siya sa balikat nito at nanlalaki ang mga matang napatingin rito. She smiled playfully and even in those seconds, her breathe hitched. “Hold you breath,” sabi nito.
Sinunod niya ang sinabi nito. Naramdaman na niyang tumalon si Noah karga pa rin siya. Bumagsak silang dalawa sa tubig. Nang maiahon nilang dalaawa ang mga mukha sa tubig ay natawa na lamang si Daisy. “Noah!” bulalas niya sa pagitan ng pagtawa niya maging ito ay natatawa na rin. Sinabuyan pa siya nito ng tubig at gumanti naman siya.
Nakapaskil pa rin sa mga labi nito ang isang malawak na ngiti. And she liked those kind of smiles of him, carefree and playful. His eyes just lit up with happiness so Daisy just decided to float in front of him, smiling at him.
“Bakit?”
“Ang laking kaibahan ng nakangiting mukha mo sa seryusong mukha. Kung lagi kang ngumingiti, tiyak na mahahawaan mo ang mga tao sa paligid mo.”
“Talaga?”
Nakangiting tumango-tango siya at nagthumbs-up pa.
“Hindi ako basta-bastang ngumingiti nang walang dahilan. Dapat meron. At ngayon, ikaw ‘yon.” Sukat sa sinabi nito ay tinalsikan siya nito ng tubig. Natawa siya at gumanti rito. Nagsabuyan lang silang dalawa ng tubig hanggang sa makisali si Lirio sa kanila. Inakbayan nito si Noah at umaktong lulunurin ang kaibigan at nang bumaling ito sa kanya ay agad naman siyang lumangoy papalayo kay Lirio na may masamang balak.
Naglaro sila ng tayaan roon at kapag taya si Lirio ay nagtatago siya sa likod ni Noah at kahit pilit siyang abutin ni Lirio ay hinaharangan pa siya lalo ni Noah. Hindi naman nagrereklamo ang binata na humahawak rito.
Nang maging taya si Noah ay nagtatago naman sa likod niya si Lirio.
“Lirio! Ang bigat mo!” reklamo niya rito pero natatawa naman dahil kontodo kapit ito sa balikat niya. Si Noah nama’y pilit inabot si Lirio at napapagitnaan siya ng dalawa. Para makawala ay lumubog siya ngunit nabigla siya nang yakapin siya ni Noah hanggang sa iahon nila ang mga mukha nila. He flashed that familiar playful smile of his.
“Taya!”
“Andaya! Akala ko si Lirio!” Lumangoy siya papalapit rito at ito nama’y lumangoy rin papalayo sa kanya.
“Langhiya ka, Noah!” Umalingawngaw ang sigaw ni Lirio. “Ako naman ang yakapin mo. Naiinggit ako.”
At umaktong parang bakla si Lirio na ikinatawa ni Daisy. Nandidiring lumayo tuloy si Noah kay Lirio na bumilis ang paglangoy at may balak pang yakapin si Noah.
Ang kukulit ng dalawa at hinayaan na niya ang mga ito roon at umahon na sa pool. Ginutom siya sa kulitan nilang tatlo roon kaya naghanda na lamang siya ng kakainin ng mga ito. Tinawag na niya ang dalawa nagwre-wrestling na sa pool.
* * *
Kapwa sila tumambay sa gilid ng pool kung saan matatanaw ang papalubog na araw at pagpapalit ng kulay sa kalangitan.
“Ang ganda,” usal ni Daisy sa magandang tanawin sa harap nila at naipilig ang ulo. Tumama sa pisngi niya ang sinag ng papalubog na araw. “Hindi ako magsasawang pagmasdan ang paglubog ng araw.”
“Pati ang pagsikat ng araw.”
“Sulitin na natin ito dahil sa susunod na buwan, pasukan na naman kaya . . .” Sinabuyan silang dalawa ni Noah ng tubig sa pool ni Lirio. Madaya ito at mabilis nakaahon nang habulin ni Noah. Nagtulakan ang mga ito sa pool. Humarap siya sa magkaibigang nagkukulitan at sumandal sa gilid ng pool.
She’s happy that she enjoyed her summer days with these two.
* * *
Kabanata: Labing-Pito
Minsan talaga, sumasagi sa isip niya ang mga bagay sa kalagitnaan ng pagtatrabaho niya. Kagaya ngayon, may natanggap lang na bouquet ang isa sa attorney sa firm na pinagtatrabahuan niya ay naalala niya si Daisy.
Nangingibabaw ang mga bulaklak na mga daisies roon. The female attorney just let the bouquet on her table. Bilang isa sa mga staff roon ay maingat na inilagay niya iyon sa isang vase na sinalinan niya ng tubig. Masasayang lang iyon doon kapag di naalagaan, kahit man lang sa iilang araw.
Bumalik siya sa pag-oorganisa ng mga papeles bilang isang apprentice.
It was a distant memory of Daisy. He didn’t know if she still remembers it but it was one of his favorite memories with her.
Kung ibang tao ay tingin nila sa alaalang iyon ay napakasimple lamang. Walang engrandeng eksena o kung ano man. He was just sitting on the armchair, listening to Lirio’s storytelling about his adventures in Cagayan De Oro.
Then, he saw her talking with her friends, Jin and Kei. They were laughing about something that Kei said. Ilang metro lang ang layo nila sa isa’t isa at katatapos lang ng klase nila sa Filipino. Male-late daw ang next subject teacher nila dahil sa biglaang faculty meeting kaya malaya silang mag-ingay at lumabas ng classroom.
Noah stealed some glances at Daisy. One of the qualities he liked about her was how her eyes shone whenever she spoke with her heart or moments when she was in glee. He always found himself looking at her. Tila ba nawawala ang mga alalahanin niya sa buhay kapag nakikita niya itong masaya.
She resembles the spring air, a fresh air that replaces his winter heart.
Maybe she noticed that he was looking at her, that’s why she turned her head at him. Bahagyang napaawang ang kanyang mga mata, napahiya dahil nahuli siya nito ngunit nagulat na lamang siya nang ngumiti ito.
It was a warm smile that melted his heart. A part of him suddenly wants to run in excitement. Those eyes of hers that glows. That genuine smile which meant for him.
Sa sobrang pagkapahiya ay naiyuko niya ang ulo niya at tinakpan ng kamao niya ang nag-iinit niyang mukha. Lirio noticed it and questioned it yet he just kept silent. Seconds later, he found himself smiling secretly.
Nang dahil lang sa ngiti ni Daisy.
After his duty, Noah stayed on the overpass, facing the roads below. Dito siya napapatambay sandali pagkatapos niya sa trabaho. It was not an ideal place but it was one of the places that reminded him of something he couldn’t let go of even though others would say it was impossible.
* * *
“Wala ka sa alumni meeting.” Ang bungad sa kanya ni Shawn nang bago pa man siya maupo. Nandoon rin si Lirio na mukhang umeskapo sandali sa opisina nito. Siya man ay ganoon din nang malaman na nasa city si Shawn at wala sa lungga nito sa bayang pinamamahalaan nito. Isa kasi itong mayor sa isang maliit na bayan.
“Alumni meeting? Bakit ano bang meron?” Nagkatinginan tuloy ang dalawa sa tinuran niya na para bang alam na nitong wala siyang pakialam roon. May ideya siya kung ano ang pinupunto nito.
“Shawn and Jenny argued about the venue for our Alumni Homecoming this coming May. I notified you about it. Hindi mo naalala sa dami ng inasikaso mo?” nakataas ang kilay na tanong ni Lirio at sumandal sa upuan nito. He’s still wearing his business suit from work same as him. Si Shawn lang ang nakasuot ng semi-casual clothes.
“Hanggang ngayon ba naman, nag-aaway pa rin kayo?” tanong ni Noah kay Shawn. Shawn just snorted while Lirio hid his amused smile.
“Whatever. As I was saying, the Homecoming will be in May and many agreed to have a three-day and two-night stay at her hotel,” Shawn informed them.
Tumiim ang mga mata ni Noah habang si Lirio naman ay iba ang takbo ng iniisip, nakatingin kay Noah at may ideya siya kung ano ang hinuha nito.
“Tutuloy ka ba? Lirio will attend too. Ikaw na lang ang hindi pa at ngayon mo lang naman. Yeah right,” he snorted and drank his glass of water.
Tumikhim si Noah at naging mailap ang mga mata. “I don’t know. If it’s months before, I could still fix my schedule. Ilang buwan na lang ay May na. It was a bit sudden.”
Naningkit lang ang mga mata ni Lirio. “Ayaw mo lang dumalo dahil napagtripan ka ng sira-ulong Klint na ‘yon. By the way, Shawn contacted her already. You know who. Connections. Ayaw mong hingin iyon kay Shawn?”
Lirio even smirked and tested his expression. However, he maintained his passive aura, like he didn’t care about it. Why fret so much? He has too much on his plate to care about the Alumni Homecoming.
“Why would I?” he spoke, and Shawn just sighed and shook his head upon seeing this reaction from Noah.
“As expected from you. Hindi ko na sasabihin kung ano na ang nangyayari sa kanya pero gusto kong dumalo tayong tatlo. Kahit na ang una ko namang gusto ay dito sa city gaganapin ang Alumni Homecoming at isang gabi lang. Kaso naging tempting sa kanila ang resort,” Shawn snorted again in annoyance upon remembering their former VP in SSG.
“Pero katabing bayan mo lang ang resort, mayor. May oras kang bisitahin ang bayan mo. I assure you, hindi masusunog ang teritoryo mo,” Lirio said, his eyes telling another story while putting on his serious facade.
“Shut up, San Miguel. Are you plotting something again?” Shawn hissed.
“Bagong-buhay na ako ngayon, mayor. Everything will just fall into places. Let’s see.”
Noah and Shawn doubted their friend’s words. Shinoah was still contemplating if he wanted to go or not. Napatingin na lamang siya sa kalendaryo niya sa opisina.
* * *
Isang maulang hapon, ingat na ingat sa paglalakad si Daisy sapagkat ayaw niyang madulas sa basang daanan. May ibang mga taong sumisilong at naghihintay na tumila ng ulan. Maraming stranded na pasahero at isang oras na rin ang lumipas ay hindi pa rin siya makasakay ng jeep. Nagdesisyon na lamang siyang maglakad. Dahan-dahan lamang ang paglalakad niya, pinakiramdaman ang pagpatak ng ulan sa payong niya.
Kahit maingay ang paligid dahil sa mga umaandar na sasakyan, ang mga busina galing sa mga ito, ang yapak ng mga taong nagmamadali at may hinahabol at ang buhos ng ulan ngunit may kapayapaan pa rin sa sandaling iyon. Bahagyang nakaangat ang payong niya sa maulang kalangitan at namalayan niya ang isang lalaking nakaupo sa isang bench. Saglit siyang natigilan nang makita itong walang proteksiyon ng payong.
Nakaupo lang ito doon at hindi alintanang nababasa na ito ng ulan. Nang humakbang siya papalapit rito ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ito.
“Noah?” Bahagya siyang yumuko para masilayan ang basa nitong mukha. Kagaya niya, nakasuot pa rin ito ng uniporme nila. Lumingon ito sa gawi niya at natigilan nang makilala siya. “Bakit hindi ka man lang sumilong?” tanong niya rito saka lumapit rito. Nasa dulo ito ng bench kaya pasimple niya itong pinasilong sa payong niya.
Hindi siya nito inimikan at parang estatwa na hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan nito. Kung nagulat man ito sa ginawa niyang pagsukob nito ng payong ay nanatili lamang itong tahimik.
Ano kaya ang iniisip nito at parang hindi nito pansin ang pagkabasa nito sa ulan? Binalingan niya si Noah na nakayuko pa rin. Tumutulo ang tubig mula sa basang buhok nito. Ganoon ang posisyon nilang dalawa sa mga makalipas na minuto. Siya, nakahawak sa payong habang nakasilong rin ito roon at ito na wala pa ring imik. Ayaw rin naman magsalita ni Daisy dahil mukhang ayaw nitong makipag-usap.
Pinanood nila ang pag-andar ng mga sasakyan sa kalsada, ang paglabo nito sa mga mata nila nang bumuhos ang ulan. Hindi alintana na nababasa na sila. Napabuntong-hininga si Daisy nang maalalang mahirap ang sitwasyon ng pamilya ni Noah. Wala ba itong mauuwian?
“Ikaw na muna ang gumamit ng payong ko.” Ibinigay niya rito ang payong niya. Bago pa man ito umangal ay tumawid na siya ng kalsada upang sumakay ng jeep. Itinaas niya ang mga kamay para takpan ang ulo niya sa mga patak ng ulan. Nang makasakay siya ay nilingon niya si Noah na pinulot ang payong niya’t nagsimula nang maglakad.
* * *
Matapos ang oral defense ay pakiramdam ni Daisy ay bibigay na siya sa harap ng mga panelists. Imbes na magdiwang siya kasama ang mga members niya sa thesis ay nagpaalam muna siya saglit at umalis roon.
She clutched her heart and there was a static noise in her ears. Nanlalabo din ang mga mata niya na hindi niya maipaliiwanag kung bakit. Nanginginig din ang mga kamay niya. even though there was relief in her system. She knew that she held on for too long. Suffering from mental stress because of the thesis. And now she’s hearing voices again.
Diretso siya kaagad sa cr at nag-lock ng cubicle niya. Inokupa niya ang dulonng cubicle upang hindi magtaka ang iba na hindi iyonn nabubuksan. She deposited on the dry tiled floor, gasping for her breathe. He knew what’s happening to her. Mabuti na lamang ay dala niya ang kanyang bag kung saan nandoon ang gamot niya for this kind of episode.
Uminom siya ng gamot at ng tubig. after seconds, she cried and cried silently. Sa wakas, tapos na ang kalbaryo niyang iyon. Mabuti na lamang ay hindi siya nag-breakdown sa harap ng mga tao. Hindi lang iyon kahihiya kundi malalaman ng iba kung ano ang estado ng mental health niya.
She was silently crying when she decided to call Cali. The first person she wanted to confide in with now. He knew her state, and even though he’s in the city now. He’s there whenever she needs him.
“Daisy?” Cali’s voice came in. Dahil doon, pagsamantalang nawala ang mga boses sa paligid niya. kahit papaano ay guminhawa siya ng konti.
“I’m in the middle of an episode,” she said breathlessly. She’s calming herself now and wipes her tears away.
“What?” May kung anong ingay na mula sa kabilang linya. Parang nahulog na upuan. Saglit na katahimikan bago ito magsalita ulit. “Sorry, nasa klase pa ako. lumabas muna ako saglit. Did you make it? You know the drill. Inhale. Exhale. Sorry, Daisy. I’m sorry.”
“No. It’s okay. Magiging okay rin ako.”
Sinunod niya ang sinabi nito at lumipas ang ilang segundo ay unti-unti nang naglalaho ang mga boses. Baka umepekto na ang gamot. Nakalimutan din niyang inaantok siya sa gamot na iyon.
The first thing she saw when she woke up was the white ceiling. She discovered that she was in the clinic. Mabuti na lang daw ay mayroong nakakita sa kanya at may umusisa sa nakasaradong cubicle na matagal binuksan ang pinto.
This is the fourth she had an episode when she’s in the university. HIndi niya sinabi sa pamilya niya ang nangyari sa kanya. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito sa kanya. Kaya minsan ay wala siya sa mga klase niya.
* * *
Kabanata: Labing-Walo
Kanya-kanya na ng pinagkakaabalahan ang mga kaklase ni Daisy matapos ang first periodical exam nila. Nagpl-plano ang mga itong magliwaliw kung saan habang siya’y tahimik nang naglakad sa hallway upang bumili ng pagkain sa canteen. Saka niya iisipin kung yayain ba niya si Berry sa bookstore.
“Saan ka pupunta, Daisy?” Napakurap si Daisy nang makasabayan niyang maglakad si John Dale. Kaklase nila ito at katabi niya sa Filipino time. “Di mo nakita ang announcement sa board kanina?”
Napatigil siya sa paglalakad. “Anong announcement?” Wala siyang ideya sa sinasabi nito sapagkat dinaanan lang niya ang board kaninang umaga dahil magre-review pa siya para sa gaganaping test.
“Tungkol sa study buddy. Program ng SSG na plano ni Shawn. May study buddy tayo sa batch natin at sila ang pipili kung sino. Nakapaskil na doon sa board ang magiging study buddy natin para sa school year. Graduating na kasi tayo at isa ito sa paraan para ma-maintain natin ang grades natin,” paliwanag nito habang bumababa sila ng hagdan.
Nasorpresa naman siya doon. Bago pa man ito ianunsiyo, may ideya ba si Lirio at Noah sa planong ito ni Shawn? Hindi nakapagsalita si Daisy at nagmamadaling bumaba para tingnan ang board. Mangilan-ngilan na rin ang nagkukumpulan sa bulletin board ng RSD.
Sumingit siya roon at tiningnan ang mechanics ng study buddy. Nakasaad doon na buong school year ang magiging study buddy niya at every grading may prizes ang may improvement sa grades.
Magsisimula iyon sa second grading. Sabay na mag-aaral ang dalawa at kung ano man ang pagkukulang ng isa ay tuturuan ng isa. Hindi rin kailangan na magkita kayo lagi ng study buddy mo at ayos lang kung dalawang beses lang magkita sa isang linggo.
Hinanap niya ang pangalan niya sa listahan at nakita niyang ang kapares niya ay si Daphne Alcueza ng Section B. Ang transferee noong second year sila na galing sa isang prestihiyusong private school. Magkakasundo kaya sila ni Daphne? Iba ang katayuan nila sa buhay.
“Nakita ko kayong magkausap ni Daphne, John Dale. Puwedeng makisuyo?” pakiusap niya kay John Dale nang lumapit siya rito. Unti-unting kumunot ang noo nito na parang hindi nagustuhan ang narinig. “May problema ka ba kay Daphne?”
Minsan na kasi niyang nakikitang nilalapitan ito ni Daphne tuwing lunch at nakikisabay rito pero seryuso lang ang hilatsa ng mukha ni John Dale.
“Wala.”
“Kung ganoon, ipakilala mo ako sa kanya,” sabi na lamang niya saka ngumiti.
Nang tumingin siya ulit sa listahan para malaman kung sino ang study buddy nina Lirio at Noah.
Kara Jecille Tamayo. Ang study buddy ni Noah.
Ang first runner-up sa UN noong third year highschool sila at isa sa mga honors sa Section A? Morning session ang A at ito muna ang gumagamit sa classroom at pagpatak ng Afternoon session na siyang schedule nila sa RSD ay sila ang papalit sa classroom. Nakikita niya ang mga ito dahil naglilinis ang mga ito ng room bago sila pumasok.
Si Henry ng section G naman ang partner ni Lirio. Si Henry ang gumanap ng Aladdin sa school play nila noong third year highschool pa sila.
* * *
Kinabukasan, nakita na lang ni Daisy ang dalawa na magkasama sa canteen at tila nag-uusap nang masinsinan dahil hindi nakangiti ang mga ito. Napalaki tuloy ang kagat niya sa banana cue niya sa plant circle kasama si Raspberry.
Ang seryuso naman masyado ng dalawa. Parehong pala-aral? Sabagay, sa A galing si Kara Jecille.
“Sinong partner mo?” tanong niya kay Rapsberry na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
“Si Klint.” Ang madaldal na seatmate pa rin nito ngayong fourth year na sila.
“Ha? Puwede pala classmate ang magiging study buddy mo?” Nakapaloob rin sa mechanics na hindi puwedeng palitan ang study buddy at mag-switch.
“Ayos na rin si Klint ano, since familiar na kayo sa isa’t isa. Ako, si Daphne.”
* * *
Daisy was drained and too tired after she went home from the school. Bumati sa kanya ang magulong bahay at ingay ng mga kapit-bahay niya. She was not drained because of the school works but because she maintained her smiles and laughs even though she’s not really feeling well. Bahaw siyang napangiti nang matapos siyang magbihis.
No one knows that she’s been going through rough times because she has this sunny disposition in school. Nakakapagod magkunwari ng buong araw na masaya ka at nakikitawa sa ibang tao kahit na sa loob-loob mo ay tila sasabog ka na. No one knows because she kept her problems to herself and all she could utter was she’s fine. Isang beses lang naman ang nangyari na nag-breakdown siya sa harap ng ito at si Lirio ang nakasaksi niyon. Mabuti na lamang ay hindi na nag-usisa si Lirio. Makulit man ito ay nirerespeto pa rin nito ang boundary na meron siya.
She was cleaning the house, sweeping the floor when familiar voices arises outside. She sighed and washed her hands before going out.
“Hindi mo kami kailangang paalisin lang dahil mas kailangan mo ang makukuha mo sa puwesto namin. Maawa ka naman, Ma. Di mo ba naisip na doon kami nabubuhay?” Her father’s voice almost broke, in front of her grandfather’s other wife. Her step grandmother. Komplikado ang pamilya na meron ang tatay niya.
“Ngunit nakipagsundo na ako. Babayaran ko na lang kayo. Marami namang ibang puwesto na puwede n’yong rentahan,” narinig niyang sabi ng step Lola niya, sa kalmadong boses.
“At ngayon tatapalan mo kami ng pera. Ilang beses n’yo na ba ipamukha sa amin ang pera na ‘yan?” patuyang sagot ng kanyang ama. Nanatiling nakakapit si Daisy sa hamba ng maliit na gate nila. Hindi alam ang gagawin.
“Noel, tama na. Ina mo pa rin siya.”
“Ina? Hindi ko siya tunay na ina, Feliz.”
“Noel!”
Bago pa man niya marinig ang iba pang sasabihin ng mga ito ay bumalik na siya sa bahay. Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya. Tingin niya sa sarili niya ay wala siyang silbi sapagkat lagi na lang si Dean, ang bunso niyang kapatid ang pumapagitna sa mga ito at sa edad na katorse samantalang siya’y tahimik lang sa isang tabi habang rumurolyo ang mga pangyayari sa barangay. Ni hindi maipagtanggol ang pamilya niya kahit na malinaw pa sa sikat ng araw na panganay siya.
Kinabukasan, hindi siya pumasok sa klase dahil mas kailangan siya sa bahay. May mga mensahe siyang natanggap sa pager niya. Kay Lirio at Berry. Parehong nagtatanong kung bakit um-absent siya. Bihira siyang um-absent at wala siyang balak na magpaliwanag. Kung magpapaliwanag siya ay tiyak na sasabihin rin niya ang kaguluhan na ito ng pamilya niya. She didn’t cry because of how messy their family situation was knowing that her siblings were affected too. She maintained her stoic expression apart from her usual face expression in school. She was tired of smiling nowadays. There’s not enough reason to smile.
Kung may kapit-bahay siya na kaklase niya, tiyak na magtataka ito kung bakit iba ang personalidad na meron siya sa eskuwelahan.
Sa bahay, minsan ay tipid ang mga ngiti niya. Hindi niya pinipilit ang sariling ngumiti at tumawa. Mas lalo siyang tahimik at kiyeme lang kung bumati sa mga kapit-bahay. Madalas, mukha siyang kalmado at hindi makabasag-pinggan.
Sa school, she disguised her worries and problems through her smiles and laughters. She didn’t want to burden anyone. Masaya din naman sa school at napapangiti na siya kapag napagmasdan niya si Noah sa malayo. Fascinated lang siya na tingnan ito na seryusong nakikipag-usap kay Shawn at nakikipagkulitan kay Lirio na madalas ito ay napapasapo na lang sa noo. Daisy thought his eyes were stormy despite its blank exterior. Naalala niya tuloy ang kaganapan sa jeep.
Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon? Ipinagpatuloy na lang niya ang paghuhugas ng pinggan. Baka natrobol na naman ang nanay niya sa pagsundo ng tatay niya sa basketbolan.
“Si Papa talaga,” naibulong niya at tinawag si Desiree upang sila na lang ang maghanda ng hapunan.
Kinabukasan, pumasok si Daisy na parang walang nangyari at ang idinahilan lang niya kay Lirio at Berry ay nasiraan siya sa tiyan. Lirio didn’t say anything and believed her while Berry just looked at her, as if reading her mind. But she only sported a smile to them. Maraming nagsasabi sa kanya na maganda daw ang ngiti niya. She might be average-looking for some but if someone stares at her for too long and saw her smile, nagiging cute raw siya. That’s what Marc Necolson’s words, Klint’s bestfriend. Bolero, kaya nakailang girlfriend na pero sincere naman ang lalaki.
“Daisy, are you really okay?” untag ni Berry. Nasa harap niya ito nakaupo, katabi ni Klint.
“Oo naman,” malumanay niyang sagot.
‘I’m okay but I am not that fine,’ she murmured in her mind. She didn’t want to get swayed by her emotions.
“Berry, tapos ka na sa buod ng kabanata pito? Puwedeng pakopya?” singit ni Klint na may himig na pagbibiro. Inirapan lang ito ni Berry.
“Magsipag ka. ‘Wag kang puro kopya,” mataray na pahayag nito na tinawanan lang ni Klint. Makapal talaga ang mukha nito, ni hindi tinatablan ng pagsusungit ng kaibigan niya.
“May kabanata pito na ako rito, Klint. Walo na rin. Galing kay Daisy. Hina mo naman kasi.” Tiningnan siya ni Marc na parang nagpapaalam sa kanya na ipahiram kay Klint ang malaki nitong notebook. Tumango lang siya bilang pagpayag. Napabaling tuloy si Berry sa kanya.
“Okay lang talaga, Berry. Buod lang naman ng El Fili e. Tayo lang din naman ang checker,” katwiran niya pa, nakangisi.
“Ano pa ba ang magagawa ko? And you two, know your limits. Don’t just take advantage of other’s kindness for your own sake,” sermon nito sa dalawa na naghilahan lang ng notebook. Ang kulit.
“Ganda mo sana, Berry. Ang sungit mo lang. Tatanda ka talagang dalaga. May binasted ka na naman ba n’ong isang araw? Oh, wag ka namang tumingin sa ‘kin nang ganyan. Gusto ko pang mabuhay,” biro ulit ni Klint.
“Puro ka kalokohan. Tumahimik ka nga,” mariin pero gigil na sambit ni Berry. Natahimik na sila nang pumasok na ang English teacher nila.
* * *
Nasa faculty room si Daisy, may inaasikaso nang pumasok roon si Ian. Sila na lang dalawa ang natira doon. Wala namang kaso sa kanya na mag-isa siya doon. Sadya lang makulit itong si Ian na manatili dahil baka raw multuhin siya doon sa faculty. Iyon nga lang, matalas ang pakiramdam ni Daisy na nandoon ito sa isang dahilan.
“Teacher Daisy,” anito’t inayos ang mga visual aids nito. “Matanong nga kita.”
“Oh bakit?” Ang mga mata niya ay nasa record book niya, particular na sa mga blangkong kahon. Magbibigay na naman siya ng palugit para sa mga estudyanteng hindi nakagawa ng projects.
“Nakita kong magkasundo na sina Krizelle at Annie ngayon. Ang lakas pa ng halakhakan sa canteen. Nagkakaiwasan ang dalawang dalagita noong nakaraang araw. May ginawa ka na naman ba?” May tendency si Daisy sa mga estudyante niya na alamin ang mga personal na nangyayari sa mga ito. But she conversed with them in a private manner, especially when it concerns her advisory section.
Kibit-balikat na sumagot si Daisy, “Their friendship would go to waste if their pride overruled.”
“It’s not about boys?” he asked. Hindi na bago sa kanila ang mga alitan ng mga estudyante ngunit di naman ganoon kalala.
“Of course not. Ikaw talaga. Sa kanila na lang iyon, it’s too personal for them, but I can assure you that it’s not about boys.”
“Kung ganoon nga, ano ngang ginawa mo?” he pressed and she smiled. She closed her record book and wrote something on a sticky note. Idinikit niya ang reminder sa pader na sakop ng cubicle niya.
“Inutusan ko silang magtapon ng basura. Even segregate it,” walang-gatol na sagot.
Napamaang si Ian. “What?” Ang mga lalaki ang lagi nakatokang magtapon ng basura ngunit kahapon ay inutusan niya ang dalawa. Mukha mang napilitan na magkasama ang mga ito ay sinunod lamang siya ng dalawang dalagita.
Maya-maya pa’y natawa si Ian, naunawaan kung bakit ganoon ang strategy niya. “I understand know why you did it. Para may time silang mag-usap na dalawa. Maglabas ng sama ng loob or sort of.”
“Yep, not everyone can handle a confrontation but sometimes it needs intervention if you’d want to patch it up. Ayoko lang makita na may nafall-out na friendship sa harap ko habang nagkaklase. I’m a bit worried on how they pretend they didn’t know each other when they could face it later on. Kapag inabandona na ang issue nila, magf-fade na lang ang lahat. They’re best of friends,” pahayag niya. “Masyado na ba akong pakialamera sa mga students?”
“Not really. Tayo ang masasabing pangalawang magulang ng mga batang ‘yan. They spent their whole day inside the school, the rest in their house with their parents. So may responsibilidad tayo na turuan at pangalagaan sila sa poder natin.”
“Mismo. Kahit nakakapagod, walang tulog minsan, worth it pa rin naman lalo na kapag naalala ka ng mga estudyante at binibisita ka. It tough to be an educator, children with different upbringing and personalities. Especially na nandito tayo sa probinsiya.”
“You came from Abellana, maganda ang training doon, and I know you adapted the way the teachers thought there,” he supplied.
“Ikaw talaga, nabring-up mo na naman ang alma mater ko noong highschool. I’m just lucky I survived there. Alam mo namang hindi ako honor doon. Nahiya naman ako sa ‘yong graduate ng Science High.” Siya naman ngayon ang nagbanggit sa alma mater nito noong highschool.
“Just like you, I’m not an honor too,” he grinned. “May reunion ba kayo ng batch mo?”
Doon siya natigilan. Kung bakit naman kasi nailigaw siya ni Ian sa topic na ito. Wise talaga ang mokong, para-paraan.
She shrugged her shoulders. “Kung meron man, long overdue na. I am not sure. By the way, ayos na ba ang photocopy machine ni Teacher Dianna?”
“Ikaw talaga, iniiba mo ang usapan.” She smiled sheepishly and asked about the photocopy machine again.
Her mind wandered to her students who renewed their friendship. Kahit man lang sa paraan niya ay nagawa niyang magkasundo ulit ang dalawa. It’s a normal thing to have some misunderstanding and conflicts when it comes to friendships, it makes the bond stronger. Nasa tao na mismo ang desisyon kung hahayaan na lang o haharapin.
For her, there was no explanation when she went to the province. No connections. Naglaho na lang siya bigla. Her friendship with Berry was renewed. Kagaya niya, mahirap din ang pinagdadaanan nito noon at blessing in disguise na rin na nawalan sila ng komunikasyon upang hilumin ang sarili niya. It’s better that way for them.
* * *
Interlude 2
Nakatambay si Noah sa plant circle, sa bahaging hindi natatamaan ng sikat ng araw nang mamataan niya si Lirio. Naalala niyang nabadtrip si Shawn rito dahil nagsinungaling lang naman si Lirio na nasa grandstand silang dalawa.
Shawn went to the blue grandstand and encountered Jenny, the girl who transferred in their school during their second year highschool, according to his message on Noah’s pager. Ang pager niya ay ang pager na ibinigay ng kapit-bahay nilang nag-request sa kanya na tulungan ang anak nito sa studies.
“Galit sa akin si Shawn,” untag ni Lirio sa kanya na tila hindi apektado sa mala-dragon kung magalit na si Shawn. Naibaba ni Noah ang binabasa niyang notes sa English.
“Ikaw at ang mga schemes mo. Noong nakaraang araw, ibinigay mo ang numero ni Clyde kay Garnet. Nalaman ko na lang na nagkagulo sina Clyde at Garnet sa canteen.” Sukat sa sinabi ni Noah ay napahalakhak si Lirio dahilan kung bakit napatingin sa kanila ang dumadaang mga estudyante. It was almost past four in the afternoon and instead of going home. Nandoon sila upang tapusin ang group work nila sa Filipino.
