Teaser
While spending her mundane and dawdled days in Golden Valley village, Serene discovered that she’s not the only one who stopped revolving around the music industry. She realized that when she saw those familiar stormy eyes gracing the classical stage years ago.
I
One. Two. Three. It’s been three days since she stayed in her room, just lying down on her bed with her crumpled sheets and pillows. Ang mga unan at comforter ang saksi niya sa mga mahahabang gabi. During the days, she only went down to eat, drink and take a bath. The rest of the days were spent in her bedroom. If not, she stayed in the verandah mindlessly staring at the hillsides, a backdrop of some houses in front of her newly acquired house. She bought it from an acquaintance of an acquaintance of hers. She’s looking for a house in a city and she likes the location: the greenery scenes, the community, and the serenity of the place. Her family said that buying the lot and house is impractical since it’s a bit far away from the city proper but Serene was fine with it. It suits her.
Her room was a mess. Nakakalat ang mga gamit sa baba at umaapaw na ang mga damit niya sa laundry basket. Ilang linggo na ba siyang hindi naglaba? May mga boxes ng pizza sa isang tabi, mga junk food at soft drink cans. Kagabi, kinain pala niya iyon. And while eating that night, the food couldn’t fill the emptiness she felt. The void in her heart grew stronger and deeper. Waking up everyday is hard and she couldn’t find the reason why she needs to wake up to face the day like a zombie trying to be alive. Trying to live. Kailan ba siya huling naligo? Her nose scrunched up when she smelled something in her white long dress. Sa dulo ng sleeves ay may orange na mantsa. From the pizza she ate last night. She stared at herself in the mirror, not even surprised how tangled her hair was. Her face is pale and she’s passable to be a ghost with her dry lips. Matagal niyang tinitigan ang mga mata niya. Her eyes were the color of light hazel. The eyes that shine like sun rays before, now a desolate lake.
Lumabas siya sa kuwarto niya at bumaba na ng hagdan. Ingay lang mga hakbang niya ang maririnig sa buong kabahayan. Mag-isa lang siyang tumira doon. Matapos ang renovation ay agad siyang lumipat sa bahay. Magdadalawang buwan na siyang nanatili roon na halos walang ginagawa. Mistula na siyang multo sa sarili niyang buhay. Pagkababa niya makikita kaagad ang sala at ang mini-bar at ang built-in shelves na laman ng CDs at mga libro. She insisted not to remove the mini-bar despite the fact that she’s not a liquor drinker. Kapag papasok ka sa bahay, bubungad agad ang mini-bar sa gilid. Maging ang piano na nahirapan pa ang mga movers na ipasok iyon na umabot pa sa punto na sinira ang pinto. Odd but when she first assessed the house, she didn’t think about the piano. Kaytagal na ring hindi niya ginalaw ang piano. Everything was like a distant memory now; the stage and the crowd waiting and anticipating for her performance.
Serene coughed. Ilang araw na siyang hindi naglinis sa bahay. Malamang ay pamamahayan na iyon ng alikabok at kung anumang entities. The house has three rooms that need to be maintained. The kitchen was the worst. May mga molds na ang rice cooker nang buksan niya. Tambak ang basura sa ilalim ng lababo at maraming hugasin. Baka pinamuragan na iyon ng mga ipis.
It’s September. Her favorite month and season (autumn) turned into her worst month of the year since two years ago.
Nauhaw siya kaya uminom siya ng tubig mula sa kinuha niyang tumbler sa loob ng ref. Madumi na rin ang kanyang ref at nangangamoy na. May umaalingasaw na baho. May mga expired na pagkain na doon at mukhang nabubulok na rin ang mga itlog. She sneezed.
Kailangan na talaga niyang maglinis pero bago iyon, maliligo muna siya dahil nangangamoy na talaga siya. She spent twenty minutes in the bathroom to clean herself and put on her ‘cleaning’ clothes: white shirt and cotton shorts.
Inuna niyang linisin ang kusina. She soaked the plates and cups in the hot water. Habang naghihintay, inayos niya ang mga basura sa kusina. Segregating it. Pati mga basura sa sala ay pinagpupulot niya at itinapon sa trash can. Sa bawat sulok ng bahay niya ay may trash can. Pinag-aayos niya ang mga gamit doon at maging ang mga naligaw na mga damit at ibang gamit ay nilagay niya sa kanya-kanyang lagayan.
Nang matapos na siya sa baba ay sa second floor naman siya ng bahay naglinis. While dusting the comforter and bed sheets, her eyes landed on the dust flying in the air and thought to herself, if only she could fix the mess in her head like how she cleaned her house.
Wala siyang matinong makakain mamaya. Wala siyang planong pagtiyagaan ang laman ng refrigerator niya. Baka sumakit lang ang sikmura niya. Nagpalit siya ng damit, dala lang ang wallet niya. Her phone is nowhere. She didn’t know where she misplaced it and she didn’t care. Mas mabuti na iyon dahil walang manggugulo sa kanya.
She inhaled the scent of the morning. Katamtaman lang ang dampi ng init sa kanyang katawan na tatlong araw nang hindi nakatikim niyon. Malapit lang naman ang grocery store doon, sasakay lang siya ng habal-habal. And it’s still early so instead of finding some motorcycles to ride on, Serene walked on the road. The place was close to the hillsides and mountainous areas, the boundary of the city. A village where you can taste both the greenery and the modernity.
Papasalubong sa kanya ang isang lalaking naglalakad rin sa daan. The curls in his bangs caught her eyes. He’s wearing a mossy green shirt and black shorts. Serene recognized that face. When she first saw him, she did a double take, surprised that he’d seen him again in this unexpected place.
Napatingin rin ito sa kanya. Eyes like a blank sky during the cruel winter.
And she knew where his house was. The house at the other side with green picket fence and overgrown bushes.
//
What is she doing here? Randall Earl said to himself when he nonchalantly passed by her. It could be her, there’s no other woman he knew possessed those rare eyes. Naipilig niya ang ulo niya. He shouldn’t think about anything else now, he’s still in sabbatical leave. Wala siyang oras para pag-aksayan ang oras niya sa mga bagay na hindi naman importante.
He went back to his house. Mag-iisang taon na siyang nakatira sa bahay na iyon na ang pinsan niya ang nag-asikasong bilhin iyon. He made it clear to Lester that the house was suppose to be faraway from the San Miguel clan. Wala naman siyang problema sa relasyon niya sa mga kamag-anak niya. May mga instances lang talaga na nangingialam ang mga ito, nagtatanong kung ayos lang ba siya at paminsan-minsan binibisita siya kapag nagkaroon ng pagkataon na makauwi siya sa Pilipinas. But Lester tricked him and discovered that, that scheming prince was his neighbor. May mga araw na sinisira nito ang araw niya at umaaktong parang nanay niya. Even her mother didn’t do that to him. She’s happy and contented, living her life in the countryside somewhere in Dumanjug.
Itinulak ni Randall ang gate ng bahay niya ngunit nasira na naman iyon at tumiwangwang. Tinawagan na niya si Lester kahapon na asikasuhin ang pagsasaayos ng gate ng bahay niya. Noong nakaraang araw lang, may nakita siyang dumi ng hayop malapit sa front porch niya. Malamang, may nakapasok na hayop roon, isang aso. Nilamon na ng mga ligaw na halaman ang mga potted plants doon. Inis na inis siya kay Lester nang makitang tila inabandona ang hitsura ng bahay nang makauwi siya galing sa USA. Ginulangan pa siya ng magaling na lalaki. Kaya ngayon, kapag may problema siya sa bahay niya, si Lester ang takbuhan niya at kapag hindi nito nagawa, maghuhuramentado na naman siya.
Wala siya sa mood magluto kaya bumili na lang siya ng pagkain sa karinderya na nasa village lang. Tiniis niyang kainin ang mumurahing ulam para may laman naman ang tiyan niya. To release his frustration over the dysfunctional gate and his ugly house, he went at the back of the house where there’s a small cabin. Doon nakalagay ang mga gardening tools. Iniwan na yata roon ng mga former owners ng bahay. Kinuha niya doon ang scythe.
He was carrying the scythe when a bunch of students in their uniform and bags passed by his house.
“Uy brad, si Kamatayan ba ‘yan?” said a teenager who laughed at him. Matalim lang itong tiningnan ni Randall at tila nasindak naman ito kaya mas lumaki ang hakbang na lumakad. Naunahan pa nito ang mga kasama nitong naglalakad.
Pinagtatabas ni Randall ang mga overgrown bushes at wala siyang pakialam kung madamay ang ibang mga matitinong halaman doon. Wala siyang planong mag-alaga ng mga halaman ngayon. He’s waking up everyday, still feeling the hollow inside his chest and it’s been four years. He dropped everything when that nightmare happened and the things he dreamed of before, disappeared like dusts. Wala na ang sigla sa puso niya. He couldn’t feel the ‘muse’ and not even interested to regained the sparks in him. His nights were longer and painful, and he’s numb about that. Sanay na siya sa ganoong estado.
When noon strikes, he stopped destroying the garden and texted Lester to cleaned it up. Ang reply lang nito ay sa hapon na ito makakarating sa bahay niya. He replied that he couldn’t tricked him again. Alam niyang ‘ban’ sina Lester at Nylon sa San Miguel chain of businesses dahil sa ‘eskandalo’ ng mga ito sa Tabuelan. Si Lolo Dos ang may pakana ng ‘memo’ na iyon sa galit nito sa dalawang pinsan niya. Mga sira-ulo kasi.
Get your ass here, asap. O ipapakain ko sa ‘yo ‘tong mga damo.
Man, grabe ka magtanim ng grudge. Oo na, papunta na diyan.
That’s for tricking him into buying this house. Ang ipinakita pala nitong picture sa kanya ay ang panahon na bagong tayo pa ang bahay at hindi pa ganito kasira. At siya namang nagmamadaling makauwi at makatira sa isang bahay ay kinagat niya, nakalimutang schemer ang kasundo niya.
Randall went back inside his house to discard some unuseable furniture. Pati tv na hindi naman siya mahilig gamitin ay basta na lamang niyang itinabi kasama na ang ibang mga gamit na hindi na niya kailangan.
Afternoon. He opened his mailbox and checked some letters. Kagaya pa rin ng dati, gusto ng mga itong makabalik siya. How can? When everything has no sense anymore. He kept the letters on his night table and stared blankly at the opened window. The orange light from the setting sun blanketed the skies. Once upon a time, he’s in a beach somewhere in Scotland, staring at the setting sun. The seawater was cold and he could hear the seagulls ahead.
//
Serene couldn’t count her dawdled days since she came back to the Philippines. Before, her relatives would complain about her, not visiting them during the Christmas holidays and family reunions. And all she could say was that she’s too busy. She’s always busy. Going from country to country and all of it felt like a blur to her. Pakiramdam niya, ibang ‘buhay’ niya ang panahon na iyon.
Nakapangalumbaba siya sa may verandah ng bahay niya nang makita niya sa kabila si Randall. Tinutuno nito ang gitara nito habang nakaupo sa isang rattan chair na nasa front porch nito. The light from the lamppost and the moon illuminated him or simply her eyes automatically landed on him. Dati pa naman siyang curious dito years ago nang makita niya itong nagtatanghal kasama ang isang orchestra, sa isang tour sa Paris, France.
He started strumming his guitar and a sad melody started humming in the air. Hangang-hanga si Serene noon kung paano nito tinutugtog ang gitara na para bang hinaharana at nilalambing nito iyon ngunit ngayon, nararamdaman niya ang distance nito rito. The longing. The sadness. The alienation. She could feel it. Hindi niya namalayang may mga pumatak na luha sa mga mata niya.
Patuloy lang ito sa paglikha ng musika. Yes, it’s an original composition. What did she expect from a musical prodigy?
She was drying her eyes with her fingertips when he noticed her. Sa gulat, hinarang niya ang kamay niya sa mukha niya upang di nito makitang umiiyak siya.
The music disappeared and the last time she saw him, he went back inside his house.
//
II
//
Maagang gumising si Serene upang mag-bake. Baking helped her to ward off unnecessary thoughts in her head and collect herself. In baking, she could control the ingredients and the measurements unlike the happenings in her life. Marami din siyang pagkakamali noong unang subok niya sa pagbe-bake. Mga ingredients na nasayang pati oras na nasayang sa paggro-grocery at paggawa hanggang sa manakit na ang kanyang kamay. People around her told her to give up but she didn’t. All her life, people pointed out how she was trying too hard on so many things. She didn’t like it when they devalued the meaning of ‘trying hard’. She remembered a memory in her childhood when she was the second best in their piano classes. Pinagsikapan niyang mabuti maging ‘first best’, hindi lang ang maging second best kaya nagpraktis siya nang nagpraktis. Naisip niya, may mali ba kung naabot mo ang bagay na gusto mong makamit kahit na hindi ka naman ganoon katalentado?
Serene mixed the ingredients for the pandesal bread. She left the dough uncovered in a glass bowl. Habang naghihintay ay naglinis na muna siya ng bahay. Paunti-unti ay ginagawa na niya ang mga bagay na parte na ng routine niya. She didn’t feel anything, just doing what she needed to do during the present. Umiikot pa rin naman ang mundo. Hindi ito titigil para sa kanya. Binalikan niya ang dough at minasahe ito sa malinis na counter.
Bilang pianist na kabi-kabila ang concert tours noon, natuto siyang maging independent. She learned how to cook, bake, clean and organize things. Kapag bakante ang schedule niya ay inaasikaso niya ang paglilinis ng kanyang tinutuluyang unit pagsamantala.
Nagningning ang mga mata ni Serene nang maluto na ang pandesal bread niya. Mainit-init pa iyon, fluffy at malambot. Bagay sa tinimpla niyang chocolate drink. Mamaya, bibili siya ng karagdagang ingredients para sa paggawa ng cupcakes.
Ilang buwan na siyang nandoon at hindi man lang siya nakikipag-interact sa mga tao roon sa Golden Valley. The community is peaceful and tight-knit. Sa labas siya kumain ng pang-agahan. Living in Europe influenced her ways of eating. Dati, noong nakatira pa siya dito sa Pilipinas. Sanay siyang kumakain ng kanin sa umaga. It was a distant memory of her childhood and pre-teen era. Sa ibang bansa na siya nag-aral ng senior high at kolehiyo.
Habang umiinom ng chocolate drink sa patio ng bahay niya, kaharap ang fireplace ay naglandas ang mga mata niya sa kabilang bahay. Wala ng mga overgrown bush doon ngunit mas lalo namang na-expose ang may kalumaang bahay. Lumang tingnan dahil sa natutuklap na pintura, sirang pinto ng gate, basag na bintana, at ang dating green na bubong ay naging gray na ang kulay. Nag-aagahan pa ba ang may-ari ng bahay? Abalang-abala ang mga bahay sa paligid nito maliban sa bahay nito. Malamang, natutulog pa ang may-ari.
Mainit pa naman ang na-bake niyang mga pandesal at marunong naman siyang magtimpla ng kape na katamtaman lang ang tamis at tapang. Paborito ang kape niya ng mga kasamahan niya sa tours. Nagrerequest ang mga itong ipagtimpla ito ng kape.
Bitbit ang tray na may lamang pandesal at umuusok na tasa ng kape ay tinawid ni Serene ang daan patungo sa bahay ng binata. Sira naman ang gate kaya dumerecho na siya sa may pinto. She balanced the tray in her hand and knocked the door on the other. She knocked two times and she heard footsteps at the other end of the door. Umatras muna siya ng isang hakbang, for preventive measures.
“Hi.” Nauna ang ngiti at bati niya rito. Magulo ang buhok nito, mukhang kagigising lang. Singkit ang mga mata at natatabunan ng bangs ang kalahati niyon. Disoriented na napatingin ito sa kanya at sa hawak niyang tray. “Neighbor.”
Bigla itong isinara ang pinto ng bahay nito na ikinasorpresa niya. Pinagsarhan ba talaga siya? Dragon ba ito sa umaga? Baka napuyat ito kagabi at naistorbo niya ang tulog nito. Lihim na napangiwi si Serene.
Dati pa naman itong allergic sa social interaction ngunit ganoon na ba talaga ito ka-rude? Hindi naman siya masamang tao at nagkita na sila before sa Paris. Oh well, insignificant naman ata siya para rito. After all, isa ito sa mga bigating classical artists sa mundo.
Inilapag na lamang niya ang tray kung saan nandoon ang mga ni-bake niyang mga pandesal.
Making pandesal bread in other countries took her back to the memories she had with her hometown. Fascinating how a thing, a certain taste, smell, and touch, triggered memories and feelings. The feeling of nostalgia.
//
Naalimpungatan mula sa pagkakatulog si Randall Earl dahil sa isang tawag galing sa kanyang Tita Cassandra, ina ng pinsan niyang si Nylon. He was pacing back and forth in his living room.
Iingay na naman ang bahay niya sa mga ito. Malamang, bubuntot na naman si Nylon. Baka naikuwento nito ang paglalagi niya sa bahay na parang ermitanyo. Tita Cassandra was always concerned about everything related to their family. At wala siyang gana harapin ang mga ito. How can he avoid this time?
Napatingin siya sa orasan na nakasabit lang sa pader na nasa gilid lang ng built-in shelves. Napahilamos sa mukha si Randall Earl nang makitang hindi pa siya nakapaglinis ng bahay. Naiimagine na niya si Tita Cassandra na nanenermon roon. Wala pa namang preno ang bibig nito. Malala pa ‘to sa nanay niyang nananahimik na sa probinsiya.
Nahagip ng mga mata ni Randall ang bakod ng kabilang bahay. Kahapon, niyaya pala siya ni Serene sa bahay nito dahil may handaan ito. Anong oras na ba? Naipilig niya ang ulo. Mag-aalas singko na ng hapon. Puwede naman siyang makahabol? Bahala na. Nagbihis na lamang siya ng disenteng damit, malayo sa naka-pajamas niyang estado. Puro lang siya tulog buong araw. Sleeping like a dead log, thinking that sleeping would vanquish all the monsters inside of him. Temporarily. Nagigising pa rin siyang natutulala sa kisame.
The telephone in his house rang again and he didn’t answer it, instead he went outside of his house. Tinawid niya ang daan at tinungo ang bahay ni Serene. His eyes squinted at the setting sun. He rang the doorbell.
//
“Randall?” Namilog ang mga mata ni Serene nang mapagbuksan ng gate si Randall. Nangungunot ang noo nito na hindi niya mawari.
Hinarangan niya ito. “At ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Kinain mo ba ang pandesal na dinala ko para sa ‘yo?”
Hindi ito nakaimik, tanda na hindi man lang nito ginalaw ang dinala niyang baked goods para rito. Nasisinagan ito ng sunrays mula sa papalubog na araw.
“I’m sorry.” Kung ganoon, marunong pala ito humingi ng tawad. “Can I come in?”
Ang mga mata nito’y tila hindi mapalagay na nakatingin sa bahay nitong isang tuldok na lang yata ay guguho na. Bakbak na ang pintura doon.
Kung anuman ang dahilan kung bakit gusto nitong tumuloy sa bahay niya ay hindi niya alam. Pakiramdam lang niya na may katapat na rason ‘yon.
“Come in,” pagsukong yaya niya rito at saka binuksan ang gate.
“Wala ng ibang tao sa bahay mo?” pangongompirma pa nito. May isang taga-roon na sinabing ilag sa mga tao ang may-ari ng bagay na guguho na. Tukoy ng mga ito sa bahay na tinitirhan ni Randall Earl.
“Wala, Mr. San Miguel. I have no acquaintances here, not even friends if that’s what you’re asking,” she said in a formal tone.
Bakit ba panay tingin ito sa kinaroroonan ng bahay nito? Sumilip si Serene bakod ng kanyang bahay, tiptoeing and looking at Randall’s house. May mga taong pumasok roon. A lady in his fifties and a man in his late twenties. Mukhang kaedaran lang niya ang binatang nakikipag-usap sa matanda. So kaya naroon si Randall sa bahay niya upang iwasan ang mga taong ito? Mukha namang hindi estranghero ang mga ito kay Randall.
“May mga tao sa bahay mo. You don’t want to face them?”
Hindi ito sumagot. Bagkus ito pa ang nagprisintang umupo sa sofa niya, nakatungo ang ulo at nakasiklop ang mga kamay.
“Gusto mong pumunta ng kusina? May niluto akong lasagna. Sayang naman kung matatapon lang. Ako lang kasi mag-isa rito.”
Tumango lang ito at sumunod sa kanya.
Dim ang liwanag sa dining table at intimate. Puwedeng mag candlelit dinner roon kasama ang loved one mo ngunit pinabago ni Serene iyon noong renovation. Pinabukas niya ang maliit na bintana roon at nilagyan ng cactus plant. Lately, cactus na ang mga maliliit niyang potted plants doon. Hindi alagain at mas lalong hindi namamatay kapag nakalimutan na naman niyang diligan ang mga ito.
Naglagay siya ng lasagna ng plato. Serene was good in the kitchen, bearable and can cook Italian dishes. May nakilala siyang Italian chef na tinuruan siyang gumawa ng lasagna.
She offered the lasagna to him and he accepted the plate. Randall tasted it.
“This is good,” panimula nito. nasa lasagna ang atensiyon
His life was too private, even before. Noong classical guitarist pa ito, kasama ito sa mga kakaunting Asians sa mundo na pinahanga ang classical world. He came from the prestigious institution, The Juilliard School. Bata pa lang, may nag-scout na rito na maging isang classical musician. He was indeed the musical prodigy. And this prodigy was heartily eating in her house. Nakita na niya ito sa entablado. His aura now was entirely different from when he was on stage.
Hinayaan muna niya itong kumain roon. Not initiating a conversation and walked right through her vinyl player. Pinakakaiingatan niya iyong vinyl player na gusto pang ipagbili ng kanyang kamag-anak dahil wala na raw gumagamit nito niyon sa panahon ngayon. Nagtaka tuloy siya. Vinyl records still exist and it’s just that, it’s not common in this place. Naghanap siya ng record na patugtugin at nang makapili ay isinalang niya sa vinyl player.
Lumabas mula sa kusina si Randall dala ang platong may lasagna at may baguette. Agad nitong napansin ang piano niya na may pagtataka sa mga mata. “You’re a soloist?”
Sabagay, nakilala siya nito sa France na parte ng isang orchestra.
“Before. But there’s someone out there who’s better than me at piano so I switched to violin just for the sake of performing.”
She’s a struggling classical musician, barely earning something and she’s thankful for the wealth her deceased parents left. Serene is an orphan and she’s no prodigy either. Ang pagmamahal niya sa classical music ay nagsimula pa noong bata siya. His grandmother, when she’s still living, told her about an anecdote: her mother playing classical music in the background while she’s making her sleep in the crib.
Nawalan na ito ng imik at nagpatuloy sa pagkain sa sofa. Casual lang ang mga kilos nito sa bahay niya na animo’y naranasan na nitong manatili roon nang matagal. Down to earth lang talaga itong tao sa personal. Noon, tila kaylayo nito sa kanya at ang hirap abutin at kausapin. Ngayon, kapit-bahay na niya at kumakain sa bahay niya.
“Sometimes, it’s tiring to deal with people that make me doubt my abilities. But still, I kept on pushing.” Umupo si Serene sa high stool ng mini-bar. Ang mga mata niya’y nakatitig lang sa mga wine bottles roon na walang laman.
For a conversation starter, napakapersonal pero wala naman siyang ibang kilalang tao na makakaintindi sa bagay na iyon kundi isang classical musician rin. “Matagal na simula nang tumugtog ako sa entablado bilang isang pianist. It’s been six years? And that time, relyebo lang ako dahil delayed ang flight ng pianist na tutugtog doon. I was happy when I heard that, that pianist wants me to replace her. She’s the only person who believes in me and became my mentor. Funny how a certain someone became an instrument for you to reach your dreams.”
A memory struck inside her and she shivered. Randall stopped eating and put down the plate on the coffee table.
“I’m done,” he said nonchalantly. Wala man lang comment sa pinagsasabi niya.
Bago pa man siya makapagsalita ulit ay kumulog ng malakas sa labas na ikinapitlag niya. And then came the downpour of the rain. Hindi pa naman ito nakapagdala ng payong. Mukha namang wala lang rito dahil kaswal lang nitong kinuha ang plato at lumakad patungo sa kusina.