“Wala lang. Trip ko lang na pagtambalin sila. A singer and a musician. Ice, di ba? Magkakasundo naman ‘yon kalaunan. Mabuti nasa center building sila, wala rito sa boardwalk. Baka makalbo ako ng mga iyon.”
“Dadating at dadating ang araw na kakarmahin ka ng pinaggagawa mo,” pananakot pa niya rito. Nag-subside tuloy ang ngisi nito.
“Hoy, di naman ako ganoon kasama. Kita mo ang ginawa ko kay Shawn? Paraan ko lang ‘yon para dumiskarte siya kay Jenny,” palusot pa nito na kailanma’y di bebenta kay Noah. Andami nitong napapansin at lagi na lang itong nakadikit sa dalawang tsismoso na si Marc at Klint. Masakit sa tainga ang kaingayan ng tatlong makukulit na lalaki.
“Sira-ulo, walang planong dumiskarte si Shawn kay Jenny. Kita mong nagpapatayan na ang dalawa at oras na ginawa mo na naman ‘yang kalokohan mo. Baka ibitin ka ng patiwarik ng Treasurer natin.” Ayaw niyang pangunahan si Shawn sa mga plano nito at halatang walang kinalaman si Jenny sa mga plano nito. Gusto lang talaga itulak ni Lirio ang dalawa. Natutuwa yatang makitang nag-aaway ang dalawa. Or simply because, Jenny is the only girl in their batch, or maybe in the school who can handle, argue and spite Shawn.
SSG Treasurer si Shawn ngayong third year highschool sila.
“Maldita at masungit. Tamang-tama! Kompleto rekados!” Pumalakpak pa si Lirio. Mukhang natuluyan na. Ang mga babae tuloy sa paligid ay nawerduhan rito.
Sabi pa ni Daisy, nakakaturn-off ang pagiging pogi nito kung ganoon naman ito kaweirdo.
“Busy ka ba sa Pasko, Noah?” random na tanong ni Lirio.
“Wala,” diskompyadong sagot niya rito. Then, he saw that playful glint in his eyes.
“Yayayain sana kitang magbakasyon sa holidays sa amin. Di ba uuwi ang mag-anak mo sa probinsiya, sa Asturias?” Naalala niyang sinabi niya ang tungkol roon kahapon pa kay Lirio. “Sasama ka sa kanila?”
“Hindi.” Ang totoo, wala siyang balak isama ng madrasta niya at nagpumilit naman ang tatay niya na isama siya maging ang mga kapatid niya. Ngunit matigas ang kanyang madrasta. Ayaw siyang isama dahil hindi na raw sapat ang pamasahe. Isa pa, wala raw magbabantay ng bahay. Ayaw rin niyang sumama kung hindi bukal sa loob sa mga itong sumama siya. After all, sa Dumanjug naman talaga ang probinsiya ng tatay niya. Hindi sa Asturias. Probinsiya lang iyon ng pamilya ng ina-inahan niya.
“So, you’re left alone in your house. Sa Pasko. Paskong-pasko, mag-isa ka.”
“Ako ang magbabantay ng bahay, San Miguel,” balewalang sambit niya. Wala namang kaso sa kanya. Puwede naman siyang rumaket ulit habang binabantayan ang bahay. Sarado din ang Hardware store sa holidays.
“Nah, your family’s house doesn’t have legs and arms. It couldn’t walk. Nandiyan pa rin naman ang bahay ninyo. Tell me, may maiiwan bang mga mamahaling bagay?”
Ano ang ipinupunto nito? “Ano bang meron, San Miguel?”
“Basta, sumama ka na lang sa ‘kin sa Pasko. I’ll tell my father about that.”
Napabuntong-hininga siya nang mabanggit nito ang ama nitong nakiusap sa kanyang tulungan ang anak nito sa pag-aaral. Kung alam lang ng ama nito na matigas talaga ang bungo nitong si Lirio.
“Hindi ko pa alam. Kakasapit lang ng December, Lirio,” paalala niya rito. Masyado itong excited at kilala na niya ito. Simula nang makatikim siya sa mga paandar nito ay naiilagan niya ang mga gimik nito.
“Ayaw mo? Paano kung may sabihin ako sa ‘yo na makakapagpabago sa desisyon mo?”
“Kung anuman man ‘yan, ‘wag mo na lang sabihin. Magbabantay ako sa bahay sa Pasko. Raraket ng kaunti. Pandagdag ng ipon ko. Wala akong oras para patulan ang mga kalokohan mo, San Miguel,” walang gatol niyang tugon. Seryuso ang ekspresyon sa mukha.
Naputol ang pag-uusap nila lapitan sila ni Kara Jecille.
“Nandito ka lang pala, Noah. Ano, tuloy na tayo?”
In the end, hindi iyon nangyari. Because Lirio stubbornly pushed through his plan by doing another scheme again.
Kabanata: Labing-Siyam
Section 1 stayed inside the school after their classes ended for school purposes. Dalawa lang naman ang groupings nila at kailangan nilang gawin kaagad para mai-report bukas. Instead of doing it on the spot, she and her classmates wandered off for a bit. In short, procrastination na naman ang inaatupag ng buong section.
“Ang sarap ng lumpia nila. Tama lang ‘yung pagkatimpla,” puna ni Daisy habang ngumunguya ng lumpiang shanghai. Kasama niya si Marc at Klint sa canteen. Sinamahan lang siya ng dalawang kengkoy roon at di na siya nag-isip kung bakit nandoon ang mga ito.
Berry was working on something and maybe borrowing a book in a library for the groupings. Baka tinamad na naman ang mga groupmates nito. Masipag talaga mag-aral ang ‘sang ‘yon.
Napaubo si Marc matapos nitong inumin ang lemon juice nito. “Makati talaga sa lalamunan ang juice na ‘to. Ito lang kasi ang samalamig dito.”
“Oh, may bagong dumating. Ipikit mo na lang ang mga mata mo, Daisy.” Napalingon silang dalawa ni Marc kung saan nakamasid si Klint.
Kapapasok lang ni Noah at Kara Jecille sa loob ng canteen. Pumeke ng ubo si Klint at bumaling sa kanya na patuloy lang sa pagnguya ng lumpia. Bakit? Aaminin ba niyang apektado siya sa nakikita? No way. Wala siyang karapatan doon at isa pa, wala naman siyang expectations. They’re study buddies. It’s normal to saw those two together.
“Kumain ka na lang, Klint. Gusto mo share na lang tayo nitong lumpia shanghai? Balance lang, may karne at gulay.” Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang papalapit na sa counter ang dalawa upang bumili ng makakain.
“Subuan mo nga ako.”
“Ha?”
“Pasubo naman. Di ako nakapaghugas ng kamay e,” palusot pa ni Klint. Wala naman iyon kay Daisy, magkaibigan sila at kaulayaw niya lagi ang dalawa sa English time. Masyadong madaldal ang mga ito. Ayon pa kay Berry, dinaig pa ang bibig ng mga babae.
Basta na lang dinampot ni Daisy ang lumpia shanghai at iniumang kay Klint. Kinagat naman nito iyon at nagdrama pa na nasarapan.
“Mukha kang engot,” ani Marc kay Klint. “Pasubo nga rin, Daisy. Baka sumarap lang dahil sa ‘yo.”
Mukhang pinagloloko lang siya ng dalawang ito pero ginawa niya pa rin. Parang timang lang na nagtawanan ang mga ito pagkatapos. Mga sira-ulo. Bigla na lang tumabi ang dalawa sa kanya, sa magkabilang gilid at inakbayan siya. Walang malisya sa mga ito. Ilang beses na rin naman siyang inakbayan ni Klint. Mahilig lang talaga mang-akbay si Klint at kung minsan, nabibiktima si Berry. Nakakatikim naman ng kasungitan si Klint pagkatapos. Si Marc naman, kung ituring siya ay hindi babae, parang lalaki na. Sabagay, kaya niyang makisabay sa kalokohan ng mga ito.
“Para ka naming long lost sister. Akala namin ay babaeng-babae ka. Tapos bigla-bigla, nanghahampas ka at nangungurot pa minsan,” hirit ni Klint.
“Sabihin mo lang sa amin kung may nananakit sa ‘yo. Ibibitin namin siya patiwarik sa flagpole. Madali naman ‘yung maabot e,” wika ni Marc.
“Bai, Marc. Parang alam ko na kung sino mananakit rito sa batang kapatid natin in the future.”
“Ano ka, may lahing manghuhula? Sabagay, bulungan mo ako mamaya ha.”
“Kung mag-usap kayo, parang wala lang ako rito ah,” saway niya sa dalawa. Magaan lang ang pagkakaabay ng dalawa pero dalawa pa rin ang mga ito. Akmang aalisin niya ang mga braso nito ay biglang may lumapit sa kanila.
Pinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib, nakatayo sa harap nila. He lopsidedly smiled. Ano na naman ba ang ginawa nito ay may mantsa ng milo ang polo nito? “Alisin n’yo ‘yang mga braso ninyong dalawa. Ako ang original rito.”
Di natinag ang dalawa kay Lirio bagkus ay lalong bumigat ang pagkaakbay ng dalawa. Nakita niyang kinindatan ni Klint si Lirio.
“Kami na ang bahala rito, bai.” May kung anong nahagip ang mga mata ni Lirio. She couldn’t turn her head because of the two guys, almost sandwiching her between them.
Nagtaka siya nang ngumiti nang pagkatamis-tamis si Lirio. Kulang na lang manginig siya sa pagbabago nito. Lirio pat her head. “Gusto mong bilhan pa kita ng pagkain, Daze? May masarap na banana cue sa labas. Bagong hain pa. Galing kami ni Sofia d’on. Hay, ang cute-cute mo talaga.”
Bigla na lang nitong kinurot ang pisngi niya, kurot na halos naipon na ang laman niya sa kamay nito. Masakit kaya napadaing siya.
“Kayong tatlo, ang we-weird n’yo ha! Kumakain lang naman ako nang matiwasay rito!” reklamo niya.
Noah saw it entirely. Napahigpit ang hawak niya sa librong ipinahiram ni Kara Jecille sa kanya. He was waiting in front of the counter when he saw how the three idiots messed with Daisy.
He even saw Lirio’s eyes landed on his and gave him a chaste smile. There was a playful glint in Lirio’s eyes. Maaaring na-gets kaagad nito ang ikinikilos ng dalawa. Ang tatlong tukmol na ito, inaasar talaga siya. They were telling him that he couldn’t have that close proximity with Daisy unlike them. How could he? Nilakasan na nga niya ang loob niyang makausap ito noong nandoon sila kay Aling Toni. Nang-iinggit lang talaga ang tatlong tukmol dahil naispatan siyang nandoon. Naiinggit ba siya?
No. Hindi. He made his decision already. It’s better that way. Maybe. Bakit ba matalas ang pakiramdam ng mga kabaro niya? ‘Wag sana siya pangunahan at mabuko pa siya nang tuluyan.
“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero isa lang ang masasabi ko, kung anuman ang desisyon mo. Panindigan mo na lang.” Nagulat na lamang siya nang sumulpot bigla si John Dale.
Minsan na silang magkita ni John Dale sapagkat pareho lang naman sila ng barangay na tinitirhan. Nagkagulatan pa nga silang dalawa doon. Nakita nito ang estado ng pamumuhay niya at nakita rin niya ang estado nito. They just kept it to themselves.
Dumako ang mga mata ni John Dale sa papalapit na si Kara Jecille. Katatapos lang nitong mamili ng bibilhin nito roon. Nang makalapit si Kara Jecille ay siya namang alis ni John Dale.
May alam si John Dale na hindi alam ng tatlong tukmol. Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.
“Noah?” Napakurap siya’t napabaling kay Kara Jecille. May hawak itong camote chips na binili nito roon.
“Tara, alis na tayo rito.” Bago pa man ito makapagsalita ay lumabas na siya ng canteen.
* * *
Lahat ng estudyante ni Sir Romulo ay kailangang mag-participate sa volleyball game na iyon at ang kalaban lang naman nila ay ang Section A na tinuturuan din nito.
Tirik na tirik ang araw at nakaharap lang naman sila sa araw kaya nasisilaw sila at minsan hindi nakikita ang atake ng kabilang grupo. Ayaw talaga ni Daisy na sasalubungin ang bola. Kagrupo din niya roon si Raspberry na nakahanda ang mga kamay nito, di tulad niya na kabado kung masasalo ba niya ang bola. Namumula na rin ang mga kamay niya dahil doon. Halos hindi nga siya gumagalaw sa puwesto niya nang mag-rally na ang magkabilang team.
Pinalo ni Raspberry ang bola at masyadong malakas ang puwersa niyon kaya halos umabot ito sa dulo na pinalo naman ni Jecille. Nanlaki ang mga mata ni Daisy nang makitang pabulusok na papalapit sa kanya ang bola.
“Daisy!” Hindi na niya alam kung sino ang tumawag sa pangalan niya. Masyadong mabilis iyon at nangamba siya na di niya magawang mapalo iyon.
Nagulat na lamang ang lahat nang biglang tumakbo patungo sa kanila si Noah at humarang sa harap niya. Nanlaki ang mga mata niya nang saluin ng likod nito ang bola hanggang sa tumalbog iyon sa lupa.
Nagkatinginan silang dalawa ni Noah at tinatanong ng mga mata nito kung ayos lang ba siya. Bigla siyang nanghina at nanginig sa takot kaya napaupo siya’t kinapa ang dibdib niya. Malakas ang tibok ng puso niya, sa ginawa ni Noah o sa mangyayari sanang pagtama ng bola sa kanya. Dinaluhan siya ng mga kaklase niya.
“What the hell, sinadya mo ‘yon, Jecille!” Napabaling ang lahat kay Jenny na sininghalan si Jecille na bumalot sa mukha ang ang inis sa paratang ni Jenny.
Ilang beses na siyang hinatak ni Daphne sa bahay ng mga ito kaya kilala na rin siya ni Jenny na akala niya ay mataray ngunit mabait ito depende sa sitwasyon. Hindi lang talaga ito showy at strict ito sa ilang bagay. Naiintimidate ang mga ka-batchmates nila rito sa leadership skills at uptight aura nito. She has a strong personality.
“I’m not! Hindi ko ‘yon sinasadya! Papunta sa kanya ang bola na dapat saluhin niya!” katwiran naman ni Kara Jecille.
Bago pa man niya marinig ang away ng mga ito na pinagitnaan na ng mga kaklase nila at kaklase ng mga ito ay iginiya siya ni John Dale sa isang bench para makasilong muna. Iniumang nito ang isang bote ng tubig na kaagad naman niyang tinungga.
“Okay ka na?” tanong nito at tumango siya bilang sagot rito. Napahiga siya sa bench nang makaramdam siya ng hilo sa sobrang init.
Nitong mga nakaraang araw, usap-usapan na sa batch nila ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Noah at Jecille hanggang sa nalaman na lang nila na nagkakamabutihan daw ang mga ito at mukhang magkasintahan ang turingan. Doon niya napagtanto na malalim na pala ang nararamdaman niya para kay Noah, hindi isang simpleng crush lang pagka’t may pinong kumukurot sa puso niya kapag masaya ang dalawa na magkasama.
Nanlalabo na ang paningin ni Daisy, samu’t saring kulay ang bumalong sa mga mata niya hanggang sa nilamon na siya ng kadiliman. Ang huling narinig na lamang niya ay ang pagtawag ng mga kaklase niya sa apelyido niya.
* * *
Kabanata: Dalawampu
Masama ang pakiramdam ni Daisy kanina pa at pilit niyang ibuka ang mga mata niya sa klase.
“Daisy, namumutla ka,” puna ni Daphne sa kanya nang magkita sila sa bench, sa lilim ng punong mangga. Sa tapat lang ng TLE Building.
“Are you sure you’re okay? Puwede natin ‘tong i-postpone.” Bakas sa mukha ni Daphne na nag-alala ito sa kanya. Hindi niya akalaing makakasundo niya si Daphne dahil usap-usapan na maarte ito at may pagka-maere pero ang totoo, nanibago lang ito sa buhay public school.
Sanay naman kasi ito sa private school at mukhang nakapag-adjust na ito sa eskuwelahan nila. Nakasabay pa nga niya itong kumain ng lunch sa corridor.
“Pabalik-balik ‘yung lagnat ko. Ayoko namang um-absent dahil natataon na may quizzes at tests,” katwiran niya saka sinapo ang kanyang noo dahil bigla siyang nahilo.
“Cancel muna tayo, Daisy.” Nagsimula na itong magligpit ng mga gamit nito. “Umuwi ka na muna at magpahinga,” payo pa nito at tumango na lamang siya kaysa magpumilit pa. Ito na rin ang umalalay sa kanya.
Kumikirot ang ulo niya at parang masusuka siya habang lulan ng jeep. Nang tuluyan na siyang makarating sa bahay ay dumiretso na siya sa higaan niya dahil nahihilo na naman siya. Nakahinga siya nang maluwag nang lumapat na ang katawan niya sa higaan. Nagtataka na ang kanyang ina kung bakit pabalik-balik ang lagnat niya. Pina-absent siya nito kinabukasan at tumungo sila sa Hi-Precision Diagnostics para i-check magsagawa ng tests sa kanyang katawan.
Nagtaka lang si Daisy nang makita niyang nanlulumong nakikinig sa isang medical staff ang nanay niya. Nang bumaling ito sa kanya ay tila mapapaiyak pa ito. Napatayo mula sa inuupuan niyang steel chair.
“Ma? Anong problema?” Umiling lang ito.
“Nirekomenda na sa hospital natin ipabasa itong resulta mo sa medical. Kaya mo pa ba, Daisy? Baka nahihilo ka pa at mag-taxi na lang tayo,” malumanay nitong pahayag at inalalayan siyang lumabas sa establisyemento. Nagpara ito ng taxi at doon sila sumakay.
Hindi alam ni Daisy kung bakit sa hospital sila tutungo. Di ba sila puwedeng direktahin ng medical staff kung ano talaga ang problema sa kanya? Sa isang pampublikong hospital sila nakarating at kaagad na lumapit ang kanyang ina sa isang nurse doon at tinanong kung ano ang ibig sabihin ng results.
Biglang nahilo si Daisy at natagpuan na lang niya ang sariling nakasakay ng wheelchair, tulak-tulak ng nurse at takang-taka na kung ano ang nangyayari. Nagulat na lamang siya na nakahiga na siya sa isang kama at iniinspeksiyon ng doktor at nurse. Dahil sa mga nangyayari ay nakatulog siya at nagising na lamang na madilim na ang paligid. May mga kasama rin siyang mga pasyente roon na chine-check up ng mga nurse at tinuturukan ng injection.
“May dengue ka, anak,” malumanay na pag-amin ng kanyang ina na tila maiiyap pa sa kalagayan niya. Napadako ang mga mata niya sa nakaturok na dextrose sa kanyang kamay. Unti-unti niyang nauunawan kung bakit pabalik-balik ang lagnat niya at ang mga rashes sa kanyang balat na biglang tumurok.
Nanubig ang mga mata ni Daisy nang mapagtantong may sakit siya at walang katiyakan kung gagaling siya. “Sinabi ng doktor na mabuti na lang in-admit kita dahil mas lalong lalala ang lagay mo. Napakababa ng platelet count mo anak, baka maging huli na ang lahat pag di kita pina-check up.” Niyakap na lang siya nang ina niya at hinayaan siyang tahimik na umiyak.
Kinabukasan, napagtanto na ni Daisy ang lahat-lahat nang kunan siya ng dugo sa pamamagitan ng pagturok sa kanya. Ang pag-check sa dextrose niya. Ang pagkain niya ng hospital food umaga hanggang gabi. Ang kanyang ina ang nag-aalaga sa kanya roon habang ang kanyang ama naman ay ang nag-iisang nagpapatakbo sa barbecue-han nila. Nakatulala lamang siya doon, iniisip kung paano siya napunta sa ganoong kalagayan.
Pangatlong araw niya doon at wala na siyang lagnat. Bumubuti na rin ang pakiramdam niya at saka lamang niya naisip na ilang araw na siyang absent sa eskuwelahan. Tumungo siya sa phone booth upang ipaalam kay Lirio na may sakit kaya um-absent siya ngunit himdi niya sinabi kung ano iyon. Ayaw niyang mag-alala ang mga kaibigan sa kalagayan niya. Bumalik siya sa ward niya’t nagbasa na lang ng libro na dinala ng kanyang ina kahapon para may pagkaabalahan siya roon.
Siya lamang mag-isa doon at kampante naman siya na kaya niyang alagaan ang sarili niya at di naman siya pasaway sa mga nurse doon.
“Daisy?” Nagulat siya nang tumawag sa kanyang pangalan roon. Napalingon siya sa gilid na si John Dale pala na nagulat rin na natagpuan siya doon. Dumako ang mga mata nito sa nakakabit na dextrose sa kamay niya.
“May dengue ka rin?” maang nito. Nangunot tuloy ang noo niya’t binaba ang libro sa kandungan niya. Umayos ito ng tayo at napabuntong-hininga. “Na-admit ang nakababata kong kapatid rito. Tuluyan na siyang gumaling at bukas ay baka puwede na siyang makauwi. Bakit hindi mo ipinaalam sa ‘min na may dengue ka na pala?”
“Ayokong mag-alala sila. Saka ko na sasabihin pag magaling na ako,” malumanay niyang sagot na may maliit na ngiti sa mga labi. “‘Wag mo muna sabihin sa kanila, JD.”
Pinaningkitan lang siya ng mga mata nito. “Mas lalo silang mag-alala kung wala silang kaalam-alam sa nangyayari. ‘Yung kaibigan mong si Berry, panay ang sulyap sa binakante mong upuan. Nagtataka na ‘yon kung bakit sunod-sunod na ang absences mo. Di ka naman kasi uma-absent sa klase nang biglaan.”
Napabuntong-hininga na lang siya. “Oh sige, kung mapilit sila, sabihin mo sa kanila pero wag mong i-broadcast sa buong section. “
“Takot ka lang ata bisitahin rito.” Tumango siya bilang sang-ayon. Ayaw niyang i-pity ng kung sino at gagaling pa siya. Positibo ang feedback ng doktor at bumabalik na rin sa normal ang platelet count niya. “Oh siya, alagaan mo sarili mo. Pupuntahan ko muna kapatid ko at baka hinahanap na ako.”
“Oh sige.” Nakangiting kinawayan niya ito nang tumungo ito sa silangang bahagi ng palapag kung saan nandoon naka-confine ang mga mas batang pasyente ng dengue.
* * *
“Ano?” bulalas ni Lirio. Sumenyas lang si John Dale na babaan niya ang boses niya at baka may makarinig sa mga kaklase nila.
Dumukwang siya sa mesa upang marinig niya nang maayos si John Dale.
“Nasa hospital si Daisy kaya siya um-absent ng ilang araw. May dengue siya at kasalukuyang nagpapagaling. ‘Wag kang mag-alala, hindi naman malala ang lagay niya. May dengue rin kasi ang kapatid ko kaya nakita ko siya doon,” paliwanag ni John Dale. “Ayaw niyang malaman ng iba. Ayaw yatang magpabisita.”
Tipikal na gagawin ni Daisy kapag ayaw nitong malaman ng iba ang nangyayari rito. Kahit parang araw ang aura nito, nakangiti lagi at hindi yata nagagalit ay may nakatago pa ring detalye ng disposisyon nito. Kaya pala, ramdam niyang may mali nang mapansin niyang sunod-sunod na ang absences nito. Nade-detect kasi niya na uma-absent lang ito kapag may problema.
Dumako ang mga mata niya kay Noah na abala sa pakikipag-usap kay Jecille at napasinghal na lamang siya nang maalalang tila wala naman itong pakialam sa absences ni Daisy. Naningkit tuloy ang mga mata niya. “Samahan mo akong bumisita sa kanya. Ikaw ang may alam kung saan siya naka-confine.”
Bumuntong-hininga lang si John Dale. “Oo na. Pagkatapos ng klase natin tayo pupunta. Wala ka bang pagkakaabalahan mamayang hapon?”
Tatakasan na lang muna niya si Henry na siyang study buddy niya mamaya. “Wala.”
Lihim na tinaningan ni Lirio si Noah. Kung magtatanong ito tungkol kay Daisy ay sasabihin niyang may dengue ang dalaga at kung hindi naman, hindi niya sasabihin at bahala na itong mag-alala. Lagi na lang nitong kasama si Jecille at mukhang tuwang-tuwa pa na kasama ang babae. Nakatagpo na pareho ang lente ng pag-iisip at katalinuhan. Tila may nalasahan siyang pait sa bibig niya nang maalala si Daisy.
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase at hindi pa rin siya tinanong ni Noah tungkol kay Daisy. Napasimangot siya nang lihim dahil tila wala itong pakialam.
Isa lang ang tao na nasa isip niya na concern kay Daisy. Ang matalik nitong kaibigan na si Raspberry. Wala siyang plano kung paano pakitunguhan si Raspberry bagkus ipapaalam lang niya dito ang dahilan kung bakit absent si Daisy.
Lumapit siya rito na kausap o mas tamang sabihing tinatarayan nito ang study buddy nitong si Klint.
“Berry,” tawag niya rito. “Puwede ka bang makausap?” Nagtaka naman ito sa tanong niya. Palipat-lipat lang ang tingin ni Klint sa kanilang dalawa na parang may namamagitan sa kanila. Sabay lang nilang sinamaan ng tingin si Klint na itinaas ang mga kamay.
“Oo na. Bukas na tayo mag-study,” tila pagsukong sambit nito kay Berry at dinampot ang mga gamit nito.
“Anong meron?” kunot-noong tanong ni Berry.
“Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” tanong niya rito. Kung ano man ang plano nito ngayong araw ay tiyak na magbabago. “Tungkol ito kay Daisy. Kung gusto mong malaman kung nasaan siya, sumama ka sa ‘kin.”
“Ha? Teka, anong nangyari sa kanya?” nag-alalang tanong nito. Napakamot siya sa tainga niya. Mas maganda talaga ito kapag hindi mataray ang mukha nito. Tumikhim siya.
“Malalaman mo nga pag sumama ka sa ‘kin. Hahapit muna tayo ng mga prutas para sa kanya.” Nang mapagtanto nito ang sinabi niya ay tila nanlumo ito at napatango ito. Mukhang may ideya na ito sa kalagayan ni Daisy. Madali itong maka-pick up bagay na naobserba niya rito bukod sa matalino ito. “Hanapin muna natin si John Dale. Siya ang nakakita kay Daisy. Baka andoon lang ‘yon sa canteen, hinatak ni Daphne. Halika na.”
* * *
Kahit na alam niyang may posibilidad na malalaman ng ibang kaklase nila na may dengue siya ay nagulat pa rin siya nang makitang magkasama siyang binisita nina Lirio at Berry bitbit ang isang plastic na may lamang mga mansanas at orange. Naglikot tuloy ang mga mata niya na parang may kulang sa mga ito.
“Okay ka na?” tanong ni Berry at umupo sa gilid ng kama at inabot ang kanyang mga kamay. “Nag-alala na kami sa ‘yo dahil hindi ka na pumasok nang ilang araw.”
Pinisil niya ang malambot na kamay ni Berry at ngumiti. Gustuhin man niyang maiyak dahil na-touch siya sa ginawa nito ay ayaw naman niyang maging emosyonal. “Gumagaling na ako. Masakit ‘yung mga tusok.” tukoy niya sa mga daliri niya na paulit-ulit tinusok ng karayom para makakuha ng dugo. “Pero para naman ‘yon sa ikagagaling ko. Mino-monitor lang ang dugo ko.”
“Hindi pa alam ni Ma’am kung bakit ka absent ng tatlong araw. Abala naman kasi ‘yon pero tinatanong niya kung ano na ang nangyayari sa ‘yo. Natanggap ko ang mensahe mo sa pager. Akala ko, nilagnat ka lang. Hindi pala,” ani Lirio na pasimpleng kinuha ang mga prutas sa plastic at nilagay sa isang mangkok kung saan doon nilagay ng kanyang ina ang lansones na ngayo’y papaubos na.
“Saka ko na kasi ipapaalam pag gumaling na ako. Nasaan nga pala si John Dale? Siya ang naghatid sa inyo panigurado,” tanong niya at luminga-linga.
“Nasa kapatid niya. Ngayon na kasi ang alis nila.” Si Raspberry na ang sumagot.
“Marami ba akong na-miss sa klase? Naku, babawi pa ako pagbalik,” nakangusong sambit ni Daisy at tinanggap ang inabot na orange ni Lirio na nabalatan na nito.
“‘Wag mo muna isipin ‘yon. Ang importante ay gumaling ka at makapagpahinga. Saka mo na isipin ang tungkol sa eskuwela,” wika ni Lirio na binalatan rin ang isang orange.
“Tama si San Miguel, Daisy. Magpahinga ka muna. Hindi naman masyadong mabigat ang mga gawain sa school as long as bubuti ang lagay mo. ‘Wag kang pumasok agad. Pahinga ka muna ng isang araw.” Parang Ate na payo ni Raspberry.
“Areglado!” Pabiro pa siyang sumaludo rito.
May napansin siya. Hindi kasama ng mga ito si Noah. Sabagay, busy ‘yung tao. Hindi niya maiwasang malungkot.
* * *
“Bakit hindi mo sinabi sa ‘king bumisita pala kayo noong isang araw kay Daisy?” May himig ng inis sa tono ni Shinoah nang lapitan siya at magtanong. Gumawi ang mga mata niya kay Daisy na masiglang nakikipag-usap kay John Dale at Daphne doon sa canteen. Vacant time kasi nila ng mga oras iyon at kababalik lang ni Daisy sa eskuwela ngayon. Magaling na ito at nagbalik na ang kulay sa mukha, hindi gaya noong nasa ospital pa ito.
Sinunod nito ang payo ni Raspberry na magpahinga muna ng isang araw pagkatapos nitong lumabas ng hospital. Nang araw na bumisita sila ni Berry rito ay sabay na rin silang umuwi ng huli.
Tahimik lamang sila sa biyahe pero napapansin ni Lirio na mukhang gumaan na ang pakiramdam nito nang malaman kung ano ang totoong kalagayan ni Daisy. Tunay na nagmamalasakit talaga ito sa nagkasakit nitong kaibigan. Kahit paano ay napanatag si Lirio.
Binalingan niya si Noah na nakasimangot ang mukha. “Wala ka naman kasing pakialam nang araw na binisita namin siya. Di hindi ka bumanggit ng pangalan ni Daisy. Puro Jecille, mag-aaral pa kami Jecille, Jecille, Jecille blah blah blah. Oo, nakatagpo ka na ng katapat mo pero nakalimutan mo naman si Daisy.” Sa inis na rin niya ay padaskol siyang tumayo sa kanyang kinauupuan.
Ni hindi na siya nito hinabol para magpaliwanag pa at tiyak niya’y may nasaling siya rito. Wala na siyang pakialam. Tinungo niya ang puwesto ni Daisy.
“Tsaran! Dito ako tinurukan ng dextrose. Kita n’yo?” Itinaas pa ni Daisy ang kanan nitong kamay na may palatandaan ng tusok ng dextrose. Ipinakita nito iyon kina Daphne at John Dale na parehong napangiwi lang.
“Proud ka pa ha.” Marahan niyang ginulo ang medyo kulot nitong buhok at natawa. Natawa na rin sina Daphne at John Dale.
Nagawi ang mga mata ni Lirio kay Noah na makatingin sa puwesto nila. Pinaningkitan lang niya ito ng mga mata. Bahala na itong makonsiyensiya.
* * *
Interlude 3
* * *
“So tell me, anong masasabi mo kay Lirio?” pang-iinterogate ni Daphne. Palibhasa, katatapos lang nilang mag-review ng lessons sa Physics. Kasunod naman niyon ang Trigo ngunit sumegway na naman si Daphne. Ayos lang naman kay Daisy, pahinga na rin nilang dalawa iyon. Baka nga, magpatulong sila kay Jenny sa Trigo.
Nandoon sila sa terasa ng bahay ng Alcueza-Evangelista. Magkasama ang dalawang pamilya. Two fathers and two daughters. The mothers were missing but Daisy didn’t ask Daphne about that and it’s better that way. The least thing she could do is to pry on their personal life.
Background nila sa baba ang kagubatan at iilang bahay di-kalayuan. Nasa uphill kasi ang malaking bahay ng mga ito. Mistula iyong kastilyo kapag nakatingala siya babang bahagi ng bundok. Kinukuyog kasi siya roon ni Daphne imbes na mag-aral sa school. Naiingayan daw kasi ang librarian kapag sa library sila.
“Hhhm, makulit siya. Attentive na kaibigan. Hinahanap niya ako pag wala ako sa school. Sabi ng iba, guwapo siya pero may ibang girls na nagsasabi na kapag tumawa siya o bigla na lang naging weird ang kilos, nasasayangan sila kasi baliw-baliwan ang lolo mo. Loko-loko kasi iyon.” Natawa siya nang maalala ang isang eksena na hindi mapuknat ang mga ngiti ng batchmates niya noon nang makita si Lirio.
Itsurang mabango si Lirio noon pero bigla na lang ito nagchicken-dance sa harap ng bugnuting si Shawn at natatawang si Noah. “Nakaka-turn off raw.”
Ginalaw ni Daphne ang mga daliri nito sa bilugang mesa at kunyari napaisip. “Yes, pogi siya. Pero pass, family friend namin. Guwapo rin mga pinsan niya kaso not my type.”
“Kilala mo mga pinsan niya?” tanong niya.
Tumango ito at nagcheck-mark pa sa ere. “Yes, mga mayayabang ang ilan. Kung hindi man, nangangamoy pabling. May seryuso pero parang hirap lapitan sa aura. How about Clyde? Di ba nakikita mong magkasama sila?”
Clyde and Lirio liked music that’s why their batchmates saw them jamming with their guitar and randomly sang in corridors. May pagkakataon ngang nasaway ang dalawa ng teachers kasi maingay raw. Sa corridor pa talaga na may nagkaklase pa.
“Si Clyde? Kay Garnet na ‘yon.” Pareho silang dalawa. Two musicians na himalang hindi nagkakasundo.
“Kidding. Ayos naman si Clyde. Nakikipag-apiran yan pag nakita ako na of course, di niya ginagawa kay Eden Sofia. Napuna kasi ni Eden ‘yung maduduming kuko raw niya. Kawawang nilalang, na-judge sa kuko. Nagkakasundo kami sa music. Minsan na kaming nagkantahan na tatlo.”
“Well, maganda naman ang boses ng dalawa. Mas malalim kay Clyde. Si Henry?”
Bakit ba lalaki pinag-uusapan nila? Trip na naman ng Daphne na ito.
“Henry? Si Aladdin at Romeo na rin ngayong year? Di ba magkasama kayo lagi noon?” tanong niya.
“Sa UN lang ‘yon ano. Mukhang pagkain ‘yon pag sumasama sa ‘kin. So ano nga?” Kulang na lang magningning ang mga mata nito. Kapag narinig sila ng Daddy nito, tiyak na isasako nito si Daphne.
“Napapansin kong bet siya ng mga bakla. Alam mo na, tall, dark and handsome. Tapos artistahin ang dating kasi nga magaling mag-acting.” Magaan ang loob ni Daisy kay Henry. Wala itong arte kagaya ni Lirio kaya nagkakasundo ang dalawa lalo na sa kalokohan.
“Si John Dale?” pagtanong nito niyon ay itinukod nito ang mga siko sa mesa. Pinagsiklop nito ang mga kamay at ipinatong roon ang panga nito. Sinasabi na nga ba, mapupunta talaga silang dalawa kay John Dale.
Natawa na lang tuloy siya. “Mabait. Wala kang maririnig na reklamo sa kanya.”
“E ba’t nagrereklamo siya sa ‘kin?” nanghahaba ang ngusong tanong nito.
“Kinukulit mo kasi e. Saka thoughtful siyang tao. Di man halata pero tinatanong niya ako kung ayos ba ako. Seatmate ko kasi siya sa Physics. Di man kami madalas mag-usap ay nauunawaan ko. Mukha siyang may malalim na iniisip at ayoko namang mangialam kaya tahimik lang ako.”
“Talaga?” Bakas ang kuryusidad sa mga mata nito. “Hay, kung bakit naman kasi nakakahalina ang dimple niya. Kahit di ngumiti, halata talaga.”
“May dimple din naman si Lirio ah.”
“Di ko nga type. Pareho kaming maingay. Baka sasabog ang mundo. Dito ako kay John Dale, tahimik at mabait. Sinasakyan ang trip ko.”
“Di nga, close na kayo?”
“Ako nga ang gumagawa ng paraan para maging close kami. Tapang ko di ba? Di man siya magandang tingnan kasi nga babae ako, pero nasa modern times na tayo ano. Walang mangyayari kung walang gagalaw. Mukha pa naman ‘yung torpe.”
“Para sa ‘kin, mas ayos pa ring maranasan mo ang suyuin pero nirerespeto ko ang pananaw mo.”
“Kaya nagkakasundo tayo e, kahit na magkaiba ang views natin paminsan-minsan. High five.” Nag-apir silang dalawa bagay na ikinahagikhik nila. Nakalimutan na ang pagtalakay sa lessons nila sa Trigo. “So what about Shawn?”
“Si Shawn?” Si Shawn na nakahanap ng katapat sa katauhan ng pinsan nitong si Jenny.
“Yeah, si Shawn Guillermo, the one and only. The SSG President.” Gumalaw-galaw pa ang mga kilay nito. “Ay, wag na pala si Shawn. Baka kastiguhin ako ni Jenny. Sa kanya na pala iyon. Off-limits na si SSG boy natin.”
Jenny suddenly showed up from the staircase few meters away from them, carrying a tray of food. Ang singkit nitong mga mata, na maitutulad sa Persian cat ay nakatutok sa kanila.
“I heard you two. And please, ‘wag n’yong iugnay sa pangalan ko ang walangyang timawa na ‘yon. Kinikilabutan ako.” Maingat na inilapag ni Jenny ang tray na may dalawang tall glass na may orange juice at slices ng sandwich na mukhang ito ang gumawa. “Ganito ba kayo lagi? Topic n’yo mga boys?”
Daphne raised her finger. “Oyst! Not all the time, couz. Nagkataon lang na ito ang topic na nadatnan mo.”
“Noong nakaraang araw lang e topic ninyo si John Dale ba ‘yon?” Nakataas na ang kilay nito at kulang pameywangan ang pinsan nito sa patutsada ng huli.
Tumawa siya si Daphne. “Eh, eavesdropper.”
Jenny crossed her arms. “Kaya hindi kayo natatapos sa pag-aaral dahil ito ang pinag-uusapan ninyo. Focus on the study task, okay? Mag-snack muna tayo. I prepared it and only to see you two, babbling about those useless boys? Go back to studying, girls.”
With that, she went down the stairs.
“Tinarayan na naman tayo ng pinsan ko.” Napangiti na lamang si Daisy dahil may punto naman si Jenny. Jenny just cared about Daphne’s academics. “Nah, magtataka ka kung sasali ‘yon sa usapan natin.”
“Naiintindihan ko naman siya. Malas lang, tayong dalawa ang study buddy. Ikaw nangdi-distract e.” biro niya na may bahid ng paninisi. Napainom tuloy siya ng orange juice.
“Oy, nakikisabay ka naman. So, the last man standing na tayo.”
“Ha?”
“Si Noah.” Muntik na siyang masamid sa iniinom na juice. Naibaba niya ang baso. Di niya alam kung bakit bigla na lang siya kinabahan sa paraan ng pagtingin ni Daphne sa kanya. Parang may napansin ang bruha. “So what’s with you and Noah?”
“Hino-hotseat mo ako e,” kompirma niya.
Daphne only gave her a smile, showing her complete set of white teeth. Her clef chin and apple cheeks were even emphasized. Magkaiba ang beauty ng dalawang magpinsan.
Daphne’s eyes were round, while Jenny was chinky ones. Morena si Daphne. Maputi naman si Jenny, blame the Chinese genes from her mother. Jenny could be fierce and cute at the same time. Intimidating ang aura ni Jenny sa iba. May pagka-lukaret naman si Daphne. Two cousins, different physical features and different personalities.
“Shinoah Sagara,” she said slowly, teasing Daisy who only just maintained her calm face and Daphne laughed about it. “Spill the beans. Naikuwento ko na ang tungkol kay John Dale. Wag mong itanggi dahil amoy na amoy kita.”
Napangiwi na lamang si Daisy at napainom ulit ng orange juice.
That day, or more like almost evening. She told Daphne about the thing she hid from Berry. Unfair? Just that, Berry was not the prying type.
“Talaga? Titigan sa jeep nagsimula?”
“Balik na nga tayo sa Trigo. Mahuli pa tayo ng pinsan mo.”
Pagkasabi niyon ay nakita nila si Jenny na may bitbit nang mga school materials nito.
“I don’t trust you, two. I’ll monitor you. I noticed that you were avoiding Trigo. Do I have to intervene for the nth time?”
Alam kasi ni Jenny na mahina silang pareho sa Trigo.
* * *
Kabanata: Dalawampu’t Isa
* * *
Sumapit ang huling araw ng February at gimik ng SSG na lahatin ang programs ng Love Month na gaganapin sana sa February 14 ay hindi ginawa dahil abala sa elections.
Abala ang mga batchmates nila sa booths ng kanya-kanyang section habang niyaya niya naman si Raspberry na tumambay sa library.
Nagbabasa sila ni Berry sa isang sulok nang mapansin niyang pumasok sina Klint at Marc sa loob ng library na parang may hinahanap. Bigla siyang inatake ng kaba sa hindi malamang dahilan. Nang makita sila ni Berry ay kaagad siyang hinila ng huli patago sa ilalim ng mesa.
“Ginagawa mo, Rasp?” takang tanong ni Daisy na sumiksik na rin dito dahil may kutob siyang may mangyayaring hindi maganda.
“Hindi mo alam?” mahinang asik nito. Tila mababakas sa mukha nito ang pagkaalala at inis. Napakurap siya sa pagtataka. Anong hindi niya alam?
“Anong ‘di ko alam?” nalilito niyang sambit. Umaandar na naman ang pagiging walang pakialam niya sa paligid. Minsan kasi ay immerse siya masyado sa ginagawa niya kaya hindi na siya aware sa mga nangyayari sa paligid. Siya ang taong huling makakaalam ng tsismis sa ugaling niyang ‘to.
“Masyado kang engross sa mundo mo kaya’t di mo alam na wala na silang dalawa. Ano ka ba, hinahanap ka ng mga kaklase natin dahil may plano sila para sa ‘yo at kay Noah. ” naniningkit ang mga matang sambit nito at panay ang sulyap sa harap nila. “Alam kong gusto mo si Noah, Daisy.”
Nanlaki ang mga mata ni Daisy. “Hindi kaya ako umamin sa ‘yo.”
Litong-lito siya nang takpan ni Raspberry ang bibig niya. Kinabahan siya sa sinabi nito. Isa siya sa bibiktimahin ng gapos booth ng section nila? Hindi maaari! Nakakahiya iyon!
“Igagapos? Kay Noah. Mga sira-ulo ba sila? Isabay pa nila ako sa pauso nila. Sino bang nag-utos niyan?” Himbis na kiligin o ano, nairita pa siya.
Ang booth kasi nila ay ipapagapos ng nag-utos ang dalawang gusto nitong loveteam at mapipilitang mag-usap ang mga ito nang masinsinan na siyang ayaw mangyari ni Daisy. Gusto niyang sakalin ang nagbigay ng ideya na si Hazel.
“Bakit alam mong hinahanap nila ako?” tanong niya rito. Nanatili silang nakaupo sa sahig at pasimpleng sumandal sa built-in na estante na may mga hilera ng libro.
Umirap lang si Raspberry na parang simpleng impormasyon lang iyon. Pinagkrus pa nito ang mga kamay nito sa ilalim ng dibdib. “Narinig ko kanina. Si San Miguel ang nag-utos.”
Napanganga siya. Lagot sa kanya ang Lirio na ‘yon. Kahit hindi niya aminin, ramdam niyang parang tinutulak siya nito kay Noah. At hindi iyon maganda sa sitwasyon nila. “Nope. Hindi ako babalik.” mariin niyang sambit.
Nang magsawa silang dalawa sa library ay nagulat na lang sila nang matagpuang wala na ang bag nila sa ibabaw ng maliit na shelf pagkalabas nila. Nakita nila ang isang papel na nakapaskil sa bag ni Raspberry. May sulat-kamay iyon ng isang itim na marker.
Nasa room ang bag ninyong dalawa. PEACE.
– Klint
“Klint!” Umalingawngaw ang sigaw ni Raspberry. Nasaway sila ng librarian dahil d’on. Sumunod siya kay Raspberry na nagpupuyos sa galit at napansin rin ni Daisy ang pagkataranta nito.
Tumakbo sila patungo sa center building dahil nandoon ang mga booths. Saka lang napagtanto ni Daisy na wala ring silbi ang pagtatago nila dahil nakalagay ang pangalan nila sa logbook ng library at alam ng mga ito ang hitsura ng bag nila.
Hingal na hingal silang dalawa ni Raspberry nang makarating sa classroom nila doon.
Nagulat siya nang lumapit ito kay Klint na tatawa-tawa lang at parang may hinahanap rito.
Samantalang siya’y naitulos na sa kinatatayuan nang malipat ang mga mata nila sa kanya at kay Noah na nakagapos sa isang silya.
Nanlaki ang mga mata ni Noah nang mapansin siya at umiling-iling. May busal ang bibig nito na alam niyang tatanggalin pag nahuli ang hinahanap ng mga kaklase na siya.
Anong nangyayari? Nagkatinginan sina Marc at Klint, pinigilan ni Klint si Raspberry na mangiyak-ngiyak pa yata. Napaatras siya nang umabante na ang mga kaklase niya at bubuwelong habulin siya. Bumalik siya sa dinaanan niya kanina. Halos tumalon na siya at lagpasan ang iilang baitang nang muntik na siyang mahagip ng mga ito.
Mabuti na lamang, gamay na niya ang mabilisang pagtakbo kaya nakatakas siya pagsamantala sa mga ito. Hingal na hingal na siya at parang namamanhid na ang mga binti niya. Nagtago siya sa tambakan ng basura, tiniis ang baho roon at nang tumunog ang pager niya ay nainis siya mensahe roon ng unggoy na si Lirio.
Tiba-tiba section natin pag naitubos ka namin. Baka makabili pa kami ng cake
– Lirio
Kaya pala nahuli ng mga ito si Noah dahil malaki ang ipinangtubos. Inignora na lang niya ang masangsang na amoy ng basura. Hindi magtatiyaga ang mga itong maghanap sa tambakan basura.
Tumunog na naman ang pager niya at nalito siya sa sunod-sunod na mensahe ni Lirio.
Wag mo na kaming pahirapan Mako
Wag na ninyong pahirapan ang sarili ninyo
Natigilan siya sa nabasa niya. Anong papahirapan ang sarili nila? Ganoon lang ba kadali iyon at ano? Isusugal niya ang sarili niyang damdamin sa kagustuhan ng mga ito? Oo, gusto niya si Noah ngunit hindi niya ipapahiya ang sarili sa ganoong paraan. Nagtungo na lamang siya sa karinderya ni Aling Toni para magpalamig ng ulo. Inis na inis siya kay Lirio kung bakit pinaglalaruan siya nito.
Bumalik na siya sa classroom nang tapos na ang programs sa araw na iyon. Nailang siya sa paraan ng pagkakatingin ng mga kaklase nila sa kanya. Si Jin at Kei ay nadidismayang nakatingin sa kanya at saka siya iniwasan.
Tila may bumara sa lalamunan niya. Ano ba gustong mangyari ng mga ito? Napukaw na naman ang inis na nararamdaman niya.
Balewalang dinampot niya ang bag niya’t sinukbit sa mga balikat niya. Nasalubong niya ang mga mata ni Noah at kaagad nitong iniwas ang tingin. Mukhang nainis rin ito sa nangyari at bago pa man makalabas si Daisy sa silid ay nagwalk-out na ito kaya mas lalong tumahimik ang buong klase. Nanlamig si Daisy at napahigpit ang hawak niya sa strap ng bag niya.
Galit ba ito dahil tinutulak siya ni Lirio dito kahit malinaw na malinaw sa kanila na may pagkakaunawaan na ito kay Kara Jecille?
Sumama ang loob niya. Alam ng buong klase na nagkakamabutihan na ang mga ito.
Bakit siya ang pinaglalaruan ng mga ito? Porket gusto niya ito ay sasabayan niya ang kalokohan ng klase nila? At pagmukhain siyang tanga? May natitira pa naman siyang dignidad at hiya sa sarili niya.
Inis. Pagkaawa sa sarili. Sama ng loob. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman niya at parang hindi na niya kakayanin ang bigat niyon kaya nagtatakbo siyang umalis doon.
* * *
Hinila siya ni Berry sa madilim na bahagi ng parking lot nang matagpuan siya nito.
“Not because you like him, ay gagawin na nila ‘yun sa ‘yo,” may bahid na inis na sabi nito. Hindi na niya kinaya pa at lihim na siyang napaiyak. Napayuko siya nang sumigok na siya. Marahas niyang pinalis ang mga luha niyang patuloy lang sa pagpatak. Una, si Lirio. Ngayon, si Berry. Sa magkaibang dahilan. Ang hina-hina talaga niya.
“Salamat,” sabi niya nang tumahan na. Suminghot siya’t suminga sa panyo ko. Gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano. “Alam ba nilang lahat?”
Umiling si Raspberry, seryuso ang mukha. Nangungunot na rin ang noo nito. Halatang naiinis ito sa nangyari kanina. “Hindi pero may ideya si Lirio kaya itinutulak ka niya kay Noah. If only I could put sense in his head knowing na kasa-kasama niya sina Noah at Jecille sa double date nila.”
Napatungo na lang siya. ‘Yon nga ang inisip niya kanina. May Jecille na ito at bakit hindi si Jecille ang hinabol ng mga ito? Ano na lang ang mararamdaman ni Jecille?
“Lintek kasi, crush ko yan simula pa noong first year. Ako ang nauna e,” katwiran pa niya at natawa. “Sabagay, ano ba naman ako kompara kay Jecille, di ba?”
“‘Wag mong mamaliitin ang sarili mo, Daisy. Magkaiba kayong dalawa,” saway nito sa kanya kaya bahagya siyang napangiti. “I prefer you.”
“Kaibigan mo ako e.” Tumahan na siya. May humabol pa na mga luha, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa kaalamang nandito sa tabi niya si Berry.
“Libre mo ako ng shake. Yung malaki,” biro niya.
“Okay, fine. Just as long you’re going to be fine.” Bumakas na naman ang iritasyon sa mga mata nito. “They didn’t know your real story. Kung alam lang nila.”
“Okay na ako, Berry. Kumain na lang tayo. Nakakagutom pagtakbo ko kanina. Parang sumali ako sa marathon.”
“Mabuti na lang hindi nangyari ang gusto nila.”
Daisy locked her arm with Berry.
When Daisy went home in the confines of her room, she cried silently. Why did it have to happen that way?
* * *
Kabanata: Dalawampu’t Dalawa
Bumakas ang sorpresa sa boses ni Daisy nang makita niya di-kalayuan sa bahay nila si Berry. Bakas sa nagulat nitong mukhang ngayo’y nagtatanong kung bakit may naririnig itong malalakas na boses na nagsisinghalan sa loob ng bahay nila. Kumirot ang ulo ni Daisy at napahawak siya roon.
“Daisy?” Berry inquired and instead of guiding her friend to her house, which is a mess now. Tumuloy sila sa isang mahabang upuan ilang metro lang ang layo sa bahay niya. She didn’t know how to say this to Berry.
Bigla-bigla naman kasi itong bumisita sa kanila. Alam nito ang direksiyon ng bahay nila sapagkat nakapunta na ito roon.
“Hindi mo nabasa ang mensahe ko sa pager mo?” There was still a confusion in Berry’s eyes. Galing ito sa Abellana dahil suot pa nito ang school uniform. Nag-alala marahil ito dahil dalawang araw na siyang absent sa klase.
“I’m worried. Tingin mo ba hindi ko napapansin ang mga araw na ang overly energetic mo? Tapos nagkataong aabsent ka pagkatapos niyon. I think it is not coincidence, Daisy.” Napatayo siya nang makarinig nang kung anong bumasag sa loob ng bahay nila.
“Berry, d’yan ka lang.” Magkahalong takot at pangamba ang lumukob kay Daisy nang kumaripas siya ng takbo papasok ng bahay nila. Nanlumo siya nang makita ang kanyang amang nakaupo, galit na galit ngunit mababakas ang paghihirap sa mga mata.
Sa isang banda ay nandoon ang mga kapatid nito maging ang ina-inahan nito. Ang stepmother nila..
“Hindi n’yo man lang ako kinonsulta. Ang lupang iyon na lang ang natirang alaala ng ina natin mula nang umalis siya sa poder ng pamilya natin nang dahil sa babaeng ‘yan.”
“Tama na, Noel. Nakalipas na ang lahat. Nagsisisi na si mama,” ani Tita Emerald niya.
Bahaw na natawa ang kanyang ama. Nang makita siya ng nanay niya ay sinenyasan siya nitong ilayo ang kanyang kapatid na si Desiree.
“Hindi n’yo na ako nirespeto tungkol sa lupa. Naghirap kami na ipagtanggol puwesto namin na muntik nang mailit kung hindi lang nangutang itong asawa ko. Kalauna’y nagawa mo pa ring ibenta mama. Pinalasap mo lang kami nang ilang buwan. Ano ba talaga ang papel ko sa pamilyang ito? Masaya na ba kayo na may natapak-tapakan kayong tao? Balang araw, ako na mismo ang lalayo sa pagmamanipula ninyo. Lalayo kami ng pamilya ko rito.”
Natahimik ang lahat sa sandaling iyon. Puno ng hinanakit at hinagpis ang kanyang ama mula pa pagkabata. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya kaya pinili niyang magpakatatag para rito. Dito siya nagmana pagdating sa pagtatago ng mga problema, ng sama ng loob hanggang sa tila dam na umagos na lang ang lahat katulad nang nangyari ngayon.
* * *
“Pasensiya ka na, Berry. Iyon pa talaga ang nadatnan mo. Pasensiya na, ang gulo ng bahay namin,” paghingi ng despensa ni Daisy kay Berry. Mugto ang mga mata ni Daisy. Berry didn’t saw her crying but she knew she cried secretly.
When the family conflict happens, she’s outside, weighing the details she overlooked before when it comes to Daisy. Especially her moods.
“Kaya nakailang absent ka na this year.” Napabuntong-hininga si Berry. “Your hide your problems with your smiles. May araw na nagtataka ako kung bakit ganoon ka na lang ka-hyper then biglang absent.”
Natahimik si Daisy. Tama ito ng obserbasyon sa kanya. Napayuko tuloy siya. “Idadaan ko na lang iyon sa katuwaan o minsan sumasabay sa kalokohan sa loob ng school. Nakakalimutan ko kasi pagsamantala ang mga alalahanin ko sa bahay. Ayoko namang dalhin iyon sa school dahil mas lalo lang akong malulungkot. Not entirely na pagkukunwari. Masaya talaga ako ngunit pagsamantala lang.”
“Gusto kitang makita kung ano ka rito.”
“Baka ma-bored ka sa isa ko pang personality.”
“Nope. Why would I? You’re just being real to yourself. You’re kind, that’s why almost everybody in our school can approach you anytime. Isa pa, ayaw mo ng kaibigang puwede kang gambalain?”
Bahagya siyang napangiti ngunit di umabot sa mga mata. “Ayos lang naman sa ‘kin basta advance muna. Nagulat talaga ako na dumating ka rito.”
“Kapag ba hindi ako dumating e hindi ko pa rin malalaman ang totoong kalagayan mo? Ang totoong ikaw ha?”
“Okay, sige na. Hindi na ako makikipag-argue d’yan,” she grinned. “Salamat talaga, Berry. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.”
“Basta, don’t over-exert yourself sa school ha? If you’re not fine, you just can relax and let yourself rest,” payo nito sa kanya.
Berry knew it even before the booth incident. Ang dahilan kung bakit ganoon na lang ito kainis. Humupa na ang inis niya ngunit hindi ito. At the back of her mind, her problems is not her friend’s responsibility but hers to deal with. Magkaiba man ang personalidad na ipinapakita niya sa dalawang lugar, siya pa rin iyon. Ang medyo timid at kalmado ang mukha sa bahay at masayahing Daisy sa loob ng eskuwelahan. When she’s happy, she’s really happy, no pretentions even though it only lasted for seconds, hours or minutes.
* * *
Hindi si dumiretso si Noah sa bahay ng Tito niya bagkus ay tumambay siya sa labas ng isang convenience store, umiinom ng canned beer.
Pagabi na rin at parami na ang mga pasaherong sumasakay ng jeep. Apektado si Noah sa pagkamatay ng kanyang ama dahil sa komplikasyon nito sa puso na hindi man lang sinabi nito sa pamilya.
Huminga siya nang malalim at pilit alisin ang bara sa lalamunan. Hindi rin naging madali sa kanya ang pagkawala nito dahil iniwan nito ang asawa nito’t mga kapatid niya kaya ang responsibilidad nito ay di sinasadyang naipasa sa kanya. Hanggang ang pagsa-sideline niya ay naging dahilan kung bakit bumaba ang grades niya at napagdesisyunan na lamang niyang tapusin ang second sem ng second year at magtrabaho na lamang.
Wala pang katiyakan kung babalik siya dahil gagawa pa siya ng paraan para makapag-aral ng libre. Naipikit niya ang mga mata niya’t hinayaang maglandas ang mga luha niya sa mga mata niya.
* * *
Patong-patong ang mga law books sa mesa na hiniram ni Noah mula sa university library. May duty pa siya sa law firm mamaya ngunit parang hindi na kaya ng katawan niyang magtrabaho. Kasalukuyang nasa ikalawang taon na siya sa Law.
Binisita siya ni Jecille sa munting bahay niya na pamana ni Manong Ploy na pumanaw noong nakaraang taon. Ang may-ari ng jeep kung saan siya madalas nakakatulog. Umalis na siya sa poder ng Tito niya dahil ayaw na niyang makarinig ng masasakit na mga salita. Siya ang gumawa ng paraan para magkaayos si Manong Ploy at ang pamilyang nang-iwan rito. Nagpakatawaran. Ilang buwan ang nakalipas ay inatake ito sa puso.
It was devastating for Noah. He lost two fathers. Years ago, her biological father. Now, the father who nurtured him and supported him all throughout. It was Manong Lito’s choice to become a father to him.
Muntik na siyang ma-late sa exams niya at muntik na ring bumagsak dahil wala doon ang concentration niya. He had to endure it.
Si Shawn at Lirio ang nasa tabi niya habang naghihinagpis siya sa pagkamatay ni Manong Ploy. The two always dragged him away from liquior-filled areas. Nang malaman iyon ni Jecille ay binibisita siya nito hanggang sa nasanay na itong i-check siya sa bahay niya.
“Uminom ka muna nito.” ani Jecille na nilapag ang tasa na may umuusok na tea. “It’s chamomile tea. Pampakalma.”
“Salamat,” simpleng sagot ni Noah habang nasa mga paperworks pa rin ang atensiyon.
“Magpahinga ka na pagkatapos niyan,” paalala nito kay Noah.
“Okay na ako rito, Jecille. May duty ka pa bukas. Masyado na akong nakaabala sa ‘yo.”
They remain as friends after the incident in highschool. Nandoon si Kara Jecille noong magtapos ng Political Science si Noah kasama si Manong Ploy. Jecille graduated as Cum Laude in college and working as an operations manager of a company. Her hard work and perseverance paid off.
“Ang haggard mo na. You have dark circles under your eyes,” Jecille said and sighed. “Hindi ka ba napapagod?”
Dinampot ni Noah ang tasa at sumimsim roon. Medyo nanibago pa siya sa lasa ng chamomile tea.
Sometimes, Jecille talked with double meanings. She eyed him intently, whose attention was on the papers. Maya-maya ay hinilot ni Noah ang sentido niya.
Jecille immediately reached for her shoulder bag and opened it. Kinuha niya mula roon ang isang liniment bottle at nilapag sa mesa ni Noah.
“You need this more than I do. Aalalahanin mong walang ibang nag-aalaga sa ‘yo. Take care of your body. Ayokong mabalitaan mula kay San Miguel at Guillermo na nilulunod mo na naman ang sarili mo sa alak. It’s really bad for your health,” litanya nito sa kanya.
Nag-vibrate ang phone nito saka nito iyon tiningnan. “Alas onse ang curfew ng tinitirhan ko. Mauna na ako sa ‘yo, Noah.”
“Hatid na kita,” alok niya at tumayo.
“Ubusin mo muna iyang tea. Lumalamig na ‘yan. Kaya ko na ‘to.”
“No,” mariin niyang tutol. Natigilan ito. “Babae ka. Marami pa namang mga sira ang utak rito.”
Ngumiti lang si Jecille. “These days, you’re not smiling enough. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang aura mo. Bawas-bawasan mo naman ang pagiging seryuso mo. Mas nagmukha ka pang tyrant kaysa sa employer mo.”
Sumimangot siya. Nauna na siya rito at binuksan ang pinto. “Walang dahilan para ngumiti ako.”
“You have been through too much. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para sa ‘yo. Mag-enjoy ka naman kahit konti. ‘Wag mong lunurin ang sarili mo sa kalungkutan, okay? I’m still sorry for what happened before. Masyado akong selfish.”
“Don’t go there, Jecille. It was my choice,” he reasoned out, and Kara Jecille sighed at his answer. “And it’s entirely my fault. Dinamay pa kita sa gulo ng buhay ko.”
“Pareho lang naman magulo ang buhay natin noon,” she joked. “At may mga nasaktan tayong mga tao dahil doon. Mistakes always taught us lessons.”
Nakatitig lang si Noah sa kawalan matapos na sumakay ito ng habal-habal. Babae ang habal-habal driver nito na siyang maghahatid sa dalaga sa bahay nito. Wala siyang tiwala sa mga lalaki at isa pa kilala niya ang driver.
Magpahinga? Paano? Pagod na pagod na siya. Anumang sandali ay bibigay na ang utak at katawan niya.
Pagbalik niya sa bahay ay malamig na ang tsa-a. Napabuntong-hininga na lang siya at niligpit ang mga gamit niya saka ibinagsak ang sarili niya sa malambot niyang kutson. May bahagi sa isip niya na sana’y mawala na ang bigat sa dibdib niya ngunit hindi ganoon kadali ang lahat.
* * *
Kabanata: Dalawampu’t Tatlo
Napasapo na lang sa noo si Shawn nang madatnan niyang napakakalat at rumi ng bahay ni Lirio. Bahay ng Tita nito na nakapangalan na kay Lirio. Nakatumba na ang mga basyong wala ng laman na alak at di niya mabilang kung ilan ang mga iyon sa rami. Nakakalat din ang mga plastic ng junk foods at ang ibang pulutan ng mga ito na di naubos ay pinagpipiyestahan ng langaw.
Kumalat ang isang maasim at nakakasulasok na amoy at napaatras niya nang makita ang kulay kahel na suka sa gilid ng sofa kung saan nakahiga si Lirio at mukhang mahuhulog na sa posisyon nito. Nasa lapag naman si Noah, nakadapa at humihilik. Lupaypay rin kagaya ni Lirio.