Serene didn’t follow him and stayed in the living room, listening to the sound of the classical music and the staring at the sunset afternoon. Napatitig siya sa piano niya.
“You aren’t playing anymore?” he asked.
Her silence means yes and she knew he didn’t play his classical guitar anymore.
//
III
//
“Where did you hide, yesterday? Apart from Lester, wala ka namang ibang kakilala dito,” untag sa kanya ni Nylon na abala sa paglalagay ng mga grocery items sa ref niya. Kahapon, ni-raid ang ref niya ni Tita Cassandra at pinagtatapon halos lahat ng laman na na-expire at naging panis na. “Kinailangan naming itapon ang rice cooker mo dahil pinamahayan na iyon ng sandamakmak na uod kahapon.”
Naalala niyang nakalimutan niyang i-check ang laman ng rice cooker.
“Ako na ang bahala diyan,” tamad niyang sambit, nakaupo lang sa sofa at blangkong nakatitig sa bakanteng estante kung saan doon naka-display ang tinapon niyang tv.
“Ipapa-remodel at renovate na ang bahay na ito ni Lester. Naririndi na siya sa mga reklamo mo. Ginawa mo na siyang construction worker nitong mga nakaraang araw,” dugtong pa nito.
“Dapat lang. Siya ang may pakanang ipagbili ito sa akin sa ganitong estado. And it should be before I came here he fixed this house,” masungit niyang turan.
“Wala naman kasing mag-aakalang balak mong magpakabulok the second time around dito sa Pinas. Akala ko nga, sa Scotland ka na magreretire.”
The horrible memories resounded more if he stayed there than staying here in the Philippines.
Hindi na lang siya umimik pa at lumakad patungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Pati stocks ng kanyang kape ay paubos na.
“Puro ka na lang ba kape rito? Instant noodles? Ilang balde na ng preservatives ang kinakain mo? You’ve been living alone for what? Since pre-teen, nasa US ka na nakatira and then London. Paminsan-minsan ka lang bumibisita rito and when you came back, na ikinagalak ng San Miguel clan. Nadismaya lang kami dahil naging extension mo na ito sa pag-eermitanyo mo, Ran.” Daig pa talaga nito ang babae kung makasermon.
“Nandito ka ba para sermunan ako?” naiirita niyang pahayag. Sinalinan niya ng warm water ang mug niya. Noon, sanay siyang ipagtimpla ang sarili niya ng kape gamit ang coffeemaker. Ngayon, puro 3-in-1 na lang siya.
“Aba, dapat lang. Ako iyong narindi kay Mama kahapon. Nasabon nga si Lester. Sa bulok ba naman nitong bahay mo. Puwede mo naman itong asikasuhin ora-orada.”
Pasok sa kanan. Labas sa kaliwa. Matagal nang namuhay si Randall nang mag-isa sa ibang bansa, minus ang apat na taon na kasama niya ang isang tao. The side of his eyes twitched upon remembering the person he lived in with for four years.
Sumimsim lang siya ng kape at umupo sa stool na nakaharap ang nakabukas na bintana. Makikita sa labas ang bakod ng katabi niyang kapit-bahay at ang malago at makulay na hardin nito, malayo sa hardin niyang nagiging wild na hardin kapag hindi inalagaan.
“Pag nagsimula na ang renovation, you will live with Lester in his house.” Napalingon siya sa sinabi nito, nangunot ang noo.
“I’d rather stay in a hotel.”
“Magastos sa hotel.”
“I have enough money for that.”
“And then what? Wallow yourself in misery in the hotel unit? And starve yourself?”
Randall sighed. He knew that his family was worried about him and that’s one of the reasons why he couldn’t face them. Napilitan na nga lang siyang pumunta sa Cagayan De Oro sa holidays dahil magagalit na naman si Lolo Dos kapag hindi sila kompleto.
“May room service,” malumanay niyang sagot. He didn’t have the energy to confront somebody. Not even his cousin, Nylon.
“When will you stop running away, Ran?” Then Nylon smirked and he rolled his eyes. “Ironic. Ran pa pangalan mo.”
Randall stayed silent while sipping his coffee. Humigpit ang hawak niya sa mug ng kape. Sinarado na nito ang pinto ng ref at tinapon na ang mga plastic sa trash can.
“Fine,” pagsuko nito. “May mga prutas, gulay at karne rito. Help yourself. Magluto ka. Hindi iyong puro ka na lang instant.”
Binalot ng katahimikan ang buong kabahayan nang makaalis si Nylon. Tinapon na niya ang lumamig na kape at pinagmasdan ang pagbabago sa loob ng kanyang bahay na nilinis maghapon ni Tita Cassandra.
Randall picked up the musical sheets he threw a while ago in frustration. Matagal bago niya nilubayan ng tingin ang classical guitar niya. He tried creating music from scratch but he wasn’t satisfied with it. Halos pare-pareho lang naman lahat ang mga ito at walang bago. He tried again and again but he ultimately failed and he hated failing.
//
Tanging liwanag lang mula sa buwan ang tanglaw sa kabuuan ng sala. Dahan-dahang naglakad si Serene, nanginginig ang kamay sa takot. Tagatak ang pawis niya nang masilayan ang malapot at maitim na likido sa paanan ng sofa. Pigil ang hiningang naitakip niya ang bibig niya. She couldn’t move her feet as if she was paralyze in that state. A wave of panic came at her when she heard some footsteps. Pilit niyang tinunton kung saan nanggaling ang mga yapak. Papalapit iyon ng papalapit sa kanya. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya at ibig man niyang gumalaw ay hindi niya magawa sa panlulumo at takot na nararamdaman niya. Nang lumingon siya sa likod, isang matalas na bagay ang rumehistro sa kanyang tumatangis na mga mata.
Iminulat ni Serene ang mga mata. May mga luhang pumatak roon. Bumangon siya’t nanginginig ang katawan.
Isang malagim na bangungot. Lihim na umiyak si Serene, hinayaang maglandas iyon sa comforter niya. The fear and shock she felt that time had remained in her system she couldn’t ward off easily. She had to deal with grueling nights, reliving it in her memories and dreams. Serene breathe in and breathe out. Dati, nagpapanic ang mga tao sa paligid niya kapag inaatake siya ng bangungot. Ngayong, mag-isa na siya, paunti-unti’y sinanay niya ang sariling maging kalmado.
Nang kumalma, sinilip niya ang wall clock. Quarter to ten na ng gabi. Nakatulog siya ng siyam na oras, at breakfast lang ang kinain niya. Bumangon na siya’t inayos ang sarili niya. Ilang minuto siyang nakatitig sa kanyang sarili sa salamin, napansin kung gaano siya kaputla. Nagpalit ng damit si Serene, hoodie at jogging pants. Malamig ngayong gabi at nang silipin niya ang tanawin sa labas, mukhang kakaulan lang.
Wala siyang enerhiya na ipagluto ang sarili kaya lumabas na lang siya ng bahay, naghahanap ng kainan kung saan siya kakain. May bukas pa kayang kainan ngayon? Sabagay, anong oras na. Malamang, nagligpit na ang mga tao roon. Walang convenience store or 24-hour fast food chain sa loob ng Golden Valley. Sasakay pa ng habal-habal upang makarating sa JY Proper. Nandoon nakatirik ang mga establishments, fast food chain, stores, at ang merkado ng barangay.
Panaka-naka lang ang mga ulap sa madilim na kalangitan. Nakatingala siya nang mapansin ang isang silhouette sa katapat ng bahay niya.
Nagkagulatan pa silang dalawa.
“Randall?”
“Serene.”
//
There’s no motorcycle in sight and Randall opted to borrow Lester’s motorcycle. Sa kalagitnaan ng gabi, kasama ni Randall si Serene sa pagkuha ng motorsiklo ni Lester na nakaparke malapit lang sa bakod ng bahay nito.
“Are you sure your cousin won’t get mad if he didn’t see his motorcycle outside his gate?”
Luminga-linga sa paligid si Serene. Baka may makakita sa kanilang tao at mapagkalaman silang nagnanakaw ng motorsiklo. Maririnig sa paligid ang huni ng mga kuliglig at kaluskos ng mga sangang dinampian ng gabing hangin. Tanging tanglaw lang nila ay ang ilaw sa isang poste di-kalayuan sa kanila.
“I am not stealing it. Hihiramin ko lang ito.”
“What about his key?” Natigilan ito sa pagtulak ng motorsiklo, nangungunot ang noo. “You forgot about that?”
Walang pag-aalingang tinalon nito ang mababang bakod. Serene covered her mouth and smiled to herself. Randall could be spontaneous for some reasons. Akala niya kanina ay susuko na lang ito at uuwi na lang ng bahay, itutulog na lang ang gutom. Siguro, iba lang talaga nagagawa ng gutom sa tao.
Randall came back swinging the key he was holding in his fingers and his smiling face brought a surprise look in her face. Hindi naman kasi ito palangiti, noon pa man.
“That idiot hid this under a potted plant just close to his windows.”
Unti-unting nawala ang ngiti nito, napagtanto yata ang ginawa. Rumehistro sa mga mata nito ang kalituhan.
“Here.” Ipinasa nito sa kanya ang helmet at marahan niya iyong tinanggap saka isinuot sa kanyang ulo. Pink ang kulay ng helmet. She assumed that maybe his cousin has a girlfriend or he loves the color of pink. Black naman ang helmet na isinuot ni Randall. Sumakay na ito sa motorsiklo. “Sakay na.”
Serene didn’t know where she should hold her hands. Nang umangkas siya sa likod nito ay humawak na lamang siya sa likod. When he started the engine of the vehicle, he paused.
“Kumapit ka sa ‘kin. ‘Wag sa likod. You know that we will encounter some bumps along the road.” Atubili siyang humawak sa magkabilang gilid ng gray hoodie jacket nito.
Pinasibad na nito ang motorsiklo at napapikit siya nang sumalubong sa kanila ang malamig na dampi ng hangin. May mga ilaw pa rin sa ilang mga kabahayan na nadaanan nila at sa pamamagitan ng mga ilaw ng poste at ng motorsiklo ay nakikita nila ang daan. Holding unto Randall’s jacket, Serene stared at the faraway houses that have its lights on. Nasa elevated area iyon ng mga lugar. There are two ways to reach their small village, the downhill road from the uphill and the road they have taken now.
Randall and Serene crossed two little bridges before they reached the major road. Kompara sa tahimik na lugar na pinanggalingan nila, buhay na buhay ang parteng iyon ng city. May mga bukas na mga stores at fast food chain. Pina-full tank muna ni Randall ang motorsiklo nito dahil papaubos na pala ang gasolina. He parked the motorcycle near a Jollibee branch.
Doon sila kumain at um-order ng chicken joy na bucket meal. Sa second floor sila, malapit lang sa glasswall kung saan makikita nila ang mga dumadaang sasakyan.
“This is one of the things I missed living in the Philippines. Wala naman kasing Jollibee sa ibang bansa. At bihira lang akong mag-chicken joy.” Randall made sure they had extra gravy. Kagaya niya itong gustong-gusto ang gravy.
“Why?”
“Sayang lang. Ako lang naman kakain mag-isa.” Randall kept on munching his chicken and Serene continued. “My parents died too early. I don’t know if it’s unfair for them that their daughter didn’t grieve for their loss. What could a four-year-old remember?”
Natigil tuloy ito sa pagnguya at napangiti na lamang siya nang mapansing lumubo ang kabilang pisngi nito sa kakakain ng fried chicken. “Sorry for suddenly telling you about that.”
“It’s okay. I understand,” he simply said.
“Ikaw, what’s your fondest memory here as a child?”
Nakakatuwa itong tingnan na maganang kumakain ng manok. Paborito yata nito ang fried chicken. Naisip tuloy ni Serene na ipagbake o ipagluto ito, ilalagay lang niya sa container ang pagkain at ihatid sa bahay nito dahil mukhang hindi naman ito nag-aabalang ipaghanda ang sarili. He’s a different Randall Earl back then. Wala na ang sigla sa mga mata nito. It was like a vacuum sucked his will to live; his music and dreams. And she understood it in some ways. It’s more than losing their muse or their mojo in the things they used to love.
“Nothing special. I hate going to school early in the morning. I only sleep in my classes.”
Tipid siyang napangiti.
“Ang bata-bata pa noon, pagod ka na sa eskuwelahan.”
Randall shrugged his shoulders. “I have to walk to school. We lived in the province.”
“Anong province?”
“Dumanjug.” Towns away lang sa bayan niya.
“Tabuelan kami.” Maraming kamag-anak si Serene sa side ng kanyang ina sa Tabuelan. She left the house in the hands of his mother’s younger sister. Her relatives convinced her to stay there but she decided to buy a house in the city. Away from prying eyes. Away from people who obviously will check on her. Ayaw niyang sumagot sa mga katanungang ipinupukol ng mga ito sa kanya. “It’s nice to stay in the province but I have that experience with living in the countryside of Scotland. Isa pa, I want to be alone since the incident. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi ka kaagad bumalik sa bahay mo noong nakaraang araw.”
Serene catapulted into that memory where microphones and recorders surrounded her.
“I am not yet interested in talking about that thing they want to talk about.” Unaware si Serene kung bakit bigla na lang itong nawala sa classical world. Matunog man ang pangalan nito sa industriya ngunit napaka-private naman nitong tao.
“So we are both runaways.” Napatitig si Serene sa mga headlights sa baba, naisip ang sitwasyon nilang dalawa. Coincidence pa na nasa iisang village sila. Escaping for different reasons. Nilingon niya ito at binigyan ng malungkot na ngiti. “Babalik ka pa ba?”
“I don’t know.” There’s an uncertainty in his voice.
“I don’t have enough reasons to come back,” she admitted, deep in her thoughts.
//
IV
//
Dahil nga ban ang dalawa sa kompanya ng pamilyang San Miguel ay pakalat-kalat na lamang ang mga ito kung saan at isa siya sa mga naisipang bulabugin ng dalawa niyang magagaling na pinsan.
“Well thanks to the punishment, I have more time to plan your house renovation,” Lester said that made his eyes rolling.
Kalasanan rin naman nito kung bakit nasa bulok na bahay siya.
“You’re just too lazy to care about this. For almost a year, Ran,” he pointed out.
For Ran, instead of going through the ins and outs of renovating a house, he preferred to just do his mundane routines than caring about the house. More like, he just wants to sleep all day.
Inilibot ni Nylon ang mga mata nito sa kabuuan ng sala. Napapangiwi na lang ito sa mga nabakbak na pintura. Pumalatak pa ito na may kasamang paghawak sa panga nito, tila malalim ang iniisip. “Ah! Nakipagsundo na kami kay Lirio tungkol sa magiging contractor ng bahay na ito. Next week, gigibain na ang bahay na ito.”
Doon na tumaas ang kilay niya. Mula sa pagkaka-slouch niya sa sofa ay napatuwid siya ng upo. “You did what? Gigibain?”
“Dude! Hopeless case na ang bahay na ito. Kailangan na itong gibain lahat. Luma na ang mga materials ng bahay na ito,” sagot ni Lester.
Nangunot ang kanyang noo. Gigibain?
“I told you. Hindi ako titira sa bahay ninyo, kahit isa sa inyo.” Nagkatinginan lang ang dalawa sa sagot niya. Heck, wala siyang planong makitira sa mga ito. Sa kahit sino. He wants a peace of mind and he wants to be alone.
Lester crossed his arms. “Ako lang ang kapit-bahay mo rito. Dito ka titira sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”
“Maghohotel na lang ako,” walang-gatol niyang sagot.
“For what? Months? Mas lalo kang mabubulok sa hotel. Walang mag-aalaga sa iyo. Ngayon pa lang, puno na ng acids ‘yang tiyan mo kakakain ng instant food,” panenermon na naman nito.
Napabuntong-hininga si Randall at hinilot ang sentido niya.
“I will find a way,” Randall said instead.
“You have no friends here aside from us, your family.” Naitirik niya ang mga mata niya sa sinabi ni Nylon. Family who knows his tragic story? No thanks. Mangangati ang mga itong alamin kung ano ang nangyari at ayaw niyang magkuwento. Kahit ang tumanggap ng unsolicited advices.
“Pack up your things in a few days. If you have other solutions, then fine. Just don’t book a hotel for months. If not, you will stay with either of us. Nasa Beverly Hills naman ako. And no, you can’t stay with Lirio. Mau girlfriend na ‘yon. Not even Fourth. Si Gin Greece, lagi ‘yung wala but too risky.”
Hindi na niya pinakinggan ang mga salitang lumalabas sa bibig ng madaldal na si Nylon. Sumasakit na ang ulo niya sa magiging renovation ng bahay.
Nasanay na siya sa Golden Valley. Bagama’t mukha siyang snobber sa mga friendly niyang mga kapit-bahay ay hindi naman ito nag-usisa tungkol sa pribado niyang buhay. Sabagay, mukhang ‘untouchable’ ang aura niya sa mga ito.
Puwera lang sa isa. Dumako ang mga mata niya sa nakabukas na bintana ng bahay niya kung saan makikita ang bahay ni Serene.
Ang bahay ng natatanging taong alam ang mundong ginagalawan niya noon.
//
Kasalukuyang nagluluto si Serene ng sauce para sa Italian spaghetti niya nang marinig niyang may nag-doorbell.
Pinatay niya muna ang kalan bago lumabas ng bahay. Natagpuan niya si Randall sa labas ng gate. Anong ginagawa ng isang ito sa labas ng bahay niya? Napunta ang mga mata niya sa bahay nito. May mga unwanted guest na naman ba ito? Habang-buhay lang ba talaga ito iiwas sa mga tao?
“Bakit ganyan ka makatingin?” At salubong na rin ang mga kilay nito. May balak na namang magsungit ang damuho.
“Ako? Paano ba ako makatingin?” tanong niya.
“I smelled something. You’re cooking?” Sukat sa sinabi nitong iyon ay kumulo ang tiyan nito. Tila napahiya ito sa pagmamaralkulyo ng tiyan nito at natawa siya nang mahina.
“Halika, napadami din naman ang luto ko. Hindi ko iyon mauubos.” Binuksan niya ang gate upang makapasok ito maging ang pinto ng bahay.
“The last time I smelled something from afar was when my grandmother cooked,” sabi nito. Ganoon na ba ka-espesyal ang niluluto niyang spaghetti para maamoy nito sa kalayuan? “Maybe, it says how a good cook you are.”
Napangiti siya. “Sus! Nambola ka pa. Sige na, dito ka muna sa sala. Tatapusin ko lang ang pagluluto ng sauce. Madali lang naman maluto ang pasta.”
“Hindi ako nambobola,” seryusong sabi nito.
Ngumiti na lamang siya at iminuwestra ang sofa upang doon ito maupo. Saglit na tinapunan niya ng tingin ang bukbukin nitong bahay. How did he manage to stay in that house? Bago pa man siya tumira sa Golden Valley ay nakatira na ito sa bahay na ‘yun.
Binalikan niya ang pagluluto niya ng sauce na kaunting minuto na lang ay maluluto na. Pagkatapos, ang pasta naman ang sinunod niya. Mauubos naman ata ang niluluto niyang spaghetti dahil ibibigay niya ang sobra sa mga kapit-bahay niya. May extra plastic containers naman siya roon.
Nang maluto na ang pasta ay nilagyan na niya ng sauce sa ibabaw. Napangiti siya sa outcome, siguro naman hindi masama ang lasa at hindi masyadong mapait for her liking? Tinikman niya ang italian spag at nakahinga nang maluwag. Masarap.
Noong una, lasagna ang natikman ni Randall. Ngayon naman, italian spag. Puro italian cuisines. Sa susunod na magawi ito, baka paglutuan niya ito ng Filipino dishes.
Umuusok pa ang italian spag nang dalhin niya ang dalawang plato sa sala. Doon na sila kakain. Madilim ang kalangitan na mukhang uulan yata mamaya kaya sa sala na muna sila kaysa sa dining area.
“Here,” alok niya sa platong may spaghetti.
“Thank you,” malumanay nitong sambit at nilantakan na ang spaghetti.
Nilapag niya ang plato niya sa center table.
Serene wondered if she can contact him which she can ask if he wants to share meals with her. Wala namang masamang bagay roon dahil magkapit-bahay silang dalawa.
“Masarap.” Napangiti siya nang makitang nagningning ang mga mata ni Randall.
“Ikaw kasi, puro ka instant food ano? Nakikita kitang bumili ng ulam sa karinderya rito minsan pero in the end, pinapakain mo lang sa mga stray cats or dogs rito. Nakita rin kasi kitang ginawa ‘yun.” Wala namang masama sa ginawa nito noong nakaraang araw, maging siya man ay hindi nagustuhan ang ulam sa karinderya. Salty for her taste. Sabagay, nagbago na talaga ang palate niya dahil mahaba din ang taong inilagi niya sa ibang bansa.
“Puwede ka namang bumisita rito if you want. Paglulutuin kita. Iyan na rin kasi ang hobby ko these days, ang magluto tapos ibibigay ko ang iba sa kapitbahay natin. May isa ngang cute na bata na nag-request na magluto ako ng lasagna ulit. Nagustuhan niya,” pagkukuwento niya since tahimik lamang itong kumakain.
Naalala niya ang batang nag-request, si Ashlea, ang kakambal ni Elijah.
Ang fraternal twins ay mga pamangkin ni Zero, ang aloof niyang kapitbahay na mukhang suplado. Kasama sa hanay ni Randall na mga aloof pero mas approachable naman si Zero. Sa katunayan, sinabihan pa siya nito na kung may problema in terms sa security ay hindi siya mag-aatubiling lapitan ito sapagkat siya pa naman mag-isa sa bahay niya. Nature na kasi dito dahil isa pala itong police.
Binulungan na lang siya ni Juliet na si Zero ang kasalukuyang nag-aalaga sa kambal. Kung bakit, hindi na naipaliwanag ng husto ni Juliet. Ang naintindihan lang ni Serene ay wala ang mga magulang ng mga bata.
“How many rooms you have here?” he asked randomly. Nagtaka tuloy siya kung bakit nagtatanong ito tungkol roon.
“Uh, three. Three lahat ng rooms. Dalawa sa second floor. Isa lang rito sa baba. Bakit?”
“Nothing.” Tila malalim rin ang iniisip nito kaya hindi na siya nagsalita pa at binaling na lang ang pansin sa italian spaghetti.
“Do you have frequent visitors here?” he asked. Was he trying to have a conversation with her? Mukhang hindi naman ito tipo ng taong gustong makipag-usap for the sake of ‘conversation’.
“No. I don’t have one since I am not sharing my current address to anyone. Even my relatives,” she said truthfully, savoring the Italian spaghetti in her mouth.
“Okay.” He put down the empty plate. Naubos na pala nito ang spaghetti. Then he turned to her with a serious expression on his face.
“Are you fine living with someone? A guy in particular?”
//
V
//
Mahina siyang napaubo. Naalala niya ang panahon kung saan nakatira siya sa isang bahay kasama ang ibang musicians sa orchestra. Nakarenta siya doon ng tatlong buwan at ayaw na niyang alalahanin pa ang mga himalang nakita niya. There were two guys and three girls including her in the house and she didn’t have issues with them aside from being a pain when they’re drunk. She got out of that house because she couldn’t have her peace of mind. Then the next she’s living with someone, it became a nightmare for her. Bottomline, her life messed up whenever she’s living with someone.
“Is that really a bad idea?” he asked that woke her up from her reverie.
“Ah ha? No. I mean, naranasan kong tumira kasama ang mga lalaki.”
“Did they violate you?” Nangunot na ang noo nito.
Umiling siya na may kasamang pagwagayway ng mga kamay. “No. Hindi. They did not violate me.”
“They?”
“Marami kami sa isang bahay. And the other one, kasama ang mentor ko pero may kasama namin kaming isa na anak niya. He’s old and he sees me as her daughter,” she defended. There, she said it.
She might look uncomfortable saying it to him that’s why he’s silent now. Naging awkward tuloy ang katahimikang namayani sa kanilang dalawa.
“Are you implying to yourself?” she asked.