Simula nang mawalan ito ng mga mahal sa buhay ay ganito na ang drama ng dalawa. Ang mag-inuman hanggang sa kulang na lang ay gumapang na ito sa kalasingan.
Parang gusto niyang pagbuhulin ang mga ito. Tumagay na naman ito kagabi na hindi siya kasama. Malamang, marami pa siyang inaasikaso sa Student Council office kung saan isa siyang senator. Sa university kung saan sila nag-aaral na tatlo.
Aburidong napabuntong-hininga siya’t sinimulan na ang paglilinis. Una niyang dinampot ang mga basyo ng alak. Hindi niya maiwasang mapangiwi sa baho ng suka na malamang galing kay Lirio. Sa kanilang magkakaibigan, ito ang may pinakamababang tolerance pagdating sa alak.
Nilinis na rin niya ang suka gamit ang basang mop. Hindi ito ang unang beses siyang naglinis sa kalat ng mga ito. Noong una, naiintindihan niya dahil nagluluksa ang mga ito ngunit paglipas ng mga araw, lumalala ang pinaggagawa ng mga ito. Lalo na si Noah.
“Hanggang kailan kayo magpapakawasak sa buhay ninyo ha?” untag ni Shawn kay Noah na pumasok sa kusina, suot lamang ang boxers nito. Hindi ito umimik bagkus ay naupo lang ito sa high stool ng kitchen counter. “Oo, hindi madali ang pinagdaraanan n’yo pero kailangan bang ganito kayo lagi? At wag n’yo kong simulan na hindi ko ‘to naranasan para maintindihan ang sitwasyon ninyo. You’re not stupid and you couldn’t turn back time. You’re not a divine something who could prevent death.”
Iminuwestra niya ang paligid. Napabuntong-hininga na lamang sa konsomisyon si Shawn at tinapos na ang paghuhugas.
“Ouch! My head hurts!” Sapo ni Lirio ang ulo nito nang pumasok sa kusina. Wala rin itong suot na pang-itaas.
“Maglinis na nga kayo ng sarili ninyo! Ang tatapang ng mga amoy ninyo!” reklamo ni Shawn at padabog na tinapon ang isang rag sa basurahan. “Maglalasing tapos magrereklamo sa hang-over. Kahit anong gawin n’yong paglunod sa alak. Hindi pa rin magbabago ang lahat.”
Natigilan ang dalawa. Tila dinaraanan ito ng mabigat at maitim na mga ulap sa ibabaw ng mga ulo nito. Shawn just put his arms on his waist. Nagmukha siyang problemadong tatay sa harap ng mga ito.
“Yes, it’s painful to think that you couldn’t create new memories with her. At mananatiling ganoon ang edad niya paglipas ng panahon. Kapag nakita ka niyang ganito, matutuwa ba siya, San Miguel? Think of it. I respect your mourning but to destroy your life like this? It’s entirely a different story for me.” Natahimik lang si Lirio, hindi magawang makatingin sa kanya. Binalingan niya ang nakatulalang si Noah. “We knew how you struggled ever since we’ve met. But you’re fighting and still living despite the hardships. Where is that Noah? Ngayon ka pa ba susuko?”
Napatiim-bagang ito. Kapag ganitong nawawalan na siya ng pasensiya ay natatahimik na ang dalawang ito. Nagtimpla na lamang siya ng kape sa mga ito. Pampawala ng hang-over.
“May klase ka pa, San Miguel. Pumasok ka na at male-late ka na sa duty mo, Sagara. “
Nagmartsa siya pabalik sa sala upang ituloy ang paglilinis niya. Umiinit ang ulo ni Shawn ngayong magkasama sila sa kusina at baka masuntok pa niya ang mga ito para tumino naman ang takbo ng utak.
* * *
Noah couldn’t feel his face now that it was bruised and wounded from the fights he had with some bastards who gambled a lot and drank a lot. He defended a person only to get in a riot with those bastards.
Kagabi, dinampot sila ng mga tanod at ikinulong sa kulungan sa loob ng barangay. Tiyak na pagtatawanan siya ng mga kaklase niya sa Pol Sci department kapag nabalitaan ng mga ito na nakulong siya pagsamantala. Baka asarin pa siyang future abogado nga pero naranasang makulong. But he was only defending someone’s rights. Ang problema, pinatulan niya ang init ng ulo niya. Siya na lang ang natira sa kulungan. Ang kamag-anak ng mga sira-ulong bumugbog sa kanya ay pinalaya na. Wala siyang balak magsampa ng kaso ngunit giniit niya na ipa-blotter ang mga gawain nito.
Nananakit ang katawan ni Noah, hindi rin niya magawang ibuka ang isa niyang mata na namamaga pa. Hinayaan niyang maglipol ang dugo sa gilid ng mga labi niya. Nalapatan na siya ng first aid sa clinic ng barangay ngunit kailangan niya pa rin ng magpakonsulta sa hospital.
Danatnan siya roon ni Shawn na napamura nang masilayan ang namamaga niyang mukha. May hiwa rin siya sa bandang kilay.
“Damn, what happened to your face? Those bastards,” Shawn muttered irritatingly.
Nakipag-usap ito sa mga barangay tanod roon at nang ma-settle ay pinalaya na siya. Walang salitang sumunod siya rito at nang lulan na sila ng kotse nito ay saka lang ito nagsalita.
“Now what, Noah? You lose Manong, your father. Then, you lose her again. Just tell me if you have plans to go berserk.” Mariin ang pagkakahawak nito sa manibela. Mukhang sa hospital siya nito dadalhin. “To tell you honestly, it’s better to lose her again instead of seeing you in this kind of state everyday. Wrecked and wretched. Hindi pa nga naglalayag ang barko, lubog na kaagad.”
Hindi siya makaimik. Una, hindi siya makapagsalita ng maayos sa bugbog niyang mukha. Pangalawa, may punto ito. Nasampal na naman siya nito ng katotohanang iyon.
* * *
Naikuyom ni Noah ang kanyang kanang kamay nang makita niya si Daisy sa may Metropolitan church. She was crying, wearing her college uniform. Masasabi niyang umiiyak ito dahil nakayuko ito sa pew, yumugyog ang balikat. Tila walang pakialam ang mga tao roon sa paligid bagkus naka-focus lang sa pagdadasal.
Nagkataong nandoon si Noah dahil may inutusan siya na pumunta ng City Hall ngunit natagpuan niya ang sariling naglakad sa Metropolitan church. Di niya akalaing matatagpuan niya roon si Daisy.
She was in pain and he was watching her. Napatiim-bagang siya dahil wala siyang magagawa para tulungan ito. Lirio made it clear to him that he should stay away from her for the meantime. Masakit para sa kanya na isa siya sa mga triggers nito.
He was so sorry she hurt her way back and he couldn’t undo it. Nang maramdaman niyang papaalis na ito ay tinakpan niya ang mukha niya nang papel na ibinigay ng isang madre doon. Namalayan niyang tumungo ito sa confession area ng simbahan.
Pagkatapos niyang magdasal ay pumunta na siya ng City Hall upang asikasuhin ang utos sa kanya.
“Father, may nasaktan akong tao. Ako ang isa sa dahilan kung bakit nagdudurusa siya.” Tila nilamukos ang kanyang puso nang ihayag ang mga nakatagong damdamin niya.
Di niya akalaing bubuhos ang mga luha niya. Dadating talaga ang araw na hindi mo na kakayanin ang lahat. He was strong so for long and it took courage to accept that he’s also vulnerable and weak at times.
* * *
After Daisy cried in Metropolitan church ay pumayag na siyang sa probinsiya na lang magpatuloy ng kolehiyo niya. Mahirap na siya lang mag-isa sa siyudad at nasa probinsiya ang pamilya niya. Bumalik siya sapagkat gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ngunit kapalit naman niyon ang kalungkutan.
Lagi na lang niyang naiiugnay ang mga lugar at mga bagay sa isang taong malapit sa puso niya. Sa tuwing dadaanan ng jeep ang mga pamilyar na lugar ay nararamdaman niya ang kahungkagan sa puso niya.
Pinal na ang desisyon niyang lumipat ng unibersidad at tumira na nang tuluyan sa probinsiya. Malayo sa kaguluhan ng siyudad. Malayo sa mga lugar at mga alaalang nagpaalala sa kanya ng nakaraan.
While riding in a bus, Daisy stared out at the open window, savoring the air replaced by unpolluted air as the bus drove far away from the city. It was the start when she was cutting off her connections. She left her pager. She changed her phone numbers. She left with not many traces. Sinigurado niyang nakuha na niya lahat ng mga dokumentong kailangan niya.
All her things related to her past were left in a box under the bedroom of a vacant room in Tita Emerald’s house.
Little did Noah know, it was the last time he saw her.
* * *
Kabanata: Dalawampu’t Apat
“Ma’am?” Napakurap si Daisy nang tawagin ng estudyante niya ang atensiyon niya. Ipinatong nito sa teacher’s table ang mga librong isasauli nito. Binilang niya ang librong isinauli nito at minarkahang kompleto ito.
“Okay ka na, Loyzaga. Next.” Tapos na ang school year at nag-aasikaso na lamang silang mga guro sa magiging card day, enrollment at Brigada Eskuwela sa susunod na buwan. Nagsasauli na lamang ng mga libro ang mga estudyante niya na magiging fourth year highschool na sa susunod na pasukan.
Nang matapos ang pagsauli ng mga ito ay tila nanlalatang napaupo si Daisy sa armchair habang pinagmasdan ang mga librong patong-patong sa sahig. Mag-iinventory pa siya niyon at sa susunod na pasukan ay gagamitin na iyon ng upcoming third year highschool students.
“Daisy? Kumain ka na?” Si Ian na biglang pumasok sa silid-aralan kung saan ay advisory niya. Siya rin mismo ang nag-design ng classroom na iyon. Nasa board ang achievements ng mga estudyante niya, ang honor lists at activities nilang natapos na sa school year na iyon. Totoong jacks of all trades ang mga teachers, kung ano-ano na lang ang binubutingting nila sa classroom.
Umiling siya bilang sagot. “Di pa. Tatapusin ko na muna ito. Ikaw?”
Pinameywangan lang siya nito. Panganay naman siya pero pakiramdam niya marami siyang Kuya sa katauhan ng isang ito at ni Calvin. “Ano ka ba, mag-break ka muna. Halika, sabay na tayong kumain. Gutom na ako. Tumayo ka na d’yan. Mahirap na kung magka-ulcer ka pa.”
Bago pa man siya nito hilahin patayo sa armchair niya ay umalis na siya sa upuan at lumapit na rito.
Sandali pa niyang tiningnan ang mga nakakalat na libro saka niya ni-lock ang silid-aralan. Siguro, kabado lang siya sa mangyayaring Alumni Homecoming. Nakatanggap siya ng email galing kay Shawn Guillermo na mayor na ngayon ng isang bayan, malapit lang sa kanila. Delayed na nga niyang nabuksan dahil nasa lumang email address niya natanggap iyon.
Inaasahan siya nitong dadalo kalakip ang itinerary sa magaganap na batch reunion. She was shocked knowing that he really mentioned her name in the email. Apparently, he personally typed it for her. May masamang kutob siya roon at iyon ang dahilan kung bakit ganito siya ka-distress.
And she was not alone because she called Raspberry. Even though, her friend’s tone was calm. The underlying tone was she was also distressed too because of an issue. Then there’s the batch reunion, adding fuel to the fire but the catch was, no one knows but only the two of them.
It’s early April now. And the batch reunion will happen on May, the peak of summer vacation. She was contemplating on whether to participate on summer classes.
* * *
Nagawa siya sa Daphne’s Grill kinabukasan matapos niyang makatanggap ng email. She glared at those two for not telling anything to her. Ngayon tuloy, isang buwan lang ang panahon na pag-iisipan niya ang tungkol sa batch reunion.
“Pinagkaisahan n’yo ba akong dalawa?” Nagkatinginan lang ang mag-asawa at parehong natawa kaya mas lalo tuloy siyang nangitngit.
It was John Dale, her cousin said first, “Nawala lang talaga sa isip namin dahil abala kaming dalawa ni Daph. Akala nga namin alam mo na.”
“No way na alam ko na ano,” angil niya.
“Kung alam mo na tiyak na matagal ka nang nag-panic ano. Kilala kita, madali kang maapektuhan. You take almost everything to your heart. Batch reunion lang naman ‘yan. Sasamahin ka namin for moral support.” Ngunit taliwas ang ngiti nito na may ibig ipakahulugan. Babaeng ito, lumipas ang mga taon at tuluyang nasungit si John Dale ay gusto pa siyang itulak sa bangin.
“Or you can just go on with the summer classes.” Napalingon tuloy silang dalawa kay John Dale.
“‘Wag ka ngang kj, JD. The reunion will happen at a resort. You can just hide whenever you want to, Daisy. Tutal expert ka naman sa taguan.”
Napatingin tuloy si John Dale at napa ‘what’ expression naman si Daphne. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “But you just can’t hide forever, dear. We are grown-ups now, and you have to deal with the things that haunted you for too long. It’s been years already.”
When Daphne decided to live there, Daisy had been in contact with here. Noong wala si Berry, ito ang lagi niyang kausap at kahit na busy ito sa family life nito ay di pa rin nagbabago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. It started when they became study buddies way back highschool. Lukaret man ito at kulang na lang itulak siya sa mga naliligaw na foreigner o guwapong lalaki doon ay aware ito sa mga nangyari sa buhay niya. Daisy saw how Daphne changed and she was beyond amaze of how she coped.
“If you’re scared, we are here,” dugtong ulit ni Daisy. “Kung madedehado ka na naman, ipapabugbog ko lang kay JD.”
“Hey,” reklamo ni John Dale. “Akala ko ba ayaw mong mapingasan ang mukha ko nang kung sino?”
“Masyado kang guwapo e. Marami pa ring girls ang nagkakagusto niyan. Mas mabuting mabugbog ka para mabawasan naman mga buteteng kalaban ko.” Napangiwi na lamang siya kay Daphne at napamaang naman si John Dale rito. Natawa na lang tuloy siya.
* * *
From: Jinry
Gaga. Kapag di ka dumalo sa reunion natin. Kakalimutan kong naging kaibigan kita.
From: Kei
Hoy Daisy. Muntik ko nang isumpa si Shawn para hingin namin ni Jin ang email mo. Kaya pumunta ka ng reunion. Lagot ka sa ‘min.
The emails she got from those two didn’t help. Hinarass na naman nito si Shawn, not minding his government position. It was like they were still highschool.
So she ringed up Raspberry. Kagaya lang siya nitong late nang nakaalam sa reunion. Kung hindi niya ibinalita rito ay tiyak na walang Raspberry sa reunion.
“Berry, think about this. Wala namang makakaalam dahil tayo lang dalawa ang may-alam. Isa pa, you weren’t obvious before.” Magaling lang talaga magtago ng mga sikreto si Raspberry.
“It was not supposed to be that way. It was just a memento. Okay, fine. I couldn’t undo it.”
“Not everyone reads it.” Iyon na lang naging pakonsuwelo para dito.
“But you, if hindi ka tutuloy. Hindi rin ako tutuloy. Then, maybe tayo na lang ang magbakasyong dalawa.”
“Lucky you, walang nagbabantang dalawang bruha.”
Natawa ito sa kabilang linya. Inilipat niya ang phone niya sa kabilang tainga at pinagmasdan sa baba ang ilog. It was meters away below from where she was staying. Sa isang cottage di-kalayuan sa bahay nila.
“Tempting,” patuloy niya. Napaupo siya ng tuwid nang may ideyang pumasok sa isip niya. “How about maging wallflower na lang tayo?”
“As for me, that’s not a problem but not yours.”
“Ugh, sucks talaga. Hindi ako makakaiwas hanggang dulo.”
“Let’s see what will happen. The reunion is weeks away, and we only have that time to contemplate it. As for now, just breathe. Nandito na at hindi na natin mapipigilan. The only thing that we can do is to formulate plans.”
“And backup plans,” she added. “At ano ang magiging emergency plan?”
“Aalis tayo sa resort and resume our vacation in another resort. And of course, we won’t let them trace us if they’re planning to corner you again. As for me, it’s a preventive measure,” Berry answered with finality. Matalino talaga ang babaeng ito. She’s distressed and all over the place, yet her friend was doing strategic planning.
* * *
“Teka! Hintay!” Kinabahan si Daisy nang pagbaba niya ng jeep ay nakita niyang umaandar na ang bus na sasakyan nila para sa Mangrove Planting. Hinabol niya ang bus at tinapik ang katawan nito. “Tigil po Manong Drayber!” sigaw niya.
Tumigil naman ang bus at dali-dali siyang lumulan doon, hingal na hingal. Late na siyang nagising dahil napuyat siya sa kakaisip ng kung ano-ano.
“Oh! Aga mo ah! Himala!” sarkastikong bungad ni Marc sa kanya at kaagad naman niyang dinakma ang buhok ni Klint bagay na ikinahiyaw nito. Natawa naman ang mga kaklase niya.
“Wala na bang papunta na? Ikaw na lang Mako ang wala pa?” Saka lang niya napansin ang Values Teacher nilang siyang guide nila sa Mangrove Planting.
“Wala na po, Ma’am!” ani Henry. Dalawa ang section na magkasama sa Mangrove Planting na iyon at ang section nina Henry at Eden Sofia ang kasama nila bagay na ikinasaya yata ni Lirio dahil ang laki ng ngisi nitong katabi si Noah na napapahikab lang.
Kumapit siya sa mga upuan nang umandar na ang bus at naghanap ng mauupuan. Nakita niyang magkatabi sina Klint at Berry kaya napausli tuloy ang nguso niya. Kailan pa naging close ang mga ito? Lihim siyang napangiti nang tinusok lang nito ang tagiliran ni Berry bagay na hinampas tuloy ito ni Berry sa braso.
Wala siyang makitang bakante. Mukhang tatayo na muna siya o di kaya’y sasalampak sa sahig. Humawak na lang siya sa bakal para balansehin ang sarili niya.
“Daisy! Dito ka na!” Hindi niya sinasadyang nanlaki ang mga mata niya nang tawagin siya ni Lirio at ituro ang inupuan nito. Katabi nito si Noah na nakasandal ang ulo sa nakasiradong bintana at mukhang inaantok pa. Kinakabahan tuloy siya nang wala sa oras. Sa mga nakalipas na araw, nang unti-unti na niyang natuklasan ang damdamin niya para kay Noah ay nahihiya na siyang mapalapit rito. Hindi rin nakakatulong na lagi niyang nakikitang magkasama sina Jecille at Noah.
Inilingan niya si Lirio ngunit tumayo na ito’t lumapit sa kanya. Hinila siya nito paupo sa binakante nitong upuan. Nanigas tuloy siya pagkaupo niya nang mapansing naalimpungatan si Noah sa pag-idlip nito.
“Lipat ka sa likod, Henry. Ako na ang tatabi kay Eden Sofia. Alis,” ani Lirio na sinipa pa sa binti ang pobreng si Henry.
“Kung makapagtaboy naman parang aso lang ako. Oo na. Dito ka na. Pag inaway ka niyan, Sofia. Ihagis mo sa bintana,” pang-aasar ni Henry makaganti lang at tumayo saka tumungo sa likod kung saan doon nagkatipon-tipon ang tropa ng dalawang section.
Buong durasyon ng biyahe ay tahimik lang silang dalawa ni Noah. Halos madikit na ang likod ni Daisy sa pagkakasandal niya sa upuan niya. Nanatili namang nakasandal sa bintana si Noah, nakapikit ang mga mata. Suma-sideline pa ba ito sa trabaho kaya napuyat? Bukod sa lagi itong babad sa pag-aaral. Gustuhin man niyang makipagpalit ng puwesto dahil magandang pagmasdan ang tanawin sa labas. Hindi sila nilulubayan ng dagat dahil ang rutang dinadaanan ng bus ay ang SRP o South Road Properties.
Sa gitna ng kantiyawan at ingay ng mga estudyante sa loob ng bus ay naisipan niyang mag-hum ng kanta. Naging paos ang boses niya noong nakaraang Pasko at Bagong Taon dahil siya ang binabala ng pamilya niya sa videoke.
“I could start dreaming, but it never ends. As long as you’re gone, we may as well pretend. I’ve been dreaming straight from the heart.”
Natitigilan tuloy ang mga kaklase niya sa ginawa niya at mukhang hindi naman nagreklamo ang mga ito. Confident siya na magandang pakinggan ang boses niya. ‘Yun ang quality na maipagmamayabang niya sa kahit sino. Sanay na rin naman ang mga ito ka-duet niya si Lirio gaya ngayon. Nakikanta rin ang loko.
“You say it’s easy but who’s to say that we’d be able to keep it this way but it’s easier coming straight from the heart. Give it to me straight from the heart.” Nakisabay na rin sa chorus ang mga classmates niya hanggang sa napapasabay na rin ang driver kaya nagtawanan pagkatapos niyon.
Nang balingan niya si Noah, nakangiti lang ito habang nakatanaw sa bintana. Ano kaya ang iniisip nito?
Nagningning ang mga mata ni Daisy nang maaninag na niya ang malawak na dagat na mababaw ang tubig. Low tide pa kasi. Hile-hilera din ang mga nakita nilang mangrove trees doon. Sinamyo niya ang maalat na hangin na galing sa dagat at dinama iyon. Nakikinig lamang sila sa instruction ng DENR officer kung paano nila itanim ang mangrove seedling. Pahaba ang seedling niyon na ibabaon nila sa buhangin.
Iminuwestra nito ang mga batang mangrove trees na siyang itinanim ng previous batch. Kanya-kanya na ng puwesto ang mga kaklase niya at ang kabilang section. Aliw na aliw siya sa tubig-dagat na nababasa ang mga paa niya kung kaya’t natagalan siya sa pagbaon ng mga mangrove seedlings.
Natapos na ‘yong iba sa pagtanim ng mangrove seedlings kaya panay na ang pag-picture ng mga ito sa camera na dala ni Lirio.
“Tulungan na kita Mako.” Napaangat ang ulo niya nang ilahad ni Noah ang palad nito. Ibinigay niya rito ang natitira niyang mangrove seedling. Namumula na rin kasi ang palad niya sa pagtanim ng seedling. Nang matapos sa pagtanim ay tumayo na siya pero natigilan siya nang makaramdam siya ng kuryente sa mga paa niya.
“Picture muna tayo!” Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Lirio at kunan sila ng litrato ni Noah na parehong nasorpresa rito. “Ayos!”
Sinundan na lang niya ito ng tingin na ngayo’y instant photographer ng buong klase. “Teka, hindi ako makagalaw,” ani niya kay Noah na inabot niya ang braso para makabalanse siya. Kung nagulat man ito ay hindi nito iyon pinansin. Inalalayan lang siya nito. “Pulikat. Teka, nakikiliti ako.”
Namalayan na lang niyang umakyat na sa dock ang mga schoolmates nila hudyat na tapos na ang Mangrove Planting. Unti-unti na ring umaangat ang tubig-dagat at naging bukong-bukong na nila. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang naglakad. Naka-tsinelas lang sila bagay na orient sa kanila kahapon ng Values teacher nila, white t-shirt at short dahil mababasa lang kung magsusuot sila ng pantalon.
Nasa dock na sila nang mapansin niyang wala na ang mga kaklase niya sa daan pabalik sa bus. “Hala! Nasaan na sila?” Bigla siyang nag-panic at halos mapatid siya nang humakbang siya kaya napahawak sa braso niya si Noah upang hindi siya tumimbuwang.
Tahimik nilang tinahak ang bato-batong daan pabalik ng bus pero ang kaba ni Daisy ay mas lalong nadagdagan nang wala siyang makitang bus.
“Naiwan tayo?” nakatangang sambit niya nang mapagtanto na wala na ang bus! Ano na ngayon ang gagawin nila?
“Bag ba natin ang mga ‘yon?” Itinuro ni Shinoah ang bag nila sa gilid ng daan na kinulapol na ng buhangin at lupa. Kaagad niyang tinakbo iyon.
“Teka…” Napamaang siya at napasinghap. Nang magkatinginan silang dalawa ni Noah na nagtataka rin ay may nabuong ideya sa isip niya.
“Ah!” Napatili siya’t napasabunot sa buhok niyang nakapusod na ngayong lumuwag na. Sinadya silang iwan roon ng mga kaklase nila? Pinagkaisahan sila?
Samantala . . .
Panaka-nakang tumawa si Lirio sa kinauupuan niya sa ginawa niyang pag-iwan sa dalawa. Nagsinungaling siya sa Values Teacher nila na kompleto na silang section 1 at dahil siya ang nagbilang ay hindi siya nahuli ng mga ito. Isa pa, sa sobrang okupado ng mga kaklase niya at ng kabilang section. Hindi nito alam na may naiwang dalawang estudyante sa Mangrove site. Natawa na naman siya sa sarili niyang kalokohan.
Kinuntsaba niya si Klint at Henry tungkol dito na tumulong sa kanya sa pagpuslit ng mga bag ni Noah at Daisy. Naglagay rin siya ng pera sa bag ni Noah pamasahe ng mga ito pauwi sa siyudad. Humina ang nakakaloko niyang tawa nang mapansin niyang may masamang nakatingin sa kanya.
Si Berry. Ito lang ang nakaramdam na may naiwan sila. Anumang sandali, parang ihahagis na siya nito sa bintanang nakabukas. Nasa tabing pares ito ng upuan. May espasyo sa gitna bilang daanan.
Itinaas niya ang mga kamay niya, nagpipigil ng ngiti at umiling lang tanda na ilihim na lang nito ang malupit niyang sikreto.
Nang makarating na sila sa Abellana ay saka lang napansin ng mga kaklase nila ang pagkawala ng dalawa.
“Hala! Nakita n’yo bang bumaba si Mako at Sagara?” tanong ni John Dale na biglang naalarma. Pansin niya na masyado nang malapit ang dalawa. Minsan naiinis siya sa pagiging ekstra nito sa kanila ni Daisy. Pinalitan na siya bilang lalaking bestfriend kaya naaasar siya minsan.
“Teka, hindi ko sila nakita!” sigaw ni Keisha at naalarma na ang mga kaklase nila na walang Noah at Daisy sa bus. Ang sama pa rin ng tingin ni Berry sa kanya na parang naging kontrabida ito sa Disney movie gaya ng sinagot nito sa Miss UN. Pasimple na siyang umatras bago pa siya mabuking ng mga ito.
“Sino ba ang nagbilang?” tanong ni Jin at awtomatikong lumingon sa kanya ang mga kaklase nila. Kaagad naman siyang kumaripas ng takbo patungo sa Boy’s CR nang pagalitan siya ng Values Teacher nila.
Tatawa-tawa siya sa ginawa niya nang magbihis siya ng uniporme sa loob ng cubicle. Siguro naman, sapat na ang oras na iyon para mapagtanto ni Noah kung ano ang totoong nararamdaman nito. Mukhang maglilinis siya ng banyo sa kasalanan niya. Napangiwi tuloy siya.
* * *
“Argh! Lagot talaga sa ‘kin pag-uwi sa ‘kin ‘yang kaibigan mo! Kuu!” Nasabunot na naman ni Daisy ang magulo na niyang buhok sa inis. Siyempre, pakana na naman ni Lirio. Ano pa ba ang huli nitong ginawa sa kanila? Ni-lock sila sa classroom na sila lang dalawa ni Noah at tahimik lang silang nakasandal sa pader. Nagpapakiramdam.
Eto ang pinakamalalang ginawa ni Lirio. Ang iwan silang dalawa ng bus at halos atakihin na siya sa puso kung paano makauwi. Buti nakagawa ng paraan si Noah kung saan pumara ito ng ilang sasakyan at nagtanong kung ang destinasyon nito ay pabalik ng siyudad. Buti pinayagan sila ng driver ng isang truck na mag-dedeliver ng banye-banyerang isda sa pampublikong palengke ng siyudad at mukhang naawa sa kuwento nila na naiwan ng bus.
Ngayon nga, kapwa sila nakasalampak sa ibabaw ng banyera na tinakpan ng asul na trapal. Di bale nang malansa ang amoy basta may masakyan sila pauwi.
“Nag-iisip ako ngayon kung paano makaganti sa kanya,” naniningkit ang mga matang sambit nito saka itinukod ang siko nito sa tuhod nito. Napabuntong-hininga na lamang ito at napakamot sa batok nito. “Ang importante, nakagawa tayo ng paraan makauwi. Mukhang malayo ang terminal rito. Pahirapan sumakay dahil highway ‘tong ruta dito.”
Pinagmasdan niya ang dagat na nadadaanan ng truck. Ang maganda roon ay expose silang dalawa sa paligid nila. Nadadama ang hangin na dahilan ng pag-andar ng truck. “Kung ako ang maiiwan, baka inatake lalo sa nerbiyos. Tatahakin ko ang direksyon ng Toledo at tetengga muna sa Balamban.”
“Balamban?” usisa nito. Umayos siya ng upo at niyakap ang mga tuhod niya. Alas otso pa ng umaga bagay na bahagyang malamig ang hangin na umiihip.
“Probinsiya ng papa ko. Oo nga pala, di n’yo pa alam na pinsan ko si John Dale. Nalaman na lang namin nang magkasalubong kami sa fiesta noong October sa Balamban. Magkapatid ang mga lolo namin na sumalangit nawa na,” paliwanag niya. “Kaya mas naging close kaming dalawa.”
Ang kunot sa noo nito ay napalitan ng pag-unawa. Marami na ngang nagdududa sa closeness nilang dalawa ni John Dale sa klase nila pero binalewala lang nila iyon dahil nga magkamag-anak sila.
Humikab si Noah kaya’t napatanong tuloy siya. “Inaantok ka pa? May sideline ka na naman ano?” usisa niya.
Saglit itong natigilan at marahang tumango. “Kailangan,” simpleng sagot nito.
“Puwede ka namang magpahinga magpasamantala. Hindi naman sa pagiging tamad iyon pero nakakaginhawa sa pakiramdam ang walang masyadong aalalahanin,” panimula niya rito at bahagyang napangiti. Dumako ang mga mata niya sa asul na trapal sa ilalim nila. Ipinikit niya ang mga mata niya at pasimpleng idinipa ang mga braso nang maramdamang bumibilis ang takbo ng truck.
“Nakakagaan kaya ang pakiramdam na maging bata. Oo, minsan napagkakaitan tayo niyon dahil sa responsibilidad pero importante pa rin na sandali lamang, ini-enjoy mo ang pagiging bata mo,” nakangiti niyang baling rito.
Ang inis at asar na nadarama niya ay unti-unting nawala nang makita niyang napapangiti na si Noah. Lumiliwanag talaga ang mukha nito pag tumawa at ngumiti. Sana, ganoon na lang ito lagi dahil maging siya sumasaya.
Interlude 4
Wala siyang nadatnang mga tao sa waiting shed. It was because she’s late. Nagkasundo ang mga groupmates niyang magtipon-tipon roon ng 8 ng umaga at ngayo’y alas 9 na. Luminga-linga siya sa paligid, nagbabasakaling may nakaligtaan lang ang mga mata niya. Late siya dahil may inaasikaso siya sa bahay nila.
Sinulyapan niya ang pager niyang walang lamang mensahe. Hindi naman nagbago ng tagpuan ang mga ito at hindi siya inimporma? Umuwi na siya kahapon pagkatapos ng klase kaya wala siyang ideya kung may nabago ba sa kasunduan nila ng mga kaklase niya.
She waited there in the shed, staring at the passing vehicles. Minutes passed, there’s none who came. Kung maghihintay pa siya, mauuwi ba iyon sa wala? Nasa kanya ang ibang bahagi ng script nila sa El Fili. Siya kasi ang gumawa niyon. Tiyak na malalagot siya ng mga ka-grupo niya.
Umalis siya sa waiting shed at umakyat ng skywalk. Doon siya nanatili upang hagilapin ang mga kaklase niya sa baba. Baka nag-iba nga ang mga ito ng tagpuan. Uso ang Filipino time kaya may posibilidad na natagalan ang mga ito.
Pagtingin niya sa pager niya ay wala pa ring dumating na mensahe. Kung wala siya, paano mabubuo ang pagpapraktis nila?
Bumaba na siya sa skywalk ngunit sa kabilang panig ng kalsada siya tumungo. Magkatapat lang ang Abellana at CNU, madali lang niyang makita sa waiting shed ang kung sino mang darating doon kahit na pinagigitnaan ng mga hilera ng pine trees na nasa rectangle boxes.
Palakad-lakad siya sa harap ng gate ng CNU nang tumunog ang pager niya.
Daisy, stay there. Susunduin ka ni Noah.
Di makakaalis ang grupo mo kung wala ka.
Nasa Metro Gaisano kami pero diyan ka lang.
Si Lirio ‘to.
Ang group niya at group nina Lirio ay nagkasundong sa waiting shed sila magtipon-tipon at mukhang doon na sa Metro Gaisano, nagtipon. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Bakit si Noah ang susundo sa kanya? Puwede naman siyang dumiretso na lang sa may Metro.
Nanatili lang siya sa harap ng CNU, paulit-ulit na binasa ang mensahe sa pager. Nakabukas ang zipper ng sling bag niya at nakita niya roon ang mga papel na sinusulatan niya ng script. Naglakad-lakad siya, hindi alintana ang pagdampi ng sinag ng araw sa kanya. Bahagyang mahangin naman kaya nabawasan ang init ng panahon. Nasa dulo na siya, katapat ng police station nang may mapansin siya sa kabilang kalsada. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang makita itong nagtatakbo. His eyes landed on her while running and even waved at her. Naitulos siya sa kinatatayuan nang bigla na lang itong tumawid sa pedestrian.
“Noah! Red light na!” sigaw niya rito, tinutukoy ang stop sign ng hulmang tao. Nasa kalagitnaan na ito ng kalsada at nagulat na lamang siya nang mismo ang mga sasakyan ay natigil sa pag-abante sa biglaang pagtawid nito. Inatake siya ng kaba at nerbyos sa iilang segundo na iyon. Muntikan na talaga itong makuyog ng mga sasakyan roon.
“Baliw ka ba? Paano kung masagasaan ka?” bulalas niya sa nag-alalang tono.
Hingal na hingal na naitukod nito ang kamay sa mga tuhod nito. May mga tumulong pawis sa gilid ng noo niya ngunit balewala lamang kay Noah iyon bagkus may sumilay na ngiti sa mga labi nito. Bagay na ikinapatda ni Daisy sa kinatatayuan niya. Aware ba ito kung gaano kaaliwas ang mukha nito sa pagkakataong iyon? Iyong tipong may nagsi-awitang mga anghel sa paligid nila.
“Nandito ka lang pala. Buti natagpuan kita. Akala ko, umalis ka na.” Napamaang siya rito, naitikom niya ang bibig ngunit kalauna’y ginantihan ito ng ngiti.
“Hindi, naghintay ako.” Kasunod niyon ang pagliparan ng mga dahon mula sa mga punong nakapaligid sa CNU. Nakatunghay lang ito sa kanya na tila ba may gustong iparating ang mga mata nito at siya nama’y nag-iwas ng tingin. Normal na sa kanya na kinakabahan na ganito sa harap ni Noah. Natakot siya sa mangyayari dito kanina ngunit ngayon, di niya mawari kung takot pa rin ba ang namumukod-tangi.
“Alis na tayo,” untag niya sa pananahimik nilang dalawa. Hindi ito umimik at tinabihan lang siya paharap ng pedestrian lane. “Bakit ka pala bigla na lang tumawid?”
“Di ko na naisip ang stoplight nang makita kita. Wala ka sa waiting shed. Naisip ko na baka umuwi ka na.” Napamulsa ito sa pantalon nito.
Saglit siyang napayuko at sinarado ang sling bag niya. “Sorry, late ako.”
“Nagbago kami ng meeting place. Late ka na namin nasabihan.”
“Umuwi ako nang maaga kahapon kaya wala akong ideya sa pagbabago.”
“Okay lang. Ang importante, nakita kita.” Kapwa silang tumawid ng kalsada, magkaagapay at tahimik lang habang nililipad ng hangin ang buhok nila. Inayos tuloy ni Daisy ang pagkakatali ng buhok niya.
Nang makasakay na sila ng jeep patungo sa Metro Gaisano, dumako ang mga mata niya rito na nakaupo katapat niya. Tila malalim na naman ang iniisip nito sapagkat parang tumatagos ang mga gusali at establishments na dumadaan sa mga mata nito. Napagtanto rin niyang hindi na ito nagtanong kung bakit late siya.
Kung hindi siya pinadalhan ng mensahe ni Lirio, mananatili pa ba siya roon? Malamang. Sa loob-loob niya, maghihintay pa rin siya kahit na malabo ang posibilidad na susunduin siya at babalikan sapagkat ayaw niyang magsisi sa bandang huli na hindi siya naghintay. Na sana naghintay pa siya.
* * *
Interlude 5
Matamang nakatingin sa kanya ang dalawa niyang kaibigan. Makalipas ang ilang buwan nang mangyari ang paghihiwalay nila ng landas ni Daisy ay namamanhid na si Noah. Araw-araw, parang hinihiwa ang puso niya. He was bleeding inside with all the heart aches he experienced through the years. The storms inside him devoured him and every night he drank liquior to numb the pain. Everyday, he felt like he was just dragging himself to live. He was barely breathing.
“No, I won’t do it,” he answered when Shawn made his suggestion. Shawn’s expression became grim.
“And what? You’re uncontrollable,” he pointed out, gritting his teeth. Napaiwas ng tingin si Noah, nakakunot ang noo.
“I can control it,” giit niya.
“Masyado kang stubborn. Magkaibigan talaga tayo.” Napasinghal si Lirio, seryuso ang hilatsa ng mukha. Kung mas lalo siyang lumugmok sa kumunoy, si Lirio ay nabahiran ng kaseryusuhan ang anyo. Mahal na ang mga ngiti nito at kung noon ay mild ang mga schemes nito. Ngayon, lumala na at triple ang damages. Patunay niyon ang pinaggagawa nito sa kompanya ng ama nito. “It’s for your own sake. Shawn is right, you look devastated and stupid at the same time.”
Naging matalas na rin ang mga salitang lumalabas sa mga labi nito. “If you’re not doing it, then prove to us that you can control your urge.”
“I am not surprised you became a pathetic alcoholic, but to interact with problematic people who can’t control their anger. Then seeing you behind bars again, as a Law student, is quite a disgrace.” Shawn emphasized his last words and made Shinoah close his eyes.
His rationality was in ruins now that all of his aches overflowed in his mind. He couldn’t control it for long. “Give me some days to think about it.”
“I want you to decide now,” Shawn remarked with a finality in his voice.
“Mag-file ka ng leave. Wala rin namang silbi kung magtrabaho ka na wala sa tamang huwisyo. Kung ayaw mong matanggal dahil amoy alak ka raw na pumapasok ay mas mabuting mag-leave ka na.” dagdag ni Lirio. Naging malala rin ang pag-monitor ng mga ito sa kanya. “Nagmukha ka nang kaawa-awa sa paningin ng ibang tao mula nang iwan ka ni Daze.”
That’s it. Ngayon lang nagsink-in sa kanya kung bakit napaka-unfair niya kay Daisy. Ilang taon ang nakalipas ay gago pa rin siya sa dalaga. Sinaktan na niya ito noong highschool pa sila at pati ba naman sa pag-krus ulit ng landas nila noong mga nakaraang buwan? He was selfish.
“Fine. Pero wag n’yo akong ipasok doon. Dalawang linggo. Dalawang linggo ay wala muna akong gagalawin. And no, I won’t lie. To prevent myself, sasama ako sa ‘yo, Shawn.”
Isa itong government employee sa isang probinsiya sa North.
“To monitor me. And redeem myself far from those influences,” he added.
Nagkatinginan sina Shawn at Lirio. Si Shawn ang unang nagsalita. “Fine. I agreed.”
“Kinulang ka lang sa preskong hangin. Sige, payag ako pero pag lumala ka. Pipilitin ka na namin kahit na ayaw mo pa rin sa bandang huli,” ani Lirio.
“And if you’re going to be more stubborn, hindi ka mag-eenroll for the next sem at ang gagawin mo lang ay magpahinga at hilumin ang mga sugat mo. Nagkakaintindihan ba tayo, Sagara?” pahayag ni Shawn na parang nakikipag-usap lang sa underling nito. Kaya marami itong nasisindak na tao sa ganitong estado nito.
Damn this man. Ayaw talaga siyang tantanan ng dalawang ‘to hanggang sa umayos at tumino ang takbo ng utak niya. Naiintindihan naman niya ang mga ito sapagkat mismong sarili niya ay kinamumuhian na rin niya. Kung hahayaan niyang magpalunod sa kumonoy, tiyak na mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya. What happened to his brains? Napunta na ba sa talampakan niya? Damn. Kailangan na talaga niyang mag-devise ng plano para iahon ang sarili niya. Malaki ang contribution ng sarili niya kaysa sa mga kaibigan niyang nagtutulak sa kanya ngayon.
* * *
Interlude 6
They were both sitting on the gutter, eating their dirty ice cream they bought from the passing ice cream cart. Tapos na ang exams nilang mga seniors at nag-aasikaso na lang sa final requirements at magiging graduation exercises for two weeks. So Daisy and Berry planned to meet halfway in their neighborhood. Nagkita silang dalawa sa paanan ng skywalk na malapit lang sa barangay hall at isang eskuwelahan.
“Ang tahimik dito sa inyo, walang masyadong dumadaan na mga sasakyan.” Peace Valley, malapit lang sa Beverly Hills, kung saan nakatira si Berry.
“Oo naman, payapa rito.”
“Malapit lang ang Taoist temple,” puna niya at tiningnan ang daan na maaaring direksiyon papunta ng templo.
“Yep, sometimes, kung wala akong masyadong ginagawa ay doon ako tumatambay. Maganda ang tanawin sa baba.” Tahimik siyang sumang-ayon rito at kinain ang ice cream niya. Kapwa lang din sila naka-pambahay, komportable sa isa’t isa.
Daisy’s aura was way different when she’s not in school. Tahimik nga ito, minsan lang ngumiti at di masyadong magalaw. Mahahalata pa rin ang pagiging reserve nito. Even Raspberry, pansin ni Daisy. She looked unrestrained when she’s with her unlike in school. There’s always her stoic and calm expression apart from her soft expression now.
“Sa tingin mo ba, facade ang pinapakita natin sa school?” panimula ni Daisy. Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot, sa harap pa rin nakatingin.
“I don’t think so. It’s still ours. That’s our walls. Iyon ang una kong napansin sa ‘yo, masayahin ka mang tingnan, napapansin ko pa rin na may walls ka pa rin na hindi basta-basta natitibag.” Bahagyang umawang ang mga mata ni Daisy sa pahayag nito.
“Talaga? Bakit ikaw, napagtanto mo na? Iyong iba, hindi?”
“That’s because they didn’t observe for too long,” Berry answered and ate her cone.
“May walls ka rin naman. Walls na makapal at di rin kayang matibag. Mabuti na rin na ganoon kung wala ka namang balak na i-open up ang sarili mo kahit kanino. Nasa iyo pa rin naman ang desisyon.”
“Exactly. I prefer people who have their own walls than those who have not. Dahil naiintindihan ko sila. Maiintindihan nila ang boundaries na meron ako.” Saktong tapos na rin si Daisy sa kanyang ice cream nang tumayo ito’t pinagpagan ang shorts nito. “You know what, mas gusto kita kapag ganito ka.”
Lumabi siya. “Ayaw mo ng masayahing Daisy?”
“Minsan ka lang kaya magseryuso sa school. Kapag walang tao, saka lang nawawala ang mga ngiti mo sa kanila.”
“Dami mong napapansin, friend. Komportable ako sa ‘yo e. Ikaw naman ah. Dito, hindi ka mukhang masungit.”
“Sinabi mo na kanina, unrestrained ako dito. I don’t have to maintain my guards up. Ikaw lang naman kasama ko at kilala mo na ako. Multi-faceted mang maituturing ng iba, nagpakatotoo lang ako.” Berry offered her hand to her and she accepted it. Nang makatayo at mag-inat ay pinagpagan niya ang suot niyang skorts.
It was still three in the afternoon so they decided to go to Taoist temple to savor the scenery below and to relax for a bit. Their unrestrained self would be hidden again in the walls of the school. Especially Daisy. She’s regaining her energy, her social battery with Berry.
* * *
Kabanata: Dalawampu’t Lima
Lumipas ang mga araw at panay ang paghahabol nila ng requirements dahil graduating na sila. Ang bilis ng panahon at mukhang doon na sila magtatapos. Nalulungkot man ay masaya pa rin si Daisy na magtatapos na siya ng highschool.
Nag-fourth grading exam. Bumaba sa puwesto si Shawn at inanunsiyo ang bagong SSG President hanggang sa sumapit ang two-week graduation exercises. Pakalat-kalat lang sa campus ang mga graduating students, ini-enjoy ang mga huling araw na magkasama sila. Nagpraktis sila ng graduation song sa AVR at dalawang section ang magpr-praktis doon.
Awkward nga lang dahil section 1, ang section nila at section A ang magkasama. Kanya-kanya ang usapan ng mga ito samantalang tahimik lang silang nagkatinginan ni Berry dahil parehong hindi gaanong nagpapansinan si Noah at Jecille. Hindi pa nagsisimula ang praktis at panay lang ang tugtog ng musika sa speaker. Pumainlanlang ang isang pamilyar na kanta.
When I Dream About You ang kanta na kinanta ni Stevie B na ilang araw din niyang kinanta dahil relate na relate siya doon. Napakanta tuloy siya nang wala sa oras.
“There are some things that I guess I’ll never know. When you love someone you got to learn to let them go. When I dream about you that’s when everything all right. You’re in my arms. Here next to me. Forever. When I dream about you, Boy you never go away. Just close my eyes. Wait for my dreams. Cause I still love, loving you.” Kumakanta siya nang bigla niyang napansin na tahimik na ang buong AVR. Natigil tuloy siya sa pagkanta niya.
Nang balingan niya ni Jin at Kei, pinipigilan nito ang pagtawa at si Berry naman ay hindi mabasa ang ekpresyon sa mukha at mahahalatang tutol ito sa nangyayari. Saka lang niya napagtanto na wala na ang musika. Napansin siya ng mga estudyante roon at nagkatinginan pa ang mga ito. May kinikimkim na ngiti sa mga labi na parang may naiintindihan ang mga ito. May nagsisikuhan pa sa mga ito na hindi niya maintindihan.
Bahagyang umawang ang mga mata niya nang makita niya katabi ng operator ng speaker si Lirio na may pilyong ngiti sa mga labi. Hindi ba ito titigil sa pagpapahirap na ginawa nito sa kanya?
Hayop ka, Lirio. Andami mo ng atraso sa ‘kin. Humanda ka sa ‘kin. Halata namang ito ang nagpatigil sa kanta at siya naman ay feel na feel ang pagkanta, hindi na namalayan na siya na lang ang nag-iingay sa loob ng AVR.
Tumikhim ito at pumainlanlang ang graduation song nila. Gusto na niyang lumubog sa kahihiyan. Hindi naman sa pangit ang boses niya. Apektado siya sa lyrics ng kanta.
“So we will start now?” Lirio said.
Nakakahiya! Sa sobrang kahihiyan, tinago niya ang mukha niya sa nakabukas niyang libro habang nagkakanta na ang mga ito ng graduation song. Hindi na niya matiis ang nerbiyos na bumabalot sa kanya kaya lumabas na siya ng AVR.
Kunyari walang nangyari pagkatapos nun, pero hindi pa rin siya nakaligtas sa pang-aasar ng buong section. Malas. Sa sobrang asar niya kay Lirio, hindi niya ito pinansin.
Puwede bang tinigilan na siya ng mga ito? Kasi naman obvious na walang awkwardness kay Noah at Jecille. Hell Parang walang nagbago. Akala niya, huhupa nang matapos ang nangyari sa booth sa kanila kay Shinoah. Magmula noon ay nagkahiyaan na silang dalawa.
‘Hello? Mga sira-ulo kong classmates, sila po. ‘Wag n’yo ‘kong guluhin, kung ayaw niyong maging incredible hulk ako at magwala. Heto na nga’t, step by step na ako sa paglimot. Oo, paglimot. Ang drama, di ba?’ himutok niya sa sarili.
Dumating ang araw ng graduation. Nasa football grounds naka-arrange ang mga monobloc chairs. Ang mga parents at spectators ng batch ay nanonood sa grandstand.
Second honorable mention si Shinoah sa buong General Curriculum. Nagbunga ang pagsisikap nito at ni Jecille na Fourth honorable mention sa Tech-Voch Curriculum.
Lutang ang pakiramdam niya sa graduation nila at parang hindi makapaniwala na nangyayari na talaga ang pagtatapos nila. Nag-iiyakan na ang mga kaklase niya habang pinaliligiran ang mga guro nilang gumabay sa kanila sa buong taon samantalang siya’y namamanhid na.
Huminga siya nang malalim, nagdadalawang-isip kung lalapit siya kay Shinoah para batiin ito ngunit parang nabuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niyang parehong nakangiting nag-usap ang mga ito.
Masakit pa rin talaga na ang taong gusto mo kayang pangitiin ng ganoon ng ibang tao. Umalis na siya sa tagpong iyon at lumapit sa pamilya niya na katabi lang ng pamilya ni Berry. Nag-picture sila nang magkasama.
Hinanap ito ng mga mata niya sa gitna ng maraming tao, ngunit, hindi na niya ito maaninag sa dami ng mga tao. Tinatawag na rin siya ng mga magulang niya na hinandaan siya sa bahay.
Hinubad niya ang puti niyang toga. Sa ilalim niyon ay ang uniform na puting blouse at maroon pleated skirt.
Luminga-linga siya, nagbabasakaling makikita ito ulit ngunit hindi pa rin. Nanlabo na rin ang mga mata niya. Huminga siya nang malalim at hinamig ang sarili niya. Paalam. Iba na ang landas na tatahakin natin.
Bagong libro na naman.
At hindi ko alam kung babasahin ko ulit.
Paalam, Noah.
* * *
Bumalik sa kasalukuyan si Daisy nang magpreno ang bus kaya napakapit siya sa yakap-yakap niyang bag. Napahinga siya nang malalim nang maaninag niya ang dagat na nadadaanan ng bus na sinasakyan niya patungo sa siyudad.
Baliw na talaga siya. Dadalo ba talaga siya sa Alumni Homecoming? Napapailing na lang siya. Marami na ng nagbago sa pitong taon niyang pagkawalay sa mga taong naging parte na ng buhay niya.
Hapon na siya nang dumating sa siyudad at salubungin ng maraming sasakyan. Ng mga taong naglalakad sa gitna ng downtown. Mga hilera ng street food. Mga gusali at mga lugar na buong niyang nakita noong kabataan niya.
Sumakay na siya ng taxi at binuksan ang bintana upang masamyo ang hangin ng siyudad. Napangiti siya nang maraanan ng taxi ang eskuwelahan niya noong highschool. Kaydami niyang mga alaala roon, samu’t sari at kahit naibaon niya iyon ay bubulaga pa rin nang hindi niya inaasahan.
Nanlalata na siya nang makarating na siya sa bahay ng Tita Emerald niya na katulad pa rin ng dati. Tahimik. Tumambay muna siya sa terasa doon at hinayaan ang mga alaalang nagbalik sa kanya. Natawa na lamang siya nang makita niya ang teenager niya lulan ng bisikleta kasama ang dalawang lalaki sa buhay niya noon na sabay nagpapadyak sa pamilyar na daang iyon.
Handa na ba siyang harapin ang mga ito pagkalipas ng pitong taon?
* * *
“Hey, Daze.” It’s Lirio. No one calls her Daze except him. Napahawak siya sa dibdib niya nang wala sa oras nang umangat na ang jeep, tinatahak na ang Plaza Housing. Umangat kasi iyon at bigla siyang. Ilang taon ba naman siyang hindi nakasakay sa jeep na iyon na paangat ng uphill. Madalas sa JY lang at sumasakay ng habal-habal.
“I’m sorry.” But she’s smiling, she even bit her lip to suppress her laugh. Ito ang paraan niya ng pagganti rito. Ang sumakit ang ulo nito sa kakaisip nang ibinigay niya. Paano naman kasi, andami na nitong kalokohang pinaggagawa sa kanya noon. Marahil dahil sa gaganaping batch reunion ay naalala niya ang mga naging atraso nito sa kanya. What she did a while ago was her payback time.
“See you at the batch reunion,” he hissed. Mukhang naniningkit ang mga mata nito ngayon. Ibig sabihin, hindi pa ito tapos sa kanya. May nagbago man dito ay ito pa rin naman ang Lirio na kilala niya noon. Hindi nagpapatalo. Mukha mang itong nakakatakot sa ibang tao ay may nakatago pa rin naman ang kapilyuhan nito.
“Great. See you.” Siya na mismo ang pumutol ng tawag at ni-silent mode na ang phone. Babasahin kaya nito ang libro na iniwan niya sa Cafe & Restaurant? Pilya siyang napangiti habang tinatanaw ang pamilyar na tanawin sa labas ng jeep.
Nang makababa ay napasimangot siya nang bumungad sa kanya ang slope o downhill kung saan bigla siyang itinulak ng teenager na si Lirio. Mukhang umaatikabong gantihan ang maaaring mangyayari sa kanila sa reunion. Kung noon, hinahayaan niya ito. Puwes ngayon, iba na.
Doon din nagsink-in sa kanya na mas lalo pa niyang nadiin ang kanyang kaibigan. Naku po. Baliw na talaga siya.
She was massaging her head while walking down the slope, seeing the greeneries below. Pakonsuwelo na lang na mahirap iyon ianalisa. For now, hindi na muna niya sasabihin dahil tiyak na malalagot siya rito.
* * *
Isa sa mga paborito niyang alaala noong highschool ay ang sakay siya sa bus na katabi ang inaantok na Noah at ngayon nga’y bumibiyahe na siya patungo sa venue ng Alumni Homecoming na nasa North kung saan nandoon ang hotel and resort na pinamamahalaan ni Jenny Evangelista. Daphne’s cousin, her cousin’s wife.
Bumuga siya ng hangin at binuksan ang bintana ng bus. Mahaba-haba pa ang biyahe niya at ayon kay Berry, halos magkasabay lang silang sumakay ng bus pero magkaibang transit.
Sinadya nilang magkikita muna sila pagkat suporta nila ang isa’t isa sa kung anuman ang mangyari sa Homecoming. Kasama niya sa iisang suite si Berry na mismong request nilang dalawa. Of course, they won’t be obvious to their batchmates. May disguises na silang pinlano.
Makalipas ang halos limang oras na biyahe ay nakarating na siya sa destinasyon niya. Panaka-naka siyang natulog sa biyahe at kung minsa’y nakatanaw lang siya sa tanawin sa labas. Unti-unti nang nagsink-in sa kanya ang lahat. Na hinayaan niya ang sarili niyang dumalo roon. Hanggang kailan naman siya iiwas? Dadating pa rin ang panahon na kakaharapin niya ang ganitong tagpo. May punto si Daphne.
Napapangiti na lamang si Daisy nang madaanan niya ang pathway patungo sa beach resort at nang makita niya ang hotel ay tumungo na siya doon. Nakasuot siya ng sombrero kaya kampante siyang hindi siya makikilala ng batchmates. Lumapit siya sa receptionist upang kompirmahin na may reserved suite na siya at hindi pa dumadating ang kasama niya.
“Enjoy your stay, Ma’am!” magiliw nitong sambit sabay bigay sa kanya ng hotel card. Bitbit ang bag niya ay maingat siyang lumakad patungo sa elevator. Luminga-linga, sinisiguradong wala pa siyang nakakasalubong na batchmates niya.
Nakahinga naman siya nang maluwag nang walang sumalubong sa kanya sa hallway. Tinapat na niya ang keycard sa magiging room nila at binuksan ang pinto. Namangha si Daisy nang makita ang malawak na dagat mula sa bintana ng hotel room.
Mukhang hindi na muna siya lalabas hangga’t hindi pa dumadating si Berry. Napagdesisyunan na lang niyang humilata sa kama para ipagpatuloy ang nakaw niyang tulog sa bus.
* * *
“Ha? Kasal? Sigurado ka ba?” nanlalaki ang mga matang maang ni Daisy kay Shinoah. Pagak siya na natawa, kabado sa sinabi nito. “Baka nadala ka lang sa sermon ni Father.”
“Hindi. Totoo. Gusto kitang pakasalan,” mariin nitong pahayag, hinuhuli ang mga mata niya at nandoon na naman ang tingin nitong parang siya lang ang babaeng nakikita ng mga mata. Walang awat sa pagtibok ang kanyang puso at nanginginig ang mga kamay niya. Bakit sa ganitong pagkakataon pa? Bakit sa panahon pang nahihirapan siyang iahon ang sarili niya?
“B-bakit? Pero . . . Seryuso ka ba? Noah, ‘wag ka namang magbiro. Hindi nakakatuwa.” Uminit ang mukha niya at naitakip niya ang bibig niya dahil hindi pa rin siya makapaniwala. Humakbang ito papalapit sa kanya, hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin.
“Hindi ako nagbibiro. Totoo. Gusto kitang pakasalan dahil mahal kita. Mahal kita, Mako. Kung hindi ka naniniwala dahil sa mga nangyari, gusto kong hayaan mo akong patunayan iyon.” Natutop niya lalo ang bibig niya. May kung anong sensasyon na kumakalat sa sikmura niya. Oo, masaya siya pero bakit may bahagi sa puso niyang nasasaktan siya? Bakit bumalik pa ito sa panahong gulong-gulo siya sa sarili niya.
Dahil sa panghihina ay napaupo siya sa tiled floor ng pilgrim center ng Basilica. Hinamig niya ang sarili niya at inisip nang maigi ang sagot niya rito.
Diyos ko, totoo ba ‘to? Bakit ganoon? Di ba dapat masaya ako ngayon? Bakit parang may napiga sa ‘kin?
Seryusong tao si Noah. Hindi ito magbibitiw ng salita na biro lang para dito. Oo, gusto ng puso niyang tanggapin ito ng buong-buo at bigyan ito ng pagkakataong patunayan sa kanya ang damdamin nito ngunit sa estado niya ngayon ay hindi niya iyon magawa.
“Tumayo ka na d’yan.” Akmang alalayan siya nito para tumayo pero pinanlisikan lang niya ito ng mga mata.
“Heh! Kasalanan mo ‘to!” Umirap siya at sinikap na tumayo. Baliw na siya sa magiging desisyon niya at alam niyang dadating ang panahon na magsisisi siya at hindi na niya mababawi ang ganitong pagkakataon. How could she accept it when she’s too scared of the possibilities, the negative ones?
Parang puputok na siya sa sobrang saya na may halo nang kalungkutan. Mula nang makita niya ito ulit ay nagkakagulo na naman ang sistema niya, napuyat siya sa kakaisip rito, distracted siya sa eskuwela at unti-unti siyang binalikan ng symptoms niya. Paano kung hindi nito matanggap na mayroon siyang diperensiya sa mentalidad niya? Paano kung makaapekto siya rito at ayaw niyang maging hadlang sa pagsisikap nitong abutin ang pangarap nito? Ayaw niyang maging hadlang. She wants him to soar high, to earn his sacrifices in life.
“Noah, I’m sorry.” Naitakip niya ang mukha niya nang mabasag ang boses niya. “Pero hindi ko kaya. Hindi pa ngayon. Hindi ko pa kaya ngayon.” Natigilan ito sa biglaang outburst niya at pilit niyang umapuhap ng mga salitang sasabihin. “Mahina ako pagdating sa ganito at di ko pa kayang mag-risk ng emotions kasi . . . kasi di pa talaga ako magaling, Noah. Gulong-gulo pa ako ngayon, nalilito ako sa sarili ko kung kaya ko bang panindigan at ayokong maapektuhan niyon ang damdamin ko para sa ‘yo pero . . . hindi sapat ang pagmamahal natin di ba? Kasi . . . tinatanong mo ako ng kasal . . . ng commitment . . . I’m sorry, Noah. Not this time.” Patuloy lang siya sa pagluha, hinayaang pumatak iyon sa sahig.
Ang gulat na rumehistro sa mukha nito ay napalitan ng nang-uunawang tingin saka ito tumango. Naging mas malalamlam ang mga mata, unreadable again and flash of emotions could be seen but only lasted for seconds. She’s sorry for hurting him this way. “Maghihintay ako.”
“No! ‘Wag ka nang maghintay,” pilit siyang ngumiti rito at suminghot. Napakurap-kurap siya para hawiin ang paglabo ng kanyang mga mata sa pagluha. “‘Wag mong ikulong ang sarili mo sa ‘kin. Mabuti kang tao. Marami ang magmamahal sa ‘yo nang higit pa sa ‘kin.”
* * *
Napabalikwas ng bangon si Daisy, malakas ang tibok ng puso at dahil disoriented pa ay naghulog na siya nula sa hinihigaan niyang kama. Marahas siyang napailing at tinapik ang mga pisngi. Rumaragasa ang mga alaala niya ngayong haharapin na niya ang lahat. Siguro, naging paranoid lang siya lalo dahil doon kung kaya’t minumulto siya ng kahapon. Nahila niya ang kumot sa sarili niya at nanghihinang napasandal sa pader.
Sa pagkakataong iyon na bahagya siyang nagpa-panic ay bumukas ang pinto ng hotel room niya at iniluwa niyon si Raspberry na parang nakakita ng multo.
“Daisy!”
“Berry!” Tila nakakita siya ng karamay at kaagad na sinalubong ito ng yakap.
“Nakasabay ko si Lirio.” Napahiwalay siya rito at napahawak sa mga balikat nito. Mukha itong pagod. Naibaba nito ang bag sa sahig at pabagsak na umupo sa kama. “Sa bus.”
“Ha? May sarili naman ‘yung sasakyan. Ba’t naman siya sasakay ng bus?” takang tanong niya at tinabihan ito ng upo.
“Hindi ko rin alam. Nakita ko lang siyang lumulan ng bus na sinasakyan ko patungo rito. Dito rin kasi ang destinasyon niya,” paliwanag nito at napabuntong-hininga na lang.
“Nakita ka ba niya sa bus?” Saka lang ito lumingon sa kanya na may pag-alala sa mukha.
“I don’t know. Malapit lang ako sa bintana at nakasuot ako ng sunglasses. Isa pa, he didn’t see me for years to recognize me that easy. Natagalan ako dahil hindi ako bumaba sa municipality. Ayokong makasabay siyang bumaba ng bus at makilala pa niya ako.”
“Ang importante, wala siyang kaide-ideya na ikaw ang author ng libro kung saan siya ang hero. Kahit hints sa libro, di niya mahahalata na ikaw, di ba? Gaga ka, bakit di ko nahalata noong highschool tayo. Di ka man lang nagsabi sa ‘kin na gusto mo na pala si Lirio,” nagtatampong sambit niya at tumayo sa harap nito. Nasapo lang nito ang noo.
“It’s not that important. It was just a puppy crush, okay? And it was eons ago. Marami nang nagbago ngayon,” katwiran pa nito. “I felt like I want to rest all day. Ikaw? Bakit nakita kitang nagtalukbong ng kumot sa sahig? You weren’t that comfortable of attending this forsaken Alumni Homecoming, right?”
Napapangiwing napatango na lamang siya rito.
“Right, we are just crazy to attend this batch reunion.” Natawa siya ngunit nandoon pa rin ang uncertainty. “Sometimes, I kept convincing myself that I only attended this because of how nice the resort is. Yeah right.”