He sighed as if he’s carrying a big problem. This is the downside of having no one to rely on, except for relatives. They have been away from this country and their lives revolve outside. Basically, they became strangers to their birth country.
“Ipaparenovate na ang bahay,” pag-amin nito. He looked like renovating a house is a pain for him. The hassles.
“And you need to stay in someone’s house while the renovation is on-going. You don’t want to live with your family?”
“My mother is in the province and I don’t want to be a handful for her again, giving her the same headaches when I was young. And relatives? They are too nosy for my own good.”
“Of course, they will wonder why you suddenly came back here and stay for good. And not bothering explaining why,” she said because she experienced it too with her relatives. Prying into her already messed up life. Narinig na niya ang mga ito sana ay hindi na siya nangibang-bansa dahil wala naman siyang napala. She’s not even a successful classical musician.
“And I am not the only one avoiding it. Yours too,” he pointed out and he’s right about that. “You have reasons why you came back here.”
They have different reasons but with the same manner of dealing with it, avoiding the questions that people are dying to know the answers to.
“Do you really want to live with me temporarily? Are you not worrying na baka gapangin kita?” she joked that made his eyes widen and she laughed. She needs to change the topic and lighten their conversation. “How about renting an apartment?”
“I like it here,” sabi nito. “What? I don’t easily trust people.”
“You distrust people most of the time.”
“Hate them most of the time.”
She laughed humorlessly.
She sighed and count the conditions in her mind. “There are days na nasa kuwarto lang ako buong araw. You can have the only room here. May dalawang bathroom naman ang bahay na ito. Sa kuwarto na ‘yan, may bathroom rin.” Itinuro niya ang pinto ng kuwarto na nasa likod lang ng inuupuang sofa ni Randall.
“And about the rent, I prefer you helping with the house chores and groceries. I have no job as of this moment and the only concern that I have is stuffing myself with food. That sounds depressing right? stuffing myself with . . . ” Tumikhim siya nang mataman siya nitong tiningnan.
“So you were saying na payag ka?”
“May doubts pa ako. Living with a female is okay but with a male, a man for that matter. Ibang usapan na iyon at hindi pa nagkakalayo ang age. Do you think hindi magtataka ang mga tao rito kung bakit nasa iisang bahay tayo?”
“We can just act like we are cousins,” he said with a straight face.
“Cousins?” Natawa siya. “We are not.”
“Sa kuwarto lang din ako buong-araw,” dagdag nito. “And I’m telling you that I have to move in next week.”
“Next week na kaagad?”
Tumango ito. “If you are not comfortable then I will look for other places.”
“Gusto mo pa ng spaghetti?” she asked instead. Napakurap ito.
“Okay.”
//
Nakakasilaw ang mga liwanag. Nakakabulag. Tila mga ugong na lang sa tainga niya ang mga ingay ng tao sa paligid niya. Natatakpan ng mahaba niyang buhok ang mukha niya, nakayuko. Nagtatanong kung bakit napunta siya sa ganitong sitwasyon. Bumalong ang luha sa mga mata niya at mas lalo siyang yumuko upang itago ang sakit na nararamdaman niya. Patuloy lang siya sa paglalakad habang may mga taong nakaalalay sa kanya.
Serene woke up from that nightmare again. She’s sweating in her sleep. Madilim pa ang paligid nang gumising siya. Ala una pa ng umaga. Nagtungo siya sa verandah at niyakap ang sarili niya. May bukas pa bang establishment sa mga oras na ito? Wala ng nakabukas na ilaw sa mga kabahayan. The entire village is sleeping. If only she could sleep after that nightmare. Baka bangungutin na naman siya pag natulog siya ulit. Ilang beses na ba? She couldn’t count.
Even though she’s not in that place anymore, she kept on reliving it through her dreams and nightmares. Was she recovering here? She need to do something.
Nagpalit siya ng damit. A sweater and a jogger pants. She only wears her flip flops. There was no one in sight when she’s walking down the cemented road. May field sa naraanan niya at sa pagkakaalam niya ay may pares ng duyan roon na malapit lang sa punong mangga.
Malayo pa lang, mula sa liwanag ng isang poste ay nakita niya ang isang pigura ng taong nakaupo sa isang duyan. Namukhaan na niya ito nang makalapit na siya. Nagkagulatan pa silang dalawa nang makilala ang isa’t isa.
“Why are you still awake?” he asked.
“Same to you too.” Naupo na siya sa bakanteng duyan na katabi nito. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang hanging malamig.
“I have nightmares,” panimula niya. When he asked about staying in her house, a reason came to her mind. “Since that happened. So living in a house alone reminds me of that hellish night. There’s not a moment I am not looking at the sofa without thinking of the accident. So when you ask about your proposition a while ago, napaisip ako na baka mabawasan na ang pagkabalisa ko pag may kasama akong tao sa bahay regardless of the gender. Besides, we don’t have a relationship. Just that, hindi lang talaga normal na mag-cohabiting ang babae at lalaki sa lugar na ito not unless kung magkapamilya sila o may relasyon.”
Natahimik ito sa paliwanag niya. Idinuyan niya ang sarili at nagpatuloy. “Also to distract myself. Alam mo naman ang pakiramdam ba mag-isa ka lang sa bahay mo, hindi mo talaga maiiwasan na mapunta sa bagay na pilit mong kinakalimutan ang utak mo. A riot of memories. So baka nga, ayos na rin ang proposition mong tumira sa bahay ko pagsamantala. We are both consenting adults naman.”
“I won’t cross the line or your boundary,” he said, sure of his words. Napatango-tango si Serene. “Do we need a lawyer?”
Doon na natawa si Serene. “Why are you like that? It’s funny when you say it with a serious face. I bet you tell jokes with that poker face of yours.”
“I don’t do jokes, Serene.” She was taken aback for a moment since he called her name. It sounded nice to hear or was it because she’s sensitive at this moment? Raw, perhaps.
“Fine, we will write the conditions on paper and sign it. At least we come up with the terms and conditions.”
“Okay.”
Nakangiting tumango-tango siya, ibabaling ang ulo sa harap. Tumingala siya at pinagmasdan ang pagkislap ng mga bituin.
“You want to go outside?” he asked, referring to going outside the village. Mukhang ayaw pa nitong bumalik sa bahay nito.
“Kaunti na lang yata ang establishments na bukas ngayong oras na ito.”
Tila may napagtanto ito. “I don’t have a motorcyle.”
“Then bicycle?” Meron siyang bike na ginagamit niya pag gusto niyang bumili ng groceries sa JY Mall.
Totoong nababato na talaga silang dalawa.
“May mga parte na walang liwanag. Mahirap na kung magbibisikleta ka na madilim ang daan.” Sabagay, tama naman ito.
“I guess we are stuck in here.” Then Serene had an idea. “Midnight snack? Gusto mo? Magluluto ako.” Then, she stood up.
“Are you always cooking?” he asked.
She shrugged her shoulders. “It’s one of my coping mechanisms aside from baking. And oh, you don’t have to worry about food when you’re with me. I guess that’s an advantage.”
And for the first time, she saw him smirked boyishly. Serene smiled as they walked in companionable silence under the dark skies and glittering stars.
VI
//
“You what?” gulat na bulalas ni Juliet nang maikuwento ni Serene ang nangyaring kasunduan sa kanilang dalawa ni Randall.
Mas mabuting sabihin na lamang niya rito kaysa magtaka ito kapag bumisita ito sa bahay niya na may kasama siyang isang binata sa bahay.
“Are you sure he can be trusted? Baka closet serial killer o may tinatagong pamilya,” sabi pa nito at natawa na lamang siya roon.
“No, he’s not a serial killer and no, he’s not married,” she said.
Nakatambay silang dalawa sa isang cemented bench just a few meters away from a sari-sari store and basketball court. There are teens playing basketball on the court, still wearing their school uniforms.
Kapwa sila may hawak na plastic ni Juliet na may lamang coke. Kaparis niyon ang ensaymada na ni-bake niya na naubos na nilang dalawa.
“Sure kang di ka gagapangin ng lalaking ‘yon?” walang kompyansang sabi nito.
“Nasa hitsura ba niya na gagapangin ako? Ni hindi nga n’on maayos ang bukbukin niyang bahay.” At tamad rin magluto. Napalinga-linga si Serene, baka nasa paligid lang si Randall at marinig pa siya. “Mas maigi na rin na may kasama ako sa bahay. Kahit ayaw niya, bubulabugin ko siya. Next week na siya lilipat. He will occupy the room downstairs.”
“Hanep. He is completely a stranger and you agreed on letting him stay in your house. Are you for real?” May bakas pa rin ng pagtataka sa mukha rito.
Umiling si Serene at tumingin sa harap. “I know him. We met in France, I mean in the sense na nasa iisang industry lang kami. The music industry. The classical.”
Namilog ang mga mata nito at bahagya siyang sinundot sa tagiliran. “Really? Bakit hindi mo naman sinabi kaagad? Crush mo?” mapanukso nitong habol.
“No. But I admired his musical artistry. I am a fan and sometimes, napapaisip ako kung nasa iisang village lang ba kami nakatirang dalawa. Away from our previous world, the music,” she said wistfully.
“So pareho kayong nag-quit?”
Tumango-tango siya. “Ganoon na nga. For a different reasons.”
“Na ayaw n’yong ikuwento. It’s okay. Hindi naman kita pipilitin mag-open up sa akin but I’m glad you told me that he’s staying with you next week. Wag kang mag-alangang i-reach out ako ah? Kung kailangan mo ng tulong. Malapit lang naman ang store ko. Around the corner lang ng JY.”
“Kaya ko naman protektahan ang sarili ko. At kahit mukhang masungit si Randall, he’s nice.”
“Ows? Paano kung ma-develop ka?”
Natawa na lamang siya. Loka-loka talaga. Pasakan ba daw ng ganoong ideya ang utak niya. Malabo namang mangyari ‘yun at sa tipo ni Randall na tahimik lang at walang pakialam sa mundo ay hindi mangyayari ang bagay na sinasabi ni Juliet.
“Ikaw talaga. Humanap ka na nga ng Romeo mo at nang may pag-initan ka.”
“Alam mo, may chika ako.”
Dahil nga nasa bahay lang siya buong araw ay wala siyang kaalam-alam sa takbo ng buhay ng mga tao sa village. Magkakilala lang ang mga ito at madali lang kumalat ang mga balita. Kalat na nga rin na may multong buhay sa bahay ni Randall. Paano ba naman kasi, bihira lang lumabas ang binata at dahil nga hindi ito naaarawan ng madalas, ang putla na ng balat nito. Mukha naman kasing haunted ang bukbuking bahay na marami na namang ligaw na halaman ang nag-aagawan ng puwesto sa picket fence. Kapag talaga mga ligaw na halaman, madali lang sa mga itong tumubo.
Inabot tuloy siya ng gabi sa pagkukuwentuhan nilang dalawa ni Juliet.
//
D-day. Araw kung kailan lilipat na sa bahay niya si Randall Earl. Kabado si Serene sa magiging takbo ng araw-araw niya kasama si Randall. Pambihirang Juliet, kung ano-ano na lang ang inilagay na ideya sa utak niya kaya ngayon mukha siyang balisang butete.
May mga ilang taong nagkukumpulan sa harap ng bahay ni Randall na ngayo’y sinimulan ng linisin ang bakuran. May dalawang lalaki ang kinakausap si Randall na lalong nagpagitla sa noo nito. Sinadya niyang sa bintana sumilip kaysa sa front porch. Alam na kaya ng mga tao roon na sa bahay niya titira si Randall? Papayag kaya ang mga ito na kasama ni Randall ang isang babae sa isang bahay?
Umalis na siya sa pagkakasilip ng bintana at nagpatuloy na sa paglilinis ng bahay. Kanina pa niya nilinis ang magiging kuwarto ni Randall. Dominante ang off-white na kulay sa kuwarto kaya hinaluan niya ng ibang neutral colors kagaya ng gray at black. Pinalitan niya ang bedsheets na ngayo’y gray na at ang kurtina na ginawa niyang black. He looked like the kind of guy who prefer to have a dim room. Todo kuskos nga siya sa banyo kaninang umaga at nilagay ang ilang toiletries doon.
Nagbabasa siya ng libro to kill time nang makarinig siya ng pag-doorbell. She closed the book and went outside of her house. Ang unang napansin ni Serene ay ang nakasabit na guitar case sa likod ni Randall. He was eyeing her while glancing at his house. Mukhang nasa loob na ng bahay ang mga tao. Dali-dali niyang binuksan ang gate upang makapasok ito.
Nakapasok na si Randall sa bahay nang tingnan ulit ni Serene ang bahay ni Randall. Lumabas na ang ilang tao roon na siyang nag-inspect ng bahay. Bago pa man siya mahuli ng dalawang kausap ni Randall ay pumasok na siya ulit sa bahay niya.
“Sino iyong mga kausap mo? Are they family? Alam ba nila na you are staying here for the meantime?” she asked. Marahan nitong itinabi ang dala nitong knapsack at isinandal ang guitar case nito sa sofa.
“They’re my noisy cousins. They are the ones who will manage the renovating.” Tila pagod na pagod itong naupo. Napahilot pa sa sentido nito.
“Hindi ba sila busy?”
“Ban sila.”
“What do you mean, ban?”
“Ban from working in the business empire temporarily. In indefinite months,” casual nitong sagot.
May ganoon palang set-up? Maybe, they have was chains of businesses. Serene was not aware of Randall’s family and any information regarding his family. All she knew was he’s a gifted classical musician.
“So they have more time to work with your house.” Ipinikit lang nito ang mga mata nito at isinandal ang ulo nito sa sofa.
Tipid siyang napangiti sa exhausted nitong estado. Na-drain yata ito sa dami ng mga tao sa bahay nito.
“Maayos na ang kuwarto mo. You can put your clothes in the closet. Black ang curtains ng kuwarto. Dim lang ang ilaw ng lamp. Malinis na ang banyo na nilagyan ko na ng toiletries. Everything is ready. Kung gusto mong magpahinga, you can go inside your room,” paglalahad niya at sinilip ang kuwarto nito.
“Thank you,” he said. She turned to him again and smiled. “Thanks for agreeing to this kind of set-up. I promise, I won’t be a bother to you.”
She didn’t believe the promise. He could be a pain in the neck the next day but she kept it to herself.
“Nakapag-lunch ka na?”
It’s one in the afternoon.
Umiling lang ito bilang sagot nito, nakapikit pa rin ang mga mata.
“I-reheat ko lang ang niluto kong adobong manok. You’re okay with red rice?”
Nag-thumbs lang ito sa kanya nang takpan nito ang mga bata gamit ang braso nito. Naiiling na tinungo ni Serene ang kusina upang asikasuhin ang lunch nito.
Ano kaya ang magiging takbo ng mga araw niya na nasa loob ng bahay niya si Randall?
//
VII
//
Dahan-dahang bumangon si Serene. She felt weird and refreshed at the same time because she didn’t have a nightmare, even a dream. She slept soundly and she’s happy for that. Nag-inat siya’t naghikab. She’s scratching her bed hair when she remembered the happenings yesterday. It was Randall’s first day at her house and all he did was to sleep. She let him sleep until evening and only cooked for dinner. Tinirhan niya lang ito ng ulam at kanin sakaling magutom ito. She only said goodnight to him when she’s sleepy and he replied lazily.
Humikab ulit siya at natigilan nang makarinig ng mga boses sa baba. The voices are arguing and she could hear it from upstairs.
“She let you stay inside her house? Wow, that woman is too trusting.”
“I told you that we agree on it mutually. Not by force. And besides, we are not completely strangers.”
Inayos pa niya ang sarili niya bago bumaba. She put on her decent clothes and combed her hair with her fingers. She climbed down the stairs. Bumungad sa kanya ang tatlong lalaking nag-uusap sa sala. Isa roon ay ang bagong-gising pa na Randall. Gulo-gulo ang buhok nito at ginawa nitong headband ang eyemask nito.
Napalingon ang mga ito sa kanya na nasa paanan na ng hagdan. Mistula siyang unano sa mga ito. Parehong matatangkad. May similarities si Randall sa mga ito pagdating sa features. They have small eyes, shaped like almonds.
“Good morning. You’re the owner of this house?” The guy in his brush-up hair asked. Ito ang pinakamatangkad sa tatlo. Nakasuot ito ng plaid long sleeves na nakalislis ang isang manggas at pantalon.
“Why are you at my house?” she asked instead with an authority. May bakas na pagsisisi sa mukha ni Randall. Mas lalo lang lumiit ang mata nito dahil bagong-gising lang.
“Sorry, I have to make this clear to them,” he reasoned out.
“Paano kayo nagkakilalang dalawa?” may kuryusidad na tanong ng lalaking nakasuot ng mustard yellow na sweater at jogging pants. Nakapambahay ang aura at mukhang pamilyar. Kakatwa ang tali nito sa buhok sa may bandang noo. “Teka, did I see you before? Magkapit-bahay lang tayo.”
Kay Randall na naman napunta ang mga mata ni Serene. “Bakit hindi mo sinabing may pinsan kang kapitbahay lang natin?” nang-aakusa niyang tanong.
“He only has one room. Besides, all of my things are in his house now,” pagsalo ni Randall.
“Are you really okay with this kind of set-up, Miss? I’m Nylon, by the way.” Did he just say that his name was named after a type of cloth? That’s an unusual name for her taste.
She cleared her throat. Dealing with these men this morning made her mind go haywire for a moment. “You heard him. He did not force me to decide on whether he could stay or not. It is still my decision. Besides, we already met. In France.”
“France?” Nagkatinginan ang dalawang pinsan ni Randall, tila nagkasundo sa isang bagay. Maaaring na-gets na ng mga ito na iisa lang sila ng mundong ginagalawan noon ni Randall.
“I can show you our written contract. Nandoon ang terms and conditions naming dalawa. We agreed on it.” Tinungo ni Serene ang drawer ng lamesa sa sofa. Nang makuha ang papel ay inabot niya kay Nylon na kaagad naman nitong binasa. Nakisilip ang isa pang pinsan ni Randall.
Mayamaya ay natawa si Nylon na parang may nabasang nakakatawa sa written agreement nilang dalawa ni Randall. Sa hitsura ni Randall, tila gusto nitong suntukin sa sikmura ang pinsan nito.
“I’m surprise, this is not what I’m expecting. I’m expecting a contract similar to pocketbook romance stories. Seryuso? Walang ‘warning, not to fall in love’?” Kulang na lang itirik niya ang mga mata niya nang humagalpak na naman ng tawa si Nylon. Sumunod ang isa pa nitong pinsan na hindi pa niya alam ang pangalan.
Inagaw tuloy ni Randall ang papel sa dalawa, nakalabas ang mga ngipin nito na parang naaasar na lobo.
“I’m telling you that we are fine with it,” she said with a finality in her voice.
“Nag-alala lang kami na baka may mangyaring hindi maganda sa iyo ngayong nandito si Randall sa bahay mo. Are you not worrying? Baka kainin ka niya ng buhay pagsapit ng gabi.” Kinonyotan lang ni Randall ang pinsan nitong may himig naman na pagbibiro ang huling sinabi.
“Shut up, Lester,” he hissed. So, Lester is his name.
May kung anong ingay ang narinig nila sa labas ng bahay. Bago pa man siya makakilos patungo sa may pinto ay bumukas ito at iniluwa ang dalawang tao. Nagulat siya nang mamukhaan ang babae. Maikli ang buhok nito bahagya ang pagiging kulot at nakasuot ng sundress. Kasunod nito ang lalaking singkit ang mga mata at pogi rin kagaya ng tatlong itlog sa harap niya.
“Hi! Good morning! May mga bisita ka Serene.” Napalis ang ngiti nito. May recognition sa mga mata nito. “Wait, bakit nandito kayong tatlo sa bahay ni Serene?”
Parang mahihilo si Serene sa nangyari. Umaga pa lang ay may mga surprise guests na siya bahay niya.
Si Daisy at ang pinsan nito ang nakipagsundo sa kanya sa pagbili ng bahay na ito. May Berntsen’s Residence pa nga na signage sa bahay noong hindi pa nai-renovate. Katulad pa rin naman ang interior ngunit may kaunting nabago sa kusina at dining area. Binago rin ang isang bathroom.
Mukhabg masayahing tao si Daisy at nagustuhan niya ang disposisyon nito. Madali silang nagkasundong dalawa. Once a month, binibisita siya nito sa bahay. Kinukumusta at sinasamahan siya ng ilang oras, nakikipagkuwentuhan ito sa kanya. Daisy knew that practically she had no one to rely on in this place. Nasa province lahat.
“What the actual- Bakit magkasama kayong dalawa? This morning?” tanong ni Nylon sa mga ito, nasorpresa rin.
Nangunot ang noo ng lalaking kasama nito. “Papunta ako rito sa Golden Valley. Nagkasalubong na lang kami sa daan ni Daze since dito rin ang punta niya. I was going to check in on Randall’s house. You are here. What the heck are you doing here in this house?”
Lihim na napangiwi na lamang si Serene. Second day at buking na silang dalawa sa angkan ni Randall. Alam naman niyang dadating ang araw na malalaman ng mga ito na nakatira muna si Randall sa bahay niya ngunit di naman ganito kaaga.
Naniningkit ang mga mata ng lalaking katabi ni Daisy nang makita ang ayos ni Randall.
“Yep, he lives here temporarily. Ayaw niya sa bahay ko. Isa lang ang kuwarto ko sa bahay. Ayaw niyang matulog sa sofa.”
“Your need to throw away that sofa. Amoy-ihi, doon ka ba umiihi, Lester?” gusot ang ilong na tanong ni Nylon, halatang gusto lang ilaglag ang pinsan nito. Lester was aghast.
“Heck no! Tambayan ‘yun ng aso ko pag trip niyang umihi.”
“And you want me to sleep in that sofa,” may diin ang mga salitang sabi ni Randall.
“But do you have to stay here? You’re a man and you’re a woman, Miss. You really agreed on it?” The new guy asked. Napakurap-kurap si Serene. Did she just see four handsome creatures this morning?
“I am.”
Why do people make a fuss about it as it was a sin to live with a man together in a house. Hindi naman sila live-in partner. Housemates ang tamang maitatawag.
May pagkalito sa mga mata ni Daisy. “How?” ang tanging naiusal nito, confuse rin sa nangyayari. Hindi ito nag-iisa.
Napabuntong-hininga siya. Wala pa siyang breakfast at maging si Randall.
“Why don’t we talk about this over breakfast or snack perhaps? I made a mango float last night,” she offered them with a smile.
//
VIII
//
Kapwa sila nakatanaw ni Randall sa nakasarado ng pinto ng bahay. Ilang minuto pa lamang ang lumipas nang lumisan na ang mga sorpresang bisita nila sa bahay. Naubos nga ng mga pinsan ni Randall ang baked goods niya. Nasarapan daw ang mga ito. Kung makakain naman kasi, parang ang laki ng kargada ng tiyan. Si Daisy lang ang nag-alala sa estado niya, tinatanong siya kung ayos lang ba ang
“Did it just happen?” he whispered, still blinking and Serene slowly nodded.
“Umaga pa lang, mauubusan ako ng enerhiya sa mga pinsan mo. Ganoon ba talaga sila kasigla sa umaga?” tanong ni Serene at niligpit na ang mga pinagkainan ng mga ito. Natuwa rin naman siya dahil nasarapan ang mga ito sa munting offer niya ng breakfast. Pati si Daisy, nahiya ng makiagaw ng pagkain sa mga ito.
“Sort of. Except for some. Nagkataon lang na mga morning person ang mga ‘yun. And I am not.”
“You’re hungry? Hindi ka nakikain sa mga pinsan mo. Ipagluto na lang kita ulit.” Ang mga ‘yun, di man lang pinilit si Randall kumain. Inilagay niya sa wooden tray ang mga plato na nilagyan niya ng bake goods. Ang iba ay nasa lababo na, hindi man naghugas ang mga tukmol, inilagay naman nito sa lababo ang pinagkainan.
“Ako na lang ang maghuhugas,” sabi nito.
Natigilan siya’t napalingon rito na kinusot pa ang singkit pa nitong mata. “We haven’t discuss the chores that much. Pagkatapos mong kumain ng breakfast, pag-usapan nating dalawa.”
“Sige.” Naupo ito sa sofa at hinilot ang sentido nito. Mayamaya pa, nakarinig sila ng ingay ng sasakyan sa labas. Tinungo ni Randall ang pinanggalingan ng ingay, nakadungaw ito sa nakabukas na pinto.
“I have to go to my house for a while.”
“Balik ka dito ah. Lalamig ‘tong pagkain pag natagalan,” paalala niya rito.
Tumango lang ito’t lumabas na ng kanyang bahay upang puntahan ang bahay nitong mukhang gigibain na ngayong araw. Hindi naman siguro mahihirapan ang contractor dahil matagal ng tila haunted ang hitsura ng bahay ni Randall.
//
True enough, Randall didn’t bother her and stayed inside his room for almost the whole day. Serene didn’t mind since she’s always busy with house chores. Kapwa silang jobless na dalawa na mukhang aabutin ng ilang dekada bago mabato ng tuluyan sa loob ng bahay. Maybe, from another’s human point of view, they looked pathetic and a sorry excuse for a human being.
Nang tawagin naman niya ito para sabay na silang mag-lunch ay sinabi nitong matutulog lang ito buong araw. Was he a night owl?
Serene inspected the stocks and the groceries. Mauubusan na sila at kailangan na niyang bumili ng stocks. Bihira lang magpunta si Serene sa palengke dahil madalas ay sa supermarket na lang niya bibilhin ang kailangan niyang mga gulay, prutas at karne.
Maganda rin ang epekto ng paglisan niya sa mundo ng musika dahil naalagaan niya ang kanyang kalusugan at nakatipid rin siya. Before, she ate outside frequently and ate instant food because she’s always running out of time. She realized that she’s like in the middle of the race who wanted to achieve her dreams. So she strives hard even if it’s not enough. Even if doubts and insecurities are drowning her. For others, she’s a hopeless case, trying to stay in that world, proving the universe that she could make it. And even before achieving it, a cruel nightmare came at her doorstep and she’s been barely breathing after that horror in her life.
Serene was kneading the dough when she heard a loud noise outside her house. Probably from the on-going construction. Ilang buwan ba tatagal bago matapos ang bahay ni Randall? Five months? Six months? He said that he would not stay long in her house.
Ano ba talaga nangyari kung bakit wala na itong gana sa buhay? For almost four years, he vanished like bubbles. For a moment, he was there on the stage strumming his classical guitar with that serious expression on his face. Naalala niya, he was somewhere in the US and she was in Scotland. She was too occupied eith her hurts and wounds, she completely detached herself from the hustles of the music world.
Isinalang na ni Serene ang nagawa niyang baguette sa oven at hinintay iyon ng ilang minuto. Wala na siyang pang-kape, mukhang lalabas siya ng bahay para bumili. Mapapansin na naman siya ng mga tao. Wala pa naman siyang naririnig na umabot sa mga kapitbahay nila na nakatira si Randall sa bahay niya pero may posibilidad rin na may nakakita sa paglipat ni Randall kahit pa maingat ang binata.
Bumukas ang pinto ng kuwarto ni Randall. Naka-headband na ang eyemask nito sa ulo at magulo pa rin ang buhok gaya noong umaga.
“Akala ko hindi ka na lalabas. Gusto mong sumama?”
“Saan?” Kinurap-kurap nito ang mga mata. Namamahay ba ito?
“Bili ng kape, para na rin maaarawan ka at masayan ng village na ito ang musical prodigy ng century.” pabiro niyang sambit rito. “Paubos na stocks natin rito. At nga pala, matulog ka ng maaga bukas.”
Dahil isasama niya ito sa paggro-grocery at pamamalangke.
“Bakit?”
Nuncang sasagutin niya, baka hindi pa ito sumama.
“Basta. Gumising ka ng maaga, kung hindi. Ako ang gigising sa iyo.”
//
Alas singko pa lang umaga ay gising na si Serene. Gumayak na siya’t hinanda ang native bag na bigay pa ni Juliet sa kanya. Nakahanda na siya’t lahat pati ang get-up niya ay natigilan siya nang may mapagtanto. Si Randall.
“Sinabi ko na sa kanyang gumising siya ng maaga.”
May extra key naman siya sa kuwarto nito na nasa drawer lang ng sala table. Kumatok siya. Walang response. Binuksan na lamang niya sa pamamagitan ng susi. Di bale na kung magalit ito sa kanya, kailangan niya ng lalaking magbibitbit ng mga bibilhin niya mamaya.
Sinilip niya ang kuwarto bago tuluyang pumasok. Mahirap na, baka nakahubad itong matulog. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakasuot ito ng pares ng pajamas at natawa pa siya dahil naalala niya ang dalawang saging na sumasayaw sa tv noong teenager pa siya.
Nakadapa ito at nakabaling ang natutulog na mukha sa silangang bahagi. Bahagyang nakanganga pa. Masyado nang mahaba ang tulog ng lalaki.
Dahan-dahan siyang tumalungko. May paraan siya para gisingin ito.
“Randall. Good morning. Gising na.” Tinapik niya ang braso nitong nakayakap sa isang unan.
Matagal na niyang alam na may kaguwapuhang taglay si Randall. Iyong tipo ng kaguwapuhang ang softie ng dating ngunit kayang makibagay sa pagsusuplado. Para itong anghel kapag soft ang aura nito na bihira lang niya makita. He looked like he had his guards up all the time.
“Hey. Gising na. Mamalengke pa tayong dalawa. Uy, Randall.” Niyugyog niya ang braso nito ngunit umungol lang ito, nakaharap pa rin ang mukha nito.
Hinipan niya ang mukha nito. Nangunot ang noo nito at sa ganoong lagay ay unti-unti nitong minulat ang mga mata. Hindi naman pala ito mahirap gisingin. Akala niya, magbubuhos pa siya ng tubig para gisingin ito.
When he opened his eyes, there was a strartling glimpse in his face that Serene saw. It was as if he was looking at her like she’s someone else and that look felt so raw and longing that it pinched her heart. The moment took only for seconds.
Tila nagbalik na ito sa kasalukuyan, nakakunot na ang noo na nalilitong tiningnan siya. Ang kabang naramdaman ni Serene ay ikinubli niya sa magaan niyang ngiti.
“Hi, good morning.”
//
IX
//
“Nandito na tayo kanina, Randall. Sabi ko naman sa iyo na kailangan nating dumiretso. Oh goodness, wala na atang fresh picks ngayong oras na ito,” naiusal ni Serene, palinga-linga sa paligid.
It was still seven in the morning and they’re walking on the sidewalk, going to the wet market. Nakailang ikot sila ni Randall dahil hindi nila matunton kaagad ang Carbon. Kung bakit naman kasi nagsama silang dalawa na hindi kabisado ang city. She could go anywhere in Tabuelan with no map but not in here, she barely knew the city. And she’s usually go to SM or JY which were close to her place.
Narinig lang niyang humikab si Randall na sinamaan lang niya ng tingin. Kanina pa itong parang walang ganang sumama sa kanya. “Sige, isa pang hikab. Iiwan na talaga kita dito.”
Napakurap tuloy ito sa pagtataray niya. “May lugar ba dito kung saan ako puwede matulog?”
“Puro ka na lang tulog. Tulog buong araw. Nakalimutan mo na ring kumain. Pati ata pagligo, tinatamad ka pa rin. Halika na nga, kapit ka lang sa akin. Baka mawala ka.”
Siya na ang humila sa braso nito’t nilingkis iyon sa braso niya. Ang dali lang nitong hilahin, ganito ito kalantang gulay ngayon. Kung nabubuhat niya lahat, baka pauwiin niya ito sa asar.
“I haven’t had breakfast yet,” reklamo nito.
“Okay, fine. We will eat first. Saan mo gustong kumain? Iyong affordable ah at mabilis. Ah, sa Carbon na lang tayo kumain. Baka abutin pa tayo ng siyam-siyam pag pili tayo ng pili. Bilis.” Siya na ang nagdesisyon para sa kanilang dalawa at wala naman siyang narinig mula rito. Tahimik lang itong sumunod sa kanya.
Pinili niya ang karinderya na malapit lang sa hilera ng mga bulaklak. Humalo ang amoy ng usok at halimuyak ng mga bulaklak maging ang aroma ng mga pagkain roon. Mabuti na lamang ay walang masyadong tao sa kainan kaya madali na lang sa kanilang umupo sa high stool at mamili ng ulam na may kasamang kanin.
Kinurap-kurap lang ni Randall ang mga mata nito nang makitang may mga langaw sa paligid. Saka na muna nito isipin ang pagkakasira ng tiyan nito, basta ba may laman ang tiyan nilang dalawa. Tahimik lamang silang kumaing dalawa at lihim siyang napangiwi sa lasa ng ampalaya. Hindi ba ito nabudburan ng asin kaya mapait? Maging ang katabi niyang si Randall ay napapakunot-noo na sa kinakain nitong pakbet. She controlled her face muscles and kept on eating just to fill her stomach but only half-full.
They finished their bland breakfast and drank a bottle of water to cleanse their palate.
“That would be the last time I ate too much salt,” Randall exclaimed as they entered the road leading to the wet market.
“The bitter taste remains in my mouth. Hindi talaga ako magluluto ng ampalayang masyadong mapait. I prefer my cooking.”
“Yeah, I prefer your cooking,” kaswal nitong sambit na tinanguan lang niya nang nakangiti.
Marami-rami ang mga tao sa palengke kung kaya’t magkatabi sila lagi ni Randall at halo-halo na rin ang amoy. Magmula sa amoy ng mga spices, mga nakalatag na mga isda at iba’t ibang uri ng karne, mga gulay at prutas at marami pang iba. Mula sa gilid ng mga mata niya, nakikita niyang napapakunot-noo si Randall.
“Tiis-tiis ka lang. Ganito talaga ang amoy ng palengke,” bulong na lamang niya rito bago nilapitan ang babaeng nagtitinda ng iba’t ibang uri ng isda.
Tinanong niya ang tindera kung magkano ang mga isda. Ininspekyon niya muna bago niya binili. Healthy naman tingnan at hindi ganoon kalansa ang amoy kaya binili na niya, mga isang kilo rin. Inilagay niya ang plastic sa dalang native bag.
Kung ano-ano na lang ang binili ni Serene na nakasulat sa kanyang listahan. She excluded the grocery items that she will buy at the supermarket. Mabilis ang mga kilos niya animo’y nagmamadali siya. Hindi tuloy magkamayaw sa pagsunod sa kanya si Randall na tikom lang ang bibig.
Naka-discount pa siya sa baklang nagtitinda ng red onions dahil naguguwapuhan lang ito kay Randall na nanigas lang sa kinatatayuan nito. Muntik pa itong hawakan sa pisngi, buti nakaiwas ang loko. Sinamaan lang siya nito pagkatapos.
“What? May I remind you that we are jobless. Nagtitipid lang ako. Thanks to your good looks, naka-discount tayo ng ten pesos.”
“I don’t peg you as a thrifty person.”
“No, nagb-budget lang talaga. If I am frustrated or mad, then my money will be in danger of spending. Nagkataon lang na wala pa akong work ngayon. Ang natira ko namang ‘kayamanan’ hanggang retirement age ko na ‘yon. And of course, the cost of living will increase when inflation comes, economic crisis and such. We don’t know what will happen in the future so I need to save money,” paglalahad niya habang nagbibilang ng pera sa palad niya. “Kaya nga maghahati tayo. Ako dito, ikaw naman sa grocery. Okay?”
Sa dami ng sinabi niya, tango lang ang isinagot nito. They continued on buying some spices.
“Magpapakain ka ba ng buong barangay?” nakakunot-noo nitong tanong dahil dalawa ng eco bag ang dala nito na nilagay niya sa native bag na nakasabit sa balikat niya.
Binigyan niya ito ng matamis niyang ngiti na may kasamang pagsingkit ng mga mata. “Who knows? Baka bisitahin ka ng mga pinsan mo. Sa kanila pa lang, mukhang mapapasabak ako sa pagluluto.”
“Singilin mo na lang,” nonchalant nitong sabi. Napasinghap siya’t bahagya itong hinampas sa braso.
“Ano ka ba, bakit ko naman sisingilin mga bisita natin?”
“Natin?” he repeated.
“Oo, natin,” pagdiin niya. It sounded so domestic and Serene turned around to avoid his stare. Nakafocus lang siya sa pagtingin-tingin ng mga gulay roon at pagbili ng mga ito.
Natapos na sila nang may mapagtanto si Serene. Napahawak siya sa ulo niya. “Oh goodness! Maggro-grocery pa pala tayo! Masisira ‘tong mga karne at isda!”
“I can go and bring this home,” Randall said noncommitally. Gusto pa ata nitong makaiwas sa grocery shopping. Puwes, hahanap siya ng paraan. Kailangan rin niya ng tagabitbit sa grocery items.
Naglikot ang mga mata niya at naisip na balikan ang kinaroroonan ng karinderya. May maliit na daan roon kung saan may mga bahay roon na may maliliit na kainan. Serene was looking for an eatery who have a refrigerator.
Oo, makikisuyo siya sa mga ito. Napangiwi siya nang maalala na nakatipid nga siya ng ten pesos sa red onions ngunit gagasta naman siya sa panunuyo niya.
Nilapitan niya ang isang karinderya na may ref. Nasa mid-fifties pa yata ang ale at nakasuot ng apron. Maikli ang buhok at nakangiti. Tinanong niya ito kung puwede ba nila ibilin muna ang binili nila.
She could see the hesitation in Randall’s eyes. And when she offered money for her request, she was surprised when others chimed in. Offering their refrigerator and Serene didn’t know what to reply. Of course, it was a huge amount of money for parking. Worth five hundred pesos.
Kinalabit siya ni Randall at may kung anong itinurong bahay. Nakita niya ang isang ale na mukhang nasa sixties na. Puti na ang kulay ng mga buhok nito at hindi man lang ito nakigulo sa ibang nag-offer.
“I can sense that she’s a kind woman. Doon na tayo.” Napatingin siya kay Randall. “You can trust my instinct. I’m good at reading people’s aura. It saved me sometimes.”
Napatango na lang si Serene at sinundan na ito upang lapitan ang matanda. May kasama itong teenager na mukhang abala sa pagbabasa ng libro. The old woman has a pair of intelligent eyes.
“Magandang umaga po, Lola. Puwedeng pakisuyo po? Kung ayos lang po.”
“Ano iyon, hija?” The old woman probably heard the commotion a while ago and Serene gently told her about their baggage.
“Lola, kung ayos lang po sa iyo. Ibibilin ko sana ho ang pinamili namin ng kasama ko. At kung ayos lang po at hindi nakakaabala, maaari ba namin ilagay ang mga karne’t isda sa ref ninyo? If ayos lang po,” magalang niyang sambit rito.
“Babayaran ho namin,” Randall bluntly said that made the two surprise. Marahan tuloy niya itong siniko. Ang balak sana niya ay ibibigay na lamang niya pagkatapos.
“Lola! May bakante naman ref natin. Di naman po tayo nakapag-order ng softdrinks dahil di sapat ‘yung puhunan,” daldal ng apo nito na ikinangiti na lamang niya.
Matanda na ito at mukhang ito ang bumubuhay sa apo nito. Sila lang ba dalawa ang magkasama?
“Ay naku, hija. Ito talagang batang ito. Sige, payag ako hija. Bakante naman tong fridgeder namin. Halika.” Iginiya na siya papasok sa karinderya nito. Nasa unang palapag ang karinderya at ang ikalawang palapag yata ang tahanan ng mga ito. Tinulungan na siya ni Randall na itabi ang mga eco bag. Ang matanda ang naglagay ng mga karne at isda sa ref nito.
“Maraming salamat ho. Marami po talagang salamat,” magalang niyang sambit na may kasama pang pagyuko. Masaya siya dahil kahit papaano ay may mga mabubuti pa ring tao na kagaya nito.
“Wala ‘yon, hija. Sige, lumakad na kayo ng boyfriend mo.” Bago pa man niya iwasto ito sa hinala nito ay nagsalita ulit si Randall.
“May gusto po kayong ipabili sa amin? Hahapit po kami sa supermarket. Bata, gusto mo ng chocolate?” alok pa ni Randall sa binatilyo. Tila nagningning naman ang mga mata nito at tumango pa. Sinaway tuloy ito ng Lola nito.
Kinakawayan pa sila ng binatilyo bago sila umalis.
“Akala ni Lola, magkasintahan tayong dalawa,” she said while waiting for a jeep. Randall was beside her.
“Katamad na iwasto. Mas maigi na ganoon na lang.”
“Paano kung bumalik ako roon? Baka makikisuyo na naman ako.”
“Then, tell her the truth. Tinatamad na ako. I am not good at explaining so many things to people,” he said.
Nagtanong-tanong na muna si Serene kung ano ang masasakyan nilang jeep papunta sa supermarket na tinutukoy niya. Nagkataon naman same lang sila ng destination kaya sumabay na lang silang dalawa sa mga ito.
//
X
//
“What are you doing? Ibalik mo iyan sa estante. Eating unhealthy food with unhealthy habits scream poor health and lethargic lifestyle,” saway ni Serene kay Randall na humakot ng maraming cup noodles.
“I am alive at night and you’re sleeping. I need this,” Randall nonchalantly said, still putting the cup noodles in the push cart. Dinampot ni Serene ang ilan sa mga iyon.
“I will learn Korean food or Japanese food for us and I can make a homemade noodles. Not this okay? We don’t know kung ano pang chemicals ang meron dito. It’s unhealthy.” Ibinalik na ni Serene ang ilan sa mga cup noodles sa estante at hindi naman tumutol si Randall. Kaunti na lang ang natira sa push cart.
Nagpatuloy sila sa pagpili ng mga kakainin. Nagkasundo naman sila sa mga sweets. Akala niya ay ayaw nito sa mga iyon ngunit mas madami pa ang hinakot nito.
“I don’t peg you for having a sweet tooth, Ran. But it’s okay. I like sweets too,” she said, beaming at the chocolate boxes they have rave.
“You like mint chocolate?” he asked and she almost scrunched up her nose when he picked mint chocolate.
“Lasang toothpaste. Gusto mo ‘yan.” He innocently nodded and he looked like a puppy who got his favorite toy.
“Ehh no. Ayoko ng mint chocolate. How about milk chocolate?” And it’s Randall’s turned to scowl and she chuckled. Kinuha na niya ang chocolate bar na milk chocolate ang flavor.
Si Randall ang bahalang nagtulak ng push cart at kanina pa niya ito napapansin na hinaharangan siya nito sa mga taong tulak-tulak din ang push cart nila. Maraming mga market goers sa Colon supermarket kaya di nakakapagtakang ang daming tao kahit maaga pa lang.
Maliban sa mga pagkain ay namili rin ng mga cleaning supplies si Serene. Si Randall naman ay patingin-tingin na lamang doon lalo na sa muriatic acid. Ano na naman kaya pinag-iisip ng isang ito na may kinalaman sa muriatic acid? Huwag naman sana morbid.
Dalawang basket rin ang pinuno nila. Sinamahan na rin niya iyon ng ready-to-consume na pagkain kagaya ng pickled sardines, kimchi bottle na ngayon lang niya susubukan, at iba pa na hindi masasabing unhealthy food.
Turning a new leaf. Iyan ang plano ni Serene pagkatapos niyang lumisan sa classical music world. Paunti-unti, bumabangon siya sa pagkalumok.
Matapos ang pang-gro-grocery nila ay napansin ni Serene ang mga teenager na mga babae na panay tingin sa kanila. Kulang na lang magtulakan ang mga ito. Ang katabi naman niya sa pila na si Randall ay walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Lumilipad na naman ata ang isip nito.
“Type ka ata ng mga teens oh.” Ngumuso pa siya sa mga batang tinutukoy niya.
Randall just shrugged his shoulders. “Hayaan mo sila.”
“Dahil ba sanay ka na noon? Sabagay, who would have thought kasama ko ngayon ang musical prodigy ng era na ito,” nasabi na lamang niya. “Kung alam lang ng mga batang iyan. Popogi rin ng mga pinsan mo eh.”
“Napopogian ka sa mga loko-lokong yun?” Kumunot ang noo nito. “Huwag kang tumabi sa mga ‘yon. Babaho tainga mo.”
Natawa na lamang siya sa hirit nito na poker face pa rin ang mukha. Napatingin tuloy ang cashier sa kanila na kasalukuyang nico-compute ang pinamili nila.
“Kahit papaano ay gumagaan-gaan naman ang atmosphere ng bahay. Nakakatuwa sila and I don’t mind having guests.”
“I mind having guests. They’re noisy.” Si Randall na ang nagbayad ng grocery items nila. Babawi na lang siya rito, pagsisilbihan niya ito.
Lihim siyang napangiwi. Mukha silang domesticated couple sa paningin ng iba. Kaya nga ba’y napagkamalan sila ni Lola kanina.
Si Randall ang nagbitbit ng dalawang bags at siya nama’y isa lang. Nakiusap sila sa isang taxi driver na hahapit sila ng Carbon market. Nakahinga siya ng maluwag dahil may machine ito kung saan name-measure ang meters or distance. Minsan kasi, napagkakamalan silang hindi taga-roon. Mukha ngang turista sa ilan kaya naloloko sila. Gaya noong una niyang pagtapak sa city.
Nagpasalamat sila kay Lola na nagbantay ng pinamili nila sa palengke. Marami-rami rin ang nabili nila.
“Are you trying to have a gathering in the house?” he asked. Katabi niya ito sa backseat.
“Soon enough. Bakit? Magtatago ka na naman ba? Kailangan mo ring maarawan. Labas ka maya, mag-iihaw ako ng barbecue sa pugon.”
“Pugon?” Matagal itong natambay sa ibang bansa kaya may mga salita itong hindi alam. Kagaya niya ngunit natutuhan naman niya kalaunan lalo na pag may kinalaman ang pagluluto at pagb-bake.
“Fireplace. Pero sa Filipino, ‘yun yung outdoor kitchen, chimney, smokewood. Saka oo nga pala, ikaw na rin bahala maghanap ng panggatong. Magsibak ka ng kahoy.”
Tila nabingi ito sa narinig, nagsalubong na naman ang kilay. “Magsibak ng kahoy? Ako pasisibakin mo?”
“Ay hindi. ‘Yung kapit-bahay natin.” Nakita niyang napangiti na rin ang taxi driver sa usapan nilang dalawa ni Randall. “Alangan namang hahayaan kitang matulog buong araw? Di no. Papakainin kita ng uling pag di mo ako tinulungan.”
“I can buy food outside.”
“Isusuka rin iyon ng sikmura mo, Ran.”
“Then I’ll sleep.”
“Ikaw talaga, dami mong reasons.”
Nanahimik na silang dalawa nang makarating na sila sa destinasyon nila. Sa may gasoline station. Nakakapasok naman ang taxi sa daan roon ngunit may lubak-lubak, mahihirapan ang taxi driver na iahon ang sasakyan nito.
Ang nangyari, dalawang habal-habal ang sinakyan nila ni Randall.
Tagatak ang pawis ni Serene nang makarating na sila ng bahay. Si Randall nama’y ibinagsak ang sarili sa sofa at akmang matutulog.
“Mag-iihaw ako. After fifteen minutes, hanap ka na ng kahoy. May mabibili naman ata sa labas kung susuwertihin ka.” Tunog demanding. Ngunit gusto lamang niyang kumilos si Randall. Nakakabato kayang manatili sa kuwarto. Andami na yata nitong binalik-tanaw siguro sa kakatambay sa loob.
Walang imik mula rito bagkus nakapatong lang ang braso sa mga mata nito.
//
The last time anyone asked him to do something was four years ago and he agreed politely. Naninibago siya sapagkat bago lang silang nagkakilala ni Serene. He didn’t know how to explain why he followed her. At ngayon, nagpupulot siya ng mga sanga mula sa mga punong-kahoy.