Kagaya nito, kinombinsi nga niya ang sarili nang paulit-ulit ngunit hindi pa rin siya nakombinsi. Mas lalo lang siyang mafru-frustrate sa kaiisip.
* * *
Kabanata: Dalawampu’t Anim
“Simula nang dumating ka rito. Hindi ka na lumabas ng unit natin. Seriously, Mako, after seven years mong ni-reject si Noah?” kantiyaw sa ‘kin ni Jin habang sinusuklay ang basa niyang buhok. “Hindi ka magpapakita?”
Hindi umimik si Daisy bagkus ay nakaupo lang siya sa sandalan ng sofa habang pinagmamasdan ang kumikinang na asul na dagat sa bintana. Nalaman ni Lirio kung saang room siya nanatili kaya napilitan siyang tumambay muna sa suite nina Jin at Keisha pero hindi pa rin siya nakaiwas sa tanong ng mga ito. Si Raspberry naman ay lumabas na rin ng suite nila at nagliwaliw sa barangay malapit sa beach resort. Mukhang disoriented rin ito sa pamumulabog ni Lirio sa kanya.
Tatlong araw silang manatili roon. Nakita niya sa itinerary ang mga activities na puwedeng gawin roon sa resort at may separate para sa kanilang reunion batch. Iyon ang first day niya, nila ni Raspberry at papalubog na ang araw tanda na iyon na rin ang first sa two nights na matutulog sila doon sa resort.
Panay ang kain ni Kei ng chicheria nito habang nanonood ng tv.
“Takot lang ‘yan. I heard that magkasamang dumating rito si Noah at Kara Jecille. At may bata.” Kei trailed off.
Hindi pa rin siya umimik nang magkatinginan ang mga ito, naghihintay sa magiging reaksiyon niya. But then, she’s a great pretender when it comes to handling her emotions. She practiced it for years just to not look weak in front of others.
At anak? Tinanggap na niya ang katotohanang posibilidad iyon. After all, hindi na siya ma-contact simula nang magtrabaho siya sa Balamban at sinadya niya mismong lumayo. Isa pa, she made it clear before that he will not wait for her. Na hindi ito aasa sa kanya at ikukulong ang sarili nito sa kanya.
Itinaboy niya ito palayo, kaya kung makikita niya man ito masaya sa iba at may pamilya na. Masaya siya para dito. Oo, hanggang ngayon mahal pa rin niya ito pero hindi aabot sa puntong guguluhin niya ang masaya na nitong buhay gaano man kasakit makita iyon.
“Anak kaya nila ‘yun?” si Kei.
“Well, why don’t you see it for yourself, Kei?” si Jin.
“Ako lang ba?” Kei smirked.
Umalis siya sa pagkakaupo niya at mataman na tiningnan ang dalawa na patay-malisya na umiwas ng tingin sa kanya. Hindi pa ba titigil ang mga ito?
“Guys, alam n’yo ang nangyari at ang dahilan ko, okay? Wala akong karapatang magmukmok kung sakaling may iba na siya o ano. Pitong taon na since that happened,” she said and put her hands on her hips to emphasize her point. Bago pa man siya intrigahin ng mga ito ay tumungo na siya sa banyo. Napilitan siyang ikuwento sa mga ito ang mga nangyari.
She stayed in the toilet bowl for minutes. She hated this. The nostalgic memories came back now that she’d seen them again. She’s a bit afraid. Takot siyang tanggapin pag nakompirma na niya.
Pitong taon. Maraming mangyayari sa pitong taon. Napangiti siya nang mapakla nang maalala ang eksenang nasa dyip siya at nasa waiting shed ito. She was thirteen then. Now, she’s twenty nine. Si Noah lang ang lalaking naging espesyal sa kanya.
Tinaboy niya ito in the first place kaya kung anuman ang makikita niya ay lulunukin niya. Lulunukin niya ang katotohanan. It was then she discovered that it’s okay to be on the sidelines if it’s meant that he’s genuinely happy.
* * *
Nagising siya na bahagyang madilim pa ang paligid. Natutulog pa si Raspberry sa kama nito, nagtalukbong ng kumot, mukhang walang balak na makipagsabayan mamaya sa event ng batch nila.
Hinawi niya ang kurtina sa bintana at namangha sa tanawin sa labas. She ignored the beauty of the seashore yesterday, caught up in my world again. It was a light blue sky. It’s early five in the morning. Mula sa silangan ay may lumilitaw ang orange at yellow na liwanag. Behold, a sunrise!
Dali-dali siyang tumungo sa banyo upang maghilamos at inayos ang sarili ko. She coaxed her hair into a messy bun and wore a white shirt that has the emblem of the school where she’s teaching and black shorts. With her bare face, she went outside their unit and wore her flip flops. Buti na lamang wala pang masyadong taong pakalat-kalat sa hallway. Pagkarating niya sa reception area kung saan kaunti pa ang mga taong nakatambay kung kaya’t tumakbo siya nang mabilis palabas ng hotel. Nagulat pa yata ang receptionist sa ginawa niya.
Umawang ang mga mata niya nang mapagmasda ang dagat. Ocean and seas had been her refuge when she stayed in Balamban whenever she’s drained in her life. Kung minsa’y bumibisita siya sa beach. The yellow hues was replaced by orange hues. She stepped on the white sands. Kumapit ang buhangin sa mga paa niya nang humakbang siya papalapit sa dalampasigan. Napapikit siya at pinakiramdam ang malamig na simoy ng hangin mula sa malawak na karagatan. May mga cottages di-kalayuan at kaunti lang ang mga taong nandoon.
Pinagmasdan niya ang pagsabog ng liwanag sa paligid. The light from the morning sun reflected on her skin. Hindi iyon gaanong mainit at nakakaginhawa ng pakiramdam. The tides reached the tips of her feet.
She was looking at the wide expanse of ocean when she felt something she couldn’t fathom. Hindi niya alam kung bakit biglang nagtaasan ang balahibo niya sa batok at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Naglikot ang mga mata niya at nang bumaling siya sa kanan niya’y natagpuan niya ang dalawang lalaking nag-uusap. Bigla siyang tinamaan ng nerbiyos. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tila tumigil ang pag-inog ng mundo niya.
The cool breeze of the ocean swayed the strands of his hair that fell on his forehead. He was wearing a white shirt and black cargo shorts. Ang nasanayan niyang teenager na hitsura nito ay nagbago. He’s a full-grown man now.
Her eyes widened when his face turned to her. Ginawa nitong headband ang suot nitong sunglasses. His almond eyes settled on her. Something knocked on her heart and a part of her panicked.
The sun was still rising, the rays reflected on his face. A smile or, much better to say, a smirk spread from his lips as if saying, ‘I found you and you can’t get away now.’
Saka lang nagsink-in sa kanya ang nangyari. That she still couldn’t get away no matter what. And then, she did the most cowardly thing she used to do.
She ran away from him and went back to her unit. Hingal na hingal. Para siyang nakakita ng multo. Ni hindi nga pinansin ang pagtawag ni John Dale sa pangalan niya nang makita siya nitong nagtatakbo sa hallway.
* * *
“Ano ba! Umalis na kayo! Hindi ako kailangan do’n!’ taboy ni Daisy sa dalawa na pilit siyang hilahin mula sa kama niya. Buong araw siyang nagmukmok doon at walang balak na lumabas. Raspberry was nowhere and possibly hiding and staying away from the reunion.
“Ano ba, Daisy! Isa na lang, itatapon ka na talaga namin sa bintana!” tila nawawalan ang pasensiya na wika ni Jin. Pinasok na siya ng mga ito sa unit niya dahil buong araw niyang inignora ang mga ito. Doon na na-realize na isa siyang duwag para harapin ang lahat.
“Move your ass, bitch! Jenny notified me na papaalisin niya tayo kapag hindi pa tayo bumaba sa function room,” inis na ring singhal ni Kei.
Natigilan siya. “No way!” Tinimbang niya rin ang pagdalo niya roon. Puwede naman niyang ignorahin ang reunion batch pero hindi ang summer beach.
She was having her secret walk at nights, admiring the beauty of the beach. Second day na niya ngayon at na-miss lang naman niya ang itinerary dahil sa lintik na tinamaan na naman siya ng kahiyaan at kaduwagan.
“Yes way!” Jin crossed her arms with a stern look on her face. “Magbihis ka na at pupunta tayo sa function room.”
“Uhm, lahat ba tayo pupunta talaga doon? Required ba talaga?” tanong niya kay Jin. Sinamaan lang siya ng mga ito nang tingin kaya napilitan tuloy siyang bumangon at hawiin ang kumot na nakatalukbong sa kanya.
“Oo,” sagot nito at ininpeksiyon ang mga damit niya na nasa bagahe niya. Nakita nito ang dress na susuotin niya sa pangatlong araw kung kailan gaganapin ang batch ball. “Woah there. 1960s pa yata ‘tong style ng dress mo.”
“Audrey Hepburn inspired dress,” simpleng sagot niya at nag-inat niya. Wala rin naman siyang magagawa dahil hindi siya lulubayan ng mga ito.
Nagbihis na lang siya bago pa magreklamo na naman ang dalawa. Ayaw rin niyang i-ban siya ni Jenny sa beach resort nito. She’s really true to her words and she didn’t want to give her a reason to transform her into a dragon.
She picked her denim jacket under her white shirt, dark blue denim pants and denim shoes. Pinalitan ni Jin ang denim shoes niya ng white shoes nito dahil mukha raw siyang ewan sa suot niya at wala na daw sila sa 90s era na uso pa ang denim. Kei braided some strands of her hair and the rest, she let it down. Lalagyan sana siya ng mga ito ng make-up pero tumanggi lang siya bagay na ikinaangal ng dalawa. Mangangati lang siya sa make-up at isa pa, tiwala naman siya na kaaya-aya pa rin siya tingnan kahit wala noon.
Nauna na siyang lumabas ng room, kinakabahan sa mangyayari sa function room. Ano ba ang masasaksihan ng mga mata niya? Habang humahakbang siya papalapit roon, tila may dumadagan sa dibdib niya. Bumibigat.
“Parang ayaw ko nang pumasok,” usal niya nang marating na nila ang malaking pinto ng function room. Umatras pa siya ng isang hakbang. Parang gusto niyang magtalukbong ng kumot ulit sa sarili niya. Nasaan na ba si Raspberry? Ito lamang ang kakampi niya roon na hindi siya ihahain sa leon.
Isinukbit ng mga ito ang braso nila sa magkabila niyang braso kaya di na niya nagawang umatras pa. Para siyang kriminal na ayaw ng mga itong patakasin. Sa bilis ng tibok niya, ni hindi na niya namalayan ang pagtulak ni Kei sa pinto.
Naririnig na niya ang ingay mula sa loob. Samu’t saring boses na nag-uusap, kalansing ng mga kubyertos at ang tunog ng mga instrumento mula sa banda.
Ayoko na! Ayokong makita si Noah! Oo na! Hindi talaga ako ganoon ka-manhid! mangiyak-ngiyak niyang sambit sa sarili nang tuluyan na siyang binitawan ng dalawa.
Natuod tuloy siya sa kinatatayuan niya nang makita niya ito sa silangang bahagi ng function room kasama si Kara Jecille. Nasa kandungan ni Noah ang isang batang babae na malamang anak ng mga ito.
Sino ba siya para mag-inarte pa? Mukhang larawan ito ng isang masayang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit nagmukmok siya buong araw. Nakita niya mula sa bintana ng unit nila ni Raspberry ang tatlong nag-eenjoy sa dalampasigan. Masakit pa rin talaga kung ang katotohanan na mismo ang sasampal sa kanya. Kung hindi siya duwag noon, hindi siya ganitong masasaktan pero wala rin naman siyang magagawa. Si Jecille ang pinili nito. At isa pa, itinaboy niya ito pitong taon na ang nakakaraan.
Iginila niya ang paningin niya sa buong paligid at napatingin niya sa pulang carpet na nakalatag sa buong function room malawak. May mga round tables kung saan nakaupo ang mangilan-ngilan niyang batchmates. Sa harap ng stage ay naki-jamming ang ibang ka-batchmates niya sa tumutugtog na banda.
Iniwan siya ng mga bruha upang batiin ang mga batchmates nila. Catching up, at nag-alala siya sa gagawing pagkakalat ni Keisha. Aasarin lang naman nito ang mag-ex na Gabriel at Maia na classmates ng mga nila noong fourth year highschool. Hindi siya magtataka kung maba-ban ito dahil pang-uungkat na gagawin nito. Si Jin naman, ewan niya kung saan sumuot at naglaho na lang bigla.
“Mami! Mami!” Nagulat siya nang lumapit sa kanya ang isang batang nakasuot ng cute na cute na light pink dress. Napalitan ng ngiti ang mukha niya mula sa pagkakasimangot, na mukhang natatae na ewan dahil kinakabahan.
“Leanne!” Nagpabuhat ito at walang pag-aatubiling binuhat niya ito. Kaagad naman itong kumapit sa leeg niya.
“Nasaan ang mga magulang mo ha?” Luminga-linga siya sa paligid upang hanapin ang mga magulang nito na sina Daphne at John Dale.
“Sabi po ni Tita Jenny, nag-honeymoon po. Ano po yung honeymoon, Tita?” inosenting tanong ni Leanne na humagikhik pa. Nanlaki tuloy ang mga mata niya. Gagang Jenny, kung ano-ano ang pinagsasabi sa bata at nilaglag pa ang pinsan nito.
“Lili!” Isang batang babae ang lumapit sa kanila at nanigas siya nang makilala ang mukha nito. Manang-mana kay Jecille. Young version nito. Anak nila Noah.
“Wendy!” masiglang tawag ni Leanne na naglumikot kaya binaba niya ito. Humawak ito sa kamay na inabot ni Wendy at halatang nagkamabutihan na ang mga ito. Palibhasa, ito lang ang iilan sa mga batang nandoon sa reunion batch nila.
Luminga-linga siya sa paligid, sa mga tables na nakakalat, sa mga batchmates nilang nagkakantiyawan at nagtatawanan na. Natagpuan niya ang hinahanap ng mga mata niya. Kausap nito si Jecille at mukhang seryuso ang usapan ng mga ito. Naiwan siyang nakatulala. Inaalisa ang mga nararamdaman niya.
Huminga siya nang malalim at bumaling na lang sa stage kung saan kumakanta si Garnet sa saliw ng musika at wala pa ring ipinagbago ang boses nito.
Isa ito sa may pinakamagandang boses sa kanilang klase at pinapakanta nila ito sa klase. Tumatambol si Clyde sa likuran nito at nagh-headbang habang ang mga ka-miyembro ng mga ito ay nakangiting tumutugtog, bahagyang gumagalaw ang katawan sa saliw ng musika.
Lumapit siya sa may harap nang pumainlanlang ang isang pamilyar na kanta. Sandali napalitan ang bigat ng pakiramdam niya.
“Woah! Paramore!” she shouted and screamed with her batchmates na halatang music lovers. Para na silang mob sa harap ng stage. Sa likod lamang nila ang mga round tables.
Ngumiti si Garnet at tinapat ang mikropono sa kanya.
“And when it rains. On this side of town it touches everything. Just say it again and mean it. We don’t miss a thing, you made yourself a bed. At the bottom of the blackest hole. Convince yourself that it’s not the reason you don’t see the sun anymore.”
Ginalaw niya ang katawan niya at sumabay sa tugtog pati ‘yung iba. Nakita niyang biglang sumulpot si Keisha at kulang na lang ay magwala dahil paborito nito ang mga kanta ng Paramore..
“Damn you, Garnett!” sigaw ni Kei pero nakangisi. Masaya ito para sa kaibigan nitong naging parte ng isang banda.
“I never saw it coming. Oh, oh I need the ending.”
Gusto niyang matawa. She really never it saw it coming. Nagtugtugan at nagsasayawan sila ng batchmates niya roon nang tumigil sila pagkatapos ng kanta. Mayamaya pa, sumulpot bigla si Lirio, umakyat sa makeshift stage at napalunok siya nang wala sa oras nang mahagip siya nito ng tingin.
Saan na kaya si Raspberry? Buking na ba ang babaeng ‘yun? Hindi pa niya nakikitang umaaligid ito na nasa paligid lang si Lirio. Naghiyawan ang mga batchmates nila at pasimpleng kumaway lang si Lirio na parang artista. There’s an aura of maturity in him which makes Daisy happy.
“Quiet, children,” he said when Garnet gave him the microphone. He’s wearing a moss green sweater, jeans and grey sneakers. Mas lalo itong pumogi kaya ang mga single batchmates nila ay kulang na lang ay pumuso ang mga mata.
“To hell with the pleasantries. I’m Lirio San Miguel and I’m your facilitator. I want to announce to all of you that we are having a random picks of singers from the batch. Ihanda ninyo ang sarili ninyo at baka kayo ang kakanta rito sa stage. Ang Infinity Drive mismo ang tutugtog ng instrumento para sa inyo.”
Sigawan ang mga tao roon maliban sa iba na nagreklamo. Mamimili ba naman ng kakanta sa stage. Baka isa sa mga ito ang mapahiya. Daisy’s smile vanished when she saw the wicked glint in Lirio’s eyes. Hindi pa ba sila tapos sa wanto-sawang gantihan? He set this up?
“Henry, ipasok mo na ang fish bowl.”
Nagreklamo si Henry sa background. Artista na ito ngayon na naglie-low isang taon na ang nakalipas. Umakyat ito sa stage at nganga na naman ang mga babae rito sa kaguwapuhan nito. Naalala pa niya noon kung gaano ito kadugyot tingnan at laging pawisan ang mukha pero charming pa rin since then. Ito ang Romeo ng batch sa play na Romeo and Juliet at Aladdin na rin.
“I am not supposed to hold this,” reklamo ni Henry.
“‘Wag ka nang magreklamo,” ani Lirio. Bumaling si Lirio sa kanila at ngumisi nang makabuluhan. Unti-unti nang napaatras si Daisy. May masama siyang kutob rito. “Ang mga pangalan na nandito ay ang mga suggestions na galing sa mga batchmates ninyo. At ang kantang dapat kakantahin ninyo. Ang tatanggi, uuwi na sa kanila.”
Hayop ka, Lirio. Anong binabalak mo? asik niya sa isip niya.
When he announced the first singer, the people hooted and shouted in glee. The nostalgic naughty ways in their highschool years seemed to have been relive that moment. Ang kakanta ay parte ng Theater Club kung saan kabilang noon si Henry. She crossed his eyes and glared at him. Umatras na siya, iniisip kung saan siya makakatakas.
Anong akala n’yo sa ‘kin? Hindi marunong tumakas?
She sprinted to the door of the function room but an annoying two eggs prevented her not to open the door. Humarang ang mga ito sa pinto ng function room. Hawak-hawak ng mga ito ang magkabila niyang braso.
“Ano ba Klint!” Ang walang ibang pumigil sa kanya ay sina Marc at Klint.. Magkasangga talaga ang dalawang ito sa kalokohan at kalalaking mga tao ay mga tsismoso at pakialamero. She saw Marc during her first year college and he got taller since then. Si Klint, well, masaya dahil may fianceé na ayon kina Jin at Kei.
“You couldn’t get away any longer now, Daisy. Masyado mo na kaming pinapahirapan rito.” Klint said showing his greasy smile. Sinamaan niya ng tingin ito. Ang dalawang ito ang kakuntsaba ni Lirio pagdating sa maiitim na balak ng huli.
Marc crossed his arms. Halos nakasandal na siya sa nakasiradong pinto. They were towering over her. Bakit ba mas lalong tumangkad ang mga ito? “Walang lalabas ngayon. Minsan nang tumakas si Maia rito. Sabihin na nating kilala ka namin at gagawin mo ang lahat para tumakas.” Pinandilatan pa siya nito ng mga mata.
Nanatili lang siya roon, nakatayo, nakikipagtagisan ng tingin sa dalawa hanggang sa bumagsak ang mga balikat niya. Nanlulumong napasulyap siya sa stage.
“Next singer,” narinig niya anunsiyo ni Lirio sa mikropono. “Daisy Mako from section 1. When I dream about you.”
* * *
Kabanata: Dalawampu’t Pito
Napahawak si Daisy sa tiyan niyang namimilipit sa sakit. Tila pa pinagbuhol-buhol ang mga intestines niya roon. Sanay na siyang inaatake ng ganito ngunit hindi pa rin niya iyon nato-tolerate sa huli. Nanghihinang naglakad siya sa banyo, hawak-hawak ang sikmura niya. May kung anong itinulak ang tiyan niya pataas sa lalamunan niya at doon sa tiles ng banyo niya isinuka ang lahat ng kinain niya sa araw na iyon. Nangangasim ang bibig niya at kahit na halos wala nang maisuka ang kanyang tiyan ay tila may gusto pa itong ilabas.
Naisuntok niya ang kanyang kamao sa pinto ng banyo. There’s tears in her eyes about to fall but she breathe in, trying to collect her wits. She suffered from eating disorders ever since her mental illness came in years ago. Lalo na kapag masyado siyang stress.
Ilang minuto siyang nanatili roon at nilinis ang kalat niya ay bumalik siya sa kuwarto niya kung saan napapaligiran ng sticky notes ang pader. She was studying for the upcoming LET. Wala siyang in-entertain ng mga tao, apart from her parents. She chose to be that isolated to concentrate. Nanlalatang ibinagsak niya ang sarili niya sa kama.
Huminga siya nang malalim at inisip kung malalagpasan ba niya ang pagsubok na ito. Dealing with her problems in her body while studying for the license exam. She’s been juggling ever since. Taking classes, studying lessons, dealing with everyday mundane activities and at the same time, have her share of absences in school and rest days for her health.
She thought that she’s too weak but Calvin said that she’s been brave for too long. For keeping it so long that they cried in front of each other because he was too, suffering too in some aspects. It’s okay to back down, to take a breather. It doesn’t mean, she’s surrendering but just recuperating from the hurts. Napapagod rin ang mga taong ipakitang matapang at matatag sila sa harap ng iba. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakokontrol ng tao ang sitwasyon at dahil nga doon, naghahanap ang mga itong may maisisi.
It’s not entirely her fault why she earned this kind of sickness. Napahawak siya sa ulo niya kung saan may namuong peklat doon mula nang maaksidente siya sa harap ng flagpole noong elementary siya. A security guard carried him while her school uniform was blotched in blood. The last thing her eyes witnessed was her mother panicking and crying.
* * *
“Maraming dugo ang nawala sa ‘kin. Hindi ko nga maalala kung gaano iyon kasakit. Parang namanhid na ako ng mga oras na ‘yon. The stitches, sobrang sakit at sigaw lang ako ng sigaw sa loob ng hospital. Naliligo sa sariling dugo. Nadamay lang naman ako ng mga batang naglalaro doon at nahagip lang ako. Sa palagay ko, doon nagsimula kung bakit bigla akong naging secluded. Tahimik sa isang tabi. Ang ipinapakita ko sa school, ‘yon ang tunay na ako noong hindi pa nangyari ang aksidente kaya hindi ako gaanong nahirapan sa image ko sa school,” she told Berry while they were sitting on a wooden chair, in front of a basketball court. Katatapos lang nilang kumain sa isang karidenderya, malayo sa kaguluhan sa bahay na nangyari kanina.
Berry was speechless. Naitikom lalo nito ang mga labi nito at napakunot-noo, tila may iniisip. “Anong grade ka na nang mangyari iyon?”
“Grade five.”
“Wala na ako doon.”
“Ha? Alin?” Berry held her hand and squeezed it. Malungkot itong ngumiti.
“I spent my four years in elementary in your school. School ninyo ni Lirio. Lumipat ako ng school nang mag grade five ako. Kung nag-aaral ako doon, malalaman kong may naaksidenteng kagaya kong pupil doon.” Umawang ang mga mata niya sa narinig. Schoolmates din sila sa elementary? Tumango ito bilang kompirma. “But with different surname. It’s a long story. I’m sorry, I know it’s hard for you to deal with the trauma.”
And it’s enough for Daisy that she had Berry listening to her and understanding her without judgments in her eyes.
* * *
Napabuntong-hininga na lang si Daisy nang makaharap na naman niya ang establishment na ito. Different from the city, but the same facility attending to mental patients.
If she’s living in the Dark Ages and previous centuries, then she will be labeled as an insane person for having this kind of illness. They will be alienated from society and insignificant and a nuisance to others. The fact that it’s temporary is a different story from physical illnesses.
Mabuti na lamang ay unti-unti nang naging bukas ang publiko sa isyung ito. May nabubuong stigma ngunit nagsusumikap naman ang medical field na ipaunawa ito sa mga ito, maging siya na isa sa mga pasyente. There are some other people who has something more on their plate than her, yet still fighting and living was enough for her to go forward. Kasabay siya sa mga itong, nabubuhay pa rin at hindi nagpapatalo sa sakit na ito. They need saving with the doctors but the huge percent of saving came from themselves.
* * *
There are people who believe they couldn’t alter their fates and thought that their lives would still be a mess in the end. There are people who choose to redeem themselves even though the world is too cruel around them. And he was included in the latter people.
Dumating siya sa punto ng buhay niya na tingin niya ay hindi na niya kaya pang itulak ang sarili niyang mabuhay. He was too bottled up and he exploded like a nuclear bomb. Wounded. Wrecked. He was like fighting in a war and went home with that haunted face and traumas of the wars he went through.
Ngunit ayaw niyang i-acknowledge sa sarili na iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit may nasasaktan siyang mga tao. Sanay si Noah na laging hindi siya ang napipili, nakakatanggap ng pagmamahal, ng kalinga. Natagpuan pa niya iyon sa mga taong hindi niya kadugo. Masyado siyang nasanay na mag-isa at walang nagpapahalaga sa kanya kaya may pagkakataong tila hindi niya tinatanggap ang positibong damdamin ng iba para sa kanya. Shawn and Lirio’s kindness and friendship. Especially, Daisy’s admiration for him.
Naalala niya ang nangyari noon sa booth. Galit siya kay Lirio sa ginawa nito dahil nakapagdesisyon na siya at ang desisyon na iyon ay protektahan si Jecille. Nagbitiw na siya ng mga salita sa nanay nito, sa nag-iisang magulang nito.
He hated himself for hurting Daisy that time, until they graduated. Magmula nang mangyari iyon ay nagkahiyaan na silang dalawang magpansinan pa at isa pa naisip niya noon na hindi nito deserve ang lalaking kagaya niyang maraming sugat ng kahapon, ng lalaking kagaya niyang takot harapin ang totoong damdamin niya para rito. Ayaw niyang pumasok sa buhay nito at magulo pa niya.
* * *
“What? Ban? Anong kalokohan ‘to, Lirio?” bulyaw niya kay Lirio na seryuso ang hilatsa ng mukha at halatang naiirita na. Hindi pa ito nag-aahit, lukot-lukot ang suot na damit at magulo rin ang may kahabaan ng buhok.
“Please, Daisy. ‘Wag ka nang magpakita. Iisipin ko na lang na hindi ka dumaan rito,” pasupladong wika nito. She was surprised of how cold-hearted his response to her.
Tila may tumarak sa puso ni Daisy. Unang beses itong nagbitiw ng mga ganoong salita. Ito ba ang epekto ng pagbabago nito magmula nang iwanan ito ng pinakamamahal nito? Hindi lang naman ito ang nahihirapan, may ideya siyang ang mga taong malapit rito ay nahihirapan itong makita nang ganito. At ngayon lang niya nalaman to her shock.
Tumalikod na ito at hindi na siya pinansin kahit anong pagtawag niya rito at pagkalampag sa gate. Padabog na sinarado pa nito ang pinto ng bahay nito. Na ipinagkatiwala na ng Tita nito.
“Ang unfair mo naman, Lirio,” nangingilid ang mga luhang mukmok niya nang makaupo sa gutter. Marahas niyang pinalis ang sumuong na luha sa mga mata niya. Nasasaktan siya para rito at wala man lang siyang alam noong mga panahong masyado itong nagdurusa. Abala siyang hilumin ang sarili niya.
It was natural for a guy not being vocal when it comes to their feelings and sentiments. And he needed space. Okay, fine. Iyon na ang huling beses na maligaw siya sa mga taong parte ng buhay noon. Mas lalo siyang lumuha sa ginawa niya kay Noah noong mga nakaraang linggo. Nanlalabo ang mga matang napasulyap siya sa bulsa ng denim jacket niya, kung saan nakalagay ang letter niya. A letter that will never sent.
* * *
A letter that will never sent
Dear Shinoah Sagara,
Halos dalawang linggo akong binabagabag ng mga memorya na nagsilabasan sa baul. Akala ko, limot ko na parte ng buhay ko. Akala ko, limot na kita partikular na ang mga damdamin kong may kinalaman ka. Payapa naman ako noong lumipat na kami ng probinsiya at may posibilidad talaga na magk-krus ang landas natin ngunit confident ako na hindi sapagkat hindi naman ako bumibisita sa mga lugar na may kinalaman sa mga alaala natin.
Sa sobrang distracted ko at muntik ko pang di maipasa ang term paper ko sa deadline.
You’re bad news, Shinoah Sagara.
Then one day, nasa Basilica ako, nakatambay sa bleachers at nagulat na lang ako na may tumabi sa akin. Gusto ko nang tawagin lahat ng mga multong pagala-gala sa loob ng simbahan nang mapagtantong ikaw pala ang tumabi sa ‘kin. Shock was an understatement.
Nahagip ng mga mata ko ang altar ng simbahan at napatulala na lang nang maalala ang eksena kung saan ikaw ang isa sa mga sacristan sa misa ng graduating batch sa Sto. Rosario church. Ang estupida ko lang dahil mantra ko nun e kalimutan ko na tong damdamin na meron ako sa ‘yo pero ayon, back to zero na naman.
Bumalik ako sa kasalukuyan nang tapikin mo ako. Nakasuot ka ng light blue shirt, jeans at sneakers. Ang cute mo na pogi.
Nagulat talaga ko nang mag-materialize ka sa harapan ko. Akala ko 99% percent hindi ito mangyayari. Madali ba akong ma-distinguish? O baka nakita mo akong nakatunganga sa bleachers at nakasuot ng uniform ng university ko. Masyado ba talaga akong obvious?
Kinumusta mo ako. Sinagot kita na okay lang ako, struggling as college student ulit. Halos ikuwento ko na lahat ng adventure ko sa buhay sa ‘yo at tawang-tawa ka dahil madalas kabulastugan ko lang sa workplace kinukuwento ko sa ‘yo. Hindi ko alam kung fondness ang nakikita ko sa mga mata mo.
‘Katulad ka pa rin ng dati.’
Anong dati? Dati na gustong-gusto ka to the point na nagdrama ako? Di mo yun alam kasi di naman ako umamin at manigas ka.
Kinuwento mo buhay mo nang mamatay ang tatay mo. Isang taon kang nagluksa. Mas malapit ka sa tatay mo kaysa sa nanay mo na malayo na sa ‘yo. Malayo na rin ang loob mo sa kanya. Mahirap sayong maging working student to the point na muntik ka nang himatayin sa overfatigue sa mall na pinagtatrabahuan mo. Nag-quit ka bilang working student at nag-avail ng scholarship hanggang sa naging part time worker ka isang law firm. Na na-recognize nila ang performance mo sa univ ninyo.
Nagtanong ka kung ano ang sakit ko.
Matagal bago ako nakasagot. Sumeryuso na ako. Doon ko inilahad kung ano ang karamdaman ko kung bakit ako lumayo. I disappointed my parent’s expectations. And to the top of it all, I disappointed myself. It’s hard to acquire the medicines and it took me years to recover. Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako. Panira. Ang bigat bigat kasi.
Nagmukha tayong mag-jowa na magbr-break dahil lumuluha ako ng tahimik habang ikaw natuod na sa kinauupuan mo. Hinayaan mo akong umiyak at hindi alam kung yayakapin ako para patahanin. Tumahan tuloy ako nang ikaw na yung magpalis ng mga luha ko. Nakakahiya.