Tinawanan pa siya ni Joax na nakatira rin pala doon sa Golden Valley kasama ang parents at mga kapatid nito. Sinamaan lang niya ng tingin ang loko-lokong pinsan. Palagay niya, pinagtsi-tsismisan siya ng mga ito. Mas malala pa ang mga pinsan niyang lalaki pagdating sa tsismisan. Palibhasa, siya itong madalas nakatira sa ibang bansa. Hindi niya alam kung naghihigante ang mga ito o pinagtr-tripan lang siya.
Matapos makapag-ipon ng mga sanga ni Randall ay bumalik siya sa bahay ni Serene. Sa may pugon. Kasalukuyan itong nagpapaypay ng nagbabagang uling. Napakurap-kurap na lang siya nang makita ang mga uling. Ngumiti lang si Serene na animo’y hindi ito nag-utos kanina.
Nainis tuloy siya ngunit sinarili lang niya. He maintained his poker face.
“Oh andiyan ka na pala. Ito lang ba? Nagagamit rin ito pag trip nating tumambay sa labas. Akina.” Si Serene na ang kumuha sa mga panggatong at sinalansan katabi ng pugon. Tagatak na ang pawis nito sa nagbabagang uling.
“Pahinga ka na muna. Ako na ang bahala rito. If you have enough rest, then pakituhog na rin ng karne sa skewer. Thank you.” Ganito ba talaga ito? Medyo bossy? Malumanay ang boses nito.
Nangungunot ang noo ni Randall habang nagtutuhog ng timpladong karne sa skewer.
He remembered that he was with her when they were having a grocery. Sanay na siyang makakain ng hindi masarap na pagkain ngunit kinakain pa rin niya para hindi ito magtampo sa kanya. And like Serene, she cared about his health so she scolded him when he picked instant food.
That was a long time ago. Naiisip nga niya kung nangyari ba talaga iyon. The memories were becoming blurry day by day.
“Randall,” tawag ni Serene, nakangiti ang maamo nitong mukha. “Tapos ka na.”
“Oo,” simple niyang sagot. Nakita niya itong tinuhugan ng ilang spices at gulay ang barbecue.
Pinagmasdan niya si Serene na nakangiting sinasalang ang pork barbecue sa grill.
Hindi maganda ang pakiramdam niya. Paano kapag nasanay siya sa ganitong set-up nila. Mukhang mali ang desisyong makituloy siya sa bahay nito. Ang huli niyang nais mangyari ay ma-attach sa mga taong may posibilidad na aalis. Di tiyak kung kailan sila magiging ganito. Dadating ang oras na babalik ito sa dati nilang mundo at siya? Wala pang kasiguraduhan.
//
XI
//
“Are you living together?” Elijah innocently asked Randall that made Randall paused drinking his soda.
Napatingin tuloy sina Serene at Juliet sa pobreng binata na ngayo’y tinatanong ni sun. Pinandilatan ni Serene si Randall nang mukhang wala pa itong maisasagot roon. He just couldn’t lie to the child. Napalunok ng laway si Randall.
“Yes,” simpleng sagot nito. Si Serene naman ang tiningnan ng makahulugan ni Juliet na kaagad naman niyang inirapan at bahagyang sino. Abala pa siya sa paghahanda ng mga iniluto niyang pagkain para sa munting salo-salo.
Mamaya, magsisidatingan na ang mga bisita.
“Then, are you two married?” Dalawa silang napaubo sa tanong ni sun at tawa naman ng tawa si Juliet na sinamaan lang ng tingin ni Serene.
“No, we are not,” sansala ni Serene. Baka ano pa ang masabi ni Randall na nabato-balani sa inupuan nitong monobloc chair. “We are housemates, sun.”
“Housemates? What’s that?” Ang kakambal naman nitong si Ashlea ang nagtanong na ngayo’y pinag-iinitan ang baked goods niyang red velvet cupcakes.
Nasa labas silang lahat, nakapuwesto sa gitna ang lamesa kung saan nandoon ang mga nilutong pagkain ni Serene para sa mga kapit-bahay. Wala namang pagdiriwang, gusto lang niyang makihalubilo sa mga kapitbahay niya na di niya masyadong pinapansin nitong mga nakaraang buwan.
“Magkasama lang kami sa bahay. We are friends. Housemates means two people living in a house without a romantic relationship,” paliwanag pa niya sa bata. Ang lilikot talaga ng isip ng mga bata, kailangan mong ipaintindi sa mga ito ang mga bagay-bagay na hindi nito maunawaan.
“Ayan kasi, kung bakit ba kasi ganito drama n’yong dalawa. Pati mga kapitbahay natin, nagwo-wonder kung bakit magkasama kayo sa iisang bahay. Pati bata oh, nagtatanong na,” sulsol pa ni Juliet.
Nginitian niya ito nang matamis. Sinasabi ng mga mata niya na magtigil ito.
“A man and a woman can live in a house together without involving themselves romantically. It’s possible,” Randall said. “And I don’t care about the naysayers. I will just waste my time explaining futile things.”
“Oh, ayan na. Nagsungit na po siya,” bulong ni Serene sa sarili. Kapwa sila napalingon sa gate kung saan may tumatawag kay Randall. Mukhang dumating na ang mga pinsan nito.
Serene saw the knowing smiles on Nylon’s and Lester’s faces. Lumabas ang cleft chin ni Nylon nang ngumiti na naman ito.
“Naalagaan mo ba nang mabuti ang pinsan namin?” mapanuksong tanong nito.
“Buhay pa ba siya?” hirit naman ni Lester.
Natawa na lamang siya sa mga ito. “Tuloy kayo. Fortunately, humihinga pa ang pinsan ninyo. And yes, naalagaan ko naman. So far, hindi na siya kumakain ng instant food.”
“Ang suwerte naman ng kulugo.” Iniabot sa kanya ni Nylon ang isang box ng wine bottle. “Here’s for you and Randall.”
“Why, thank you dito.” May kamahalan ang brand na iyon ng wine.
Iginiya ang dalawa patungo sa patio kung saan ay nakita niyang pinahihinto ni Juliet na kumain ng cupcakes si Ashlea. Si Elijah naman ay katabi ni Randall na tahimik na ngayong kumakain ng spaghetti.
“Randall! I miss you couz!” Nagulat na lamang si Randall nang inatake ito ng yakap ng mga pinsan niyang balak ata siyang malagutan ng hininga. Sa higpit ba naman ng mga yakap ng dalawa.
“Ano ba! Mas mabuting bumalik na kayo sa kompanya,” reklamo ni Randall na kaagad namang kumalas sa dalawa.
“sun! Kid! Apir!” parang batang sabi ni Lester kay sun na nakipag-apir lang kay sun.
“Puro talaga kayo kalokohan. Kain na kayo. Masarap mga luto ni Serene. Puwede kayong magdala,” biro pa ni Juliet na tinawanan na lamang niya.
Mayamaya pa ay dumating na ang mga kapit-bahay niya. Iba-iba ang katayuan sa buhay at halo-halo ang edad. Hindi siya magkamayaw na i-entertain ang mga ito at kahit napipinta na sa mukha ni Randall na tila gusto na nitong tumakas sa salo-salo ay nagawa niya itong hilahin upang tulungan siya sa pag-aasikaso ng mga bisita.
“Hindi kayo mag-boyfriend at girlfriend? Ay naku bakit kayo nagli-live in?” Tila naeeskandalong sambit ni Aling Gina. Napangiwi na lamang si Serene. Randall looked like he had enough.
“Ay naku, hindi po. Pansamantala lang po since tinatayo pa ‘yung bahay ni Randall. Separate naman po kami ng kuwarto. At gising si Randall sa gabi.”
“Ano ba trabaho mo, hijo?” Natahimik tuloy sila nang ang magtanong naman ay si Aling Noli.
“Musician po,” magalang na sagot ni Randall. Poker face pa rin.
Serene noticed Randall’s lack of face expression. His eyes could tell his emotions sometimes and even though he’s emotionless, she knew that he’s a riot of turmoil. Patunay na nakita niya itong nagst-strum ng gitara sa gabi. Akala ata nito ay natutulog na siya, nasa terasa lang siya noon, pinakikinggan ang pagtugtog nito. Ang lungkot-lungkot ng piyesa kaya napapaiyak siya na hindi niya namamalayan.
“Musikero?” Bago pa may additional na tanong mula sa matanda ay sinagip mula sa pagsasagot si Randall dahil kay Tripp.
Si Tripp ang kapitbahay niyang nakatira sa isang elevated na kubo.
“Masarap ‘tong niluto mong lasagna, Serene. Puwedeng paturo ng recipe?” Tiningnan siya ni Tripp na nagsasabing ito na ang bahalang mag-divert ng topic. Uncomfortable na kasi si Randall kahit di ito isaboses. Makikita sa nag-isang linya na nitong mga labi. Kapag talaga pagdating sa musika, naging guarded ito masyado.
“Ah, oh sige. Bumisita ka lang rito,” sagot niya naman rito, nakangiti.
Panay kuwentuhan lang ang mga ito at si Randall, para makaiwas sa mga tanong ay ang nag-asikaso sa mga inihaw na barbecue. Nilapitan niya ito upang tanungin kung ayos lang ba ito.
“I’m okay,” giit nito. Mainit ang mga mata nito sa iniihaw na pusit.
“If you are so drain. You can rest inside. Ako na ang bahala sa mga bisita. Ako naman ang nag-imbita sa kanila.”
“There are other men here. I don’t trust most of them.” Mainit ang mga mata nito kay Tripp at Zero na nag-uusap. “Those two, they looked like they are hiding something.”
Masyadong matalas ang pang-amoy nito. “Oo na. Pahinga ka muna. Pasok ka muna sa bahay.”
“No, I will stay here. Ikaw na lang umasikaso sa kanila.”
Hinayaan na lang niya ito roon. Kahit wala naman nang kasunod na iihaw. Nilapitan lang ito ni sun na mukhang nagustuhan ang binata. Kapwa kasi mga seryuso at tahimik na tao.
Nagkatuwaan na ang mga bisita niya. Nalaman rin ng mga ito na isa siyang musikero at pareho lang sila ng mundong ginagalawan ni Ran. Tipikal na sa mga Pinoy ang pagkanta lalo na ang videoke. Wala naman siyang pang-videoke sa bahay ay pinakanta siya ng mga ito sa gulat niya.
Matagal na rin kasi noong kumanta siya dahil puro instrumento lamang ang pinatugtog niya sa orchestra.
“Naku, matagal na akong hindi nagkakanta. Pagpasensiyahan niyo na ang boses mo.”
“Mas malala naman ako, sintunado ako,” hirit naman ni Marione. Kapitbahay niya itong isang hotel supervisor.
Nakatayo siya sa harap ng mga ito na parehong nag-aabang sa pagkanta niya. She cleared her throat and chose a song in her head. Pinili niya ang kantang iniyakan niya matapos niyang malaman ang balitang namayapa na ang singer niyon.
Late at night when all the world is sleeping
I stay up and think of you
And I wish on a star
That somewhere you are
Thinking of me too
Nakarinig siya ng pagkabukas ng pinto sa may front porch ngunit patuloy pa rin siya sa pagkanta.
Cause I’m dreaming of you tonight
‘Till tomorrow
I’ll be holding you tight
And there’s nowhere in the world I’d rather be
Than here in my room
Dreaming about you and me
If only, she could dream again like before. Flying high to places she wants to explore rather than dreaming about the horrible experiences she went through.
Nakita niyang nangingilid ang mga luha ni Juliet. Natahimik na rin ang iba.
Si Randall ang bumasag sa katahimikan ng mga ito. In his surprise voice and disbelief on his face.
“You can sing?” he almost whispered.
//
XII
//
Maayos naman ang resulta ng munting salo-salo bukod sa pinuri siya na maganda ang boses niya. She wasn’t used singing in front of a group, not even a crowd. Only her, playing instruments. And she was glad how it turned even though Juliet got teary-eyed. Paborito rin kasi nito ang naturang singer ng Dreaming of You.
Serene was washing the dishes when she heard a crash from the sala. Sinilip niya ang living room at nakita si Randall na napasapo sa nasaktan nitong noo. Ito ang nagwawalis sa living room. Hinugot na naman niya ito mula sa kuwarto matapos itong magpahinga sa socialization kahapon.
“What is this?” Randall picked up a hardbound notebook. Natigilan si Serene nang mapansin na notebook niya iyon para sa ginawa niyang mga kanta.
Sinimulan na itong basahin ni Randall na may curiosity sa mga mata. May bula pa ang mga kamay ni Serene nang lapitan niya ito.
“That’s my written songs,” paliwanag niya rito na ikinalingon nito sa kanya.
May sorpresa sa mga mata nito. “Nagsusulat ka rin ng kanta? How talented are you?”
Namula si Serene. “Ikaw rin naman. I know that you have a nice voice too. Usap-usapan sa orchestra. And I just scribble lines there. Not entirely a song.”
“But it’s not badly written. It’s actually.” Nagbasa ito ng ilang lines. “Raw.”
Inagaw niya rito ang notebook niya na siyang saksi ng riot niyang emotions noon. Matagal na niyang ginalaw ang notebook. Wala na siyang muse. Kahit man lang mga salita sa isip niya ay malabo.
Malungkot siyang ngumiti. “I don’t excel in a certain category so I try that’s related to music.”
“Baguhin mo ang mindset mo.”
“What?” Anong babaguhin? Anong tinutukoy nitong baguhin sa kanya?
Poker face pa rin ang mukha nito nang magsalita. “Not because you didn’t excel in your choice of category, it doesn’t mean it’s not worth showing what you are made of. Music. What is it to you? Was it enough to express or to show the world that you’ve got it? You have to earn it the hard way and if it’s not for you, He can redirect you to something that’s meant for you. There’s still time.”
Nangilid ang mga luha ni Serene sa huling sinabi nito. May punto ito. There’s still time to try new things, instead of staying so long in her comfort zone. “You think so?” she whispered looking at her notebook full of unreleased songs.
“I can help you.”
“But it’s hard for you to finish a song,” she implied. Natigilan ito. Napangiwi siya dahil mukhang alam na nitong pasimple siyang nakikinig sa pagtugtog nito ng gitara gabi-gabi. Nakasiksihan niya itong ma-frustrate sa front porch. “Sorry. Can’t help it. It’s like a free concert for me. But an unfinished one.”
Hindi na ito nakaimik, nakatitig lang sa kanya na para bang may kung ano itong inaarok. “Bakit?” she asked.
“Continue washing your dishes.”
“I know I am not in the position to tell this but we don’t have other solution but to face the problems we buried in the past. Confront it to solve this mundane everydays. It’s okay kung magpapahinga ka muna pero hanggang kailan? Ako rin naman, napapagod na sa ganitong estado.” Napabuntong-hininga siya nang mailabas na niya ang saloobin niya. “May bibilhin lang ako sa labas. Paminta.”
Magluluto kasi siya ng adobong bisaya o mas tamang sabihing ‘humba’. Naubos na ang paminta na stocks. Iniwan niya muna sa bahay si Randall at lumabas na ng bahay.
Tahimik sa Golden Valley at kakaunti lang ang mga nakikita niyang tao. May mga habal-habal na naka-parke sa isang sulok na naghihintay ng pasahero. Tinanggihan lang niya ang mga itong nag-alok sa kanya.
Nakarating siya sa malaking tindahan at binati ang mga ilan sa bisita niya sa bahay kahapon.
“Masarap ka palang magluto, Serene. Bakit hindi mo gawing negosyo at mabago naman panlasa. Sawa na kami sa pagkain ni—” Tinakpan ni Tripp ang bibig ni Jake. Sakto namang dumaan iyong tindera ng isang karinderia.
“No, wala akong puwesto. At isa pa, ayokong sumapaw,” simple niyang sagot.
“Ah, kumanta ka na lang.” Nangingiti na lang siya sa hirit ni Jake na sinasaway ni Tripp.
Bumili na lamang siya ng paminta at dinagdagan niya ng raisins. Nahulaan ng tindera na magluluto siya ng humba. Kaagad namang naglaway si Jake na humirit pang makikain.
“Ikaw, ang kapal ng mukha mo. Pagpasensiyahan mo na ito, Serene. Hindi pa kasi ito naturukan ng rabies,” nangingiting pahayag ni Tripp.
Papahakbang na siya pabalik sa direksiyon kung saan ang bahay niya nang may bumaba sa isang habal-habal. Takaw-atensiyon dahil sa taglay nitong angas at karisma. Bumaba ito sa habal-habal at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri nito. Narinig ni Serene ang singhapan ng mga tao sa paligid nito.
May star factor ang lalaki. Matangkad at kahit nakatakip ng mask ay takaw-tingin naman ang mga mata nitong makakapal ang kilay at mahahaba ang pilik-mata. Somewhat a resemblance to Randall but fiercer.
Papalapit ito sa kanya at tumigil na lamang nang isang metro ang layo sa kanya. “Do you happen to know Randall Earl San Miguel?”
Naibuka niya ang bibig niya nang may magsalita.
“Ay si Randall? Nakatira siya sa bahay ni Serene. Serene is the woman you are talking with,” sabat ng isang babaeng hindi niya kilala.
Nailipat tuloy ng estranghero ang mga mata sa babae. “Miss, hindi ikaw ang kausap ko.” masungit nitong turan.
Napahiya naman ang babae at hinila na ng kasamahan nitong babae. Lihim na lang siyang napangiwi pagkat prangka ang naturang binata.
“Can you lead me to him?” Hindi ba ito magtatanong kung bakit magkasama sila sa iisang bubong ni Randall?
“I’m Kyou San Miguel. You are?”
One of his many cousins.
“Serene. Serene Alban.”
“You have a unique pair of eyes,” he noticed and she was taken aback. Not everyone talked about her eyes at the first meeting. They just noticed the colors.
“Oh thank you. Minana ko pa ito sa Dad ko. Bakit mo nga pala hinahanap si Randall? And from the looks of it, hindi ka taga-rito.”
“I lived in Japan for years. A bass guitarist in a piano-rock band.”
Namangha siya. Katulad ito ni Randall na may taglay na musicality sa katawan. “Oh, a rock band. That’s great! Anong name ng band?”
“Icarus Flowers.”
//
“I heard,” Kyou simply said.
Nasa labas silang dalawa ni Kyou, sa front porch. Pinapanood ni Randall ang mala-skeleton na niyang bahay ngayon. Day-off ang mga construction workers na nag-aasikaso ng bahay niya. Nakatingin naman sa kanya si Kyou na hindi na maipinta ang mukha.
“What about it?” patamad niyang sabi, nanatilig nakaupo lang sa rattan chair.
Nasa kusina si Serene, naghahanda ng makakain nila ngayon sa hapunan. Masaya ito dahil may bisita na naman sila. At first, he thought that she’s an introvert but lately, he discovered she likes to interact with people. And it’s draining him.
“Matagal na iyon, Ran. What? Four years? Four years of mourning. You spent those years wallowing in your misery.”
Pang-ilang scenario na ba ito? Ang komprontahin siya sa bagay na ayaw niyang pag-usapan? Kung ibang tao lang ang mga ito, baka inignora na niya at bumalik ulit sa kuwarto upang itulog na lamang ang araw. If he did that, Lolo Dos would kill him in sleep.
“Wala kang pakialam.”
“Man, may pakialam ako. Pinsan kita. And we are musicians. Yeah, I’ve been there. Para na akong pinatay nang lumisan ako dito sa Pinas. But I moved on. And I came back. Akala ko nga hindi na ako babalik rito.”
Saksi ang ibang mga pinsan niya sa pinagdaraanan nito noon.
“It’s not easy.”
“Hindi naman talaga madali dahil inalaagan mo siya sa puso’t isip mo.”
Hindi na siya nakaimik pagkat tama ito. Naupo ito sa bakanteng upuan.
“At ngayon, nakitira ka pa sa bahay kasama ang isang babae. Nagtataka na talaga kung ano na ang tumatakbo sa isip mo,” sambit pa nito. Nilapag nito ang isang invitation card at ang isa pang business card.
“It’s an event. Matataas na opisyal at mga VIP guests ang dadalo sa event. May nakatunog na andito ka sa Pinas. One of the most important guest requested for your performance.” Agad siyang napasimangot sa sinabi nito. “Oh bakit? Haba ng mukha mo ah. Akala mo popular ka sa Europe. Mga nasa high society, kilala ka nila. They even managed to book our band in this event because of a filthy rich daughter. Hindi sana papayag mga members dahil hindi rin marunong mag-English maliban sa akin. But I managed to arrange one since I heard news about you.”
“Are you sure it is about me why you decided to come back?”
Natigilan ito saglit. “The topic is not me. It is you. Kailan mo isasaksak sa utak mo na wala na? Wala ka nang babalikan.”
Nainis na siya sa pagduldol nito sa kanya ng katotohanan. “Ako pa rin ang magdedesisyon kung hanggang kailan ako magluluksa.”
“Man, hindi ko pa siya nakakausap o nakikita, I don’t like her already. Ganito ba talaga ang epekto niya sa iyo. I don’t like her. Sumalangit nawa. And I don’t like this. You. Tumigil na ang mundo mo nang mawala siya,” may hinanakit na pahayag nito.
“If you want to perform. Call the number in the business card. If you just want to slack off and watch my band performing, bring that invitation card. Baka sakaling pag bumalik ka na sa stage, babalik na rin ang pagmamahal mo sa musika. It’s sickening to think that you ended your musical journey,” may sakit sa boses nito at tila may kurot sa puso ni Randall nang mahimigan ang pagkadismaya nito.
//
XIII
//
Disoriented, Serene woke up from her deep sleep. Blinking and scratching her eyes, her vision adjusted to the dim light of her room. She heard a ringing noise from downstairs, coming from a metal thing. Then, a harsh wind blew the curtains that the vase with flowers fell down from the night table. It shattered into pieces on the floor and all she did was to close her eyes from the impact.
Serene swore she heard a ruckus downstairs that made her heart jumped. She got up from her bed, worried about what’s happening downstairs. She frantically climb down the stairs only to see a horrible sight. She gasped, covering her hands upon seeing a dark liquid pooled near the sofa and the lying body of her mentor. It’s none other than her mentor since there are only two of them staying in that house.
She trembled, shaking from fear and disbelief. Her knees were shaking and she slumped down, holding unto the warm body of her mentor. Her heart sank when she discovered that the old man was not breathing anymore.
“St. Claire. Mr. St. Claire. Wake up. Please! This is not happening. Please.” Serene wished this was only a nightmare. But she could feel the warmth of his mentor’s body. She deduced the noise from minutes ago. Who killed her mentor?
Serene’s hands were covered in blood and his white flowy dress was not tainted with the dark liquid. She didn’t mind. She didn’t know what to do but to shout for help while crying.
The door opened and she heard a gasp coming from a silhouette. She recognized the face from the moonlight. It was her mentor’s daughter and despite the lack of light, her face pale in shock and disbelief.
“Daddy! You!” she shouted at her with rage, eyes bulging from seeing her bathe in blood. “You killed my Dad! How could you? He took care of you and all you did was?”
She broke down in tears and Serene cried silently. “I did not kill your Dad. I can’t kill the only person who believes in my talent. I didn’t do it, Theresa.”
A total nightmare she couldn’t forget no matter how she filled her days doing chores like cooking and baking. May mga pagkakataong sumisingit iyon sa isipan niya na pilit niyang iwaglit. Ngunit babalik at babalik pa rin na animo’y boomerang na mas lalong nagpasugat sa sugat niyang akala niya’y naghihilom na.
Ayaw pa rin siyang datnan ng antok kung kaya’t pumanaog na siya sa kuwarto niya. Bigla’y trip niyang kumain ngayon at dahil nga limitado lamang ang instant food ay magluluto siya. May kung ano siyang narinig na kalansing sa kusina.
Kinabahan si Serene pagkat naalala niya ang tagpo ng kahapon. Nanginginig ang mga kamay na humakbang siya ng dahan-dahan patungo sa kusina at napasigaw nang may pares ng mga matang napalingon sa kanya.
“Do you really have to shout in the middle of the night?” Randall hissed.
Napahawak siya sa dibdib niya. “Bakit hindi ka man lang nagpaalam?”
“What? To tell you that I’m here? Do I have a sign in my head telling you I’m here?” pamimilosopo pa nito sa kanya na inirapan lang niya.
“Ano ba niluluto mo?” Nakita niya itong hawak ang isang ramen noodles. Instant na naman. “Ako na nga diyan. Ako na ang magluluto. Gusto mo ng mac and cheese?”
“I don’t like too much cheese. Madali akong magsawa sa cheese. Can we eat outside?”
“Randall, it’s one in the morning. Anong gusto mong gawin natin? Maghanap ng twenty four seven na resto? Malabo na ngayon.”
“I just want out of this house,” he said, almost pissed.
There was seconds of silence between them until Serene sighed. Sawa na rin naman kasi siya sa bahay.
“I can’t sleep,” she murmured and hung the pan on the hook. Kinuha niya ang instant ramen noodle palayo kay Randall. “And I didn’t hear you strumming your guitar.”
“I got tired of it,” he coldly said, stepping backward.
Niligpit na ni Serene ang mga gamit na pinagkukuha ni Randall upang makapagluto ng instant ramen.
Nang bumalik siya sa living room ay nanginig na naman siya ng makita ang sofa. Naalala na niya naman ang nakabulagtang katawan ng kanyang mentor na paulit-ulit sa balintataw niya na parang sirang plaka. Namutla si Serene kasabay ang pangingirot sa ulo niya.
“Are you okay? You looked like you’ve seen a ghost,” Randall said, holding her arms. Muntik na siyang mapaupo sa panghihina bigla. Bakit ba kasi nakalimutan niyang buksan ang ilaw?
“I wish it was just a ghost,” she whispered and collected herself. “Bihis lang muna ako. We will get out of this house for a while.”
//
Napadpad silang dalawa sa Tops. Mabuti na lamang ay may kanya-kanya silang baon na jacket panlaban sa lamig ng gabi. Nanghiram na naman ng motorsiklo si Randall kay Lester. Nag over-the-bakod na naman ang loko para gamitin ang motorsiklo ng pinsan nito.
“May dahilan kung bakit takot na takot ako kapag nakikita ko ang sofa.” Iniabot sa kanya ni Randall ang isang soda drink na mula sa vendo machine roon.
“What is it?” malalim ang boses nitong tanong. Serene looked at the dark sky with the moon hanging along with the stars.
Malungkot siyang ngumiti’t sumandal sa railings at nakahawak lang sa malamig na aluminum can.
“You heard about a girl who has someone believes in her? That someone died,” malungkot niyang inalala kung gaano kabait at kamasayahing tao ang mentor niya. Nangilid na naman ang mga luha niya. “And that girl was accused of killing him.”
Natahimik si Randall, hindi maapuhap kung ano ang sasabihin nito. He waited for her to tell her story and Serene smiled bitterly.
Para siyang sinaksak ng ilang libong kutsilyo nang paratangan siyang siya ang pumatay sa mentor niya. And his daughter accused her of the sin she didn’t commit.
“I suffered for months because of the trial. I was accused of a sin I didn’t have the heart to commit to. Sinong matinong tao ang gustong patayin ang mentor niya? But his daughter didn’t believe me. So I suffered behind the jail railings. It was too dark in there and the prying eyes already judge me. I lost some of my friends.” Nangilid ang mga luha ni Serene. Nanuyo ang lalamunan niya at parang nilamutak ang sikmura niya.
Randall stayed beside her, listening to her and it was enough for her because there’s someone who’s willing to be apart from the people she expected to listen to.
“The trial is cruel. Tila bingi na lamang ang boses ng mga tao. Naisip ko nga na sana’y tumakas na lang ako ngunit hindi naman maganda ang dating niyon dahil sasabihin na naman nilang guilty ako,” pahayag niya sa mababang boses. Pinalis niya ang luhang tumulo sa mga mata niya.
“How can they accuse you when they didn’t have enough evidences?” he asked in serious tone. Mukha pa nga itong galit sa pagkakakunot ng noo nito.
Serene smiled sadly upon remembering a scene. “They said I was furious about not being on top. Lahat ng mga insecurities ko at doubts lumabas na lang bigla. I don’t want to confront my yesterdays. The ‘me’ when I have to push myself to be on top but didn’t achieve it anyway. They attacked me personally and all I did was shut my mouth and cry. I can’t even defend myself because I was mourning. Nawalan na ako ng kakampi sa mundong iyon.”
Hinayaan lang siyang umiyak ni Randall nang tahimik. She was always a crybaby and during the trial, surprisingly she couldn’t cry. She’s trying to be strong, to be brave in front of others. Even though at some moments, she’s tired. Too tired to deal with everything.
“You don’t have to push yourself on top. You just have to have the people who believe in you,” he said, comforting her with his words. And he did, a little. Naalala niya ang mga tao sa Golden Valley. They are appreciative and everyone is genuine with their words.
Hinarap niya ito, tinatahan ang sarili niya at binigyan ito ng isang matamis na ngiti. Others said that she has a nice smile and that she could get away with it. That was his mentor said to her. “I want to help you.”
“Help for what?” confuse nitong tanong. “I think you got the wrong idea. Ikaw ang may kailangan ng tulong.”
“Then we help each other. Let’s try again. You know, music. It’s part of us, Randall. Kahit pa sabihin wala na tayo sa mundo ng musika, bukas pa rin ang pintuan sa atin.”
“Not every door is widely open,” he insisted and she silently agreed. Lalo na sa kanya, half-open lang. Hindi naman ganoon kabongga ang opportunity sa kanya pagdating sa musika. May mga nagawa rin siyang choices na kahit di naman talaga bukal sa loob niya ay pinili niya pa rin sapagkat musika ang bumubuhay sa dugo niya. Wala ng iba pa.
“But you can be redirected.”
Tama naman ito. “Dadating rin naman ang araw na makaka-recover ako. Yes, I cried at some nights. Di ko kasi alam kung kailan ako hahatawin ng down moments ko. And I have lots of questions to myself that needed answers but I only got more questions continuously.”
“Not everything can be answered. Like secrets, not all of the secrets of the world are revealed.”
“Ikaw?” she pertained to him. Tinaasan lang siya nito ng kilay.
“What about me?”
“Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. Kung bakit bumalik ka rito at bakit bigla ka na lang nawala sa classical stage.”
Hindi na ito nakaimik. His eyes were telling her that he’s in that particular moment, the answers she’s looking for. And there’s a hint of haunt and longing in his eyes. If only, she knew.
//
XIV
//
Serene was staring at her notebook filled with her songwriting. She considered Randall’s advice and the talk they have at the Tops. What if He will redirect her to another path?
Nagising nang maaga si Serene. Naalimpungatan siya mula sa pagkatulog niya. She’s a light sleeper and when music registered in her ears, her eyes adjusted to the deep blue skies. It was still early in the morning, around four PM when he heard a sad melody.
Coming from none other than Randall who’s still strumming his guitar. It was an original composition. Too raw and elegantly played in the silence of the dawn. Malamyos ang pagkaka-strum nito ng gitara. Kagaya pa rin ng dati ang mood, malungkot, may pangungulila at pagsisisi ngunit nag-iba na ang tono nito. Naging mabilis, may gigil sa bawat pag-pluck nito ng gitara at kahit hindi siya nakatanaw sa bintana ay ramdam niya ang galit na gustong kumawala. Pent-up emotions. Nangingilid na naman ang mga luha ni Serene.
Napagtanto niyang ang pinakahindi niya pinagtuunan ng pansin noon ay ang galit na lumulukob sa pagkatao niya. Galit siya sapagkat naging kriminal siya sa paningin ng mga taong akala niya’y kakampi niya, kahit ang nakakubling katotohanan ay wala siyang kinalaman sa pagpaslang ng kanyang mentor. Galit siya sa anak nitong kahit alam naman na hindi niya ‘yon magagawa, pinaratangan pa rin siya. Galit siya sa sarili niya sapagkat hindi niya naipagtanggol man lang ang sarili mula sa mga masasakit na salitang narinig niya.
Staying in the cell was a total hell for her. Nakatulala na lang siya lagi doon, nasa isang sulok, iniisip kung hanggang doon na lang ba magtatapos ang buhay niya. Her emotions were too complex and her thoughts were too distorted that she even think of ending her life. It was no use, there’s no one who would cry for her.
“Serene?”
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Randall was standing in front of her room. Nakabukas lamang ang pinto niya. Dala nito ang gitara nito.
She hugged her songwriting notebook and solemnly smiled at him. “Halika rito. You can ask me if you want to stay here at the terrace. You always stay on the front porch.”
“This is still your room,” tukoy nito sa kuwarto niyang halos hindi naman nagalaw ang mga gamit. Magulo lamang ang kama niya mula sa pagkakabangon niya.
She gave him and his guitar a space. Kapwa na sila nakasalampak sa terrace, nakatanaw sa asul na kalangitan. May mga bahay na roon na nakabukas na ang ilaw. Mga maagang gumising katulad nila. Kaibahan lang, stagnant lang sila, hindi nagmamadali at walang masyadong ginagawa.
“Hindi naman ako maselan,” nakangiting pahayag niya, nasa notebook na ang atensiyon. “Malapit ka nang matapos kanina. Bakit ka tumigil?”
He didn’t reply, just staring at the skies that changing its blue shades. Naging lighter blue na ang kalangitan. Kahit pa hindi ito sumagot, alam na niya ang sagot bilang musikero. Music consumed too much emotions that it’s too overwhelming to continue.
“You haven’t touched your piano,” he diverted and Serene slowly nodded.
“I’m afraid that if I will start playing the piano, I will hate it more. Naalala ko lang ang mga comparing noon.”
Nangunot ang noo nito. “Why do you compare yourself with others? Music might be a competition to others. But that’s the business side. I always tell myself that don’t let the business side consume your creativity as an artist.”
“You’re right.” Serene stared at her notebook. “Ang totoo, ang tugtog mo kanina. I have a song entry for that. I wrote this when I was consumed by my anger. It’s too long ago.”
Ipinakita ni Serene ang pahina kung saan niya isinulat ang mga verses. Ang gulo pa ng penmanship niya at halos dumiin na iyon sa ibang pages. “Ang gulo. Funny how your penmanship speak your emotions.”
Binasa nito ang mga nakasulat. “Anger. Pent-up anger.”
“Yes, pent-up nga.” Ipinagpatuloy nito ang pagbabasa ng kanyang mga sinulat. Sandaling nahiya si Serene. Wala naman siyang proper training pagdating sa pagsusulat ng kanta at may mga melodiya naman siyang naiisip ngunit kailangan niyang gamitin ang piano. “Sa tingin mo, okay lang?”
Randall turned to his guitar. Tinuno nito ang gitara nito at pasimpleng nag-strum doon. Napatingin si Serene sa mga daliri nito. Mga daliri ng isang magaling na musikero. Seasoned na at marami nang nalampasan. He elegantly strummed his guitar, finding the right tone for the song. It came out in melancholy with a hint of anger.
Nag-eksperimento ng mga melodiya si Randall at paminsan-minsan, nagkokomento si Serene ngunit nanatili lamang na tahimik si Randall.
Namalayan na lamang nilang papasikat na ang araw. Kumalat ang liwanag niyon at ang sinag ng araw ay tumatama sa kanila. She smiled when Randall’s face was reflected by the morning sunrays. It was amazing when sunrays graced his angelic face.
“Hoy!” Napapitlag si Serene nang may kung sinong Poncio Pilato ang nagsisigaw sa baba.
“Kayo ha! Aga-aga, nagkakalat na kayo! Sa harap ba naman ng madla!” Nang dumako ang tingin niya sa baba ay nakita niya sina Lester at Jake nakangisi sa kanilang dalawa.
Randall’s eyes narrowed and hissed after that. Nakangiti na lamang si Serene sa mga ito. Ang kukulit kasi.
“Hindi naman kami nagkakalat. Malisyoso lang talaga kayo!” sigaw niya pabalik sa mga ito.
“Halika, jogging tayo! Isama mo na ‘yang ka-live in mo.”
Nandilim lang ang mga mata ni Randall. “Gago,” bulong nito’t napatayo na. Napailing-iling na lang siya sa dalawa at sumenyas na bad mood kaagad si Randall. Kumaway lang ang mga ito at sumenyas naman si Jake na kakain ito kaya natawa na lamang siya sa kalokohan nito.
//
Nasa front porch lang si Serene, pinapanood ang pag-construct ng bahay ni Randall. Kaulayaw nito ang mga construction workers doon na binabalita yata ang progress ng bahay niya. Tumango-tango lamang si Randall, seryuso ang mukha.
Tahimik siyang napangiti. Dadating rin ang araw na lilipat na ito pag tapos na ang bahay nito. Would they go back to square one? Strangers? Would he still consider her as a stranger? Hindi naman ganoong klase ng tao si Randall kahit gaano pa ito ka-stoic.
Kinausap siya kanina ni Lester tungkol sa magiging thank you gesture nito sa construction workers. Their dedication and hardwork speed up the house. She needs someone to shop the ingredients. Hahatakin na naman niya si Randall na alam niyang magrereklamo na naman. Pero hindi naman sila malalayo dahil may malapit naman na palengke at mall, walking distance lang. At the foot of Nivel Hills.
Pumasok si Serene sa bahay niya. May nahagip ang mga mata niya. Nasa ibabaw ng piano.
“Invitation?” she muttered to herself.
She opened the invitation card. It’s a luxurious event of movers and shakers in Cebu. Galing ba ito kay Randall?
She was touched by it. Having herself joining an event she has no idea of. Hindi naman kasi siya business-minded na tao at madalas niyang nakakasalumuha ay mga musikero. Kung may business people man ay may kinalaman pa rin sa musika ang negosyo ng mga ito.
“Bakit naman niya ako iimbitahin sa ganitong event?” tanong niya sa sarili.
Makalipas ang ilang segundo ay napagtanto na niya kung bakit siya nito inimbita. May isa pang nakasingit na note roon.
Ang nakasulat ay . . .
‘I hope I will see you playing the piano.’
//
XV
//
Nagtipon-tipon silang mga girls sa Golden Valley village sa bahay ni Serene. Naghahanda sila para sa magiging lunch ng mga construction workers, idamay na ang mga kapit-bahay nilang interesadong tikman ang mga luto ni Serene. Katulong niya ang Golden Valley Girls.
“Weird, may isa sa mga ‘yon na sinabing mas maganda daw ako sa bida. Haller! Bola talaga.” Mallory even rolled her eyes. “Kung alam lang nila na last week, muntik na akong sabunutan ng ale dahil gigil na gigil siya sa character ko sa telenovela.”
“That’s because you delivered your character well,” Autumn said. Ito ang kapit-bahay niyang madalang lang niyang makita. Misteryuso ang aura nito sa kanya kahit na sabihing hindi ito madamot sa mga ngiti nito.
Walang itulak-kabigin sa mga kapitbahay niya. Kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa personality at aura ng mga ito.
“Sinong di maiirita sa babaeng kabit na napakamanipulator? Ang bida dun? Naku, mas masahol pa sa daga ang ugali no’n sa totoong buhay,” imporma ni Mallory.
“Talaga?” intriga ni Juliet.
“Mabuti pa, asikasuhin n’yo na muna ‘tong ipipritong mga isda. Marinated na ito,” singit naman ni Autumn sa mga ito.
Si Serene ay abala sa paghalo ng sisig na pinaghirapan nilang hiwain para maging pira-piraso na.
“Mukha tayong mga maybahay sa bukid. Naghihintay paglingkuran ang mga asawa,” biro pa ni Juliet.
“Excuse me moy, wala pa akong balak pumatol kahit sino,” angal naman ni Mallory.
“Kahit mga San Miguel? Ang guguwapo nila,” dreamy na pahayag ni Juliet. “Except kay Randall. Off-limits na siya. Kay Serene na.”
Nanunukso na naman ang mga ito sa kanya. Nasanay na siya. Hindi naman kasi maiwasan at isa pa, hindi na bago sa kanya na pinagtitinginan silang dalawa ni Randall.
“Ay si loner aka emo na musikero pala?” tukoy ni Mallory. “Bagay nga kayo.”
“Puro kayo ano. Gutom na ‘yung mga tao sa labas,” sabi na lamang niya.
Kanya-kanya na ng chika ang mga ito hanggang sa dumating si Marione na may dala-dalang boxes ng pizza para sa kanila. Reward na rin sa pagpr-prepare ng meals ng mga construction workers.
They distributed the meals to the construction worker who ate heartily in her patio. Ang iba naman ay nasa labas lang ng tinatayong bahay ni Randall, cowboy style.
Serene told them about the invitation. She’s still contemplating what to wear and the ladies were excited to drag her to the mall, especially Mallory and Juliet. The extroverted friends who are more extroverted than her. But Autumn said that she had several dresses to choose from which was an advantage.
“You can come to my house.” Autumn gallantly offered.
“Ay puwedeng sumama? Gusto ko makita ang bahay mo,” hirit ni Juliet na sinang-ayunan ni Marione.
“Si Serene lang. I can’t accommodate three. Alam kong magsn-snoop kayo sa bahay ko. And no, I am not a closet serial killer. At hindi bangkay ang laman ng malaking maleta na naideliver sa akin, okay?” Pinandilatan pa ni Autumn ang dalawa.
//
Out of place. Iyan ang nararamdaman ni Serene nang tumapak na siya sa grand ballroom. Isa siyang estranghera sa business world. Hindi na kataka-taka kung may napapatingin sa kanya. She was wearing a shoulder cut mint dress. Lumutang ang mala-porselana niyang kutis. Ngunit mas natuon ang mga mata nito sa kanyang light hazel eyes. She was no foreign-looking but her eyes gives off an elegant vibe.
Red carpet ang sahig ng grand ballroom. Itim ang tela na nakalatag sa mga pabilog na mesa na pinaligiran ng mga upuang itim rin ang tela. Puting rosas at mga itim na rosas ang mga bulaklak roon. Wala siyang kilala sa mga tao ngunit sa mga nahagap niyang mga salita sa mga ito ay kabilang ito sa business at political world.
Nandoon lang naman siya dahil binigyan siya ng invitation card ni Randall. Pumainlanlang ang isang classical song na ikinatuwa ng ilan. May dance floor roon kung saan kokonti lamang ang nagsasayaw ng waltz.
Luminga-linga si Serene, naghahanap ng mauupuan. May mga bakante pa naman roon. May dumaang waiter na nag-alok sa kanya ng champagne. She gladly took the champagne flute and find a vacant seat. When she sat down, she saw him entering the platform stage. Sandaling natahimik ang mga tao roon na may kasamang bulong-bulungan.
Ang guwapo nito sa navy blue suit nito, hawak-hawak ang classical guitar nito. Was this his first time performing after years of being a hermit?
She started strumming his guitar elegantly. Mababanaag ang hesitation sa mga mata nito. Ngunit sandali lamang iyon. HIs eyes became sharp as he stared at his guitar. Mukhang ayaw nitong makita ang mga taong pinapanood ito.
Pamilyar kay Serene ang masterpiece na tinutugtog ni Randall. Sonata romantica ni Maria Ponce. May iba sa mga bisita ang niyaya ang mga kaparehas nito upang sumayaw sa saliw ng classical guitar ni Randall.
The piece was full of emotion. Bawat pag-strum nito sa gitara ay may kaakibat na emosyong babalot sa kahit sino ngunit ang tumugtog niyon ay blangko ang ekspresyon sa mukha.
Lumapit si Serene sa stage upang masilayan lalo ang mukha nito. Napansin yata siya nito dahil bukod sa nakakaagaw talaga ng atensiyon ang mint green dress niya ay nangungusap pa ang mga mata niya. Sandali itong nasorpresa saka itinuloy ang tila panghaharana sa madla.
Others would not understand the mind of a musician, even the emotions that they try to convey through their music. At ngayon, tila gusto niya itong yakapin upang aluin ang kung ano mang bumabagabag sa puso nito.
Bakit ba ang lungkot ng mga puso nila? Lahat na lang ay ikinikimkim na lang nila hanggang sa darating ang araw na sisingilin sila sa pagtatago ng sama ng loob.
Bahagyang nasorpresa si Serene nang magpalit ito ng kanta na pamilyar sa madla. Broken vow. This time, she could the swirling emotions in his eyes. He’s trying to contain it within himself but he failed to. Wala mang pakialam ang iba na nagsasayaw lang sa mabining tugtog nito ay siya naman’y nakabantay rito.
Let it all out, Randall. Kung anuman ang gumugulo sa iyon isipan at puso. Let it go. bulong ni Serene sa sarili.
May panghihinayang, lungkot, pagsisisi, at pangungulila na nakapaloob sa musika nito. He’s like he’s on his own world now. a world of pain and grief.
Nangilid ang mga luha ni Serene. Ganoon kalakas ang impact ng musika nito sa kanya. In-demand ito sa classical world kaya may kamahalan talaga ang mga solo concert nito.
The next piece is filled with passion and happiness. Serene gasped at the beautiful transition he made. And not only that, it was an original composition. Iilan lang ang mga musikerong kayang gumawa ng original composition on the spot. All her life, Serene followed the musical score and everytime she produced a different melody, she was scolded by her music teacher. Kailangan siyang sumunod sa musical score.
It was a lie. The happiness and passion she heard from his composition. Iniisip ba nito ang masasayang sandali ng buhay nito?
Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos ng performance nito. At nakisabay siya sa mga ito, standing ovation pa ang iba at may nakita siyang middle aged women na nagbubulungan at mukhang tuwa-tuwa kay Randall.
Madaling napansin ni Serene ang panginginig ng mga kamay nito. He’s not fine. Anumang sandali ay matri-trigger na ang tinatago nitong damdamin. Yumuko lang ito at bumaba na ng stage, hindi na pinansin ang mga organizer sa baba.
Sinundan ito ni Serene. Wala na siyang papel doon sapagkat nakita na niya itong nag-perform. It was like a free concert for her and she was glad enough that he invited her.
Pagkalabas ni Serene sa grand ballroom ay siya namang paglabas ni Randall sa hotel. Hinabol niya ito at naabutan niya naman ito sa may man-made pond ng hotel.
“Randall!” she shouted his name.
He stopped walking. His hands were trembling as his shoulders.
XVI
//
In swift seconds, Randall was hugging her tight despite the drizzling. His body was warm but he was shaking. Ibinaon nito ang mukha sa kanyang balikat at doon binuhos ang mga luha nitong kanina pa nito pinipigilan. Napaka-sensitive ni Serene ngayon kaya maging siya ay napaluha na rin.
“It’s all my fault,” garalgal ang boses nito mula sa pag-iyak. Punong-puno ng pagsisisi ang boses. “I could save her. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nawala siya. Magkasama kami ng gabing ‘yon. Masaya dahil iyon sana ang araw na aalukin ko siya ng kasal. It was supposed to be a happy event for us. We were laughing and planning our future. Turned out, it was a complete nightmare.”
Tahimik na tinatapik-tapik ni Serene ang likod nito upang kahit papaano ay gumaan nang konti ang pakiramdam nito.
“It took me hours to accept that she’s dead. I kept denying even the doctors told me that they couldn’t rescue her. It was the day I ended everything. I couldn’t live without her. It’s not easy to live everyday, barely breathing and still living in the past. I know it’s futile but everytime I am alone, I am reminded of the hollow I had since she left.”
Naluha na rin si Serene. Nakakahawa ang sakit na dinadala nito ng ilang taon.
“People said that I should move on but I couldn’t,” he said, the torment was felt through his trembling voice. “I have to suffer alone in the house I bought for us. It’s too painful so I left. I left the music industry. I don’t have any reasons to stay. Facing it again reminds me of the good times that were long gone.”
Hinayaan lang ni Serene ito. Tahimik siyang nakikinig rito na may pag-unawa.
“I am a coward for not facing them again but I am selfish, I went back to my shell. I couldn’t blame them for telling that I am just afraid and it’s my decision to suffer like this. Gusto kong umusad ngunit paano? Halos mangapa na ako sa dilim kung paano,” he said. Unti-unti nang nawala ang panginginig nito at tumigil na rin ang pag-ulan. Hindi naman sila gaanong nabasa.
“You haven’t forgiven yourself, Ran. You’ve been carrying this for long,” bulong niya rito. Lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa kanya.
//
They both settled near the man-made pond. Wala siyang pakialam kung sumayad na ang laylayan ng kanyang dress sa lupa. Kapwa sila nakaupo at nakatitig sa man-made pond. Maganda sa parteng iyon ng hotel. Tahimik at malayo sila sa ginaganap pa rin na event sa loob.