Wala ka palang panyo. Kaya natawa na lang ako. Ang panyo ko ang ginamit ko pamunas sa basa ko ng mukha. May misa ng five ng hapon kaya dumalo tayong dalawa. Gusto kong bangasan bigla ang pari dahil tungkol sa love ang sermon. Okay lang na masaktan ka, kasi on the other side, nagmamahal ka. Magmahal ka kahit masasaktan ka sa huli. Magmahal ka kasi mahal mo ang tao. Hayaan mo siyang maging masaya dahil mahal mo siya. Magmahal ka hangga’t kaya mo.
During that duration, inaatake ako ng nerbiyos. Nag-palpitate lang naman ako kahit hindi naman ako umiinom ng kape (kasi medyo bawal na). Pareho tayong tuod. Nakikiramdam. Nagkahiyaan. Ramdam ko e. May unfinished business tayong dalawa.
Pagkatapos ng misa, lumabas na tayo ng simbahan at tinitigan ang replica ni Snr. Sto Niño.
Tahimik tayong dalawa.
Nang bigla kang nag-alok ng kasal.
Kasal, Shinoah.
KASAL! TUKMOL KA TALAGA!
‘Wag mo namang buksan ang Pandora’s Box ko na ikaw ang laman.
Napaka-seryuso at ang intense mong tumitig. Doon nagsink-in sa ‘kin kung paano mo ako tingnan noong highschool pa tayo pero ten times na.
Tumawa ako. Natetensiyon na at ewan, ang weird ko kasi umupo ako sa sahig. Sa panghihina. Nanghihina ang mga tuhod ko at hindi ko na kinaya. Ikaw ba naman alukin ng kasal ng mahal mo.
OO MAHAL. Narealize ko sa loob ng simbahan. Tinanong ko kung na-carried away ka lang sa sermon ni Father. Sagot mo naman, medyo pero hindi. Mahal mo ako at gusto mo akong pakasalan.
Tapos.
AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!
Muset. Pasensiya na kung nagmumura ako sa letter na ito. Pero Shinoah. Maawa ka naman sakin. Nagbreakdown na ako sa tiles rito.
Tumingala ako sa ‘yo at alam kong pigil na pigil mo ang pagtawa dahil nakalotus position ako. Sabi mo, tumayo na ako pero hindi, KASALANAN MO TO! Lalo kang natawa.
Tanong ko, jinojoke time mo ba ako?
Kumunot noo mo.
‘Kilala mo ako. Hindi ako ang tipong nagbibiro. Seryuso ako, Mako. Sa ‘yo.”
Huminga ako nang malalim. Na-overwhelm ako kaya sumungaw na naman ang luha ko, sa magkahalong saya at lungkot. Parang puputok tong puso ko na ewan.
Nang mahimasmasan. Sineryuso na kita.
Noah, I’m sorry.
Sorry kasi nasabi ko iyon sa iyo at hindi ko babaguhin iyon. I confessed that my sickness triggered again because of the pressures and pent-up emotions. I am not for intense negative emotions ‘coz it destroyed me. Dahil bumalik ka which is malaki talaga ang impact mo sa ‘kin. My emotions for you are so intense. Halo-halo na lahat ng overthinking ko at disappointments na naman sa sarili ko at wala akong masabihan sa mga aalalahanin ko. Ayon, nag boomerang.
I’m still wrecked, Noah. Bumalik ako sa ospital after five years of not having symptoms. Hindi kita sinisisi na ganito ako. Ang sa akin lang, I’m still fixing myself. Hindi pa ako handa. Kasal ang inaalok mo at ayoko. Mahal kita pero hindi ngayon. Hindi ngayon.
Alam kong naintindihan mo ako. Ang estadong meron ako. Bagama’t hindi lahat ay inihayag ko sa ‘yo. Lumambot ang mga mata mo at sinabing maghihintay ka.
I know ang harsh ko nang sabihin ko sayong wag maghintay. Wag mong ikulong ang sarili mo sa ‘kin. Maraming babaeng magmamahal sa ‘yo dahil mabait ka at busilak ang puso mo. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto kita noon pa man.
Kung nasaktan man kita, pasensiya pero kailangan kitang prangkahin sa sitwasyon ko.
Isa pa, di ko to sinabi nang tuluyan na tayong maghiwalay ng landas. You’re a promising student of Law sa mga susunod na taon. You have a brilliant mind. Pangarap mo yan. Ayokong ma-distract ka dahil may ‘girlfriend kang may mental issues’. Marami tayong priorities. At hindi ako, multi-tasker. Average ako, Shinoah. I know myself kung hanggang saan ang limits ko. Masaya man ako malaman sa’ yo yan pero takot ako. Duwag pa rin ako hanggang ngayon.
Sorry, Noah. I’m really sorry.
Ang depressing na naman ng dating. Naiiyak na naman ako. I’m in the process of healing myself. I am capable of loving someone. Ikaw. but I’m still a mess. A wreckage.
But, I still love you secretly.
Love,
Daisy
Interlude 7
“Yo, dude! Long time no see! Pahalik nga, bebe ko!” nakakalokong bati sa kanya ni Marc nang bigla na lang itong pumasok sa opisina ng restaurant niya. Typical tee shirt at denim pants ang suot nito apart from him who’s wearing his chef uniform without his hat. Kasalukuyan siyang nag-aasikaso ng mga bagong recipes na idadagdag niya sa menu.
“Sira-ulo,” he grinned and greeted him with a light punch on his stomach instead of hugging him back. Natawa ito sa ginawa niya’t ibinagsak ang sarili sa sofa na nasa gilid lang ng mahogany table niya. May ideya si Klint kung bakit nandoon si Marc.
“Spill the beans. Nabulabog ako sa ako sa Oslob dahil sa ‘yo. Nabitin ang butanding escapade ko. Siguraduhin mong interesante ‘yan.”
“Alam ko kung bakit nandoon ka sa Oslob,” he wickedly smile.
“Wow, ang lakas mo talaga makasagap.” Pabirong pumalakpak pa ito. “Ano bang meron? Pabulong naman.”
Ang totoo, dalawa ang impormasyon ang may hawak siya. Ang isa, common knowledge na sa kanilang magkakaibigan noon. Ang natira ay hindi puwedeng malaman nang kahit na sino. Madulas man ang mga dila nila, nagmana sa lider nilang si Lirio na bagong buhay na raw ay may parte pa rin na mananatiling lihim muna. Oo, muna. Di pa naman sila natatamaan ng kidlat sa pinaggagawa nila. Kung nangyari nga, baka noon pang highschool.
He discussed to Marc what he did.
“Buang ka, pinaniwala mo ‘yung tao. Mababaliw ‘yon kakaisip hanggang batch reunion. Magaling, magaling. Isa kang tunay na disipulo ni San Miguel.” Naalala niya na pinagkakatuwaan nilang tatlo noon na disipulo sila ni San Miguel. Laging magkasangga sa kalokohan. Niyemas kasi, nagpauto sila sa Nintendo na mayroon ito noon na wala sila. Afford lang ng mayayaman ang gadget na ‘yon. Well, in 90s era.
“Bahala siyang mabuang kakaisip.”
“Baka isang araw mahanapan ka ng butas ni attorney at baka sa korte pa kayo muling magkita.” Inisip na niya iyon ngunit kahit na attorney na ito ngayon, ito pa rin ang tahimik at seryusong si Noah na mahilig maglihim. Masyado lang talaga silang observant at tsismoso kaya may ideya sila, not to mention, si Lirio mismo ang nambubuking. Speaking of that guy . . .
“May ibubulong sa ‘tin si San Miguel. Bakantehin mo ang schedule mo sa Linggo. Sa basketbolan kung saan tayo madalas noon.”
“What? Ikokompromiso ko ang gagawin ko sa Linggo para lang sa bulong ni San Miguel? No thanks,” tanggi nito.
“It was more like a plan. You know that guy and of course, tayo lang. Noah will be late for thirty minutes.” Nandilat ang mga mata nito at mas lumawak ang ngisi niya.
“So it was all about the great attorney Noah. Again.”
“Yes, and you will come. Kung hindi, sasabihin ko sa pamilya mo kung bakit umaaligid ka sa Oslob.”
Naglaho tuloy ang pilyong ngiti sa mga labi nito.
“Hoy, buang. Fine. I’ll clear my schedule then.”
The Lirio they knew before and now was still the same, yet different in some manners. He was more cruel now. Kulang na lang rumolyo ang dila nilang dalawa ni Marc nang ikuwento nito ang tungkol sa ‘escapades’ nito sa loob ng kompanya ng pamilya nito. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang kalakalan ni Lirio. Nakita na rin niya si Noah sa loob ng korte. And damn, that guy was cruel too in his own way and of course, to bring out justice. Nahuhuli nga ang mga suspect sa sarili nitong dila sa mga pasikot-sikot na mga tanong ni Noah. Hindi rin magpapahuli ang mayor ng isang bayan sa South na si Shawn, former SSG President nila. Highschool pa lang, madami na itong nasisindak. Kapag magkasama ang tatlo, parang may biglang may maitim na emission ang kumakalat sa paligid. Exaggerated na imagination ng mga empleyado ni Lirio.
Buti pa sila ni Marc. Siya, chef at may-ari ng isang simpleng restaurant. Si Marc naman ay isang real estate agent. Mas mabuti nang magpaka-low profile.
Klint texted Lirio about Marc. Sana lang, hindi sila makasuhan ng abogadong ‘yon kahit invasion of privacy pa.
* * *
Interlude 8
Salubong ang mga kilay ni Noah nang madatnan niya ang mga kaibigan niyang nandoon sa basketball court. Pawang nakasuot ito ng jersey shirt. Nakatatak ang apelyido ng mga ito. Out of place ang suot niyang white long-sleeves at pantalon.
Iginala niya ang mga mata niya at naningkit nang makitang nandoon si Klint, Marc, Henry at Clyde. Wala si Shawn na malamang natali na naman sa obligasyon nito bilang mayor.
These bastards. Ano na naman ang niluluto ng mga ito? Lalo na nang kawayan siya ni Lirio nang makita siya nito.
“Ang tagal mo naman. Pinaghintay mo talaga. Tara, laro tayo,” yaya nito sa kanya at ipinasa sa kanya ang bola ng basketball. Nasalo niya ito.
Klint sheepishly smiled that made his eyes squinted. “Attorney Noah! When was the last time we’ve meet? Nakatulog ka ba nang maayos pagkatapos?” pang-aasar nito.
“Mahimbing nga ang tulog ko. Sa sobrang himbing, may bangkay lang naman akong itinapon sa ilog,” sarkastiko niyang pahayag na ikinatawa lamang ni Klint. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito natatablan pagdating sa asaran.
Natawa na rin ang ilan nilang mga kasama roon.
“Nagsawa na ako sa showbiz kaya pagala-gala na lang ako ngayon. Niyaya ako ng mga kulukoy na ito kaya pumayag na lang ako. Isa pa, di na kita nakikita, attorney. How’s work?” tanong ni Henry. Naging artista ito at kailan lang ay nalie-low na sa showbiz. Wala silang ideya kung bakit nag-quit na ito. Parte ito ng Theater Club at patok ito sa batch nila kapag ito ang bida sa mga play. Artistahin na talaga ito noon pa man.
Marami siyang kailangang asikasuhin sa Law Firm. Two cases that were too personal for him and other issues. “Still hectic and controversial. You know how the justice system works here but I have to move and gather information from testimonies, not just baseless evidence. Uncovering hidden truths was hard especially when it has been twisted and tweaked. Even the smallest details are crucial.”
There was a comical expression on his friends’ faces but mostly, they were digesting what he’s saying.
“Dumugo ang utak ko doon ah. Biglang pumalya,” biro ni Henry.
“Masyado ka ring gala noon kaya wala ka talagang maiintindihan,” pang-aasar ni Clyde rito.
“Wow, look who’s talking,” ganti ni Henry. Si Clyde ang madalas kasama ni Lirio sa pambubulahaw ng mga tao sa boses ng mga ito. Bitbit ang mga gitara nito ay, bigla-bigla na lang itong nagkakantahan sa loob ng eskuwelahan.
“We are six. Three on three,” Lirio pointed out. Ipinasa ni Noah ang bola rito. Ni hindi na nito pinuna ang suot niya. Mabuti na lang nakasuot siya ng sneakers.
“I know that you have something up your sleeves.” Noah crossed his arms.
“Ayaw na namin mangyari ang nangyari noon kaya mas maiging alam mo ang takbo ng plano namin,” Marc said and stood up from the cement bench he’s sitting.
Sinasabi na nga ba. He looked at Lirio who seems to be the mastermind of this. Lumapit lang ito kay Marc at inakbayan ang huli.
“I am not going to approve your plan no matter how reasonable it is. And of course, it will never be. Most of your schemes are ridiculous. I am going now. I still have to look for some details that I overlooked.” Hindi siya pinayagang umalis ng mga ito dahil hinarangan na siya nina Henry at Klint.
“Relax ka lang, attorney. Hanggang dito ba naman? Trabaho pa rin aatupagin mo? Aba, minsan lang tayong magtipon-tipon,” reklamo ni Klint.
“Alam mo bang common na sa mga eksena sa movies ang misunderstandings kapag hindi pinariringgan ng isang character ang isa pang character ng teleserye?” Nangunot lang lalo ang noo niya sa sinabi ni Henry.
“We are not yet stating our plan. Tama si Henry. You’re used on listening to defendants and even suspects, analyzing them. Getting information and answers from them. Anong silbi ng kakayahan mong iyon kung hindi ka naman makikinig sa amin?” nakataas ang kilay na sambit ni Lirio, pressing something.
Kulang na lang pagbuhulin niya ang mga ito. Pinagkakaisahan na naman siya.
“Fine.” A hard expression was visible on his face. “Spill. But I can’t guarantee you will go with your plan. Especially when it’s overboard like what you did before.”
* * *
Interlude 9
Lirio scheduled a conversation with Daisy’s current guy bestfriend. Scheduled because he was the one who’s busy. Nasa isang sulok lang sila ng isang Café sa loob ng Ayala.
“Daisy is like a sister I never had. Nakilala ko siya sa training center. Napakatahimik niya. Halos hindi na ngumingiti pero nakita kong naaaliw lang siyang tingnan na nahaharass ako ng mga baklang kaklase namin. And yes, I have an idea why she avoided all of you,” paglalahad ni Calvin kay Lirio. There was no use of hiding it from Lirio, for Calvin. Alam ni Cali na importante sa buhay ni Daisy si Lirio na kagaya niya ay parang kapatid na kung maituring.
“Different from what we knew about her. Hindi siya madamot sa mga ngiti niya at madali lang siyang pasayahin noon. I was sorr— I mean, we were sorry we didn’t know her sufferings.” Lirio still maintained his calm voice but his eyes were telling a different story.
“Nangyari na ang lahat. It was all in the past. Daisy is recovering now. Tinutulungan ko siya dahil mismong field ko iyon,” he stated.
May dumaan na kung anong emosyon sa mga mata ni Lirio na tumagal lang nang ilang segundo. And Cali knew better. He adjusted his eyeglasses.
“When is the time her health is getting worse? I can’t just pop out in front of her after all what happened.” Lihim na napangiwi si Lirio nang maalala kung paano niya ito i-ban sa bahay niya.
His reason was, he didn’t want Noah knows she had been there in his house. At sinabihan niya sa marahas na tono si Daisy na huwag nang bumalik roon upang makita si Noah. Baka iyon pa ang dahilan ng pagkikita ng mga ito at baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon. Ayaw rin niyang makita siya ni Daisy sa estado niya at malungkot ito lalo. Sakit ng ulo at puso lang ang dala nilang dalawa ni Noah rito.
“When she’s stressed. I apologize for saying this but your friend, he’s one of the triggers. And maybe you, too. People that reminds her of that man. Kaya mas mabuting lumayo na muna siya sa inyo.” Napahigpit ang hawak ni Lirio sa basong may lamang tubig. “While she’s healing, it’s better to stay away.”
“And if that man hurts Daisy, hindi ako mag-aatubiling pigilan silang dalawa knowing that it might affect her greatly. I don’t care about your friend. I don’t know him,” prangkang pahayag nito sa seryusong tono.
“I understand. Just take care of her. Not for me or for my friend’s sake. But because she’s a gem to take care of.” Doon na napangiti si Cali at inalok siya ng handshake. Kanina, hindi nito tinanggap iyon at basta na lang umupo sa katapat na upuan.
“I will.”
* * *
Kabanata: Dalawampu’t Walo
Hindi talaga ‘to nangyayari. Nanlalaki ang mga matang bulong niya sa sarili.
Baka halusinasyon na naman niya ito at inatake na naman siya ng sakit niya noon pero hindi. Hindi maaari. It’s been years since those cruel hallucinations.
Kinurot niya nang paulit-ulit ang braso ko kung nasa reyalidad pa ba siya. Humigpit ang hawak niya sa mikropono.
Nasa harap na siya ng mga batchmates niya, naghihintay siyang kumanta kasama ang Infinity Drive. Sa katunayan, hindi na bago sa kanya ang kumanta na kasama ang isang banda dahil naranasan niya iyon noong hinila siya ni Calvin at ginawa siyang ka-duet nito sa isang kanta noon.
Binalingan niya si Lirio na may munting ngiti sa mga labi, nakatayo at amuse na hinamon siya ng tingin. Ang sarap lang nito tarakin ng kutsilyo sa mukha.
“Kumanta ka na, Daisy!” sigaw ni Keisha sa baba. Ngumisi lang ang bruha katabi si Jin na ganoon rin. Nanlalaki na ang butas ng ilong niya sa pagkaasar.
Tila ba pinagkaisahan siya ng buong batch dahil sa lintik na insidenteng iyon na kumanta siya ng malakas ang boses sa AVR. Hula niya na nasa 1 at A ang nag-suggest na kumanta siya nito at tiyak na sa likod niyon ay may kontribusyon ang herodes na si Lirio.
“Ah, puwedeng pass?” bulong niya sa mikropono. Ngingiti-ngiti lang siya pero deep inside, parang gusto na niyang tumalon sa baba at maglupasay.
Umangal ang mga ito at lihim na napangiwi na lang si Daisy. Tama nga siya! Pinagkaisahan siya ng mga ito!
“Boo! Kumanta ka na nga! Sinasayang mo ang oras namin!” angal ni Klint na ikinangitngit niya lalo. Humanda ang mga ito sa kanya. Nakaupo lang ang mabuting lalaki sa isa sa mga tables sa likod ng mga batchmates nila na nakatayo sa harap, nag-aabang sa kanya.
“Oo na! Oo na!” Rinig na rinig ng tainga niya, malinaw na malinaw ang demonyong tawa ni Lirio mula sa kaliwang dulo ng makeshift stage. Lagot talaga ito sa kanya mamaya.
Sinenyasan niya ang mga kabanda ni Garnet na magsisimula na siya. She mouthed the version she wants to sing and they agreed. Pumainlanlang ang palo ng drums na pinangunahan ni Clyde. Kanina niya pa sinikap na hindi maligaw ang mga mata niya sa puwesto ni Noah kasama si Jecille. Masakit pa rin pero kailangang tanggapin.
Ipinikit niya ang mga mata niya. Pinakinggan ang musika. Ang saliw ng tugtog at melodiya.
Focus. Focus. Focus. chant niya sa sarili.
Ibinuka niya ang mga mata at ngumiti. Sandaling kinalimutan ang bagyong nararamdaman niya ngayon. Natahimik ang mga tao sa paligid sa bagong version na kakantahin niya. It was a rock version that was released a year ago. She smirked at the thought of that. It was better to watch them caught off-guard.
“There was a time in my life when I opened my eyes and there you are. You were more than a dream. I could reach out and touch you boy, that was long ago.” Kung may nagulat man sa bigla niyang paghugot sa mikropono sa stand ay binalewala na lamang niya iyon.
Mabuti na lang komportable siyang nakakakilos sa kanyang damit. She swayed back and fourth. Ginalaw na rin ang malaya niyang kamay. Kinakabahan man. Itatawid niya ang kanta kahit parang babara na ang lalamunan niya anumang sandali. It was painful to sing that song until now.
“After all, they’ve given me the chance to let this out. When I dream about you. That’s when everything’s all right. You’re in my arms, here next to me, forever.”
Hindi niya maiwasang mahagip ng mga mata niya si Noah. Pilit siyang ngumiti rito. Seryuso lang itong nakamasid sa kanya. Matiim ang titig na mas lalong nagpapakaba sa kanya. Inilipat niya ang mga mata niya kay Lirio na nakatulala lang sa kanya. She stucked her tongue out to him. Natawa na lamang ito sa inakto niya’t napailing-iling na lamang.
“Wooh Daisy! Closet vocalist ka pala!” sigaw ni Keisha. “Kabahan ka na Garnet!”
Maraming natawa sa mga batchmates nila sa sigaw na iyon ni Keisha. Lumaki na sila’t lahat, makapal pa rin ang mukha nito at gaya ng dati, lukaret pa rin.
“Go Daisy!”
Ibuhos na lang niya sa kanta. Sa kanta na lang niya idadaan ng lahat. Sa panaginip na lang niya papangarapin ang lahat. Doon niya ito madalas nakikita. Madalas kasi siyang managinip noon kay Noah noong nagkasakit pa siya at iyak siya ng iyak paggising niya dahil hindi naman iyon totoo.
“How can I get you to see that I’m falling apart since you’ve been gone. I could never sure I could ever let go of your love is much too strong.”
Nahagip ng mga mata niya si John Dale kasama si Leanne na patalon-talon na. He raised his glass. Ayan na naman ang pamatay nitong dimple. Maraming nagkakagusto kay John Dale sa batch nila at malas lang ng mga ito dahil nasungkit na ni Daphne.
“When I dream about you. That’s when everything’s all right. You’re in my arms, here next to me, forever. When I dream about you, boy you never go away.”
She saw Jecille cover her mouth, much to her surprise. Did she cross the line?
Ang mga magugulong batchmates nila ay unti-unti nang nagiging tahimik. Kinukurap niya ang mga mata niya nang maging malabo na iyon. Hindi siya puwedeng mag-breakdown sa stage.
“Just close my eyes and wait for my dreams. Cause I still love, loving you.” She almost broke her voice. She dragged the remaining lyrics until she gave the microphone back to Garnett.
She went down the stage and ran. Sa pagkakataong ito ay wala nang pumipigil sa kanya. Lumabas na siya ng function room at hinanap ang daan palabas ng hotel. Nakailang liko siya sa mga pasilyo nang tuluyan na siyang sinalubong ng buhangin at asul na kagaratan.
Asul na asul ang kalangitan, at panaka-naka ang mga ulap. Iilan lamang ang mga bangkang nakalutang sa dagat. Exclusive para sa batch namin ang resort sa loob ng tatlong araw at halos walang katao-tao sa labas. Nandoon silang lahat sa pinakamalaking function room ng resort. The good thing about the resort is they preserve the nature here. Wala siyang nakikitang basura. Ang puti ng buhangin at payapa. Ang mangrove sa kalayuan ay hindi nagagalaw. Ang karamihan sa mga empleyado ng beach resort ay nakatira lamang sa munisipalidad.
Hinayaan niya lang ang init ng araw na dumampi sa kanyang balat. Sanay siya sa tanawing ito simula nang tumira siya sa Mararag. Isang desisyon na hindi niya pinagsisihan dahil gumaling siya roon, masaya akong makatulong sa mga kababayan ng tatay niya at simple ang pamumuhay. Ang probinsiyang kinalakhan niya noong musmos pa lamang niya.
Papalubog na ang araw at nangawit na siya sa pagtayo kaya umupo na siya sa buhangin. Bahagyang malamig na iyon. Hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon niya ang pantali niya at nirolyo ang kulot niya buhok saka iyon tinali. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga.
Ang tila bagyo na nararamdaman niya sa sikmura niya ay unti-unting humuhupa. Ipinikit niya ang mga mata niya sandali upang damhin ang maalat na hangin mula sa karagatan. Bahagya siyang kumalma.
“Mako!” Even years passed, kabisadong-kabisado niya ang boses na ‘yon. Humugot siga ng hangin, itinaas ang mga kamay at kunyari may hinuhuling kung ano dahil bigla na naman siyang inatake ng kaba. Hindi pa ba siya nasasanay na ganito siya kapag nasa malapit lang si Shinoah?
‘Kalma, Daisy. Kalma. Si Noah lang ‘yan. Si Noah lang ‘yan. Anak ng mahabaging langit! Si Noah nga.’ bulong niya sa sarili at napakagat-labi.
The sunrays reflected his exposed skin. Magiging bitter ba siya sa kinahinatnan ng ‘lovestory’ nilang dalawa? Nandito ba ito para sabihin sa kanyang ‘Patawad’? Matatanggap ba ng puso niya kung iyon ang sasabihin nito sa kanya?
Nope. Noah. Ako ang lumayo.
Marahas na umiling siya rito. Baka kung ano pa ang magawa niya at tawirin niya ang bagay na isang pagkakamali.
Pamilyado na itong tao at mahirap mang lunukin, tatanggapin niya. Baka bukas, matanggap na niya ang lahat. Oo, baka bukas. Tanggap na niya.
Nanunubig man ang mga mata ay tunayo siya’t pinagpagan ang damit niyang kinapitan ng buhangin. Ang asul na kalangitan ay unti-unti nang nasasalitan ng kulay kahel at pula.
She waved and smiled at him. Lumunok siya’t pinigilan ang sariling umiyak. Unti-unting naglaho ang ngiti niya nang masalubong ng mga mata niya ang mga mata nito. It was the same eyes she stared at the Basilica, the man who confessed that he loved me.
Hindi. Wag, Noah. nanlalaki ang mga matang bulong niya sa sarili.
Tinawid nito ang distansiya nilang dalawa at ipinaloob siya sa mga bisig nito. Nasubsob ang pisngi niya sa dibdib nito, nanlalaki pa rin ang mga mata.
Teka, anong nangyayari?
“Hindi ko na kaya. Ayoko pang patagalin ‘to hanggang bukas, Mako. Wala akong pakialam kung naghanda sila sa mangyayari sa ball. At masira ang plano ni Lirio. To hell with it. Ang importante nandito ka na at hindi ko hahayaang lumayo ka na naman sa ‘kin. Tama nang hinayaan kita seven years ago.” He almost choked in his words. Noah is a man of few words when it comes to his inner feelings that made Daisy heart ached for him.
Noong una, natatatakot siya sa nararamdaman niya sa tuwing malapit sa kanya si Noah. Kaya nga umiiwas siya minsan rito dahil bago iyon sa pakiramdam niya. It was really hard at first to accept the truth that he’s liking this man way back highschool. Until she found herseld hurting seeing him with someone else. Not until he saw him with Lirio, Eden Sofia and Jecille in an eatery store while she’s stressed because she got low scores in an AP quiz bowl. Umuwi siyang lutang at umiiyak kahit hindi pa niya lubusang naiintindihan ang mga nangyayari.
Kumawala ang hikbi sa mga labi niya. Kumalas siya mula sa pagkakayakap nito sa kanya.
“Baliw ka ba? May asawa’t anak ka na,” sa halip ay sabi niya at pinalis ang mga luha niya.
Totoo nga ang pakiramdam na masaya ka para sa kanya ngunit may kaibuturan sa puso mong nalulungkot ka pa rin.
Nang ibaling niya ang mga mata niya rito ay napansin niyang nakakunot na ang noo nito. Hanggang sa napalitan iyon ng ngiti. May bahagi sa puso niyang nasaktan siya. Masaya ba ito sa piling ng pamilya nito? Ngumiti ba ito dahil kina Jecille at sa anak nitong si Wendy?
Magsasalita pa sana siya naghilahin na naman siya nito palapit dito. Marahang hinawakan nito ang likod ng ulo niya at inalis ang pagkakatali ng buhok niya. It was soft gesture that made her squirmed. Umungot tuloy ang mga luha niya.
“Magkausap kami sa iisang mesa ni Jecille kanina dahil pinag-uusapan namin ang tungkol sa if-file niyang annulment ng kanyang asawa. She will be Tamayo again. Her maiden name. Anak niya ng kanyang magiging ex-husband ang batang nakita mo kanina. Walang namamagitan sa amin, Mako. Hindi ko siya asawa at inaanak ko ang anak niya. Alam ng batch natin ‘yan,” he said while stroking her hair. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig-dagat.
Ano? Ibig sabihin nasaktan lang siya sa akala niyang iyon?
“Alam ng buong batch?” Napamaang siya kulang na lang malaglag ang panga niya sa nalaman. “So you mean, pinagmukha nila akong—”
“You were so oblivious and you didn’t ask. Binulungan na rin ni Lirio ang iba. Noong una’y nadismaya ako nang hindi mo man lang inalam ang totoo.” May himig na pagtatampo nitong sambit ngunit ngumiti lang at pinisil ang pisngi niya.
Si Lirio na naman? Andami na nitong atraso sa kanya.
“Takot ako. Takot akong malaman na totoo nga ang hinala ko. Larawan kayo ng masayang pamilya nang makita ko kayong naglalaro sa may dalampasigan. May relasyon kayo noon, Noah. Almost naging kayo. Wala na akong contact sa ‘yo simula nang lumayo ako. Nasabi ko nga sa sarili ko na baka nga wala na ngunit nang matagpuan kita, natakot ako, lumayo at idinaan ko na lang sa kanta ang damdamin ko sa ‘yo. Na sa panaginip na lang kita makakasama. Kontento na ako na kasama kita sa panaginip, hinahanap ka hanggang sa magkasama na tayo o maghahanapan tayong dalawa pero tayo pa rin sa huli.”
It was those nights that she chose to be in her dreams. To dwell in her own world even costs her sanity because he’s almost real. Abot niya ito doon hindi sa reyalidad.
“Oo, masakit ngunit masaya ako para sa ‘yo nun kasi sa wakas, may nagmamahal sa ‘yo nang walang pag-aalinlangan. Walang doubts at yung babaeng walang issues sa sarili. Para kang bituin noong highschool tayo, natitigan ko ang pagkinang mo bawat oras na nagsusumikap ka punan ang pagkukulang sa buhay mo. Kung paano ka matiyagang magbasa sa library. You were curious of the books I read. Ayokong ako ang dahilan na hindi mo maabot ang pangarap mo kaya tinanggihan kita sa Basilica. You ‘re a promising person then kaya ako lumayo. Dahil sa mga oras na iyon, nagpapagaling pa ako. Ayokong madamay ka sa sarili kong problema. We were people with cuts and sharp edges that time, that I might hurt you in the end. I’m happy now kasi naabot mo na ang pangarap mo,” she confessed.
She was crying at halos ibaon na niya ang basang mukha niya sa dibdib nito. Nababasa na ang suot nitong polo pero napapatahan siya nito sa paghagod nito sa buhok niya. There she discovered that it’s comfortable to be in Noah’s arms. “Sinabi ko sa ‘yong wag kang maghintay sa ‘kin, di ba? Bakit?”
Lumuwag ang yakap nito sa kanya at maingat na tinapik ang pisngi niya at bahagyang kinurot iyon. Tila sasabog siya sa sayang naramdaman niya. Nanatiling nakababa ang mga kamay ko, nandoon pa rin ang hiyang yakapin ito pabalik.
“Hinintay kita dahil mahal kita. Naiintindihan kita kung bakit ka lumayo. Ako ang gustong pumasok sa tahimik mong mundo at ayokong biglain ka. Salamat at sinabi mo sa ‘kin ang totoo ng araw na ‘yon. Mas lalo tuloy kitang minahal dahil hindi miminsang umamin ka sa ‘kin ng totoong nararamdaman mo. Lagi akong nakatingin sa ‘yo sa malayo at iniisip kung ano ang mga bagay na gumugulo sa isipan mo. May pagkakataon ngang, lihim akong nagdarasal para sa Kanya na ikaw ang ibibigay niyang regalo sa ‘kin sa Pasko. Sa kaarawan ko. Taon-taon, Mako.” Maingat siyang humawak sa laylayan ng polo nito at ipinikit ang mga mata niya. Ninanamnam ang yakap nito. His words are comforting, no pretense. Kaysarap pakinggan ng tibok ng puso nito sa nakalapat niyang tainga sa dibdib nito. “Kung aalukin kita ng kasal, oo na ba ang sagot mo?”