“Tell me about her,” she said in a gentle voice. It was not the pruding type but she was just curious. Sino ang babaeng nagpatigil sa mundo? Ang dahilan kung bakit lumisan ito sa musical world.
Malungkot na ngumiti si Randall, sa harap pa rin ang tingin. Mababakas ang nostalgia sa mga mata nito.
“She makes friends with everybody. She can get away with her sparkling green eyes and nice smiles. She has that aura that makes her stand out from the rest. She was blinding when I first saw her, literally blinding with all the glitters on her face. I met her during a festival and I am not in the mood because I wore a freaking kilt.”
So, he was living in Scotland just like her. Gusto ba ng namayapa nitong ex-girlfriend ang Scotland? Ang cottagecore ng dating ang pagtira sa countryside ng Scotland.
“A kilt?” Hindi mapigilang ngumiti ni Serene. Ano kayang hitsura nito na suot ang isang kilt. Isang uri ng kasuotan ng Scottish men na palda.
“Yes, a damn kilt. They forced me to wear it. Others expected that I have nothing under it other than underwear. Those assholes. Nonetheless, I carried on, glumly wearing the kilt and then I saw her pretty smiling face. I just can’t take my eyes off her,” paglalahad nito ng kuwento.
“Was it love at first sight?”
“No. But I know that I would fall in love with her. And I am right. I fell hard.” He felt that there was no reason for him to live again.
Naranasan din ni Serene iyon noon. Hindi love at first sight pero alam niyang mamahalin niya ang tao.
“Since we have a courting culture. She didn’t know that I was courting her. It’s funny when she realized it. She thought that I was giving her mixed signals. But I didn’t.”
“Baka hindi mo rin sinabi sa kanya. Yes, action speaks louder than words but sometimes women can’t read men’s actions without words. No matter how inarticulate you are,” Serene said.
His eyebrows perked up. “How did you know?”
“Hello? I’ve been living with your for days and I noticed that you’re not the loud type. Minsan tango pa at isang sagot pa,” sagot niya rito at pabiro itong inirapan. Minsan nga, kahit hindi ito magsalita, nage-gets na niya kung gutom ito o gustong tumambay sa verandah.
“We were together for four years. We lived in a house together.”
“What? Nakipag-live in ka?” Tinaasan lang siya nito ng kilay.
“Apparently, you’re not the only one who I lived with.” Nag-iwas ng tingin si Serene dahil pakiramdam niya ay namumula siya sa sinabi nito. “We don’t have a perfect relationship. We have fights, misunderstanding, and countless arguments but I made sure we made up at the end of the day. Loving her is my decision everyday.”
“Ang suwerte niya,” naibulong niya at napatingala sa kalangitan. “There’s someone who loved her very much.”
“But she didn’t want to be involved in my world.” Napayuko ito at naging malungkot ang mga mata. “She’s a mathematician and a scientist herself so understanding the essence of classical music baffled her at times but she didn’t say anything when I played the vinyls in our house.”
Sandaling natigilan si Serene dahil kung mahal mo ang isang tao. Tanggap mo siya ng buong-buo pati ang bagay na bahagi ng pagkatao nito. “But you love classical music.”
“I understand her. But I love hearing her say about the latest science discoveries and how her eyes shine when she formulates some math formula.”
“Ayaw ba niyang makita ang glow mo lalo na pag kinakausap mo siya tungkol sa trabaho mo?” she asked.
Umiling-iling lang si Randall. “She tried. But later on, she got bored of it.”
Tila hindi na ito komportable sa takbo ng usapan at maging siya. Upsetting na malaman na hindi tanggap ng ex nito ang pagmamahal nito sa musika. You have to love a man wholeheartedly, even his shortcomings and flaws.
“It was raining that night,” bigla’y sabi nito matapos ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “I thought it would pass. But it didn’t. It was pouring that it’s hard to see the road. Akala ko ayos lang since walang masyadong dumadaan sa daan na iyon. We were near the cliff.” .
Napasinghap siya sapagkat alam na niya ang tinutumbok ng mga salita nito. Isa iyong mabigat na trauma para rito. Namasa na naman ang mga mata nito.
“I can still remember. Kung paano ay huli na ang lahat. May papasalubong na kotse sa amin and because we were beside the cliff, huli na upang kabigin ko ang break. Dire-derecho kami sa pangpang. Pangpang na karagatan ang kababagsakan naming dalawa. The last time I remembered, I held her hands, not breaking away.” Napahilamos ito sa mukha nito. He covered his face with his hands and Serene couldn’t do anything about it.
“It’s okay if you have to stop. I don’t like looking at you reliving the pain again,” matapat niyang pahayag rito.
Randall sighed and stared at the pond again. His eyes were lost. “I don’t tell this to other people. I kept it for years. I kept my mouth shut after the incident. I blamed myself for the all things that happened that night. If it wasn’t for me, then we would not take that road. Atat akong mag-propose. Atat akong ipakita ang bahay na ipinatayo ko para sa aming dalawa. Naglaho na lang na parang bula ang lahat.”
“It wasn’t entirely your fault, Randall.” No one was to be blamed about the terrible accident. Nagkataon lang na ang mga ito ang naaksidente ng mga oras na ‘yan.
“I was mad. I couldn’t even blame the truck driver because his brake was dysfunctional and he died too a day later because his organs were severely damaged. Sumalpok siya sa malaking bato.” Napailing-iling at napahilamos na naman. “I think the Death was after us that time because the airbag didn’t function.”
Randall’s face turned bitter and smiled sadly. Naging malamlam ang mga mata nito. “I dreamed about it. It’s always a replay every night. That’s why I couldn’t sleep right away because that would mean dreaming about the years I spent my time with her.”
“Kaya pala ang grumpy mo pag bagong gising.” Napangiti na lang siya. Grumpy ito ngunit hindi naman ito nagbibitiw ng masasakit na salita. Medyo galit lang talaga boses nito na parang naalibadbaran.
“Sorry. Hindi ko lang maiwasan. Apparently, Kyou, my cousin who came in Golden Valley persuaded me to perform in front of the crowd. Akala siguro niya ay hindi ako magpe-perform kaya wala siya sa event.” Napailing-iling na lang ito.
“Good thing nandiyan ang mga pinsan mo kahit ang kukulit nila.” Maiingay pa. Contrast sa ugali ni Randall.
“Somehow, kahit maiingay at makukulit sila ay kahit papaano ay nakakalimutan ko ang nakaraan. Kahit nga ang pagkain ng mga niluto mo.”
Masaya naman siyang malaman iyon kaya malapad ang ngiti niya ngayon. “Talaga? Kung ganoon, ipagluluto kita nang madalas. Careful lang, baka tumaba. Mabawasan pa admirers mo sa Golden Valley.”
“Admirers? Ako? May admirers?” nangunot ang noo nito. Palibhasa, hindi nito pinapansin ang mga babaeng napapatingin rito pag lumabas ito ng bahay.
“Oo. Hindi ka ba nagugutom? Gusto mong bumalik tayo sa event?” Randall just shrugged his shoulders.
“No. Magluto ka na lang sa bahay.” He cleared his throat after he said that. Kahit pa sabihing walang malisya. Nakatira pa rin silang dalawa sa isang bubong.
“Okay,” she grinned.
//
XVII
//
Nasa verandah si Serene, pinagmamasdan ang tanawin sa kabila. Ang paggawa ng bahay ni Randall. Pinakiusapan na naman siya ni Lester na magluto sa mga ito kapalit ang groceries. Kahit sabihing ‘unemployed’ sina Nylon at Lester ay ito ang tipo ng mga taong marunong mag-manage ng pera nito. Medyo stingy pa nga itong si Nylon dahil sa palengke siya pinabili ng mga ingredients at siyempre kasama niya si Randall. May kasama namang service fee ngunit noong una, hindi niya alam. Hindi lang kinukuha ni Nylon ang natirang pera. Si Lester naman ay sa ibang gastusin naman. Ang galante ng lalaki sa mga construction workers kaya ganang-gana magtrabaho ang mga ito. Masagana pa sa pagkain ang mga ito. Wala rin naman siyang pagkaabalahan bukod sa pagbe-bake at pagluluto.
“Serene,” tawag ni Randall sa pangalan niya. May hawak itong umuusok na kape at amoy na amoy niya ang aroma ng tea sa isang cup. “You like tea, right. I prepare one for you.”
Nakangiti niyang tinanggap ang umuusok na tasa at sinamyo ang mabangong amoy ng tea. Katatapos lang nilang mag-lunch at kapareho lang nila ng pagkain ang pagkain ng mga construction workers. Dahil wala ang ibang girls, si Randall na ang tumulong sa kanya.
“Mukhang mapapabilis ang paggawa ng bahay mo ah,” pahayag niya rito at maingat na sinisim ang tea.
Tinabihan siya ni Randall doon sa verandah at pinagmasdan ang bahay nito. ‘Malapit na at wala pa akong plano sa interior. Ayoko namang kopyahin ang interior ng bahay ko noon.”
If he does that, the interior will just remind him of his scarred past.
“Nagigising ka pa rin na siya ang laman ng panaginip mo?”
Umiling ito at tipid na ngumiti. “Hindi ko alam kung nakatulong ang pag-perform ko noong araw o ano. Wala akong panaginip ngayon. Ikaw? You’re still having nightmares?”
Padalang na ng padalang ang mga bangungot niya. Minsan, iba pa ang panaginip niya. She went back to her childhood dreams. “Madalang na. Maybe talking about it helps a lot. As for you, congrats nga pala sa performance mo. May pag-asa ba na babalik ka sa mundo natin?
Naningkit ang mga mata nito at naging seryuso ang ekspresyon sa mukha. “Hindi ko alam but seventy-five percent, I won’t come back. Sometimes, it’s lonely when I’m alone at the peak. Naabot ko na ang pangarap ko and I don’t think I can perform like before. I will just give it to people who want to show the world what they’ve got.”
“Sayang, it would be nice to see you in a solo concert. Iba pa rin ang ambience pag ang nakikinig ay mga taong mahal na mahal ang classical music. Not everyone appreciates it. Nowadays, mainstream music ang kadalasang takbuhan ng mga tao.”
“Yeah. Isa pa, I am still recuperating. I can’t face the same crowd who knows the tragic news about me.”
“I think masyado lang talaga akong oblivious sa mga pangyayari.”
“How? When you’re in a trial.”
May mga tao namang naniniwala na wala siyang sala at isa sa mga iyon ay ang dati niyang nobyo. No one knew they are in a relationship and no one knew they broke up. It was an intentional secret that she agreed which he proposed first.
“There’s still people out there who believe I didn’t do the crime,” she confessed.
“Who?” Sumimsim muna siya ng tsaa bago sumagot.
“An ex of mine.”
Umarko ang kilay nito. Napasimsim ito sa kape nito. Dinaig ng aroma ng kape nito ang aroma ng tea. Matapang ang pagkakatimpla nito sa sariling kape.
“Bakit? Hindi ba kapani-paniwala?” Natawa na lang siya sa sarili. “I learned a lesson from it, more like realization.”
“What is it?” kaswal nitong tanong. Magaan talaga kausap si Randall at kahit mukha itong snobber at first ay marunong naman itong makipag-usap at makinig. Lalo na pag malalim na usapan. Napansin niyang hindi ito nagtatagal sa norm na conversational settings.
Serene just stared at the skies full of cotton ball-like clouds. Maaliwalas ang panahon at katamtaman lamang ang init. Hinayaan lang niyang tangayin ng hangin ang illang hibla ng buhok niyang nakawala sa pagkakapusod niya.
“I realized that I don’t like the feeling of being giddy, that kind of excitement when you’re with someone. The exhilarating happiness. The roller coaster emotions that come with it. The feeling of thrill, knowing that you’re hiding a secret and you’re grinning to yourself since there’s only the two of you who knows the relationship. The unpredictable moments that will catch you off-guard. That it will take minutes of accepting the new situation or changes. I don’t want that.” There was a pause between them. Was he feeling that way with her former love? She would rather call her, his former love than ex.
Nagpatuloy si Serene, may lungkot sa mga ngiting binitawan. Tumingala na naman siya sa kalangitan at bahagyang tinakpan ang mga mata niya sa nakakasilaw na araw.
“I don’t feel safe and secure knowing that everyday is unpredictable. I don’t know when he wants to break from our relationship or he was just holding on for the sake of not hurting me but his hesitation and his dull eyes already hurts me.” Serene put a light smile on her face. “Those were just memories. A reminder to myself that being in a rollercoaster-like relationship is not enough to keep that relationship. Sometimes, all we need is warmth from someone dear to our heart. The one who will embrace you wholeheartedly. That kind of feeling when you bathe in the morning sun, near the river or just inside your bathroom. The coffee during the morning. Every slow morning I crave for that.”
//
How do you know when you are already loving someone without actually knowing it? Love is still a mystery to some people and depends on someone’s perception. For Serene, she was still but little by little, she accepted that realization but she decided to keep it to herself.
Sa ngayon, inaasikaso na muna niya ang CV niya para mag-apply bilang isang music teacher sa isang bagong tayo pa lamang na music academy. Sa Ayala ang office ng naturang eskuwelahan. May kaibigan kasi si Mallory na naghahanap ng mga music teachers at nagkataon naman ay bakante siya at wala pang work.
“What are you doing?” Randall asked. May hawak itong tasa ng umuusok pang kape.
Inayos niya ang mga papeles niya. Nandoon ang mga dokumento na nagpapatunay ng expertise niya sa classical music. Nakapagtapos din siya sa Conservatory. Tipid siyang ngumiti. “Mag-aapply para sa isang trabaho.”
Umarko lang ang kilay nito at naupo sa katapat na bakanteng upuan. Nasa patio silang dalawa. Malapit lang sa fireplace. “For what?”
“Music teacher. Who knows? Teaching pala ang path ko. May time pa naman para magbago ako ng preference. Ayoko ng pangarapin na maging world-renowned akong pianist. Sapat na sa akin na may maibahagi akong karunungan sa mga taong nangangarap maging isang musikero. The path of being a musician is hard.”
Randall cleared his throat. “It’s not easy for me at first. Someone judged my performance as dull and boring. I only copied the musician’s piece. Yes, I followed the musical score but my performance was emotionless. So I had to bare myself when I was creating music. It was the only moment when I could let go of all of my burdens.”
“You can even fake it. I never imagined that you can pull off a happy and upbeat melody even when you are lonely and regretting something.”
“I remembered the happy times. That’s one of the tricks.” Tumunog ang phone nito.
“Sige, gagayak muna ako. Ora-orada ang interview pag naipasa ko ito. Hindi naman kasi common rito ang kagaya ko.”
“You’re positive that the employer will take you,” he noticed.
“I am.” Itinaas niya ang noo niya’t tumayo, hawak-hawak ang envelope na naglalaman ng mga dokumento niya.
Randall gave her a light smile. “Good luck.”
//
Hindi niya maiwasang lagyan ng iritadong tono ang pagsagot niya sa tawag ni Lester. Day-off muna ang mga construction workers kaya walang dahilan sina Nylon at Lester na istorbuhin siya.
“Sama ka sa akin. Put on your casual clothes. Just any kind of polo that not’s floral. That’s my trademark.” Randall rolled his eyes upon hearing it.
“Para saan? Tinatamad akong lumabas.” Besides, wala si Serene sa bahay at siya lang mag-isa.
“Bakit? Ayaw mong iwan ang maybahay mo?” biro pa nito.
Kumunot lang ang noo ni Randall. Ang halaman sa paso ang pinagdikistahan niyang samaan ng tingin. Ano na namang kalokohan ang niluluto ng lintik.
Bagong buhay na ang pinsan niyang si Lirio dahil may nobya na ito. Si Lester na ang pumalit sa trono ni Lirio bilang KIng of Schemes.
“Gago. Ano na naman ang gagawin mo?”
“Basta, sumama ka lang. Hapitin kita mamaya sa ayaw at sa gusto mo. We will be using my car. Kahit ayaw ko, ako ang magiging driver. Baka maaksidente pa tayo sa katamaran mo.” May punto naman ito, hindi talaga siya magaling na driver. Dalawang beses siyang nabigo sa driving test sa ibang bansa sa pagiging terible sa driving.
“Fine. Make sure that it’s legal.”
“Damn, hindi ako nagbebenta ng shabu.”
And Randall could say that the long ride is worth it.
//
XVIII
//
May kakaiba sa mga ngiti ni Randall nang umuwi na ito ng bahay.
“Hi,” bati niya rito. Nakapagbihis na rin siya ng pambahay at kasalukuyang umiinom ng tea.
“Hi.” Agad itong naupo sa sofa at tinanggal ang pagkakasuot nito ng vest.
“Kumusta ang lakad?” tanong niya rito sabay sibsim sa chamomile tea.
“It was great. My cousin took me in a shop where they made handmade guitars and discovered that one of the member of a famous chill rock band ordered a guitar in that shop. I got to see some designs which were unique for me. I even like a guitar, an acoustic,” nakangiting pagkukuwento nito. Napalibutan na ito ng mga gitara ay mukhang masayang-masaya na ito.
Naisip tuloy ni Serene kung bakit hindi interesado ang former love nito kapag nagkukuwento ito na may kinalaman sa musika. She didn’t want to see his face glow and looked happy? Lumiliwanag ang mukha nito ngayon, kaibahan dati na nagiging malungkot. Lahat na lang ata ay mai-associate nito ang dating kasintahan sa musika nito kahit maliit lamang ang bahagi na interesado ang huli sa mundo ni Randall.
“High quality ang chords ang ginagamit nila kaya may kamahalan but it was worth it. Sa tantiya ko ay magtatagal ng ilang dekada. Magandang investment para sa mga musikero. Lalo na sa casual na setting.” Dati stoic talaga ang tono ng boses nito, ngayon may kaunting sigla na. Kulang na lang kuminang ang mga mata nito.
“How about gawin mo ring investment?” Interesado rin si Serene na magkuwento pa ito sa lakad nito. Maganda ang ginawa ng pinsan nitong si Lester, nahugot ito sa bahay niya bukod sa pagkuyog niya rito sa palengke at supermarket.
“Naisip ko rin pero wala pa akong plano ngayon. I have to write some letters. Ngayon ko lang naalala. Those letters came from my ex’s friends.” Gumaan na yata ang pakiramdam nito dahil nang binanggit ang former love nito ay wala siyang nakitang lungkot. Masyado yata itong absorb sa natuklasan nito.
“Hindi ko naman pinansin ang letters ko. Ayoko na rin namang bumalik,” tipid ang ngiting banggit niya. “You know, you glowed when you talk about music now. It is such a shame if someone disregard you when it comes to your music. I think you could talk about music all day and I won’t get bored.”
Ang cute nito dahil ang namula ang tainga nito. Napansin niyang namumula ang tainga nito kapag nahihiya ito.
“Ikaw? Kumusta ang pag-aapply?” It was her turn to speak. Dati, ang mga tao ay nagtatanong lang for the sake na may maitanong. Kay Randall, normal na itong magtanong dahil interesado rin ito. He is not pretentious.
“It was great too. I got hired on the spot. I am fit for the position since I know some instruments. Advantage sa akin. Sa katunayan, magsisimula na ako next week.”
“Then I will be alone in this house.” Naging solemn ang boses nito and it reached to her heart. “Wala nang magluluto.”
Okay na sana ngunit humirit pa talaga ito kaya napatawa lang siya. “Ikaw talaga. It is still Monday. May mga araw pa rin magluluto ako dito sa bahay. And also, hindi naman everyday eh may tuturuan ako since di naman regular classes ang pagtuturo ko sa magiging students ko. Bago pa lang ang academy. Kailangan pa ngang i-advertise. Ikaw ha, naging dependent ka na sa mga pagkain ko.”
“Sanay na ako sa luto mo. I have been living here for a month.” Nanlaki ang mga mata ni Serene sa narinig.
“Really? One month na pala. I don’t know, hindi ako nagbibilang.”
Ngumiti ito. “That’s because you enjoyed cooking and baking now that you have someone under your roof.”
“Speaking of, nagluto ako kanina. Fried chicken. I will prepare it for you.”
“No. Ako na.”
//
Hindi iilang beses naisip ni Randall na ang ganda ni Serene sa suot nitong apron. He was ashamed of himself thinking that she looked like a homey wife, waiting for her husband to come. Every time he goes to her house after checking his house, she’s busy with her cooking or baking.
Now, she was cooking for their dinner. Sumulpot ang ulo nito sa pintuan. “Hey, Ran. Puwedeng patulong? My hands are full. I need you to chop the veggies.”
Mula sa pagkakaupo sa dinner chair ay nilapitan niya ito upang tulungan ito sa paghihiwa ng mga gulay. Napansin niyang kakaluto lang ng fried adobo nito at may iba pa itong niluluto.
“Do we have visitors?” he asked while washing the vegetables.
Nakangiting umiling ito. “No. Gusto ko lang magluto. My students are attentive. They are willing to learn how to play piano. I’m eager to teach them. They’re teenagers by the way.”
“That’s great.”
“How about you?”
Oo nga pala. Kahapon, nagkasagutan silang dalawa ni Lester. Nagulat na lang siya na partner na siya sa business na Mang Felipe. Nang makabalik siya kahapon dahil kukuhanin niya ang ni-order ay binati siya ni Mang Felipe at sinabing excited ito sa itatayong branch sa Cebu City. Siyempre, nagulat siya ngunit hindi siya tumanggi rito. He didn’t have the heart to drop the news that didn’t knew it. Only, he knew that Lester set him up.
“I’m entering into a business venture where I sell handmade guitars,” he casually said, eating his chicken. Masarap ang pagkakatimpla nito sa manok.
Nagningning ang mga mata nito. “That’s nice! Do you want to make a handmade guitar?”
Mang Feliper offered him about that but he’s still contemplating it. “I think so.”
“Let’s face it. We are not forever in the music industry. We get older day by day and time will come when we are no longer at our prime. We have to make way for other rising stars. And doing business with handmade guitars and introducing local products seems like a fresh start for you,” may bahid na katotohanang sabi nito. Ito na ang nagsalin ng sabaw sa bowl niya.
Naisip rin naman iyon ni Randall. Isa pa, nawala na ang excitement niya kapag sinasabihan siyang tutugtog siya sa ibabaw ng stage.
“I think I prefer to show my guitar skills in front of a community. Like here, in Golden Valley.” He had a fun when someone asked him to play a guitar for a vintage song when he stayed near the basketball court. Nagkatuwaan ang mga tao doon na itulak siya sa gitna upang tumugtog ng isang gitara. Nag-enjoy naman siya at ilang taon na ba nang maramdaman niyang masaya siya sa tinutugtog niya?
“Even for a cheap talent fee?” Serene tested. Randall chuckled and shook his head in disbelief. Nanatiling nakangiti si Serene.
“I don’t care about that. I have enough savings to last me for the entire lifetime,” he said.
Pabirong napasinghal si Serene. “Wow ha, yabang natin. Sabagay. Did you find it enjoyable? To perform in a common crowd?”
“I did. I did want them to appreciate classical music through my performance.”
“How about we try to play in the middle of an intersection? Ikontrata na lang natin ang traffic enforcer.” Serene grinned at her silly idea and Randall smiled.
Ang totoo, hindi sanay si Randall na may kausap siya tungkol sa musika. Let alone a woman who didn’t even his girlfriend. Dati, nadidismaya na lang siya dahil parang di naman interesado ang ex niya sa mga kinukuwento niya tungkol sa musika.
“Baka kuyugin pa tayo ng mga pulis.”
“Subukan natin. For example, di natin alam na nakakagaan pala ng pakiramdam ang musika natin habang nasa traffic ang mga tao,” kombinsi pa nito sa kanya.
Kung ano-ano na lang ang naiisip nito. Halatang masigla sa trabaho nito. Iba pa rin talaga kapag nakita nila ang purpose nila sa mundo ng musika kahit na hindi na sila actual na nagpe-perform sa stage at sa mga casual listeners ng classic music.
May harinang natira sa noo nito na inalis niya gamit ang mga daliri. Tila nagulat ito sa ginawa niya at napangiti na lang siya.
“Sure. Subukan natin.”