Nagkunwari siyang nag-isip. Niyakap na niya ito nang tuluyan at napangiti. Sa pagkakataong ito, bubuksan na niya ang sarili niya rito. Tatanggapin niya ito ng buo sa buhay niya. “Pag-iisipan ko.”
“Alam mo bang nakakamatay ang pagiging pakipot?” biro nito, naniningkit ang mga mata at natawa rin kalaunan. Ang noo’y lungkot na naaaninag niya ay tila nabago na ng panahon.
“Bakit mo naman nasabi? Teka, iniisip mo bang pakipot lang ako noon?” Napakamot lang ito sa batok nito at tumango pa, nakangiti nang pilyo. Pabirong sinuntok niya ang sikmura nito.
“Hindi ako pakipot ano. Sadyang may sakit ako noon at nagpapagaling pa ako. Hindi ko pa kayang balansehin at kontrolin ang mga emosyon ko at baka magkasiraan pa tayong dalawa.”
Marahan nitong pinalis ang umalpas na luha sa mga mata niya at hinalikan siya sa noo. Naipikit niya ang mga mata niya. “Marami akong bagay na pinagsisihan noon na sana’y ginawa ko para sa ‘yo. Na sana hindi ako naduwag at tinanggap ko ang pagmamahal na meron ka. It was too pure for me that I chose to kept it a secret when we were in highschool. Sanay akong hindi nakakatanggap ng halaga sa ibang tao kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I am sorry that I wasn’t there when you’re falling apart. I’m sorry that I’m one of the reasons why. Hayaan mong babawi ako sa ‘yo. Habang-buhay.”
Namilog ang mga mata ni Daisy. Parang sasabog siya sa tuwa sa pagkakataong ito at tila may nag-udyok pa sa kanyang aminin ang mga nakatagong lihim ng kanyang puso para kay Noah. “Alam mo? But you were also my strength back then, Noah. The love I felt for you is enough for me to diminish my self-conflicts back then. Mahirap ipaliwanag, it’s like a bittersweet feeling, naghalo-halo na lang basta. I couldn’t explain it articulately basta ang alam ko lang ay mananatili ka pa ring parte ng buhay ko. Even if years passed by, kung totoo man na kayo ni Jecille. Tatanggapin ko. Selfish na kung selfish but I won’t unlove you, naka-engraved ka na sa puso ko. Di basta-basta iyon na mawawala.”
Saglit siyang napasinghap nang mas lalo pa siya nitong niyakap. “I thought I almost lost you. That you won’t come back for me. I almost lose hope when I saw you with your guy friend. That doctor. Aaminin kong nagselos ako sa kanya. He was there when you’re struggling and I am not in the picture. All I’ve caused was heartaches then. Inisip ko na kung may lalaki man na mag-aalaga at magmamahal sa ‘yo ng tunay, masakit man, unti-unti kong tatanggapin. Pero mamahalin pa rin kita ng lihim.”
She couldn’t contain her feelings and emotions anymore. She cried again because this was just too much for her heart to take. “Nirereto ng mga tao sa paligid namin si Cali but I couldn’t force my heart. Ikaw naman talaga e all along. No matter how flawed you are, no matter how people doubt you, natatagpuan ko pa rin ang sarili ko papunta sa ‘yo. Flaws and all, tanggap kita.”
Noah chuckled heartily and kissed the side of her head. It was then she realized that the sun was now saying goodbye. Maybe he’s saying goodbye because its job was done.
* * *
Kabanata: Dalawampu’t Siyam
Kanina pa talaga nandoon si Raspberry sa function room, pinapanood ang mga nagaganap at hindi niya nagugustuhan ang mga nangyari. Daisy was pouring out her emotions on the song and then she walked out and Noah went after her. The whole batch cheered for them while Berry stayed in her table, away from the eyes of her batchmates.
Then minutes later, the two of them came back. Tuwang-tuwa pa ang mga ito nang makitang nagtago sa likod ni Noah si Daisy. She’s too shy to show to the world that she’s really in love with one of their batch’s attorney. Noah is the epitome of contentment while staring at his girl who’s still hiding her face with the cloth table. Noon, panay ang takas at layo ni Daisy. Ngayon, payag na itong ma-hotseat kasama si Noah.
Love Hotseat. Ang pakulo ni Jenny Evangelista, ang may pagka-mataray nilang SSG VP noon sa munting programang iyon. Sino ba namang hindi maiintriga at matutuwa kapag may batchmates silang magkakatuluyan? At may iilan nga sa kanila ay nagkatuluyan nang tawagin ang mga ito sa stage at ibahagi ang love story ng mga ito.
“Next couple. Daisy Mako from section 1. Shinoah ng evening class section 11 for two years. Section 1 ng junior at senior high. Sasagutin ninyong dalawa ang mga tanong nila for thirty minutes,” Jenny announced nonchalantly on the mic.
Lumukot ang mukha ni Daisy nang marinig ang anunsiyo. Kinakabahan na ito at anumang oras yata bibigay na ito sa nerbiyos. Parang nahalata naman ito ng iba dahil transparent talaga ang face expressions ni Daisy kaya natawa ang mga ito puwera sa kanya. Hindi na talaga siya natutuwa. Kagaya niya, pribadong tao si Daisy at sana’y nirespeto na ng batchmates nila ang pananahimik nito sa piling ni Noah pero mapipigilan ba?
Dumako ang mga mata ni Berry kay Lirio na umiinom ng champagne nito sa flute nito. Sana masamid ito sa kalokohan nito. Nag-mature nga ito pero andoon pa rin ang pagiging pilyo nito at paggawa ng kung ano-anong schemes. Di nga ba’y napapansin na niya noon ang pag set-up nito sa dalawa?
“Bakit thirty minutes?” reklamo ni Daisy sa mic na tinanggap nito mula kay Henry. “Di ba dapat twenty minutes?”
“Sorry but the third couple won’t be here,” Jenny smirked. “Heard that they banged each other.”
Umingay ang paligid sa sinabi ni Jenny. Some threw scowls at her for being so straightforward while the others hooted. Some even knew who’s the third couple. They knew who’s the couple and they were married.
Hindi alam ni Daisy kung ano ang gagawin at napilitan na lang umupo sa stool na binigay ng bass guitarist ng Infinity Drive. Noah reached for her hand but she has other way to be comfortable so she went to the drums set. May ibang nagtawanan sa ginawa niyang pagtago sa drums set. Siya rin ay natawa na lang sa ginawa nito at inaasahan na niya iyon. It was Daisy after all. Kagaya niya itong introvert at nahihiyang ipakita ang mga emosyon nito sa harap ng mga tao at ano pa ba?Kinikilig lang ito.
Nakatalikod ito sa kanilang lahat. Nahihiya pa rin. Natawa na lang si Noah sa inakto ni Daisy.
“Pasensiya na. Masasagot ko ang mga tanong n’yo pag ganito.” She didn’t want to show her emotions through her face, but through her voice. She’s comfortable when everybody is not facing her. And Noah understood that trait of her. Walang naman siyang kontra kay Noah. Ayaw lang niya sa ‘schemes’ na ginawa ng mga ito para sa dalawa.
Sumakit tuloy ang ulo niya nang maisip niya ang problema niya na may kinalaman kay Lirio.
“Go on,” ani Noah sa ‘min na may munting ngiti sa mga labi. He seemed to contained himself from bursting out.
May mga nagtaas ng kamay. Pinili ni Noah ang hindi namin kaklase at kabilang sa section A. Ayaw atang maintriga lalo na’t sila ang naging saksi sa mga ito noong mga highschool students pa sila.
“Curious lang kami kung saan kayo nagkita o nagkakilala bukod sa naging magkaklase kayo. You were in the section 11 sa evening class, then section 1 kung saan kabilang si Daisy. First year pa lang siya, nasa section 1 na siya. Coincidence ba ‘yun? Sir Attorney Sagara?” tanong ng ka-batch nilang hindi kilala ni Berry. Wala naman siyang pakialam sa mga ito noon.
Tumikhim si Noah. Nagkatinginan sina Shawn at Lirio na halatang may alam sa magiging sagot ng abogado. Umani tuloy iyon ng bulong-bulungan.
“Ang totoo, lumipat ako ng General Day curriculum sa dalawang dahilan. Isa, napapaaway ako sa labas ng eskuwelahan natin. Pangalawa, dahil nasa day ang babaeng nakita kong nakasakay sa jeep,” sagot niya. Sigawan at hiyawan ang mga ito samantalang nanatiling tahimik lang si Berry. Alam na niya ang kuwentong iyon dahil sinabi ni Daisy sa kanya.
“You mean, si Daisy iyon?”
“Oo.”
“Kailan pa?”
“Freshman.”
“Paanong nandoon ka? Hindi ka pumasok sa klase?”
“Oo. Naghihintay ako ng jeep na masasakyan pauwi dahil nagkainitan kami ng isang kaklase ko. As much as possible, ayaw ko ng gulo noong bata pa ako pero hindi ko napipigilan ang bibig kong magsalita kung ako ang nadedehado at tama,” ani Noah. Umupo na ang babae nang masagot na ang katanungan niya.
Sumunod nagtanong ang isang lalaki. Hindi rin niya ito kilala.
“Gusto kong malaman kung naging crush mo si Noah noong highschool, Daisy.”
Umingay ang mga batchmates nilang may alam sa bagay na ‘yun. Humalakhak si Lirio na nasa stage, nakaupo sa stool na katapat lang sa drums. Sinamaan ito ng tingin ni Berry mula sa malayo. Naramdaman yata nitong may nakatingin rito kaya dinampot niya ang baso niya at uminom roon ng lemonade.
“Oo,” halos bulong na iyon sa mic.
Nagkagulo na naman ang mga ito. Parang mga teenager kung makapanukso kahit na mga adults na sila ngayon. Berry rolled her eyes. Noah smiled, not a boastful kind of smile, masaya lang itong malaman. Napadampot tuloy ng slice ng apple si Berry at kinagat iyon.
“Ang totoo, nakita ko rin siya no’ng first year. Nasa waiting shed siya n’on. Nagbabasakali akong hanapin ang mukha niya sa mga batchmates natin pero wala. Hanggang sa nakalimutan ko pagsamantala dahil sandamakmak na ang mga gawain sa school. Then second year, nakita ko siya ulit. Tinatawag ng mga classmates niya dahil male-late na sila sa klase. Uwian na kasi ng day ‘yun. Crush ko na siya since then.”
Noah seemed cool about it and said to the mic, “I recognized you.”
“Bukod doon, bakit mo siya crush?” sunod na tanong ng isang babae.
“Hindi ko alam kung ano talaga ang eksakto. Kailangan ba may reasons?” pag-amin ni Daisy. “Natutuwa ako kapag napangiti ko na siya. Siguro, iyon ang pinaka kung bakit crush ko siya.”
Napanganga na lamang si Berry at agad na uminom ng lemonade. The last time she wanted to witness was this moment when her bestfriend let her guard down.
Noah was appalled. Was it because he chose Jecille over Daisy before? Berry was a bit furious about it.
Mukhang malalim na aminan ang magaganap rito.
Jecille raised her hand. Biglang nagka-tensiyon sa paligid. Huminga nng malalim si Berry. Can’t they stop? Mukhang kailangan na niyang gumawa ng paraan para matapos ito.
“Daisy, si Jecille ‘to. I may a raise a question but I need to explain myself first. Totoong nanligaw sa ‘kin si Noah. Inamin ko sa kanyang gusto ko siya, why? Girl, matalino siya at mabait. Nasasabayan niya ang mga kapritso ko at inamin niya sa ‘king idol niya ako. O? ‘Wag kang hihirit Noah, baka magulpi kita mamaya. But the real reason was, he was just protecting me. You see, sensitive ang issues na meron ako at ng nanay ko noon. I’m thankful na ginawa niya iyon and I’m sorry, nawalan na siya ng pag-asa sa ‘yo dahil gusto lang niyang makatulong sa ‘kin. Ang ligaw? Parang pinalabas lang niya na ganoon kasi nga schoolmate natin ‘yung kamag-anak na nang-haharass sa pamilya ko.”
Hati ang kanilang opinyon sa bagay na ito. At isa siya sa mga hindi natuwa. Mukhang si Lirio ay nag-iba ang timpla ng mukha. Pakiramdam ni Berry alam na niya kung bakit. Kaya ba pilit itong gumagawa ng paraan para magkalapit sila noon ni Noah at Daisy?
Nanatiling tikom ang bibig ni Noah at naging seryuso na naman ang anyo. ‘Yung tipong mukha na haharap ito sa korte at id-defend ang kliyente nito.
“I am too focused in my studies back then. I need to be on top. Kasangga ko si Noah ng mga panahong iyon na pressured ako sa expectations ng family ko. More like, ng mga kamag-anak ko. Ayoko ring biguin ang nanay ko. Hindi kami ganoon kayaman noon at ginawa ko na ang lahat upang magtagumpay sa academics. Hindi ko siya totally sinagot. Mag MU lang kami noon na hindi rin nagtagal dahil natuklasan kong ikaw talaga ang gusto niya. Masyado lang talaga siyang mabait kaya pinagbigyan niya ako na may gusto sa kanya noon,” paliwanag ni Jecille. “Halos pareho kami ng experiences. Magulo ang pamilya, naghirap at nag-uungusan ng grades. Idol niya ako dahil bilib siya sa ‘kin, sa pagsusumikap ko ngunit nakikita ko siyang ninakawan ka ng tingin habang nagbabasa ka sa library o kumakain sa canteen mag-isa. Nagsp-space out ang lokong ‘yan at nakalimutan niyang may ka-MU siya. But only in the name.”
Tawanan. Nalinawan ang mga ito nang magsalita si Jecille. Magsasalita na sana sa mic si Shinoah nang itaas ni Jecille ang kamay niya. “Sabing ‘wag kang sumabat, Noah. Isa pa. Ipapabugbog kita sa magiging ex-husband ko.”
Doon na nalaglag ang panga ni Berry. Wala siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Naging tahimik ang buong function room dahil doon. Maselan ang issue na iyon. Naging mabalasik ang anyo ni Noah. He still has a soft spot on Jecille. Berry guessed that Jecille was there when Daisy wasn’t there during his down moments.
“Hindi umabot sa puntong minahal ko siya gaya mo. He’s the most dependable person I know at ngayon nga, tinutulungan niya pa rin ako. He really loves you, Daisy. Isa ka sa mga inspirasyon niya,” she said. “Question, papakasalan mo ba siya?”
Doon na nagkantiyawan ang mga tao. Tahimik lang si Berry.
“Woah there. Ang tapang,” narinig ni Berry na sambit ni Kei. Nasa katabing table lang niya ang mga ito na kaibigan rin ni Daisy noong hindi pa man sila magkakilala ni Daisy. She’s wearing her beige beret that’s why she’s unrecognizable now. Madilim pa sa bahagi niya na di masyadong natataman ng ilaw.
“Hindi niya mahal si Noah, Kei,” ani Jin.
“Oo nga pero come to think of it, nagpakalayo-layo si Daisy, di ba? So she had Noah by her side.” Ito nga ang punto niya.
“Nakakamatay raw ang pagiging pakipot ayon sa kanya kaya papakasalan ko na lang siya,” sabi ni Daisy na seryuso pa ang boses.
Umalingawngaw ang tawanan sa kanila. May bahagi pa rin sa pagkatao nito ang pagiging inosente at naging kampante si Berry sa sagot nito. Sabihin na nating, siya lang ang di pa talaga natutuwa dahil may bagay pa siyang gusto niyang linawin.
Tumayo si Noah at tumalikod upang lapitan si Daisy kung saan nakapuwesto ang drums. Pinigilan ito ni Lirio.
“Oh, magpigil ka. Baka nakakalimutan mong dadaan ka pa rin sa ‘kin. Magsisibak ka pa ng kahoy sa probinsiya nila, Sagara. Ipaalala ko lang sa ‘yo, dating sundalo ang kanyang ama. Baka i-armalite ka pag sinaktan mo na naman ‘to,” pananakot ni Lirio rito. Bagay na ikinangiti lang ni Berry.
Sinamaan lang ng tingin ni Noah si Lirio at bumalik sa stool nito. Mahinang tumawa si Daisy sa mic nito na tila ba sumang-ayon sa sinabi ni Lirio.
Ito na ang pagkakataon niya. Tumayo siya’t nagtaas ng kamay. Naglingunan ang mga tao sa kanya na nagulat yata sa pagsulpot niya. Bago pa man pumayag si Noah inagaw na ni Raspberry ang mic kay Klint na mukhang susunod na magtanong kay Noah. Wala tuloy itong nagawa at naupo na lang.
Naniningkit ang mga matang nagsalita siya sa mikropono, “Speaking of sinaktan, umiyak si Daisy pagkatapos ng ‘gapos booth’ ng mga lintik na tinamaan na section 1. Bakit ka mukhang galit sa nangyari, Sagara? I know, it’s a very long time ago but she’s really hurt that time and if I remembered it right, it happened in February 28, the year 1997. Matagal bago siya tumigil sa pag-iyak. The class were taking advantage of her transparent feelings and trying to compensate it with that so-called booth that is beyond values? Pakiusap, softie ‘yang kaibigan ko. Nagpakatatag lang ‘yan sa harap ninyo pero nasasaktan na ‘yan deep inside. Kung gusto mo na talaga siya noon pa, pinursue mo na siya. Lalaki ka, kaya alam mong may gusto ang babae sa ‘yo, Noah. Sorry to burst your bubble, but please kilalanin mo siya nang mabuti this time around. For years, she’s fixing herself. Alam kong alam mo kung bakit. Huwag mong ipamukha sa ‘king matagal kang naghintay dahil kilala ko ‘yan, hinayaan ka niya. Hindi ka niya kinulong para sa sarili niya. She’s so selfless sometimes that it irks me. Sorry Daisy pero gusto ko lang sabihin ang totoo. I am not that cynical but it’s the truth.”
Pumainlanlang ang isang patlang sa pagitan nila. Natigilan si Noah at hindi na nakaimik sa kinauupuan nito. Ibinigay ni Raspberry ang mikropono kay Klint at nagmartsa palabas ng function room.
Wala siyang pakialam kung tingin ng mga batchmates nila ay kontrabida siya sa dalawa. Gusto lang niyang ipahayag ang ipinupunto niya.
“Rasps?” Raspberry heard Daisy the moment she went out of the huge door of the function room.
* * *
“If we aren’t for each other, matagal na sana kaming nakatagpo ng iba. Ewan, at the back of my mind, gusto kong siya pa rin. Nakakatawa nga e, sinubukan ko naman mapunta ang atensiyon ko sa iba pero hindi ko talaga napipilit ang damdamin ko,” nakangiting sambit ni Diasy na nakatitig lang sa payapang alon ng dagat.
Hinabol siya ni Daisy mula nang hindi niya mapigilan ang sarili niyang magspeak-out kanina. Asar na asar siya pagmumukha ni Lirio na para bang aayon rito ang plano. Puwes, nandito siya at ayaw niyang hayaan ang mga itong makita ang vulnerability ni Daisy pagdating kay Noah.
“So you’re still into Noah after years. Di ba siya ang isa sa mga triggers mo kaya pag isang bad news lang sa kanya. Maaapektuhan ka na?” tanong niya dito. Naikuwento na kasi nito sa kanya ang isa sa mga dahilan kung bakit tinanggihan nito noon si Noah.
Hindi niya akalaing aabot sa ganitong punto na hahaba pero nandiyan pa rin ang pagmamahalan ng mga ito. Iilan lang yata ang biniyayaan ng ganoong pagmamahal na tatagal at sinubok ng panahon.
“Oo. Ang lakas kasi ng impact ng damuho sa ‘kin e.” Bahagya pang natawa si Daisy sa sinabi nito at napangiti. Naging kampante na si Raspberry nang makitang malaya na itong makangiti nang ganoon na tila ba’y nawala ang nakadagan sa dibdib nito. “Hindi ko siya sinisi na ganoon ang nararanasan ko once na nakarinig ako ng hindi magandang balita mula sa kanya. Nasasaktan rin kasi ako pag miserable siya.”
Nasa parehong university silang tatlo ni Noah at Lirio. Aware siyang nag-uusap ang dalawa tungkol kay Daisy. Nakikita niya ang mga ito sa canteen na nag-uusap.
“Are you fully well?” she asked, referring to her health.
Tumango-tumango siya. “Oo naman. Nakatulong din ang paglayo ko upang mahalin ko ‘yung sarili ko. Ikaw? Happy ka na?”
Magaan siyang ngumiti. Alam kasi ni Daisy kung gaano siya nahirapang itawid ang kurso niyang hindi naman para sa kanya. Kung paano’y nahirapan siya nang magkasakit ang ina niya.
“Happy na.” She knew fully well that she’s in the right place now where her heart is. Di man gaano ka-flourish ang career niya kagaya ng inaasahan ng mga kamag-anak niya ay masaya naman siya sa ginagawa niya at may goal na siya sa simpleng career niya. The moment she released herself in the prison hell called corporate life, the colors in her life were coming back to her.
Ngumiti ito at marahang pinisil ang kamay niya. “‘Wag ka nang mag-alala. I can handle my relationship with Noah. Hindi na ako ang mahinang Daisy noon na kaunting kibot, mag-eemote na kaagad. ‘Di ko rin naman matiis ang sarili ko pag si Noah e. My heart couldn’t lie. Alam ko rin naman na siya ang magco-comfort sa ‘kin. Siya pa rin kasi e kaya ‘wag ka nang mag-worry sa ‘kin ah? Payakap nga. Ang lamig na rito.”
Bahagya siyang natawa at tumayo na rin kagaya niya. They hugged each other. That moment, Raspberry thanked the stars for everything that fell into their right places.
* * *
Kabanata: Tatlumpu
“I know, it was long time ago but I am telling this to you because I love my friend and I don’t want her to get hurt and suffer again. Yes, Jecille had her own family issues. You protected her and there’s nothing wrong with that. But Daisy have her own family issues too. Hindi mo alam dahil abala kang protektahan si Jecille. Nakita ng mismong mga mata ko iyon. She hid her problems at home with her sunny disposition in the school. She sported masks because she didn’t want anyone to be responsible with her problems. Kusa siyang nagkuwento sa ‘kin, crying and spilling her traumas before. If you happened to touched a scar in her head. That’s when her original sunny personality deteriorated. Siya pa rin naman ang Daisy na kilala n’yo sa school. Sadyang matatag lang talaga ang pader na meron siya sa mga tao, di nga lang halata sa mga tao.”
“I saw you observing her for a long time. Stealing glances. Mind you, attorney. Akala mo hindi ko napapansin ang pagnanakaw mo ng tingin? I didn’t open it to the Daisy, even telling it to her because I was waiting for you to do something. Turns out, wala ka naman talagang ginawa kaya hindi ko maatim kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ayoko nang ulitin pa ang sinabi ko kahapon. I know, we are all protecting Daisy in our own way. If it’s for happiness, then I’ll go with it.”
Raspberry’s words stuck in his mind. Hindi siya mapalagay pagkatapos ng nangyaring komosyon bagay na ikinagulat nilang lahat. Kinausap ni Noah ang kaibigan ni Daisy na mukhang hesitant pa siya kausapin noong una. She looked like a cold-hearted woman when she faced him but her face became soft the moment she opened up about Daisy. Neutral lang naman ang pakikitungo ni Berry sa kanya noon. Not cheery. Not familiar. Just civil. Madalas nagkakausap lang sila tungkol sa acads. Hindi na na siya nagulat na nakuha ni Daisy ang kiliti ng babaeng ito.
Aminado siyang may pagkukulang siya at nauunawan naman nito iyon dahil mga bata pa sila noon. May iba’t iba rin silang priorities at higit sa lahat, hindi nila kontrolado ang sitwasyon, ang mga nangyayari.
“‘Wag kang mag-alala, hindi ako mawawala sa ‘yo. Not again. Sana’y patawarin mo na ang sarili mo sa mga ginawa mo noon. You’re too wounded that I’m willing to absorb your sadness even though you’re not saying anything. Ramdam ko sa mga mata mo. Yes, it’s a gamble but I did it anyway, secretly. Minahal ko ang batang Noah. Minahal mo rin ang batang ako. That’s enough for me. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama na tayo. Not because ayaw ko, nasanay lang siguro ako na malayo sa ‘yo.”
“Hindi ako perpekto. I have my shares of shortcomings and mistakes. I learned from it the hard way. Kailangan pa akong makatikim ng suntok kay Lirio matapos kong magtapat sa ‘yo sa Basilica at ilagak kung saan ni Shawn upang ayusin ko ang buhay ko. Muntik nang mapariwara ang buhay ko. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit natupad ko ang mga pangarap ko sa tulong na rin ng mga kaibigan ko.” He hugged her. Ilang araw ba naman silang hindi nagkita. “I admire your bravery all through these years. Babawi talaga ako.”
“Huwag mo naman pahirapan ang sarili mo nang dahil lang d’yan. Nandito ka na sa piling ko. Yes, our past have its bad sides but may good sides pa rin naman. Ang mahalaga ay ang ngayon. Mahal kita, okay? ‘Wag ka nang mag-alala pa.”
Noah was snapped out of his reverie when one of her colleague’s secretaries entered his office and gave him some important documents. He sighed when his eyes landed on the calendar.
He didn’t see her for one week because they were caught up with their jobs. Miss na miss na niya ito. Hindi sapat ang phone calls at texts. Gusto niya itong mayakap at mahagkan. He was so busy with his work that it lessened his sadness when Daisy was not around.
He was listing and connecting the information he received when a staff handed him a letter. Nagtaka tuloy siya kung kanino galing iyon.
“Basahin n’yo na lang po, Sir.”
A letter?
Tila nawala lahat ng stress at mga alalahanin niya sa trabaho nang malaman kung ganino galing ang liham.
Dear Noah,
These days, I keep on thinking about how we met before. How our eyes collided, and how our story started. It felt nostalgic for me, knowing that we still end up after years of being separated and going on with our lives.
I knew how tough it was for you then to wait for me, to love me even if I kept on forgetting you. But I am not. Itinago lang kita sa isang bahagi ng puso ko. And when I opened up the Pandora’s Box again, I felt overwhelmed that I cried and cried kasi mahirap palang pigilin ‘yung damdamin ko para sa ‘yo. I couldn’t suppress it for long, so I took the risk this time, and I’m fully okay.
We were still mending on our broken hearts when you confessed to me. Naisip ko, kung naging tayo noon? Kung tinanggap ko ang pagmamahal mo? Masisira ba tayo lalo? Pareho ba tayong lulubog? I’m afraid that we’ll end up cutting and bruising with our sharp edges. I didn’t want to burden you that time so I left and prayed that you’re going to be fine. I know how tough your life is and I’m proud that you became the man you deserve to be.
I am not a perfect girlfriend, yet I’m trying to be transparent with my feelings so that I won’t make you worry. I am not good, and I’m still learning, and someday, I will cook you good food when you’re tired from your work. No matter how hard and dangerous your profession is, I’ll be strong for you and stay by your side. I’ll be there for better or for worse. This time, haharapin natin ang pagsubok na darating sa ating relasyon. Hindi na ako matatakot dahil nandiyan ka naman sa tabi ko.
Hindi man tayo laging nagkikita, tandaan mo. I love you, always.
Lovingly yours,
Daisy
* * *
Noah went out of the Capitol after he talked with attorney Melendez. He was still heady after he read her letter and read it over and over again if he had his free time.
That afternoon, sapat lang ang init ng araw at panaka-naka lang ang mga ulap sa langit. Kanya-kanyang labas-masok ang mga empleyado at bisita sa Capitol building. He stood in front of the intersection, meters away from it. Not minding that he’s standing at the center. He was admiring the busy street, the skies and the road leading to his highschool alma mater when a familiar voice called his name.
A warmth feeling shot through his heart and a smile spreads on his face when he saw her cute face, smiling at him. Nakakahawa talaga ang ligaya ng babaeng minahal niya at mamahalin pa. Tumakbo ito papalapit sa kanya, bakas ang pangungulila sa mga mata at alam niyang nasasalaminan niya iyon. Tumakbo rin siya pasalubong rito na parang ilang taon silang hindi nagkita.
At nang lundagin siya nito at saluin ito ng mga bisig niya ay hindi niya mapigilan ang mga luhang bigla na lang sumungaw sa gilid ng mga mata niya. There was something new in here that gave him more warmth. Magkayakap na silang dalawa at naisubsob ni Daisy ang kanyang mukha sa dibdib nito.
“You felt like home,” he whispered, lightly kissing her head.
“You were too.” She almost sob. “Miss na miss kita kaya di ko na napigilan ang sarili kong bisitahin kita rito. How did we endure the years we weren’t together?”
He slightly chuckled. “Mahal lang talaga natin ang isa’t isa.”
Marami man silang mga chances st taong nasayang. Matatag pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Even though, they were miles away from each other. Even though, there’s only a small possibility to meet again. At kung minsan, ang panahon na mismo ang magdidikta para magkita kayong muli ng minamahal mo.
Parang kailan lang noong nagsimula ang lahat sa inosenteng tinginan sa waiting shed at jeep. Ngayon, haharapin na nila buhay ang buhay na magkasama at nagmamahalan.
W A K A S
Noah
I grew up with nothing and barely earned care and love from the people around me. Realized that thinking about that for too long and wallowing in my own misery would just prolong my agony. Years went by and I’m too numb to think about those things that hinder me to move and plan ahead for my future. I didn’t want it to affect me greatly and I have a long list of disarray thoughts to deal with. Just when I’m about to accept my defined fate, I saw you, those soft warm eyes that somehow sensed the storms brewing inside of me, within just seconds. It was the first time I saw how a pair of eyes bore into my soul as if those eyes knew me well.
I’m a lost boy who had his heart repressed for too long. The darkness in me was inside of me and I knew you knew it with your own eyes. And those smiles, I always live for it everyday. After long hours of work at home. After my hectic schedule, school, then work, and dealing with my personal problems. There’s always your warm smiles and bright eyes that fills the void in me. Your cute face was reflected by the orange light back then and I was caught off guard because it was when I realized I have loved you before I even knew it and I keep on living knowing that there was you everyday.
When I felt my world fall apart, when I lost you the second time and screwed myself up, I still kept holding on to my faith. That the wind of fate will change even though it was an impossible sight, thinking that I don’t deserve your pure love.
You showed me kindness. Believes in me with just those pair of eyes, telling me that I deserve to be loved; that I am His precious child and there’s hope for me to achieve my dreams and survive the life I’d walk through the years. You showed me the world in front of your eyes and saw it in a different light that gives me warmth. With just one single moment with you, my fears, and my doubts, vanished and I’ve got to drown myself with your love.
Even though you’re far away, your memories, and your love, remain. There were times I’m missing you, blaming myself for the mistakes and selfishness I’ve done.
You are greater than the mistakes, shortcomings, and struggles I’ve faced because you’re a gift I’m praying for, over and over again. That there’s a time I accepted no matter how reality struck me that I can’t have you, I have to accept and pray for your happiness.
When I saw you again that beautiful sunrise, I thanked Him for giving me another chance to love you again.
Far or near, I’ve always been the guy who had fallen in love with a girl who listened and believed in me, who kept on loving me despite the circumstances. And the lady who accepted me for who I am, my flaws and wounds I’m carrying, the scars engraved in my soul.
I loved you at different times, and am still loving you now. And if I would love in another lifetime, I would still choose and love you, my dear Mako.