//
Naupo si Serene sa harap ng kanyang piano. Ilang araw na rin niyang sinusubukan ulit na tugtugin ang piano niya. Nakatambay lang ang piano ng ilang buwan bago niya galawin.
She placed her fingers over the keys, closing her eyes while remembering the notes of Canon and Gigue D major.
As soon as she started playing, she was lost, back in another world. The emotions of the past flowed through her. The moment when she pushed herself hard to make her piece beautiful and emotionally-haunting.
Inisip niya ang sariling nasa stage, kaharap ang isang piano at hinayaang kontrolin siya ng musika. Ang melodiya ay tila sumasayaw na lang sa balintataw niya.
When she was finished, there’s tears streaming from her eyes that she brushed off with her fingers.
“Serene.” She turned back and saw Randall holding his guitar. He smiled.
“Not bad. That’s emotional.”
Serene grinned. Coming from a music prodigy, Serene was humbled with his comment. “You played guitar with them?”
Ang tinutukoy niya ay ang mga construction workers.
“Yeah, to ease their stress. It’s effective. They begged for more and I only said that if I played one last time, they would have to pay for my talent fee,” biro nito. He settled on the sofa, hugging his guitar.
Natawa na lang siya. “Ikaw talaga.”
“What are you doing?” Nag-aayos na kasi siya ng mga musical sheets. Nahihiya siyang ipagpatuloy ang pagtugtog niya.
Tinaas niya ang hawak niyang folder na may lamang mga musical sheets. “I have to introduce my students to Bethoveen’s music.”
“And you will play the piano?”
“I have to.” Nag-practice na rin naman siya para naman hindi siya mapahiya sa academy at ng mga students niya. “Dinner time na.”
“How about we eat out?”
Namilog ang mga mata niya. “Now?”
“Yes. I discovered a place.”
Was it a date? She grinned at the thought. “Okay.”
//
XIX
//
They’re a bunch of crazy people and it didn’t matter if people labeled them as insane. There’s nothing normal about being an eccentric artist who wants to show the world how hearts are touched by the beauty of music.
Kinontrata nila ni Randall ang traffic enforcer somewhere sa Colon street upang tumugtog ng musika. Siniguradong hindi sila kukuyugin ng mga pulis.
The sky was cloudy and still at noon, it looked like the sun was setting. Wala na siyang pakialam kung uulan mamaya. It’s now or never. Nagkataon rin na may road repair kaya may traffic roon.
Sinenyasan sila ng enforcer at kaagad tumabi rito. Napapagitnaan nila ang enforcer. May mga taong dumaraan roon ang napatingin sa kanilang dalawa.
Of course, Randall was hugging his acoustic guitar and Serene was holding her violin. Tutugtog sila ng redention ng Runaway ng The Corrs. Serene playfully grinned and Randall just shook his head, thinking that this started from a silly thought.
“Ready?” he asked and she nodded.
She raised her bow and positioned her violin on her shoulder. Itinapat na niya ang bow sa chords ng violin. Siya ang unang sumalang.
From her peripheral vision, she saw some passersby stopped at the sound of her violin.
Sumunod si Randall sa pag-strum ng gitara nito kasabay ang pagkanta nito. He really has a nice voice. A lyrical voice that sounded like a vintage wine.
“Says it’s true, there’s nothing like me and you.” Tumingin ito sa kanya at siya nama’y napangiti habang tinutugtog ang violin.
Ang mga drivers naman ng mga sasakyang na-stuck sa traffic ay ibinaba ang winshield upang makinig sa kanilang dalawa.
May napapasinghap pa ngang mga kakababaihan sa side streets na kinikilig pa yata kay Randall. Paano ba naman kasi, kung makatingin ito sa kanya ay nakangiti at parang siya ang iniibig nito. Nakakadala talaga ito kapag nasa element na ito. Siya nama’y hindi mapakali ang puso. Can’t he stop smiling like that?
“Close the door, lay down on the floor
And by candlelight, make love to me through the night.” It was her turn to sing and match his smile. Kontentong napatango ito.
Ang kaninang magulong traffic na puno ng busina at iritadong boses ng mga drivers dahil may nang-oovertake ay napalitan ng kanilang musika.
Kumulog ngunit hindi sila natinag na dalawa. Napapikit na lang si Serene sa ginawa nitong transition sa sumunod na kanta.
Kulang na lang magsigawan ang audience nila dahil ‘Iris’ ang sunod nilang kanta. It was drizzling now but they didn’t mind. Pati ang traffic enforcer ay wala ring pakialam at nakikinig lamang sa kanilang dalawa.
“And I’d give up forever to touch you
‘Cause I know that you feel me somehow
You’re the closest to heaven that I’ll ever be and I don’t want to go home right now,” pagkanta ni Randall.
Hindi naman pangit ang boses nilang dalawa para umulan. Napangiti na lamang siya nang may bumusinang isang sasakyan dahil hindi na umusad ang nasa unahan nito.
She continued playing the violin while singing the second verse of the song. Napapikit na rin siya sa pagpatak ng ulan.
Nasa element silang dalawa. No one, even the rain and the traffic can stop them from playing their music.
Music transcends time. She remembered her past memories when she played her music. It lightens her mood and sharpens her brain. It can even cure her broken heart. All she needed to do was to play a tune.
When they were finished, they heard some clapping from the audience with their umbrellas. They didn’t mind that they were wet from the rain.
May isang babaeng lumapit sa kanilang dalawa at nag-abot ng isang business card. “Call us if you’re interested to perform in an event.”
//
“That was nice,” Randall exclaimed. Nanatili silang dalawa sa second floor ng isang fast food chain matapos nilang magbihis ng tuyong damit na binili pa mismo nila sa malapit na mall. Nagmukha tuloy silang couple na dalawa dahil sa mint green sweater nilang suot at denim jeans.
“Yes, satisfying. Sabi ko naman sa iyo ay magugustuhan nila ang boses mo. Kung hindi ka classical guitarist, baka isa ka ng singer.”
“If you didn’t pursue classical music, maybe you are a singer-songwriter.”
And they both grinned. Kapwa sila um-order ng soup. Umuulan pa rin at naghintay lamang sila doon upang humupa kahit papaano ang ulan.
“Nakakatuwa no? Ang mag-perform sa hindi inaasahan lugar. And look at this, may gig na tayo.” Iwinagayway pa niya ang business cards na natanggap nilang dalawa sa mga taong nakakinig pala ng performance nila.
“You’re excited.” He grinned, crossing his arms.
“Of course, it would be an honor for me to have a duet again with you. I’m the luckiest fan on earth. Nakatira pa sa bahay ko.” Tuluyan na itong natawa sa hirit niya at natawa na rin siya sa kalokohan niya. Totoo naman na masuwerte siya pagkat kasama niya ito.
“Just not in a bar.”
“Anong meron sa bar?” she curiously asked.
“I had a bad experience and I don’t want to elaborate on it.” Napanguso siya.
“Then, I will contact one of these later. Payag ka ba na mababa talent fee mo?” Binibiro talaga niya ito pagdating sa talent fee nito.
Mataman lang siya nitong tiningnan. “I told you that I am fine with anything. Just don’t lower it more. I have pride, you know.”
Natawa na lang siya sa pahabol nito.
//
Time flies so fast, kaunti na lang ay matatapos na ang bahay ni Randall. At lilipat na ito roon, at wala na siyang kasama sa bahay. Wala na siyang pagsisilbihan. Napanguso siya nang maalala ang panunukso ni Mallory na masyado na siyang nawili na pagiging ‘maybahay’ ni Randall. Tinukso lang siya ng Golden Valley girls at buti wala sa vicinity ng court ang Golden Valley boys. Nakakahiya sa mga ito.
Naglilinis si Serene sa mini-bar nang lumabas si Randall na bagong ligo. Nakabagsak ang basang bangs nito sa noo. Lumingon ito sa kanya, ngumiti at hinawi ang bagsak nitong bangs gamit ang mga daliri nito.
He was so handsome that she held tight on the high stool.
“Ako na ang magluluto ng breakfast. You taught by just simply watching you.”
Nanonood itong magluto siya? Masyado siyang absorb sa ginagawa kaya hindi niya ito napapansin. Namula tuloy siya at napaiwas ng tingin. “You can.”
“Okay. Wala kang request?”
Umiling siya. “Just fried egg na lang,” kaswal niyang sagot rito.
Tinungo na nito ang kusina nang bumuga ng hangin si Serene. Naipilig niya ang ulo. “Bakit gumuwapo ang isang ‘yon? Nakakaguwapo ba talaga kumain na ng maayos at di puro instant?”
Nagpatuloy lang siya sa paglilinis hanggang sa tawagin siya ni Randall upang mag-breakfast sa may patio. Maaliwalas ang panahon at katamtaman lang ang init ngayong umaga. Refreshing.
Bacon strips, sunny side-up at chorizo ang nakahanda roon at nasa plato na nilang dalawa ang sinaing niyang kanin. Dati, laging bread or baguette ang kapiling niya at coffee. Nagbago na ang breakfast nilang dalawa, naging kanin na.
“Wow. Thanks rito,” nakangiting sambit niya rito nang makaupo na.
“For a change.” Wala naman siyang reklamo kung siya ang maghahanda ng pagkain para sa kanilang dalawa.
They were eating their breakfast when a silly thought came to Serene’s mind. Did she really want to do it now? Randall was completely oblivious to what she would do now.
Lihim siyang napangiti. Siyempre, hindi niya maiwasang kabahan sa ideyang pumasok sa isip niya. Paano kung magbago ang pagtingin nito sa kanya? Baka umiwas pa nga. Pero ilang buwan na rin naman ang natira bago ito lumipat sa bago nitong bahay.
Uminom muna ng tubig si Serene upang kumalma naman siya kahit papaano.
Randall was currently munching on his bacon strips when she put down her glass. Napalakas yata ang pagkakalapag niya kaya natigil si Randall, nagtatakang napatingin sa kanya.
Wala ng urungan ito. Gusto lang naman niyang malaman nito ang totoo niyang nararamdaman para rito.
“I think I like you.” He blinked at her words. Napanganga pa ito. “No. I like you.”
There she said it. Tila may isang malaking tinik ang bumunot sa kanya.
Inihit tuloy ito ng ubo sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya. “Tell me you are joking.” Kabadong natawa ito.
Serene put a little smile on her face. “I didn’t.” Niligpit na niya ang pinagkainan niya.
Bago pa man niya ito iniwan ay humabol ito ng tanong.
“Why do you act like that?”
“Like what?” Hindi ba nito nakikitang nanginginig ang mga kamay niya at kasalukuyang kumakabog ang dibdib niya. Napangiti na lamang siya. “Life is short, Randall. Who knows, I die tomorrow and I will regret not saying my feelings,” she simply added.
//
XX
Last chapter . . .
//
The days later felt like normal, like Serene didn’t confess to him. He’s acting cool about it. Well, outwardly he looked cool but he’s a riot sometimes when she’s around. Even before. He was just afraid to admit that he’s comfortable with himself when she’s around.
It was late at night now. Hindi siya dinadalaw ng antok, hindi dahil sa nakaraan niya kundi sa confession ni Serene kaninang umaga. She acted like nothing happen and casually smiled at him. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Inimbita niya ang sarili sa verandah nito kung saan kumakain ito ng potato chips mag-isa. “Hindi ka man lang nagyaya sa akin?”
Napatingala ito sa kanya. Naliliwanagan ang cute nitong mukha sa buwan. Maamo ang mukha nito at nakakaakit ang light hazel eyes nito. Attracted siya sa mga mata nito. Hindi siya magsasawang titigan ang mga mata nito lalo na pag nasisilawan ito ng sinag ng araw.
“I thought you are asleep. Nagkulong ka na naman sa kuwarto mo.” Nang maupo siya ay nagsalita na naman ito na ikinatameme niya. “I am not waiting for answer. I just want you to know my feelings for you. There’s no need for reciprocation.”
She said it nonchalantly and Randall couldn’t contain himself and laugh. Ang tahimik na gabi ay nabasag sa malutong niyang tawa. “Ibang klase ka. You said like it was the usual word you uttered everyday.”
Sinamaan lang siya nito ng tingin. “Sinabi ko na dati, di ba? Life is short. I just can’t keep this for a long time. And we are in the reality. I don’t need some grand gestures to show you I like you.” Kahit madilim ay nakikita niyang namumula ang mukha nito. “Oh please, don’t make me repeat that word.”
“What? That you like me?” He was flattered of course but more than that, he just was not ready to admit it. Maybe, if he’s ready to face the past. “There’s no such way I will not reply.”
“Sinabi ko na. Hindi ako umaasang may katumbas na reciprocation ang sinabi ko,” giit nito, iniwas ang tingin.
“But I want to.” Aminado na rin naman siya na sanay na siya na nakikita ito lagi. Paggising pa lang sa umaga at naamoy na niya ang luto nito. “I will fly to London next week,” he announced.
“Really? Babalik ka na?” She sounded sad but she tried to be happy about it. Umiling si Randall.
“I am not. I will just face our friends for the last time and I will proceed to my new business venture. I’m planning to hit it internationally.”
//
“Hey, what’s with your long face?” Juliet asked.
“Hindi pa kasi umuwi ang palalabs niya. Nasa London pa,” panunukso pa ni Mallory sa kanya na umiinom pa ng juice.
“Bakit wala ka pa sa Manila? Di ba may shoot ka pa sa telenovelang kontrabida ka?” saway niya rito.
Nagkampo na naman ang mga ito sa bahay niya.
“Hello? Vacation ko pa at kaunti lang naman ang scenes ko since magtatapos na ang drama namin. May offer na nga eh, as usual kontrabida na naman ang Lola mo.” Mallory rolled her eyes. “Pati ang Glimmer Ent, sawang-sawa na sa role kong iyon.”
“Edi tanggihan mo,” hirit ni Marion na ang red velvet cupcakes ni Serene ang pinagdiskitahan. “Sawa na rin naman akong makitang ikaw ngumungudngod sa co-actress. Gusto kung makita ikaw naman ang nilulublob sa putikan.” At ginaya pa ni Marion ang tawa ni Mallory sa teledrama nito. Tinapunan lang ito ng straw ni Mallory.
“Nasaan si Autumn? Kulang ng matino rito.” Ngumisi lang ang tatlong bruha.
“Nasa Manila. May dinaluhan na fashion show ng kakilala lang niya fashion industry. Mabuti na rin, hindi iyong naglulungga lang siya sa bahay niya,” bigay-paalam ni Mallory.
“I think he likes you too,” sulsol naman ni Juliet. Serene rolled her eyes.
“Sorry, ubos na ang stocks ko. Mag-grocery pa ako mamaya. Sinong gustong sumama sa akin?”
Nagpasahan lang ang tatlo na hindi na niya ikinagulat. “Fine, ako na lang. At wag ka nang magsalita, Julieta. Kulang ka lang sa Romeo.”
“Ikaw lang kasi ang babaeng nakakasama niya. Nahihiya pa nga siya sa amin at parang ilag pa. Ikaw lang ang nakakabasag sa Berlin wall niya.” Natawa lang ang mga ito sa term na ginamit ni Juliet.
“I am not in a rush and he’s still here. It will took years and feelings changed, who knows I will found someone.” But Serene knows herself, as long as she sees Randall everyday. Hindi maglalaho ang nararamdaman niya para rito na akala mo ay nag-flush lang siya sa toilet bowl. Napangiwi siya sa analogy niya.
//
Dumating na si Randall at tulog pa siya nang makarating ito disoras ng gabi. Nakita niya ito sa sala, natutulog at nasa tabi lang ang maleta nito. Nakarinig kasi siya ng kalabog hanggang sa nilamon na siya ulit ng antok.
Kaya nagluto muna siya ng breakfast. Nagtimpla siya ng kape para riot. He stirred from his sleep.
“Hi. Good morning,” bungad niya rito. Inilapag niya sa wooden table ang kape nito na sinamahan niya ng pandesal na siya mismo ang nag-bake kaninang umaga. “Jet lag?”
“From London. Connecting flights. Sumasakit ang ulo ko.” Hinilot nito ang sentido nito.
“Magpahinga ka muna.” Hinayaan niya itong uminom ng kape habang siya na ang nag-ayos ng maleta nito’t ibinalik ang mga damit sa closet nito. Nakakapasok naman siya sa kuwarto nito na may permiso rito. Minsan nga eh hindi lalo na pag ginigising niya ito upang samahan siya sa palengke o sa supermarket.
Makalipas ng ilang oras at naghahanda na siya ng lunch nila ay lumabas na ito ng kuwarto nito na bagong ligo lang. Tila nakatira na talaga ito sa kanyang bahay, accustomed na sa pasikot-sikot ng bahay.
She was preparing the food on the table. Sa patio na naman sila kakain. Maganda kasi ang ambience roon at cloudy ang panahon, tamang-tama lang para sa outdoor lunch. Dalawang klase ng adobo ang hinanda niya, fried adobo na baboy at adobong manok na may kaunting sabaw. Law-uy naman ang sabaw nila, pambalanse sa ulam nila.
“Good afternoon.” Dumulog na ito sa mesa na may dalang European chocolate. “Pasalubong.”
“Thanks.” Siya na ang nagsalin ng manok nito, gusto nito ang wings at siya naman ay drumstick. Pawang mga paboritong pagkain nito ang nakahanda.
Randall sighed happily at the food he’s seeing. “Dalawang araw lang ako doon pero isang nawala lang ako ng isang buwan. Nagsawa na kaagad ako sa mga pagkain roon. Iba pa rin ang lutong-bahay.”
“Nasanay ka na sa luto ko ah. Hanap-hanapin mo na ito once na settled ka na sa bahay mo.”
“Magkapit-bahay lang naman tayo,” he grinned. Nakangiting napailing-iling na lang si Serene.
Habang kumakain silang dalawa ay ito ang nagbukas ng topic.
“Nagkita kami ng bestfriend ng ex ko sa sementeryo. She was surprised because she didn’t expect me to go back in London. After all these years, ngayon lang ako nakabalik roon,” pagkukuwento nito. Hinimay nito ang chicken wings. “We talked about the usual. Career. Personal. I don’t know why, I told her about you. And then she mentioned Imogen.”
Imogen ang pangalan ng ex-girlfriend nitong wala na sa mundo. “She told me about Imogen’s secrets I didn’t know.”
Of course, she was happy that he mentioned her to someone, but she didn’t want to expect anything.
“She told me that Imogen cheated on me. Twice while we were in a relationship.”
Napasinghap siya, covering her mouth from the revelation. She did cheat on him two times? Why? She stared at Randall in disbelief.
Wala siyang nakuhang reaksiyon mula sa Randall. Hindi ito apektado. “Of course, I was surprised but only for a few seconds since I remembered a period where Imogen rarely contacted me. And her bestfriend even said that she’s going to break up with me and go with her fling. The fact that she no longer loved me when we were driving to our future house surprised me. Even before, I sensed that she’s not the same anymore. I was just pushing myself.”
“How do you feel when she informed you about it?” tanong niya rito sapagkat curious siya kung ano ang nararamdaman nito.
“One thing for sure, I am not devastated. It felt like it was news from a long time ago. Nasorpresa rin ako na parang wala na sa akin. I think I moved on from that part of my life. My feelings for him. All that’s left was the guilt. Her family blamed me and I blamed myself.”
“Wala namang gustong mangyari iyon, Randall.” Marahan itong tumango, naging malamlam ang mga mata.
“Now, I don’t want to look back. I don’t care if she had two secret flings while we’re in the relationship. May pagkukulang rin naman ako,” pag-amin nito at uminom ng tubig. “Now, for certain matters. I want to talk about it. Later. Wala kang work ngayon?”
“I have no class for today, Randall.” Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya sa paraan ng pagtingin nito. Oo, at malapit nang matapos ang bahay nito. Gusto na ba nitong umalis sa bahay niya?
Niligpit na nilang dalawa ang pinagkainan nila at nagprisinta si Randall na ito ang maghuhugas ng pinggan. Inayos niya ang sarili niya at ni-rationalize ang sasabihin mamaya ni Randall. Masyado siyang advance. Ire-reject ba siya nito? Napangiwi na lang siya. Kung kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya ay wala siyang magagawa sa desisyon nito.
After hours of cleaning and decluttering her room, Randall showed up. Nagulat na lang siya sa biglaang pagsulpot nito. She was arranging the books in a shelf, just outside her room. “You scared me.”
Tiningnan lang siya nito. “It’s because you think too much. Just relax. Follow me to the patio.”
Sa patio sila mag-uusap na dalawa. Hinamig ni Serene ang sarili niya. Malaki ang chance na baka nga, i-reject siya nito. Pinagpapawisan tuloy siya ng malamig. Nang makarating sila sa patio ay napansin ni Randall ang panginginig ng mga kamay niya kaya hinawakan nito iyon. Mainit ang mga kamag nito at namula siya sa pagkakalapit nilang dalawa.
“You can help me with the interior in my house,” he gently said, squeezing her hands.
“Ha?” Natulala siya rito. Hawak nito ang mga kamay niya at hindi siya makapag-concentrate.
“I said, you can help me designing the interior of my house.” There was an amusement in his eyes as he stared at her like she’s the only lady in the world for him. Pakiramdam niya, gusto niyang magsasayaw upang maibsan ang kaba sa puso niya.
“You didn’t get it?” he asked. Naniningkit ang mga mata nito sa tuwa sa kanya. Mukha ba talagang katawa-tawa ang hitsura niya. “I was practically telling you that you are welcome to my house. Welcome to my life. I am welcoming you to my life.”
Nagningning ang mga mata ni Serene. Ang saya-saya niya ngayon, ang kaba niya na puno ng pangamba ay napalitan ng saya. Malawak ang mga ngiti niya at kulang na lang ay matawa siya sa saya.
“Are you aware that I like staring at your eyes?” he asked, softly. Ito ang humawi sa strands ng buhok niyang nilipad ng hangin.
“Yes.” Hindi ito mangingiming salubungin ang mga mata niya at doon lang nakatitig. She knew that she has a rare pair of eyes in the country. May iba pa ngang nasosorpresa pa rin sa kulay niyon.
“I can’t say that I’m the same to you but trust me, I’m in the process. And I think I’m almost there. I’m used to seeing you every morning, the taste of your cooking and your baked goods, and your eyes. I love staring at it.”
She’s not in a rush and she’s happy that he gave her a chance to get to know him better. No walls. Just being real and honest to each other and she was willing to be his partner. “There’s no going back. I will help you design your house.”
“Sa ngayon, eto na muna.” He raised their clasped hands.
“I have something to tell you.”
“What is it?”
“The suspect showed himself. His conscience dawned on him because there’s an innocent woman who will go to jail because of his sin. But it was too late, I spent days in jail while I’m on trial,” pag-amin niya rito.
Si Randall na mismo ang yumakap sa kanya. “I will be here for you.”
“And I am for you too. Let’s create music again.”
“Let’s create music again.”
//
This was an important event for both of them. They were on a stage performing an original music they collaborated on for months. The melodies at first were composed of sad emotion and longing.
Business summit ang event at kadalasan sa mga nandoon ay mga movers at shakers. Mga prominenteng tao sa iba’t ibang larangan.
Serene was playing the piano and Randall was playing his classical guitar. Their outfits are night and day. Serene was wearing a black dress while Randall was wearing a white suit, designed by their pretty neighbor, Autumn.
Her pulse began to pound for anticipation, and Serene could feel the haunting of emotions through Randall’s music. When they were practicing, he overpowered her but now, he’s matching her skills.
The next transition brought an acceptance and a feeling of guilt. A crescendo of conflicting emotions. They even had the lyrics but they opted for instrumental. There were people gathered at the foot of the stage.
Then, a wistful feeling of looking back to their past filled with good and bad memories. The past they would leave and create new memories. Serene smiled at that thought while humming the melodies as she pressed on the keys.
The ending part was the happiness and the acceptance of the tragedy they went through in life.
When their music ended, the clapping from the crowd brought them back to reality.
Sabay silang nag-bow at niyakap siya pagkatapos ni Randall. They were almost crying, hugging each other.
And finally, they are home in each other’s arms. They will welcome their new life, together, in good and bad, in tears and laughs. As long as they are with each other.
//